You are on page 1of 15

5

EPP-IA
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Batayang Kaalaman at Kasanayan
sa Gawaing Pang-elektrisidad
EPP – Industrial Arts – Baitang 5
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Pang-
elektrisidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Aurora


Tagapamanihala: Catalina P. Paez PhD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: Danilo M. Jacoba

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Erbert B. Villareal
Editor: Jonalyn O. Calado
Tagasuri: Ma. Roselle S. Fajanilbo
Tagaguhit: Erbert B. Villareal
Tagalapat: Erbert B. Villareal
Tagapamahala: Erleo T. Villaros PhD
Esmeralda S. Escobar PhD
Estrella D. Neri
Milagros F. Bautista PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pangpaaralang Pansangay ng Aurora
Office Address: Sitio Hiwalayan, Brgy. Bacong, San Luis, Aurora
Telefax:
E-mail Address: aurora@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang kasanayan ng mag-


aaral sa pamantayan ukol sa kaalaman at kasanayan sa gawaing pang-
elektrisidad at iba pang kaalamang kaugnay nito.

Dagdag pa rito, pagkatapos ng aralin sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

• natatalakay ang mga kaalaman at kasanayang pang-elektrisidad;


• nakikilala ang mga kagamitan at kasangkapang pang-elektrisidad;
• nasusunod at naisasagawa ang tamang paggamit at pangangalaga sa
mga kasangkapang pang-elektrisidad. EPP5IA-Od-3

Subukin

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng kagamitan o kasangkapan ang mga


sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Philips Screwdriver -
2. Hand drill -
3. Long Nose Pliers -
4. Hacksaw -
5. Pipe cutter -

1
Aralin Batayang Kaalaman at
1 Kasanayan sa Gawaing
Pang-elektrisidad
Bilang isang mabuting mag-aaral, mahalagang matutuhan mo ang mga
kaalaman tungkol sa mga kagamitan at kasangkapang pang-elektrisidad.

Balikan

Panuto: Suriing mabuti ang mga kagamitan. Tukuyin kung anong uri ng
kagamitan ang mga binigay na halimbawa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

pang-ukit pampakinis pamukpok pamutol


panghasa pang-ipit panukat

1. ruler -
2. martilyo -
3. barena -
4. oil stone -
5. paet -

2
Tuklasin

Panuto: Suriing mabuti ang mga nasa larawan. Ibigay ang pangalan ng mga
ito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. 2.

3. 4.

5.

3
Suriin

Ang elektrisidad ay isa sa mahalagang yaman na kailangan ng isang


pamilya at ng bawat mamamayan sa buong komunidad. Sa pamamagitan
nito, ang mga pangunahaing kagamitan sa ating tahanan gaya ng radyo,
telebisyon, plantsa, at bentilador ay ating nagagamit. Ito’y nagbibigay
ginhawa sa pamumuhay ng bawat indibidwal at napagagaan ng pang-araw-
araw nating mga gawain.
Bukod dito, mahalaga ang elektrisidad sa maraming gawain hindi
lamang sa tahanan kundi pati na rin sa paaralan at sa lugar na
pinaghahanapbuhayan. Napakalaki ang halagang mawawala sa negosyo lalo
na ang mga pabrika o pagawaan kapag nawawala ang elektrisidad. Gayundin
sa mga opisina at silid-aralan. Hindi gagana ang mga ilaw at mga gamit tulad
ng computer at iba pa. Kaya naman napakahalaga ang matuto ng mga
kaalaman at kasanayan ukol dito.
Kasangkapan at Kagamitang Elektrikal
Kagamitang Panghigpit
Philips screwdriver – ginagamit para luwagan o higpitan
ang tornilyo na ang dulo ay hugis
krus.
Stubby screwdriver – ginagamit na panghigpit o pangluwag ng
mga turnilyo na nasa masikip na espasyo
kung saan hindi kasya o hindi abot ng
pangkaraniwang screwdriver.
Standard/Flat screwdriver – ginagamit ito para luwagan o
higpitan ang turnilyo na ang dulo ay
manipis na pahalang.
Claw hammer – ginagamit na pamukpok o pang tanggal o
bunot ng pako.

Kagamitang Pang Hawak

Combination pliers – ginagamit na panghawak o


pamputol ng wires, kable, o maliit
na pako.

4
Long nose pliers – ginagamit na panghawak o
pamputol ng maninipis na kable ng
kuryente. Maaaring magamit o
makapasok sa maliit na espaso
dahil sa mas manipis nitong dulo.

Bench vise – ginagamit na panghawak o panghigpit.


Kagamitang Pamutol
Hacksaw – ginagamit na pamutol ng bakal, tubo, at iba
pang uri ng metal.

Pipe cutter – ginagamit na pamutol ng bakal.

Side cutting pliers – ginagamit na pamutol ng maliliit o


malalaking wires.
Kagamitang Pambutas
Gimlet – ginagamit para makagawa ng mga maliit na
butas, karaniwan sa kahoy ng hindi ito
napuputol.
Hand drill – ginagamit pambutas ng kahoy.
Portable electric drill – ginagamit para makagawa ng
maliit na butas sa mga metal o sementadong
pader.
Iba Pang Materyales
Electrician’s knife – ginagamit pang balat ng wire o kable
ng kuryente.
Pipe bender – ginagamit sa pagbabaluktot ng mga metal na
tubo.
Wire puller (fish wire) – ginagamit panghila ng wire sa loob ng
conduit o raceway para ito ay makalabas nang mabilis
o hindi sumasabit sa loob.
Wire stripper – ginagamit na pambalat ng wire na may sukat
na #10 (2.6mm) hanggang #16 (1.3mm).

5
Mga Materyales na Pang-elektrisidad
Lamp holder – ang pinagkakabitan ng ilaw. Dito nakukuha ng
ilaw ang suplay ng kuryente. Tinatawag din itong
lamp socket/receptacle.
Switch – nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente.
Male plug – isinasaksak sa convenience outlet. Isinasaksak para
dumaloy ang kuryente papunta sa kasangkapang
pinapagana ng kuryente.
Convinience outlet o female outlet – nagsisilbing
pinakamadaling pinagkukunan ng kuryente
para sa mga de-kuryenteng kasangkapan. Dito
isinasaksak ang male plug at kadalasan ay
nakakabit sa pader o extension cord.
Fuse – ginagamit pang protekta sa de-kuryenteng kasangkapan
na kusang pumuputok upang putulin ang daloy ng
kuryente kapag nagkaroon ng “short circuit”.
Circuit breaker – pang protekta sa de-kuryenteng
kasangkapan na kusang pinuputol ang daloy ng
kuryente tuwing nagkakaroon ng overload o
short circuit.
Junction box – dito ipinagkakabit kabit ang mga wire.
Utility box – hugis parihaba na yari sa bakal o plastic (PVC)
kung saan ang mga nakabaon sa pader na gamit
gaya ng convenience outlet at switch ay
nakakabit.
Flat cord – dito ipinadadaan ang kuryente papunta sa mga
kagamitan.
Conduits/pipes – dito pinadadaan ang mga wire para
maproteksiyonan ito sa pagkasira. Maaring gawa
ito sa plastik (PVC) o bakal (FMC).
Clamps – ginagamit para masigurong maayos ang
pagkakabitan ng mga wire at conduit upang hindi
madaling mahugot/matanggal sa pagkakakabit.
Connectors – inilalagay sa dulo ng mga conduit para maikabit
ng maayos sa junction box at utility box.
Electrical tape – ginagamit upang maiwasan ang makoryente.
Binabalutan ang mga wires na nabalatan pati ang
mga dugtungan ng wires.

6
Uri ng Kagamitan at Kasangkapang Pang-elektrisidad
1. Kagamitang Pangkamay – mga kagamitan na ginagamitan ng kamay at
hindi na nangangailangan ng elektrisidad.
Hal: pliers, hammer, puller, at hacksaw
2. Kagamitang de-motor – mga kagamitan na ginagamitan ng kamay at ng
elektrisidad upang gumana at magamit.
Hal: portable electric drill
3. Kagamitang de-bomba - (pnuematic tools) – mga kagamitan o
instrumento na gumagana sa tulong ng air pressure.

Pagyamanin

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng


pagsasaayos ng mga ginulong salita. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1.Ginagamit para masigurong maayos ang pagkakabitan


ng mga wire at conduit upang hindi madaling
mahugot/matanggal sa pagkakakabit. (PALMSC)
2.Nagsisilbing bukasan o patayan ng kuryente. (WHISTC)
3.Ginagamit para makagawa ng mga maliit na butas,
karaniwan sa kahoy ng hindi ito napuputol. (LETMIG)
4.Ginagamit na pamutol ng bakal, tubo, at iba pang uri ng
metal. (CAHKWAS)
5.Ginagamit na pamukpok o pang tanggal o bunot ng pako.
(WALC MHAREM)

B. Panuto: Tukuyin kung ano ang tinutukoy na kagamitan o kasangkapang


pang-elektrisidad na nasa Kolum A sa pamamagitan ng pagsulat ng titik ng
tamang sagot mula sa Kolum B. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

KOLUM A KOLUM B
1.Inilalagay sa dulo ng mga A. Electrician’s knife
conduit para maikabit ng
maayos sa junction box at
utility box.
2.Dito ipinagkakabit kabit ang B. Pipe cutter
mga wire.
3.Ito ang pinagkakabitan ng C. Hand drill
ilaw. Dito nakukuha ng ilaw
ang suplay ng kuryente.

7
Tinatawag din itong lamp
socket/receptacle.
4.Ito ay ginagamit pang balat ng D. Lamp holder
wire o kable ng kuryente.
5.Ito ay ginagamit pambutas ng kahoy. E. Junction box

F. Connectors
C. Panuto: Punan ang patlang ng mga salitang kukumpleto sa bawat
pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat ito sa iyong
kuwaderno.

flat cord fuse pipe cutter electrical tape wire puller

1. Ang ay ginagamit upang hindi makoryente.


Binabalutan din nito ang wire na nabalatan.
2. Ang kuryenteng papunta sa mga kagamitan ay pinadadaan sa
.
3. Ginagamit pang protekta sa de-kuryenteng kasangkapan ang
upang putulin ang daloy ng kuryente.
4. Ang ay ginagamit panghila ng wire sa loob ng conduit o
raceway.
5. Ginagamit na pamputol ng bakal ang .

Isaisip

Panuto: Ibigay ang mga uri ng kagamitan at kasangkapang pang-elektrisidad.


Magtala ng dalawang halimbawa sa bawat uri nito. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

Uri ng Kagamitan at Kasangkapang Pang-Elektrisidad

1.

Hal: ,

2.

Hal: ,

3.

Hal: ,

8
Isagawa

Panuto: Suriin ang loob ng inyong bahay. Magtala ng limang (5) kagamitan o
kasangkapang pang-elektrisidad na iyong makikita at ibigay ang gamit nito.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Kagamitan at Kasangkapan Gamit


1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay ginagamit na pamutol ng bakal, tubo, at iba pang uri ng metal.


A. bench vise C. pipe bender
B. hacksaw D. side cutting pliers

2. Ito ay ginagamit na panghawak o panghigpit.


A. bench vise C. gimlet
B. combination pliers D. hand drill

3. Ang ay ginagamit para makagawa ng maliit na butas sa


mga metal o sementong pader.
A. gimlet C. long nose pliers
B. hand drill D. portable electric drill

4. Ito ay ginagamit para luwagan o higpitan ang tornilyo na ang dulo ay hugis
krus.
A. claw hammer C. philips screwdriver
B. combination pliers D. stubby screwdriver

9
5. Ito ay ginagamit na pamutol ng bakal.
A. claw hammer C. pipe cutter
B. hand drill D. side cutting pliers

6. Ito ay ginagamit na pambalat ng wire na may sukat na #10 (2.6mm)


hanggang #16 (1.3mm).
A. electrician’s knife C. wire puller
B. pipe bender D. wire stripper

7. Ito ang pinagkakabitan ng ilaw o tinatawag na lamp socket/receptacle.


A. fuse C. lamp holder
B. flat cord D. male plug

8. Pang protekta sa de-kuryenteng kasangkapan na kusang pinuputol ang


daloy ng kuryente tuwing nagkakaroon ng overload o short circuit.
A. circuit breaker C. junction box
B. fuse D. utility box

9. Ito ay inilalagay sa dulo ng mga conduit para maikabit nang maayos sa


junction box at utility box.
A. conduits/pipes C. lamp holder
B. connectors D. male plug

10. Ito ay ginagamit upang maiwasan ang makoryente. Binabalutan nito ang
mga wires na nabalatan pati ang mga dugtungan ng wires.
A. clamps C. flat cord
B. electrical tape D. fuse

10
Susi sa Pagwawasto

11
12
Sanggunian
Deliarte, Evelyn Deloso, Ventura, Ana Varcelo. 2006. Makabuluhang Gawaing
Pantahanan at Pangkabuhayan 5 (Rebisadong Edisyon). Quezon City:
Andriana Publishing Co., Inc.
Leon and George. 2017. https//blog.when-should-you-fertilizer-your-
plants.com.November 30, 2017
Masaybing, Ryan V. and Santiago, Erickson C., Download/Learning
Materials/Division of Cabanatuan City.
Peralta, Gloria A. Edd, Arsenio, Ruth A., Ipolan, Catalina R., and L.Q,
Yolanda. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran.
Peralta, Gloria A., Ed.D., Arsenue, Ruth A., Quiambao, Ariola. 2016.
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 Batayang Aklat.
Quezon City: Vibal Group Inc.

13

You might also like