You are on page 1of 9

4

Republic of the Philippines


Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


(USLeM)

EPP4 Industrial Arts


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Writers: Rogelio D. Desales Jr
Layout Artist Brian Spencer B. Reyes
Content Editors: Maya S. Sabinano
Language Editors: Jonald I. Fabia
Management Team: Dr. Malcolm S. Garma, Regional Director, NCR
Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, SDS, SDO-Quezon City
Dr. Genia V. Santos, CLMD Chief, NCR
Dr. Ebenezer A. Beloy, OIC- CID Chief, SDO-Quezon City
Dr. James Roldan, Regional EPS in EPP/TLE
Dennis M. Mendoza, EPS –LRMS, NCR
Roger S Tamondong, EPS in EPP/ TLE, SDO-Quezon City
Heidee F. Ferrer, EPS-LRMS, SDO-Quezon City
Nancy C. Mabunga, Librarian - NCR
Brian Spencer B. Reyes, PDO, SDO-Quezon City
Liza J. de Guzman, Librarian, SDO-Quezon City

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Aralin 6: Mga Materyales na Maaaring Iresiklo sa


Pagbuo ng Disenyong Proyekto
Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang USLEM na ito, inaasahang:

1. nakikilala ang mga materyales na matatagpuan sa tahanan na


maaaring iresiklo;
2. nakapipili ng mga materyales na matatagpuan sa loob ng
tahanan sa pagbuo ng disenyong proyekto; at
3. nakabubuo ng plano sa pagbuo ng proyekto.

Unang Pagsubok
Panuto: Ano-anong uri ng proyekto ang maaaring magawa sa mga
sumusunod? Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
1. Niyog ______________________
2. Abaka ______________________
3. Nito ______________________
4. Buri ______________________
5. Pandan ______________________
6. Rattan ______________________
Balik-Tanaw
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T sa patlang kung tama ang
isinasaad ng pangungusap at M kung ito ay mali. Isulat ang
sagot sa kwaderno.

___ 1. Magtakda ng maaayos na lalagyan ng mga kasangkapan at


kagamitan sa paggawa.
___ 2. Gumamit ng kahit anong kasangkapan sa mga gawain.
___ 3. Iwanang nakasaksak ang mga de-kuryenteng kagamitan.
___4. Maglagay ng pananggalang sa mata, bibig, ilong kung
kinakailangan.
___ 5. Gamitin ng buong ingat ang mga kasangkapang matutulis.
___ 6. Pagsama-samahin ang mga kasangkapan kahit saan.
__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |2
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

___7. Maglaro habang gumagawa.


___8. Maghugas na mabuti ng kamay bago at pagkatapos gumawa.
___ 9. Magsuot ng angkop na damit sa paggawa.
___10. Siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang mga
kasangkapang gagamitin

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Ang pagreresiklo ay isang paraan upang magamit na muli ang isang
bagay na maaaring mapakinabangan. Sa ganitong paraan malaki ang
maitutulong nito sa kapaligiran. Nababawasan ang mga basurang
naitatapon sa kung saan-saan. Mapapanatili ang kalinisan at kaayusan
sa loob ng tahanan maging sa buong pamayanan.
Paano tayo makakabuo ng isang proyekto sa pamamagitan ng
pagreresiklo?

1. Maghanap ng mga bagay na patapon na nasa loob ng tahanan na


maaring mapakinabangan.

2. Mag-isip ng disenyo para sa proyekto na nais gawin sa mga


napiling mga kagamitan sa loob ng tahanan.
Ano-ano ang maaaring mabuong proyekto sa mga sumusunod na
napiling materyales sa loob ng tahanan?
Ano ang maitutulong nito sa inyong mag-anak?
Makakagawa ka ba ng plano para sa naisip na proyekto?

Narito ang ilang halimbawa na maaari mong gamitin.

a. Lata- Maaaring ito ay lata ng gatas, sardinas, biskwit, pintura.


Maraming bagay ang maaring magawang proyekto sa lata.
b. Plastik – mineral water, softdrinks, condiments at iba pa.
__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |3
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

c. Lumang Tela- pinaglumaang damit na hindi na kasya o hindi na


ginagamit, maaaring bestida, T-shirt, tuwalya, kumot at iba pa.
d. Lumang Magasin/Dyaryo- ito ay mga bagay na yari sa papel.

3. Paggawa ng plano para sa napiling proyekto na gagawin.


Isa sa mga kaalamang dapat taglayin ng isang matalinong
manggagawa ay ang paggawa ng plano ng proyekto. Ang plano ng
proyekto ay isang detalyadong pagsasalarawan ng lahat ng kakailanganin
at gagawin na may kinalaman sa proyektong nais gawin. Mahalaga ang
pagpaplano ng proyekto upang maging maayos ang paggamit sa panahong
gugugulin sa paggawa, makatipid sa mga materyales na gagamitin at higit
sa lahat, sa puhunang kailangan sa pagbili ng mga materyales na
kakailanganin.

Mga Bahagi sa Pagbuo ng Plano ng Proyekto


1. Pangalan ng Proyekto
2. Layunin
3. Sketch o Krokis
4. Talaan ng materyales at halaga ng bawat isa
5. Hakbang sa paggawa
6. Talaan ng kasangkapan

Halimbawa:

Plano ng Proyekto
Pangalan ng Proyekto : Flower Pot
Layunin: Nakakagawa ng flower pot gamit ang lumang tela.
Nasusunod ng wasto ang paraan sa paggawa
Naipapamalas ang kawilihan sa paggawa
Napapanatili ang kalinisan at kaayusan ng lugar na
pinaggagawaan.

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |4
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Krokis:

Talaan ng Materyales: lumang tela na may sukat Php10.00


Isang kilong semento Php25.00
Hakbang sa Paggawa:
➢ Ihanda ang lahat ng kagamitan.
➢ Gupitin ang tela ayon sa laki ng hulmahan.
➢ Balutan ng plastik ang hulmahan.
➢ Lagyan ng palatandaan para sa magiging butas sa ilalim.
➢ Isprey an ng tubig ang tela para lumambot.
➢ Tunawin ang semento sa katamtamang tubig, haluin ng
haluin hanggang sa lumapot ito.
➢ Ilublob ang tela sa semento at haluin ng haluin hanggang
sa maging pantay ang kapit ng semento sa tela.
➢ Ilapat sa hulmahan ang telang may semento, lagyan ng disenyo
ang tela para sa kaaya-ayang resulta.
➢ Hayaang matuyo ang tela sa hulmahan ng magdamag.
Tanggalin ang tela sa hulmahan at ibilad ito,basain ito tuwing
apat na oras.
➢ Pinturahan ng karagdagang semento para maging matibay ito.
Patuyuin. Lagyan nang nais na kulay.

Talaan ng Kasangkapan: balde na paghahaluan ng semento, gunting,


Sprayer,hulmahan.

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |5
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Tandaan:

• May ilang mga materyales na matatagpuan sa loob ng tahanan


ang maaaring magamit sa pagbuo ng kapaki-pakinabang na
proyekto.
• Ang pagsunod sa mga bahagi sa pagbuo ng isang plano ng
proyekto o gawain ay mahalaga upang maging ganap na maayos
ang proyekto o gawain.

Gawain
A. Unang Pagsubok:
Panuto: Magsaliksik ng iba pang mga materyales na matatagpuan sa
loob ng tahanan ang maaaring gawing proyekto sa pamamagitan ng
pagreresiklo.

Materyales Proyekto
Lata Pencil holder

Pangalawang Gawain
Panuto: Gumawa ng talaan ng mga proyektong maaaring
gawin mula sa materyales na matatagpuan sa loob ng tahanan at iguhit
ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |6
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Tandaan
Ang paggawa ng isang proyekto ay hindi natatapos sa pagbuo nito.
Kailangang magkaroon ng pagtataya sa proyekto. Mahalagang bigyan
pansin ang mga puna at suhestiyon upang higit na mapahusay ang mga
susunod na proyekto. Ang iyong nagawang proyekto ay isang patunay na
nagkaroon ka ng kakayahang bumuo ng isang bagay na luminang sa
iyong pagkamalikhain at galing sa paggawa. Dahil dito, dapat mong
pahalagahan ang iyong nagawa at higit pang pagbutihin ang mga
susunod mo pang proyekto.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Panuto: Gumawa ng sariling plano sa napiling proyekto. Sundin
ang bawat bahagi nito. Gawin ito sa sagutang papel.

Pangalan ng Proyekto
Layunin
Sketch o Krokis
Talaan ng Materyales at Halaga ng bawat isa
Hakbang sa Paggawa
Talaan ng Kasangkapan

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: A. Isulat ang tamang sagot. Sa anong bahagi ng plano ng


proyekto makikita ang mga sumusunod? Isulat ang sagot sa sagutang
papel
______1. Halagang kailangan sa pagbuo ng proyekto.
______2. Pangalan ng proyekto.
______3. Itsura o anyo ng natapos na proyekto.
______4. Mga kagamitan sa pagbuo ng proyekto
______5. Sunod-sunod na paraan sa pagbuo ng proyekto.

B. Sagutin ng Tama o Mali ang isinasaad ng bawat


pangungusap.

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |7
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

_____6. Ang pagpapahalaga ay isinasagawa bago simulan ang gawain


o proyekto.
_____7. Maaaring isagawa ang pagpapahalaga sa sariling gawa o
ipagawa sa iba.
_____8. Ang pagiging matapat ay mahalaga sa pagmamarka ng natapos
na gawain.
_____9. Huwag nang umulit sa paggawa kung mababa ang nakuhang
marka.
____10. Ang checklist, rubrics, at scorecard ay may layuning malinang
ang kakayahan.

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |8
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 4 EPP- Home Economics

Susi sa Pagwawasto

5. bag 5. T 10.T 10. Tama


4. pamaypay 4. T 9. T 9. Mali
3.M 8. T 8. Tama
3. basket
2.M 7. M 7. Mali
2. tsinelas
1.T 6. M 6. Tama
1. lampshade
Balikan 5. Hakbang sa paggawa
Subukin
4. Talaan ng kasangkapan
3. Krokis
2. Pangalan ng proyekto
1. Talaan ng materyales
Tayahin
Sanggunian:
Teresita B. Doblon., et.al.2015. Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Patnubay ng Guro, Quezon City, Philippines:Vibal
Group, Inc. ph. 240-241
Ma. Shirley A. Macawile, et.al.2015. . Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Kagamitan ng Mag-aaral
.Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc. ph. 516-520
Carmen P. Lucena, et.al.2016.Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Kagamitan ng Mag-aaral.Quezon City, Philippines:The
Library Publishing House,Inc. ph.341-342

__________________________________________________________________________________________
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.) P a h i n a |9

You might also like