You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
Schools Division of Nueva Ecija
BONGABON DISTRICT
SANTOR ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY – ARALIN SA EPP


Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Elektrisidad

I. LAYUNIN
1. Nalalaman ang kahalagahan ng mga ibat-ibang materyales na makikita sa kapaligiran na maari
pang magamit at pagkakitaan.
2. Nakasusunod sa wastong pamantayan sa paggawa sa silid-aralan.
3. Naiisa-isa ang mga materyales na ginamit sa ginawang proyekto.
4. Naipapakita ang kasiyahan sa pagbuo ng proyekto na nakadisenyo mula sa iba’t ibang
materyales na makikita sa pamayanan (halimbawa: kahoy, plastic, kawayan, atbp.) na
ginagamitan ng elektrisidad na maaaring pagkakitaan.
Pagpapahalaga: Naisasapuso ang kahalagahan ng paggamit ng mga materyales na makikita sa
pamayanan at ang magandang dulot nito sa paghahanap-buhay.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Batayang Kaalaman at Kasanayan sa Gawaing Elektrisidad.
Sanggunian: EPP5IA-0d-4
Kagamitan: Powerpoint at Video Presentation, larawan ng proyektong isasagawa, rubriks sa
pagsasagawa ng proyekto, halimbawa ng proyektong gagawin, mga materyales sa paggawa ng
proyekto.

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Duck Race/Picture Reveal: Mga Kasangkapang ginagamit sa paggawa ng proyekto.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
JIGSAW PUZZEL. Mga materyales na nakikita sa kapaligiran.
(plastik na bote, barbecue stick, tabla, tuyong dahon at papel)
2. Suliranin
Ano-ano ang mga materyales o kagamitan na nakikita niyo sa pamayanan?
3. Pag-aalis ng Balakid
Tabla at kahoy
Kawayan
Metal
4. Karanasan sa Pagkatuto
a. Talakayin ang proyektong ginagamitan ng elektrisidad tulad ng lampshade na yari sa
kawayan (barbeque sticks) at plastic na bote.
b. Paghahanda sa mga gagamiting kasangkapan sa paggawa ng proyekto
Lamp Shade

Mga kagamitan sa paggawa ng proyekto

Para sa lampara: Para sa gawaing elektrisidad:


1 pc 7 liters plastic n bote Stranded wire #20 (1 metro)
Glue gun Socket
Stick glue Plug
Utility Knife/Cutter Bumbilya
1 pc Bote ng 1.5 na soft drink Screw drivers
Gunting Electrical tape
Maliliit na Bato Switch

C. Pangwakas na Gawain:

A. Paraan sa Paggawa

Video Presentation

Para sa pailaw
1. Ihanda ang mga gagamiting materyales o kasangkapan.
2. Pumunta sa itinalaga lugar sa paggawa.
3. Ihanda ang kawad. Hatiin sa dalawa ang kawad. Paghiwalayin ang magkatabing kawad
ng magkabilang dulo at balatan ang mga ito.
4. Luwagan ang turnilyo ng switch at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng
kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit.
5. Luwagan ang turnilyo ng bukilya at ibukas. Iikot ang isang binalatang dulo ng kawad ng
kaliwang bahagi at ang isa sa kanang bahagi. Ipaikot sa turnilyo at ipitin ng mahigpit.
Ilagay ang pansara
6. Buksan ang switch at ilagay ang dulo ng wire.
7. Buksan din ang Male plug at ilagay ang kawad.

Para sa lampshade
8. Gamit ang 1.5 na bote ng softdrinks. Hiwain ang taas na bahagi ng bote para lumaki ang
butas. Lagyan ng mga bato ang loob na magsisilbing pabigat upang hindi matumba ang
stand ng lampshade.
9. Tanggalin ang gawing ilalim at ibabaw ng 7 liters ng plastic na bote.
10. Ipasok sa loob ng bote ang tinanggal na pang ibabaw na bote.
11. Pagdikitin ang dalwang takip ng bote

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
SDO BONGABON ANNEX
SANTOR ELEMENTARY SCHOOL
105212
B. Paggunita sa mga pamantayan

Scorecard sa Paggawa ng Lampshade


Mga Pamantayan Score
A. Pagsunod sa Wastong Hakbang
Ang mga kagamitan at kasangkapan ay inayos sa ibabaw ng mesa bago
5
gumawa.
Pagsusukat sa pagtatalop ng kawad. 5
Paggawa ng pagkabit ng kawad sa switch ay wasto. 10
Pagkabit ng kawad sa plag at bukilya ay wasto. 10
Naisagawa sa takdang oras.
Paggamit ng Kasangkapan
Gumamit ng wasto at angkop na kasangkapan sa paggawa. 5
Sinuri ang kaayusan ng kasangkapan. 5
Ginamit sa angkop ng gawain. 5
Pangkaligtasang Gawi
10
Masigla at tuloy-tuloy sa paggawa.
Ipinapakitang may sistema sa paggawa. 5
Ipinakita ng pag-iingat habang gumagawa. 5
Nilinis ang hapag gawaan matapos ang gawain. 5
Uri ng Natapos na Gawain
5
Ang kawad na ikinabit sa plag at bukilya ay may wastong haba.
Ang pagkagawa ng pailaw at ang pagkakabit ng kawad sa turnilyo ay wasto. 5
Maayos at malinis ang pagkakabuo ng lampshade. 10
Nasunod nang wasto ang Plano ng Proyekto 5
total 100

Pang grupong Gawain: Aktwal na paggawa nang lampshade ng mga mag-aaral


IV. PAGTATAYA:

Isa-isahin ang mga materyales na ginamit sa paggawa ng lampshade?


Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

V. Takdang- aralin:
1. Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na maaaring gamitin
sa paggawa ng mga proyektong ginagamitan ng elektrisidad.
2. Gumawa ng talaan at ng mga proyektong maaaring gawin. .

Sa patnubay ni:

MA. VIOLETA P. CAMACHO, PhD


Punong Guro IV

Inihanda ni:

ALDRICK V. BAUTISTA
Guro III

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
SDO BONGABON ANNEX
SANTOR ELEMENTARY SCHOOL
105212

You might also like