You are on page 1of 17

Plano ng Proyekto; Ngalan ng Proyekto:

Extension Cord
Balik - aral
• Ano -ano ang mga kagamitang ginagamit sa paggawa
ng isang proyekto?
• Ano- ano ang mga ginagamit ng mga sumusunod na
larawan?
• Ano ang kahalagahan nito sa isang proyekto?
Paunang Pagsusulit
Igugrupo ang mga mag-aaral sa anim
(6). Bibigyan ang bawat grupo ng isang
Puzzle na kanilang bubuoin upang
makalikha ng isang larawan. Ang
unang matatapos ang siyang panalo.
Pagpapakita ng video tungkol sa paggawa ng
electrical cord.

Ano ang masasabi ninyo sa inyong napanood?


GAWAIN:
1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat.
2. Papiliin o pumili ang bawat pangkat ng pinuno o tagapagtala o kalihim.
3. Bigyan ang bawat pangkat ng panuto o hakbang sa pagbuo ng electrical
cord.
4. Bigyan ng 15 minuto ang bawat pangkat upang malaman. Mabasa ,at
masundan at masagutan ang mga tanong mula sa hakbang sa paggawa nito.
5. Bigyan ang bawat pangkat ng 3 minuto upang ibahagi ang kanilang output o
binuong proyeto.
6. Ipakita ang mga materyales na gagamitin sa paggawa ng electrical cord.
Hakbang sa Paggawa;
1. Ihanda lahat ng mga kagamitan at kasangkapan.
2. Ihanda ang kawad. Kailangan paghiwalayin ang mga magkatabing kawad ng magkabilang
Dulo at balatan ang dulo ng 10 – 15 sentimetro.
3. Luwagan ang ang mga tornilyo ng outlet at buksan . Ikutin ang isang binalatang dulo ng ka
Kawad sa kaliwang bahagi at ang isa naman ay kanang bahagi. Gamit ang distonilyador,
Ipitin ng mahigpit ang tornilyo. Ilagay ang pansara ng maayos.
4. Buksan ang male plug. Makikita ang dalawang tornilyo, luwagan ng bahagya at ikutin sa
Magkabilang tornilyo ang magkahiwalay na kawad sa pamamagitan ng underwriter’s knot
Upang makatiyak na dadaluyan ng koryente ang mga terminal.
5. Kailangan higpitan muli ang turnilyo upang maipit ang kawad.
6. Kailangan isarang muli ang plug at subukang gumamit ng tester kung dumadaloy ang kuryente.
7. Para sa karagdagang pag -iingat magpagabay sa nakatatanda bago isaksak ang natapos na
proyekto.
Performance Rubric
Pamantayan Nangangailangan ng Tulong Katamtaman Mahusay Puntos
 
Impormasyon 1 2 3 4 5  
Mali at kulang ang Kumpleto ngunit Kompleto at tama ang lahat
impormasyong ibinabahagi; may mali sa impormasyon g ng impormasyon
hindi nakasaad ang mga ibinahagi: nakasaad kung alin ibinahagi:nakasaad kung
materyales na ginamit at materyales ang ginamit aling materyales ang
hindi ipinaliwanag ang ngunit hindi ipinaliwanag ang ginamit at ipinaliwanag ng
paggawa at paggamit ng mga paggawa at paggamit ng mga mabuti ang paggawa at
produkto/proyekto produkto/proyekto paggamit ng produkto/
proyekto.

Personalidad 1 2 3 4 5  
Mukhang matamlay, walang May pagkaseryoso Maaliwalas ang mukha ,
dating at mahina ang boses sa paminsan -minsan ang lagging nakangiti, nakangiti,
pagpresenta ng mga mukha ngunit kadalasang kawiliwili, at
produkto/ proyekto. ngumungiti, masayahin, at nakakaengganyong
malinaw magsalita sa pakinggan habang
pagpresenta ng ipinipresenta ang mga
produkto/proyekto. produkto/ proyekto.

Kabuoang marka        
Pag-uulat ng gawain.
1.Ano – ano ang kahalagahan ng paghahanda ng plano
bago magsimula sa paggawa ng proyekto?
2 .Ano- ano ang napansin ninyo sa activity?
3. Ano-anong mga kasangkapan ang ginamit sa paggawa
ng ng electrical cord?
4.Paano ang tamang paggamit at pagaayos ng mga
kagamitan at kasangkapan sa paggawa ng proyekto.
5. Ano ang inyong naramdaman ng makabuo kayo ng
proyektong electrical cord.
Ito ang mga materyales
na ginamit o gagamitin
sa paggawa ng
electrical cord.
Electrical tape- ginagamit na pambalot ng
talop na kawad ng kuryente.

Gunting/Cutter -ginagamit pamputol ng


pambalot ng kuryente.

Plies – ginagamit sa kawad ng koryenteng


pinuputol at pagpilipit ng mga kawad na
dudugtungan;dapat may goma ang hawakan o
materyal na hindi tinatagusan ng koryente.
Distonilyador/Phillip Screw – ginagamit
pampihit o pampaikot ng mga tornilyo.
Long nose- ginagamit pamputol ng kawad ng
koryente at pag pilipit ng mgs kawad na kailangang
malayo sa mga kawad ng kuryenteng may mataas na
boltahe.
Electrical Wire - ito ang dinadaluyan ng
kuryente papunta sa electric socket
Electrical outlet – ginagamit na saksakan
ng mga kagamitan sa bahay na may
kuryente
Narito ang mga hakbang sa paggawa:
1. Ihanda lahat ng mga materyales at kagamitan gamit sa paggawa.
2. Bago umpisahanang gawain kailangan munang isipin ang mga
pamantayan sa maingat na paggawa.
3. Gamitin ang disturnilyador at buksan ang outlet paluwagan ang
dalawang turnilyo na nasa loob.
4. Balatan ang dulo ng kable, 2 sentimetro ( 2cm) at paikutin pakanan o
clockwise upang lumapat pagkatapos ay higpitan ang turnilyo. Parehong
hakbang ang gawin sa kabilang turnilyo matapos gawin.
5. Kunin ang takip at isara ang outlet.
6. Sa paglalagay ng plug , paluwagin ang dalawang turnilyo, balatan ang
dulo ng kable ng 2 sentimetro (2 cm) at ilapat ito sa turniyo at paikutin
pakanan o clockwise at higpitan ang turnilyo.
Isulat ang ngalan ng mga kasangkapang pang- industriya at
ipaliwanag ang gamit ng bawat kasangkapan
Lagyan ng bilang mula 1 – 6 ang guhit ayon sa tamang pagkakasunod-sunod
ng mga hakbang sa paggawa ng electrical cord.

______ Gamitin ang disturnilyador at buksan ang outlet paluwagan ang dalawang
turnilyo na nasa loob.
______ Ihanda lahat ng mga materyales at kagamitan gamit sa paggawa.
______ Balatan ang dulo ng kable, 2 sentimetro ( 2cm) at paikutin pakanan o
clockwise upang lumapat pagkatapos ay higpitan ang turnilyo. Parehong
hakbang ang gawin sa kabilang turnilyo matapos gawin.
______ Sa paglalagay ng plug , paluwagin ang dalawang turnilyo, balatan ang dulo
ng kable ng 2 sentimetro (2 cm) at ilapat ito sa turniyo at paikutin pakanan
o clockwise at higpitan ang turnilyo.
______ Bago umpisahanang gawain kailangan munang isipin ang mga pamantayan
sa maingat na paggawa.
______ Kunin ang takip at isara ang outlet.
Takdang Aralin:
• Isulat kung ilang electrical cord ang mayroon sa
inyong bahay at kung saan ito nakalagay

You might also like