You are on page 1of 37

N

O
T
10
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan 1 - Modyul 2
Paghubog ng Konsensiya Batay sa
Likas na Batas Moral

(design your own cover page)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan- Modyul 2: Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas Batas Moral
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marianne P. Hinayas
Editor: Lucrecio Y. Oliver
Tagasuri: Marlon V. Marco and Christine Luz Z. Boniao
Tagaguhit: Jonel C. Murillo
Tagalapat:
Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, PhD. CESO III (Regional Director)
Co-Chairpersons: Victor G. De Gracia Jr. PhD. CESO V (Asst. Regional Director)
Randolph B. Tortola, PhD. CESO IV (SDS-Division of Bukidnon)
Shambaeh A. Usman, PhD.(ASDS-Division of Bukidnon)
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Members: Elbert R. Francisco, PhD, Chief ES, CID
Nancy B. Panistante, EdD, EPS in Edukasyon sa Pagpapakatao
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMDS Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Sangay ng Bukidnon


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813- 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
Website: www.Depedbukidnon.net.ph
10
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan 1 - Modyul 2
Paghubog ng Konsensiya Batay sa
Likas na Batas Moral

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga


publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman
Pahina
Cover Page
Copyright Page
Title Page
Talaan ng Nilalaman

Aralin 1. Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw batay


sa paghusga ng konsiyensiya

Alamin 1
Subukin 2-3
Balikan 4
Tuklasin 4-6
Suriin 7-9
Pagyamanin 9
Isaisip 9-10
Isagawa 10
Karagdagang Gawain 10-11

Aralin 2. Napatutunayan na ang konsensiyang nahubog batay sa likas


na batas moral ay nagsiisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos

Alamin 12
Balikan 12
Tuklasin 12
Suriin 13-14
Pagyamanin 15
Isaisip 15
Isagawa 16
Karagdagang Gawain 16

Aralin 3. Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling


pasiyang ginawa

Alamin 17
Balikan 17
Tuklasin 17
Suriin 18-21
Pagyamanin 21
Isaisip 22
Isagawa 23-24
Tayahin 25-26
Karagdagang Gawain 27

Susi sa Pagwawasto 28
Sanggunian 29
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paghubog ng Konsensiya Batay sa
Likas na Batas Moral.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral at magulang:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Paghubog ng Konsensiya Batay sa
Likas na Batas Moral.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Malugod na pagbati para sa inyo po bilang mga magulang, kung maari po lamang ay
gabayan ninyo ang inyong anak sa pagsagawa sa mga gawain Malugod na pagbati para sa
inyo po bilang mga magulang, kung maari po lamang ay gabayan ninyo ang inyong anak sa
pagsagawa sa mga gawain nitong mga aralin sa modyul na ito. nitong mga aralin sa modyul
na ito. Isa itong hamon sa kasalukuyang hinaharap nating pandemya, ngunit ito ay isa ring
pagpapala sa ating bawat pamilya na kung saan ay kasama natin ang gating mga mahal sa
buhay sa loob ng ating tahanan. Maraming salamat po.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong iiwan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o reyalidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sinuman sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Aralin 1 Paghubog ng Konsensiya Batay sa
Likas na Batas Moral

Alamin

Magandang araw!

Masaya ako at nandito ka na sa ikasampung baitang.

Handa ka na ba? “Syempre” ikaw pa!

Alam kong mahaba-haba ang iyong nagiging pananatili sa bahay dahil sa pandemya
na COVID-19. Anuman ang naging daloy ng panahon kailangan nating magpatuloy sa
buhay. Kung kaya sa modyul na ito may tatlong aralin na naglalaman ng mga paksang
nakalaan para malinang ang iyong paghubog ng konsensiya. Dito ay masusuri,
mapapatunayan at magagawa mo ang mga angkop na kilos batay sa likas na batas moral.

Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na kailangan mong linangin :

1. Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginawa sa araw-araw batay sa paghusga ng


konsensiya (EsP10MP-Ic-2.2)
2. Napatutunayan na ang konsensiyang nahubog batay sa likas na batas moral
ay nagsiisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos (EsP10MP-Ic-2.3)
3. Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasiyang ginawa
(EsP10MP-Ic-2.4)

Pagkatapos mong mabasa at mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga sumusunod ay
inaasahang sa iyo:

1. Nalalaman ang kahulugan ng konsensiya


2. Nasusuri ang mga pasiyang nagawa batay sa paghuhusga ng konsensiya
3. Napatutunayan na ang nahubog na konsensiya ay batay sa likas na batas moral
4. Nakapagsasagawa ng angkop na hakbang na dapat gawin upang itama at
mapaunlad ang mga masamang pasiya at kilos

1
Subukin

O ano handa kana ba? Gamit ang galing mo sa pagbabasa at pamimili nang
letra ng pinaka tamang sagot, inaasahan ko na maisusulat mo ito sa iyong sagutang
papel.
1. Isang uri ng tinig na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa gitna ng isang moral na
pagpapasya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon.
a. Konsensiya c. Kalayaan
b. Dignidad d. Kilos-loob
1. Saan maihahantulad ang konsensiya?
a. Musika ng buhay c. Munting tinig
b. Konkretong sitwasyon d. Mahabang karanasan
2. Anong uri ng batas ng tao ang may kakayahang gawin ang mabuti o masama.
a. Mataas na batas c. Batas sa pagpapasya
b. Likas na batas moral d. Sobhetong batas
3. Para lumayo ang tao sa masamang paggamit ng konsensiya, kailangan ay:
a. Pumasok sa simbahan c. Maniwala sa nakita sa internet
b. Sumama sa kaibigan d. Kausapin ang magulang
4. Nais ni Jimmy magkaroon ng cellphone kaya nagsisikap siyang magtrabaho sa
libreng oras sa eskwela. Anong prinsipyo ng likas na batas moral ito?
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral
5. Bakit itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos ang likas batas moral?
a. Ito ang pamantayan ng moralidad ng tao
b. Ito ang batayan ng isip
c. Ito ang paghuhusga
d. Ito ang konsensiya ng tao
6. Mali ang kaisipan ng konsensiya, kapag:
a. Sinusunod ang munting budhi c. madaling maniwala sa balita
b. Nagbagabag at nagnilay d. Matagal nagdarasal
7. Ang sumusunod ay ang unang prinsipyo ng likas batas moral, maliban sa:
a. Nag-iisip bago sa desisyon c. Gawin ang mabuti
b. Umiwas sa masama d. Pangangalaga sa sarili
8. Para masunod ang likas na batas moral mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo
nito. Ano ang pahayag na ito?
a. Tama, dahil batayan ito ng mabuti at masama
b. Tama, dahil isa itong batas
c. Mali, dahil hindi importante ang mga prinsipyo nito
d. Mali, dahil mayroon naming konsensiya

2
9. Nilikha ang tao na mabuti, sa kabila nito:
a. Napapagod ang tao sa hamon ng panahon
b. Naimpluwensiyahan sa media
c. Kahit mabuti, pinili parin ang masama
d. Palaging gumagawa ang tao ng desisyon
10. Paano mas maging malaya ang tao sa kabila ng hamon ng panahon?
a. Kapag nagsasabi palagi sa nararamdaman
b. Kapag sinunod ang mabuti at tama para sa lahat
c. Kapag tinuruan ng mga magulang
d. Kapag pinagbutihan ang pag-aaral
Para sa bilang 12 at 13

Si Aling Flor ay may nag-iisang anak. Kaya sinisikap niyang mabigay ang
tamang edukasyon at mabuting pangaral ang anak. Isang araw humingi
ang anak ng bagong cellphone ngunit hindi niya ito pinagbigyan dahil
hindi naman ito pangunahing pangangailangan. Sinabi niya sa anak na
maghintay ng tamang panahon sa lahat ng bagay.
12.Ano ang ipinapahayag ng seleksiyon?
a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
d. pagpapahiwatig ng nararamdaman
13. Aling prinsipyo ng likas na batas moral ang sinunod ni Aling Flor?
a. Ang paggawa ng mabuti, lumayo sa masama.
b. Ang lahat na may buhay, kasabay sa pangangalaga niya sa saril.
c. Ang lahat ng mga nilikha sa mundo dahil nasa tao ang pagpaparami at
bigyang ng mabuting edukasyon ang mga anak.
d. Ang pagiging rasyonal ng tao, kaya natural sa tao ang alamin ang katotohanan at
sa lipunang kanyang kinabibilangan.
14. Sa buong mundo hindi inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya na COVID-19.
Paano nagagamit ang dikta ng konsensiya sa panahong ito?
a. Umasa sa pamahalaan c. Matakot sa frontliner
b. Mag-isip ng mapagkakakitaan d. Mananatili sa bahay
15. Gaano man kabigat ang mga pagsubok ng panahon dapat manatiling
matatag at lagging manalangin sa Panginoon. Sa prinsipyo ng likas batas moral, ang
pahayag ay:
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral

Ngayon na tapos ka na maaari mo nang malaman kung gaano ka lawak ang iyong
kaalaman tungkol sa ating paksa. Sa pagpapatuloy natin sa pagtatalakay sa ating leksyon,
mas higit mo pang maintindihan at mapapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa iyong
konsensiya.

3
Balikan
Tama ang iyong pagka-alala sa nagdaang modyul na ang tao ay binigyan ng isip at
kilos-loob bilang kamalayan sa sarili upang magnilay at magmuni-muni. Natututunan mo ring
bumuo ng sariling katuturan tungkol sa mabuti at umiwas sa masama kung saan ang tao ay
gumagamit ng konsensiya.
Bilang pag-uugnay mo ng araling ito sa nagdaang modyul na tungkol sa mataas na
gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob, ako ay naniniwalang makagagawa ka ng isa o
dalawang saknong o mas higit pa na magpapakita ng kung ano ang iyong mga natutunan.
Isulat ito sa iyong Journal Notebook. Ang iyong nagawa ay karagdagang puntos mo sa
bahaging pagganap ng iyong mga gawain.

Tuklasin

Kaya, bilang pagpapatuloy siguradong marami kang matutuklasan habang pinag-


aaralan ang bagong aralin. Masaya ito at mapanghamon “challenging” dahil umaasa ako na
gagawin mo itong unang gawain bilang iyong pagtuklas. Narito ang panuto: Basahin at
unawain mo ang mga sumusunod na sitwasyon. Kung sakaling ikaw ay nahaharap sa
ganitong sitwasyon, ano ang gagawin mo? Tuklasin mo ang iyong gagawing
pagpapasya batay sa tamang paghuhusga ng konsensiya sa bawat sitwasyon. Gabay
mo ang unang sitwasyon bilang halimbawa. Isulat sa iyong dyurnal.

SITWASYON PARAAN O HAKBANG NG PAGKILOS NG


KONSENSIYA
Pagkatapos ng klase, ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:
inanyayahan si Janine ng
kaniyang mga kaibigan na Kailangang sumunod sa payo o utos ng
pumunta sa mall at manood ng magulang lalo na kung para ito sa
sine. Matagal na rin mula ng huli pansariling kaligtasan.
silang nakalabas bilang isang ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA KABUTIHAN
grupo. Bago matapos ang SA ISANG SITWASYON:
palabas, biglang tumawag ang
kaniyang ina at pilit siyang Likas sa tao na gawin ang mabuti at iwasan ang
pinauuwi. Mahigpit na masama. Itinuturing na masamang
ipinagbabawal ng kaniyang mga gawain ang hindi pagsunod sa magulang.
magulang ang pamamalagi sa PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA AT KILOS:
labas, lalo na kung gabi na.
Ngunit sinabihan si Janine ng Kung ako si Janine, susundin ang hatol ng aking
kaniyang mga kaibigan na kapag konsensiya na makinig sa utos ng aking ina at umuwi
sinunod niya ang kaniyang ina, nang maaga, kahit ikagalit pa ito ng aking mga kaibigan.
ititiwalag na siya sa kanilang PAGSUSURI/PAGNINILAY:
barkada at hindi na iimbitahan pa Mapatutunayan ko na mabuti ang aking naging pasiya na
sa alinmang lakad ng barkada sundin ang utos ng aking ina dahil para ito sa aking
kailanman. Ano ang dapat kaligtasan. Bukod dito, kung tunay ang pagkakaibigan na
gawin ni Janine? mayroon kami ng aking barkada, hindi nila ako
papayuhan nang masama tulad ng pagsuway sa aking
magulang.

4
1. Nalalapit na ang markahang ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:
pagsusulit sa paaralan nila John ________________________________________
nang kausapin siya ng kaniyang ________________________________________
ama. Ayon kay Mang Jun, bibilhin ________________________________________
niya ang pinakabagong modelo ________________________________________
ng cellphone na gustung-gusto ________________________________________
ng kaniyang anak, sa kondisyon ________________________________________
na makakuha siya ng mataas na ________________________________________
marka sa lahat ng asignatura. ________________________________________
Magandang motibasyon ito para ________________________________________
kay John kaya’t naghanda at nag- ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA KABUTIHAN
aral siya nang mabuti. Nang SA ISANG SITWASYON:
dumating ang araw na ________________________________________
pinakahihintay, napansin ni John ________________________________________
na wala sa kaniyang pinag-aralan ________________________________________
ang mga tanong sa pagsusulit. ________________________________________
Kahit kinakabahan, sinimulan ________________________________________
niyang sagutin ang mga tanong. ________________________________________
Dahil hindi sigurado, makailang ________________________________________
beses siyang natuksong tumingin ________________________________________
sa sagutang papel ng kaniyang ________________________________________
katabi lalo na kapag hindi ________________________________________
nakatingin ang guro. Naisip niya
na ito lamang markahang ito siya
PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA AT KILOS:
mangongopya at hindi na niya ito
________________________________________
uulitin pa. Bukod dito, ayaw
________________________________________
niyang mawala ang pagkakataon
________________________________________
na mapasaya ang kaniyang ama
________________________________________
at magkaroon ng bagong
________________________________________
cellphone.
________________________________________
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni
________________________________________
John, ano ang gagawin mo?
________________________________________
________________________________________
________________________________________

PAGSUSURI/PAGNINILAY:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

2. Nais ni Mark na maging isang ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:


inhinyero balang-araw. Nag-aaral ________________________________________
siya nang mabuti upang ________________________________________
makapasok sa pinakamahusay ________________________________________
na pamantasan pagdating ng ________________________________________
kolehiyo. Ngunit kahit ginagawa ________________________________________
na niya ang lahat, hindi pa rin ________________________________________
siya makakuha ng matataas na ________________________________________
marka. Isang kaibigan ang nag- ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAT NA KABUTIHAN

5
alok ng tulong upang makapasa SA ISANG SITWASYON:
siya sa entrance exam ng isang ________________________________________
sikat na pamantasan, kapalit ng ________________________________________
malaking halaga. Walang hawak ________________________________________
na pera si Mark at alam niyang ________________________________________
hindi siya maaaring humingi sa ________________________________________
kaniyang ama para ibigay sa ________________________________________
kaibigan. Isang araw, binigyan ________________________________________
siya ng pera ng kaniyang ama ________________________________________
upang ibili ng aklat na kailangan
niya sa paaralan. Napag-isipisip PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA AT KILOS:
niya na ang halagang iyon ay ________________________________________
sapat na upang makapasok sa ________________________________________
sikat na pamantasan at makuha ________________________________________
ang gusto niyang kurso. Hindi ________________________________________
niya malaman kung bibili siya ng ________________________________________
aklat na pangunahing kailangan o ________________________________________
ibibigay ito sa kaibigan. Kung ________________________________________
ikaw ang nasa kalagayan ni
Mark, ano ang gagawin mo? PAGSUSURI/PAGNINILAY:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na krayterya.

Krayterya 5 puntos 3 puntos 1 puntos


Sitwasyon 1 Kung nabanggit na ang pangogopya Ang sagot ay kulang Hindi
ALAMIN AT ay masama o mali kahit sa anumang sa paliwanag na naipaliwanag
NAISIN ANG pamamaraan at dahilan. angkop sa ang sagot.
MABUTI sitwasyon.

Sitwasyon 2 Kung nabanggit na napapatunayan Ang sagot ay kulang Hindi


PAGSUSURI na mahalaga ang pagbili ng aklat sa paliwanag na naipaliwanag
NG SARILI/ kaysa ibigay ang pera sa kaibigan at angkop sa ang sagot.
PAGNINILAY pagbutihan nalang ang pag-aaral. sitwasyon.

6
Suriin

Kahulugan ng Konsensiya
Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay, ginagamit natin ang ating
konsensiya nang hindi natin namamalayan. Mahalagang maunawaan nang mabuti kung ano
talaga ito dahil malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng ating pagkatao at ng ating
ugnayan sa ating kapuwa at sa Diyos.
Sa pamamagitan ng konsensiya, natutukoy ang kasamaan at kabutihan ng kilos ng
tao. Sa pagkakakilala ng marami, sinasabing ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng
tao.na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya
kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon (Clark, 1997). Waring bumubulong ito
palagi sa tagong bahagi ng ating sarili na “ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin,
ito ang nararapat” o kaya naman ay ”ito ay masama, hindi mo ito nararapat gawin.” Ang
munting tinig na ito ay hindi lamang nagsasabi ng mabuting dapat gawin o ng masamang
dapat iwasan kundi nagpapahayag ng isang obligasyon na gawin ang mabuti, naghahayag
nang may awtoridad at nagmumula sa isang mataas na kapangyarihan.

Mga Tala para sa Guro


Ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng
tao na nagbibigay ng payo sa tao at nag-uutos sa
kaniya sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung
paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon.

Ngayon ay inaanyayahan kitang suriin ang isang sitwasyon mula sa aklat niFelicidad
Lipio (2004 ph. 3-4).

Gagarahe na sana ang drayber ng taxi na si Mang Tino nang matuklasan niya
na may nakaiwan ng pitaka sa likod ng upuan ng sasakyan niya. Nang buksan niya ito
ay natuklasan niya na marami itong laman; malaking halaga na maaari na niyang
gawing puhunan sa negosyo. May nakabukod ding mga papel na dolyar sa kabilang
bulsa ng pitaka. Walang nakakita sa kaniya kaya minabuti niya na itabi ang pera.
“Malaki ang maitutulong nito sa pamilya ko,” sabi niya sa sarili.
Noong dumating ang gabi ay hindi siya mapakali. Sa kalooban niya,
nararamdaman niyang para siyang nalilito. Bago dumating ang umaga, nagbago na
ang isip niya. “Hahanapin ko ang may-ari ng pitaka at isasauli ko ito,” nasabi niya sa
sarili.

Bago natin pag-usapan ang paghubog ng konsensiya, mahalagang maunawaan mo


ang proseso ng pagkilos ng konsensiya na nakatutulong sa ating pagpapasiya. Kadalasan,
madali para sa atin ang makagawa ng mga pangkaraniwang pasiya sa iba’t ibang
sitwasyong kinakaharap natin sa araw-araw. Bihirang dumating ang mga pagkakataon na
hindi natin alam kung ano ang gagawin. Ginagamit natin ang ating mga kaalaman bilang
gabay sa paggawa ng pinakamainam na pasiya. Gayunpaman, paminsan-minsan,
nahaharap tayo sa krisis kapag hindi natin alam kung ano ang gagawin sa isang sitwasyon.

7
Ang “krisis” na tinutukoy dito ay isang kritikal na sandali sa ating buhay; hindi ito
palaging isang negatibong sitwasyon. Ito ay maaaring pagpili ng sasamahang kaibigan o
pag-aaral ng kurso sa kolehiyo, pagkuha ng mahalagang pagsusulit kung saan hindi ka
nakapaghanda, o ilan pang mga makabuluhang sandali sa ating buhay. Ngunit dumarating
ang panahon na hindi tayo sigurado sa kung ano ang gagawin. Kahit pa marami tayong
kaalaman sa maraming bagay, hindi ito nakapagbibigay sa atin ng malinaw na direksyon sa
ganitong mga pagkakataon. Dahil dito, kinakailangan natin ang ating konsensiya kaya
mahalagang pag-aralan ang proseso upang magamit ito nang mabuti. Ano-ano ang apat na
yugto ng konsensiya at paano ito nakatutulong sa paggawa ng mabuting pasiya?

1. Unang Yugto: Alamin at naisin ang mabuti. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais
sa mabuti at totoo. Binigyan siya ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at
totoo. Ito ang pinakamainam na paliwanag sa katotohanang tayo ay nilikha upang mahalin
ang Diyos at ang kabutihan. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin
ng bagay na masama? Una, ang ilang mga tao, kahit alam na kung ano ang mabuti ay
pinipili pa rin ang gumawa ng masama. Halimbawa, isang lalaki ang paulit-ulit na
nagsisinungaling sa tuwing nahaharap siya sa isang mahirap o nakahihiyang sitwasyon.
Alam niya na masama ang magsinungaling at nakaaapekto ito ang kaniyang pangunahing
kakayahan na malaman kung ano ang mabuti. Sa katagalan, hindi lamang mas magiging
madali sa kaniya ang hindi pagsasabi ng totoo ngunit maaaring siya ay maniwala na ito ay
isang mabuting gawain.
Ikalawa, maaaring kulang ang kaalaman ng isang tao sa totoong mabuti upang
tuluyan niyang naisin ito. Dito pumapasok ang kahalagahan ng Likas na Batas Moral bilang
batayan sa pagkakaroon ng mabuting konsensiya.

2. Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. May ilang
gawaing kaugnay nito tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng impormasyon,
pagsangguni na sinusundan ng pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya. Sa
sandaling ito, nailalapat natin ang ating nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang
kilatisin ang mabuti sa isang partikular na sitwasyon.

Balikan natin ang sitwasyon ni Mang Tino, isang drayber ng taxi. Pag-isipan ang
sumusunod na tanong:

Pag-isipan:
1. Bakit nagkaroon ng pagbabago sa naunang pasiya ni Mang Tino na hindi isauli ang
pitakang naiwan sa kaniyang taxi?
2. Paano nakatulong sa kaniya ang una at ikalawang yugto ng konsensiya upang
makabuo ng mabuting pasiya?

3. Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos. Mula sa unang yugto na
tumatalakay sa pagnanais sa mabuti at sa ikalawang yugto ng pagkilatis sa partikular na
kabutihan sa isang sitwasyon, ang ikatlong yugto ay oras ng paghatol ng konsensiya, kung
saan wari’y sinasabi sa atin, “Ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin,” o kaya
naman ay, “Ito ay masama, hindi mo ito nararapat na gawin.” Sa sandaling ito,
nahuhusgahan ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Ang hatol na ibibigay sa atin ang
magsisilbing resolusyon sa “krisis” na kinakaharap natin.

4. Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng Sarili / Pagninilay. Sa sandaling ito, binabalikan natin ang
ginawang paghatol. Pinagninilayan natin ang ating paghatol upang matuto mula sa ating
karanasan. Kung sa pagninilay ay mapatunayan natin na tama ang naging paghatol ng
konsensiya, kinukumpirma natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama at higit
na pinagtitibay ang ating moralidad. Sa kabilang banda, ang negatibong resulta ng maling

8
paghatol ng konsensiya ay indikasyon na itama ito kung maaari pa at matuto rin mula sa
maling paghatol.
Ang pagsusuri sa paghatol ng konsensiya ay nangyayari sa sarili nitong panahon.
Maaaring suriin ang isang hatol sa loob ng isang araw o maaaring tumagal ng maraming
taon. Ang tamang paghatol ng konsensiya ay naglalapit sa tao sa Diyos at kaniyang kapwa,
kung kaya’t mahalagang hubugin ito nang mabuti upang makagawa siya ng tamang
pagpapasiya na patungo sa tamang pagkilos. Ngunit saan nga ba nararapat ibatay ang
paghubog ng konsensiya? Bagaman sinasabing ang konsensiya ang batayan ng isip sa
paghuhusga ng mabuti o masama, ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at agarang
pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ang
pinakamataas na batayan ng kilos ay ang Likas na Batas Moral.

Sapat na ba ang iyong pagkakaunawa na tungkol sa konsensiya? Dagdagan pa


natin.

Pagyamanin

Makaka-relate ka dito! Maaring sundin lamang itong panuto: Batay sa iyong


reyalisasyon, suriin ang sarili ayon sa nagawang pasiya batay sa paghuhusga ng
konsensiya na makabuo ng mabuti at tamang pasiya sa araw-araw. Gawin sa sagutang
papel.
1. Magtala ng dalawa o tatlong sitwasyon sa iyong buhay kung saan nakaranas ka ng
isang krisis o kahirapan sa pamimili ng mabuti at tamang pasiya.
2. Kaugnay ng sitwasyong ito, bumuo ng mabuting pasiya batay sa paghuhusga ng
konsensiya.
3. Gawing tiyak, akma at makatotohanan ang iyong pasiya.
4. Isulat sa papel at ilagay sa isang bahagi ng sariling silid sa tahanan upang magsilbing
paalala sa bawat gawain sa araw-araw.
Halimbawa: Nagtanong ang aking mga magulang kung bakit matagal kang bumangon.
Sinabi mo na sumama ang iyong pakiramdam kinagabihan. Lingid sa kanilang kaalaman,
matagal kang natulog dahil sa paggamit ng cellphone.

Kayang-kaya diba! Kung kaya inaanyayahan kitang magpatuloy sa iyong kaalaman


sa modyul na ito.

Isaisip

Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang matutunan at maunawaan ang aralin sa
modyul na ito. Bilang pagsubok sa iyong pagsusuri ng aralin na ating tinalakay, punan ang
mga sumusunod na dayalogo batay sa iyong natutunan. Isulat sa papel ang iyong sagot.

9
Isagawa

Mabuti naman at masigasig ka. Kaya, patuloy nating gawin ito. Mag-isip ng isang
sitwasyon mula sa iyong karanasan na may maling paghuhusga kang nagawa. Suriin ang
kabutihan o kasamaan nito batay sa paggamit ng konsensiya. Ipakita at ipabasa ito sa iyong
magulang. Anyayahan sila na magbigay ng komento o payo sa iyong ginawa. Palagyan ito
sa kanila ng lagda bilang katibayan na kanilang nabasa ang iyong ginawa. Isulat sa iyong
dyurnal.

Karagdagang Gawain

Malinaw na diba!. Ituloy natin ang pagsagot nito. Bilang karagdagang gawain sundin
lang ang panuto: Suriin ang bawat pahayag kung MABUTI o MASAMA ang mga
pasiyang nagawa batay sa paghusga ng konsensiya.

1. Tinanggap ko ang Social Amelioration Program ng pamahalaan dahil ako ay


kuwalipikado.
( ) MABUTI ( ) MASAMA
2. Huwag pulutin ang basurang hindi sa akin.
( ) MABUTI ( ) MASAMA
3. Bilang isang babae kailangan ipagpaalam ako ng aking kasintahan sa mga
magulang ko.
( ) MABUTI ( ) MASAMA
4. Uminom ng gamot na hindi komonsulta sa doctor.
( ) MABUTI ( ) MASAMA

10
5. Sasagutan ko nang buong katapatan ang modyul na ito para matuto ng wasto.
( ) MABUTI ( ) MASAMA

Madali lang diba? Itong pangalawang gawain ay pagtitibayin ang nito ang iyong
kasanayan sa pamamagitan ng Mga Pokus na Tanong:
a. Paano mo sinuri ang mga pahayag ayon sa pasiyang ginawa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

11
Paghubog ng Konsensiya
Aralin 2
Batay sa Likas na Batas Moral

Alamin

Naaalala mo pa ba ang iyong pakiramdam noong una mong nakita ang iyong
lawaran na sanggol ka pa? Aba siguradong masaya ‘yon. Halika at tunghayan natin ang
araling ito tungkol sa napatutunayan na ang konsensiyang nahubog batay sa likas na
batas moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos. (EsP10MP-Ic-2.3)

Balikan

Saglit lang at balikan natin ang iyong kaalaman sa aralin 1 tungkol sa pagsusuri ng
mga pasiya batay sa paghusga ng konsensiya. Di ba natututunan mo ang kahalagahan ng
tamang pasiya sa pang araw-araw at bumuo ng sariling katuturan tungkol sa mabuti at
umiwas sa masama kung saan ang tao ay gumagamit ng konsensiya. Kaya inaasahan sa
iyo ang isang sanaysay tungkol sa nagdaang aralin. Isulat sa iyong dyurnal.

Tuklasin

Kaya, bilang pagpapatuloy siguradong marami kang matutuklasan at


mapapatunayan habang pinag-aaralan ang aralin. Masaya ito!

Panuto: Pagkatapos mong matukoy ang mga hakbang kung paano kumikilos ang
iyong konsensiya, maaaring magamit ito sa paggawa ng mabuting pasiya.

1. Balikan ang mga sitwasiyon sa bahaging Tuklasin at isulat ang naging tugon mo sa
bawat isa.
2. Tukuyin kung ano ang iyong naging batayan/prinsipyo sa pagbuo ng iyong pasiya.
3. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong dyurnal.

Sitwasyon Pasiya Batayan ng


Pagpapasiya
1.
2.
3.
12
4. Matapos ang gawain, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong dyurnal:
a. Naging madali ba para sa iyo ang makabuo ng pasiya sa bawat sitwasyon? Bakit?
b. Bakit kailangang pakinggan ang ating konsensiya? Nakatutulong ba ito upang makabuo
tayo ng mabuting pasiya? Pangatwiranan.
c. Paano tayo makasisiguro na tama ang naging hatol ng ating konsensiya upang matiyak
na mabuti ang kilos na isasagawa? Ipaliwanag.
d. Ano ang batayan ng ating konsensiya sa pagpili sa mabuti o masama?

Nahirapan ka ba! O nag enjoy ka? Natututo kana, masaya pa. Kaya, ituloy natin.

Ito na! magpapatuloy tayo.

Suriin

Ang Likas na Batas Moral Bilang Batayan ng Kabutihan at ng Konsensiya

Natutuhan mo sa Baitang 7 na ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao dahil


nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito,
may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa masama. Ngunit may kakayahan din ang tao
na gumawa ng mabuti o masama dahil sa kaniyang malayang kilos-loob. Kaya may Likas na
Batas Moral upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao. Sa kaniyang pagsunod sa
batas moral, siya ay gumagawa ng mabuti at isinasabuhay ang makabuluhang
pakikipagkapuwa. Subalit hindi ito nangangahulugan na ang Likas na Batas Moral ay
pangkat ng mga batas na dapat niyang isaulo upang sundin araw-araw. Bagkus, kailangan
niyang gawin ang mabuti dahil ito ay nakaukit na sa kaniyang pagkatao. Samakatuwid, ang
konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likasna Batas Moral ay ginagamit na
personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang
tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon. Dahil dito, mahalagang
maunawaan ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral.

Ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral

Hindi ito nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa pangangailangan


ng sitwasyon. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos at hindi ito
maaaring mabawasan na “Gawin ang masama at iwasan ang mabuti.” Madali lamang
unawain ang prinsipyong ito. Mula sa pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kaniyang isip,
kaya nga kahit hindi ganap na hubugin, kayang kilalanin ng tao ang mabuti at masama.
Kung mananatiling matibay na nakakapit ang tao sa unang prinsipyong ito sa proseso ng
paghubog ng kaniyang konsensiya, kailangan na lamang ang pagiging matatag laban sa
pagtatalo ng isipan sa pagitan ng mabuti laban sa masama.

Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral


Mahalaga ring maunawaan ang mga pangalawang prinsipyo na makukuha sa
kalikasan ng tao:
1. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang
buhay. Sino mang tao ay ginagawa ang lahat upang pangalagaan ang kaniyang buhay.
Kaya tayo umiinom ng gamot kapag tayo ay may sakit, pumupunta sa doktor upang alamin
kung ano ang ating karamdaman, nag-iingat sa ating mga kilos sa lahat ng pagkakataon, at

13
hindi kinikitil ang ating sariling buhay ay dahil sa likas na pagkiling ng tao para sa
pangangalaga sa kaniyang buhay. Mulat ang lahat ng tao sa prinsipyong ito. Hindi man niya
sinasabi, natural itong dadaloy sa kaniyang mga gawain at kilos. Kung likas na inaalagaan
ng tao ang kaniyang sariling buhay, natural lamang na likas itong maibahagi sa kaniyang
kapuwa. Kung kaya alam ng taong hindi lamang masamang kitilin ang kaniyang buhay kundi
masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa.

2. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa tao (nilikhang
may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak. Likas
sa tao ang naisin na magkaroon ng anak; nakaukit na rin ito sa kaniyang kalikasan. Ngunit
hindi ito nagtatapos dito, mahalagang bigyang-diin na kaakibat ng kalikasang ito ay ang
tungkulin na bigyan ng edukasyon ang kaniyang anak. Kung ang isang inang ibon ay hindi
napapagod na gabayan ang kaniyang inakay hangga’t hindi ito ganap na natutong lumipad,
mas lalo’t higit ang tao. Inaasahang ang kabutihang nakatanim sa bawat magulang batay sa
Likas na Batas Moral ang siya niyang gagamitin upang hubugin ang kaniyang anak. Hindi
dapat ganap na iatang sa balikat ng mga guro sa paaralan ang edukasyon ng kanilang
anak. Binigyang-diin sa Baitang 8 na mas mabigat ang tungkulin ng mga magulang ang
paghubog ng mga anak sa pagpapahalaga. Hindi nararapat na kalimutan ang tungkuling ito
bago magpasiyang magkaroon ng anak.

3. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at
mabuhay sa lipunan. Sa pamamagitan ng prinsipyong ito, nararapat na maunawaan na kung
tunay na hindi humihinto ang tao sa paghahanap ng katotohanan, hindi rin nararapat
na ipagkait ito sa kaniyang kapuwa. Kung kaya nga maituturing na masama ang
magsinungaling. Dahil sa pamamagitan ng pagsisinungaling, naipagkakait natin sa ating
kapuwa ang katotohanan, napipigilan nito ang kaniyang paghahanap ng katotohanan. Ang
kahiligan din ng tao ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kaalaman at iwasan ang
kamangmangan. Mahalaga ito dahil sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman,
mahahanap ng tao ang katotohanan. Ang lahat ng mga nabanggit ay magiging posible
lamang kung siya ay makikihalubilo sa kaniyang kapuwa sa lipunan dahil ang kaalaman,
karunungan, at katotohanan ay makakamit sa tulong ng kapuwa. Kasama ng lahat ng may
buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.

Mga Tala para sa Guro


Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng
kaalaman ganap na mahahanap ng tao ang
katotohanan

14
Pagyamanin

Dahil naging matiyaga ka sa pagbabasa ng aralin. Sa gawaing ito magbabalik sa


iyong isipan ang kabutihang taglay. Gamit ang “semantic webb” itala ang iyong pagbuo ng
mabubuting kilos. Isulat sa iyong journal.

Halimbawa: Ang paggising ng maaga ay nagdudulot sa akin na maging masinop sa


paggamit ng oras.

Ikaw naman:

Pagbuo ng
mabubuting
kilos

Isaisip

Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang matutuhan at maunawaan ang aralin sa
modyul na ito. Bilang karagdagang pagsubok sa iyong pag-unawa ng aralin, sagutan ang
Mga Pokus na Tanong batay sa iyong isinagot sa Pagyamanin. Isulat sa iyong journal.

a. Madali ba ang pagbigay ng mabubuting kilos na nagawa? Ipaliwanag.


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

15
b. Sa iyong palagay, gaano ba kahalaga ang pabuo ng mabubuting kilos?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isagawa

Tuloy-tuloy lang tayo ha. Ikaw pa!. Ngayon gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa
iyong kabutihang nagawa sa sarili o sa kapwa. Ano-ano ang iyong ginawa upang makamit
ito?
Ipaskil sa bahagi ng sariling silid tahanan at kunan ng lawaran upang magsilbing
pangpa-good vibes sayo. Pagkatapos ipakita sa guro ang larawan.

Karagdagang Gawain

Yehey! matatapos mo na ang pangalawang aralin. Okay ka pa ba?.

Sa gawaing ito sundin lang ang panuto na: Batay sa naging reyalisasyon mo sa mga
gawain, tayahin ang sariling kakayahan ng konsensiya na makabuo ng tama at mabuting
pasiya.
1. Magtala ng dalawa o tatlong sitwasyon sa iyong buhay kung saan nakaranas ka ng
“krisis o kahirapan” sa pamimili ng tama at mabuting pasiya.
2. Gawing tiyak, akma at makatotohanan ang iyong pasiya.
3. Isulat o ipa-print at ilagay sa isang bahagi ng sariling silid sa tahanan upang
magsilbing paalala sa bawat gawain sa araw-araw.
Halimbawa: Nagtanong ang aking mga magulang tungkol sa dahilan ng pag-uwi ko
ng gabi mula sa paaralan. Sinabi kong naghanda kami ng aking mga kaklase para sa isang
pagtatanghal sa susunod na araw. Lingid sa kanilang kaalaman, naglaro ako ng computer
games at sumama sa lakad ng aking mga kaibigan.

16
Paghubog ng Konsensiya
Aralin 3 Batay sa Likas na Batas Moral

Alamin

Sa alamin na tayo, sigurado ako na sa bahaging ito ay nagpapatuloy ka sa mga


gawaing pang-araw-araw na kung saan maraming karagdagang bagong kaalaman. Kaya
tatapusin natin ang huling aralin sa modyul na ito, sa pagtalakay ng paggawa ng angkop na
kilos upang itama ang maling pasyang ginawa. Dahil ang inaasahang malilinang mo ang
mga kakayahan, kaalaman at pag-unawa: nakagagawa ng angkop na kilos upang itama
ang mga maling pasyang ginawa. (EsP10MP-Ic-2.4)

Balikan

Mabuti naman nagawa mong maayos ang nakaraang aralin. Sa pamamagitan ng


mga gawain iyong napatunayan na ang nahubog na konsensiya ay batay sa likas na batas
moral. Pero teka muna, naaalala mo pa ba ang ibig sabihin ng likas na batas moral?
Isulat sa iyong journal ang iyong sagot sa bahaging pagbabalik-aral na ito upang
tunay na mapasa-isipan mo at maisasakabuhayan ang mga aralin.
Kung nagawa mo, e di wow! At magpapatuloy tayo, handa ka na ba?

Tuklasin

Alam kong gusto mong patunayan na malinaw na sa iyo na ang konsensiyang


nahubog ng likas batas moral gabay sa mabuting paspapasya at pagkilos. Sa pagkakataong
ito, itala ang tatlong maling pasiya at kilos na isinagawa mo noon. Ilahad ang angkop na

17
hakbang na gagawin upang mabago at maitama ang mga masasamang pasiya at kilos.
Isulat sa chart ng iyong journal.

MGA MALING PASIYA AT MGA HAKBANG NA DAPAT REYALISASYON


KILOS NA AKING GAWIN UPANG MABAGO AT
ISINAGAWA MAITAMA ANG MGA
MASAMANG PASIYA AT KILOS

Mabuti naman at mayroon kang naging reyalisasyon sa naging pasiya at kilos mo.
Magaling!.

Suriin

Paghubog ng Konsensiya
Bakit mahalaga ang paghubog ng konsensiya? Nakatutulong ito sa tao na makilala
ang katotohanan na kailangan niya upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang
kalayaan. Anumang paghubog ay nag-uugat sa pagnanais ng tao na paunlarin ang kaniyang
kaalaman ukol sa katotohanan at ang kaakibat nitong pagnanais na gawin ang mabuti.

18
Paano nga ba mahuhubog ang konsensiya ng tao upang kumiling sa mabuti?
Makatutulong kung susundin ang mga hakbang ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004)

1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan. Simulan


ang paghubog ng konsensiya sa pamamagitan ng pag-unawa na ang katotohanan ay
nangangahulugan ng pag-unawa sa mga bagay na umiiral. Mahalaga ang pagtutugma ng
sinasabi o iniisip ng tao tungkol sa isang bagay at sa kung ano ang tunay na layon ng pag-
iral nito. Kung talagang nais na mahubog ang konsensiya, kailangang mangibabaw ang
layuning gawin ang mabuti at piliin ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon. Hinuhubog
natin ang ating konsensiya kapag kumikilos tayo nang may pananagutan. Maipakikita ang
pananagutan sa kilos ng tao kung gagawin niya ang sumusunod:

a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang


kilos. Tinitimbang ng mga mapanagutang tao ang mga katotohanan bago kumilos sa halip
na sinusunod lamang ang sariling kapritso at maling palagay.
b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga mabuting
layunin at hindi mula sa makasariling interes.
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay. Kung sapat ang panahon
na inilalaan ng isang kabataan sa pagninilay sa mga bagay na nagawa niya sa bawat araw,
mas magiging mulat siya sa kaniyang mga pagkukulang o pagmamalabis.

d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong isyung moral at
mga implikasyong panlipunan ng mga ito. Mahalagang kilalanin ang mga pagpapahalagang
nilabag ng mga ito.

2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Hinuhubog natin ang konsensiya


kapag nagdarasal tayo. Ang regular na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa takdang oras sa
bawat araw ng nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban, paglinaw ng pagiisip,at
kapayapaan ng puso. Matutukoy ito sa pagtataya ng kabutihan o kasamaan ng kilos dahil
panatag tayo na ang ating konsensiya ay ginabayan ng panalangin.

Kapag pinag-uusapan ang konsensiya, pinaguusapan din ang pagbubukas ng


kalooban sa pag-unlad ng pananampalataya at espiritwalidad. Kung kaya masasabing may
kinalaman ang paghubog ng konsensiya sa pag-unlad ng buong pagkatao tungo sa pagiging
personalidad. Dahil umuunlad ang ating konsensiya kasabay ng pag-unlad ng sarili, ang
ating buhay bilang mananampalataya ay sangkot sa buong proseso.
Isang mahalagang hakbang sa pagkilala ng ating sarili ang kamalayan sa dahan-
dahang proseso ng paghubog ng konsensiya na nagaganap mula pa noong bata pa tayo
hanggang sa kasalukuyan (Lipio, 2004). Katulad ng iba pang mga kakayahan ng tao,
dahandahan din ang proseso ng paghubog ng konsensiya ng tao. Mahalagang matalakay
ang iba’t ibang antas nito.

Mga Antas ng Paghubog ng Konsensiya


Una, ang antas ng likas na pakiramdam at reaksiyon. Nagsisimula ito sa pagkabata.
Dahil hindi pa sapat ang kaalaman ng isang bata ukol sa tama at mali, mabuti o masama,
umaasa lamang siya sa mga paalala, paggabay, at pagbabawal ng kaniyang magulang. Dito
niya ibinabatay ang kaniyang kilos. Gagawin ng isang bata ang lahat ng kaniyang nais na
gawin hangga’t walang pagbabawal mula sa mga taong nakatatanda sa kaniya. Sa ganitong
pagkakataon, sa labas nagmumula ang pagpigil sa kaniyang moralidad.

19
Ikalawa, ang antas ng superego. Habang lumalaki ang isang bata malaki ang
bahaging ginagampanan ng isang taong may awtoridad sa kaniyang mga pasiya at kilos.
Ang awtoridad na ito ang nagpapatakbo ng kilos moral ng isang bata. Sa yugtong ito, umiiral
ang superego - ang mga pagpapalagay at utos ng mga magulang at taong
makapangyarihan na naisaloob na ng tao kasama ng mga ipinagbabawal ng lipunan at
nakaiimpluwensiya sa isang tao mula pa sa pagkabata. Sa paglipas ng panahon, nagiging
bahagi na ng isip ang mga pagbabawal na ito nang hindi namamalayan.

Mahalagang simulan mula bata pa lamang ang paghubog ng konsensiya.


Makatutulong ito upang hindi siya magkamali sa kaniyang paghusga ng mabuti o
masama sa hinaharap.

Ngunit sa patuloy na paglipas ng panahon, nalalagpasan ng isang bata ang taong


may awtoridad at unti-unti na siyang namumulat sa pananagutan. Alam na niya kung ano
ang tama at mali at nararamdaman na niya ang epekto sa kaniyang sarili ng pagkiling sa
mali at sa masama. Nararamdaman na hindi niya dapat ginawa ang isang bagay na mali,
hindi lamang dahil ipinagbabawal ito ng kaniyang mga magulang kundi nakikita niya mismo
ang kamalian nito. Natututuhan niyang tanggapin at isaloob ang mga mabubuting prinsipyo
at pagpapahalagang moral mula sa kaniyang mga magulang. Ito ang simula ng pagkilos ng
“konsensiyang moral,” ang ikatlong antas ng paghubog ng konsensiya.

Kaya mahalagang simulan mula bata pa lamang ang paghubog ng konsensiya.


Makatutulong ito upang hindi siya magkamali sa kaniyang paghusga ng mabuti o masama
sa hinaharap.
Ang layunin sa paghubog ng konsensiya ay mahubog ang pagkatao batay sa
Makatutulong
pagsasabuhay sa proseso
ng mga birtud, ng paghubog sakonsensiya
pagpapahalaga ang pagsasagawa
at katotohanan ng mga
upang matiyak na ang
sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang tama at mabuti.

Makatutulong sa proseso ng paghubog sa konsensiya ang pagsasagawa ng mga


tiyak na kilos bago ang pagsasagawa ng pasiya. Ang layunin sa paghubog ng konsensiya
ay mahubog ang pagkatao batay sa pagsasabuhay ng mga birtud, pagpapahalaga at
katotohanan upang matiyak na ang sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang
tama at mabuti. Upang higit na mapaunlad ang paghubog ng konsensiya makabubuti na
humingi ng paggabay sa sumusunod:

a. mga taong may kalaman sa at nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral, may


sapat na kakayahan sa proseso ng paghubog ng konsensiya tulad ng mga magulang at
nakatatanda
b. sa simbahan mula sa mga turo, panulat at magandang halimbawa ng mga pari, pastor, at
iba pang namumuno dito
c. sa Diyos gamit ang Kaniyang mga salita at halimbawa

Sa proseso ng paghubog ng konsensiya gamitin nang mapanagutan ang


sumusunod;
a. Isip. Sa pamamagitan ng pag-aaral, pagkatuto, pagtatanong, pag-alam at pagkuha ng
mga impormasyon, paghingi ng payo, panalangin, pagkakaroon ng kahandaan na baguhin
ang nilalaman ng isip, pagiging maingat sa pagpapasiya sa kung ano ang pinakamabuting
kilos na nararapat gawin, pag-unawa sa birtud
b. Kilos-loob. Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa kabutihan at
pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili ay patungo sa paglinang ng pagka-
personalidad
20
c. Puso. Pananalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa pagkilala ng mabuti
laban sa masama, kahandaan na mas piliin ang mabuti
d. Kamay. Palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti, pagkakaroon ng
pananagutan sa anumang kilos, pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga,
pakikihalubilo sa mga taong tunay na susuporta sa paghubog ng mga moral na
pagpapahalaga.

Gabay ang una at pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral, maaaring


mapadali ang proseso ng paghubog ng konsensiya ng tao. Kung isasapuso ng lahat ng tao
ang mga prinsipyong ito, malinaw ang magiging gabay ng tao sa kaniyang kilos at
pagpapasiya.

Hindi naman inaasahan ang agarang pagbabago sapagkat ang paghubog sa


konsensiya ng tao ay isang mabagal na proseso. Mahalagang maiwan ang mahalagang
mga kataga hango sa aklat na Konsensiya (Lipio, 2004).

“Ang ating mga pagkabigo ay daan tungo sa ating pag-unlad.


Tinatawag tayo upang maging ganap sa salita at gawa. Kung ano
tayo at kung magiging ano tayo ay nakasalalay sa ating mga moral na
gawain. Ang mga gawaing ito ay humuhubog sa ating pagkatao, paguugali
at buong buhay.”

Ang ating kakayahan na maunawaan at pillin kung ano ang mabuti patungo sa
mabuting paraan ng pagkilos ay nagmumula sa konsensiyang nahubog nang mahusay. Ang
pagsunod sa utos ng konsensiya ay hindi lamang ang paggawa ng mabuti kundi higit sa
lahat, ang pagiging mabuting tao, ang pagpapakatao. Matatag ka na ba sa pagtugon sa
hamon ng maayos at regular na paghubog ng konsensiya?

Sagutan sa iyong dyurnal ang bahaging Tayahin ang Iyong Pag-unawa


1. Ano ang pangunahing tungkulin ng konsensiya?
2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kamangmangang madaraig at kamangmangang di
madaraig gamit ang isang halimbawa.
3. Ano-ano ang apat na yugto ng konsensiya? Ipaliwanag ang bawat isa gamit ang isang
halimbawa.
4. Bakit mahalagang maunawaan ang proseso ng pagkilos o mga yugto ng konsensiya?
5. Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral?
6. Ano ang una at ikalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
7. Bakit mahalaga ang paghubog ng konsensiya?
8. Paano huhubugin ang konsensiya ng tao upang kumiling ito sa mabuti?

Pagyamanin

Oopps! May matutuklasan ka pa. Basahin ang artikulo sa ibaba.

21
Mabuti at masama na epekto ng Gadget.

Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Marami na ang mga makabagong
teknolohiya tulad ng computer,cellphone, MP3, MP4, iPod at iba pa. Para sa karamihan, ang
gadget ay isang napakahalagang imbensiyon at malaki ang naitutulong nito sa atin. Pero
hindi alam ng lahat, bukod sa mga mabuting epekto nito, mayroon din itong hindi
magandang epekto.

Unahin na natin ang mabuting epekto. Ang gadget ay isang teknolohiyang


nagbibigay sa atin ng maraming impormasyon. Halimbawa na lamang kapag tayo ay
mayroong mga proyekto o takdang aralin sa paaralan, mas napapadali tayong maghanap ng
mga kasagutan. Hindi na tayo mahihirapang maghanap sa mga libro,
ang gadget tulad ng cellphone na mismo ang magbibigay sa atin ng sagot. Tumutulong ang
gadget para magkaroon tayo ng komunikasyon sa mga mahal natin sa buhay na nasa
ibang bansa. Nakatutulong din ito sa negosyo gamit ang internet. Katulad lamang ngayon sa
panahon ng pandemya ng COVID-19 ay nauuso ang online na pagbibinta, klase at
pagpupulong. At ito rin ang pangunahing dahilan ng mga estudyante na gumagamit nitong
teknolohiya sa pagpili nila sa kanilang kursong kukunin.

Samantala, dito naman tayo sa hindi magandang epekto ng gadget. Una na riyan
ang problemang naidudulot nito sa mga kabataan. Ang iba ay napapabayaan ang kanilang
pag-aaral, naaadik sa paglalaro ng ibat-ibang klase ng online games tulad ng Mobile
Legends, Clash of Clans , at iba pa. Hindi lang oras ang nasasayang pati na rin ang budget.
Winawaldas ng mga estudyante ang kanilang pera sa paglalaro na sa halip sa pagkain at sa
bayad sa eskwela. Maaari din itong magdulot ng sakit, tulad ng pagsakit ng ulo, pagkasira
ng mata o pagkahilo dahil sa matagal na pagkatutok sa gadget.

Kaya, hinay hinay lang sa paggamit at huwag nating abusuhin ang mga
teknolohiyang ito. Magkaroon tayo ng disiplina sa sarili upang mapakinabangan ng mabuti
ang hatid ng mga gadgets.

Matapos mong basahin ay sagutin ang dalawang Pukos na tanong. Magaling ka


dito diba! Kaya, magsagawa ka ng angkop na kilos tungkol sa binasang artikulo. Isulat sa
iyong journal notebook.
1. Ano ang mga dapat mong isagawa upang maitama ang hindi magandang epekto ng
gadget?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bilang kabataan, ano ang dapat mong gawin upang makatulong ka sa iyong kapwa
na nalululong din sa maling paggamit ng gadget?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip

Siguro naman ay mas malawak na ang iyong pagkakaintindi sa ating aralin. Ngayon,
ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa larawan na batay sa natalakay sa
aralin? Ito ay gawain na naman na kung saan kailangan mo muling sundin ang panuto sa
pamamagitan ng mga pagpipiliang salita sa kahon. Punan ang mga patlang ng angkop na
salita upang mabuo ito. Isulat sa journal notebook.
22
Sa tuwing magbabalik tanaw ang ________________sa mga karanasan niya sa
________. Nagkakaroon ng pagkakataong ________________ang mahahalagang yugto
nito. Minsan nakakagawa tayo ng __________________pasiya. Kaya, kapag nabigyan ng
pagkakataon _____________ ang mga ito. Nagagawa ang angkop na kilos at natututo sa
aral ng buhay.
TAO NILALANG ARAW

BUHAY BALIKAN SUNDAN

ITAMA MALING

Isagawa

Dahil masusi ang iyong pagsasagawa ng bawat gawaing inilaan sa aralin na ito.
kahanga-hanga ka. Saludo ako sa iyo. Itong bagong gawain ay ang nilalaman ng puso mo.
Sundin lamang ang panuto: Batay sa iyong sagot sa mga gawain sumulat ng isang
pagninilay sa iyong journal sa nilalaman ng iyong puso ayon sa konseptong iyong nabuo.

23
ANG NILALAMAN NG AKING PUSO

Sa puntong ito,suriin naman ang iyong naisulat na tungkol sa nilalaman ng iyong


puso. Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na krayterya.

Krayterya Ganap na Bahagyang Hindi


Naisagawa Naisagawa Naisagawa
5 4 3

Organisasyon sa pagkakasulat ng
sanaysay
Kaangkupan sa halimbawang
ginamit sa sanaysay
Pagpapakita ng pagiging malikhain
sa pagsulat

24
Tayahin

O ayan nandito kana sa paggawa ng halos panghuling gawain kung saan malalaman
mo na ganap na ang iyong kaalaman at karunungan sa pagkakataong ito. Kung kaya ay
sundin ang panuto nitong huling bahagi ng pag-aaral mo ng modyul na ito. Basahin at
unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang titik
nga tamang sagot sa inyong journal.

1. Isang uri ng tinig na nagbibigay payo sa tao at nag-uutos sa gitna ng isang moral na
pagpapasya kung paano kumilos sa isang konkretong sitwasyon.
a. Konsensiya c. Kalayaan
b. Dignidad d. Kilos-loob
2. Saan maihahantulad ang konsensiya?
a. Musika ng buhay c. Munting tinig
b. Konkretong sitwasyon d. Mahabang karanasan
3. Anong uri ng batas ng tao ang may kakayahang gawin ang mabuti o masama.
a. Mataas na batas c. Batas sa pagpapasya
b. Likas na batas moral d. Sobhetong bata
4. Para lumayo ang tao sa masamang paggamit ng konsensiya, kailangan ay:
a. Pumasok sa simbahan c. Maniwala sa nakita sa internet
b. Sumama sa kaibigan d. Kausapin ang magulang
5. Nais ni Jimmy magkaroon ng cellphone kaya nagsisikap siyang magtrabaho sa
libreng oras sa eskwela. Anong prinsipyo ng likas na batas moral ito?
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral
6. Bakit itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos ang likas batas moral?
a. Ito ang pamantayan ng moralidad ng tao
b. Ito ang batayan ng isip
c. Ito ang paghuhusga
d. Ito ang konsensiya ng tao
7. Mali ang kaisipan ng konsensiya, kapag:
a. Sinusunod ang munting budhi c. madaling maniwala sa balita
b. Nagbagabag at nagnilay d. Matagal magdasal
8. Ang sumusunod ay ang unang prinsipyo ng likas batas moral, maliban sa:
a. Nag-iisip bago mag desisyon c. Paggawa ng mabuti
b. Umiiwas sa masama d. Pag-aalaga sa sarili
9. Para masunod ang likas na batas moral mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo
nito. Ano ang pahayag na ito?
a. Tama, dahil batayan ito ng mabuti at masama
b. Tama, dahil isa itong batas
c. Mali, dahil hindi importante ang mga prinsipyo nito
d. Mali, dahil mayroon kaming konsensiya

25
10. Nilikha ang tao na mabuti, sa kabila nito:
a. Napapagod ang tao sa hamon ng panahon
b. Naimpluwensiyahan sa media
c. Kahit mabuti, pinili parin ang masama
d. Palaging gumagawa ang tao ng desisyon
11. Paano mas maging malaya ang tao sa kabila ng hamon ng panahon?
a. Kapag nagsasabi palagi sa nararamdaman
b. Kapag sinunod ang mabuti at tama para sa lahat
c. Kapag tinuruan ng mga magulang
d. Kapag pinagbutihan ang pag-aaral
Para sa bilang 12 at 13

Si Aling Flor ay may nag-iisang anak. Kaya sinisikap niyang maibigay


ang tamang edukasyon at mabuting pangaral sa anak. Isang araw
humingi ang anak ng bagong cellphone ngunit hindi niya ito pinagbigyan
dahil hindi naman ito pangunahing pangangailangan. Sinabi niya sa
anak na maghintay ng tamang panahon sa lahat ng bagay.
12.Ano ang ipinapahayag ng seleksiyon?
a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
d. pagpapahiwatig ng nararamdaman
13. Aling prinsipyo ng likas na batas moral ang sinunod ni Aling Flor?
a. Ang paggawa ng mabuti, lumayo sa masama.
b. Ang lahat na may buhay, kasabay sa pangangalaga niya sa saril.
c. Ang lahat ng mga nilikha sa mundo dahil nasa tao ang pagpaparami
at bigyang ng mabuting edukasyon ang mga anak.
d. Ang pagiging rasyonal ng tao, kaya natural sa tao ang alamin ang katotohanan at
sa lipunang kanyang kinabibilangan.
14. Sa buong mundo hindi inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya na COVID-19.
Paano nagagamit ang dikta ng konsensiya sa panahong ito?
a. Umasa sa pamahalaan c. Matakot sa frontliner
b. Mag-isip ng mapagkakakitaan d. Mananatili sa bahay
15. Gaano man kabigat ang mga pagsubok ng panahon dapat manatiling
matatag at lagging manalangin sa Panginoon. Sa prinsipyo ng likas batas moral, ang
pahayag ay:
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral

26
Karagdagang Gawain

Malugod na pagbati para sa iyo! Bakit? Dahil matatapos mo na ang modyul na ito
kung kaya pagyamanin ang iyong kaalaman. Gawin ito at sundin lang ang panuto: Isulat ang
iyong naramdaman at reyalisasyon mula sa aralin. Maaari ring magtala ng mga tanong na
nangangailangan ng karagdagang sagot. Kopyahin ang mga masayang mukha sa ibaba sa
iyong journal. Sana mag enjoy ka!

27
Susi sa Pagwawasto

Sana nag enjoy ka? At mag eenjoy ka na malalaman muna sa bahaging ito ang mga
sagot sa mga gawain, aralin at subukin. Dahil sa bahaging ito ay masusubok mo ang iyong
pagiging tapat hindi lang sa iyong guro, sa iyong sarili, kundi lalo’t higit sa ating Diyos na
Maykapal na hindi nalulugod na makita ang bawat isa satin na lumalabag sa batas na
magbibigay sa atin ng pagkakataon o oportunidad na maging tunay na makatao at maka-
Diyos.
Karagdagan pa ay ang kaligayahang iyong mararamdaman dahil sa iyong katapatan.
Kami na mga tagapag-padaloy ng karungan ay lubos din na masisiyahan at makakaramdam
ng tunay na kaganapan.

Subukin Isagawa Isagawa


Nasa guro ang Nasa guro ang
1. A pagpapasya kung tama pagpapasya kung tama
2. C
Karagdagang Gawain Karagdagang Gawain
3. B
Gawain 1 Nasa guro ang
4. D
1.Mabuti 2.Masama pagpapasya kung tama
5. C
3.Mabuti 4.Masama Aralin 3.
6. A
5.Mabuti Tuklasin
7. B
Gawain 2 Nasa guro ang
8. D
Nasa guro ang pagpapasya kung tama
9. A
pagpapasya kung tama
10. C Pagyamanin
Aralin 2.
11. B Nasa guro ang
Tuklasin
12. A pagpapasya kung tama
Gawain 1
13. C Isaisip
1.Gawin ang mabuti
14. D 1.Tao 2. Buhay
2.Iwasan ang masama
15. B 3.Balikan 4. Maling
3.Pangalagaan ng tao
ang kaniyang buhay 5.Tama
Aralin 1.
4.Pagpaparami ng uri Isagawa
Tuklasin
5.Alamin ng tao ang Nakadepende sa
Nakadepende sa
katotohan Krarterya ng Paggawa
Krarterya ng Paggawa
Pagyamanin Karagdagang Gawain
Pagyamanin
Nasa guro ang Nasa guro ang
Nasa guro ang
pagpapasya kung tama pagpapasya kung tama
pagpapasya kung tama
Isaisip
Isaisip
Nasa guro ang
Nasa guro ang
pagpapasya kung tama
pagpapasya kung tama

28
Sanggunian

Agapay, Ramon B. (1991) Ethics and the Filipino: A manual on Morals for Students and
Educators. Mandaluyong City. National Book Store
Astorga, Ma. Cristina A. (2009). Living the Faith Option: Christian Morality. Quezon City:
FNB Educational, Inc.
Cabellos, P. (1991) Forming the Conscience. Manila. Sinagtala Publishers, Inc.
Clarke, W.N., S.J. (1997). Conscience and the Person. (Manila) Buddha
Crisostomo, Rosar. (2004) nagsalin sa Fillipino. Konsensya para sa mga Katolikong Pilipino.
Mandaluyong City. National Book Store
Donnelly, John and Lyons, Leonards (1973). Conscience. New York: Alba House
Esteban, Esther J. (1990).Education in Values: What, Why and for Whom. Manila:
Sinag-tala Publishers, Inc.
Lipio, Felicidad C. (2004) Konsensiya para sa mga Katolikong Pilipino. Mandaluyong City:
National Bookstore.
Quito, Emerita S. (2008) Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc.
Reyes, Ramon. (2009). Ground and Norm of Morality. Quezon City: Ateneo de Manila
University Press.
Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010 Gabay sa
Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC) Pasig
City: Awtor
Modyul ng Mag-aaral Gabay sa Pagtuturo sa EsP Baitang 10

Conscience (n.d.) Retrieved November 21, 2009 from


http://www.newworldencyclopedia.org/entry/Conscience
Moral Dilemmas for Students Retrieved November 14, 2014 from
http://www.buzzle.com/articles/moral-dilemmas-for-students.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/budhi

29
Para sa mga Tanong at Puna, maaari na sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Kawanihan ng mga Kaalaman


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813- 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
Website: www.Depedbukidnon.net.ph

You might also like