You are on page 1of 8

Edukasyon sa

Pagpapakatao 10
Paggalang sa Buhay
Layunin:

1. Naipaliliwanag ang paggalang sa buhay sa pagsagot sa


mga sitwasyong may kaugnayan sa aralin.

2. Nakabubuo ng mapanindigang posisyon sa mga isyu


tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral
na batayan.

3. Nabibigyang halaga ang paggalang sa buhay.


Bakit mas mataas ang pagpapahalagang
ibinibigay sa buhay ng tao kung
ikukumpara sa buhay ng ibang nilalang?
Ano kaya ang malalim na kadahilanan?
Ano-ano ang mga patunay at mga
batayan na sumusuporta sa pahayag na
“ang buhay ay sagrado”?
Pro-Life
Sa posisyong ito ay tinatalakay ang
pagkakaroon ng karapatan sa buhay ng
sanggol na hindi pa naisisilang.
Nangangahulugang pagkitil ng buhay ang
aborsyon at paglabag sa utos ng Diyos na
bawal pumatay.
Pro-Choice
Sa posisyong ito ay pinaninidigan ng mga may
adbokasiya ang mga sumusunod:
1. Hindi pa ganap na tao ang fetus.
2. May mga pagkakataon na nalalagay sa panganib
ang buhay ng ina o may banta sa kalusugan tulad
ng hypertension o may sakit sa puso ang ina at
kinakailangang mamili kung sino ang dapat
mabuhay.
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, kadalasan
ay may parehong mabuti at masamang epekto
ang anumang kilos ng tao kaya nararapat
lamang isa-alang- alang ang bawat epekto. Ito
ang tinawag na Prinsipyo ng Double Effect na
matatagpuan sa kanyang sinulat na “Doctrine
of Double Effect.”
Mga kundisyon na dapat isa-alang-alang upang makapili ng
kilos sa sitwasyong kailangang gamitin ang Prinsipyo ng
Double Effect.
a. Layunin ng kilos na nararapat na mabuti.
b. Masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit
bunga lamang ng naunang kilos na may mabuting layunin.
c. Mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan
ng masamang kaparaanan.
d. Kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatwirang
dahilan upang maging katanggap-tanggap ang masamang
epekto.

You might also like