You are on page 1of 1

Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga

Ilokano/The Language of Sillag Festival as a Reflection of Culture and Identity of


the Ilocano
John A. Amtalao | Jane K. Lartec

Discipline: Culture

Abstract:

Isang makapangyarihang puwersa ng sining, wika, at kultura ang festival na


kinasasangkutan ng nagkakaisang lipunan upang ipakilala ang kanilang identidad sa mga
paniniwala, gawi, at pagpapahalaga. Siniyasat sa papel na ito ang pagwiwika ng Sillag
festival bilang daluyan ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Mula sa mga
dokumentaryong video at larawan; pakikipanayam sa mga tagapamahala, mga kalahok,
at mga manonood ng festival; at aktuwal na panonood ng mga mananaliksik, sinuri sa
pamamagitan ng transkripsiyon at coding ang mga pahayag at larawang nagpapahiwatig
ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Lumabas sa resulta ang tatlong temang
nagpapahiwatig ng kultura at identidad ng mga Ilokano - ang wika ng produkto, wika ng
kasuotan/ kagamitan, at wika ng sayaw na umaayon sa malinaw ng sinag ng buwan.
Nagsisilbing lunduyan ng pagkakakilanlan ng isang Ilokano na maaaring ipagmalaki sa
buong mundo ang pagiging mapagtangi, malikhain, at mapagpasalamat na siyang
ipinapakahulugan ng mga temang lumabas sa pagpapakahulugan ng datos. Tunay
ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon bilang
daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi, at kultura.

You might also like