You are on page 1of 8

“PAGSULAT”

 Ayon kina Xing at Jin: “ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.”

 Sinabi ni Badayos: “ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para
sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.”

 Ayon kay Keller: “ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.”

 Ayon kay Donald Murray: “Writing is rewriting”. Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat –
“A good writer is wasteful”. Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts away, discarding
wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance
of fine raw materials.

 Ayon kay Donald Murray: “ang pagsulat ay isang eksplorasyon- pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa
porma at ang manunulat ay gumagwa nang pabalik- balik nagtutuon sa isa sa mga batayang
kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung
paano niya iyon maipapahayag nang mahusay.”

 Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: “Ang pasulat ay ekstensyon ng wika
at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.”

 Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espesipikong


lingguwistikong pahayag (Rogers, 2005)

 Ang pagsulat ay Sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga


pahayag. (Daniel at Bright, 1996)

 Masistema ang pagsulat dahil bawat pananda ay may katumbas na makabuluhang tunog at
isinasaayos ang mga panandang ito upang makabuo ng makabuluhang salita o pangungusap.
Masistema ang pagsulat dahil ginagabayan ito ng mga batas sa gramatika.

 Arbitraryo ang mga Sistema ng pagsulat. Napagkasunduan ang tumbasan ang mga titik, ang
kahulugan ng salita, ang kabuluhan ng pagpapahayag. Sa ibang salita, nag-iiba-iba ang Sistema ng
pagsulat depende sa wika at kultura.

 Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrekord at pagpepreserba ng wika.


 Komunikasyon ang isa sa mga layunin ng pagsulat. ( Fischer, 2001)
 Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
 Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon. ( Goody, 19870)

Iba’t Ibang Uri ng Pagsulat

1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng pangunahing paksa at
detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa. May sinusunod na proseso ang pagsulat at laging
gingamit dito ang ikatlong panauhan sa pagsulat ng teksto. Karaniwang mga halimbawa nito ang
akademikong pagsulat ng sanaysay, pamanahunang papel, at tesis. Piling–pili ang mga salitang
ginagamit sa pagsulat ng mga sulating pormal.

2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa, magaan ang pananalita, masaya
at may pagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa. Ang ilang halimbawa
nito ay di-pormal na sanaysay, talaarawan, kwento at iba pa.
3. Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong pagsulat sa bansa lalo
na sa hanay ng mga kabataang manunulat na nagsasagawa ng eksperimento ng estilo, nilalaman
at pormat ng pagsulat. May mga iskolarling papel na gumagamit ng tala o istilo ng pagsulat ng
jornal, liham at iba pang personal na sulatin kaya posibleng magkaroon ng kumbinasyon ng pormal
at di-pormal na uri ng pagsulat.

Anyo ng pagsulat ayon sa layunin

1. Paglalahad.Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga


pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga
halimbawa.

2. Pagsasalaysay.Nakapokus ito sa kronolohikal opagkakasunud-sunod na daloy ng


pangyayaring aktwal na naganap.Isa pa ring pokus ang lohikal na pagsulat.Nakasalalay sa
may-akda ng maikling kwento o nobela ang mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng
salaysay.Gumagamit ng iba’t ibang istilo o istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga
manunulat ng panitikang nasa anyong tuluyan.

3. Pangangatwiran. Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon o argumentong pumapanig o


sumasalungat sa isang isyu na nakahain sa manunulat.

4. Paglalarawan.Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,


damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.

Proseso ng Pagsulat

Ayon kay Isagani R. Cruz, naituturo ang pagsulat sapagkat hindi naman namamana ang kakayahang
ito. Pinag-aaralan sa kolehiyo ang proseso ng pagsulat upang maging epektibo at makabuluhan
ang gawaing pang-komunikatibo at pang-akademiko.Tingnan natin ang anim na yugto sa proseso
ng pagsulat:

1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa o maraming
tanong. Maaaring galing ang isang tanong sa guro na nagnanais makuha ang opinyon ng mga
estudyante tungkol sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.Kung ang
kahingian naman sa klase ay isang sulating pananaliksik o tesis, kanariwang maraming tanong ang
nag-uudyok para sulatin ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng sulatin. Hindi
ganap ang pagtatanong lamang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagbibigay-daan para
makahanap ng sagot sa tanong.Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na
pananaliksik.

2. Pala-palagay.Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa isang banda,
unti-unting nabubuo ang pala-palagayng manunulat sa paksang susulatin. Habang wala pang tiyak
na balangkas at daloy ng pagtalakay sa pagsang susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang
manunulat. Maaaring sulatin niya sa kanyang scrapbook o kwaderno ang mga posibleng ugat ng
kahirapan, katiwalian, pagkawasak ng moral na pundasyon ng pamilya, o ang kultura ng
kapabayaan at walang pakialaman. Iisa-isahin niya ang iba pang sanhi at bunga ng pangyayari
habang nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili. Balisa o hindi mapalagay
ang manunulat sa yugtong ito dahil patuloy siyang naghahanap ng sagot at maaaring patuloy ang
pagsulpot ng iba pang mga tanong. Lumalawak ang pala-palagay sa pamamagitan ng panimulang
pananaliksik sa aklatan, pagtatanong sa ibang tao, pagbabasa, at pagmamasid. Kadalasan, ito ang
pinakamahabang bahagi sa proseso ng pagsulat. Tinatawag ng ilan ang yugtong ito bilang
incubation period.

3. Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw ng


pananaliksik na gagawin. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang panimulang
datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas. Ang pagsulat ng
balangkas ng pananaliksik o anumang dokumento ay palatandaan na may direksyon na ang
pagsulat na gagawin ng isang manunulat.Kapag may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa
aklatan upang tiyak nang makuha ang kailangang sanggunian, o di kaya’y pupunta na sa mga taong
may ekspertong kaalaman hinggil sa paksa para kapanayamin.

4. Pagsulat ng unang borador.Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang daloy ng
paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaring sulatin na ang unang borador.Dito na
ibubuhos ng manunulat ang kanyang kasanayan, kaalaman at kakayahan upang mabuo ang papel.

5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t mulingbabasahin ito para
makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng pagpapahayag,
impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon.

6. Pinal na papel.Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng papel, pwede
nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito.

Organisasyon ng Teksto

Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi.

1. Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng sumulat, petsa ng
pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro.
2. Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan
ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.

3. Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay matatagpuan sa bahaging ito.

4. Kongklusyon.Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad din sa bahaging


ito ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong
ginamit sa papel o sa pananaliksik.

Akademikong Pagsulat

Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisaip. Ang mahusay na
manunukat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip. May kakayahan siyang mangalap
ng impormasyon o datos, mag organisa ng mga ideya, mag-isip ng lohikal, magpahayag sa
orihinalidad at inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.

Halimbawa ng akademikong tekto:

Abstrak
Binote
Panukalang proyekto
Talumpati
Sintesis
Repleksibong sanaysay
Posisyong papel
Agenda
Photo essay
Lakbay-salaysay o travel essay

Mga gamit sa Akademikong Pagsulat


Depenisyon - Pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. Halimbawa, ang pormal na
depenisyon ng “kalayaan”, mga salitang kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng
salitang ito.

Enumerasyon - pag-uurio pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri o


klasipikasyon. Halimbawa, ayon sa lahi, uri, kulay, kasarian, panahon, interes, at iba pa.

Order - Pag-susunod-sunod ng mga pangyayari o proseso. Halimbawa kronolohiya ng mga


pangyayari sa pilipinas mula 1896 hanggang 1898, proseso sa paglluto ng adobo, at pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayaro na nagsulot sa paglubog ng barkong MV Dona Paz.

Paghahambing o pagtatambis - Pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao


(benigno Aquino III at Rodrigo Duterte), lugar ( Zamboanga at Davao), pangyayari (EDSA I, EDSA II,
EDSA III), konsepto (katarungan at hustisya).

Sanhi at Bunga - Paglalahad ng mga dahilan ng pangyayaro o bagay at ang kaugnay na epekto nito.
Halimbawa, dahil sa kawalan ng didiplina sa pagtatapon ng basura (sanhi), laging bumabaha sa
kalakhang maynila (bunga).

Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga
ito. Halimbawa, edukasyon ang sagot sa kahirapan.

Kalakasan at kahinaan- paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay,
sitwasyon, o pangyayari. Halimawa, mga kalakasan at kahinaan ng programang k-12 sa Sistema ng
edukasyon sa Filipinas.

Katangian ng mga akademikong sulatin

 Pormal ang tono


 Karaniwang sumusunod sa tradisyonal na kumbensiyon sa pagbabantas, grammar, at
baybay
 Organisado at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
 Hindi maligoy ang paksa
 Pinahahalagahan ang kawastuhan ng mga impormasyon
 Karaniwang gumagamit ng mga simpleng salita upang maunawaan ng mambabasa
 Hitik sa impormasyon
 Bunga ng masinop na pananaliksik

Anyo ng Akademikong Sulatin

Pamumuna Anotasyon ng Bibliyograpi


Manwal Artikulo ng Journal
Ulat Rebyu ng mga pag-aaral
Sanaysay Metaanalysis
Balita Liham
Editoryal Autobiography
Encyclopidia Memoir
Rebyu ng Aklat, pelikula, o sining-biswal Plano ng Pananaliksik
Tesis Konseptong Papel
Desertasyon Mukahing saliksik
Papel-Pananaliksik
Pagsasalin

Etika at Resposibilidad sa Pagsulat


1) pagkilala sa mga ginamit na ideya
2) paggamit o pagkuha ng mga datos nang walang pahintulot.
3) paggawa ng mga pampersonal na obserbasyon.
4) paggawa ng short cut
5) pandaraya o plagiarism

karaniwang anyo ng plagiarism. :

1) tahasang pag-angkin sa pananaliksik ng iba


2) hindi pagkilala sa sinabi o ideya ng awtor
3) pag-angkin o panggagaya sa gawa o pananaliksik ng iba

“Wastong Gamit ng NANG at NG”


NG:
1. Ang NG ay katumbas ng salitang OF sa ingles.

Hal. Damit ng bata


2. Ang NG ay katumbas ng BY THE sa ingles.

Hal. Tinahi ng ina


3. Ang NG ay pananda sa LAYON NG PANDIWA.

Hal. Nagluto ng keyk

NANG:
1. Ang NANG ay katumbas ng salitang WHEN sa ingles.

Hal. Nang sia ay umalis, kami ay dumating

2. Ang NANG ay katumbas din ng salitang UPANG sa Pilipino.

Hal. Mag-aral ka nang pumasa ka.


3. Nangangahuluganag TAPOS NA ANG KILOS.

Hal. Marami nang naisulat ang mga mag-aaral.


4. Ang NANG ay ginagamit upang ilarawan Kung PAANO GINAWA ANG KILOS.

Hal. Sumigaw nang malakas


5. Nasa pagitan ng SALITANG INUULIT.

Hal. Sayaw nang sayaw


6. NANG ang ginagamit pagkatapos ng salitang MAYROON at WALA.

Hal. Mayroon nang tao sa mall


Wala nang naglalaro sa plaza

“Ang mga BANTAS”


 TULDOK (.)
a) Panapos ito sa pangungusap na PAUTOS at PATUROL. (NAGPAPAHAYAG)

Hal. Ang guro ay nagtuturo.


Umalis kana sa bahay ngayon din.
b) Pananda sa DINAGLAT NA SALITA.

Hal. Bb. - binibini, Dr. - Doktor, G. - ginoo, Gng. – Ginang


c) Pananada sa TAMBILANG O LETRA.

Hal.
1. a.
2. b.
3. c.
4. d.
5. e.

d) Panansa sa INISYAL NA PANGALAN NG TAO.

Hal. F.P.J –fernando poe jr.

 PANANONG (?)
a) Pananada sa dulo ng PANGUNGUSAP NA PANANONG o panapos sa pangungusap na
pagtatanong.

Hal. Sino ang nanalo sa palaro?


 PANDAMDAM (!)
a) Pananda sa dulo ng PANGUNGUSAP NA PANDAMDAM.

Hal. Hah!, aray!


 KUWIT (,)
a) Ginagamit upang IHIWALAY ANG SUNOD-SUNOD NA MGA BAGAY.
Hal. Kami ang namili ng kamatis, sibuyas, bawang at luya sa bagsakan.
b) Inihiwalay nito ang TAONG KINAKAUSAP.
Hal. Roy, kumain ka na ba?
c) Inihiwalay nito ang TUWIRANG SINABI sa DI TUWIRANG PAHAYAG.

Hal. Aalis na ako, paalam ni roy.

d) Paghiwalay sa PAMUNO SA PANGUNGUSAP.

Hal. Si Miriam Depensor, ang senadora ay labis kong hinahangaan.

e) panghiwalay sa SUGNAY NA DI MAKAPAG-IISA at SUGNAY NA MAKAPAG-IISA.

Hal. Kung uuwi ka, magpaalam ka muna sa guro natin.


 TULDOK KUWIT (;)
a) Ginagamit sa pagitan ng mga SUGNAY NA PANGUNGUSAP NA HINDI GINAGAMITAN
NG PANGATNIG.

Hal. Nag-aaral siya ng mabuti; pumasa siya sa pagsususlit.

b) Panghiwalay sa MAGKASAMANG SANGKAP NA GINAMITAN NG KUWIT SA


PAGHIWALAY NG MGA SANGKAP SA LOOB.

Hal. Kami ay namasyal sa cebu, Cagayan, zamboanga; tetuan, san roque at basilan.
 TUTULDOK (: )
a) Pananda sa BATING PANIMULA SA LIHAM PANGANGALAKAL.

Hal. Prof. feline C. Marinio:

b) Panghiwalay sa tala ng mga bagay na sumusunod sa mga pahaya na “GAYA NG


SUMUSUNOD” at “ANG MGA SUMUSUNOD”

Hal. Sagutin ang mga sumusunod: o sipiin ang mga sumusunod:


c) Panapos Sa PAMBUNGAD NA PAHAYAG NA NAGSASAAD NG MGA BAGAY NA
MAGKASUNOD.
Hal. Maydalawang uri ng mabilis na pagbasa: skiming at skaning

 GITLING (-)
a) Dalawang gamit ng gitling: BANTAS at IMPIT NA TUNOG.

Hal. Mag-alis –bantas, Pag-asa – impit na tunog

b) Nasa pagitan ng ulaping magtatapos KATINIG at SALITANG-UGAT na nagsisismula sa


patinig.

Hal. Mag-aral, tag-ulan


c) Pangdugtong sa SALITANG TAMBALAN.

Hal. Tubig-ulan –D.G, Pulis-trapiko –D.G, Basag-ulo _G.


d) Kapag INUULIT NG GANAP ANG SALITA.

Hal. Araw-araw, Gabi-gabi, Taon-taon

e) Panghiwalay sa panlapi sa SALITANG HIRAM NA NASA ORIHINAL NA BAYABAY.

Hal. Mag-short, mag-jojoging, mag-coke, mag-beer

f) Pang- ugnay sa PANLAPI AT KAKABITAN NG PANGGALANG PANTANGI.

Hal. Maka-erap, taga-cebu

g) Pang-ugnay ng IKA at TAMBILANG.

Hal. Ika-a, ika-f, ika-100, ika- 3


h) Kapag-ikinakabit ng ASAWA ANG APELYIDO NG KANYANG BANA.

Hal. Aubrey Fernandez- Reyes, April Love Agoo- Custodio


 KUDLIT (‘)
a) Pananda sa “LETRANG NAKALTAS” sa pagkakabit ng dalawang salitang magkasunod.

Hal. Aso’tpusa (aso at pusa), aso’y maputla (aso ay maputla)

 PANIPI (“)
a) Ipinspsloob sa panipi ang mga salitang BANYAGA na nasa orihinal na baybay.

Hal. Pumunta kame sa “America” noong isang buwan.


b) Ipinapaloob sa panipi ang TIYAKANG SINABI NG NAGSASALITA.

Hal. “roy, aalis na ako.”paalam ni ann.

You might also like