You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA EDUKSYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN V

I. Layunin:

Sa katapusan ng aralin inaasahan na ang mga bata ay:

Naipapakita ang tamang paraan ng paggawa ng extension cord.


Natutukoy ang mga pamantayan sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan sa paggawa.
Naipapakita ang pagtutulungan ng bawat miyembro sa paggawa ng proyekto.

Pagpapahalaga

Pagtutulungan, Pagpapahalaga sa Kaligtasan sa Paggawa at pagsunod sa tamang habang sa


paggawa.

II. Paksa Aralin:


Paksa:

Simpleng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad

Sanggunian:

Kaalaman at kasanayan tungo sa kaunlaran, Batayang aklat, pahina 200 – 201.

Kagamitan:
Powerpoint Presentation, Combination Pliers, Wire Cutter/Electrician’s Knife, Philip
Screwdriver, Convenience outlet, male plug, #14 stranded wire.

III. Pamamaraan:
Gawaing Guro Gawaing Bata
a. Paghahanda

1. Paglilinya ng mga bata


2. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.
___________ pamunuan mo ang panalangin.
Salamat!

3. Pagbati sa mga bata


Magandang Umaga mga bata.
Magandang umaga po Guro.
Magandang umaga mga kamag – aral.

Salamat! Bago tayo magsimula pulutin muna


ang mga kalat sa ilalim ng inyong mga upuan.

Pag tapos na maari na kayong maupo upang aitala


na natin ang mga lumiban sa klase.

5. Pagtala ng lumiban sa klase


May Liban ba sa klase?
Wala po!
B. Balik Aral

Mga bata kahapon napag – aralan natin ang mga


ibat - ibang kasangkapan at kagamitang Elektrikal.
Naaalala ninyo pa ba ang mga ito? Opo Sir!

O sige, Alam ba ninyo ang larong 4 pics 1 word?


Magpapakita ako ng larawan at huhulaan ninyo
kung anong gamit ng mga larawang ito.

Handa na ba kayo?
Opo Sir!

1.
1. Kagamitang Pang higpit
2. Kagamitang Pang hawak
3. Kagamitang Pamutol
2. 4. Kagamitang Pambutas

3.

4.

K. Pagganyak

Mga bata mayroon akong inihandang larawan.

Anu – ano ang inyong nakikita? Sir!

Isang Lalaking Nagiisip


Mga Kagamitan sa Elektrikal
Tama!
Ngayon gusto niyo bang malaman kung ano ang
iniisip ni Matandang lalaki?

Siya si Mang Kardo. Siya ay nakatira sa Baryo San


Pedro. Siya ay may kaibigan. Si Vendeta. Sa
kasamaang palad nasunugan ang mag-anak ni
Vendeta. Nagtayo ngayon ng maliit ng kubo ang
kaibigan niyang si Vendeta malapit sa bahay nila
Kardo. Nag-iisip ngayon si Kardo kung paano siya
makatutulong sa kaibigan lalo na’t may mga anak
itong nag-aaral. Habang nagiisip si Kardo ay Nakita
niya ang mga kagamitang pang elektrikal.
Ngayon tulungan nga natin siya. Ano kaya ang
maaaring gawin ni Mang Kardo sa mga kagamitang
pang elektrikal?
Sir! Maari niya itong gawing Ekstensyon Kurdon
upang magiyan ng ilaw ang maganak ni Vendeta.

Tama! Maari siyang gumawa ng Ekstensyon


kurdon gamit ang mga kasangkapang nakita niya sa
kanilang bahay.

Ano ng ba ang ekstensyon kurdon?

Ang Ekstensyon kurdon ay isang gamit pang


eletrisidad na nagpapahaba ng daloy ng kuryente.

D. Paglalahad
Gusto n’yo bang tulungan si Mang Kardo sa
Pag-gawa ng ekstensyon kurdon?
Opo!
Ngayon ay ipapakita ko kung paano gumawa ng
ekstensyon kurdon.

Pero bago natin simula ang proyekto , alamin


muna natin ang kakailanganing mga materyales sa
paggawa. Mga materyales:
1. Long Nose Pliers / Combination Pliers
2. Wire Cutter / Electricians Knife
3. Philip Screwdriver
4. Convenience outlet
5. Male Plug
6. Stranded Wire
Nalaman na natin ang mga materyales sa
paggawa ng ekstensyon kurdon.

Ngayon ay dumako naman tayo sa mga


kaukulang pag-iingat na dapat nating tandaan
habang gumagawa. (Isa – isang babasahin ng mga bata ang
kaukulang pag-iingat sa paggawa)

Mga kaukulang pag – iingat sa paggawa.


1. Ilagay sa tamang lalagyan ang mga kagamitan
na matalim at matutulis pagkatapos gamitin.
2. Iwasang makipaglaro sa katabi habang
gumagawa.
3. Ingatang hindi mabasa ang wire na gagamitin.
4. Siguraduhing hindi magkadikit ang mga wire.
5. Higpitan ng Mabuti ang mga turnilyo upang
maiwasang maalis ito sa pagkakakabit.

Ngayon naman ay dumako tayo sa mga


hakbang sa paggawa ng ekstensyon kurdon.
Pamamaraan:
(Paraan sa male plug)
1. Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin
sa paggawa ng proyekto.
2. Simulan ang Gawain sa pamamagitan ng
pagpasok ng kabilang dulo ng kable sa
male plug.
3. Hatiin sa dalawa ang kable gamit ang
kamay hanggang 8 sentrimetro.
4. Balatan ang magkabilang dulo ng kable
gamit ang wire cutter at long nose pliers.
5. Luwagan ang turnilyo ng male plug at iikot
ang nakabalot na kable sa turnilyo tsaka ito
higpitan gamit ang screwdriver.

(Paraan sa Convenience Outlet)


1. Balatan ang kabilang dulo ng kable.
2. Buksan ang takip ng convenience outlet
gamit ang screwdriver.
3. Luwagan ang turnilyo na nasa loob ng
convenience outlet
4. Paghiwalayin ang dalawang wire at saka
ito higpitan.
5. Takpan ang convenience outlet.

Mga bata, nasundan ba ninyo ng mabuti ang


mga hakbang sa paggawa ng ekstensyon kurdon at
mga dapat tandaan habang gumagawa?

Opo Sir!

Magaling! Palakpakan natin ang ating mga sarili.

May tanong ba kayo sa Paraan ng paggawa ng


ekstensyon kurdon? Wala po Sir.

E. Paglalahat
Bago ninyo gawin, ano ulit ang tawag sa
proyektong ating gagawin?
Ekstensyon Kurdon

Magaling! Ano naman ang naitutulong nito sa


atin?
Ang Ekstensyon kurdon ay isang gamit pang
eletrisidad na nagpapahaba ng daloy ng kuryente.

Tama!

F. Pagsasagawa
Bago ninyo simulan ang proyekto, narito muna
ang mga pamantayan sa pagbibigay ng marka sa
paggawa.
Ngayon ay sisimulan niyo na ang paggawa ng
inyong proyekto.
Handa na ba kayo mga bata?

Opo!

Mayroon kayong sampung minuto upang


tapusin ito.

Maari niyo ng simulan.


(Habang ang mga bata ay gumagawa ng proyekto
ang guro ay nagmamasid sa paggawa)

IV. PAGTATAYA
Panuto: Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa inyong kuwaderno.

1. Ginagamit na pangprotekta sa de-koryenteng kasangkapan na kusang pamputol ng daloy ng


kuryente kapag nagkaroon ng short circuit.
2. Ginagamit para masiguradong maayos ang pagkakabitan ng mga wire at conduit.
3. Ginagamit sa saksakan para dumaloy ang kuryente papunta sa kasangkapang pinagagana ng
koryente.
4. Dito ipinapadaan ang koryente papunta sa mga kagamitan.
5. Hugis parihaba na yari sa bakal o plastik kung saan ang mga nakabaon sa pader na gamit gaya ng
convenience outlet at switch ay nakakabit.

V. Takdang - Aralin
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga kagamitan, kasangkapan, at materyales ng ginagamit sa gawaing pang-


elektrisidad?
2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsasagawa ng lignatas at epektibong gawaing elektrikal?
3. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga proyekto na gawa sa iba’t ibang materyales na ginagamitan
ng elektrisidad?

Inihanda ni
JAMEL M. MAYOR
Teacher I
Pinagtibay ni
ERICSON S. MAYOR
Head Teacher III
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG EKSTENSYON KURDON

Pamantayan sa pagbibigay ng marka Unang Pangalawang Pangatlong


%
sa paggawa Pangkat Pangkat Pangkat
Pagsunod sa tamang hakbang 20%

Pagtutulungan ng bawat miyembro 15%

Tahimik habang gumagawa 20%


Tinapos ang gawain sa takdang oras
20%
na ibinigay
Malinis ang pagkakayari ng
25%
proyekto
Kabuuan 100%

You might also like