You are on page 1of 7

DEPARTMENT OF EDUCATION

Republic of the Philippines


Department of Education – Region III Central Luzon
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

EPP 5
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 4

I. OBJECTIVES

A. Content Standard (Pamantayang Pangnilalaman):


Naipapamalas ang pang-unawa sa batayang kaalaman at kasanayan sa
pagsususkat sa pagbuo ng mga kapakipakinabang na gawaing pang-industriya at
ang maitutulong nito sa pag-unlad ng isang pamayanan

B. Performance Standard (Pamantayan sa Pagganap):


Naisasagawa nang may kasanayan sa pagsusukat at pagpapahalaga sa mga
batayang gawain sa sining pang-industriya na makapagpapaunlad sa kabuhayan ng
sariling pamayanan

C. Most Essential Learning Competencies (Pamantayan sa Pagkatuto):


Nakagagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad

LAYUNIN:
Natutukoy ang mga kasangkapan at kagamitang electrical
Nakikilala ayon sa uri nito mga kagamitang pang elektrisidad

II. CONTENT
Aralin: Kasangkapan at Kagamitang Elektrikal

MGA PAKSA:

⌂ Kasangkapan at kagamitang electrical


⌂ Uri ng kasangkapan at kagamitang pang-elektrisidad
LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide Pages:
2. Learner’s Materials Pages: 192-197
3. Textbook Pages: N/A
4. Additional Materials from Learning Resources (LR) Portal: MELC EPP

B. Other Learning Resources: pictures and other visual materials


o https://www.google.com/search?q=electrician+knifel+clipart+tools&tbm=isch&ved=2ahUKEwiiy4mQr87rAhVFdJQKHY8iBIUQ2
o https://www.google.com/search?q=philip+screwdriver+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwjuprOSr87rAhUJYZQKHbilAGcQ2
o cCegQIABAA&oq=phili&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIIxAnMgcIABCxAxBDMgcIABCxAxBDMgUIABCxAzIECAAQQzIECAAQQzIECAA
QQzIHCAAQsQMQQzIFCAAQsQMyBAgAEEM6AggAOggIABCxAxCDAToECAAE1D19gZY0YsHYPKTB2gAcAB4AYABwAKIAdkJkgEHMC4
2LjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclie
o t=img&ei=7ppRX-73ConC0QS4y4K4Bg&bih=597&biw=1242#imgrc=DyimGXLkfxKlxM
https://www.google.com/search?q=claw+hammerr+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwi90rfLr87rAhUIXpQKHTCKASMQ2
o CegQIABAA&oq=claw+hammerr+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQA1DbsiZY68EmYNjDJmgAcAB4AIAByAKIAaoRkgEHMS40LjUuMZgBAKAB
AaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=ZZtRX_2LMIi80QSwlIaYAg&bih=597&biw=1242#imgrc=Lg-bso8lXVNmyM

III. PROCEDURE

A. Reviewing previous lesson or presenting the new lesson (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimulang bagong aralin)
Bago ka dumako sa iyong bagong aralin, magbalik-aral ka muna sa nakaraang aralin.
Ibigay ang mga hakbang sa paggawa ng plano ng proyekto
I II II IV V
.

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

Ano-ano ang mga kagamitan ninyo sa bahay na ginagamitan ng elektrisidad? Magbigay


ng mga halimbawa nito.

C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin)

Tingnan ang larawan. Matutukoy


mo ba ang mga pangalan ng mga
sumusunod na kagamitan? Ano ang
masasabi mo sa mga ito.

Ang elektrisidad ay isa sa


mahalagang yaman na kailangan ng
isang pamilya at ng bawat mamamayan sa buong komunidad. Sa pamamagitan nito, ang
mga pangunahing kagamitan sa ating tahanan gaya ng radyo, telebisyon, plantsa, at
bentilador ay ating nagagamit. Ito'y nagbibigay ginhawa sa pamumuhay ng bawat
indibidwal at napagagaan ang pangaraw-araw nating mga gawain.

Bukod dito, mahalaga ang elektrisidad sa maraming gawain hindi lamang sa tahanan
kundi pati na rin sa paaralan at sa lugar na pinaghahanapbuhayan. Napakalaki ang
halagang mawawala sa negosyo lalo na sa mga pabrika o pagawaan kapag nawawala
ang elektrisidad. Gayundin sa mga opisina at silid-aralan. Hindi gagana ang mga ilaw at mga
gamit tulad ng computer at iba pa. Kaya naman napakahalaga ang matuto ng mga
kaalaman at kasanayan ukol dito.

D. Discussing new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #1)

Kasangkapan at Kagamitang Elektrikal


❖ Kagamitang Panghigpit

1. Philips Screwdriver - ginagamit para luwagan o


higpitan ang tornilyo na ang dulo ay hugis krus.

2. Stubby Screwdriver - ginagamit na panghigpit o


pangluwag ng mga turnilyo na nasa masikip na espasyo
kung saan hindi kasya o hindi abot ng pangkaraniwang
screwdriver
3. Claw hammer - ginagamit na pamukpok o pang
tanggal o pangbunot ng pako.

❖ Kagamitang Pang Hawak

1. Combination pliers - ginagamit na panghawak o


pamputol ng wires, kable o maliliit na pako.

2. Long Nose Pliers - ginagamit na panghawak o


pamputol ng maninipis na kable ng kuryente. Maaaring
magamit o makapasok sa maliit na espasyo dahil sa
mas manipis nitong dub

3. Bench Vise - ginagamit na panghawak o panghigpit

❖ Kagamitang Pamutol

1. Hacksaw - ginagamit na pamutol ng bakal, tubo, at


iba pang uri ng metal.

2. Pipe cutter - ginagamit na pamutol ng tubo na bakal.

3. Side cutting pliers - ginagamit na pamutol ng malililt o


malalaking wires.
❖ Kagamitang Pambutas

1. Gimlet - ginagamit para makagawa ng mga mabiit


na butas, karaniwan sa kahoy ng hindi ito napuputol.

2. Hand drill - ginagamit pambutas ng kahoy.

3. Portable electric drill - ginagamit para makagawa ng


maliit na butas sa mga metal o sementadong pader.

❖ Iba Pang Materyales

1. Electrician's Knife - ginagamit pang balat ng wire o


kable ng kuryente.

2. Pipe bender - ginagamit sa pagbabaluktot ng mga


metal na tubo.

3. Wire Stripper - ginagamit na pambalat ng wire na may


sukat na 10 (2.6mm) hanggang 16 (1.3mm).

❖ Mga Mateiyales na Pang-elektrisidad

1. Lamp holder - ang pinagkakabitan ng ilaw. Dito


nakukuha ng ilaw ang suplay ng kuryente. Tinatawag din
itong lamp socket/receptacle.

2. Switch - nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente.


3. Male plug - isinasaksak sa convenience outlet.
lsinasaksak para dumaloy ang kuryente papunta sa
kasangkapang pinapagana ng kuryente.

4. Convenience outlet – tinatawag ding female outlet


nagsisilbing pinakamadaling pinagkukunan ng kuryente
para sa mga dekuryenteng kasangkapan.

5. Fuse - ginagamit pang protekta sa de-kuryenteng


kasangkapan na kusang pumuputok upang putulin ang
daloy ng kuryente kapag nagkaroon ng "short circuit".

6. Circuit breaker - pang protekta sa de-kuryenteng


kasangkapan na kusang pinuputol ang daboy ng
kuryente tuwing nagkakaroon ng overload o short circuit.

7. Junction box - dito ipinagkakabit-kabit ang mga wire .

8. Conduits/Pipes - dito pinadadaan ang mga wire para


maproteksiyonan ito sa pagkasira. Maaaring gawa sa
bakal (FMC) o plastik (PVC o CPC).

9. Electrical tape - ginagamit upang maiwasan ang


makuryente. Ginagamit ito upang balutan ang mga
wires na nabalatan pati ang mga dugtungan ng mga
wires.

10. Connectors inilalagay sa dulo ng mga conduit para


maikabit nang maayos sa junction box at utility box.

E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2)

Uri ng Kagamitan at Kasangkapang Pang-elektrisidad


Ang kagamitang elektrikal ay mga aparato na tumutulong sa isang elektrisiyan upang
makabuo at makapagbigay ng serbisyong may kinalaman sa elektrisidad. Samantalang ang
kasangkapang elektrikal naman ay makina na pinapagana ng elektrisidad.
Ang mga ito ay malaking tulong upang mapadali at maging tama ang mga gagawing
produkto at serbisyong elektrikal.

1. Kagamitang Pangkamay — mga kagamitan na ginagamitan ng kamay at hindi na


nangangailangan ng elektrisidad. Halimbawa: pliers, hammer, puller, at hacksaw

2. Kagamitang de-motor — mga kagamitan na ginagamitan ng kamay at ng elektrisidad


upang gumana at magamit. Halimbawa: portable electric drill
3. Kagamitang de-bomba (pneumatic tools) — mga kagamitan o instrumento na gumagana
sa tulong ng air pressure.

F. Developing Mastery (Paglinang sa kabihasnan)

SAGUTIN:
1. Ano-ano ang mga kagamitan, kasangkapan, at materyales na ginagamit sa gawaing
pang-elektrisidad?

2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng Iigtas at epektibong gawaing


elektrikal?

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng aralin sa
pang araw-araw na buhay)

SAGUTIN:
1. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga proyekto na gawa sa iba't ibang materyales na
ginagamitan ng elektrisidad?

2. Paano nakatutulong ang sapat na kaalaman at kasanayang elektrikal sa pamumuhay ng


bawat tao?

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat sa aralin)

❖ Upang maging ligtas at maayos ang bawat gawaing may kinalaman sa elektrisidad
nararapat isaalang-alang ang paggamit ng personal na kagamitang pangkaligtasan.
❖ Ito ay mga kagamitan na ginagamit upang maiwasan ang anumang uri ng aksidente
na dulot ng init, ingay, kemikal, mekanikal, at elektrikal .
I. Evaluating Learning (Pagtataya ng Aralin)

PANUTO: Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

_____________1. Ginagamit na pangprotekta sa de-kuryenteng kasangkapan na kusang


pamputol ng daloy ng kuryente kapag nagkakaroon ng short circuit.
_____________2. Ginagamit para masigurong maayos ang pagkakabitan ng mga wire at
conduit.
_____________3. Ginagamit na saksakan para dumaloy ang kuryente papunta sa
kasangkapang pinapagana ng kuryente.
_____________4. Dito ipinapadaan ang kuryente papunta sa mga kagamitan.
_____________5. Ito ay hugis parihaba na yari sa bakal o plastik kung saan ang mga nakabaon
sa pader na gamit gaya ng convenience outlet at saksakan ay nakakabit.

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa takdang-


aralin/ o remediation)

PANUTO: Gumawa ng slogan tungkol sa paggamit ng kuryente sa matipid na pamamaraan.


Gawin mo ito sa isang malinis na bondpaper.

You might also like