Professional Documents
Culture Documents
: Magandang umaga, handa na ba kayo sa ating bagong talakayan? Kung gayon makinig at intindihin nating mabuti
kung ano ang kasaysayan ng komunikasyon.
Upang maayos na makipag-ugnayan ang mga sinaunang tao, ginamit nila ang pasalitang
komunikasyon na may kahalong senyas at simbolo.
Halimbawa nito ay…
Naimbento ang pagsulat dahil sa pangangailangan ng tao na makapagtala upang sila’y may
mabalikan sakaling kailanganin ng pagkakataon ang mga datos ng nakaraan. Pinaniniwalaan
na ito’y nagsimula sa mga larawang iginuhit ng mga sinaunang tao na natagpuan sa mga
yungib o mga tagong lugar. Ito ay tinawag na pictograph. Ang bawat larawan ay
kumakatawan sa mga kaisipan at konseptong nais nilang ipahayag. Sa paglipas ng panahon
ang mga larawang ito’y inangkupan ng mga tunog hanggang sa nalikha ang alpabeto.
Noong 3500 BC hanggang 2900 BC madebelop ng mga Poenician ang alpabeto. Ang mga
Sumerian naman ay ang cuneiform o mas kilalang pictograph na nakasulat sa mga clay Ang
Cuneiform, o Sumero-Akkadian cuneiform, ay isa sa mga pinakamaagang sistema ng
pagsulat. Ito ay nakikilala sa pamamagitan ng mga hugis ng kalso sa mga tabletang luwad, na
ginawa ng isang mapurol na tambo para sa isang estilong. Ang pangalang cuneiform mismo
ay nangangahulugang "hugis kalang" at ang hieroplyphic-ang paraan ng pagsulat ng mga
taga Ehipto. Ang hiroglipo o hiroglipiko ay mga larawang titik na may kahulugan ay isang
mga uri ng pagsusulat na gumagamit ng mga sagisag (mga simbolo) o mga larawan upang
kumatawan o gumanap bilang mga tunog at mga salita. Sinimulang gamitin ng mga griyego
ang alpabetong ponetikona isinulat mula kaliwa pakanan noong 1775 BC. Sila rin ang
nakapagtayo ng kaunaunahang silid-aklatan sa Tsina noong 530 BC.
Taong 1400BC natagpuan ang pinakamatandang sulat na buto ang ginamit na panulat. Sa
taong 1270 BC naman naisulat ang kauna-unahang ensayklopidya sa Syria. Sa Ehipto at
Tsina, ang tao ang siyang mensahero. Sila ang naghahatid ng mga mensahe sa mga
istasyong itinayo para rito. Karaniwan silang naglalakad lamang kung maghahatid ng
mensahe. Kung minsan naman sa halip na mensahero ay gagamit na lamang sila ng apoy
tanda na may mensaheng ipaaabot patungo sa bawat istasyon hanggang sa makarating ito sa
dapat patunguhan. Ito ay naganap sa pagitan ng 200 BC hanggang 100 BC.
Taong 1831, ipinakilala ni Joseph Henry ang elekronikong telegrapo, 1835 ang Morse
Code ni Samuel Morse. Ipinakilala rin nya sa taong 1843 ang linya ng elektronikong
telegrapo na ginagamit sa komunikasyong nakaabot sa malayong lugar.
Kasabay nito ang paglabas ng fax machine ni Alexander Bain. Ang Pony Express na isang
paraan sa paghahatid ng koreo ay pinangunahan ng Estados Unidos noong 1861.Taong 1876
ng likhain ni Alexander Grahambell ang telepono;1894 naman ng ang wireless telegraphy
ay nakilala sa pangunguna ni Guglielmo Marconi.