You are on page 1of 34

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Kahalagahan ng Katangiang
Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng
Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat : Canticle Niño R. Mejia


Tagasuri ng Nilalaman : Angelica M. Burayag, PhD
: Rosanna P. Querijero / Rebecca K. Sotto, PhD
Tagasuri ng Wika : Mary Grace P. Valenton / Rosanna P. Querijero
: Helen G. Laus EdD
Tagasuri ng Pagguhit / Paglapat : Jeremy Daos / Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit : Gizelle R. Libed
Tagalapat : Jenn Eicel S. Lopez

Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD
Librada M. Rubio, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Robert E. Osongco, EdD
Lily Beth B. Mallari
Rebecca K. Sotto, PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Kahalagahan ng Katangiang
Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kahalagahang Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tal a para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa
kahalagahan ng katangiang pisikal sa pag-unlad ng
bansa. Inaasahang mabigyan ng wastong gabay at
maituro ang pagiging tapat sa mga mag-aaral sa
pagsagot ng modyul na ito.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kahalagahang Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin
ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita


Subukin
natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o
Balikan
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

iii
Sa bahaging ito, ang bagong
Tuklasin
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing


Pagyamanin
para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga


Isaisip
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

iv
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa


Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.

v
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain at


aktibidad upang maunawaan ng mga mag-aaral ang
Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag-unlad ng Bansa.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Naiisa-isa ang katangiang pisikal ng bansa, at

2. Nakapagbibigay ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng


mga katangiang pisikal sa pag unlad ng bansa.

Mga Tal a para sa Guro

Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa


kahalagahan ng katangiang pisikal sa pag-unlad ng
bansa. Inaasahang mabigyan ng wastong gabay at
maituro ang pagiging tapat sa mga mag-aaral sa
pagsagot ng modyul na ito.

1
Subukin
Panuto: Buuin ang mga sumusunod na salita na may
kaugnayan sa mga katangiang pisikal ng Pilipinas. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. malawak na lupain na patag at mababa


k p g n
2. tubig na umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok
t

3. pinakamalalim at pinakamalawak sa lahat ng anyong tubig


k r t n

4. Ito ay uri ng anyong lupa na nakahanay at binubuo ng


maraming bundok na magkakaugnay sa heograpiya.
b l b u n k n

5. kilala rin sa tawag na baybaying dagat


d l m p s g a

6. anyong tubig na napaliligiran ng lupa


l w

7. mahaba at paliko-likong anyong tubig na tumutuloy sa dagat


i o g

8. katulad ng bundok ngunit may bunganga ang tuktok nito


b l k n

9. pinakamataas na anyong lupa


b n d k
10. Ito ay binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo.
a r k p l a o

2
Balikan
Balikan ang nakaraang aralin.

Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pangungusap.


Piliin sa kahon ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

flashflood sunog bagyo landslide Emergency bag

Pagsabog daluyong PAGASA


lindol baha
ng bulkan bagyo

__________1. Ito ay dulot ng labis na pag-ulan na ang resulta ay


pag-apaw ng tubig sa kapatagan.
__________2. Isang malakas na hanging kumikilos nang paikot,
na madalas ay may kasamang malakas na pag-ulan.
__________3. Ibang tawag o katawagan sa storm surge.
__________4. Ang rumaragasang agos ng tubig na may kasamang
putik, bato, kahoy, at iba pa.

__________5. Ang pagyanig ng lupa na nagiging sanhi ng pagguho


ng mga gusali at iba pa.

__________6. Ang pagbagsak ng lupa, putik o mga malalaking


bato.

__________7. Nagdudulot ng malaking pinsala sa mga ari-arian at


maaaring sa buhay ng tao.

__________8. Ito ay pagbuga ng usok na nagdudulot ng panganib


sa kalusugan ng mga tao o hayop dahil sa makapal na abo at
nagbabagang putik na inilalabas nito.

__________9. Naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan


sa oras ng kalamidad.

__________10. Nangangahulugang.

3
Tuklasin
Ang
Pilipinas ay isang bansa na sagana sa mga likas na yaman
kaya naman malaki ang naitutulong nito sa mga taong
naninirahan dito.
Ano-ano ang mga katangiang pisikal ng bansa? Paano ito
nakatutulong sa pag-unlad ng bansa? Suriin ang bawat larawan
na nakapaligid sa Pilipinas.

Pilipinas

4
Suriin

Ang Pilipinas ay isang arkipelago. Ang arkipelago ay isang


anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo,
dahil ito ay may malalawak na kapatagan na maaaring
pagtaniman ng palay, tubo, at mais. Mayroon ding mahahabang
bulubundukin na panangga sa malakas na hangin at ulan dulot
ng bagyo. May mga bulkan na nagsisilbing atraksyon sa mga
turista kabilang din ang mga dalampasigan, ilog, lawa, at talon
na madalas pasyalan tuwing tag-init na panahon.

Ang pagiging masagana sa mga katangiang ito ay


nagbibigay ng malaking pakinabang sa pag-unlad ng bansa.
Malaking tulong ang turismo sa ating bansa sapagkat maraming
dayuhan ang nahihikayat dumayo dahil sa likas na kagandahan
ng Pilipinas. Patuloy na dumarami ang pumapasok na mga
turista mula sa iba’t ibang bansa kasabay din ng pagdami ng
mga lokal na turista.

Sa larangan ng kalakalan, ang mga sasakyang pandagat


ay nakatulong sa pagbibiyahe ng mga produkto mula sa iba’t
ibang lalawigan. Ang pagsasaka at transportasyon sa kapatagan
ay naging kaagapay rin sa kaunlaran ng bansa.

Ang pagiging mayaman sa katangiang pisikal ng bansa ay


hindi lang nakatulong upang magkaroon ng pagkakakitaan
ngunit higit lalo ay ang ugaling Pilipino upang maging mas
matatag, masipag, at determinado. Naipamamalas din ang
pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit sa kapwa lalo na sa
panahon ng pagsubok.

5
Pagyamanin

A. Panuto: Ibigay ang mga katangiang pisikal ng bansa.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pilipinas

6
B. Panuto: Lagyan ng tsek kung tama ang ipinahahayag sa
bawat pangungusap at ekis kung mali. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang iba’t ibang anyong lupa ay may iba’t ibang


pakinabang na kaagapay sa pag-unlad ng
bansa.
2. Hindi nakatutulong ang mga katangiang pisikal
ng bansa sa pag-unlad nito.
3. Iba’t ibang hanapbuhay ang mapagkukunan sa
mga katangiang pisikal ng bansa.
4. Turismo at kalakalan ang mga ilan sa
pakinabang dulot ng mga katangiang pisikal ng
bansa.
5. Ang Pilipinas ay isang kapuluan.

6. Ang arkipelago ay isang anyong lupa na


binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo.
7. Ang mga bulubundukin, kapatagan, at
dalampasigan ay kabilang sa mga katangiang
pisikal ng Pilipinas.
8. Nagtataglay ng magagandang tanawin ang
Pilipinas dahil sa mga katangiang pisikal nito.
9. Nakapagbibigay ng atraksiyon sa mga turista
ang mga katangiang pisikal ng Pilipinas.
10. Ang pangingisda ay isa mga napagkukunan ng
kabuhayan ng mga tao na nakatira malapit sa
dalampasigan.

7
C. Panuto: Magbigay ng mga paraan kung paano
mapahahalagahan ang mga katangiang pisikal ng bansa. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Mga Paraan sa Pangangalaga


Katangiang Pisikal
nito:

dalampasigan

bulubundukin

talon

bulkan

kabundukan

8
D. Panuto: Itala ang mga hanapbuhay na maaaring makuha sa
mga sumusunod na katangian ng bansa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Katangiang Pisikal Mga halimbawa ng hanapbuhay:

Kapatagan

Bulubundukin

Dalampasigan

Kabundukan

Bulkan

1.2. Panuto: Hanapin ang mga magagandang tanawin na


matatagpuan sa Pilipinas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

P A G S A N J A N F A L L S

B U L K A N G T A A L M K L

A B M A Y O N V O L C A N O

A D F G J K L O I Y T E W E

C H O C O L A T E H I L L S

A W B U N D O K A P O X M N

9
E. Panuto: Lagyan ng bituin kung ang pahayag ay
nagpapakita ng kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-
unlad ng bansa at buwan naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Pagkakaroon ng hanapbuhay.

2. Hindi pagkakaunawaan ng mga


mamamayan.

3. Magagandang tanawin ng bansa.

4. Pagkakaroon ng sasakyang pandagat.

5. Malawak na lupain sa pagsasaka.

6. Paglago ng turismo sa bansa.

7. Pagkakawatak-watak ng mga Pilipino

8. Pagpapalitan ng produkto sa loob at labas


ng bansa

9. Pagkakaroon ng transportasyon sa
kapatagan.

10. Paghina ng turismo.

10
F. Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag batay sa iyong
natutuhan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Pilipinas ay sagana sa


_____________________________________________________
_____________________________________________________

Mahalaga ang pagiging isang kapuluan ng Pilipinas


dahil
_____________________________________________________
____________________________________________________

Mapahahalagahan ko ang mga likas na yaman sa


pamamagitan ng
_____________________________________________________
____________________________________________________

Ang mga katangiang pisikal ng Pilipinas ay ang mga


_____________________________________________________
____________________________________________________

Nakatutulong ang mga ito sa pag-unlad ng bansa sa


paraan
na__________________________________________________
____________________________________________________

Sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa katangiang


pisikal ng bansa ay dapat taglayin ang mga ugaling
Pilipino tulad ng
____________________________________________________
____________________________________________________

11
Isaisip
Panuto: Piliin sa ibaba ang angkop na salita upang mabuo ang
diwa ng talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

kapatagan dalampasigan matatag


turismo arkipelago pulo
talon pantao pagtutulungan
kabundukan pisikal bulubundukin

Tandaan Mo:

Ang Pilipinas ay isang ___________________.


Binubuo ang bansa ng malalawak na
___________________ mahahabang
___________________, nakabibighaning mga
___________________at bulkan, napakagandang
___________________, nakahihikayat na mga ilog at
___________________, at malalaki at maliliit na
___________________. Malaki ang pakinabang ng
___________________ at kalakalan sa mga
katangiang pisikal ng bansa.

Ang pagiging mayaman sa katangiang


___________________ ng bansa ay hindi lang
nakatulong upang magkaroon ng pagkakakitaan ngunit
higit lalo ay ang ugaling Pilipino upang maging mas
___________________, masipag at determinado.
Naipamamalas din ang pagkakaisa,
___________________ at malasakit sa kapwa lalo na
sa panahon ng pagsubok.

12
Isagawa

Panuto: Basahin ang islogan at ibigay ang iyong sariling


paliwanag tungkol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sa Likas na Yaman ang Pilipinas ay sagana,


Mga Katangiang Pisikal na dapat pahalagahan
Nagbibigay trabaho at pangangailangan
Nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan.

Isulat ang iyong paliwanag:


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

13
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng mga sumusunod na
katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Katangiang Pisikal Kahalagahan

Dalampasigan

Bulkan

Talon

Kapatagan

Bulubundukin

Panuto: Magtala ng mga pakinabang o magandang naidudulot


ng mga katangiang pisikal ng bansa. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.

14
Karagdagang Gawain
Panuto: Magtala ng magagandang tanawin ng Pilipinas na
nagtataglay ng mga sumusunod na katangiang pisikal ng bansa
at ibigay ang kahalagahan nito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Bulubundukin Kapatagan

Hindi

Talon
Dalampasigan

Bulkan

15
16
Isagawa
Balikan Subukin
Maaaring magkakaiba ang
1. baha 1. kapatagan sagot ng mga mag-aaral
2. bagyo 2. talon
3. daluyong bagyo 3. karagatan
4. flashflood 4. bulubundukin Tayahin
5. lindol 5. dalampasigan
6. landslide 6. lawa Maaaring magkakaiba ang
7. sunog 7. ilog sagot ng mga mag-aaral
8. pagputok ng bulkan 8. bulkan
9. bundok
9. emergency bag
10. arkipelago
10. PAGASA Karagdagang Gawain
Maaaring magkakaiba ang
sagot ng mga mag-aaral
A
B
1. bulubundukin
2. dalampasigan 1. tsek C
3. bundok 2. ekis Maaaring magkakaiba ang
4. kapatagan 3. tsek sagot ng mga mag-aaral
5. talon 4. tsek
D
6. ilog 5. tsek
1.1 Maaaring magkakaiba
7. lawa 6. tsek ang sagot ng mga mag-aaral
8. mga pulo 7. tsek 1.2
9. bulkan 8. tsek Pahalang
10. kabundukan 9. tsek Pagsanjan Falls
10. tsek Bulking Taal
Mayon Volcano
Chocolate Hills
Bundok Apo
E
F
1. bituin
2. buwan Maaaring magkakaiba ang
3. bituin sagot ng mga mag-aaral.
4. bituin
5. bituin
6. bituin Isaisip
7. buwan
8. bituin 1. arkipelago
9. bituin 2. kapatagan
10. buwan 3. bulubundukin
4. kabundukan
5. dalampasigan
6. talon
7. pulo
8. turismo
9. pisikal
10. pagtutulungan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan,


Charity
A., Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P., Quintos, Emily R.,
“Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire” Araling
Panlipunan 4 (Department of Education-Instructional
Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS), Unang
Edisyon, 2015), 108-112

Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan,


Charity
A., Galarosa, Walter F., Miranda, Noel P., Quintos, Emily R.,
“Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire” Araling
Panlipunan 4 Patnubay ng Guro (Department of Education-
Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS),
Unang Edisyon, 2015),44-47

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III – LRMS)

Office Address: Diosdado Macapagal Governement Center


Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like