You are on page 1of 22

8

FILIPINO
IKALAWANG MARKAHAN – MODYUL 2
Balagtasan

1
Filipino- Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Balagtasan

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marisa B. Mansueto
Editor: Dr. Ernesto Peteluna, Dr. Liezl R. Borlasa
Tagasuri at Tagalapat: Dr. Liezl R. Borlasa, Dr. Herminia N. Leyson
Tagaguhit : Ramesh A. Rosillo, Jim Ryan Dela Cruz
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Dr. Wilfreda D. Bongalos, CESO V
Assitant Schools Division Superentendent : Dr. Marcelita S. Dignos, CESO VI
Curriculum Implementation Division Chief : Dr. Oliver M. Tuburan
EPS-FILIPINO : Dr. Herminia N. Leyson
EPSVR-LRMDS : Teresita Bandolon
ADM Coordinator : Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas ng, Dibisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu


Departmento ng Edukasyon – Rehiyon VII, Central Visayas
Dibisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu
Office Address: B.M. Dimataga Street, Poblacion, Lapu-Lapu City
Tele. No: (032) 410-4525
E-mail Address: oliver.tuburan@deped.gov.p

i
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino Baitang-8) ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Balagtasan
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit


sa paggabay sa mag-aaral.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Filipino Baitang-8) ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Balagtasan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

ii
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
Balikan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha


o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
iii
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
8

FILIPINO
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Balagtasan

1
Alamin
Binabati kita! Napagtagumpayan mong sagutin ang mga gawain sa
modyul 1. Ngayon naman,alamin natin ang iyong kakayahan sa pagsagot sa
mga gawain sa Ikalawang modyul.
Sang-ayon sa kasaysayan, ang Pilipinas ay nasakop ng iba’t ibang
dayuhan na may kanya-kanya ring layunin. Isa na rito ay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng kanilang dalang
Panitikan. Ngunit, bago pa man ito, ang ating mga ninuno ay may sarili na
ring Panitikan. Karamihan sa mga Panitikang ito ay pawang pasaling-dila pa
lamang subalit, may iilang naisulat nila sa bato, kahoy, dahon at marami pang
iba.
Sa modyul na ito, pag-aaralan ang tungkol sa Balagtasan na isa sa mga
kayamanan ng Panitikang Filipino. Inaasahang sa pagtatapos ng modyul na
ito, ikaw ay makasusulat ng sariling paglalahad gamit ang mga hudyat sa
pagsang-ayon at pagsalungat.

Sa babasahin mong Balagtasan at Paghahambing, inaasahang


magagawa mo ang sumusunod:
A. Nasusuri ang nilalaman ng Balagtasan;
B. Naibibigay ang opinyon-katwiran tungkol sa paksa ng Balagtasan;
(F8PB-IIc-d-15)
C. Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng
paglalahad na may pagsang-ayon at pagsalungat;
D. Napahahalagahan ang paggamit ng mga hudyat sa pagsang-ayon at
pagsalungat sa paghahayag ng opinyon;
E. Nakasusulat ng isang paglalahad sa isang natatanging paksa o isyu na
may pagsang-ayon at pagsalungat.
(F8PU-IIc-d-25)

Ngayon, tatayain natin ang


nalalaman mo sa modyul na
ito sa pamamagitan ng
pagsagot sa bawat aytem.
SIMULAN MO NA!

Alamin muna natin kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa


pamamagitan ng pagsagot sa kasunod na mga tanong.

Panuto: Basahin nang Mabuti ang bawat aytem. Isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot.

2
___1. Ito ay isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa.
A. Debate C. Flip top
B. Balagtasan D. Pagtatalong Oxford
___2. Siya ang kinikilalang “Ama ng Panulaang Tagalog”.
A. Francisco Balagtas Baltazar C. Francisco Felipe
B. Francisco Balagtasan Baltazar D. Francisco Balagtas
___3. Ang sumusunod ay mga elemento ng Balagtasan, maliban sa;
A. Tauhan C. Mensahe
B. Paksa D. Banghay
___4. Ang sumusunod ay ang mga Tauhan sa Balagtasan, maliban sa;
A. Mambabalagtas C. Lakandiwa
B. artista D. Mga Manonood
___5. Alin sa sumusunod ang dapat taglayin na katangian ng isang
mambabalagtas?
A. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla
B. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon
C. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kanyang katalo
D. Lahat ng Nabanggit.
____6. Sa balagtasan, dapat ____ ang mga kalahok na maaaring sabihin ng
kaniyang katunggali, nang sa gayon, makapagpapahayag pa rin siya
ng kaniyang ideya nang buong husay. Anong angkop na salita ang
kukumpleto sa pahayag.
A. nakahanda C. nag-oobserba
B. nakikinig D. nag-iisip
____7. Itinanghal ang unang Balagtasan sa _______.
A. Bagumbayan C. Intramuros
B. Fort Santiago D. Instituto de Mujeres
____8. Siya ang gumanap bilang paruparo sa kauna-unahang
balagtasan.
A. De Jesus C. Santos
B. Collantes D. Enriquez
____9. Siya ang binigyang parangal sa pagsagawa ng Balagtasan.
A. Quezon C. Balagtas
B. Rizal D. Bonifacio
____10. Ayon kay Zafra, isinilang ang _____ sa isang pulong Kapulungang
Balagtasan.
A. Balagtasan C. Duplo
B. Talumpati D. Sanaysay

Simulan na natin ang


iyong paglalakbay sa
modyul na ito!

3
Balikan

Subukin muna natin ang iyong dating kaalaman.

GAWAIN 1: Subukang sagutin ang sumusunod na pick-up lines.


Halimbawa:
Kung gagawa ako ng alak,
Pangalan mo ilalagay ko Bakit? Kasi malakas sumipa
pero sa puso tatama.
1. Hangin ka ba? Bakit? _______________
2. Pizza ka ba Bakit? _______________
3. May lahi ka Bakit? _______________
bang keyboard?
4. Unan ka ba? Bakit? _______________
5. Philippines ka ba? Bakit? _______________

Ikaw ba’y nasisiyahan sa pagsagot?


Isang katotohanan sa kasalukuyang panahon ang paggamit ng kabataan
ng mga ganitong pahayag o ang tinatawag na “Pick-up Lines” lalong-
lalo na sa panliligaw. Katulad na lamang noong Panahon ng pananakop
ng mga Amerikano na dinadaan naman sa Balagtasan ang kanilang
panliligaw.
Ano ba ang Balagtasan?
Bago mo palawakin ang iyong kaalaman ukol sa Balagtasan, sagutin
muna ang mga kasunod na Gawain.
SIMULAN mo na!

GAWAIN 2: Magbigay ng mga kaugnay na salita sa mga salitang


nasa loob ng bilog

DUNONG SALAPI

4
Tuklasin
Ang tao ay may likas na kakayahan sa paglalahad ng sariling
pananaw, katuwiran o opinyon ukol sa isang bagay—positibo man o
negatibo., sinasang-ayunan man o sinasalungat. Hindi natin mapasubalian na
masama o mabuti man ang ginagawa natin may masasabi pa rin ang isang
tao.
Isang katotohanan na sa ating buhay, marami talaga tayong mga bagay
na mapagdedebatihan o mapagtatalunan lalo na kung ang ginagawa o
sinasabi ng kapwa ay hindi natin sinasang-ayunan. Gayunpaman, sa
pagbibigay ng sariling opinyon o argumento, kailangan pa rin ang maging
mahinahon at huwag kalimutan ang maging mapitagan upang hindi
makasasakit ng loob sa kapwa.
Ngayon, panoorin mo ang isang pagtatalo o pagdedebate tungkol sa:
ALIN ANG NAKAHIHIGIT SA DALAWA: DUNONG O SALAPI? Panoorin sa
link :https://www.youtube.com/watch?v=2Euw0mz4MqU
Kung hindi kayang panoorin ang bidyo, ay pwedeng basahin ang buong
teksto. Narito ang kopya ng buong teksto.

ALIN ANG NAKAHIHIGIT SA DALAWA:


DUNONG o SALAPI

Lakandiwa – (Pagbubukas)
Isang dating paksa itong amin ngayong iaalay
Sa naritong makikinig nitong aming Balagtasan;
Kung tunay mang ang napiling magtatalo’y kasibulan,
Ngunit sila ay kilalang may matayog na isipan;
Ang kanilang itatampok ay Salapi’t Karunungan
Na kung alin ang mahigit, ngayo’y ating malalaman.
Ngunit bago ko tawagin ang titindig na makata,
Ako muna’y magpapayo sa dalawang manunula;
Hindi baling pag-apuyin ang katwira’t talinghaga,
Dapwa’t huwag magbibitiw ng katagang walang wawa;
Hindi baling magsabuyan ng binanghay na talata,
Huwag lamang isama ang iringa’t paninira!

Ang makatang pumapanig sa binabanggit nating Dunong


Ay si Laya Makabansa na may pusong mahinahon;
At ang aping sa Salaping kangina pa tumututol,
Si Tagumpay Dimagibang may salaping bakul-bakol;
Kaya Laya Makabansa, kung sa Dunong ka sang-ayon,
Tumindig ka’t ang tula mo’y bigkasin mong mahinahon!

Dunong – Unang Tindig:


Ginigising ang isip ko nitong pusong pumipintig
At nagbihis na tanawing gumaganyak sa pagmasid;
Inaakit ang damdamin sa kalakhang pinagsikip
Ng maraming kaunlarang naging hiyas sa daigdig;

5
Iya’y isang katanungang ang sagot ko ay matuwid:
Bunga iyan ng Dunong ko na lumilok at nagtindig!
Iya’y isang katanungang ang sagot ko ay matuwid:
Bunga iyan ng Dunong ko na lumilok at nagtindig!

Nariyan ang lansanga’t paaralang nakatayo


Na pag-asa ng eskwelang di mabilang nating bunso;
Kaya iyan ay inisip at sinikap na mabuo
Upang itong lahi natin na mulala’y mapaanyo
Patotoo lamang iyan sa marangal na kabunggo
Na ang Dunong, mahalaga kung hangad mong mapawasto!

Kaya ngayo’y isa-isang ilalahad ko sa tula,


Kung paanong itong Dunong, may hiwagang nalilikha:
At ang aklat na aralin ng mabunyi kong kabangga,
Di ba’t tiya’y maliwanag na sa Dunong din nagmula?
Samakatwid, ang panig ko’y higit itong mahimala
Kaysa riyan sa Salapi na madaling nawawala!
Lakandiwa:
Habang itong binibini’y mahinahong bumibigkas
Ang makata ng Salapi’y napansin kong nagpipiglas;
Palagay ko’y handing-handa ang katwirang isasalag
Kaya di mapakali habang ikaw’y nagmamatyag;
At Tagumpay Dimagiba, tumayo ka’t magpahayag
Ng tugon mo sa katalong walang awa kung manghampas!
Salapi- Unang Tugon:
Nagbabagbag ang damdamin kapag aking iniisip
Ang dalitang binabata ng maraming anakpawis;
Ang sanlaksang ama’t inang gumagawang nasa init,
Sa hirap din nauuwi ang kanilang pagsasakit;
A,talagang pag nagdahop sa Salaping panaginip
Ang buhay mo ay madalas na dalawin ng ligalig!

Linawin na natin ngayon ang sandigang tinatalakay


Ng diwatang nakatalong katatapos mangatwiran;
Yaong aklat na binanggit at pag-unlad nitong bayan,
Tila hindi napagkurong sa Salapi natin utang;
Kaya tayo nagkaroon nitong aklat,paraluman,
Ay dahil din sa Salaping itinubos sa limbagan.

Inawit din ng katagis ang lansangan at gusali


Na Salapi ang ginamit nang itindig at mayari;
Ay gayundin itong bunsong supling nitong ating lahi,
Di ba’y kaya nag-aaral ay sa hangad mapatangi?
Pag natuto’t namasukan ay masdan mo, nahihili
Na sa aking kayamana’y nasasabik makihati!
6
Dunong – Ika-2 Tindig
Nakita mo, kabalagtas ang Salaping itinubos
Sa aklat mong tinalakay sa paksa tang tinutuos;
Ngunit iyong naligtaan ang katagang nasa loob
Na lagi mong inuusal ang aralin sa taludtod;
Iya’y isag katunayan na hindi mo natatalos,
Dunong lamang ang lumikha sa aklat mong itinatampok!

Oo’t tayo, nang magtayo ng gusaling matataas


Ay salapi ang ginamit sa pagbuo ng balangkas;
Ngunit kaya lamang nagkaanyo,kabalagtas
Ay sapagkat itong Dunong ang gumuhit na nagpuyat;
At ito rin ang kumipil sa tinipong mga sangkap
Kaya naman nang mayari’y nakatindig na matatag!
Salapi- Ika-2 Tugon:
Kahit ikaw ang gumuhit sa nilikhang mga plano,
Ang gusali’y di titindig pag wala kang karpintero;

At hindi rin mabubuo ang hinalo mong semento


Kapah ikaw’y nasairan ng Salaping isus’weldo;
Maging iyang minimithing pag-aaral mo,katalo,
Pag wala kang gugugulin ay hindi ka matuto.

Ang halaga ng panig ko ay kung iyong lilimiin,


Hindi tayo mabubuhay kapag walang gugugulin;
At kung ikaw,halimbawa ay may anak na sakitin
Ay tatawag ka ng doctor kung may perang dudukutin;
Kaya ako, kahit walang karunungang itutturing,
Ibig ko na ang mabuhay na sagana sa pagkain!

Dunong- Ika-3 Tindig:


Gayon na lang ang ngitngit mo sa nilikhang nagagahol,
Ngunit kapag nagkasakit ay tatawag din ng doctor,
Baka bukas-makalawa’y sa away ka mapasuong,
Tiyak naming lalapit ka sa isa kong manananggol…
Itong ating pagtatalo ay luminaw na rin ngayon,
Sa Dunong din ang hawak mo kapag ikaw’y nililindol!
Salapi- Ika-3 Tugon:
Kung ako man ang tatawag ng sariling manggagamot,
May salaping ibabayad sa kanilang pagpapagod;
Dapat mo ring unawaing Salapi ko ang nag-utos,
Kaya kayo pag hinili ay malimit magkumamot;
Maging iyang manananggol ay sa akin nakatanod
Pagka’t dito sa yaman ko’y sabik kayong makiamot

7
Lakandiwa:
Maririing mg aulos ang tinanggap ng Diwata
Sa makata ng Salaping kung mamalo’y walang awa;
Upang itong pagtatalo ay lalo pang magkabisa,
Ang makatang paraluman ay bibigyan nating laya;
Kaya itong binibini ay titindig ngayong kusa
At sa kuta ng kalaba’’y pipiliting manalasa!

Dunong- Ika-4 na Tindig:


Ang Dunong ko, kailanman sa yaman mo’y di nanghingi,
At manapa, kadalasa’y lumalapit ang Salapi;
Katunayan sa Income Tax, noong ikaw’y magkamali
Ang Dunong ko ang umayos kaya di ka napalungi
Ang lolo mo’y nang matipus, marangal ko’t katunggali,
Pinagaling ng doktor ko kaya hindi rin nasawi!

Kahit na nga mayroon kang kayamanang limpak-limpak,


Pag wala kang karunungan ay marami ang pipintas;
At sa halip na ingatan ang Salaping nakaimbak,
Baka ikaw ay malinlang ng katotong di matapat;
Di kung gayo’y saw ala rin mauuwi, kabalagtas
Ang tinipon mong Salapi sa taguan ay lalabas!

Lakandiwa:
Si Tagumpay, pag Diwata ang kalaban sa tulain,
Di ka man lang matigatig kahit ikaw’y hambalusin;
Ang hindi ko matitiyak at mahirap hinuhain,
Baka naman mayroon kang nakakubli sa damdamin,
At nang upang magliwanag ang panig mong nagkasilim,
Tumayo ka Dimagiba’t ang katwira’y pagitawin!

Salapi-Ika-4 na Tugon:
Iba naman kung maglilingkod ang kabig mong marurunong,
May katapat na Salapi yagong pagod sa maghapon;
Payag kayong manilbihan kahit hanggang dulong nayon
Pagka’t mayroon kang sahod ng Salaping iniipon;
Ngunit kami, naiiba pag sa kapwa ay tumulong,
Kung magbigay ng Salapi’y kaliwa’t walang tutol.

Kung kami ma’y masasabing hindi ganap na natuto,


Ngunit kaya nagkaroo’y likas naming matalino;
Kaya kami nagsiyama’y sinikhay kahit piso,
Kaya naman di naglao’y naging mga milyunaryo;
Kung mayroong manlilinlang na nanggaling sa katoto,
Palagay ko ay nagbuhat sa Dunong mong naging tuso!

8
Dunong- Ika-5 Tindig:
Yamang ditto sa matwid ko ay lagi kang nakikinig
Ay masdan mo ang ginawa ng maraming palaisip;
Di ba’t dahil sa Apollo, pati buwa’y nasaliksik
Na hiwagang di matalos na gumigimbal sa daigdig?
Pati bapor, mga autong sinasakyan mo, katagis
Ay utak din nitong Dunong ang bumuo at nagtindig.
Tingnan mo rin, Kabalagtas ang bayaning Jose Rizal
Na panulat ang ginamit ba sandatang pinagalaw;
Maging kahit na sina Luna, si Mabini, at Del Pilar,
Si Jacinto at Gomburzang makabayang marangal;
At kung sila’y nanatili sa mahabang kamangmangan,
Baka tayo hanggang ngayon ay wala pang kasarinlan!

Salapi- Ika-5 Tugon:


Hindi ako sumisinsay sa ilan mong inilahad
Na bayaning napabantog sa sandata at panulat;
Datapwa’t si Del Pilar, sa Espanya’y nang tumahak,
Tigib-lungkot ang sinapit nang masawing walang pilak;
Sina Rizal at Mabining kinilalang mauutak;
Salapi rin ang ginugol sa karerang pinapangarap!
Ang Apolong binanggit mo’y parang di mo nalalamang
Bilyun-bilyon ang panustos na salaping mga dolyar;
Ang auto ma’t mga bapor na madalas mong lulanan
Ay utang din sa Salapi, katalo kong paraluman;
Samakatuwid ay Salapi ang talagang kailangan
Upang ganap na umunlad itong ating pamumuhay!

Dunong – Ika-6 na Tindig:


Bagun-bagon mang Salapi’t ang bahay mo ay punuin,
Mamamanyas ka,katalo, pag wala kang ngangalutin;
Ang higit lang kailanga’y atin ngayong paunlarin
Ang pag-asang pagkabuhay na hayupan at pananim;
Magagawa lamang iya’t maaaring paningningin
Nitong isip, karunungang sa dalita nakatingin!

Salapi- Ika-6 na Tugon:


Kahit na nga siksikin mo ng pagkain ang palibot,
Pag wala kang ibibili’y mabubusog ka sa lunos;
Kahit ikaw’y may halaman at alagang mga hayop
Ay iyo ring ilalako yaong bunga nitong pagod;
A,talaga, katalo ko, kahit saan ka umikot,
Dugo’t buhay nating lahat ang Salapi sa sinukob.

9
Lakandiwa:
Tinatapos naming ngayon itong aming Balagtasan
Na kayo nga ang magpuno kung kami man ay nagkulang;
Sa masusing pagsusuri’t pagsubaybay sa naglaban,
Ang hatol kong ilalagda sa dalawa’y patas lamang;
At sa wakas, kaming ito’y buong pusong nagpupugay
Sa inyo pong pakikinig nitong aming balindangan!

-Mula sa Pluma 8

GAWAIN 4: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salitang mababasa sa


Balagtasan. Isulat ito sa bilog katapat sa kahulugan nito.

W C A L E S O D E N
A O I Q Y U P U T A
W O T E P N A N I G
A M Y A L L G O G A
Z B A L A G A N H H
A A R L N L N G A O
X S U F M I G O E L
C M N A G D A H O P

1. = Naghirap

2. = awa
3. = talino
4. = nakulangan
5. = tanga

Suriin

Kumusta ang pagsagot mo sa mga Gawain? Naging madali lang ba sa


iyong unawain ito? Lagyan mo ng tsek ang larawan na angkop sa iyong
sagot.

10
GAWAIN 5:
Batay sa binasang teksto at sa pinanood na bidyu, sagutin ang gawain
gamit ang graphic organizer tungkol sa Balagtasan.

BALAGTASAN

Kahulugan: Katangian:
_____________________ ____________________
_____________________ ____________________
__________ ____________

Mga halimbawang Balagtasan


na nabasa o napanood:
___________________________
___________________________

Sa puntong ito, subukin natin ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa


binasang teksto tungkol sa balagtasang “Alin ang Nakahihigit: Dunong o
Salapi?"

Sagutin nang buong katapatan ang mga tanong.


1. Anong impormasyon ang iyong nakuha mula sa
napanood/nabasang Balagtasan?
_____________________________________________________

2. Sa iyong palagay, mas mahalaga ba talaga ang salapi kaysa sa


karunungan?
_____________________________________________________

3. Para sa iyo, alin sa dalawa “Dunong o Salapi” ang higit na


pagtuunan ng pansin ng kabataan sa kasalukuyan? Bakit?
_____________________________________________________

4. Ilahad ang hatol ng Lakandiwa sa isyung pinag-usapan. Sumang-


ayon ka ba sa ibinigay niyang hatol? Bakit?
_____________________________________________________

5. Paano nakatutulong sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng


wikang Filipino ang balagtasan?
_____________________________________________________
6. Masasalamin ba sa balagtasan ang kulturang Pilipino?
_____________________________________________________

11
7. Bilang pangkalahatan, anong mahalagang kakintalan ang nakuha
mo mula sa balagtasang nabasa? Ano ang naging epekto nito sa
iyong sarili?
Alam
mo ba?

…..na ang iyong binasang teksto na “Alin ang Nakahihigit : Dunong o


Salapi” ay isang halimbawa ng Balagtasan?
BALAGTASAN – ay isang uri ng pagtatalong patula tungkol sa isang paksa
o isyu. Karaniwan itong ginaganap sa ibabaw ng tanghalan.
Sa aklat ni Zafra (1999), tinalakay niya ang kasaysayan ng
balagtasan. Ayon kay Zafra, isinilang ang balagtasan sa isang pulong ng
kapulungang Balagtasan, isang “Katipunan ng mga mananagalog at
makatagalog”, idinaos sa gusali ng Instituto de Mujeres na noon nasa
daang Tayuman, Tundo, Maynila. Naganap ito noong Ika-28 ng Marso
1924, Linggo ng hapon bilang parangal kay Francisco Balagtas Baltazar na
siyang kinikilalang “Ama ng Panulaang Tagalog”. Ang tunay na araw ni
Balagtas ay ika-2 ng Abril na nang taong iyon ay pumatak sa Miyerkules.
Kung kaya, ipinagpaliban sa ika-6 ng Abril upang mataong Linggo at
makadalo ang marami.
Sinasabing si Patricio A. Dionisio ang nagmungkahing hanguin sa
pangalan ni Balagtas ang ipalit sa duplo, ngunit kay Jose N. Sevilla
iniuutang ang tawag na “balagtasan”.
Dagdag pa nito, si Patricio A. Dionisio ang sumulat ng kauna-unahang
iskrip ng balagtasan –ang “Balagtasan”—upang maging huwaran ng
magsisipamalas.

ELEMENTO NG BALAGTASAN
Ang balagtasan tulad ng ibang akdang pampanitikan ay nagtataglay ng
mahahalagang elemento.
• Tauhan
• Pinagkaugalian
• Paksa/Isyung Pagtatalunan
• Mensahe/Mahalagang kaisipan

Mga Tauhan ng Balagtasan


• Lakandiwa – ang makatang namamagitan sa dalawang panig na
nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at masining na
pamamaraan.
• Mambabalagtas – mga makata o mambabalagtas ang tawag sa
panig na nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at
ang isa naman ay sa panig na di-sang-ayon.
Mga Katangian ng isang mambabalagtas:
1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla
2. May magandang kaasalan sa harap ng madla
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kanyang katalo,sa
lakandiwa, at sa mga nakikinig
• Mga manonood – ang mga tagapakinig na minsa’y sila rin ang
nagbibigay ng hatol sa mga narinig na paglalahad ng mga katwiran

12
B. Pinagkaugalian
Gaya rin ng ibang tula, taglay rin ng balagtasan ang mga katangian ng
tulang Pilipino: Tugma,sukat,at indayog. Tugma ang tawag sap ag-iisang
tunog ng mga huling pantig sa huling salita ng bawat taludtod ng
balagtasan. Sukat naman ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat
taludtod. At indayog naman ang sining ng pagbigkas na siyang
nagbibigay-kariktan sa balagtasan na siyang umaakit sa tagapakinig.
C. Paksang Pagtatalunan
Ito ang pinakatema o isyung pagtatalunan ng mga mambabalagtas.
D. Mensahe o Mahalagang Kaisipan
Isa pa sa mahalagang elemento ng balagtasan ay ang paghahatid ng
malinaw na mensahe sa mga nakikinig.

SANGGUNIAN: Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan


Ni Carmelita Siazon-Lorenzon,et.al.

GAWAIN 6: Paghambingin mo!


Batay sa dating kaalaman tungkol sa Balagtasan at sa binasang teksto,
ipakita kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Balagtasan sa iba pang
uri ng Panitikan gamit ang Venn Diagram.
Pagkakatulad

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagyamanin
Mula sa balagtasang ating napanood at nabasa, mapapatunayang
parehong mahalaga ang talino at ang salapi sa tao. Ngayon, ikaw naman ang
magbibigay ng sarili mong opinyon at katwiran kung ano ang kahalagahan
ng Dunong at Salapi. Gamitin ang graphic organizer.

DUNONG/TALINO

(OPINYON) (OPINYON) (OPINYON)

(KATWIRAN)

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________________________

13
SALAPI

(OPINYON) (OPINYON) (OPINYON)

(KATWIRAN)

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________

Isaisip
Isaisip Mo.
Dapat nating tandaan na sa pagbabasa ay kailangang unawain natin
ang mga kaisipang ipinapaabot sa atin. Ibahagi natin sa iba ang anumang
kaalamang natutunan natin upang maipadadarama natin sa kanila na sila ay
bahagi ng ating pamayanan.

Sa pagkakataong ito, muli nating subukin ang iyong galing at husay sa


kasanayan sa pagsulat lalo na sa paglalahad ng iyong sariling opinyon ukol
sa isang usapin o argumento. Sa nakaraang aralin nahasa na iyong
kasanayan sa pagsulat ng Tula, ngayon naman ay susulat ka ng isang
paglalahad na may pagsang-ayon at pagsalungat tungkol sa isyung :
“ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE o ECQ”
Ang masusulat mong paglalahad ay iyo namang i-upload sa FB page ng
inyong klase upang mabasa rin nila ang iyong opinyon hinggil sa usaping ito.
Ang gawain mo ay dapat makasunod sa pamantayang nasa
talahanayan.

Laang Aking
Mga Pamantayan
Puntos Puntos
May kalidad ang paglalahad ng opinyon 5
Malinaw na malinaw ang opinyong inilalahad at may lalim
5
ang katwiran
Masining ang paglalahad 5
KABUUANG PUNTOS 15
5 – Napakahusay
4 – Mahusay
3 – Katamtaman
2 – Di-gaanong mahusay
1 – Sadyang di-mahusay

14
Tayahin
I. Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot.
_____1. Ito ay isang uri ng patulang pagtatalo hinggil sa isang paksa.
A. Balagtasan C. Debate
B. Tula D. Duplo
_____2. Siya ang tinaguriang “Ama ng Panulaang Tagalog”
A. Julian Felipe C. Lope K. Santos
B. Francisco Balagtas Baltazar D. Tomas Pinpin
_____3. Sinasabing siya ang kauna-unahang sumulat ng iskrip ng
balagtasan ---ang “Balagtasan”
A. Francisco Balagtas Baltazar C. Pat Villafuerte
B. Patricio A. Dionisio D. Amado Hernandez
_____4. Kailan ginanap ang Balagtasan nina Jose Corazon De Jesus at
Florentino Collantes na ginanap sa Olympic Stadium sa Maynila.
A. Enero 6, 1924 C. Abril 6, 1924
B. Marso 28.1964 D. Hulyo 6, 1964
_____5. Siya’y nakilala bilang si Huseng Batute dahil sa kanyang
kahusayan sa Balagtasan noong 1920.
A. Jose Corazon De Jesus C. Francisco Balagtas Baltazar
B. Florentino Collantes D. Patricio A. Dionisio
_____6. Ang sumusunod ay ang dalawang panig sa Balagtasan.
A. Sang-ayon C. A at B
B. Di-sang-ayon D. Wala sa Nabanggit
_____7. Sino-sino ang mga tauhan sa binasang balagtasan na “Dunong
at Salapi?”
A. Lakandula C. Lakandiwa
B. Mambabalagtas D. B at C
_____8. Siya ay tauhan ng Balagtasan na namamagitan sa dalawang
panig na nagtatagisan ng mga katuwiran sa matulin at
masining na pamamaraan.
A. madla C. mambabalagtas
B. manonood D. Lakandiwa
_____9. Sila ang mga makata na nagtatalo sa balagtasan.
A. Lakandiwa C. mambabalagtas
B. madla D. manonood
_____10. Sila ang tagapakinig sa balagtasan na minsa’y nagbibigay ng
hatol sa mga narinig na paglalahad.
A. Lakandiwa C. mambabalagtasa
B. manonood D. mananalumpati

Anakpawis - mahirap
Balagtasan – isang uri ng pagtatalong patula tungkol sa isang paksa.
Dunong – marunong; mautak; madiskarte
Inuusal – sinasabi

15
Lilimiin – pagsusuri; pag-iisip
Nagagahol – nakukulangan ng oras
Tuso - wais
Wawa – kawawa

5. mulala
4. Nagahol
3. Dunong 10. B
2. Wawa 9. C
1. Nagdahop 8. D
GAWAIN 4 7. D
6. C
10. A D 5. 5. A
9. C B 4. 4. C
8. A D 3. 3. B
7. D A 2. 2. B
6. B B 1. 1. A
I.
Subukin

Aklat
Ailene Baisa-Julian, et.al (2017). Pinagyamang Pluma sa Filipino 8. Phoenix Publishing House,
Inc.
Aida M. Guimarie. 2015. Kalinangan (Workteks sa Filipino (Wika at Panitikan) para sa
Hayskul.Rex Book Store,Inc.

Hangoang Elektroniko

https://www.kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga-balagtasan-
poetical-debate_364.html
https://www.youtube.com/watch?v=2Euw0mz4MqU
https://www.google.com/search?q=pick+up+lines&sxsrf=ALeKk02SaqH60uUpA_AAZAweh
MBhe8lBzQ:1600775082905&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=eDpQmg0Y9FXQ7M%252C
KJVjlIySsTR3pM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kTueQRDYDSBMwqbh7C2zW8jiMrVvg&sa=X&ved=2ahUKEwi15rnx1_zrAhWUNaYKHerAAt
8Q_h16BAgNEAc#imgrc=eDpQmg0Y9FXQ7M
https://www.google.com/search?q=BALAGTASAN&rlz=1C1GCEA_enPH826PH826&oq=BAL
AGTASAN&aqs=chrome..69i57j35i39j0l5j69i60.3630j0j9&sourceid=chrome&ie=UTF-8
https://www.google.com/search?q=PAGSUSULIT+SA+BALAGTASAN&rlz=1C1GCEA_enPH8
26PH826&sxsrf=ALeKk02vuB84x3fMFheG3NS5gxhmazE4Mw:1600775265810&tbm=isch&
source=iu&ictx=1&fir=MQbWWCuO2h8XzM%252C3SlChxARXojQNM%252C_&vet=1&usg=
AI4_-
kQlpQFzNbzhtkdIzpBF1I60xfTfqg&sa=X&ved=2ahUKEwiUstXI2PzrAhUNrZQKHU9zCHwQ9Q

16
F6BAgKEEc&biw=1366&bih=657#imgrc=MQbWWCuO2h8XzM
https://www.google.com/search?q=ELEMENTO+NG+BALAGTASAN&tbm=isch&ved=2ahUK
EwjR-8vK2PzrAhUD15QKHRAtB_cQ2-
cCegQIABAA&oq=ELEMENTO+NG+BALAGTASAN&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAA6BAgjECc6B
QgAELEDOgQIABBDOgcIABCxAxBDOgoIABCxAxCDARBDOggIABCxAxCDAVCHbVjCjwFgvJA
BaABwAHgAgAGNA4gBlh6SAQgwLjE2LjMuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&scl
ient=img&ei=ZeRpX5G1M4Ou0wSQ2py4Dw&bih=657&biw=1366&rlz=1C1GCEA_enPH826
PH826#imgrc=aPVWbhp8YNpFPM
https://www.depedcarifugao.com/Komunikasyon-at-
Pananaliksik11_Q1_Module10_08082020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Komunikasyon-at-
Pananaliksik11_Q1_Module1_08082020.pdf
https://www.coursehero.com/file/68787643/MTB2-Q1-Mod2-Mga-Salitang-Binubuo-ng-
Maraming-Pantig-Salita-FINAL07282020docx/
https://www.coursehero.com/file/67478895/AP-3-Q1-Modyul-3-Populasyon-sa-Ating-
Pamayananpdf/
https://www.depedcarifugao.com/Komunikasyon-at-
Pananaliksik11_Q1_Module10_08082020.pdf
https://www.coursehero.com/file/p3hbs54e/Bilang-karagdagan-sa-materyal-ng-
pangunahing-teksto-makikita-ninyo-ang-kahong/
https://www.coursehero.com/file/p2gffuk/Naglalayon-din-itong-matulungan-ang-mag-
aaral-upang-makamit-ang-mga-kasanayang/
https://www.coursehero.com/file/68787643/MTB2-Q1-Mod2-Mga-Salitang-Binubuo-ng-
Maraming-Pantig-Salita-FINAL07282020docx/
https://www.coursehero.com/file/67478895/AP-3-Q1-Modyul-3-Populasyon-sa-Ating-
Pamayananpdf/
https://brainly.ph/question/3350393
https://brainly.ph/question/3350125

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Curriculum Implementation Division (CID)

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
Email Address: deped.lapulapu@deped.gov.ph
Website: http://depedlapulapu.net.ph

17

You might also like