You are on page 1of 30

7 Araling Panlipunan

Unang Markahan-Modyul 1:
Pangkat Etnolingguwistiko
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pangkat Etnolingguwistiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Leo C. Lledo


Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat: Leo C. Lledo
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region III

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
7
Araling Panlipunan
Unang Markahan — Modyul 1
Pangkat Etnolingguwistiko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pangkat Etnolingguwistiko.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pa-
mantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapat-
nubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob
sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Pangkat Etnolingguwistiko.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matu-


Balikan lungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


Tuklasin iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasa-
nayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pag-
Pagyamanin sasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

iii
Ito ay gawain na naglalayong matasa o ma-
Tayahin sukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong pani-


Gawain bagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasa-
nay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
● Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng
yamang tao sa Asya sa pagpapa-unlad ng kabuhayan at panlipunan
sa kasalukuyang panahon

CODE: AP7HAS-Ih-1.8

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:


• Leksyon 1 - Pagkakakilanlan ng mga Asyano
• Leksyon 2 - Batayan sa Pagpapangkat ng Tao sa Asya
• Leksyon 3 - Katangian ng mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Asya

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Matutukoy ang grupong etnolingguwistiko
2. Matatalakay ang pagkakakilanlan ng mga Asyano
3. Masusuri ang dalawang batayan sa pagpapangkat ng tao sa Asya
4. Matatalakay ang iba’t ibang katangian ng ilang pangkat
etnolingguwistiko sa Asya

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa kuwaderno ang


iyong sagot.

1. _________ ang tawag sa atin sapagkat tayo ay naninirahan sa


kontinente ng Asya.
A. Amerikano C. Aprikano
B. Asyano D. Europeo

2. Tumutukoy ito sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may


magkakaparehong wika, kultura at etnisidad.
A. Populasyon C. Yamang Tao
B. Katutubo D. Etnolingguwistiko Unity
3. Sa isang bansa na katulad natin, nagiging daan tungo
pagkakaron ng pag-unlad at pagkakaunawaan at pagkakaisa
nating mga Pilipino, kaya itinatadhana ng ating batas ang
pagkakaroon natin ng pambansang _______.
A. Etnisidad C. Wika
B. Pananamit D. Kultura

4. Ilang kategorya mayroon ang wika na ginagamit sa


pagpapaangkat ng tao sa Asya?
A. Apat C. Dalawa
B. Tatlo D. Isa

5. Isa pang batayan sa pagpapangkat ng mga tao na kung saan ito


ay mistulang kamag-anakan.
A. Etnisidad C. Wika
B. Pananamit D. Kultura

2
6. Maaari ding kilalanin ang pangkat etniko batay sa kanilang pani-
rahan. Ano ang tawag sa mga pangkat na naninirahan sa kabun-
dukan?
A. Uplander C. Lowlander
B. Taga lupa D. Taga tubig

7. Kapag naman ang mga pangkat ay naninirahan sa kapatagan at


baybay dagat, ano naman ang tawag sa kanila?
A. Uplander C. Lowlander
B. Taga lupa D. Taga tubig

8. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan mga pangkat ng mga Eski-


mo, Ural Altaic at Paleosiberian ?
A. Hilagang Asya C. Kanlurang Asya
B. Timog Asya D. Silangang Asya

9. Ang mga Afghan, Jew, Arab, Hatti at Armenia ay ilan lang sa mga
pangkat na matatagpuan sa rehiyong ito.
A. Hilagang Asya C. Kanlurang Asya
B. Timog Asya D. Silangang Asya

10. Saang bansa nagmula ang mga Ngalops?


A. China B. Tajikistan
C. Indonesia D. Bhutan

3
11. Ang kultura ng grupong ito ay nag-ugat sa relihiyon, sining at
tradisyon, matatagpuan sila kapuluan ng Bali.
A. Ngalops
B. Balinese
C. Manchu
D. Tajik

12. Bansa na kung saan may 56 na pangkat etnolingguwistiko.


A. Indonesia
B. Bhutan
C. Tajikistan
D. Tsina

13. Alin sa mga sumusunod ang wikang gamit ng mga Arabo?


A. Arabic
B. Tajik
C. Mandarin
D. Dzongkha

14. Isa sa mga katangi-tanging katangian ng mga pangkat


etnolingguwistiko ay ang kanilang kasuotan. Kapag ikaw ay isang
mamayan ng China, aling kasuotan ang iyong isinusuot?
A. Batik at Kebaya
B. Gho at Kira
C. Disdasha at Burkha
D. Changshan at Qipao

15. Bagamat salat sa yamang tubig ang lupain sa Kanlurang Asya,


alin sa mga sumusunod naman na likas na yaman ang mayroon
silang masaganang suplay?
A. Mineral
B. Coal
C. Langis
D. Ginto

4
Aralin

3 Pangkat Etnolingguwistiko

Balikan Honesty and


trustworthiness

Panuto: Sa pamamagitan ng table chart, maging matapat sa pag-


bigay ng mga detalye batay sa mga ibat’ibang suliraning narara-
nasan at nakikita sa ating kapaligiran.
Suliranin Dahilan Epekto Solusyon
Pagkasira ng mga lupain
Polusyon(tubig, hangin at lupa)
Pagkasira ng mga kagubatan
Problema sa basura
Pagdami ng tao sa Siyudad
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nararanasan natin ang
mga suliraning nabanggit sa itaas?
2. Sino ang dahilan bakit nangyayari ang ganitong mga suliranin sa
Helpfullness/
ating kapaligiran at bakit? cooperation
3. Bilang isang mamamayan ng ating bansa, paano mo mai-
papakita ang tulong at pakikiisa para maiwasan ang ganitong
mga problema sa kapaligiran mo?

Mga Tala para sa Guro

Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang


maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pama-
maraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.

5
Tuklasin Desire to learn new
things

Panuto: Ihanda ang sarili para sagutan ang mga bagong


kaalaman na matutuklasan sa aralin. Tukuyin kung ano ang inila-
larawan ng bawat bilang. Ayusin ang mga titik ng mga salita at isulat
ang tamang sagot sa patlang.
Pride in being a Filipino/
Honesty and
trustworthiness
________ 1. Ang pagiging matapat natin sa kapwa,
pagpapahalaga sa mga magulang at paggalang sa mga
matatanda ay ilan lamang sa mga kaugalian, tradisyon,
paniniwala at pamumuhay ng mga Piliipino. UKTLUAR
________ 2. Isang pangunahing pangangailangan ng tao na gi-
nagamit bilang proteksyon sa panahon. AUKSOATN
________ 3. Isang institusyong ginagamit ng tao sa pakikipag-
talastasan at pakikipag-ugnayan sa bawat isa. IWAK
________ 4. Pinakamalaking masa ng lupain sa ibabaw ng daigdig.
NTKOINTNEE
________ 5. Lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng
tao. SNBA
________ 6. Katawagang pangheograpiya na ginagamit upang
mapag-aralan ang lugar base sa relihiyon, kultura at klima.
EHYRINO
________ 7. Isang grupo o samahan ng mga taong may isang
layunin, mithiin at tunguhin. PNKAGTA
________ 8. Rehiyon sa Asya na kung saan mayroon itong ma-
laking tangway na tila hugis tatsulok. TMOIG SAYA
________ 9. Tinatawag din itong Gitnang Silangan na kung saan
sagana ito sa langis at petrolyo. KNUANRLAG SAYA
________ 10. Kinabibilangan nito ang bansang may pinaka-
malaking populasyon sa daigdig. LANSAIGNG SAYA

6
Suriin

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Ito rin ang


pinakamalaking rehiyon na binubuo ng iba't ibang bansa. Kung gayon,
malaking bahagi ng populasyon ng mundo ay mula sa Asya. Dahil sa
lawak ng sukat at pagkakaiba ng kapaligirang pisikal na kinalulugaran
ng napakalaking populasyon nito, hindi nakapagtatakang ang mga
pangkat ng taong naninirahan sa kontinenteng ito ay nagkakaiba-iba
rin sa anyo, wika, gawi, tradisyon at paniniwala.

Pamamaraan sa Pagkilala ng mga Grupo ng mga Tao

1. Batay sa Kontinenteng Pinagmulan


Ang mga grupo ng mga tao ay nakikilala batay sa kontinenting
kanilang kinabibilangan. Asyano ang tawag sa atin sapagkat tayo ay
Localization of
naninirahan sa kontinente ng Asya. country

2. Batay sa Bansang Sinilangan


Nakikilala rin sila batay sa bansang sinilangan gaya ng Pilipi-
no sa Pilipinas, Japanese sa Japan, at Vietnamese sa Vietnam.

3. Batay sa Pangkat na Kinabibilangan


Nakikilala din ang mga Asyano batay sa Pangkat Etnolingguwis-
tikong kinabibilangan, sila ay mga pangkat ng mga tao sa isang bansa
na may magkakaparehong wika, kultura at etnisidad.
4. Batay sa Panirahan
Localization od
Maari din kilalanin ang pangkat etniko batay sa kanilang pani- ethnic groups

rahan. Uplander ang tawag sa mga pangkat na naninirahan sa kabun-


dukan at mataas na lugar gaya ng mga Mangyan at dumagat sa Pili-
pinas. Lowlander naman kapag naninirahan sa kapatagan at baybay
dagat.

7
Batayan sa Pagpapangkat ng Etnolingguwistiko

Ang wika ay isa mga batayan ng


pagpapangkat ng tao sa Asya. Mayroon itong da-
lawang kategorya ang isa ay Tonal, ang ka-
hulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago
batay sa tono ng pagbigkas nito.
Kategorya Ang ikalawa ay ang Stress o non tonal
language, ang pagbabago sa tono ng salita at
pangungusap ay hindi nagbabago sa kahulugan
ng salita at pangungusap nito.

· Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipag-


K talastasan sa kaniyang kapwa.
A
H · Naipapahayag ng tao ang kanyang damdamin.
A
L
A · Napapaunlad niya ang kanyang sarili at sa kapwa sa
G
A pamamagitan ng pakikipagtalastasan.
H
A · Pangunahing batayan sa paghubog ng kultura.
N
· Nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat.

· Nagbubuklod sa mga tao.

Isa pang batayan ng pagpapangkat ng mga


tao ay ang etnisidad. Ito ay mistulang kamag-
anakan. Kapag ang isang tao ay kinilala ng isang
pangkat etnolingguwistiko bilang kasapi dahil sa
pagkakapareho ng kanilang pinagmulan, itinutu-
ring nila ang isa’t isa bilang malayong kamag-
anakan.

8
Iba’t ibang Pangkat Etnolingguwistiko sa Asya

Mayroong iba’t ibang pangkat ng tao na naninirahan sa bawat


rehiyon ng Asya. Bawat pangkat ng tao sa rehiyon ay may kani-
kaniyang natatanging katangian, mula sa kanilang wikang gamit,
pananamit, uri ng pamumuhay at kanilang pinagmulang bansa. Mata-
tagpuan sa sa Asya ang iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko.

9
10
Kultura ng mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Asya
NGALOPS
Ang mga mamamayan ng Bhutan sa Timog
Asya ay nahahati sa tatlong pangkat:
Ngalops, Sharchops at Lhotsampas. Sa
tatlong nabanngit, Ngalops ang may
pinakamalaking bahagdan ng populasyon
sa Bhutan. Inaangkop ng mga Ngalops ang
kanilang kabuhayan sa kanilang kapa-
ligiran. Pag-aalaga ng hayop at pagsasaka ang kanilang hanap-buhay.
Wikang Dzongkha ang gamit sa Bhutan. Kontrolado nila ang pamaha-
laan sapagkat ang kanilang hari at mga ilang mga pinuno ay kabilang
sa Ngalops. Isinusuot ng mga Ngalops ang kanilang tradisyunal na
kasuotan sa paaralan, opisina at pampublikong lugar. Ang tawag sa
kasuotan ng lalaki ay gho at kira naman sa mga kababaihan.

BALINESE
Matatagpuan sila sa kapuluan ng Bali, Lombok, at Kanlurang ba-
hagi ng Sumbawa sa Indonesia. Balinese
ang kanilang wikang gamit . Ang kultura
nila ay nag-ugat sa relihiyon, sining at
Localization of
tradisyon, kagaya nating mga Pilipino na culture

malaki din ang pagpapahalaga sa ating


pananampalataya. Nakatulong ng higit ang
pagkakaroon ng matabang lupa at mainam
na klima para sa kanilang kabuhayan sa pagsasaka. Ang Subak at
Banjar ay dalawang mahalagang samahan ng mga Balinese. Ang
tradisyunal na kasuotan nila ay sumasalamin sa mga mamamayan,
Batik sa lalaki at kebaya sa mga kababaihan. Mayroon ding korona
na nilalagay ang mga mananayaw na babae na tinatawag na Jamang.

11
MANCHU
Kabilang sa 56 na pangkat etniko sa
China ang mga Manchu. Mula sila sa probinsi-
ya ng Liaoning, Silangang bahagi ng China na
mas kilala ngaun bilang Machuria. Ang mga
pangkat na ito ay matagal na nanirahan sa ka-
bundukan kaya naging bihasa sila sa pagsakay
ng kabayo at pagpana. Pagsasaka ang mga
hanapbuhay nila at naninirahan sa kapatagan at lambak, samantalang
sa mga pagawaan naman sa mga nakatira sa lungsod. Pocket house
ang sinaunang tirahan ng mga Manchu na mayroong tatlong bahagi.
Qipao ang kasuotan ng mga kababaihan at Changshan sa mga
kalalakihan. Kabilang sa Manchu-Tungusic ang kanilang wika, pero sa
paglipas ng panahon, natutuhan na nilang gamitin ang Mandarin.

TAJIK
Ayon sa arkeologo, ang mga Tajik ay
naninirahan na sa Tajikistan simula palang ng
huling bahagi ng panahon ng paleolitiko. Ang
Tajikistan ay isang mabundok na bansa. Ang
Localization of
pangunahing gawain ng mga naninirahan sa culture

matabang lambak ay pagsasaka. Ang iba na-


man ay nag-aalaga at nagpapastol ng mga hayop. Likas sa mga
Pilipino ang matibay na samahan ng pamilya at pagiging maasi-
kaso sa mga bisita, isang katangian din na mayroon ang mga Tajik.
Dahil sa lamig ng panahon, karaniwang makakapal ang kasuotan nila.
Ang mga babae ay karaniwang nagsusuot ng makukulay at mahaha-
bang kasuotan. Nagsusuot din sila ng balabal na nilalagay sa ulo o
leeg. Ang kalalakihan ay nagsusuot ng makakapal na sombrero at
scarf na nakatali sa kanilang baywang na tinatawag na rumol.

12
ARAB
Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang
mga Arabo. Ang wikang nagbubuklod sa mag
Arabo ay Arabic. Sila ay mga taong lagalag o no-
madic na nagmula sa Arabian Peninsula na mas
kilala bilang Bedouins. Ang Arabian Peninsula ay
disyertong lupain, pagpapastol ang kanilang
kabuhayan. Salat man sa tubig, mayroon naman
silang masaganang suplay ng langis na ginagamit para maitustos ang
mga pangangailangan at mapaunlad ang kabuhayan nila. . Islam ang
pangunahing relihiyon ng mga Arabo na kung saan nakabatay ang ka-
nilang kultura at tradisyon. Ang mga kalalakihan ay kadalasang nag-
susuot ng mahabang puting damit na disdasha o thobe kasama ang
ghutra sa ulo na may itim na parang singsing na igal. Abaya at
burkha naman ang tawag sa suot ng mga kababaihan.

Ang pagkakapareho ng wika at etnisidad ang nagiging batayan


ng pagpapangkat ng tao. Itinuturing nilang ibang pangkat etniko ang
mga taong kaiba ang wika, etnisidad, kultura sa kanila. Ang pagkaka-
iba-iba nito ang pangunahing katangian ng mga Asyano. Subalit ang
pagkakaiba-iba ding ito ang dahilan ng pagkakaroon ng mayamang
Localization of land
and water forms
kultura sa rehiyon.
Ang Pilipinas din ay isa sa mga bansa sa Asya na may
maraming pangkat. Umaasa at Inaangkop ng pangkat na ito ang
kanilang pamumuhay sa mga kabundukan ng Sierra Madre, Phil-
ippine Sea, disyerto, damuhan at mga kagubatang nakapaligid sa
kanila o kanilang pinananahanan. Ito ang dahilan kung bakit ang iba
sa kanila ay mga magsasakang namumuhay ng pirmihan sa isang
lupain o mangangaso na nagpapalipat-lipat ng tirahan. Ito rin ang da-
hilan kung bakit ang ibang bansang Asyano ay naninirahan sa mga
lupaing rural at ang iba naman ay sa mga lupaing urban.

13
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain Blg. 1


Independence
Panuto. Kumpletuhin ang dayagram at isulat sa loob ng kahon ang and initiative

kahalagahan ng wika. Maaring ibahagi ang iba pang kaalaman


maliban sa mga nabasa.

KAHALAGAHAN NG WIKA

Pagtatasa Blg. 1
Panuto. Sagutin ng FACT pag tama ang isinasaad sa bawat paha-
yag at BLUFF naman kung hindi. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
________ 1. Mayroong tatlong kategorya ang wika ng mga pangkat
ng tao sa Asya. Spiritual and
emotional/Pride of
bein Filipino

________ 2. Magkatulad ang pagiging relihiyoso natin sa mga


Balinese, sapagkat ang sentro ng pamumuhay natin ay nag-ugat
sa ispiritwalidad, relihiyon at tradisyon.
________ 3. Ang pagkakaiba-iba ng wika at etnisidad ang nagiging
batayan ng pagpapangkat ng tao.
________ 4. Inaangkop ng pangkat-etniko ang kanilang pamumuhay
sa mga bundok, disyerto , katubigan, damuhan at mga kagubatang
nakapaligid sa kanila . Pride of being
filipino

________ 5. Ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng iba’t ibang


pagdiriwang sa piyesta, iba’t ibang dialekto at uri ng pamumu-
hay ay sumasalamin sa pagkakaiba-iba sa anyo, wika, gawi,
tradisyon at paniniwala ng bansang Pilipinas.

14
Pang-isahang Gawain Blg. 2
Panuto. Kumpletuhin ang nawawalang letra upang mabuo ang salita
batay sa kahulugang binigay.
1. _Z_N_ _H_
- Wikang gamit ng mga Ngalops
2. _ND_N_ _I_
- Bansa kung saan matatagpuan ang mga Balinese
3. _R_ _O
- Pangkat na matatagpuan sa Kanlurang Asya.
4. A_ Y_
- Pinakamalaking kontinente sa daigdig
5. G_O
- Tawag sa kasuotan ng mga kalalakihan sa Bhutan

Pagtatasa Bilang 2
Panuto. Basahing mabuti ang pangungusap at kumpletuhin ang sagot
sa mga patlang.

1. _________ ang tawag sa atin sapagkat tayo ay naninirahan sa


kontinente ng Asya.
2. Nakikilala rin sila batay sa ________________ gaya ng Pilipino
sa Pilipinas, Japanese sa Japan, at Vietnamese sa Vietnam.
3. Ang Pangkat Etnolingguwistiko ay tumutukoy sa pangkat ng mga
tao sa isang bansa na may magkakaparehong wika, ________
at etnisidad.
4. Ang Wika ang pangunahing gamit ng tao sa ______________
sa kaniyang kapwa.
5. Isa pang batayan ng pagpapangkat ng mga tao ay ang etnisidad.
Ito ay mistulang ____________.

15
Pang-isahang Gawain Blg. 3
Panuto. Gamit ang mga impormasyong nabasa, kumpletuhin ang da-
tos sa maikling sandali para makagawa ng profile ng pangkat
etnolingguwistiko sa Asya. Productive
work

Pagtatasa Blg. 3
Panuto. Lagyan ng tsek sa kahon kung anong pangkat etnolingguwis-
tiko ang tinutukoy sa bawat bilang.
Ngalops Balinese Manchu Tajik Arab

1. Mabundok ang kanilang


bansa. Ang pangunahing
gawain ng mga naninirahan
sa matabang lambak ay
pagsasaka.
2.
Arabic ang kanilang wikang
ginagamit at Matatagpuan
sila sa Kanlurang Asya.
3.
Kabilang sila sa 56 na
pangkat etniko na mula pa sa
probinsiya ng Liaoning , Si-
langang bahagi ng China
4. Ang kultura nila ay nag-
ugat sa relihiyon, sining at
tradisyon.
5. Ang tawag sa kasuotan ng
lalaki ay gho at kira naman
sa mga kababaihan.

16
Isaisip

■ Sa kontinente ng Asya masisilayan ang napakaraming pangkat


etniko na may magkakaibang wika, pananampalataya at pisikal na
anyo nagbibigay kulay sa kulturang Asyano.
■ Ang mga grupo ng tao ay maaaring makilala sa pamamagitan ng ka-
nilang kontinenteng pinagmulan, bansang sinilangan, grupong
kinabibilangan at kanilang panirahan.
■ Ang grupong etnolingguwistiko ay isang grupo ng tao na ang mga
kasapi ay nakararamdam ng pagiging kabilang sa isang grupo.
■ Ang dalawang pangunahing batayan sa pagpapangkat ng
etnolingguwistiko ay ang wika at etnisidad.
■ Ang wika ang isa sa pinakamatibay na pagkakakilanlan ng isang
pangkat ng tao o bansa.
■ Mahalaga ang papel ng wika sa pagbuo ng kulturang Asyano
sapagkat ang wika ang nagsisilbing imbakan at salamin ng kultura
ng isang lahi.
■ Ang wika sa Asya ay maaaring ikategorya sa dalawang uri: ang tonal
at non-tonal language.
■ Sinasabing ang etnisidad ay mistulang kamag-anakan, kapag kinilala
sila ng isang grupong etnolingguwistiko bilang isang kasapi.
■ Mayroong iba’t ibang pangkat ng tao na naninirahan sa bawat
rehiyon ng Asya.
■ Bawat pangkat ng tao sa rehiyon ay kani-kaniyang natatanging ka-
tangian, mula sa kanilang wikang gamit, pananamit, uri ng pamumu-
hay at kanilang pinagmulang bansa.

17
Isagawa

Panuto: Basahing mabuti ang tanong at ipaliwanag ang mga


kasagutan. Isulat ang kasagutan sa patlang.
1. Paghambingin ang dalawang batayan sa paghahati ng pangkat
etnolingguwistiko sa Asya.
_____________________________________________________ Love for
country
_____________________________________________________
2. Bilang isang Plipino, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga
sa ating pambansang wika?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. May kaugnayan ba ang heograpiya sa uri ng pamumuhay ng
pangkat etnolingguwistiko sa Asya? Pangatwiranan.
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Tayahin

Panuto. Basahin mabuti ang bawat pahayag at isulat sa patlang ang


tamang sagot na kukumpleto sa diwa ng araling tinalakay.

1. Ang _______ (wika, kasuotan, kultura, etnisidad) ang pinakamati-


bay na pagkakakilanlan ng pangkat ng tao o bansa.
2. Ang mga bansa sa ______ (Timog, Silangang, Hilaga, Kanluran)
Asya ay pinagbubuklod ng wikang arabic at relihiyong Islam.
3. Ang wikang ______(literary, tonal, Bilingual, non-tonal) ay
nagbabago ang kahulugan ng salita at pangungusap batay sa tono
ng pagbigkas.

18
4. Ang wikang ________ (literary, tonal, Bilingual, non-tonal) naman ay
hindi nagbabago ang kahulugan ng salita at pangugusap nito batay sa
pagbabago ng tono ng salita at pangungusap.
5. Asyano ang tawag sa atin sapagkat tayo ay naninirahan sa konti-
nente ng ____________ (Asya, Europa, Afrika, Amerika).
6. Sa pamamagitan ng _______ (wika, kasuotan, kultura, etnisidad)
nagkakaroon ng pagbubuklod ang mga tao upang manatiling nagka-
kaisa at nagpapahalaga sa kanilang kultura.
7. Ang pangkat katulad ng Dravidian, Indo-Aryan at Munda ay mata-
tagpuan sa __________ (Silangang, Timog, Kanluran, Hilaga) Asya.
8. Ang mga mamamayan ng ________ (China, Saudi, Tajikistan, Bhu-
tan) ay maaring pangkatin sa tatlong pangkat etniko.
9. Ang pangkat etniko na naninirahan sa __________(kapatagan, bun-
dok, lambak, baybay dagat) ay tinatawag na uplander.
10. Sa ________(baybay dagat, bulkan, bundok, talampas) naninira-
han ang mga lowlander.
11. Dahil sa ________ (disyerto, lambak, bulkan, kapatagan) na
lupain, pagpapastol ang karaniwang kabuhayan ng mga Arabo.
12. ________(Pagsasaka, Pagmimina, Pagpapastol, Pangingisda)
ang pangunahing hanapbuhay ng mga Manchu na naninirahan sa
lambak.
13. Ayon sa mga arkeologo, ang mga Tajik ay naninirahan na sa Tajiki-
stan simula pa ng huling bahagi ng panahon ng _______(mesolitiko,
neolitiko, metal, paleolitiko).
14. Ang mga Balinese ay matatagpuan sa kapuluan ng ______
(Sumatra, Bali, Jakarta, Java) sa Indonesia.
15. Ang mga mamamayan ng Bhutan ay binubuo sa tatlong pangkat
etniko- ________ ( Ngalops, Balinese, Manchu, Tajik) Sharchops at
Lhotsampas.

19
Karagdagang Gawain

Gawain 1
Panuto: Punan ng wastong sagot ang bawat patlang sa mga
sumusunod na pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa
loob ng kahon.

Timog Asya Ngalops Balinese


Timog Silangan wika Mandarin
Pagsasaka Jawang Tajik
etnisidad

1. Ang Ngalops ng Bhutan ay kabilang sa rehiyon ng _________.


2. Isa pang batayan ng pagpapangkat ng mga tao na tinatawag
ding mistulang kamag-anakan ay ang ________.
3. Ang Austronesians at at Austri-Asiatic ay kabilang sa rehiyon ng
________.
4. __________ ang pangunahing batayan sa paghubog ng kultura
ng mga etnolingguwistiko.
5. Isinusuot ng ________ ang kanilang tradisyunal na kasuotan sa
paaralan, opisina at pambublikong lugar.
6. Batik at Kebaya ang tradisyonal na kasuotan ng mga ________.
7. Pag-aalaga ng hayop at ________ ang pinagkakakitaan ng mga
Ngalops.
8. _________ ang tawag sa korono na nilalagay ng mga mana-
nayaw na kababaihan na Balinese.
9. Sa paglipas ng panahon, natutunan gamitin ng mga Manchu
Love for one self
family/ pride of
ang wikang ______ ng mga Chinese. being a Pilipino

10. Maliban sa mga Pilipino na matibay ang samahan ng pamilya


at pagiging maasikaso sa mga bisita, ang mga grupo ng
_________ ay may kaparehong kulturang pinapanatili.

20
Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang bawat larawan ng pangkat etnolingguwistiko.
Gamit ang Krayola o iba pang pang kulay, kulayan ang pie chart sa
kanan kung saang rehiyon ng Asya sila kabilang.

1.

3.

4.

5..

21
22
TAYAHIN KARAGDAGANG
GAWAIN
KARAGDAGANG
1. Wika 11. Disyerto Gawain 1
GAWAIN
2. Kanluran 12. Pagsasaka 1. Timog
Gawain 2
3. Tonal 13. Paleolitiko 2. Etnisidad
1. Hilaga
4. Non-Tonal 14. Bali 3. Timog Silangan
2. Silangan
5. Asya 15. Ngalops 4. Wika
3. Kanluran 5. Ngalops
6. Wika
4. Timog 6. Balinese
7. Timog
5. Timog Silangan 7. Pagsasaka
8. Bhuthan
8. Jawang
9. Bundok
9. Mandarin
10. Baybay dagat 10. Tajikistan
PAGYAMANIN PAGYAMANIN PAGYAMANIN
Pagtatasa Blg. 3 Pagtatasa Blg. 2 Pagsasanay Blg. 1
1. Tajik 1. Asyano 1. Dzongkha
2. Arab 2. Bansang 2. Indonesia
3. Manchu Sinilangan 3. Arabo
4. Balinese 3. Kultura 4. Asya
5. Ngalops 4. Pakikipag- 5. Gho
talastasan
5. Kamag-anakan
TUKLASIN SUBUKIN
PAGYAMANIN
Pagtatasa Blg. 1 1. Kultura
1. B 11. B
2. Kasuotan
2. D 12.D
1. Bluff 3. Wika
3. C 13.A
2. Fact 4. Kontinente
4. C 14.D
3. Bluff 5. Bansa
5. A 15.C
4. Fact 6. Rehiyon
6. A
5. Fact 7. Pangkat 7. C
8. Timog Asya 8. A
9. Kanlurang Asya 9. C
10. D
10. Silangang Asya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Advantour. “Pamir Highway group tour,” accessed 2001,


https://www.advantour.com/tajikistan/traditions
clothes.html

Azimuth Adventure Travel, “Indonesian traditional clothing,”


accessed 2013, https://www.indonesia-travel.com/travel-
tips/art-and-culture/indonesian-traditional-clothing
Blando, R.C. et.al (2014) ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba. Edusources Publishing Inc.
Dinolingo. “World Cultures and languages,” accessed 2011,
https://blog.dinolingo.com/arabic-language-culture/
traditional-arabic-clothing-fun-facts-disdasha-abayahijab/

Mateo, Grace Estela C. et. al (2010) Asya Pag-usbong ng


Kabihasnan. Vibal Publishing House Inc.

Qizhuang, Jane. “The Traditional costume of Manchu Nationali


ty,” accessed 2016, http://en.g-photography.net/china/
costume/news_10511.html

Samson, Maria Carmelita B. et.al (2010) Kayamanan


(Kasaysayan ng Asya). Rex Book Store Inc.

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education– Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072;86341054; 8631-4985

24

You might also like