You are on page 1of 19

ESP

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III
DIVISION OF PAMPANGA

Modified Strategic Intervention


Material

Edukasyon sa Pagpapakatao

10

1
ESP
Edukasyon sa Pagpapakatao– Ika-sampung Baitang
Modified Strategic Intervention Material
Unang Markahan – Una – Ikalawang Linggo: Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic Instructional Material

Manunulat: Claudette G. Policarpio T-III – Andres M. Luciano High School


Tagasuri: Maria Carmen M. Evangelista – EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Ruby R. Manalastas – T-III/ San Matias High School
Tagalapat: Grace M. Santos – T-III/Paguiruan ES
Christian P. Manalili – T-II/ Eastern Porac National High School
Tagapamahala:
Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Maria Carmen Evangelista – EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Ruby M. Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon– Division of Pampanga


Kagawaran ng Edukasyon – Division of Pampanga
Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,
San Fernando City, Pampanga
Landline Number: (045) 435-27-28
Email Address: pampanga@deped.gov.ph

2
ESP
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip
at Kilos Loob

Alamin

Sinasabing ang tao ang pinakatangi sa lahat ng nilikha ng Diyos.


Sumasang – ayon ka ba dito? Naitanong mo na ba sa iyong sarili bakit
pinakatangi kaya ang tao? Anong kakayahang taglay ng tao ang
nagpapaiba sa kanya mula sa ibang nilikha? Bakit ito ipinagkaloob sa
kanya? Marahil ay natutunan mo sa ikapitong baitang na ang tao ay
pinagkalooban ng isip at kilos loob at ito ang nagpapabukod-tangi sa
kanya mula sa ibang nilikha. Sa araling ito tatalakayin natin ang mataas
na gamit at tunguhin ng isip at kilos loob upang mapapaunlad ang ating
pagkatao. Handa ka na bang matuto?

Halika magsimula na tayo at higit pang alamin mataas na gamit at


tunguhin ng isip at kilos loob ng tao at ang wastong paggamit at tunguhin
nito.

Pagkatapos mong pag – aralan ang modyul na ito, inaasahang


matutunan mo at maisabuhay ang mga sumusunod na kasanayan at
pagpapahalaga:

1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.


2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang
mga ito.
3. Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa
paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.
4. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at
magmahal.

Mga paalala para sa iyo upang lubos kang matuto:

1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod.


2. Unawaing mabuti ang bawat paksa.
3. Basahin at sundin ang mga panuto sa bawat gawain.
4. Pag-isipang mabuti ang tamang sagot bago ito isulat.

1
ESP
5. Maging tapat at laging isaalang-alang ang iyong pagpapahalaga sa
pagsagot sa mga tanong.
6. Magtiyaga sa pagbabasa at pagsagot, isaisip ang layuning matuto at
umunlad ang pagkatao.
7. Kung nag-aalinlangan o nalilito maaring magtanong sa guro,
magulang, kaklase o kaibigan.
8. Siguraduhing matatapos ang bawat m odyul.

Bago tayo magsimula sa modyul, dadaan ka muna sa panimulang


pagsubok. Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan.

Subukin

Panuto : Bilugan ang titik ng pinakawastong sagot.

1. Ito ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao upang makaalam, makaunawa,


makahusga at mangatwiran.
A. isip C. kilos-loob
B. kaluluwa D. puso
2. Ito ay inilarawan ni Santo Tomas bilang makatuwirang pagkagusto
sapagkat kusa itong naaakit na mabuti at lumalayo sa masama.
A. isip C. kilos-loob
B. kaluluwa D. puso
3. Ano ang mataas na gamit at tunguhin ng isip?
A. Ang makaunawa
B. Ang maging matalino
C. Ang makapangatwiran
D. Ang mahanap ang katotohanan.
4. Ano ang mataas na gamit at tunguhin ng kilos loob?
A. Ang makapili
B. Ang makagusto
C. Ang maging malaya
D. Ang magmahal at maglingkod sa kapwa.
5. Ayon kay Scheler ang pagmamahalal ang pinakapangunahing kilos
at ito ay naipapakita sa pamamagitan ng:
A. Awa sa kapwa C. Paglilingkod sa kapwa
B. Pagsamba sa Diyos D. Pagmamahal sa sarili
6. Sa panahon ng pandemya mahigpit na ipinagbabawal ng
pamahalaan ang paglabas ng bahay lalo ang edad 20 pababa.
Bilang kabataan anong dapat mong gamitin upang sundin ang
polisiyang ito?
A. isip C. kilos-loob
B. kalayaan D. puso

2
ESP
7. Sa iyong pagsunod sa batas na ito higit mong naisip ang kapakanan
ng iyong lola na may sakit na kasama ninyo sa bahay. Alin ang higit
mong nagamit sa mga sumusunod upang tupdin ang polisiya?
A. isip C. kilos loob
B. kalayaan D. puso
8. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan ang dapat makita ng
mag-aaral na kagaya mo sa kasalukuyang panahon?
A. Mahalaga ang edukasyon pero mas mahalaga ang
kalusugan kaya di muna papasok kahit mahuli sa pag -aaral.
B. Mahalaga ang edukasyon dapat papasok na at iingatan na
lamang ang sarili.
C. Mahalaga ang pag-aaral pero hindi ka maaring matuto kung
hindi papasok sa paaralan kaharap ang guro.
D. Mahalaga ang edukasyon at mahalaga rin ang panahon
kaya dapat maging bukas sa bagong paraan ng pag -aaral
kasabay ng pag -iingat sa sarili.
9. Paano mo mahahasa ang iyong isipan kapag may quarantine/
lockdown?
A. mag Tiktok
B. magpahinga at matulog
C. magtanim ng mga gulay
D. magbasa ng makabuluhang babasahin
10. Paano mo higit maisasabuhay ang paglilingkod sa kapwa sa
panahon ng pandemya?
A. Sumunod sa mga polisiya
B. Huwag lalabas ng bahay
C. Ipagdasal ang sambayanan
D. Magbahagi sa mga mas higit na nangangailangan.

Balikan

Natutunan mo sa Baitang 7 na ang isip ay ginagamit upang


makaalam, makaunawa, makapaghusga at makapangatwiran.
Nalaman mo rin na ang Kilos-loob ay malayang pagpili.
Sa modyul na ito ay mas madadagdagan pa ang iyong
kaalaman tungkol sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. Inaasahan
ding mapapaunlad ang iyong kakayahan sa paggawa ng tamang pasya
pati na rin ang mabuting pakikipag – ugnayan sa kapwa.
Tara at simulan na natin.

3
ESP

Tuklasin

Activity 1 : Awitin sa saliw ng “Ako ay may lobo”

Ako ay may isip binigay ng Diyos


Upang matuklasan ang katotohanan

Mga kaalaman pati kamalayaan


Ng makaunawa, maghusga’t
mangatwiran.

Kilos Loob na rin kaloob sa akin


Aking gagamitin sa tamang tunguhin.
Piliin ang tama, umiwas sa masama,

Magmahal maglingkod sa Diyos at


Kapwa.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Tungkol saan ang awitin?


_________________________________________________________________.
2. Ayon sa awitin, ano ang gamit ng isip?
_________________________________________________________________.
3. Ano naman ang tunguhin ng kilos-loob?
_________________________________________________________________.
4. Ganito rin ba ang ginagamit mo, ang isip at kilos-loob na kaloob sa
iyo ng Diyos? Pangatwiran.
_________________________________________________________________.

Ayan napaawit ka na. Nawa’y naunawaan mo rin ang mensahe ng


kanta. Malalaman natin iyan kung nasagutan mo ng tama ang mga
tanong.

4
ESP
Suriin

Ngayon ay dadako na tayo sa pinakamahalagang bahagi,


malalaman na natin ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos loob.
Upang madali mong maintindihan gagamit tayo ng tsart para itala ang
mahalang kaalaman patungkol sa ating paksa na hinango mula sa Aklat
na Paglalakbay ng May Mabuting Asal, Edukasyon sa Pagpapakatao 10
na akda ni Giselle Mendoza noong 2015 at Modyul para sa mga Mag -
aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10, 2015.

Halika simulan na natin ang pagbabasa.

Kapangyarihan Wastong Paggamit at


Tunguhin
1. Umalam 1. Paghahanap ng
ISIP 2. Umunawa kahulugan at totoong
3. Makahusga at layunin ng buhay.
4. Gawin ang mga 2. Pag – unawa at
sumusunod: pagbibigay katuwiran sa
 humanap ng katototohanan.
impormasyon 3. Paghuhusga at
 Magnilay sa mga pagpapasiya batay sa
layunin at kahulugan pamantayan ng moralidad
ng mga o ng tama at dapat.
impormasyong 4. Pag – unawa sa
nakalap. pangkalahatang
 Suriin at alamin ang katotohanan.
dahilan ng mga 5. Pagsusuri sa mga
pangyayari. dahilan at epekto ng pasya
 Malaman ang mabuti at kilos.
sa masama, tama at 6. Makatuwirang
mali at ang paglutas sa suliranin.
katotohanan.
 Umisip ng paraan
upang mailapat ang
mga kaalaman sa
araw – araw na
buhay.

1. Malayang pumili ng 1. Pagmamahal sa


KILOS gustong isipin o gawin Diyos at kapwa.
LOOB 2. Umasam, maghanap, 2. Pagpili ng
mawili, humilig sa anumang pinakamabuti.

5
ESP
nauunawan ng isip na 3. Pagdaan sa masusing
gawin. proseso ng
3. Maging pagpapahalaga at
mapanagutan sa pagpili ng pagpapasya bago kumilos.
aksyong makakabuti sa 4. Pagkilos bunga ng
lahat. mapanagutang
pagpapasya.
5. Paggamit ng
Kalayaan nang may
pananagutan.

Kung iyong susumahin ang nakasulat sa tsart mahihinuha mo ang


nakasentro sa paghahanap ng katotohanan ang mataas na gamit ng isip.
Ang katotohanan ang siyang tunguhin ng ating isip. Kapag natutuklasan
mo ang katotohanan lalong naliliwanagan, lumalawak at umuunlad ang
iyong kaalaman. Taglay ang mga kaalaman maari mong bigyan ng
kahulugan at kabuluhan ang mga bagay sa iyong paligid na siyang
magagamit mo sa araw- araw mong pamumuhay . Maari mo rin itong
maging batayan sa paggawa o pagbuo ng iyong pasya.

Samantala ang Kilos-loob naman ay nakapokus sa malayang


pagpipili na dulot ng mataas na kamalayaan at pag-unawa ng kaalaman.
Ang kilos-loob ay umaasa lamang sa isip, mula sa paghuhusga ng isip
sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob. Dahil sa katotohanang
nakakalap ng isip nakukuha nitong bigyang kahulugan ang isang bagay o
sitwasyon na dapat niyang tugunan. Kapag naimpluwensiyahan ng isip
ang kilos-loob na tumugon sa tawag ng sitwasyon nagagawa ng tao ang
kanyang moral na tungkulin. Ito ay kumilos at tumalima sa kung ano ang
nararapat niyang gawin. Alam mo ba na ayon kay Max Scheler, may
kakayahan ang taong maramdaman at gawin ito dahil sa katangian
niyang “umiiral na nagmamahal” o ens amans sa salitang latin. Ang
pagmamahal ayon pa sa kanya ay ang pinakapangunahing kilos
sapagkat dito daw nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao. At
pagmamahal ay maisasabuhay mo sa pamamagitan ng paglilingkod sa
kapwa na siyang pagmumulan ng tunay na kaligayahan na hinahanap ng
tao. Sa ganitong paraan nabubuo ang kanyang pagkatao. Kaya’t ang
mataas na tunguhin ng kilos-loob ay magmahal at maglingkod sa kapwa.

Ang isip at kilos-loob kapag nahubog batay sa katotohanan ay


magbubunga ng karunungan. Bilang tao na pinakadakila sa lahat ng
nilikha ikaw ay nagtataglay ng karunungan na hindi ipinagkaloob sa ibang
nilikha. Ang karunungang ito ay magagamit sa pagbuo ng mabuting
pasya upang mapaunlad ang sarili, ang kapwa at ng lipunan.

Ngayong alam mo na ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at


kilos-loob inahasahang tupdin mo ang iyong tungkulin na sanayin,
paunlarin at gamitin ang iyong isip at kilos-loob upang maging
makabuluhan ang buhay mo at makamit mo ang iyong pagkatao.

6
ESP
Nawa’y ilaan mo ito sa pagsasabuhay ng katotohanan, pagmamahal at
paglilingkod sa kapwa. Sapagkat ang Isip at Kilos-loob na kaloob sa iyo ay
ginagamit lamang para sa paghahanap ng katotohanan at sa
pagmamahal at paglilingkod sa kapwa(Batayang Konsepto, Modyul 2,
Modyul Para sa Mag-aaral, EsP 10, 2015)

Pagyamanin

Gabay na Gawain 1

Tignan natin kung natatandaan mo ang iyong binasa. Punan ng


wastong salita ang bawat patlang sa pangungusap na tumutukoy sa
kapangyarihan ng isip at kilos-loob.

Kapangyarihan ng isip:

1. __________________ sa mga layunin at kahulugan ng mga impormasyong


nakalap.

2. Umisip ng paraan upang mailapat ang mga _______________ sa araw –


araw na buhay.

3. __________________ ang mabuti sa masama, tama at mali at ang


katotohanan.

Kapangyarihan ng Kilos loob

4. Maging _____________ sa pagpili ng aksyong makakabuti sa lahat.

5. _____________________ pumili ng gustong isipin o gawin.

6. Umasam, maghanap, mawili, humilig sa anumang __________________ ng


isip na gawin.

Gabay na Tayahin 1

Mula sa kahon pumili ng mga salita o parirala at ilagay ito kung saan
nabibilang. Isulat sa may “bubble speech” kung ito ay mataas na gamit
ng isip at isulat naman sa may puso kung ito ay mataas na tunguhin ng kilos
loob.

7
ESP
 Matuklasan ang  Maglingkod sa kapwa
Katotohanan
 Mapanagutang Paggamit
 Magmahal ng Kalayaan

 Makahusga  Mapanagutang
Pagpapasya

 Paghahanap ng totoong
 Pagsusuri ng epekto layunin ng buhay

 Pagpili ng pinakamabuti
 Mangatwiran

Gabay na Gawain 2

Ngayon naman ay subukan natin kung mailalapat mo ang tamang gamit


ng isip at kilos-loob sa bawat sitwasyon. Bilugan ang thumbs up kung
nakamit ang mataas na gamit ng isip o kilos-loob at thumbs down naman
kung hindi.
1. Hindi lumalabas ng bahay dahil ito ay
mahigpit na ipinababawal kahit walang
nakabantay na tanod o pulis sa inyong
lugar.

2. Maagang nagigising kahit walang pasok


para makatulong sa gawaing bahay.

3. Ginugugol ang oras sa pagtitiktok para


makalimutan ang takot na dulot ng
pandemya.
4. Kusang-loob na gumagawa ng tula, awit,
o artwork at ipopost sa social media bilang

8
ESP
pasasalamat sa sakripisyo ng mga health
workers at frontliners.

5. Isinishare ang lahat ng makita sa social


media basta nagustuhan kahit pa hindi
sigurado kung ito o totoo o peke.

Gabay na Tayahin 2

Subukan natin ngayon ang iyong galing sa pagsuri ng mga pasya.


Tama o Mali Paano ba pipili? Lagyan ng tsek  ang larawang ito
kapag tama ang pasya at ito naman kung mali.

1. Dahil sa quarantine ipinagbawal muna ang pagsisimba


o pagsamba, pero nagpasya kang patuloy itong gawin
tuwing Linggo sa pamamagitan ng Live Stream.

2. Kahit alam mong may 24 oras na curfew pinili mong


lumabas at mamasyal para makalanghap ng sariwang
hangin.

3. Alam mong walang trabaho ang nanay mo dahil sa


lockdown pero tumutulong ka pa rin sa mga gawaing
bahay para kaagad siyang makapagpahinga.

4. Gustong gusto mong sumikat kaya anumang paraan ay


iyong papatulan mag-viral o trending ka lamang sa social
media.

5. Dahil nagtatrabaho sa barangay ang kamag-anak mo


ay tumanggap ka ng ayuda mula sa gobyerno kahit alam
mong hindi ka karapat-dapat dito.

Malayang Gawain 1

Magbigay ng tatlong mataas na gamit ng isip at 2 mataas na


gamit ng kilos loob batay sa nabasa mo sa tsart.

Mataas na gamit at tunguhin ng Mataas na gamit at tunguhin ng


isip kilos-loob
1. 1.

2. 2.

3.

9
ESP

Malayang Tayahin 1

Ang mga kabataan ngayon ay laging abala sa social media, hindi


naman ito masama kung hindi puro libangan ang ginagawa. Mayroon din
itong mabuting maidudulot kung gagamitin lamang ng tama. Paano
magagamit ang social media upang makamit ang mataas na gamit at
tunguhin ng isip at kilos loob? Magbigay ng limang (5) paraan, tatlo sa isip
at dalawa(2) naman sa kilos loob. Isulat ang iyong mga sagot sa tablet.

ISIP ISIP ISIP

KILOS LOOB KILOS LOOB

Malayang Gawain 2

PAGTATAMA NG MALI! Ganito natin tatawagin ang susunod na gawain.


May kasabihan na ang “pagsisisi ay laging nasa huli.” Maaring
nakagawa ka na ng maling pasya, natural lang ito bilang tao dahil hindi
naman tayo perpekto. Ang mahalaga ay nakilala natin ang ating
pagkakamali at natututo tayo mula rito. Kung ginagamit mo ng wasto
ang isip at kilos-loob mo tiyak ay makikilala mo ang iyong pagkakamali at
ito ay maiwawasto mo. Itama mo ang mga susunod na maling pasya, ,
maaring nangyari na ito sa iyo. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
1. Sobra ang sukling ibinigay sa iyo sa canteen. Alam mo ito pero
kinuha mo pa rin.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

10
ESP
2. Sumingit ka sa pila dahil nagmamadali ka.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Inaway mo ang iyong kaklase dahil may nagsabing tsinitsismis ka
niya.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Bumagsak ka sa exam dahil hindi ka nakapag-review sa kakalaro


ng Mobile Legends (ML).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Nag-cutting class ka dahil birthday ng matalik mong kaibigan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Panuto :Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang saloobin mo sa mga maling pasyang nabanggit?

2. Nagawa mo na ito?

3. Kung Oo, ano ang naidulot nito sa iyo?

4. Kung hindi, ano ang dahilan bakit hindi mo ito ginawa?

5. Ano ang dapat gawin ng kabataang tulad mo para maiwasan


ang mga maling pasyang kagaya nito?

KRAYTIRYA sa PAGWAWASTO para sa Malayang Tayahin 1 at Malayang


Gawain 2.

5 – malaman, kumpleto, may kinalaman sa paksa


4 – malaman kumpleto meyo kulang ang kinalaman sa paksa
3 – malaman, kumpleto pero kalahati lamang ang kinalaman sa paksa
2 – di – gaanong malaman, di – gaanong kumpleto, malayo ang
kaugnayan sa paksa
1- kulang na kulang ang laman, hindi kumpleto at malayo ang
kaugnayan sa paksa.

Malayang Tayahin 2

Gamit ang graphic organizer ilahad ang pinakamataas na gamit at


tunguhin ng isip at kilos-loob. Isulat ang sagot sa arrow . Pagkatapos
ay buuin ang konsepto sa ibaba. Punan ang patlang ng mga salitang
ginamit mo sa graphic organizer.

11
ESP

ISIP KILOS-LOOB

Ang isip at kilos-loob ay ginagamit lamang para sa


___________________ ng _________________________ at sa
____________________ at _____________________________ sa kapwa.

Isaisip

Lagi mong alalahanin na nilikha ang tao ayon sa wangis ng Diyos


na may isip at kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang
kanyang pagkatao sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa
kapwa . Ito ay kambal na kapangyarihan na dapat magamit sa tamang
pagpapasya at mabuting pagkilos.

Isagawa

May Magagawa Ako! Masasabi mo ba ito sa iyong sarili? Bilang


kabataan, ano ang maibabahagi mong tulong sa kinakaharap na krisis
ng lipunan dulot ng epidemya?

1. Para palakasin ang loob ng mga healthworkers.


2. Para labanan ang CoViD 19.
3. Para sa pagbangon ng ekonomiya

Ipakita ang iyong nagawa sa pamamagitan ng pagdidikit ng


larawan na nagpapatunay sa iyong naibahaging solusyon.

12
ESP

Tayahin

Panuto : Bilugan ang titik ng pinakawastong sagot.

1. Siya ay pinakatangi sa nilikha ng Diyos dahil siya ay pinagkalooban


ng isip at kilos-loob.
A. angel C. hayop
B. halaman D. tao
2. Ang matuklasan ang katotohanan ang siyang mataas na gamit at
tunguhin ng ______________________.
A. isip C. kilos-loob
B. kaluluwa D. puso
3. Ang magmahal at maglingkod sa kapwa ang siyang mataas na
gamit at tunguhin ng ______________________.
A. isip C. kilos-loob
B. kaluluwa D. puso
4. Ayon kay Scheler ito ang pinakapangunahing kilos at ito ay
naipapakita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.
A. pagdarasal C. pagninilay
B. pagmamahal D. pagsisimba
5. May kakayahan ang taong maramdaman at gawin ang tawag ng
sitwasyon o ng tungkulin sapagakat _______________________?
A. Siya ay umiiral na nagmamahal.
B. Ito ay kanyang kalikasan bilang tao.
C. May kamalayan siya sa kanyang sarili.
D. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral.
6. Ito ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob batay sa katotohanan.
Tao lamang ang tanging may taglay nito.
A. kalayaan C. karunungan
B. kamalayan D. katalinuhan
7. Paano nakakatulong ang pagtuklas ng kaalaman sa pagbuo ng
pagkatao? Kapag nagamit ito upang …
A. maging mayaman.
B. maging makapangyarihan.
C. matupad ang kanyang pangarap sa buhay.
D. makapaglingkod sa kapwa at makibahagi sa lipunan.

13
ESP
8. Ang mga sumusunod ay wastong gamit ng Isip maliban sa
A. Makatuwirang paglutas sa suliranin.
B. Pagkilos bunga ng mapanagutang pagpapasya
C. Pagsusuri sa mga dahilan at epekto ng pasya at kilos.
D. Paghahanap ng kahulugan at totoong layunin ng buhay.

9. Ang mga sumusunod ay wastong gamit ng Isip maliban sa


A. makatuwirang paglutas sa suliranin.
B. pagmamahal sa Diyos at kapwa.
C. pagpili ng pinakamabuti
D. paggamit ng kalayaan nang may pananagutan.
10. Ang kilos-loob ay umaasa lamang sa isip, mula sa paghuhusga ng
isip sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos loob. Paano
mahuhubog sa wasto ang kilos loob?
A. sa taglay na katalinuhan
B. sa malawak na karungunan
C. sa pagtuklas ng katotohanan
D. sa pagkilos ng may Kalayaan

II. Gawan mo ng pasya ang bawat suliranin. Siguraduhing ginamit ng


wasto ang iyong isip at kilos-loob.
KRAYTIRYA sa PAGWAWASTO

5 – malaman, kumpleto, may kinalaman sa paksa


4 – malaman kumpleto meyo kulang ang kinalaman sa paksa
3 – malaman, kumpleto pero kalahati lamang ang kinalaman sa paksa
2 – di – gaanong malaman, di – gaanong kumpleto, malayo ang
kaugnayan sa paksa
1- kulang na kulang ang laman, hindi kumpleto at malayo ang
kaugnayan sa paksa.

1. Pinapahinto ka muna ng iyong magulang sa pag-aaral,


mapanganib pa raw dahil sa pandemya. Gustong mo talagang
matuto at alam mong may mga paraan ang DepEd para matuto
ang mga mag-aaral gamit ang teknolohiya at iba pang
pamamaraan. Ano ang iyong gagawin?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Sa iyong palagay tama ba ang iyong pasya? Pangatwiran

_________________________________________________________________
2. May ibinigay na gawaing-bahay ang iyong guro, nangangailangan
ito ng internet para masagutan. Nagkataong naubos na ang data
mo at wala kayong connection sa bahay. Wala ka ring pera para
magpaload o pumunta sa computer shop. Ano ang iyong gagawin?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

14
ESP
Sa iyong palagay tama ba ang iyong pasya? Pangatwiran
__________________________________________________________________

3. Mayroon kayong pangkatang proyekto at nais ng kaklase mo na


matulog kayo sa kanilang bahay para raw matapos niyo ito. Hindi ka
rin naman kasi pweding umuwi ng late dahil may curfew. Pero hindi
ka pinapahintulutan ng magulang mo na makitulog sa ibang bahay.
Ano ang iyong gagawin?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Sa iyong palagay tama ba ang iyong pasya? Pangatwiran
__________________________________________________________________

Additional Activities

Sa loob ng tatlong araw pagmasdan mo ang lahat ng iyong


ginagawa o ikinikilos mula pagkagising hanggang bago ka matulog.
Pagkatapos ay itala sa ibaba kung paano mo nagamit ng wasto ang
iyong isip at kilos-loob.
PAANO KO NAGAMIT PAANO KO NAGAMIT
ANG AKING ISIP SA ANG AKING KILOS-
PAGHAHANAP NG LOOB SA
KATOTOHANAN SA PAGMAMAHAL AT
NAKALIPAS NA PAGLILINGKOD SA
TATLONG (3) ARAW? KAPWA SA
NAKALIPAS NA
TATLONG (3) ARAW?

 MGA SANGGUNIAN

Para sa Teksto:
K12 MTB-MLE Curriculum Guide May 2016 retrieved from
http://lrmds.deped.gov.ph/

Edukasyon sa Pagpapahalaga 10, Modyul para sa mag -aaral pp. 33 - 37


Paglalakbay Ng May Mabuting Asal, Edukasyon sa Pagpapakatao pp. 4 -
6
Para sa mga larawan:
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/hand-holding-heart-
blood-donation-symbol-line-vector-14665837
http://clipart-library.com/mind-heart-cliparts.html

15
ESP
https://www.huffpost.com/entry/declines-in-dementia-of-hearts-and-
minds_b_583aeee1e4b0a79f7433b75a
https://pubs.spe.org/en/hsenow/hse-now-article-page/?art=3341

Susi sa Pagwawasto

SUBUKI Gabay na Gabay na Tayahin


N Gawain 1

ISIP KILOS LOOB


1. A 1. Magnilay  Matuklasan  Magmahal at
2. C 2. Kaala- ang Maglingkod sa
man katotohanan. Kapwa
3. D
3.Mala  Makahusga  Mapanagutan
4. D man  Mangatuwira g paggamit ng
5. C 4.Mapa n kalayan
6. A nagutan  Paghahanap  Mapanagutan
7. C 5.Malaya ng totoong g paggamit ng
8. D 6.Nauunawaa layunin ng Kalayaan.
n buhay.  Mapanagutan
9. D
 Pagsusuri ng g pagpapasya
10. D
epekto  Pagpili ng
pinakamabuti

Gabay na Gawain 2 Gabay na Tayahin 2 Tayahin

1. D
1. 2. A
1. 3. C
4. B
2. 5. A

2. 6. C
7. D
3. 8. B

3. 9. A
10. C
4.

4.

16
ESP

5.

5.

Para sa Malayang Gawain 1, tignan ang tsart sa suriin para sa mga


wastong sagot.

Para sa Malayang Tayahin 1 at Malayang Gawain 2 at Isagawa sundan


ang Rubrics sa pagbibigay ng puntos.

5 – malaman, kumpleto, may kinalaman sa paksa


4 – malaman kumpleto meyo kulang ang kinalaman sa paksa
3 – malaman, kumpleto pero kalahati lamang ang kinalaman sa paksa
2 – di – gaanong malaman, di – gaanong kumpleto, malayo ang
kaugnayan sa paksa
1- kulang na kulang ang laman, hindi kumpleto at malayo ang
kaugnayan sa paksa.

Malayang Tayahin 2:

ISIP KILOS LOOB

Maghanap ng Kalayaan Magmahal at maglingkod sa


kapwa

17

You might also like