You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Ang Panukalang
Proyekto at Katangian
Nito
Ikalawang Markahan
Ikalabing-isang Linggo
Modyul 11
Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin
Ang Panukalang Proyekto
1 at Katangian Nito

Inaasahan

Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw na mag-aaral ay inaasahang:


Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.

Unang Pagsubok

Panuto: Bago mo pa simulan ang mga gawain sa modyul na ito, susubukin


ang iyong kaalaman sa paksa. Basahin at sagutin ang sumusunod
na mga katanungan. Isulat ang tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ito ay sulating akademiko na naglalaman ng isang kasulatan ng


mungkahing mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-
uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
A. Panukala
B. Posisyong Papel
C. Panukalang Proyekto
D. Katitikan ng Pulong
2. Ito ay katangian ng panukalang proyekto bilang sulating akademiko na
tumutukoy sa gustong makamit o ang pinaka-adhikain ng panukala.
A. badyet
B. layunin
C. pamagat
D. kapakinabangan
3. Ito ay katangian ng panukalang proyekto bilang sulating akademiko na
naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang
suliranin.
A. petsa
B. layunin
C. badyet
D. plano ng dapat gawin
4. Ito ay katangian ng panukalang proyekto bilang sulating akademiko na
naglalaman ng talaan ng mga gastusin para sa proyekto.
A. petsa
B. badyet
C. layunin
D. plano ng dapat gawin

3
5. Ito ay katangian ng panukalang proyekto bilang sulating akademiko na
malinaw na inilalahad at kadalasang hinango mismo sa inilahad na
pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
A. badyet
B. layunin
C. pamagat
D. kapakinabangan

Balik-Tanaw

Buuin ang mga ginulong titik sa loob ng kahon. Pagkatapos ay tukuyin


ang mahahalagang impormasyon na dapat isaalang-alang sa pagbuo ng
sintesis sa napag-usapang pulong. Isulat sa kwaderno ang sagot.

INAITTAKK GN UNGOPL
_________________________

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang Panukalang Proyekto


Ayon kay Dr. Bartle ng Community Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga (NGO) sa paglikha ng mga pag-aaral sa
pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na naglalayong
ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan. Kaya
ang panukalang proyekto ay nangangahulugang isang kasulatan ng
mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.

Katangian ng Panukalang Proyekto

• Ito ay detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong


lumutas ng isang problema o suliranin, binibigyang tuon lamang ang

4
solusyon na sa palagay ay higit na mahalagang bigyang-pansin upang
makalikha ng positibong pagbabago.
• Malinaw na inilalahad ang pamagat ng panukala na kadalasang
hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa
suliranin, ganoon din ang nagpadala o nagpanukala, at petsa kung
kailan ipinasa ang panukala.
• Kailangang tiyak na makita ang mga bagay na gustong makamit o ang
pinakaadhikain ng panukala sa bahaging layunin.
• Naglalaman din ito ng plano ng dapat gawin o mga hakbang na
isasagawa upang malutas ang suliranin.
• Naglalaman din ito ng talaan ng mga gastusin o badyet para sa
panukala.
• Malinaw na isinasaad ang kapakinabangan o benepisyo ng proyekto
o kung sino ang direktang makikinabang dito.
• Maingat na pinaplano at idinidisenyo kaya’t nangangailangan ng
kaalaman, kasanayan, at maging sapat na pagsasanay ang paggawa
nito.

Gawain 1
Panuto: Makipag-usap sa dalawa mong kamag-aral. Maaaring sa pamama-
gitan ng text o chat kung hindi kayo makapag-uusap nang personal.
Pag-usapan ang mga suliraning maaaring kinakaharap ng inyong
paaralan o ng inyong komunidad sa kasalukuyan. Pag-usapan at
magbahaginan tungkol dito, pagkatapos ay tumukoy ng dalawang
suliranin na sa palagay ninyo ay higit na kinakailangang bigyang
pansin. Umisip din ng solusyon sa mga suliraning ito na sa palagay
ninyo ay higit na dapat bigyang–pansin. Isaalang-alang ang mga
katangian ng sulating akademiko na binanggit sa itaas. Isagawa
gamit ang talahanayan. Isulat sa kwaderno ang gawain.

SULIRANIN 1:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

SOLUSYON:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

SULIRANIN 2:

5
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

SOLUSYON:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Puntos
Natukoy ang suliraning higit na dapat bigyang pansin 10
Nakapagbigay ng mungkahing solusyon na higit na dapat bigyang 10
pansin sa natukoy na suliranin.
Makatotohanan at katanggap-tanggap ang natukoy na suliranin at 10
solusyon.
KABUUAN 30

Gawain 2

Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng panukalang proyekto. Suriin ang


katangian nito sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan sa
ibaba. Ibahagi ang ginawa sa isa mong kamag-aral. Maaaring
makipag-chat gamit ang messenger kung hindi makapag-uusap ng
personal. Magsagawa ng palitang pagkikritik sa gawain. Isaalang-
alang ang kalakip na pamantayan sa pagmamarka. Isulat sa
kwaderno ang gawain.

Pamagat ng Panukala:

Nagpanukala:

Petsa:

Suliranin:

Layunin:

Plano ng Dapat Gawin:

Badyet:

Kapakinabangang Matatamo:

6
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

20 15 10 5

Siksik sa mga Kumpleto sa Taglay ang ilang Hindi nakasunod sa


makabuluhang impormasyon ang impormasyon sa hinihinging
impormasyon ang nabuong pagsusuri nabuong pagsusuri impormasyon ang
nabuong pagsusuri at palitang at bahagyang nabuong pagsusuri at
at palitang pagkritik sa nakatugon sa hindi nakapagsaga-wa
pagkritik sa gawain. palitang pagkritik ng palitang pagkritik
gawain. ng gawain. sa gawain.

Tandaan

Mahalagang mabatid ang katangian ng panukalang proyekto bilang


isang sulating akademiko sapagkat higit mo itong kakailanganin sa
larangang iyong napili. Kailangang maging maingat sa pagpaplano at
pagdidisenyo nito kaya naman sadyang nangangailangan ng kaalaman,
kasanayan, at maging sapat na pagsasanay ang pagbuo nito. Dapat
pakatandaan na walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon,
pagyayabang, o panlilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at
totoo sa layunin nito.

Pag-alam sa Natutuhan
Ibahagi ang iyong natutuhan tungkol sa katangiang dapat taglayin ng
sulating akademiko tulad ng panukalang proyekto. Gamit ang estratehiyang
3-2-1, ibahagi ang natutuhan. Isulat sa kwaderno ang sagot.

3
Kaalamang natutuhan sa
aralin

2
Halimbawa kung paano
ito maiuugnay sa iyong
buhay

7
Tanong na nais mo pang
malaman tungkol sa
aralin

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan.


Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.
1. Kaugnay ng paghahanda para sa bayanihan sa paaralan, nagpagawa
ang guro ng mungkahing proyekto mula sa kanyang mag-aaral na
ipatutupad sa naturang bayanihan. Anong sulating akademiko ang
maaaring ihanda ng mga mag-aaral?
A. Panukalang Proyekto
B. Katitikan ng Pulong
C. Posisyong Papel
D. Adyenda
2. Bilang pangulo ng samahan ng mga mag-aaral sa Senior High School,
nais pangunahan ni Vernice Gabriele ang pagbuo ng panukalang
proyekto. Ano ang una niyang dapat gawin?
A. Tukuyin ang mga suliraning nangangailangan ng agarang
solusyon.
B. Tukuyin ang kapakinabangang maaaring matamo sa panukala.
C. Magmungkahi ng solusyon sa mga suliranin.
D. Bumuo ng panukala
3. Naghahanda si Kiesha Miel sa pagsulat ng panukalang proyekto, alin
sa mga sumusunod na katangian ng akademikong sulatin ang HINDI
kabilang sa dapat isaalang-alang?
A. Isaad ang badyet subalit huwag gawing tiyak upang lumabis ito.
B. Bigyang tuon ang solusyon na higit na dapat bigyang pansin.
C. Isaad ang mga kapakinabangan o benepisyo sa proyekto.
D. Ipakita ang mga tiyak na adhikain ng panukala.
4. Ito ay katangian ng panukalang proyekto bilang sulating akademiko na
naglalaman ng talaan ng mga gastusin.
A. suliranin
B. pamagat
C. layunin
D. badyet
5. Alin sa mga sumusunod ang tumutugon sa katangian ng panukalang
proyekto bilang sulating akademiko?
A. Walang pakialam sa layunin ng panukalang proyekto ang
magpapatibay nito kaya’t huwag ng ilahad upang hindi humaba.
B. Ang kapakinabangan sa proyekto ay hindi na kailangang isulat,
ang mga tao na ang makakakita nito pagkatapos ng proyekto.
C. Dapat pakatandaan na walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang propesyonal.

8
D. Hindi nangangailangan ng pagiging totoo o katapatan sa pagsulat
ng layunin nito.

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Gamit ang kasanayan sa pagiging mapanuri, maglahad kung paano
makatutulong sa isang mag-aaral na katulad mo ang kahalagahan na
matukoy ang katangian ng sulating akademiko tulad ng panukalang proyekto.
Gawin ito sa kuwaderno.

Makatutulong sa isang mag-aaral na katulad ko ang


kahalagahan na matukoy ang katangian ng sulating akademiko
tulad ng panukalang proyekto sa pamamagitan ng
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________________.

Sanggunian
Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling
Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.
Mabilin, E. R. et. Al. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal
na Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Candelaria C. Santos, MT II


Lorena S. Club, MT II
Manunulat: Lorena S. Club, MT II

9
Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok Gawain 1 at 2: Pangwakas na


Maaaring magkaiba- Pagsusulit
1. C
2. B iba ng sagot batay sa 1. A
3. D Pamantayan sa 2. A
4. B Pagmamarka 3. A
5. C
4. D
5. C
Balik-Tanaw
KATITIKAN NG
PULONG

10

You might also like