You are on page 1of 14

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan: Baitang at Pangkat:


Paaralan: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan- Ika-apat na Linggo
Paggalang sa Buhay

I. Panimula
Ayon sa lumang awiting “Mahiwaga ang buhay ng tao”, maituturing na
sagrado ang buhay sapagkat ito ang pinakamahalagang handog sa atin ng
Diyos kaya’t nararapat lamang na ito ay pahalagahan at ingatan bilang
pinakamagandang regalo na tinanggap ng tao.

Ito ang pahayag na madalas na ginagamit bilang argumento sa isyu ng


buhay tulad ng ipinagbabawal na gamot at alak, aborsyon, pagpapatiwakal o
suicide at euthanasia o mercy killing. Bakit mas mataas ang pagpapahalagang
ibinibigay sa buhay ng tao kung ikukumpara sa buhay ng ibang nilalang?
Ano kaya ang malalim na kadahilanan? Ano-ano ang mga patunay at mga
batayan na sumusuporta sa pahayag na “ang buhay ay sagrado”?

II. Kasanayang Pampagkatuto


1. Napangngaangatwiranan na:
a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ito ay hindi mapapahalagahan
ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay.
b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob
ng Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa
kanyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang
nilalang ng Diyos. (ESP10PB-IIIc-10.3)
• Nakabubuo ng mapanindigang posisyon sa isang isyu tungkol sa
paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan.
(ESP10PB-IIIc-10.4)
II. Mga Layunin
Pagkatapos ng Gawaing Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. maipaliliwanag ang paggalang sa buhay sa pagsagot sa mga sitwasyong
may kaugnayan sa aralin; at
2. makabubuo ng mapanindigang posisyon sa mga isyu tungkol sa
paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral na batayan.

III. Pagtalakay
Nilikha ang tao ayon sa wangis ng Diyos at ang wangis na ito ay
nangangahulugan na ang buhay ng tao ay dapat na laging tratuhin nang may
dignidad at paggalang. Ang tanging dahilan sa kasagraduhan ng buhay ay
maiaakma sa sangkatauhan dahil sa katotohanang nilikha tayo ng Diyos at
ibinukod sa lahat ng iba pang anyo ng may buhay. Dahil sa kasalanan,
nababawasan ang ating dignidad bilang mga nilikah ng Diyos, subalit sa
kabila ng ating pagkakasala , ang wangis natin ay katulad pa rin ng sa Diyos
sapagkat mas matimbang pa rin ang pag-ibig Niya sa atin at maarin nating
maipanumbalik ang nasirang dignidad kung tayo ay babalik muli sa Kanya.

Isa ang kasagraduhan ng buhay sa mga aspeto na dapat magtulak sa


atin upang bantayan ang lahat ng anyo ng kasamaan, kawalan ng katarungan
na ginagawa laban sa buhay ng tao at mga isyu tungkol sa buhay tulad ng
paggamit ng bawal na gamot, alkoholismo, aborsyon, pagpapatiwakal at
euthanasia (mercy killing).

Isang halimbawa ng isyu sa buhay ay may malaking pinagkukunan ng


argumento ay ang aborsyon. Maraming salik ang dapat isa-alang-alang kung
ito ay karapat-dapat gawing legal ngunit lumalabag sa moral na batayan.

Mga salik na dapat isa-alang-alang sa isyu ng aborsyon. Ito ang


nagbibigay daan upang magkaroon ng dalawang magkasalungat na posisyon
ang publiko.
1. Pro-life at Pro-choice.
a. Pro-life- Sa posisyong ito ay tinatalakay ang pagkakaroon ng
karapatan sa buhay ng sanggol na hindi pa naisisilang.
Nangangahulugang pagkitil ng buhay ang aborsyon at
paglabag sa utos ng Diyos na bawal pumatay.
b. Pro-choice-. Sa posisyong ito ay pinaninidigan ng mga may
adbokasiya ang mga sumusunod:
1. Hindi pa ganap na tao ang fetus.
2. May mga pagkakataon na nalalagay sa panganib ang buhay ng
ina o may banta sa kalusugan tulad ng hypertension o may
sakit sa puso ang ina at kinakailangang mamili kung sino ang
dapat mabuhay.
2
Kinakailangan din bigyang pansin ang mga uri ng aborsyon at kung ano
ang magiging posisyon ng kinalabasan ng desisyon. Natalakay ang mga ito sa
mga nakaraang paksa patungkol sa buhay. Ano ang layunin ng kilos, anong
pamamaraan ang isasagawa at sirkumstansyang haharapin at ang
kalalabasan o kahihinatnan ng kilos.

Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, kadalasan ay may parehong mabuti at


masamang epekto ang anumang kilos ng tao kaya nararapat lamang isa-alang-
alang ang bawat epekto. Ito ang tinawag na Prinsipyo ng Double Effect na
matatagpuan sa kanyang sinulat“Doctrine of Double Effect.”

Mga kundisyon na dapat isa-alang-alang upang makapili ng kilos sa


sitwasyong kailangang gamitin ang Prinsipyo ng Double Effect.

a. Layunin ng kilos na nararapat na mabuti.


b. Masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga
lamang ng naunang kilos na may mabuting layunin.
c. Mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng
masamang kaparaanan.
d. Kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatwirang dahilan
upang maging katanggap-tanggap ang masamang epekto.

Ayon kay Santo Papa Francisco ng Roma, “Ang buhay ng tao ay


napakahalaga kahit na ang mga pinakamahihina at madaling matukso, mga
maysakit, matatanda, mga hindi pa isinisilang at mahihirap, ay mga obra ng
Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay
magpakailanman, at karapat-dapat ng mataas na paggalang.”

Sa mga pahayg ng Santo Papa, ang dignidad ng tao ang kanyang lubos
na tinutukoy at ito ay umiiral sa pangkalahatan, nangangahulugan na ito ay
taglay ng bawat tao. 1Ito rin ang dahilan kung bakit nararapat lamang na
igalang at pahalagahan ang bawat isa. Anuman ang katayuan sa buhay, anyo,
gulang at antas ng kalinangan at kakayahan, bawat tao ay may dignidad.

Ang pagkakaroon ng dignidad ng bawat tao ay isang maliwanag na


batayan na obligasyon o responsibilidad ng bawat isa na igalang ang sariling
buhay at buhay ng kapuwa. 2Ang buhay ay isang napakagandang biyaya
sa atin ng Maykapal at nararapat lamang na ito’y pangalagaan at gamitin sa
mabuting pamamaraan.

Ngunit hindi natin maitatanggi na karamihan sa mga tao ay taliwas sa


kabutihan ng buhay ang kanilang ginagawa na nakaaapekto sa dignidad ng
buhay. Hindi lahat ay lubos na nauunawaan, naisasapuso at napaninindigan
na sagrado ang buhay at nararapat itong pangalagaan.

3
Sa pananaw ng iba’t ibang relihiyon, ang buhay ay sagrado na kaloob
ng Diyos. Maituturing na maling gawain ang hindi paggalang sa kabanalan
at dignidad ng buhay dahil ito ay indikasyon ng kawalan ng pasasalamat at
pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos.

Maigting pa rin na pinaniniwalaan na ang kabutihan ay taglay ng bawat


nilalang at may likas na kabutihan. Maaaring sabihing may karapatan at
kalayaang pumili para sa sarili, inaasahan pa rin ang pagiging mapanagutan
ng bawat tao sa kanyang sarili at sa bawat pagpapasya at pagkilos na
kanyang isinasagawa. Anumang impluwensiya ng kapaligiran at ng
teknolohiya, nararapat lamang na maging mapanuri at maingat sa paggawa
ng pasiya upang makabuo ng tamang posisyon at magkaroon ng
paninindigan tungkol sa mga isyung moral ng buhay.

IV.Mga Gawain
Gawain # 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod. Ayon sa ating talakayan, masasabi mo ba
na ikaw ay may pagpapahalaga sa buhay? Lagyan ng tsek ang iyong sagot.
Maging tapat sa iyong mga kasagutan.

Palagi Minsan Hindi kalian man


Katangian
(1) (2) (3)
Pagtulog ng wala sa oras dahil sa
pagseselpon.
Pag-inom ng softdrinks at pagkain ng
junk foods.
Pagbabaliwala sa mga pulubi o mga
taong nagugutom kahit na ikaw ay
mayroong maibibigay.
Pagsang-ayon sa mercy killing o
Euthanasia.
Paninigarilyo bilang pampaalis ng
tensiyon.
Pag-inom ng nakalalasing na inumin
upang maging parte ng samahan.
Sobrang paglalaro ng online games.
Pisikal na pananakit sa mga taong
kinaaasaran.
Paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Pananakit ng sarili upang maibsan
ang sakit ng loob o hinanakit.

4
Pamantayan ng Iskor o Marka

15-10- Ikaw ay may pagpapahalaga sa buhay


5-9- Nangangailangan ng paglinang.
0-4-Walang pagpapahalaga sa buhay.

Gawain # 2:
Panuto: Sagutin ang mga katanungan ayon sa napag-aralan.

I. Magbigay ng mga paraan kung paano mapangangalagaan ang buhay (2


puntos sa bawat paraan).

a.

b.

c.

d.

e.

II. Magtala o maglahad ng isang sitwasyon o pangyayari na kung saan


naipakita mo ang pagpapahalaga sa buhay (10 puntos).

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

5
Gawain #3
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon at sagutin ang mga katanungan.
Gamiting gabay ang rubrik.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN NAKUHANG


PUNTOS
Pamantayan PUNTOS
Sapat at akma ang nilalaman ng mga kasagutan. 15
Maayos ang organisasyon ng mga ideya at 10
kalinisan sa pagkakasulat.
Wasto ang pagbaybay at gramatika. 5
Kabuuang Puntos 30

1. Pamilyar kaba sa mga taong grasa? Sila ay ang mga taong nakikita natin na
naglalakad sa daan na tila walang patutunguhan, tila hindi alam o walang
pakialam sa mga nangyayari sa kapaligiran, minsan ay nakikita din natin
sila sa social media, katulad sa telebisyon, facebook o maging sa youtube,
may mga nagpopost na tumutulong ang dinadala sa shelter na kung saan
sila ay maaalagaan o may mga taong kumukupkop sa kanila o may mga tao
naming pinagdidirihan sila o kinakatakutan o pinagtatawanan, o
kinukutya. Sila ay mga tao din katulad natin na may karapatang mabuhay
at igalang. Bilang kabataan paano mo mapapakita na may halaga o
pinapahalagahan mo din ang buhay ng mga taong nabanggit.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Hindi na natin mabilang ang mga krimen na napapabalita sa ngayon. Sa


kabila ng ating sitwasyon, may mga tao na dahil lamang sa hindi
pagkakaintindihan ay kumikitil ng buhay ng iba upang maipakita lamang
na may kapangyarihan sila. Masasabi mo ba na makatarungan ang
ginagawa ng mga taong kumikitil ng buhay dahil lamang sa hindi
pagkakaintindihan? Ipaliwanag ang sagot.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

6
3. May mga pagkakataon na naririnig natin sa balita o maging sa social
media katulad ng facebook ang mga kabataang nagpapatiwakal sa iba’t
ibang mga dahilan, mayroong dahil sa depresiyon, dahil sa pagkasawi sa
pag-ibig o mayroon namang dahil kulang sa pansin o dahil sa pag- aaral,
mga iba’t ibang dahilan na hindi nakayanan ng mga kabataang katulad mo
kaya’t sumuko na lamang. Bilang kabataan, ano ang dapat gawin sa
pagharap sa hamon ng buhay?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Ayon sa pag-uulat mayroon na naman bagong variant ng Covid na kung saan


sinasabing mas delikado kaysa sa naunang Covid dahil dito mas naging
mahigpit ang gobyerno sa paglabas at pagpasok ng bansa at dahil din dito
ay minadali ang pagpapalabas ng vaccine para sa Covid 19. Bagamat marami
ang hindi sang-ayon at ayaw magpavaccine ang mga kababayan natin na
nagtatrabaho sa ibang bansa ay isa sa mga binigyan nito. Ano ang iyong
opinyon sa nasabing pagpapavaccine ng ating mga kababayan sa ibang
bansa sa ayaw o sa gusto man nila? Ipaliwanag ang sagot.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Isa sa mga tinututukan ng mga nagiging presidente ng ating bansa ay ang


isyu sa droga. Maraming mga krimen ang idinudulot nito at may
mga kabataan din na napapariwara, dahil dito napabalita ang sunod sunod
na pagpatay sa mga taong pinaghihinalaang kasangkot sa droga. Marami
ang umalma dito, may mga sang-ayon at mayroon din naman hindi. Kung
ikaw ay tatanungin sang-ayon ka ba sa pagpatay ng mga kasangkot sa droga
kahit pinaghihinalaan pa lamang o kahit may katunayan na? Ipaliwanag
ang sagot.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

7
Gawain #4
Panuto: Sumulat ng isang position paper na maglalahad ng iyong sariling
opinyon o pananaw sa mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at
kasagraduhan ng buhay. Sundin ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa
kahon sa ibaba.

I. Pamagat
II. Panimula
A. Pagpapakilala ng paksa
B. Ang sariling pananaw sa isyu.
III. Mga Argumento sa isyu.
a. Buod ng mga argumento
b. Mga impormasyong sumusuporta sa argumento
c. Mga ebidensiya para sa mga argumento
IV. Ang sariling pananaw o posisyon sa isyu.
V. Konklusiyon
VI. Sanggunian o Batayan (Pinagkuhanan ng impormasyon)

8
Gawain #5
Panuto: Sumulat ng isang Slogan na pastungkol sa pagiging sagrado ng buhay.
Rubrik sa paggawa ng Islogan

10 7 4 1
Nilalaman Ang Di gaanong Medyo Walang
mensahe ay naipakita magulo ang mensahe
mabisang ang mensahe ng
naipakita mensahe. naipakita
Pagkama- Napakagan Maganda at Maganda Malabo
likhain daat malinaw ngunit di ang
napakalina ang gaanong pagkakas
w ng pagkakasul maganda ul at
pagkakasul at ng mga ang ng
atng mga titik. pagkakasul mga
titik . at ng mga titik.
titik.
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi
malinis ang pagkabuo. malinis ang ang
pagkabuo. pagkabuo. pagkabuo.

9
VI. Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay ang “prinsipyong ipinapairal sa mga sitwasyong parehong may


epekto sa kilos na gagawin ng ina sa bata”.
A. prinsipyo ng double effect
B. prinsipyo ng double season
C. prinsipyo ng double merit
D. prinsipyo ng double action

2.Ang mga sumusunod ay hindi maituturing na mabuting layunin ng


pagpapalaglag maliban sa isa.
A. paglilimita ng paglaki ng pamilya
B. pagkakaroon ng problema sa kalusugan
C. pagpapanatili ng hubog ng katawan
D. pag-iwas sa kahihiyan dulot ng di-inaasahang pagbubuntis

3. Ito ay isa sa mga paraan upang mapigilan ang pagpapakamatay o suicide.


A. isipin ang mga bagay na nagpapalungkot sa iyo
B. ipilit ang sarili sa mga taong ayaw sa iyo
C. pakialaman ang problema ng iba
D. maging positibo sa buhay

4. Iba pang tawag sa Euthanasia.


A. assisted suicide
B. mercy killing
C. voluntary suicide
D. involuntary suicide

5. Ang bawat tao, may kapansanan man o wala, ay maaaring makapagbigay ng


kontribusyon at makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan.
A. Tama, Dahil ang bawat isa sa atin ay pantay-pantay.
B. Tama, dahil parte sila ng lipunan.
C. Mali, dahil mga taong walang kapansanan lamang ang
tinatanggap at pinapakinggan sa lipunan.
D.Mali, dahil limitado lamang ang magagawa ng mga taong may
kapansanan.

6. Ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa bawat isa.


A. bahay
B. buhay
C. ari-arian
D. magulang

10
7. May malaking impluwensiya sa bawat kilos at desisyon na isinasagawa sa
pang araw-araw na buhay.
A. katalinuhan, pag-ibig, kalayaan
B. kalayaan, pamilya, isip
C. isip, kilos-loob, kalayaan
D. isip, problema, desisyon

8. Ito ay isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng isa o higit pang


mga panig o posiyon na magkasalungat at nangangailangan ng mapanuring
pag-aaral upang malutas.
A. mga balita sa kasalukuyan
B. personal na problema
C. isyu ng buhay
D. kuro-kuro o opinyon
9. Ito ay itinuturing na banal at sagrado.
A. buhay
B. pamilya
C. lipunan
D. simbahan
10. Ito ay mga epekto ng paggamit ng droga maliban sa isa.
A. pagkasira sa kinabuksan
B. paggawa at pagtaas ng krimen
C. nagpapahina sa tao
D. nagdudulot ng tagumpay sa buhay ng tao

VII. Pangwakas/ Repleksyon


Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Gumamit lamang ng tatlo
hanggang limang pangungusap sa pagsagot.
MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman 10 puntos
Organisasyon 5 puntos
Presentasyon 5 puntos
Kabuuan 20 puntos

1. Bakit sinasabing ang buhay ng tao ay higit na sagrado kaysa sa iba pang
uri ng nilalang?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Bilang isang kabataan, paano mo mapananatili ang kasagraduhan


ng buhay?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
11
VIII. Sanggunian

Bognot, R. et al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-


aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City

GoTQuestions.com. 2020. Sagrado Buhay. Accessed on December 2020 at


https://www.gotquestions.org/Tagalog?sagrado-buhay.html

Pastrano, Sonia. 2017. Module 13: Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay
Edukasyon sa Pagpapakatao. Accessed on Decemebr 2020.
https://www.slideshare.net/SoniaPastrano/module-13-esp-10

12
13
Maaaring Maaaring
magkakaiba- magkakaiba-
REPLEKSIYON 1. a iba ang iba ang
2. b
kasagutan kasagutan
Maaaring 3. d
magkakaiba-iba 4. a or b
5. a Isinasalang- Isinasalang-
ang kasagutan
6. b alang ang alang ang
7. c rubriks sa rubriks sa
Isinasalang-alang
8. c pagbibigay ng pagbibigay ng
ang rubriks sa 9. a marka marka
pagbibigay ng 10. d
marka
Gawain 4
Repleksiyon Pagsusulit Gawain 5
Maaaring
Maaaring Gawain A at B magkakaiba-iba
magkakaiba-iba ang kasagutan
ang kasagutan Maaaring
magkakaiba-iba ang Isinasalang-alang
Isinasalang-alang kasagutan ang Kritirya sa
ang Rubriks sa pagbibigay ng
pagbibigay ng Isinasalang-alang ang marka
marka Rubriks sa pagbibigay
ng marka
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto


Manunulat: Elenita M. Porlucas
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Mercidita Saldero
Jacqueline C. Tuazon
Lorna V. Guintu
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo
Tagaguhit:
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

14

You might also like