You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
LAGRO ELEMENTARY SCHOOL
District V, Quezon City, Metro Manila

WORKSHEET SA EPP 5
ARALIN 1: Paggawa ng Proyekto na
Ginagamitan 4th Q.
ng Elektrisidad (Extension Cord)
I. LAYUNIN SA PAG AARAL:
Natatalakay ang wastong paraan ng paggawa ng extension cord.
Naisasagawa ng wastong paraan ang pagbuo ng extension cord.
Naipapakita ang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi sa paggawa ng extension cord.
II. MAG-ARAL TAYO!
Kasabay ng pag-angat ng pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino ay umaangat din ang ating
ekonomiya, dahilan ng pagdami ng mga kagamitang de-kuryente na madali ring makabili para sa
loob ng tahanan, at dahilan na nagkukulang ang mga outlet na nagpapagana nito.
Mahalaga na madaling makakuha ng kuryente para sa mga de-kuryenteng kasangkapan, kaya
dapat lamang na matutunan ang paggawa ng extension cord.

Ating Balikan:
Mula sa mga natutunan sa mga nagdaang aralin. Tukuyin ang mga kasangkapang pang
elektrisidad.
Ayusin ang mga JUMBLED WORDS at sabihin kung paano gamitin ang mga ito.

1. SREIPL __________________________________
2. ALEM GULP __________________________________
3. ESUF __________________________________
4. DRIVERWERCS __________________________________
5. TYLITIU XOB __________________________________

ATING ALAMIN
•CONVENIENCE OUTLET – makikita sa isang dulo ng extension
cord, dito isinasaksak ang mga male plug ng mga kasangkapang de-kuryente.
•FLAT CORD – kable na dinadaluyan ng kuryente.
•MALE PLUG – makikita sa kabilang dulo ng extension cord na
isinasaksak sa convenience outlet.
•EXTENSION CORD – kagamitang nagdudugtong mula sa outlet
na nakadikit sa pader papunta sa mga kagamitang de-kuryente.

Pagkatapos pumili ng gawain, kinakailangang balakin nang mahusay ang pagpaplano ng proyekto

References: Pahina 1
nang may angkop na espisipkasyon. Narito ang mga bahagi ng pagpaplano ng proyekto na dapat
nating tandaan.
PLANO NG PROYEKTO
1.Pangalan ng proyekto - nagsasaad ng pangalan ng proyektong gagawin na pinili ng mag-aaral sa
kalipunan ng proyektong nakalaan sa lawak na pinag-aaralan.
2.Layunin sa paggawa – isinasaad dito ang mga dahilang nagbunsod upang gawin ang ganitong uri ng
gawain
3.Guhit o Krokis ng proyekto – ito ay larawan ng proyektong gagawin na isinalarawan sa pamamagitan
ng krokis na aysometriko, ortograpiko o kaya’y perspektibo o gagawing huwaran upang tularan nang
hindi malihis sa kabuuan ng proyektong gagawin.
4.Materyales - kalipunan ng mga materyales na kailangan sa paggawang kalakip ang mga paliwanag
tungkol sa mga uri nito, sukat, billang, halaga ng bawat isa, at kabuuang halaga na magugugol sa
paggawa ng proyekto. Kailangan ito upang mapaghandaan ang mga gugugulin.
5.Kasangkapan – ito ay ang mga tools na gagamitn sa paggawa.
6.Mga hakbang sa pagbuo ng proyekto – talaan ng sunod-sunod na pamamaraan sa paggawa mula sa
una hanggang sa matapos ang proyekto

Mahalagang matutunan ang paggawa ng proyektong ginagamitan ng elektrisidad katulad ng


extension cord. Dahil dito madaling makakuha ng kuryente upang mapagana ang mga
kasakangkapang de-kuryente kahit malayo sa outlet. Sa pagbuo nito tingnan at unawain ang
tamang paraan sa pagbuo.

PARAAN NG PAGGAWA NG EXTENSION CORD

A.Pagbuo ng Male Plug


1.Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa
2.Simulan ang Gawain sa pamamagitan ng pagpasok ng kabilang dulo ng kable sa male plug.
3.Hatiin sa dalawa ang kable gamit ang kamay hanggang 8 sentimetro.
4.Balatan ang magkabilang dulo ng kable gamit ang wire cutter at long nose pliers.
5.Ikutin ang nakabalot na wire hanggang sa malinis na ito tingnan.
6.Luwagan ang turnilyo ng male plug at iikot ang nakabalat na kable sa turnilyo tsaka ito
higpitan gamit ang screwdriver.

B. Pagbuo ng Convenience Outlet


1.Balatan ang kabilang dulo ng kable.
2.Buksan ang takip ng convenience outlet gamit ang screwdriver.
3.Luwagan ang turnilyo na nasa loob ng convenience outlet.
4.Iikot ang nakabalot na wire sa turnilyo at saka ito higpitan.
5.Takpan ang convenience outlet.

Mga pamantayan sa ligtas na paggawa:


1.Tiyaking nakasuot ng angkop na kasuotan sa paggawa
2.Sundin ang panuto sa paggawa ng proyekto
3.Humingi ng payo sa nakatatanda o guro kung nag-aalangan sa proseso ng paggawa.
4.Iwasan ang pakikipag-usap at ituon ang atensiyon sa ginagawang proyekto.
5.Maging maingat sa paggamit ng matutulis at matatalas na kagamitan.
6.Panatilihing malinis ang lugar sa pinaggagawaan at iligpit ang mga kasangkapang ginagamit.
References: Pahina 2
PAGYAMANIN:
Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglagay ng angkop na salita sa patlang.

Ang _____________ cord ay isang kagamitan na nagdudugtong mula sa outlet na


nakadikit sa pader at dinadaluyan ng kuryente upang gagana ang mga kasangkapang de-
kuryente. Ang ___________ plug ang siyang isinasaksak sa _____________ outlet at ang kable
ang siyang dinadaluyan ng _____________.

III. GAWIN NATIN ITO!


Panuto: Iayos sa wastong pagkasunod-sunod ang mga paraan sa pagbuo ng convenience outlet.
Lagyan ng numero 1-5 sa patlang
Paraan ng Pagbuo ng Convenience Outlet
a _______ Iikot ang nakabalot na wire sa turnilyo at saka ito higpitan.
b _______ Takpan ang convenience outlet.
c _______ Buksan ang takip ng convenience outlet gamit ang screwdriver.
d ________ Luwagan ang turnilyo na nasa loob ng convenience outlet.
e________Balatan ang kabilang dulo ng kable.
IV. TANDAAN!
Upang maging ligtas at maayos ang bawat gawaing may kinalaman sa elektrisidad nararapat
isaalang-alang ang paggamit ng personal na kagamitang pangkaligtasan.
Ito ay ang mga kagamitan na ginagamit upang maiwasan ang anumang uri ng aksidente na
dulot ng init, ingay,kemikal,mekanikal, at elektrikal.

V.
PAGSUSULIT:

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung tama ang isinasaad ng
pangungu at MALI naman kung mali ang isinasaad ng pangungusap.

_____1. Ang extension cord ay mayroong dalawang bahagi.


_____2. Kailangan ang extension cord upang gumana ang mga kagamitang
Pang elektrisidad na malayo sa convenience outlet.
_____3. Ang convenience outlet ay bahagi ng extension cord.
_____4. Ang plano ng proyekto ang mahalaga sa paggawa ng proyekto.
_____5. Binabalatan ang dulo ng kable bago ikabit o idugtong.
_____6. Hindi na kailangang higpitan ang turnilyo sa loob ng convenience
outlet dahil gagana pa rin naman ito.

References: Pahina 3
_____7. Maliban sa wire stripper ang long nose pliers at cutting pliers ay
ginagamit sa pagtanggal ng balat ng kable.
_____8. Hinihigpitan ang mga turnilyo sa loob ng convenience outlet gamit ang
screwdriver.
_____9. Ang krokis sa proyekto ay naglalaman ng guhit ng gagawing proyekto.
_____10. Maaring gamitin ang sirang extension cord.

PREPARED BY: Mrs. Elena P. Perral

References: Pahina 4

You might also like