You are on page 1of 8

GOOD SHEPHERD’S VISION FOR

EXCELLENT EDUCATION ,INCORPORATED


Exit Road, Brgy. New Carmen
City of Tacurong
EPP 4

Name:
Grade Level:
PAALALA: Huwag sulatan nang kahit na ano ang WORKSHEETS. Gumamit ng papel sa pagsagot.
1ST QUARTER
(Sanggunian: DepEd/ https://commons.deped.gov.ph/)
MODYUL 5: PAGGAWA NG SARILING DISENYO SA PAGBUO O PAGBABAGO NG PRODUKTONG GAWA
SA KAHOY
SUBUKIN
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang T kung Tama at M kung Mali. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.
__________1. Ang martilyo ay ginagamit na pamukpok ng metal at pambaon sa paet at pako.
__________2. Mahalagang tama ang sukat ng mga gagamitin sa proyekto.
__________3. Maaaring hindi sundin ang mga panuto sa paggawa.
__________4. Ang barena ay ginagamit na panukat ng kahoy.
__________5. Ang kikil ay panghasa sa mga ngipin ng lagari.
PAGYAMANIN
Panuto: Ipahayag ang Sariling Opinyon A. Panuto. Sagutin ang sumusunod na katanungan. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.
1. Bakit mahalaga ang tamang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mg produktong gawa sa kahoy?
2. Bakit mahalaga ang pagpaplano sa paggawa ng isang proyekto o produkto?
3. Ano-ano ang dapat mong isaalang-alang kung ikaw ay gagawa ng isang proyekto o produkto na gawa sa kahoy?
4. Paano mo dapat pangalagaan ang mga kasangkapan sa paggawa?
5. Bakit kailangang sundin ang mga panuntunang pagkalusugan?
TUKUYIN
Panuto: Buuin ang table ng tamang impormasyon tungkol sa mga pangunahing kagamitan sa pagbuo at paggawa
ng produkto na gawa sa kahoy at kung paano ang mga ito ginagamit. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

ISAISIP
Panuto: Kumpletuhin ang talata sa loob ng hugis. Punan ang patlang ng tamang sagot mula sa mga salita sa loob ng
kahon upang mabuo ang talata.

May angkop na (1) _________________ na ginagamit sa pagsasagawa ng anumang proyekto. Upang maging (2)
________________ ang lahat ng gawain, nararapat na gamitin ang talino, kakayahan, at galing. (3) ___________________
__________________, sa paggawa ay dapat na panatilihin upang maitaas ang kalidad ng proyekto at gawa. Wastong
pangangalaga ng kagamitan ay kailangan upang (4) _______________ ito nang matagal at makagawa ng magandang
kalidad na produkto. Ang mga (5) _______________ na dapat linangin at isaalang-alang sa paggawa ay pagsusukat,
pagpuputol, pagpapakinis, pagbubuo, at (6) ________________.

PERFORMANCE TASK
Panuto: Gumawa ng sarili mong disenyo sa pagbuo o pagbabago ng produktong gawa sa kahoy. Maaaring ito ay
kasangkapan sa bahay, kasangkapan sa kusina, palamuti sa bahay o laruan.
Pangalan ng Proyekto: __________________________________________
Mga Kasangkapan:
Mga Paraan sa Paggawa:
____________________________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________.
Disenyo ng Produkto

TAYAHIN
Panuto. Pagsunod-sunurin ang mga kasanayan sa paggawa upang mabuo ang isang produkto. Isulat ang bilang na
1-6 sa patlang bago ang titik. Gawin ito sa sanayang papel.
_________a. Pagpapakinis
_________b. Pagpuputol
_________c. Pagtatapos
_________d. Pagsusukat
_________e. Pagpaplano
_________f. Pagbubuo
KARAGDAGANG GAWAIN
A. Panuto: Gumawa ng disenyo mula sa isa sa mga sumusunod gamit ang kahoy.
A. kasangkapan sa bahay
B. kagamitan sa kusina
C. palamuti sa bahay
D. laruan
B. Panuto: Pangalanan at isulat ang mga kagamitan ng disenyong ginawa Gawing gabay sa paggawa ang rubrik na
ito.

MODYUL 6: PAGGAWA NG SARILING DISENYO SA PAGBUO O PAGBABAGO NG PRODUKTONG GAWA


SA CERAMICS
TUKLASIN
Panuto: Sagutin mo ang mga katanungan pagkatapos mong basahin ang tula. Sagutin ito sa kalakip na sanayang
papel.

Tasa
Ang hugis ay pabilog na yari sa luwad Hinipo-hipo upang mabuong ganap Gamit ang rondilyo at tubig Disenyo ay
kaaya-aya at sapat. Kulang sa aking paningin upang likha’y mabuo rin Kinuha ang espongha, dahon, at papel
Siyense, pamutol nabuo ka rin Salamat sa mga kagamitan aking proyekto ay ganap. Halina kayo, proyekto ay bilhin
Tasa na makulay gamit ang pintura para pagandahin.
Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng tulang iyong nabasa?
2. Ano-anong mga kagamitan ang ginamit upang makagawa ng isang tasa?
3. Sa iyong palagay, anong disenyo ang iyong maaaring malikha gamit ang mga kagamitang nabanggit?
4. Kapag narinig mo ang salitang luwad, ano ang unang bagay na pumapasok sa iyong isipan?
5. Magbigay ng ilang halimbawa ng mga produktong ginagamitan ng ceramics o luwad?
PAGYAMANIN
GAWAIN 1 – BUUIN MO AKO!
Panuto: Buuin ang salita sa bawat bilang. Hanapin ang numero na katumbas ng bawat letra. Sumangguni sa kahon
na nasa itaas na bahagi. Tukuyin ang katumbas na titik ng bawat bilang upang mabuo ang mahalagang salita na
may kinalaman sa kasalukuyang aralin. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

Mga Sagot:
1. __________________________________ 2. __________________________________
3. __________________________________ 4. __________________________________
5. __________________________________ 6. __________________________________
7. __________________________________ 8. __________________________________
9. __________________________________ 10. _________________________________
PERFORMANCE TASK
GAWAIN 2 - PAGGAWA NG PASO NA YARI SA CERAMICS
Kumuha ng mga luwad (angkop na luwad para sa gawain) na matatagpuan sa inyong paligid at ihanda ang mga
kagamitan na maaaring magagamit sa isang proyekto. Mula sa mga ito, maaari kang makagawa ng isang simpleng
palamuti sa bahay at mga kaldero o di kaya ay mga paso na paglagyan ng bulaklak at marami pang iba.
Layunin:
a. Nakagagawa ng paso na yari sa ceramics
b. Nakagagamit ng angkop na kasangkapan at materyales sa paggawa ng paso
c. Nasusunod ang tamang pamamaraan sa paggawa ng proyekto

Mga angkop na kagamitan:


luwad, tubig, dahoon, espongha, pamutol, siyense,pintura, papel, rondilyo, brotsa,
Paraan ng Paggawa
1. Ihanda ang mga kasangkapan at materyales sa paggawa.
2. Sukatin ang materyales na gagamitin ayon sa plano.
3. Putulin ang mga bahagi. Sundin ang tamang sukat.
4. Maglagay ng papel sa ilalim ng hinulmang luwad.
5. Basain ng tubig ang luwad upang lumambot at masunod ang nais na hugis.
6. Simulan na ang paghuhulma.
7. Idikit ang naihandang dahon sa gilid ng hinulmang luwad para sa palamuti.
8. Pakinisin gamit ang espongha upang kaaya-ayang tingnan.
9. Ibilad sa araw at hayang tumigas ang nagawang proyekto.
10.Lutuin sa lutuan ang nabuong proyekto.
11.Lagyan ng kulay para mas lalong tumingkad.
12.Ipakita sa guro ang natapos na proyekto.
GAWAIN 3 – KULAYAN MO, KASANAYAN KO!
Panuto: Kulayan ang kahon na naglalaman ng mga kasanayang dapat mong taglayin kapag gusto mong gumawa o
bumuo ng isang proyekto na gawa sa ceramics. Gawin ito sa sanayang papel.

GAWAIN 4 – ISABUHAY MO!


Panuto: Sagutin ang mga tanong upang maisasabuhay mo ang mga dapat na sunding mga panuntunan sa paggawa
o pagbuo ng produktong yari sa ceramics.
1. Ano-ano ang mga dapat na tandaan sa pagggawa o pagbuo ng isang produktong yari sa ceramics? Magbigay ng
lima.
2. Bakit kailangang sundin ang mga panuntunan sa paggawa?
3. Ano kaya ang maaaring mangyari kapag hindi mo sinunod ang mga panuntunan sa paggawa?
PERFORMANCE TASK
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng kagamitan ang tinutukoy pahalang man o pababa. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.

Pahalang:
2. pamahid ng disenyo o produkto upang kuminis
3. ginagamit upang masunod ang nais na hugis
5. ginagamit pangporma sa disenyo o produkto
8. ginagamit na pandagdag disenyo sa proyekto
9. pandagdag kulay sa proyekto upang maging kaaya-aya ito

Pababa:
1. ginagamit ito sa pagmamasa ng luwad
4. ginagamit na patungan ng proyeto upang hindi didikit
6. pambasa sa luwad upang lumambot ito
7. ginagamit pampahid ng pintura sa proyekto
10. putik na ginagawang produkto yari sa ceramics

MODYUL 7: PAGBUBUO O PAGBABAGO NG PRODUKTONG GAWA SA KARTON


SUBUKIN
Panuto: Basahin ang pangungusap. Isulat ang titik T kung tama at M kung mali. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang. Gawin ito sa inyong sanayang papel.
_________ 1. Upang maging pulido at makinis ang gawa, lagyan ito ng pinta o barnis.
_________ 2. Sa paggawa ng proyekto, kinakailangan ang tamang kasuotan.
_________ 3. Ang pakikipagkwentuhan habang gumagawa ay nakapagdudulot ng dagdag ganda sa proyekto.
_________ 4. Hindi kailangan ang pagpaplano sa paggawang proyekto.
_________ 5. Sundin ang mga panuto sa paggawa ng proyekto.
PAGYAMANIN
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang katanungan. Gawin ito sa sanayang papel.
1. Ano-ano ang mga kasanayang dapat tandaan sa paggawa ng sariling disenyo?
Gawain 2
Panuto: Hanapin at bilugan ang mga produktong maaaring magawa mula sa karton. Gawin o sagutin ito sa
sanayang papel.
palayok silya pala ruler sandok pamaypay
paso suklay plorera walis piano baol

PERFORMANCE TASK
Panuto: Ikaw ay gagawa ng lalagyan ng mga sapatos mula sa karton. Sundin ang mga pamamaraan sa paggawa sa
karton. Panatilihing maayos at malinis ang lugar ng gawain. Maging maingat sa paggawa upang huwag masugatan.
Maging malikhain sa pamamagitan ng wastong pagpili ng mga materyales na gagamitin sa paggawa. Ang wastong
kaalaman sa pagpili ng kulay, hugis, at disenyo ay makatutulong upang ikaw ay makabuo ng orihinal at kahanga-
hangang likhang-sining.

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Gumawa ng disenyo mula sa isa sa mga sumusunod gamit ang karton:
A. plorera B. lalagyang ng lapis/bolpen, krayola, gunting, glue C. palamuti sa dingding

MODULE 8: PAGGAWA NG SARILING DISENYO SA PAGBUO O PAGBABAGO NG PRODUKTONG GAWA


SA LATA
SUBUKIN
Panuto: Isulat sa patlang ang tama kung ang pangungusap ay wasto at mali kung hindi sa patlang bago ang bilang.
____________1. Ang lata ay isang gawa sa pinagtabasang yero o aluminum.
____________2. Ang pagiging malikhain ay isang katangian na dapat linangin.
____________3. Hindi na mapakikinabangan ang mga patapong bagay tulad ng lata.
____________4. Habang gumagawa ng iyong produkto, maaari mong ituon ang iyong atensyon sa ibang bagay.
____________5. Ang malinis na lugar na pagagawaan ay kinakailangan.
PAGYAMANIN
Gawain 1 – Proyekto Mo, Gawin Mo
Panuto: Ang mga larawan sa ibaba ay mga halimbawa ng produktong yari sa lata. Pumili sa mga sumusunod na
larawan kung ano ang nais mong proyekto. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa sanayang
papel.

Tanong:
1. Alin sa mga larawang ito ang nais mong produkto? Bakit?
2. Bakit mo ito napili?
3. Ano ang maitutulong nito sa iyo bilang isang mag-aaral? Ipaliwanag.
4. Ano ang kabutihang naidudulot ng wastong paggamit ng mga kagamitan sa paggawa ng proyekto?
5. Ano ang kahalagahan ng pagiging malikhain sa buhay ng tao?
PERFORMANCE TASK
A. Panuto: Gumawa ng organizer na yari sa lata. Sundin ang mga panuto

Layunin:
a. Nakagagawa ng organizer na yari sa lata.
b. Nakagagamit ng angkop na kasangkapan at materyales sa paggawa ng organizer na yari sa lata.
c. Nasusunod ang tamang pamamaraan sa paggawa ng proyekto.
d. Natutuos ang halaga ng proyekto.

Paraan sa Paggawa
1. Ihanda ang mga kagamitan sa paggawa.
2. Isaalang-alang ang wastong pamamaraan sa paggawa ng proyekto.
3. Gamit ang pinta at bras, pintahan ang loob ng mga lata. Patuyuin ito sa ilalim ng araw.
4. Gamit ang panukat, sukatin ang haba ng mga latang gagamitin, pagkatapos ikutin ng panukat ang lata para
malaman ang haba at lapad ng telang gagamitin na pambalot dito.
5. Gupitin ang tela ayon sa haba at lapad ng telang gagamitin sa bawat lata.
6. Gamit ang pandikit at glue gun, balutin ng tela ang buong bahagi ng lata maliban sa bunganga nito.
7. Dagdagan ng palamuting butones at laso ang mga lata.
8. Patayuin ang malaking lata.
9. Idikit ang mga maliliit na lata sa malaking lata sa hagdanhagdang porma.
10. Ilagay sa itaas ng mesa ang natapos na proyekto. Kunan ng larawan at ipakita sa guro.
11. Iligpit ang mga kalat at ang mga kasangkapang ginamit pagkatapos gumawa.

TAYAHIN
Panuto: Sagutin ng Tama o Mali. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Ang mga latang nakakalat sa bakuran ay mapakikinabangan.
_________2. Ang gunting ay ginagamit sa paglagay ng pandikit na glue stick sa proyekto.
_________3. Panukat ang ginagamit upang mahati nang wasto ang tela.
_________4. Ang pintura ay ginagamitan ng bras sa pag kulay ng proyekto.
_________5. Ang pagiging malikhain ay nakatutulong upang mapaganda ang isang proyekto.

Modyul 5: Paggawa ng Sariling Disenyo sa Pagbuo o Pagbabago ng Produktong Gawa sa Kawayan


PAGYAMANIN
Panuto: Tukuyin kung anong kagamitang ginagamit sa mga produktong gawa sa kawayan ang ipinapakita sa
larawan. Isulat ito sa patlang. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

PROYEKTO KO, GAGAWIN KO


Panuto: Gamit ang mga kagamitang meron ka, gumawa ng isang produkto o disenyo na gawa sa kawayan.
Kumpletuhin ang hinihingi sa ibaba. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.
Pangalan ng Proyekto o Disenyo

Mga Kagamitan sa Paggawa

Mga Hakbang sa Paggawa

Larawan ng Produkto o Disenyong Ginawa

ISAISIP
Gawain 4 – Piliin Mo
Panuto: Piliin ang mga produkto na gawa sa kawayan sa loob ng kahon at ilagay sa mga patlang sa ibaba.
PERFORMANCE TASK
Panuto: Gumawa o lumikha ng isang disenyo/proyekto sa pamamagitan ng materyales na kawayan gamit ang iba’t
ibang kasangkapang pang industriya. Gawing batayan at gabay sa paglikha ng proyekto ang kalakip na rubrik.
Gawin ito sa kalakip na sanayang papel. Lagyan ng tsek ( ✓ ) ang Oo kung ito ay naisagawa at ekis (x) kung hindi.

TAYAHIN
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa kalakip na sanayang
papel. 1. Aling uri ng kawayan ang magaspang na ginagamit sa paggawa ng instrumentong musikal?
a. Kiling b. Giant Bamboo c. Buho d. Bayog
2. Anong uri ng kawayan ang tinatawag na sawali?
a. Kiling b. Giant Bamboo c. Buho d. Bayog
3. Isang uri ng kawayan na tuwid at may dilaw na tangkay na ginagamit sa pagawa ng tulay at mga bahay.
a. Kiling b. Giant Bamboo c. Buho d. Bayog
4. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa gamit pansukat.
a. ruler b. eskuwela c. barena d. metrong motor
5. Piliin sa sumusunod ang magkatugma.
a. panukat; ruler b. pang-ipit; paet c. panutol; liyabi d. panghasa; lagare

KARAGDAGANG GAWAIN
Para sa iyong karagdagang gawain, sagutin ang mga sumusunod:
1. Isulat ang mga paraan kung paano mo maisasagawa ang iyong proyekto.
___________________________________________________________ __________________________________________________________.
2. Ano ang iyong nararamdaman nang matapos mong magawa ang iyong disenyo/proyekto?
___________________________________________________________ __________________________________________________________.

You might also like