You are on page 1of 34

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 4:
Ang Yamang Likas at Ang
Pamumuhay ng mga Asyano
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V
Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Queenza D. Villareal / Jocelyn D. Flores / Reysielyn E. Santos
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD/
Benedict Viola/Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: Queenza D. Villareal
Tagalapat: John Eric B. Calderon / Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

ii
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 4
Ang Yamang Likas at Ang
Pamumuhay ng mga Asyano

III
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay
ng mga Asyano.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

IV
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

V
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

VI
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan- Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

 Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang-likas ng


mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:


 Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. naisasalaysay ang epekto ng kapaligirang pisikal sa pag-unlad ng
pamumuhay sa Asya;
2. nasusuri ang ugnayan ng kapaligirang pisikal at pamumuhay ng mga
Asyano; at
3. natatalakay ang paraan ng paggamit ng mga Asyano sa likas na yaman sa
kanilang pamumuhay noon at ngayon.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang
maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang
konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing
pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito.
Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na
gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

1
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan nang wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Pinakamalaking kontinente sa daigdig ang Asya. Ano-ano ang mga likas na


yaman na bumubuo sa Asya?
A. kagubatan at yamang mineral
B. yamang-lupa at yamang tubig
C. yamang tubig, lupa, mineral at kagubatan
D. yamang lupa, tubig at mineral

2. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bulubunduking lugar. Alin sa mga


sumusunod ang yamang mineral ang matatagpuan sa nasabing rehiyon?
A. tanso at uranium
B. tanso, phosphate at natural gas
C. langis at natural gas
D. tungsten, tinga at tanso

3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging bunga ng hindi tamang paglinang
at pangangalaga ng likas na yaman?
A. Pagkakaroon ng masaganang hanapbuhay.
B. Uunlad ang ekonomiya ng bansa.
C. Hindi matutugunan ang pangangailangan ng tao.
D. Mapapaunlad ang sistema ng agrikultura.

4. Katatagpuan ng malawak na damuhan ang Hilagang Asya. Ano ang maaaring


maging hanapbuhay ng mga naninirahan sa nasabing rehiyon?
A. pangingisda
B. pangangaso
C. pagmimina
D. pagtatanim ng iba’t ibang punong kahoy

5. Mayroong tatlong uri ng yamang mineral sa Tajikistan. Alin sa mga sumusunod


ang HINDI kabilang sa yamang mineral ng Tajikistan?
A. industriyal na di-metal
B. industriyal na metal
C. mineral na panggatong
D. metalikong mineral

2
6. Bawat rehiyon ng Asya ay may taglay na yamang likas. Anong rehiyon ng Asya
ang may kakayahang magluwas ng liquefied gas sa iba’t ibang panig ng mundo?
A. Kanlurang Asya
B. Timog Asya
C. Silangang Asya
D. Hilagang Asya

7. Ang mga tao ay itinuturing na yaman ng kanyang bansa. Ano ang maaaring
maging epekto ng patuloy na paglaki ng populasyon sa Asya?
A. Hindi matutugunan ang pangangailangan ng tao.
B. Babagsak ang ekonomiya ng bansa.
C. Maraming mawalan ng hanapbuhay ang tao.
D. Lahat ng nabanggit

8. Kilala ang rehiyon ng Silangang Asya sa husay sa paggawa ng mga kagamitang


elektroniko. Alin sa mga sumusunod na bansa ang tinaguriang World’s Leading
Industrial Power?
A. Taiwan
B. China
C. North Korea
D. Japan

9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sistemang pang-irigasyon, paggamit


ng iba’t ibang butil at makabagong abono?
A. Land Reclamation Schemes
B. Land Reform Schemes
C. Land Contribution Schemes
D. Land Donation Schemes

10. Ang bawat rehiyon ng Asya ay nagsusumikap na mapataas ang antas ng


kanilang ekonomiya. Kinikilala ang rehiyong ito sa Asya bilang Rising
Economy?
A. Silangang Asya
B. Timog-Silangang Asya
C. Hilagang Asya
D. Kanlurang Asya

11. Sagana ang Kanlurang Asya sa yamang mineral. Anong bansa mula sa nasabing
rehiyon ang may ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong mundo?
A. Saudi Arabia
B. Dubai
C. Qatar
D. Lebanon

12. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang produkto ng Yemen?


A. langis
B. bulak
C. gas
D. palay

3
13. Sa pamamagitan ng pagsasaka, natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Gayundin, nagkakaroon sila ng mga produktong panluwas. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. Kinakailangang gumamit ng makabagong antas ng teknolohiya upang mas
higit na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng tao.
B. Mahalagang pangalagaan ang likas na yaman upang mapanatiling sagana
sa pagkain at iba’t ibang produkto ang mga Asyano.
C. Hindi makararanas ng pagkagutom ang mga Asyano.
D. Magiging mayaman ang Asya.

14. Ang palay ang pangunahing pananim sa maraming bansa sa Timog-Silangang


Asya. Bakit ito itinuturing na mahalagang butil-pananim?
A. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
B. Maraming matatabang lupa at bukirin ang angkop sa pagtatanim nito.
C. Pamalit ito sa mga butil ng mais, barley at trigo.
D. Maraming panluwas na produkto ang galing sa palay.

15. Ang sektor ng agrikultura ay maraming halaga sa isang bansa. Alin sa mga u
sumusunod ang HINDI kabilang dito?
A. Pinagkukuhanan ito ng hilaw na materyales.
B. Nagbibigay ng hanapbuhay sa tao.
C. Nagkakaroon ng sigalot sa magsasaka at sa may-ari ng lupa.
D. Pinagkukuhanan ng kitang panlabas.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay


madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

4
Aralin
Ang Mga Yamang Likas at Ang
1 Pamumuhay ng mga Asyano

Sa ika-apat na bahagi ng modyul na ito ay pag-aaralan


natin ang mga yamang likas ng Asya at ang kaugnayan nito
sa sa pamumuhay ng mga Asyano. Sa naunang aralin ay
ipinakilala ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
Ngayon naman ay ang epekto ng likas na yaman sa
pamumuhay ng mga Asyano.

Balikan

Bago ka magtungo sa susunod na aralin sa modyul na ito ay ating balikang


muli ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing nasa ibaba.

Gawain Blg. 1: MAYAMAN ang ASYA!

Gamit ang mapa, punan mo ang mga kahon ng limang halimbawa ng mga
katangi-tanging likas na yaman na matatagpuan at sagana sa bawat rehiyon ng
Asya. Sagutin mo rin ang mga gabay na tanong na nakapaloob sa gawaing ito.

HILAGANG ASYA

KANLURANG
ASYA
SILANGANG
ASYA

TIMOG ASYA

TIMOG-SILANGANG ASYA

5
Sagutin mo ang mga sumusunod:
1. Ipaliwanag mo kung ano-ano ang pagkakatulad ng mga likas na yamang taglay
ng bawat rehiyon sa Asya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Paano nagkaiba-iba ang mga likas na yamang taglay ng bawat rehiyon sa Asya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Sa kabuuan, papaano mo mailalarawan ang likas na yamang taglay ng Asya


bilang pinakamalaking kontinente sa mundo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Tuklasin

Ang mga bagay na likas na makikita sa ating kapaligiran tulad ng


kalupaan, katubigan, malalawak na kagubatan, mga hayop, mineral at
iba pang mga katulad nito ay maituturing na yamang-likas sa isang
lugar. Kung hindi sa yamang taglay ng kapaligiran, ano kayang uri ng
pamumuhay mayroon tayo? Paano kaya tayo makagagawa ng mga
produkto at kagamitan natin sa araw-araw? Uunlad kaya ang paraan ng
ating pamumuhay?

Ang mga bagay na likas na makikita sa ating kapaligiran tulad ng kalupaan,


katubigan, malalawak na kagubatan, mga hayop, mineral at iba pang mga katulad
nito ay maituturing na yamang-likas sa isang lugar. Kung hindi sa yamang taglay
ng kapaligiran, ano kayang uri ng pamumuhay mayroon tayo? Paano kaya tayo
makagagawa ng mga produkto at kagamitan natin sa araw-araw? Uunlad kaya ang
paraan ng ating pamumuhay?

Ating bibigyan ng mga kasagutan ang ilan sa mga katanungang ito sa


pamamagitan ng pag-aaral at pagsasagot sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na
ito.

6
Gawain Blg. 2: Kaya Kong Iugnay! (Pagsusuri ng Diagram)

Suriin mo ang mga larawan at alamin ang nais na ipahiwatig ng diagram na


nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na katanungan para sa
gawaing ito.

A B

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang ipinapahiwatig ng unang pangkat (A) ng mga larawan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano naman ang ipinapahiwatig ng ikalawang pangkat (B) ng mga larawan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Paano kaya nagkakaugnay ang ipinapakita ng dalawang pangkat ng larawan sa
bawat isa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Nagiging mahalagang salik ba ang mga bagay na nakukuha ng tao sa kapaligiran
upang magkaroon ng pagbabago sa pamumuhay sa paglipas ng panahon?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

7
Suriin

Ang mga bansa sa Asya ay nagpakita ng kahusayan sa iba’t ibang larangan


tulad ng agrikultura, ekonomiya at kultura. Kaya naman sa pagdaan ng panahon ay
unti-unting nakikita ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay gamit ang kani-
kanilang likas na yamang taglay. Ang mga yamang-likas na ito ay nagbigay ng hilaw
na materyales na maaaring iproseso upang maging panibagong produkto na
nakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Asyano. Kung iyong
matatandaan sa nakaraang modyul, natuklasan mo na hindi magkakamukha ang
mga likas na yamang taglay ng bawat rehiyon sa Asya sapagkat ito ay nakadepende
sa heograpiya o katangiang pisikal na taglay nito.

Gamit ang mga bagay na natutuhan mo tungkol sa likas na yaman ng Asya,


atin naman ngayong aalamin at mas uunawain ang implikasyong nadudulot ng mga
ito sa pamumuhay ng mga Asyano. Ang mga ito ay nakaaapekto sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay ng mga Asyano kagaya ng agrikultura, ekonomiya,
panahanan at kultura.

Sa bahaging ito ng modyul, ay ating susuriin sa kung papaano na


nakakaapekto ang likas na yaman ng Asya sa pamumuhay ng mga Asyano at ang
implikasyon nito sa mga larangan tulad ng agrikultura, ekonomiya at panahanan.

IMPLIKASYON NG LIKAS YAMAN SA PAMUMUHAY


NG MGA ASYANO
Ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang anyong
lupa, anyong tubig, anyong gubat at mineral na lubos na nakaaapekto sa takbo ng
pamumuhay ng mga Asyano. Bukod sa naging panirahan ng tao, ang anyong lupa
ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kultura at pamumuhay ng mga tao.
Ang mga bulubundukin ay nakatulong upang maging tanggulan o idepensa ng isang
lugar laban sa mga mananakop at harang sa malalakas na bagyo. Ang ilang mga
disyerto, baybay-gilid at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay
nagtataglay ng samut-saring yamang mineral, mga metaliko, di-metaliko, at gas.

Ang bundok at gubat ay naging panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife.


Ito rin ay nagbibigay ng mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na
materyales. Ang kapatagan at mga lambak naman ay binubungkal, sinasaka at
nililinang ng tao para sa mga pananim. Ang mga damuhan at mga burol ay
ginagawang pastulan na nakatutulong sa pagtustos sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang paggamit ng tao sa iba’t ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-
ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.

8
Katulad sa sinaunang kabihasnan, ang mga anyong tubig tulad ng lawa at
ilog ay pinagkukuhanan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na
gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga sakahan at
taniman, daanan ng mga transportasyong pantubig, kalakalan at pinagkukuhanan
ng mga pagkain at mga palamuti.

AGRIKULTURA
Ang agrikultura ay isang napakahalagang
sektor sa isang bansa dahil ito ang nagbibigay ng
kabuhayan sa maraming mamamayan. Ang pagkain
at ilang produktong panluwas ay nagmumula sa
pagsasaka. Ang mga Asyano ay may organisadong
irigasyon, may malawakang kultibasyon ng lupain,
paggamit ng araro at pagkakaroon ng
espesyalisadong mga maggagawa sa ilalim ng
burokratikong kontrol. Sa paglaki ng produksyon,
ang ilang kompanya ay gumagamit ng makabagong
makinarya upang mapabilis at maparami ang
produkto. Katuwang ito ng pamahalaan sa pagtugon
ng pangaingailangan ng mamamayan.

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA SA BANSA


 Pinagkukuhanan ng kitang-panlabas.
 Pangunahing nagbibigay trabaho sa mamamayan.
 Pinagkukuhanan ng hilaw na materyal para makabuo ng bagong produkto.

EKONOMIYA

Ang likas na yaman ang naging susi sa pag-


unlad ng ekonomiya ng mga bansa sa Asya. Ang
ekonomiya ay sumasagot sa tanong na, paano
tutugunan ng pamahalaan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao? Ang
bansa sa Asya ay unti-unting umunlad gamit ang
kani-kanilang likas na yaman na ginawang panustos
sa materyales na kailangan sa mga pagawaan. Ang
ilang salat sa likas yaman ay umaangkat at
nakikipagpalitan ng hilaw na materyales sa ibang
bansa upang tugunan ang kanilang pangangailangan
sa produksyon. Nakatutulong nang higit ang
makabagong teknolohiya sa pagtaas ng pambansang
kita na nakabubuti sa pamumuhay ng mga mamamayan.

9
PANAHANAN
Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay
nakaaapekto nang lubos sa likas na yaman. Ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao ay walang
hanggan ngunit ang pinagkukunan ng yaman ay
limitado lamang. Sa katunayan, ang populasyon ng
Asya ay mabilis na lumolobo ngunit ang lupa ay
mananatili sa sukat nito. Samakatuwid, lumiliit ang
espasyo ng lupa para sa panahanan ng mga tao. Kung
kaya’t ang ilan ay isinagawa ang land conversion na
nakapagdudulot ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop. Ginagamit ng tao ang
espasyo ng panirahan na dapat lamang ay para sa mga hayop. Dahil sa talino ng
mga tao sa kasalukuyan at bunga ng teknolohiya, nakakayang baguhin ang
kakayahan ng lupa at kanilang kapaligiran.

Ngayon ay nalaman mo na kung saan sa mga pangunahing larangan ng


pamumuhay ng mga Asyano nagkakaroon ng implikasyon ang likas na yaman. Sa
puntong ito, atin namang suriin ang implikasyon ng agrikultura, ekonomiya at
panahanan sa pamumuhay ng mga Asyano. Gamit ang mga impormasyong nakatala
sa mga sumusunod na smart art graphic organizer na magbibigay ng mas malalim
na pag-unawa sa pag-angkop ng bawat rehiyon sa Asya upang matamasa ang pag-
unlad sa kanilang pamumuhay. Unawaing mabuti ang mga impormasyon upang
masagutan at maisagawa mo ang mga gawain na kaugnay nito.

HILAGANG ASYA

Itinuturing na sentro ng agrikultura sa rehiyong ito ang Fergana


Triangle at ang lambak ng Chui River. Ito ay kilala rin sa
pagkakaroon ng masagana at mayamang lupain. Ang Syr Darya
River at Amu Darya River naman ang pinagmumulan ng koryente
Agrikultura sa malawak ng lupain ng rehiyon. Samantala, ang kagubatan ng
Alpine naman ang sumusustento sa pangangailangan ng mga
alagang hayop. Sa ilang bansanaman sa Hilagang Asya ay
pagtatanim ng palay, trigo, barley, bulak, tabako, sugar beets,
sibuyas, ubas, at mansanas ang kanilang ikinabubuhay.

Maliban sa produktong agrikultural, kilala ang rehiyong ito na


mayaman sa mga mineral tulad ng krudo, iron ore, petrolyo, at
natural gas. Itinuturing din ang rehiyong ito na pangwalo sa
pinakamalaking prodyuser ng ginto at kemikal sa buong mundo,
Ekonomiya
sapagkat ito ay sagana sa yamang-mineral. Sa rehiyong ito rin
matatagpuan ang pinakamalaking minahan sa buong mundo, ang
Muruntau Gold Mine na matatagpuan sa disyerto ng Qyzylqum,
Uzbekistan.

10
Ang Kazakhstan ang may pinakamalaking paglobo ng populasyon
sa daigdig na may bilang na halos 90, 000.

Ang tirahan ng mga tao sa rehiyong ito ay tinatawag na Yurts na


Panahanan animo tolda na madaling itiklopsa sandaling kailangang ilipat ng
lugar upang makapanginain ang kanilang mga alagang hayo.
Samantala, ang mga nasa pook-urban naman ay nananahan sa
pabahay na gawa sa modernong arkitektura.

Silangang Asya

Agrikultura
Ang mga lambak ilog ng China, ang Huang Ho at Yangtze, ay nakatulong sa
pag-unlad ng pagsasaka ng mga Tsino sapagkat ito ay nagbibigay ng
matabang lupa para sa pangunahing produkto ang trigo, palay, barley, bulak,
tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at patatas. Sa rehiyong ito ay ipinatupad
ang land reclamation shemes, sistemang irigasyon, paggamit ng iba’t ibang
uri ng butil at makabagong abono.

Ekonomiya
Sa rehiyong ito matatagpuan ang pinakamalaking tagapagtustos ng tungsten,
tin, antimony, zinc at iba pang metal at maging sa yamang hydropower.
Ilan sa mga bansang kilala rito ay sagana sa iba’t ibang likas na yaman tulad
ng:
 China- ito ay may langis at iba pang mineral nakaraniwang nagmumula
sa gitna at hilagang kabundukan nito.
 Taiwan-nakatulong ang wind at solar energy sa pag-unlad ng mga
industriyang panteknolohiya tulad ng gadget.
 Japan- naman ang naging kauna-unahang economic miracle sa rehiyon,
bagay na nagbigay-daan sa World’s Leading Industrial Power.
 South Korea- na naging maunlad sa produktong tela, plastic, abono, at
mga kagamitang elektroniko.
 North Korea naman ay nanguna sa mga produksyon ng graphite,
tungsten at magnesite.
 Mongolia- na mayaman sa mineral na ginto at wolfam.

Panahanan
Karaniwang magkakalapit na pamayanan at gawa sa luwad at adobe ang
tirahan ng mga magsasaka. Sa probinsya ng Sichuan, China, gawa sa
ladrilyo ang tirahan nakaraniwang nakatayo sa gilid ng bundok. Ang mga
Tsinong naghahanapbuhay sa lungsod ay naka-condominium. Samantala,
nomadic o walang permanenteng tirahan ang buhay sa hilagang bahagi ng
Xinjiang at Tian Shan. Sa mga Koreanong magsasaka, sila ay karaniwang
naninirahan sa Hilagang bahagi ng South Korea na nang naglaon at
nagsimula ang modernisasyon ay unti-unting lumipat sa lungsod upang
mag-aral at maghanapbuhay.

11
TIMOG – SILANGANG ASYA

Ang klimang monsoon ang nagbibigay ng higit na


masaganang produksyon ng bigas at iba pang produkto
sa mga bansa ng rehiyong ito. Halimbawa ang bansa ng
Agrikultura Indonesia na katatagpuan ng masaganang sakahan na
ikinabubuhay ng mga tao roon. Sa Malaysia, Thailand at
Cambodia naman matatagpuan ang malawak na
plantasyon ng goma.

Kinilala bilang Rising Tiger Economy o may


maunlad na ekonomiya sa mundo ang rehiyong ito.
Naging mahalagang produkto ng mga bansa rito ang
mga pampalasa tulad ng paminta, luya, bawang at
nutmeg. Samantala, 70% naman ng ekonomiya ng
Cambodia ay nakatuon sa paggawa ng mga kahoy na
pangkonstruksiyon.Mahalaga naman sa Malaysia ang
Ekonomiya
industriya ng timber samantalang, binigyang pansin ng
Laos ang industriyang handricraft. Ang Vietnam naman
ay kilala sa paggawa ng tela, electronics at sasakyan.
Samantala, nalinang ng Singapore ang kalakalang
extended entrepot na may kinalaman sa pagbili ng
hilaw na materyales mula sa ibang bansa. Ang bansang
ito ay kilala sa kasalukuyan bilang pinaka-
industriyalisadong bansa sa Timog-Silangang Asya.

Ilan sa mga bansa rito ay karaniwang gumagamit


ng prefabricated o pinagkabit-kabit na materyales sa
pagbuo ng panahanan. Ang tirahan ng mga
mangingisda na malapit sa tabing-dagat ay
sinusuportahan ng mga poste.
Panahanan Sa bansang Indonesia, ipinatupad ang
transmigration policy. Ito ay pagtugon ng kanilang
pamahalaan sa mga taong walang tahananna
naninirahan sa mga lugar na punung-puno ng tao. Sila
ay tutulungan ng pamahalaan na lumipat at magkaroon
ng bahay sa isang lugar na kakaunti ang mga tao.

12
TIMOG ASYA

Ang 80% ng populasyon ng Timog Asya ay umaasa sa


pagsasaka. Ang mga bansa na sakop nito ay umaani ng palay,
trigo, jute, tubo, mais, patatas, kamote.

Katulad sa Bangladesh, pinakamahalaga sa kanila ang sektor


Agrikultura ng agrikultura. Gayon din sa Bhutan at Nepal na pagsasaka
at paghahayupan ang pangunahing ikinabubuhay. Sa India
naman na tinaguriang Pusong Lupain ng India at kinilalang
pinagmulan ng sinaunang kabihasnan matatagpuan ang
malawak na lambak ng Indus, Ganges at Brahmaputra
nakabilang sa pinakamatabang kapatagang sakahan sa
daigdig.

Ang mga bansa sa rehiyong ito ay mayaman sa kagubatan.


Dito matatagpuan ang mga tanyag na teak wood at sandal
wood na gamit sa konstruksyon. Sa kabilang banda,
pumapang-apat sa buong daigdig ang India na nagtataglay
ng reserbang karbon. Ang Bangladesh naman ay mayaman
Ekonomiya
sa natural gas at karbon. Samantalang, ang Pakistan ay
nagtataglay ng natural gas, petrolyo, iron ore, tanso at
limestone. Sa Nepal naman matatagpuan ang maraming uri
ng calcium carbonate, hydropower, at gypsum. Ang
hydroelectric power ay lubos na nakatutulong sa mga bansa
tulad ng India, Pakistan, Bangladesh.

Ang panahanan at kultura ng mga bansa sa Timog Asya ay


naiuugnay sa uri ng klima at topograpiya sa rehiyon. Ang
mga panahanan ay karaniwang parihaba na gawa sa luwad,
kawayan, o pulang ladrilyo. Ang mga panahanang ito ay
kailangang mas mataas sa lupa o kalsada upang makaiwas
Panahanan sa baha. Sa mga pulo ng Maldives at Sri Lanka, ang mga
panahanang loob ay nakapagbibigay ng mas malamig na
pakiramdam. Sa Bhutan naman ay kinakailangan ng
tirahan na makatatagal sa mahaba at napakalamig na
klima. Samantala, ang Bangladesh ay nanatili sa rural na
uri ng buhay.

13
KANLURANG ASYA

• Sa rehiyong ito matatagpuan ang bansang Iran na


kilalang pinanggagalingan ng cereal, tubo, iba’t ibang prutas,
wheat at barley. Sa Armenia naman, 16% ng lupain ay
pawang sakahan at 10% ang lakas-manggagawang
magsasaka. Ang Azerbaijan ay 30% ang tinuturing na lakas
paggawa. Sa Turkey at Cyprus naman ay nakapagtatanim at
Agrikultura nakapag-aani ng mais, barley at bigas. Samantalang ang
Yemen ay may produktong millet, sorghum at sesame ngunit
bulak ang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat.

• Nakapagpoprodyus ng mga produktong dairy at


eksplorasyon ng mineral sa bansa at kilala sa pagluluwas ng
langis at natural gas. Dito kilala ang Saudi Arabia na pag-aari
ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong mundo.
Binigyang-pansin din ng Dubai sa United Arab Emirates ang
turismo, financing, manufacturing, at sektor ng serbisyo.
Ekonomiya Samantalang ang Qatar naman ang nanguna sa paglinang ng
knowledge economy na tumutukoy sa pagkilala at paggamit ng
teknolohiya sa paglilinang, pagbabahagi, at paggamit ng
kaalaman.

• Ang panahanan ng mga kawani ay gawa sa luwad


at semento. Samantalang, itim na tolda ng mga taong nomad
ang karaniwang makikita sa mga lugar na malapit sa I. Sa
Panahanan mabubundok naman na bansa ng Lebanon, ilang bahagi ng
Syria, Turkey, Iran at Iraq ay may mga panirahang gawa sa
malaking tipak na bato at semento.

14
Pagyamanin

A. I – Tseklist Mo!

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang mga rehiyon sa Asya na tinutukoy at


inilalarawan sa bawat bilang.

Timog Asya

Kanlurang
Silangang

Silangang
Hilagang

Timog-
Asya

Asya

Asya

Asya
Paglalarawan

1. Ang rehiyong ito ay kilala bilang “rising tiger


economy”.
2. Ang rehiyong ito ay mayaman sa deposito ng
langis.
3. Lubos na nakatutulong ang hydroelectric
power sa pamumuhay ng tao sa mga bansa
tulad ng India, Pakistan, at Bangladesh.
4. Sa rehiyong ito matatagpuan ang bansang
kinilala bilang kauna-unahang economic
miracle.
5. Dito matatagpuan ang Muruntau Gold Mine
na tinatayang pinakamalaking minahan sa
buong mundo na matatagpuan sa Uzbekistan.
6. Sa rehiyong ito matatagpuan ang Vietnam na
kilala sa paggawa ng tela, electronics at
sasakyan.
7. Sa rehiyong ito nalinang ang knowledge
economy na tumutukoy sa pagkilala at
paggamit ng teknolohiya sa paglilinang,
pagbabahagi, at pagagamit ng kaalaman.
8. Ang rehiyong ito ay mayaman sa kagubatan,
at matatagpuan ang mga tanyag na teak wood
at sandal wood na gamit sa konstruksyon.
9. Sa rehiyong ito matatagpuan ang South Korea
na naging maunlad sa produktong tela,
plastic, abono, at mga kagamitang
elektroniko.
10.Ang rehiyong ito ang pinakamalaking
prodyuser ng ginto at kemikal sa buong
mundo.

15
B. Hanap Salita!

Panuto : Hanapin sa kahon ang mga salitang inilalarawan sa ibaba. Isulat ang
sagot sa papel.

Silangang Asya Yamang-Likas Natural gas Nepal


Langis at Petrolyo Agrikultura Pagmimina India
Yamang Lupa Kanlurang Asya Indonesia Uzbekistan

_______________ 1. Ito ang naging susi ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa sa


Asya.

_______________ 2. Isa sa mga uri ng Yamang-Likas na may impluwensya sa kultura


at pamumuhay ng mga tao.

_______________ 3. Ito ang pangunahing iniluluwas na produkto ng Kanlurang Asya.

_______________ 4. Ito ang pinakamahalagang sektor sa isang bansa dahil dito


nagmumula ang pangunahing pangangailangan ng tao.

_______________ 5. Dito nagmula ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong


mundo.

_______________ 6. Sa rehiyong ito matatagpuan ang ilog Huang Ho at Yang Tze na


nakatutulong sa pag-unlad ng pagsasaka ng mga Tsino.

_______________ 7. Ang bansang ito ang pang-apat sa daigdig na nagtataglay ng


pinakamaraming reserbang karbon.

_______________ 8. Dito matatagpuan ang Muruntau Gold Mine na pinakamalaking


minahan sa buong mundo.

_______________ 9. Ang bansang ito ay katatagpuan ng maraming calcium carbonate,


hydropower at gypsum.

_______________ 10. Ipinatupad sa bansang ito ang transmigration policy para sa mga
mamamayan nito na walang tahanan.

16
C. Describe it in a Wheel!

Panuto: Ilarawan ang katangian ng sistema ng agrikultura ng bawat rehiyon


sa Asya gamit ang describing wheel na nasa ibaba.

Hilagang
Asya

Kanlurang Silangang
Asya Asya
AGRIKULTURA
Sa Asya

Timog-Silangang
Timog
Asya
Asya

D. Sagot Mo…Ipaliwanag Mo…


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sa iyong palagay, anong rehiyon sa Asya ang may mas maunlad na sistema ng
agrikultura? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Sa paanong paraan napaunlad ng mga Asyano ang kanilang sistema ng


agrikultura?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang larangan ng agrikultura upang mapaunlad


ng mga Asyanong bansa ang kanilang ekonomiya? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Sa paanong paraan nakatutulong ang agrikultura sa paglago ng ekonomiya ng


isang bansa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

17
E. Tahanang Asyano, I-Guhit Mo!

Panuto: Iguhit sa loob ng bahay ang estilo ng panirahan ng mga Asyano


gayundin ang ilan sa kanilang mga kultura batay sa kanilang rehiyon.

HILAGANG ASYA SILANGANG ASYA

TIMOG-SILANGANG
ASYA

TIMOG ASYA KANLURANG ASYA

F. I-Tama o Mali Mo!

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang diwang ipinahahayag ng
nakasalungguhit na salita sa bawat pangungusap at kung hindi, isulat ang
kataga o salita na maaaring magwasto rito.

___________ 1. Ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang


Yamang-Likas.

___________ 2. Ang Saudi Arabia ang pang-apat sa buong daigdig na nagtataglay ng


reserbang karbon.

___________ 3. Ang mga bansang salat sa likas na yaman ay umaangkat at


nakikipagpalitan ng hilaw na materyales sa ibang bansa.

18
___________ 4. Ang Pilipinas ay nangunguna sa produksyon ng langis ng niyog at
kopra.

___________ 5. Ang Kanlurang Asya ang pangunahing tagapagtustos ng tungsten,


tin at iba pang metal.

___________ 6. Ang paglobo ng populasyon ay may malaking epekto sa ekonomiya


ng bansa.

___________ 7. Ang mga bundok at kagubatan ay nagsisilbing tirahan ng mga hayop


lalo na ng mga wildlife.

___________ 8. Nangunguna ang Dubai sa paglinang ng knowledge economy.

___________ 9. Nalinang ng Pilipinas ang kalakalan na tinatawag na extended


entrepot.

___________ 10. Ang Japan ang kauna-unahang economic miracle sa rehiyon ng


Silangang Asya.

Isaisip

Punan ang patlang sa bawat pangungusap ng tamang sagot mula


sa kahon sa ibaba.

hanapbuhay pangangailangan Saudi Arabia

lambak-ilog likas na yaman pamumuhay

Kanlurang Asya Asya panahanan

yaring produkto kabihasnan mineral


1. Ang ________________ ay masagana sa likas na yaman na kinabibilangan ng
kagubatan, iba’t ibang uri ng hayop, yamang-tubig, lupa at mineral.

2. Ang bawat rehiyon ay nagtataglay ng mga katangi-tanging ________________ na


nakabase sa katangiang pisikal na kinapapalooban ng mga anyong-lupa at tubig,
klima at maging vegetation cover na matatagpuan dito.

3. Ang bawat rehiyon sa Asya ay nagtataglay ng yamang-mineral, ngunit ang


________________ ang pinakasagana rito. Ito rin ang naging dahilan sa pag-unlad
ng mga bansang matatagpuan dito.

4. Ang mga lupain sa ________________ ay mainam sa pagtatanim at


nakapagpoprodyus ng sapat na produktong agrikultural.

19
5. Ang sobrang supply ng produkto ay kinakalakal at iniluluwas sa karatig-rehiyon
upang matugunan rin ang kanilang ________________.

6. Malaki ang implikasyon ng likas na yaman sa ________________ ng tao sapagkat


ito ang tutugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

7. Ang kapaligiran at mga likas na yaman ay natutuhang gamitin at paunlarin ng


mga Asyano upang makabuo sila ng natatanging ________________ na patuloy na
nababago sa pagdaan ng panahon.

8. Ang ________________ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong


daigdig.

9. Ang mga mauunlad na bansa ay umaangkat ng mga likas na yaman sa mga


maliliit na bansa na walang kakayahang gumawa at magprodyus ng
________________

10. Sa patuloy na pagdami ng tao, patuloy din ang pagtaas ng bilang ng mga
manggagawang nangangailan ng ________________ at________________.

Isagawa

Ngayon ay naunawaan mo na ang implikasyon ng katangi-tanging


likas na yaman ng Asya sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay noon at
ngayon. Bilang pangwakas na gawain, gumawa ka ng isang ISLOGAN na
magpapakita ng mensahe na maghihikayat na pangalagaan at
pahalagahan ang likas na yaman dahil sa mga bagay na dulot nito sa
ating pamumuhay bilang Asyano.

Sa paggawa mo ng islogan ay isaalang-alang mo ang mga pamantayan sa


pagbibigay ng marka ng iyong guro na makikita mo sa rubrik na nasa ibaba.

“Likhang Islogan Para sa Likas na Yaman”

20
RUBRIK para sa ISLOGAN

PAMANTAYAN 4 3 2 1

Ang mensahe Hindi gaanong Hindi malinaw Walang


Mensahe ay mabisang nailahad ang ang mensahe naipakitang
naipakita mensahe na nais ilahad mensahe
Maganda
Napakaganda
Maganda at ngunit di Hindi maganda
at napakalinaw
malinaw ang gaanong at malinaw ang
Pagkamalikhain ng
pagkakasulat malinaw ang pagkakasulat
pagkakasulat
ng mga titik pagkakasulat ng mga titik
ng mga titik
ng mga titik
Malaki ang
Hindi gaanong Kaunti lamang Walang
kaugnayan ng
Kaugnayan sa naiugnay ang ang kaugnayan kaugnayan ang
mensahe
Paksa mensahe sa ng mensahe sa mensahe sa
nakasaad sa
paksa paksa paksa
paksa
Malinis na Hindi gaanong
Malinis ang Marumi ang
Kalinisan malinis ang malinis ang
pagkakagawa pagkakagawa
pagkakagawa pagkakagawa

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inilaang
sagutang papel.

1. Ano-ano ang bumubuo sa mga yamang –likas?


A. yamang lupa at yamang tubig
B. yamang kagubatan at mga produktong agrikultura
C. yamang mineral at kagubatan
D. yamang kagubatan, lupa, mineral at yamang tubig

2. Ang palay ang pangunahing pananim sa maraming bansa sa Timog-Silangang


Asya. Bakit ito itinuturing na mahalaganag butil pananim?
A. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog Silangang Asya.
B. Maraming matatabang lupa at bukirin ang angkop sa pagtatanim nito.
C. Pamalit ito sa mga buti ng mais, barley at trigo.
D. Maraming panluwas na produkto ang galing sa palay.

21
3. Bakit itinuturing na pangunahing mineral ng ating bansa ang tanso?
A. Bagong tuklas ang mineral na ito sa ating bansa.
B. May mga yamang mineral sa ating bansa ang nauubos maliban sa tanso.
C. May reserba at may potensya na mamimili nito.
D. Marami tayong mapagkukunan ng tanso sa ating bansa.

4. Anong yamang mineral mayroon ang lahat ng bansa sa Hilaga o Gitnang Asya?
A. ginto, tanso at uranium C. karbon, langis at natural gas
B. tanso, phosphate at natural gas D. natural gas, tingga at tungsten

5. Dahil sa malawak na damuhan sa Hilagang Asya, ano ang maaaring maging


hanapbuhay dito?
A. pag-aalaga ng hayop
B. pagtatanim ng iba’t ibang punong kahoy
C. pagtatanim ng iba’t ibang produktong pang agrikultura
D. pagtotroso

6. Ano ang maaaring maging epekto sa mga tao kung hindi nila lilinangin at
aalagaan ang ating likas na yaman.
A. pagkakaroon ng magandang hanapbuhay
B. pagkakaroon ng kasalatan sa pagkain at iba pang pangangailangan
C. pag-angat ng industriya
D. pag-unlad ng ekonomiya

7. Sa Hilagang Asya partikular sa Tajikistan ay matatagpuan ang tatlong uri ng


Yamang mineral. Alin ang hindi kabilang?
A. industriyal na Metal
B. natural Gas at Liquefied gas
C. mineral na panggatong gaya ng natural gas
D. metalikong mineral

8. Sa pamamagitan ng pagsasaka natutugunan ang pangangailangan ng mga tao


20
gayundin nagkakaroon sila ng mga produktong panluwas. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. Kinakailangang gumamit ng makabagong antas ng teknolohiya upang
mas higit na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng tao.
B. Mahalagang pangalagaan ang likas na yaman upang mapanatiling
sagana sa pagkain at iba’t ibang produkto ang mga Asyano .
C. Hindi makakaranas ng pagkagutom ang mga Asyano.
D. Magiging mayaman ang Asya.

9. Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. Ano ang maidudulot
nito sa mga tao?
A. Pagbagal ng pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao.
B. Matuto ang mga Asyano na linangin at paunlarin ang kani-kanilang
taglay na likas na yaman.
C. Pagkaubos ng likas na yaman ay maaaring maranasan ng mga Asyano.
D. Pagkakaroon ng alitan at pag aagawan ng mga Asyano sa kani-kanilang
yamang likas.

22
10. Alin sa mga sumusunod ang posibleng epekto ng paglaki ng populasyon ng
bansa?
A. Pagkaubos ng likas na yaman ng mga bansa.
B. Pagsasagawa ng land conversion upang may matirhan ang mga tao.
C. Pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng polusyon.
D. Lahat ng nabanggit

11. Dahil sa taglay na yamang likas ng Timog Asya partikular ang pagkakaroon ng
matabang lupa, nagdulot ito ng mabuting epekto sa tao dahil sa pagkakaroon
nila ng mapagkukunan ng hanapbuhay tulad ng :
A. pagsasaka at paghahayupan C. pangingisda
B. pagmimina D. pagtrotroso at pagmimina

12. Ang Kanlurang Asya ay biniyayaan ng anong uri ng yamang mineral na


iniluluwas sa iba’t ibang panig ng mundo?
A. natural gas C. petrolyo at langis
B. liquefied gas D. lahat ng nabanggit

13. Malaki ang bahaging ginagampanan ng yamang likas ng isang rehiyon sa pag-
unlad ng kanilang ekonomiya. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
A. Natutugunan nito ang pangangailangan sa hilaw na materyales ng bawat
bansa upang tugunan ang pangangailangan sa produksyon.
B. Nagbibigay ito ng hanapbuhay sa bawat mamamayan.
C. Natutugunan nito ang pangunahing pangangailangan ng mga tao.
D. Dahil sa yamang likas na taglay ng bawat bansa, maaaring marami ang
mamuhunan sa kanila .

14. Ang sektor ng agrikultura ay mahalaga sa isang bansa. Alin sa mga sumusunod
ang hindi kabilang dito?
A. Pinagkukuhanan ng hilaw na materyales ng mga bansa.
B. Nagbibigay ng hanapbuhay sa mga tao.
C. Nagkakaroon ng sigalot sa magsasaka at sa may ari ng lupa.
D. Pinagkukunan ng kitang panlabas.

15. Bakit tinaguriang “Rising Tiger Economy “ang Timog Silangang Asya?
A. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya sa rehiyon.
B. Dahil sa pagkakaroon nito ng magandang klima na umaakit sa mga
mamumuhunan .
C. Dahil sa patuloy na pag-unlad at pagsabay sa pag-angat ng bansang
Amerika
D. Dahil sa naging mahalagang produkto ng rehiyon ang mga pampalasa o
spices .

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo


sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng
harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung
iyong nanais, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa
sa aralin. Muli ang aking pagbati!

23
Karagdagang Gawain

Ngayon ay naunawaan mo na ang implikasyon ng likas na yaman sa


pamumuhay ng mga Asyano hindi lamang sa nakaraan kung di maging sa
kasalukuyan. Patuloy na binabago ng kapaligiran at mga likas na yamang
matatagpuan dito ang pamumuhay at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Kaya’t
nararapat lamang na patuloy nating alagaan at pag-ingatan ang mga ito.

A. Punan Mo Ito!

Para sa mga karagdagang gawain, sagutin mo ang mga sumusunod na


pagasanay. Gamiting batayan ang mga salitang nakasulat sa loob ng bawat hugis
upang makumpleto ang sumusunod na diagram. Isulat ang sagot sa nakalaang
activity sheet.

Agrikultura Ekonomiya
Panahanan

Hilagang Asya

Silangang Asya
Kanlurang Asya

Mga Ambag
ng mga
Timog Asya Asyano Timog-Silangang
Asya

24
B. Three-Minute Pause. Mag-isip at magnilay sa loob ng tatlong minuto ukol sa
mga konsepto at ideya na iyong natutuhan sa modyul na ito.

Nabago ang aking pananaw sa _______________________________________


______________________________________________________________________

Nagkaroon ako ng kamalayan sa _____________________________________


______________________________________________________________________

Nadama ko ang ______________________________________________________


______________________________________________________________________

Naiuugnay ko ang aking sarili sa _____________________________________


______________________________________________________________________

Napukaw ang aking damdamin sa ____________________________________


______________________________________________________________________

25
26
SUBUKIN
1. C PAGYAMANIN A
PAGYAMANIN B
2. B
3. C 1. Silangang Asya
1. Yamang Likas
4. D 2. Kanlurang Asya
2. Yamang Lupa
5. A 3. Timog Asya
3. Langis Petrolyo
6. A 4. Silangang Asya
7. D 4. Agrikultura
5. Hilagang Asya
8. D 5. Kanlurang Asya
6. Timog Silangang
9. A 6. Silangang Asya
Asya
10 B 7. India
7. Kanlurang Asya
11. A 8. Uzbekistan
8. Timog Asya
12. B 9. Nepal
9. Hilagang Asya
13. A 10. Indonesia
10. Hilagang Asya
14. B
15. C
TAYAHIN
PAGYAMANIN F ISAISIP 1. D
2. A
3. B
1. Tama 1. Asya
4. B
2. Ikalima 2. Likas na Yaman
5. A
3. Tama 3. Kanlurang Asya
6. B
4. Tama 4. Lambak – Ilog 7. B
5. Silangang Asya 5. Pangangailangan 8. B
6. Tama 6. Pamumuhay 9. B
7. Tama 7. Kabihasnan 10 D
8. Qatar 8. Saudi Arabia 11. A
9. Singapore 9. Yaring Produkto 12. B
10. Tama 10. Populasyon 13. A
14. C
15. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa Sa Gitna
Ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.

"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource


Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/
download/18275.

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)

Telephone Number: (045) 598-8580 to 89

E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like