You are on page 1of 4

I.

LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-
Pangnilalaman industriya tulad ng gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad at iba pa
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy, metal,
kawayan, elektrisidad, at iba pa.
C. Mga Kasanayan sa Nakagagawa ng proyektong extension wire na ginagamitan ng elektrisidad na nakadesinyo
Pagkatuto (MELC) mula sa mga materyales na makikita sa bahay o pamayanan na maaaring magamit sa ating
mga tahanan. EPP5IA-0c-3- EPP5IA0c- 3
II. NILALAMAN Paggawa ng Extension Cord
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mga Pahina sa MELCs p. 406
Kagamitang Pang mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Textbook
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Kagamitang Mga larawan, tunay na bagay, tsart, Tarp papel, power point presentation, activity sheets at
Panturo puzzle
Integration: Edukasyon sa Pagpapakatao, Mathematics, Physical Education
IV. PAMAMARAAN
Bago ang Aralin
A. Balik-aral sa nakaraang Mga Pamantayan sa loob ng silid-aralan
aralin at/o pagsisimula ng 1. Makinig ng mabuti sa guro.
bagong aralin. 2. Sumunod sa mga panuto
3. Maging magalang sa sarili, kapwa at paaralan.
4. Itaas ang kamay kung may sasabihin.
5. Maging mabait at magsabi ng totoo.

Panuto: Tukuyin kung ano ang bagay na ipakikita na nasa loob ng kahon.

B. Paghahabi ng Layunin ng Pagmasdan ang larawan.


Aralin

Ano ito?
Ano ang gamit ng extension cord?
Ano ang pakinabang na naiibibigay ng extension cord?

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong “Ang Papel ng extension wire sa Pamilya Cruz”
aralin
Sa isang maliit na bahay ay may anim na katao na nakatira. Tawagin natin silang
pamilya Cruz. Bawat isa sa kanila ay nagmamay – ari ng cellphone at mayroon din silang
dalawang laptop at isang tablet. Dahil sa dami ng gadget nila, minsan may mga pagkakataon
na nag uunahan ang mga ito sa pagkabit ng charger sa female outlet kung ang kanilang
cellphones at ibang gadgets ay na-low bat. Isang araw, na-low bat ang cellphone ng kanilang
haligi ng tahanan kung kaya ay nagmadali siyang kumuha ng charger dahil may ipinadalang
napaka importanteng mensahe ang kanyang kliyente na dapat niyang matugunan kaagad.
Ngunit sa kasamaang palad ay wala nang bakanteng outlet para sa kanya. Ang kanyang mga
anak ay nag cha-charge din ng kani-kanilang mga cellphone.
Ang isa pang outlet ay puno rin dahil nakasaksak ang plug ng T.V. at nakacharge din
ang laptop ng kanyang anak. Sa pagkakataong ito ay naisipan niyang gumawa ng isang
extension cord gamit ang mga kagamitan na binili niya noon. Dahil may kaalaman naman sa
paggawa ng extension cord, nasolusyunan ang kanyang suliranin.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Ano ang suliranin ni Mang Alex?
3. Ano ang naging papel ng extension wire sa paglutas ng suliranin ni Mang Alex?

D. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng Mga Kagamitan sa Paggawa ng Extension Cord
bagong kasanayan #1
1.Combination Plier – ginagamit sa panghawak o pamputol ng wires, kable o maliit na pako

2. Philip screw driver - ginagamit para luwagan o higpitan ang turnilyo na ang dulo ay hugis
krus.

3. Male Plug - isinasaksak sa convenience outlet.

4.Flat Cord - dito dumadaan ang kuryente papunta sa mga kagamitan

5. Convenience Outlet/ Female Outlet - nagsisilbing pinakamadaling pinagkukunan ng


kuryente para sa mga dekuryenteng kasangkapan

Mga Hakbang sa Paggawa ng Extension Cord (Demonstrate)

1. Balatan ng kaunti ang magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang side
cutting plier nang sa gayon ay makita ang cooper wire.
2. I-twist ang apat na dulo ng mga copper wires.
3. Gamit ang Philip screwdriver, buksan ang male plug at ikabit ang magkatabing dalawang
copper wires sa kabitan ng male plug.
4. I-screw/takpan pabalik ang male plug gamit ang Philip screwdriver.
5. Buksan ang convenience outlet/female outlet gamit ang philip screwdriver at ikabit ang
natitirang magkatabing dalawang copper wires sa kabitan nito.
6. I-screw/takpan pabalik ang convenience outlet/female outlet gamit ang philip screwdriver.
E. Pagtalakay ng bagong Narito ang mga pagkakasunod – sunod ng mga larawan sa paggawa ng “Extension Cord”.
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa
Kabihasnan/Aplikasyon Mga Dapat Tandan sa Pangkatang Gawain

1. Panatilihin ang katahimikan at kaayusan habang isinasagawa ang pangkatang gawain.


2. Makilahok sa talakayan at ibahagi ang iyong nalalaman.
3. Tapusin ang gawain sa itinakdang oras.
4. Linisin at iligpit ang mga kagamitang ginamit.
5. Ipaskil ang inyong gawain sa pisara at ipaliwanag ng buong husay ang inyong ulat.

Hatiin ang klase sa 3 pangkat. Bibigyan sila ng gawain ayon sa kanilang kakayahan. Gumawa
ng naaayon sa mga pamantayan sa pangkatang gawain. Tatapusin lamang ito sa loob ng 10
minuto.

Unang Grupo
Panuto: Isaayos ang mga letra ayon sa pangalan ng mga larawang kagamitan.
alemfe ttuole tlaf dorc
________ ______ ____ _____

cnoomibtian lperi eaml gpul


___________ _____ _____ _____

ppiihl srcervwidre
______ ____________

Pangalawang Grupo
Panuto: Isaayos ang mga larawan ayon sa tamang hakbang sa paggawa ng extension cord.

Pangatlong Grupo
Panuto: Buuin ang puzzle at sabihin kung anong larawan ang nabuo.
_______________________

G. Paglalapat ng Aralin sa Ano ang kabutihang dulot kung mayron kang kaalaman sa mga kagamitan sa elektrisidad?
Pang araw-araw na buhay Nakatutulong ba ang paggawa ng extension cord sa iyong pamilya? Bakit?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ano ang napag-aralan ninyo ngayon, hayaan ang mga bata na magasabi ng kanilang
napag-aralan?
Ano ano ang mga kagamitan sa paggawa ng extension cord?
Ano ano ang mga hakbang sa paggawa ng extension cord?
Ano ang dapat nating isaalang alang bago gawin ang proyekto na ginagamitan ng
elektrisidad?
I. Pagtataya ng Aralin Puntos
2 1
PAMANTAYAN 5 4 3
Hindi Gaanong Kailangan pang
Napakahusay Mahusay Mahusay-husay
Mahusay Paghusayin
1. Kalinisan
2. Kawastuhan
3. Paggana ng
Extension Cord
A. Panuto: Mananatili sa grupo at bubuo ng extension cord gamit ang mga kagamitang ating
pinag-aralan.

B. Panuto: Pagtambalin ang mga kagamitan sa hanay A sa angkop na sagot sa hanay B. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
1. Philip screwdriver
2. Combination plier
3. Flat cord
4. Male plug
5. Female outlet

J. Karagdagang Gawain para Magsaliksik sa pamamagitan ng pagtatanong o sa tulong ng internet tungkol sa tamang
sa Takdang Aralin at hakbang sa paggawa ng bulb socket extension cord. Isulat sa kwaderno ang iyong mga
Remedyesyon kasagutan.

You might also like