You are on page 1of 29

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa
Panahong Prehistoriko
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong
Prehistoriko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Geline T. Fajardo
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Diosdado S. Mateo / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:
Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa
Panahong Prehistoriko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa
Panahong Prehistoriko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa
Panahong Prehistoriko!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan


ang aralin tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehestoriko.
Pagtutuonan ng pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga
mahahalagang bagay o datos sa pinagmulan ng sinaunang tao, kalagayang
heograpikal, pamumuhay, at yugto ng pag-unlad o ebolusyong kultural.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:
Talakayan 1 – Kondisyong Heograpikal sa Panahon ng mga Unang Tao
sa Daigdig
Talakayan 2 – Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao sa Daigdig
Talakayan 3 – Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong
Prehistoriko

Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

a. nakapagsusuri ng kondisyong heograpikal sa panahon ng mga unang tao


sa daigdig;
b. nakapagpaliliwanag ng uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig;
at
c. nakapagsusuri ng yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong
prehistoriko.

1
Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito
sa iyong sagutang papel.

1. Anong yugto ng kasaysayan kung saan ang mga tao ay gumamit ng mga
tinipak at magaspang na mga kagamitan at sandata?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal
2. Ano ang pinaniniwalaang nabuo sa pamamagitan ng pagtama ng kidlat sa
isang punong kahoy?
A. abo C. uling
B. usok D. apoy
3. Ano-anong panahon nahahati ang Cenozoic?
A. Pleistocene at Holocene C. Tertiary at Quartenary
B. Vendian at Cambrian D. Jurassic at Cretaceous
4. Alin sa mga sumusunod ang patunay na ang mga Homo habilis ay bihasa sa
gawaing ito?
A. nakagagawa ng mga kasangkapang yari sa bato
B. natutong gumawa ng apoy
C. may mga kaalaman sa pagpinta
D. may kaalaman sa pagluluto
5. Ano ang mga unang anyo ng buhay ayon sa mga eksperto?
A. selyula C. rhinoceros
B. homo D. reptilya
6. Ano ang specie na nahukay ni Donald Johanson noong 1974 na tinatayang
nasa 3-5 milyong taon na ang mga labi nito?
A. Australopithecus Afarensis C. Australopithecus Aprikanus
B. Australopithecus Robustus D. Ramapithecus
7. Anong yugto sa Panahon ng Bato nagkaroon ng konsepto ng permanenteng
tirahan?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Paleolitiko D. copper
8. Ano ang panahon sa kasaysayan ng tao kung saan nagkaroon ng
modipikasyon sa bato sa pamamagitan ng pagkinis nito?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal
9. Malaki ang inunlad ng taong Neanderthal sa mga unang nahukay, malaki
ang kanyang bungo at siya ay may kaliitan lamang ang sukat. Saan
natagpuan ang kanyang labi?
A. France C. Indonesia
B. Germany D. Pilipinas

2
10. Ano ang tinuturing na panahon ng transisyon sa paglinang ng kaalaman ng
tao, lalo na sa paggawa ng kagamitan?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal
11. Ano ang isa sa mga Homo Species na tinatawag na mga taong nag-iisip?
A. Homo Erectus C. Homo Sapiens
B. Homo Habilis D. Homo Afarensis
12. Bakit ang Homo Sapiens ang pinakamaunlad sa sinaunang tao?
A. malaki ang sukat ng kanilang bungo
B. naitala na ang kanilang mga nagawa
C. may mga armas at guhit-kamay ang mga kuweba na tinitirhan nila
D. maraming labi ng ganitong uri ang nahukay
13. Ano ang Homo Specie na tinatayang ang sukat ng utak ay nasa 1000 cc o
2/3 katumbas ng laki ng utak ng modernong tao?
A. Homo Erectus C. Homo Sapiens
B. Homo Habilis D. Homo Afarensis
14. Ano ang kahulugan ng salitang “homo”?
A. bato C. tao
B. hayop D. ibon
15. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng mga sinaunang tao sa Panahon ng
Neolitiko?
A. mangaso at mangisda
B. nagpalipat-lipat ng tirahan para may makain
C. gumawa ng mga bagay na makinis mula sa putik tulad ng brick
D. gumawa ng mga kasangkapan na yari sa bato

3
Aralin
Yugto ng Pag-unlad ng Kultura
1 sa Panahong Prehistoriko
Natatangi sa daigdig ang pagkakaroon ng buhay. Kung isang malaking
katanungan ang pinagmulan ng daigdig, ay isa ring malaking katanungan kung
saan nagmula ang tao. Sa modyul na ito ay inaasahang matutuhan mo ang
mahahalagang konsepto patungkol sa sinaunang tao, kondisyong heograpikal,
pamumuhay, at yugto ng pag-unlad. Halina’t paluguin pa ang iyong mga
nalalaman.

Balikan

Ang heograpiyang pantao ay ang nagbigay liwanag kung bakit kumikilos ang
mga tao sa isang lugar tulad ng ginagawa nila sa kanilang buhay.
 Paano nakatulong ang pagkakakilanlan ng rehiyon sa paghubog ng
sinaunang tao?
Tukuyin ang mga ipinakikita ng larawan bilang pangunahing bumubuo ng
kultural na heograpiya. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

W ____ ____ A

R ___ ___ I ___ I ___ ___ N

L ____ ____ ____

4
Mga Tala para sa Guro
Mahalagang malaman ang mga teorya na pinagmulan ng
tao ayon sa mga eksperto o pangkat ng mga eksperto. Ang
panunuod ng video ukol dito ay makatutulong sa mas malalim
na pag-ntindi at mailarawan sa isip ang kaganapan noon at
itsura ng mga sinaunang tao. Gayundin ang pagsuring mabuti sa
mga teksto upang mas maintindihan ang yugto ng pag-unlad ng
mga sinaunang tao sa panahon ng prehistoriko.

Tuklasin

Ipagpalagay na ikaw ay nabuhay noong sinaunang panahon sa Daigdig.


Ano-anong bagay ang iyong dadalhin upang makatulong sa iyong pang-araw-araw
na pamumuhay. Iguhit sa kahon at pangalanan. Ilagay sa sagutang papel ang
iyong sagot.

5
Suriin

Kondisyong Heograpikal sa Panahon ng mga Unang Tao sa Daigdig

Milyong taon na ang nagdaan ang mga unang buhay sa Daigdig ay lumitaw.
Ang mga unang anyo ng buhay ay mga organismong binubuo ng iisang selyula
(cell). Ito ay ayon sa mga eksperto. Naging kompleks ang mga halamang tubig at
hayop dagat. Sinasabing gumapang ang mga sinaunang hayop patungong
dalampasigan dahil kinakailangang umangkop sa kanilang bagong kapaligiran
pagkaraan ng milyon-milyong taon. Para makalakad, nagkaroon sila ng paa at
baga upang huminga. Ito ang pagbabago ng kanilang anyo. Suriin ang geologic
scale.

Geologic Scale

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/8e/Geologic_TimeScale.gif

6
Ang Cenozoic ay nagsimula mga 63 milyong taon na ang nakararaan.
Sa panahon na ito nabuo ang mga tao, hanggang ngayon sa kasalukuyan ito
pa rin ang umiiral. Naging mabilis ang pagbabago ng mga mammal, ibon, at
mga halaman sa panahong ito. Nahahati sa dalawang panahon ang Cenozoic:
ang Tertiary at Quartenary.
Hinati sa limang epoka ang Tertiary: Paleocene, Eocene, Oligocene,
Miocene, Pliocene. Ang mga bakulaw ay naglipana sa panahon ng Eocene.
Gayundin, ang mga maliliit na reptilya, paniki, kamelyo, at pusa, kabayo,
rhinoceros, at mga balyena. Nabuhay naman ang mga bakulaw na tinawag na
proconsul mga 18 milyong taon na ang nakararaan. Hindi ito lumalakad nang
patayo. Maaaring ito ang pinagmulan ng malalaking bakulaw kasama ng mga
tao, hinala ng mga siyentipiko.
Hinati sa dalawang panahon ang Quartenary. Ang Pleistocene at
Holocene. Nagkaroon ng makabagong tao sa panahon ng Pleistocene. Ang
mga malalaking hayop tulad ng mammoth, mabalahibong Rhinoceros, at iba
pa ay dumami ngunit namatay rin ang mga ito sa katapusan ng epoka.
Natutong mangaso at magpaamo ng hayop ang mga tao, nagsimula ng
agrikultura, gumamit ng metal, karbon, langis, gas at iba pang likas na
yaman ang tao, lakas ng hangin at tubig sa panahon ng Holocene.

Mga Anyo ng Unang Buhay

Ang mga reptilya ay ituturing na mga unang


hayop kaya naman tinawag ang panahong ito na
Panahon ng mga Reptilya. Matigas na kaliskis o
butong tumatakip sa katawan tulad ng buwaya,
pagong, at butiki ang taglay nitong mga katangian.
Ang pinakamalaki sa mga reptilya ay ang Dinosaur.
Ngunit sa pagdaan ng panahon, kagulat-gulat ang
pagkawala nito. Ang pagkatuyo ng katihan ayon sa
siyentista ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang
halamang pagkain. Ang mga unang anyo ng mammal
at iba’t ibang uri ng ibon ay nabuhay at sila naman
ang naninirahan sa daigdig nang lumabas ang mga
unang tao.

Pagsasaliksik: Ang mga Unang Tao

Dinosaur Modern Earth


Primates Stone Age Cities
Extinction

Age of
Grass Apes Homo Sapiens
Animals
CENOIC ERA
Sa panahon ng yelo, unang lumitaw ang unang anyo ng tao. Sa iba’t ibang
bahagi ng mundo partikular na sa Africa, Asia, at Europe ay inalam kung saan at
kailan nanirahan ang mga unang tao. Nagkaisa sila sa teorya na hindi iisang lugar
ang pinagmulan ng unang tao. Ang unang kasangkapang ginamit ng mga

7
sinaunang tao ay napag-alaman na bato o yari sa bato sa pagkuha ng pagkain at
pang-depensa sa sarili.
Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao sa Daigdig

Nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas
batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao. Sila ang mga Homo
species (homo na nangangahulugang tao). Ang mga ito ang nagtagumpay na
makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng
sitwasyon noong sinaunang panahon.

Hominid
Ang species na ito ay A. Afarensis
ipinalalagay na ninuno ng mga Homo
sapiens o ng kasalukuyang uri ng tao. H. Erectus
Nagpapahiwatig na may kawangis ang
tao na nabuhay mga apat na milyong
A. Africanus
taon na ang nakaraan ang mga
sinaunang kalansay. Tinawag nila
itong “hominid” na ang kahulugan ay
“hayop”.

Early Homo H. Sapiens


Ang mga Hominid

Lugar na
Uri Katangian
Natagpuan
 Tinatayang may gulang na 14
hanggang 12 milyon na ito nang
mahukay Europe, Asia,
Ramapithecus
 Hinihinalang nginunguya niya Africa
ang kanyang pagkain tulad ng
kasalukuyang tao.
 Malapit ang kanyang
pagkakahawig sa tao
Australopithecus South Africa
 Natagpuan ni Raymond Dart
africanus
ang mga labi noong 1924.
 Natagpuan ng mag-asawang
Louis at Mary Leakey ng Great
Britain ang mga labi noong 1959
Oduvai Gorge,
 May matipunong
Australopithecus Tanzania
pangangatawan, may mahabang
robustus
noo, mahabang mukha, at maliit
na panga.
 Nahukay ni Donald Johanson
Australopithecus ang kalansay noong 1974
Afar, Ethiopia
afarensis (Lucy)  Tinatayang may 3-5 milyong
taon na ang mga labi nito

8
Homo Habilis
Pinaniniwalaang nakagagawa ng kasangkapang
yari sa magagaspang na bato ang unang ginamit ng
isang pangkat ng nilikha na may pagkakahawig sa
tao.

Homo Erectus
Tinatayang pinakadirektang
ninuno ng uri ng Homo Sapiens.
Ang mga katangian nito ay
nahahawig sa tao. Nakalalakad
ito nang tuwid, nakagagawa ng
gamit yari sa bato, marunong
gumamit ng apoy, mangaso, at
mangisda. Nabuhay ang mga ito
may 500,00 taon na ang
nakalipas. Sa Asia, Africa, at
Homo Habilis Europe ay may natagpuan na
mga labi ng Homo Erectus.

Homo Erectus

Ang mga Uri ng Homo erectus

Taong Java Taong Peking


(Pithecanthropus erectus) (Sinanthropus Pekinesis)
Isang doktor at antropologong Noong 1929 sa Choukoutien,
Olandes sa Trinil, Java sa Indonesia China, natuklasan ng isang pangkat
na si Eugene Dubois ang nakatagpo ng mga arkeologong Tsino ang
sa labi na may taas na 1.5 metro. bungo ng Taong Peking. May taas
Ipinagpapalagay na nakapaglalakad na humigit kumulang sa limang
ito nang tuwid, at may uak na halos talampakan at nakalalakad nang
kasinglaki sa kasalukuyang tao. tuwid. May utak na hawig sa
kasalukuyang tao.

9
Ayon sa mga eksperto, nasa Lambak ng Cagayan ang tinatayang
pinakamatandang ebidensiya ng tao sa Pilipinas. Ito ay mga teorya ukol sa
pinagmulan ng tao sa Pilipinas batay sa pananaliksik ng mga siyentipiko,
antropologo, at mananalaysay. Ngunit wala pang natutuklasang labi o kalansay ng
mga nasabing tao. Ang mga kagamitang yari sa bato at mga labi ng hayop katulad
na lamang ng mga elepante, stegodon, rhinoceros, buwaya, at malaking pawikan
ang nahukay lamang sa Cagayan.

Homo Sapiens
Sa mga pag-aaral na isinagawa, natuklasan na
mataas na antas ng pag-iisip ng mga Homo Sapiens.
Kasama ang kanilang pamilya, namuhay sila sa mga
kuweba. Naglilibing ng patay at nakagagawa ng mga
simpleng kasangkapan. Maipagmamalaki rin ng
pangkat ang kanilang primitibong sining at relihiyon.
Batay sa nahukay na labi, ang pangkat na ito ay
mayroong malaking utak, maliliit na ngipin, malaking
binti, at higit na nakatatayo nang tuwid kaysa ibang
pangkat ng tao.

Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Nakapaloob sa panahong prehistoriko ang mga pangyayari bago nakatagpo


ng mga tala sa kasaysayan o hindi pa nasusulat ang kasaysayan at panahong
historiko naman ang mga pangyayaring naganap matapos magkaroon nang
sistema ng pagsusulat. Dumaan sa iba’t ibang yugto ng pagbabago ang kultura ng
tao. Ang mga kasangkapan ng iba’t ibang lugar sa iba’t ibang panahon ang
patunay nito. Ang kalinangan, paniniwala, at pag-uugali ng isang pangkat ng mga
tao ay tinawag na kultura. Tinawag na Panahon ng Bato at Panahon ng Metal ang
paghahati sa dalawang panahon. Ito ang yugto ng pagbabago ng kultura noong
panahon ng prehistoriko o panahon na wala pang nakasulat sa kasaysayan..

10
Panahong Paleolitiko Lower Paleolithic Period
(dakong 2,500,000 – 10,000
B.C.E)  Nagwakas dakong 120,000 taon na
ang nakararaan
 Tinatawag ding “Panahon ng  Pinakamaagang pananatili ng tao sa
Lumang Bato” daigdig
 (Old Stone Age)  Hindi pa lumilikha ng mga
 Nagmula ang Paleolitiko sa mga kasangkapan
katagang paleos o matanda at  Ang Homo habilis ay nanga-
lithos o bato ngahulugang able man o handy
 Pinakamahabang yugto sa man dahil sila ang unang species
kasaysayan ng sangkatauhan ng hominid na marunong gumawa
 Maiuugat sa pagsisimula ng ng kagamitang bato.
paggamit ng kasangkapang bato  Sinundan ng mga Homo erectus
ng mga hominid. nang higit na may kakayahan sa
 Unang gumamit ng apoy at paggawa ng kagamitang bato.
nangaso ang mga sinaunang tao.

Middle Paleolithic Period Upper Paleolithic Period

 Dakong 120,000 – 40,000 taon  Dakong 40,000 – 8500 taon ang


ang nakararaan nakararaan.
 Paglitaw ng makabagong tao  Nagkaroon na ng mga unang
noong 100,000 taon ang pamayanan sa anyong mga
nakalilipas. campsite na kadalasang matatag-
 Umusbong ang pagiging artis- puan sa mga lambak.
tiko ng mga tao sa pagpipinta sa  Ang mga Taong Neanderthal ay
katawan at pagguhit sa bato nawala sa panahong ito at napa-
 Nabuhay ang taong Neanderthal litan ng mga Taong Cro-Magnon.
na natuklasan sa Germany ang  Lumitaw ang mga komplikadong
mga labi. pagpapangkat sa lipunan.

Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species sa ebolusyon ng tao, ang


Homo Sapiens Neanderthalensis. May mga patunay na may kaalaman ang
Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng sining
ng pagpipinta sa kuweba.

Homo Sapiens
Cro-Magnon
Neanderthal Ensi

11
Panahong Neolitiko  Kilala ang panahong ito sa
(dakong 10,000 BCE – 4000 B.C.E) paggamit ng makikinis na
kasangkapang bato, perma-
 Ang huling bahagi ng Panahong nenteng paninirahan sa
Bato ay tinatawag na Panahong pamaya-nan, pagtatanim,
Neolitiko (Neolithic Period) o paggawa ng palayok at
Panahon ng Bagong Bato (New paghahabi.
Stone Age) na  Naganap sa panahong ito ang
 hango sa mga salitang Greek na Rebolusyong Neolitiko o
neos o “bago” at lithos o “bato.” Sistema-tikong pagtatanim.
 Ang terminong neolitiko ay  Isa itong rebolusyong agrikul-
ginagamit sa arkeolohiya at tural sapagkat natustusan na
antropolohiya upang italaga ang ang pangangailangan sa
isang antas ng ebolusyong pagkain.
pangkalinangan o pagbabago sa  Ito rin ang nagbigay-daan sa
pamumuhay at teknolohiya. permanenteng paninirahan sa
isang lugar upang alagaan ang
mga pananim

 Catal Huyuk – Isang pamaya-


nang Neolitikong matatagpuan
sa kapatagan ng Konya ng
gitnang Anatolia (Turkey
ngayon).
 Isang pamayanang sakahan

 May populasyong mula 3000 –


6000 katao.
 Magkakadikit ang mga
dingding ng kabahayan at ang
tanging pasukan ng isang
bahay ay mula sa bubungan
pababa sa hagdan.
Inililibing ang mga yumao sa
loob ng kanilang bahay.
May paghahabi, paggawa ng
mga alahas, salamin, at
kutsilyo.

12
Panahong Metal
(4000 B.C.E–Kasalukuyan)

Panahon ng Tanso

 Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin
ang paggamit sa kagamitang yari sa bato.
 Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 B.C. sa ilang lugar sa Asya, at
2000 B.C.E. sa Europe at 1500 B.C.E. naman sa Egypt
 Nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari
sa tanso.

Panahon ng Bronse

 Naging malawakan na noon ang paggamit ng


bronse nang matuklasan ang panibagong paraan
ng pagpapatigas dito.
 Pinaghalo ang tanso at lata (tin) upang makagawa
ng higit na matigas na bagay.
 Iba’t ibang kagamitan at armas ang nagagawa
mula sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo,
punyal, martilyo, pana, at sibat
 Sa panahong ito natutong makipagkalakalan ang
mga tao sa mga karatig-pook

Panahon ng Bakal
 Natuklasan ang bakal ng mga Hittites, isang
pangkat ng Indo- Europeo na nanirahan sa
Kanlurang Asya dakong 1500 B.C.E.
 Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng
bakal.
 Matagal nilang pinanatiling lihim ang
pagtutunaw at pagpapanday ng bakal.
 Nang lumaon, lumaganap ang paggamit ng bakal
sa iba pang kaharian.

13
Pagyamanin

Gawain 1: SURI-HAYAG
Suriin ang pahayag at sagutin ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

“It is not the strongest of the species


that survives, nor the most intelligent,
but the one most responsive change. In
the struggle for survival, the fittest win
out at the expense of their rivals
because they succeed in adapting
themselves to their environment” –
Charles Darwin

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kaugnayan nito sa patuloy na pagtatagumpay sa buhay ng tao?


2. Ano ang iyong paninindigan tungkol sa inihayag ni Darwin?

Gawain 2: K-W-H-L Chart


Punan ang hinihinging impormasyon gamit ang K-W-H-L Chart ukol sa kondisyong
heograpikal sa panahon ng mga sinaunang tao sa Daigdig. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

K Ano-ano ang
nalalaman ko?
W Ano-ano ang
gusto ko pang
H Paano ko pa
ito
L Ano-ano ang
natutunan
malaman? matutunan? ko?

14
Gawain 3: Likha Info-Cinemaposter
Ipagpalagay na ikaw ay isang direktor. Gamit ang mga natutuhang kaalaman sa
aralin, lumikha ng isang Info-cinemaposter. Ang lilikhaing Info-cinemaposter ay
magpapakita ng pamumuhay ng sinaunang tao sa daigdig. Mamarkahan ang Info-
cinemaposter gamit ang kasunod na rubrik.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Info-Cinemaposter

Pamantayan Natatangi Mahusay May Kakulangan


5 puntos 3 puntos 1 puntos
Ang nabuong Info- Ang nabuong Info- Ang nabuong Info-
cinemaposter ay cinemaposter ay cinemaposter ay
Impormatibo/ nakapagbigay ng nakapagbigay ng kulang sa sapat na
Praktikalidad kumpleto, wasto at wastong impormasyon
mahalagang impormasyon
impormasyon
Ang pagkakadi- Ang pagkakadi- Ang pagkakadi-
senyo ng Info- senyo ng Info- senyo ng Info-
Malikhain cinemaposter ay cinemaposter ay cinemaposter ay
napakahusay mahusay may kakulangan
Ang Info-cinema- Ang Info-cinema- Ang Info-cinema-
poster ay nagpapa- poster ay nagpapa- poster ay nagpapa-
kita ng makatoto- kita ng ilang kita ng iilang
hanang paraan ng paraan ng pangyayari. Ang
pagpapahalaga. pagpapahalaga. nilalaman nito ay
Katotohanan Ang nilalaman nito Ang nilalaman nito walang dating sa
ay may bisa/dating ay may dating sa madla.
sa madla. madla.

Gawain 4: Anong Yugto Ito? Tukuyin Mo!


A. Piliin ang HINDI kabilang sa pangkat. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Homo sapiens
A. Taong Cro-Magnon C. Taong Neanderthal
B. Taong Java D. Taong Tabon
2. Lugar kung saan natagpuan ang mga sinaunang tao
A. Afar, Ethiopia C. Java, Indonesia
B. California, United States D. Olduvai, Tanzania
3. Hominid
A. Australopithecus Africanus C. Ramapithecus
B. Australopithecus Robustus D. Zinjanthropus
4. Yugto ng ebolusyon
A. Hominid C. Homo erectus
B. Homo Africanus D. Homo sapiens
5. Cro-Magnon

15
A. may saplot sa katawan
B. may kaalaman sa pagguhit
C. may taas na higit sa limang talampakan
D. natagpuan ni Eugene Dubosis ang labi
B. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong pagkaunawa sa
aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ano-ano ang pagbabago sa apat na yugto ng ebolusyon?

Paano nakaapekto ang heograpiya sa panahon ng mga


unang tao

Paano nagagamit sa kasalukuyan ang mga pagbabago sa


ebolusyong kultural?

Gawain 5 Espada ng Karunungan


Pumili ng limang pagbabago sa teknolohiya mula sa Panahong Paleolitiko tungo sa
Panahong Metal. Sa bawat pagbabago, tukuyin ang mga naging epekto nito sa
kasalukuyan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sanhi

Epekto
Gawain 6: Anong Yugto Ito? Tukuyin Mo!
Tukuying kung anong panahon nabibilang ang bawat kagamitan, gawain,
pamamahala, pananamit. Isulat ang P kung ito ay paleolitiko, MS kung mesolitiko,
N kung neolitiko, at MT kung metal. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. pagkahilig sa karne


_____2. microliths
_____3. Tribal
_____4. hinabing tela
_____5. pagtatanim
_____6. Hittites
_____7. araro
_____8. lungsod-estado
_____9. pakikipagkalakalan
_____10. kweba
_____11. Persian Silver Cup
_____12. palayok

16
_____13. sa yungib nakatira
_____14. pag-aalaga ng aso
_____15. gumamit ng apoy

Isaisip

Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong


prehistoriko. Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang mga unang tao ay produkto ng ebolusyon ayon kay _____________.


Ayon sa teorya ng ebolusyon, ang tao ay umunlad mula sa Hominid tungong
___________. Ang pangkat na nagtagumpay na makiayon sa kanilang ___________
at nagawang harapin ang mga_________________noong sinaunang panahon ang
siyang natira.

Ang mga sinaunang tao ay nagdaan sa iba’t-ibang yugto ng pag-unlad; ang


Panahong Paleolitiko, Panahong Mesolitiko, Panahong ____________, at Panahon
ng ____________.

Isagawa

Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Paano mapahahalagahan ang mga nagawa ng tao sa yugto ng pag-unlad ng


kultura sa panahong prehistoriko?

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito
sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang naiwan na mahalagang impormasyon noong Panahon ng Metal na may


kinalaman sa pagsulat?
A. mga kalansay
B. mga relika at artifacts
C. ebidensyang pangkasaysayan
D. batayang kultura

17
2. Ang Panahon ng Bato ay panahon ng mahahalagang tuklas tulad ng mga
kagamitan, armas, at paggamit ng apoy. Sa anong panahon ito kaugnay?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Mesolitiko
B. Panahong Neolitiko D. Panahong Metal
3. Ano ang isang patunay na nagpapatuloy pa rin ag pag-unlad ng tao mula noon
hanggang ngayon batay sa aspektong pangkabuhayan?
A. Mula sa paggamit ng kasangkapang bato, naging makabago ang
kasangkapan ng kasalukuyan.
B. Mula sa pagiging nomadiko, nakapagtatag ang mga makabagong tao ng
mataas na antas ng kultura.
C. Mula sa pangangaso at pag-aalaga ng hayop, nakinabang ang mga
sinaunang tao dahil napabuti ang kanilang kabuhayan.
D. Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa limitadong lugar,
naging pandaigdigan ang transaksiyon sa pagkuha ng mga
pangangailangan at sa hanapbuhay.
4. Sino ang nakatuklas sa Hominid na pinangalanang “Lucy”?
A. Charles Darwin C. Raymond Dart
B. Donald Johanson D. Richard Leakey
5. Ano ang tawag sa bungong kahawig ng sa modernong tao?
A. australopithecine C. homo erectus
B. dryopithecine D. ramapithecine
6. Alin sa mga sumusunod ang akda ni Charles Darwin?
A. bipedalismo C. Origin of the Species
B. natural selection D. stereoscopic vision
7. Ano ang pinakaunang uri ng kanunu-nunuan ng mismong tao?
A. australopithecine C. homo erectus
B. dryopithecine D. ramapithecine
8. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang
panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging
hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko
9. Alin sa sumusunod ang may wastong pagkakasunod-sunod ng prosesong
naganap sa mga sinaunang tao sa Panahong Prehistorya?
I. agrikultura III. labis na pagkain
II. kalakalan IV. pangangaso

A. IV, I, III, II C. IV, I, II, III


B. II, I, IV, III D. I, II, III, IV
10. Ano ang kahulugan ng salitang “lithos”?
A. apoy C. halaman
B. bato D. tao
11. Ano ang tawag sa pinaghalong tanso at lata upang makagawa ng matigas na
bagay?
A. bakal C. ginto
B. bronse D. pilak
12. Anong pangkat ng Indo-Europeo na nanirahan sa Kanlurang Asya ang
nakadiskubre ng bakal?
A. Barbarians C. Hittites
B. Elamites D. Kissites
13. Ayon sa mga eksperto, saan matatagpuan ang tinatayang
pinakamatandang ebidensya ng tao sa Pilipinas?
A. Lambak ng Alan C. Lambak ng Compostela

18
B. Lambak ng Cagayan D. Lambak ng Trinidad

14. Ano ang itinuturing na mga unang hayop na may taglay na katangian na
matigas na kaliskis o butong tumatakip sa katawan tulad ng buwaya, pagong,
at butiki?
A. dinosaurs C. mammals
B. amphibians D. reptiles
15. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang kultura ng sinaunang tao ay
dumaan sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad?
A. natuklasan ang mga labi ng kasangkapan sa iba’t ibang lugar
B. natuklasan ang iba’t ibang uri ng sandata
C. may mga sining ng sinaunang tao na natagpuan sa yungib
D. may natuklasang fossil ng mga sinaunang tao

Karagdagang Gawain

Gumawa ng survival plan ayon sa mga napag-aralan sa modyul na ito.


Ilista ang mga mahahalagang bagay na iyong dadalhin sa oras na ikaw ay
mangailangan, mga taong malalapitan, lugar na pwedeng mapuntahan, at
mga inobasyon na maaring gawin upang ikaw ay makaayon sa kapaligiran.
Maaaring gumamit ng graphic organizer sa pagsagot ng iyong gawain. Ilagay
ang ito sa iyong sagutang papel.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Survival Plan

Natatangi Mahusay May Kakulangan


Pamantayan
5 puntos 3 puntos 1 puntos
Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
survival plan ay survival plan ay survival plan ay
Impormatibo/ nakapagbigay ng nakapagbigay ng kulang sa sapat
Praktikalidad kompleto, wasto at wastong na impormasyon
mahalagang impormasyon
impormasyon
Ang Ang Ang
pagkakadisenyo ng pagkakadisenyo pagkakadisenyo
Malikhain
survival plan ay ng survival plan ng survival plan ay
napakahusay ay mahusay may kakulangan

19
Ang survival plan ay Ang survival plan Ang survival plan
nagpapakita ng ay nagpapakita ay nagpapakita ng
makatotohanang ng ilang paraan ng iilang pangyayari.
paraan ng pagpapahalaga. Ang nilalaman
Katotohanan pagpapahalaga. Ang Ang nilalaman nito ay walang
nilalaman nito ay nito ay may dating dating sa madla.
may bisa/dating sa sa madla.
madla.

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN Assessment 1 Assessment 2


1. A 9. B 1. D
2. D 10. C Batay sa sariling 2. B
3. C 11. C pagkaunawa ng mag-aaral 3.D
4. A 12. B ang kasagutan 4.B
5. A 13. A 5.D
6. A 14. C Activity 2
7. A 15. C Batay sa sariling
8. B Batay sa sariling
pagkaunawa ng mag-aaral
pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan
Activity 1 ang kasagutan
Batay sa sariling Activity 3
pagkaunawa ng mag-aaral Batay sa sariling
ang kasagutan pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan

TAYAHIN
1. D 9. C
2. A 10. B
3. D 11. B
4. B 12. B
5. A 13. B
6. C 14. D
7. B 15. B
8. D

KARAGDAGANG GAWAIN

Batay sa sariling
pagkaunawa ng mag-aaral
ang kasagutan

20
Assessment 3 ISAGAWA
1. MS 11. MT
2. N 12. N Batay sa sariling
3. P 13. P pagkaunawa ng mag-aaral
4. N 14. MS/N ang kasagutan
5. N 15. P
6. MT
7. N
8. N
9. N
10.P

ISAISIP
-Charles Darwin
-Homo Sapiens
-kapaligiran, hamon ng
sitwasyon
-Neolitiko, Metal

Sanggunian

Antonio, Eleanor D. et al. Kayamananan (Kasaysayan ng Daigdig). (2017). Rex Book


Store, Inc., 856 Nicanor Reyes sr. St., Sampaloc, Manila

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling


Panlipunan. Deped Learning Portal https://lrmds.deped.gov.ph/
detail/18275

Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng Mag-aaral (2014)


Department
of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex
Meralco Avenue, Pasig City.

Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 2 Mga Unang Tao sa Daigdig
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6038

Tiamson, Juan Alvin B. Ang Ating Daigdig: Kasaysayan, Pagsulong, at


Pag-uugnayan. (2007). St. Augustine Publications. Inc. España cor. Don
Quijote st., Sampaloc, Manila

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like