You are on page 1of 29

10 Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 1:


Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Celeste Ann S. Abesamis
Editor: Rubilita L. San Pedro
Tagasuri ng Nilalaman: Lorna G. Capinpin, Marie Claire M. Estabillo at
Angelica M. Burayag, PhD
Tagasuri ng Wika: Bernadeth D. Magat at Marie Ann C. Ligsay, PhD
Tagasuri ng Disenyo: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Jeiyl Carl G. Perucho
Tagalapat: Katrina M. Matias
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Salome P. Manuel, PhD
Marie Claire M. Estabillo
Rubilita L. San Pedro
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
(P) Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kasarian sa Iba’t Ibang
Lipunan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita mo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Baitang 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kasarian sa Iba’t Ibang
Lipunan!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

ii
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita mo kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pangungusap o talata na pupunan ang
patlang upang maiproseso kung ano anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawaing naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkunan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutan ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago lumipat sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutan lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, na makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.
Ang modyul na ito ay naglalayong matalakay ang sex at gender at gender roles
sa Pilipinas at sa iba’t ibang lipunan sa mundo. Ano ba ang kahulugan ng sex at
gender? Ano-ano ang mga gampanin ng mga kalalakihan, kababaihan, at Lesbian,
Gay, Bisexual, at Transgender (LGBT) sa iba’t ibang yugto ng kasaysayan ng ating
bansa at sa ibang lipunan sa mundo?
Pagkatapos mong basahin at isagawa ang mga gawain sa modyul na ito, ikaw
ay inaasahang;
1. nakapagpapahayag ng sariling pagpapakahulugan sa sex at gender;
2. nakatatalakay ng gender roles sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon; at
3. nakasusuri ng gender roles sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Subukin

Basahin nang may pang-unawa ang sumusunod na katanungan. Isulat sa


papel ang letra ng tamang kasagutan.

1. Ang sumusunod ay nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki maliban sa isa.


A. Ang lalaki ay may testicle (bayag), ang babae ay hindi nagtataglay nito.
B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang dalaw, ang mga lalaki ay
hindi.
C. Ang pribadong bahagi ng katawan ng babae ay iba sa pribadong bahagi ng
katawan ng lalaki.
D. Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi
nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
2. Ito ay tumutukoy sa iyong pagpili ng makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o
pareho.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian

5
3. Si Liza ay nagkakagusto sa kapwa niya babae, anong oryentasyon mayroon si
Liza?
A. asexual C. lesbian
B. gay D. transgender
4. Kinikilala ito bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex
niya nang siya’y ipanganak.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian
5. Si Leo ay may pagnanasang seksuwal sa babae at lalaki, anong oryentasyon
mayroon si Leo?
A. bisexual C. heterosexual

B. gay D. intersexual
6. Siya ang tinaguriang prinsesa ng Visayas at itinuturing na itinagong paborito at
pinakamagandang anak ng datu.
A. Asog C. Binukot
B. Babaylan D. Lakambini
7. Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang
walang anumang benepisyong medikal.
A. breast flattening C. Female Genital Mutilation (FGM)

B. breast ironing D. foot binding


8. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa pagkakaiba ng sex
at gender?
A. Ang sex ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samanatalang ang
gender ay inaasahang role o gampanin ng babae at lalaki sa lipunan.
B. Ang gender ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samanatalang ang
sex ay role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa inaasahan ng lipunan.
C. Ang gender ay biyolohikal na katangian ng lalaki at babae, samantalang ang
sex ay ang inaasahang role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa itinakda
ng lipunan.
D. Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng babae
at lalaki, ang gender naman ay ang inaasahang role o gampanin ng babae at
lalaki ayon sa kultural at panlipunang alituntunin.
9. Ano ang tawag sa taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma?
A. asexual C. heterosexual
B. bisexual D. transgender
10.Sa panahong ito nagkaroon ng pagbabago sa mga gampanin ng kababaihan sa
lipunan gaya ng paglahok sa pagboto at karapatang makapag-aral.
A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-Kolonyal

6
11.Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa, subalit maaaring patayin ng lalaki ang
kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang
lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
12.Alin sa sumusunod na tribo ang pinapayagan ang mga kalalakihan na mag-
asawa ng higit sa isa?
A. Bribri C. Mosuo
B. Maasai D. Nagovisi
13.Bakit may mga insidente ng gang rape sa mga tomboy o lesbian sa mga bansa
sa South Africa?
A. Sila ay maituturing na babae rin.
B. Ito ay bahagi ng kanilang panlipunang kultural.
C. Mababa ang pagtingin sa kanilang lipunan sa mga lesbian.
D. Pinaniniwalaang mababago ang kanilang oryentasyon matapos gahasain.
14.Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag kung bakit may mga
pagkakataon na napipigilang maglakbay ang mga kababaihan sa ilang bansa?
A. Nakatali sila sa kanilang obligasyon sa tahanan.
B. Mas may karapatang maglakbay ang mga kalalakihan.
C. Maaaring sila ay maharap sa banta ng pang-aabusong seksuwal o pisikal.
D. Hindi sila maaaring maglakbay kung walang pahintulot mula sa kamag-
anak na lalaki.
15.Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng Female
Genital Mutilation (FGM)?
A. upang maging malinis ang mga kababaihan
B. upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. upang makasunod sa kanilang kultura at paniniwala
D. upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal

7
Aralin
Kasarian sa Iba’t Ibang
1 Lipunan

Sa modyul na ito ay matutunghayan mo ang mga konseptong may kinalaman


sa kasarian at lipunan at gender roles sa Pilipinas at sa iba’t ibang lipunan sa
mundo.

Balikan

Panuto: Tukuyin at piliin kung anong sex ang gumagamit sa mga produktong nasa
loob ng kahon. Ipaliwanag kung bakit ito ay para sa lalaki, babae, o pareho. Isulat
sa papel ang kasagutan.

polo rubber shoes matte lipstick


blouse shoulder bag tailored suit
necktie maxi dress palette eyeshadow
hair wax face powder boxer shorts

8
Mga Tala para sa Guro
Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa kasarian sa iba’t ibang
lipunan. Mainam na gabayan ang mag-aaral sa pagtalakay ng aralin,
pagsagawa ng mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito, at pagtala ng
kanilang nakamit na pag-unlad. Hayaan ang mga mag-aaral na tuklasin at
pamahalaan ang sariling pagkatuto.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula at sagutan sa isang papel ang mga pamprosesong
katanungan.

PANTAY- PANTAY
Ni Celeste Ann S. Abesamis

Sa dami ng mga usapin ngayon, natatangi ang isa,


Pagkakapantay-pantay, sinisigaw ng iba.
Hindi lang daw babae at lalaki ang may karapatan,
Sila ring mga kabilang sa ikatlong kasarian.

Marami ang nagsulong ng karapatan para sa kababaihan,


Upang magkaroon ng pantay na gampanin sa lipunan.
Kaya’t ang LGBT ay nagsusumamo at nananawagan,
Sila rin ay kilalanin, bigyang puwang at huwag kalimutan.

Kung dati ang mga lalaki ay sinasamba at pinapanginoon,


At ang mga babae naman ay mistulang alipin lamang noon,
Bawat indibiduwal sa lipunan ay nagkamit ng pagsulong,
Kasabay ng pagbabago at pag-unlad ng lipunan ngayon.

Kaya huwag mabuhay sa nakaraan at laging tandaan,


Kalimutan at palayain na ang matandang nakagisnan.
Dito sa lipunan na ating ginagalawan,
Lahat tayo ay pantay-pantay anuman ang kasarian.

Pamprosesong Tanong

9
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?
2. Sa iyong palagay, dapat bang maging batayan ang kasarian sa
pagkakapantay-pantay ng gampanin sa ating lipunan?
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita na pantay ang iyong
pagtingin sa lahat ng tao? Ipaliwanag.

Suriin

Konsepto ng Kasarian
Sa bahaging ito ng aralin ay mauunawaan mo ang kahulugan ng sex at gender,
gayundin ang mga katayuan at gampanin ng kababaihan at kalalakihan mula sa
iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Bago matapos ang aralin, iyong
matutuklasan ang pagtingin sa mga lalaki at babae sa iba’t ibang lipunan sa
daigdig. Hinihikayat kitang basahing mabuti ang mga teksto.

Kahulugan ng Sex at Gender


 Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda
ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at
lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
 Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na
itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Karaniwang batayan nito ay
ang gender identity at roles na mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging
masculine o feminine.

Katangian ng Sex Katangian ng Gender


(Characteristics of Sex) (Characteristics of Gender)
1. Batay sa biyolohikal na katangian ng 1. Ang lalaki ay itinuturing na
tao, ang pribadong bahagi ng malakas at matipuno samantalang
katawan ng babae ay iba sa ang mga babae ay tinitingnan
pribadong bahagi ng katawan ng bilang mahinhin at mahina.
lalaki. 2. Ang mga lalaki ang magtataguyod
2. Ang mga babae ay nagkakaroon ng sa pamilya samantalang ang mga
buwanang regla samantalang ang babae ay inaasahang gagawa ng
mga lalaki ay hindi. mga gawaing bahay.
3. Ang mga lalaki ay may testicle
(bayag) samantalang ang babae ay
Ano hindi
ang pagkakaiba
nagtataglayng sexual orientation at gender identity (SOGI)?
nito.

10
 Ang oryentasyong seksuwal (sexual identity) ay tumutukoy sa iyong pagpili
ng makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho.
 Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang
malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao,
na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.

Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosexual at


homosexual.

Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa kabilang


kasarian.

Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na


pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian.

Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag tayong Lesbian,


Gay, Bisexual, at Transgender o mas kilala bilang LGBT.

Lesbian (tomboy) -mga babaeng nakararamdam ng pisikal o


romantikong atraksyon sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi
ng Pilipinas na tibo at tomboy).

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang


kapwa lalaki. May iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na
parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na bakla,
beki, at bayot).

Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang


kasarian.

Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay


nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang
pangangatawan ay hindi magkatugma.

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal


sa anumang kasarian.

11
Queer - mga indibiduwal na hindi sang-ayong mapasailalim sa
anumang uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang
pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong
kategorya o kombinasyon ng lalaki at babae.

Intersex - karaniwang mas kilala bilang hermaphroditism,


indibiduwal na may parehong ari ng lalaki at babae.

Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Gender Roles sa Pilipinas


Panahong Pre-Kolonyal
 Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-ari
ng mga lalaki.
 Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ng Visayas at pagbibigay ng tinatawag
na bigay-kaya. Ang binukot ay itinuturing na itinagong paborito at
pinakamagandang anak ng datu. Hindi siya maaaring tumapak sa lupa at
masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga.
 Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa. Maaaring
patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong
may kasamang ibang lalaki.
 Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong
gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng
kanilang pagsasama.
 Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala
siyang makukuhang ari-arian.

Panahon ng Espanyol
 Ang mga kababaihan ay pantahanan lamang. Inaasikaso nila ang
pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak sa tahanan. Hindi sila
kailangang makaabot sa mataas na pinag-aralan tulad ng pagiging doktora,
manananggol, o inhinyera. Naging bahagi rin sila ng pagkamit ng kalayaan
laban sa mga Kastila. Ang iba ay naging mga bayani, tulad na lamang ni
Gabriela Silang.
 Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinikita sa
paghahanapbuhay.

12
Panahon ng Amerikano
 May pantay na pagtanggap sa mga paaralan sa mga kababaihan at
kalalakihan.
 Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang
pamamaraan. Kasabay nito ang pagbibigay ng karapatan sa mga kababaihan
na bumoto.

Panahon ng Hapones
 Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.

Kasalukuyang Panahon
 Sa kasalukuyan, lubos ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pagkakapantay-
pantay ng karapatan sa kahit na anong kasarian.
 Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban ng pantay
na karapatan sa trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at iba pang
kasarian o napapabilang sa Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender (LGBT).
 Ang mga babae sa kasalukuyan ay may kalayaang pumili ng gampanin. May
karapatan silang magtrabaho kahit na sila ay may asawa.

Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas


Sa pagtalakay sa kasaysayan ng Lesbian, Gay, Bisexual, at
Transgender (LGBT) sa Pilipinas, mababanggit ang mga babaylan noong
ika-16 hanggang ika-17 siglo. Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na
may tungkuling panrelihiyon. Nagsilbing manggagamot at tagapamahala
ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Español sa Pilipinas.
Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga Asog sa
Visayas noong ika-17 siglo. Hindi lamang sila nagbihis-babae kundi
nagbalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay
pakinggan ng mga espiritu. Ilan din sa kanila ay kasal sa lalaki, kung
saan sila ay may relasyong seksuwal.
Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang
Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda
ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.
Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBT ay mula
sa magkasamang impluwensiya ng international media at ng lokal na
interpretasyon ng mga taong LGBT na nakaranas mangibang-bansa. Sa
mga huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90,
maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng
kamalayan ng Pilipinong LGBT.

13
Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo
Maraming mga tribo lalo na sa rehiyong tulad ng Hilagang Africa ang
nananatiling nakatali sa kanilang kultura at tradisyon. Ang mga kalalakihan ay
sinanay na maging mandirigma habang ang mga kababaihan ay natutong
mangalap ng pagkain, magluto, maglinis ng tirahan, at mag-alaga ng anak. Ang
pangkat ng Maasai (isa sa matandang tribo sa Africa, na matatagpuan sa Kenya at
Tanzania), ay isang lipunang patriyarkal na ang mga kalalakihan ay maaaring
mag-asawa ng higit sa isa at kadalasan ay mas bata ang kanilang napapangasawa.
Ang mga kababaihan naman ay nagsasalo sa isang lalaki.
May ilang tribo rin sa bahagi ng daigdig na maituturing na matriyarkal. Tulad
ng isang pangkat etniko sa China na nakilala bilang Mosuo, ang apelyido ng mga
anak ay isusunod sa kanilang ina at ang ari-arian ay isasalin sa pamilya ng mga
babae. Gayundin sa mga kababaihan sa Minangkabau sa Kanlurang Sumatra na
bagamat lalaki ang kanilang pinuno, ang mga kababaihan ang may
kapangyarihang pumili at alisin sa lalaki ang pamumuno. Ang tribong Umoja sa
Hilagang Kenya ay tahasang ipinagbabawal ang mga kalalakihan, kaya’t ang
kanilang pamayanan ay ligtas sa anumang uri ng diskriminasyon sa kasarian. Ang
Bribri ng Costa Rica, Garo ng North East India, at Nagovisi ng New Guinea ay ilan
pang halimbawa ng lipunang matriyarkal.
Mahigpit ang lipunan para sa mga kababaihan lalo na sa mga miyembro ng
komunidad ng LGBT sa mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya. Mahabang
panahon ang hinintay ng mga kababaihan sa rehiyong ito upang sila ay makalahok
sa proseso ng pagboto. Bukod sa pagboto, sa bansang Saudi Arabia ay hindi
pinahihintulutan ang mga kababaihan na magmaneho ng sasakyan nang walang
pahintulot mula sa kamag-anak na lalaki (asawa, magulang o kapatid).
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong
kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa
29 bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa
ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal,
ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng
tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan. Ito ay isinasagawa sa mga batang
babae na may edad 0―15 taong gulang. Ayon sa kanilang paniniwala,
mapananatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na maaaring
magdulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap sa pag-ihi at maging kamatayan.
Sa bahagi naman ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian
(tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang
gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human
Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa
pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT.
Maging ang paglalakbay ng mga kababaihan ay napipigilan sapagkat may ilang
bansang hindi pinapayagan ang mga babaeng maglakbay nang mag-isa o kung
payagan man ay nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at
pisikal).

14
Pagyamanin
A. Jumbled Letters
Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang tamang salitang
binibigyang-kahulugan sa bawat pangungusap. Isulat sa papel ang tamang
kasagutan.
__________ 1. ( EERUQ ) Mga indibiduwal na hindi sang-ayong mapasailalim sa
anumang uring pangkasarian, ngunit maaaring ang kanilang
pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae, parehong
kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.
__________ 2. ( RNGEED ) Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring
nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
__________ 3. ( YGA ) Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa
lalaki.
__________ 4. ( RNESNTERGAD ) Tumutukoy ito sa isang taong nakararamdam na
siya ay nabubuhay sa maling katawan.
__________ 5. ( ESX ) Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian
na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.

B. Hugot Line
Panuto: Tukuyin kung anong yugto ng kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas ang
ipinahahayag sa sumusunod na pangungusap. Piliin at isulat sa papel ang titik ng
tamang sagot.
A. Kasalukuyang Panahon D. Panahon ng Espanyol
B. Panahon ng Arabo E. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapones F. Panahong Pre-Kolonyal
_____ 1. Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa
paghahanapbuhay.
_____ 2. Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
_____ 3. Ang mga babae ay may kalayaang pumili ng gampanin. May karapatan
silang magtrabaho kahit na sila ay may asawa.
_____ 4. Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli
nilang pamamaraan. Kasabay nito ang pagbibigay ng karapatan sa mga
kababaihan upang bumoto.
_____ 5. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa.
Maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling
makita niya itong may kasamang ibang lalaki.
C. Fact or Bluff
Panuto: Mula sa binasang teksto tungkol sa gender roles sa Africa at Kanlurang
Asya, suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa isang papel ang Fact
kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at Bluff naman kung mali.

15
_____ 1. Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o
matanda) nang walang anumang benepisyong medikal, ngunit patuloy pa
rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng
lipunang kanilang ginagawalan.
_____ 2. Sa Saudi Arabia, bukod sa hindi pagboto, may pagbabawal din sa mga
babae na magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot mula sa
kamag-anak na lalaki (asawa, magulang o kapatid).
_____ 3. Sa Kanlurang Asya ay may mga naitalang kaso ng gang rape sa mga
lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila
matapos silang gahasain.
_____ 4. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at proseso ng FGM na
maaaring magdulot ng iba’t ibang komplikasyon at maging kamatayan.
_____ 5. Sa rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya ay mahigpit ang kanilang lipunan
para sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT.

D. Sex and Gender


Panuto: Mula sa araling tinalakay, paano nagbago ang iyong pang-unawa sa sex at
gender? Ibigay ang sariling pagpapakahulugan. Isulat sa isang papel ang
kasagutan.

Ang sex ay ___________________________________________


_________________________________________________________

_________________________________________________________

Ang gender ay _______________________________________


_________________________________________________________

_________________________________________________________

E. Patriyarkal at Matriyarkal
Panuto: Batay sa binasang teksto sa gender roles sa iba’t ibang lipunan sa mundo,
paghambingin ang mga gampanin ng kalalakihan at kababaihan sa tribo ng
Maasai at Mosuo. Isulat sa papel ang kasagutan.

16
Maasai Mosuo

________________ ________________
________________ ________________
________________ ________________
_______________ ________________
___

F. Gender Swap
Panuto: Suriin ang parirala sa loob ng kahon. Pagkatapos, ipaliwanag kung paano
nagbago ang gampanin ng mga kalalakihan at kababaihan sa paglipas ng
panahon. Isulat sa papel ang kasagutan.

“Ang Lalaking Maybahay


at ang Babaeng Trabahador”

Isaisip

17
Isulat sa isang papel ang iyong natutuhan mula sa paksang tinalakay gamit
ang Refelective Journal.

Ang aking natuklasan mula sa aralin:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Mga saloobin ko tungkol dito:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Mga aral na natutuhan ko:


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Isagawa

PHOTO ESSAY
Panuto: Gumuhit o gumupit ng mga larawang nagpapakita ng kasalukuyang
gampanin o role ng kalalakihan, kababaihan, at LGBT sa lipunan.

18
Rubrik sa pagmamarka ng Photo Essay

Dapat pang
Napakahusay Mahusay
Pamantayan linangin Puntos
5 3
1
Nilalaman Mahusay ang Katamtaman Hindi maganda
pagkakaayos ng ang ganda ng ang pagkakaayos
mga larawan at pagkakaayos ng mga larawan.
nagpapaliwanag ng mga
ng magandang larawan.
impresyon.

Mensahe Makahulugan Maganda ang Walang kaugnayan


ang bawat mga larawan ang mga larawan
larawan at may ngunit walang sa tema o paksa.
kaugnayan sa masyadong
tema o paksa. kaugnayan sa
paksa.

Pagkamalikhai Nakamamangha Maganda ang Hindi maganda


n ang mga mga larawan. ang mga larawan.
larawan.

Kabuuan

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag, sitwasyon, o tanong. Piliin at


isulat sa papel ang letra ng tamang kasagutan.

1. Noon, kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa ay maaari niya
itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon
ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan
ang kaniyang asawa, ano ang maaaring mangyari?
A. Maaari syang magsampa ng demanda.siya
B. Wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
C. Makukuha niya ang kostodiya ng kanilang mga anak.

19
D. Mababawi niya ang mga ari-ariang ibinigay sa kaniya sa panahon ng
kanilang pagsasama.
2. Sa panahong pre-kolonyal, ang mga babae ay maaaring patayin ng kanilang
asawa sa oras na makitang may kasamang ibang lalaki. Samantalang, ang mga
lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa. Ano ang ipinahihiwatig
nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
3. Anong yugto sa kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas ang nagbigay-karapatan
sa mga kababaihan na bumoto?
A. Panahon ng Amerikano C. Panahon ng Hapones
B. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-Kolonyal
4. Ang sumusunod ay mga gampanin ng babae at lalaki sa panahon ng pre-
kolonyal maliban sa isa.
A. Tungkulin ng kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa
paghahanapbuhay.
B. Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala
siyang makukuhang ari-arian.
C. Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan ay pagmamay-
ari pa din sila ng mga lalaki.
D. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa. Maaaring
patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya
itong may kasamang ibang lalaki.

5. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng FGM?


A. upang maging malinis ang mga kababaihan
B. upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. upang makasunod sa kanilang kultura at paniniwala
D. upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay
maikasal

6. Ang sumusunod ay maaaring idulot ng FGM, maliban sa isa.


A. hirap sa pag-ihi C. labis na pagdurugo
B. pagtubo ng cyst D. impeksiyon
7. Bakit may mga pagkakataong napipigilang maglakbay ang mga kababaihan sa
ilang bansa?
A. Nakatali sila sa kanilang obligasyon sa tahanan.

20
B. Mas may karapatang maglakbay ang mga kalalakihan.
C. Maaaring sila ay maharap sa banta ng pang-aabusong seksuwal o pisikal.
D. Hindi sila maaaring maglakbay kung walang pahintulot mula sa kamag-
anak na lalaki.
8. Sa mga bansa sa South Africa ay may mga insidente ng gang rape sa mga
lesbian, ano ang ugat ng karahasang ito?
A. Sila ay maituturing na babae rin.
B. Ito ay bahagi ng kanilang panlipunang kultural.
C. Mababa ang pagtingin sa kanilang lipunan sa mga lesbian.
D. Pinaniniwalaang mababago ang kanilang oryentasyon matapos gahasain.
9. Anong bansa sa Kanlurang Asya ang hindi pinahihintulutan ang mga
kababaihan na magmaneho ng sasakyan nang walang permiso ng kamag-anak
na lalaki?
A. Iran C. Lebanon
B. Jordan D. Saudi Arabia
10.Ito ay nararamdaman at pinaniniwalaang kasarian ng isang tao na maaaring
tugma o hindi tugma sa kaniyang seksuwalidad.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian
11.Anong oryentasyon mayroon si Erica kung siya ay nakararamdam ng pisikal o
romantikong atraksyon sa kapwa niya babae?
A. asexual C. lesbian
B. gay D. transgender
12.Anong oryentasyon mayroon si Paolo kung siya ay nakararamdam ng atraksyon
sa dalawang kasarian?
A. bisexual C. heterosexual
B. gay D. intersexual
13.Si Ana ay ipinanganak na babae ngunit sa kaniyang pakiramdam siya ay
nabubuhay sa maling katawan. Anong oryentasyon mayroon si Ana?
A. asexual C. heterosexual
B. bisexual D. transgender

14.Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng sex o characteristics of sex?


A. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag), ang babae ay hindi nagtataglay
nito.
B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla, ang mga lalaki ay
hindi.
C. Batay sa biyolohikal na katangian ng tao, ang pribadong bahagi ng katawan
ng babae ay iba sa pribadong bahagi ng katawan ng lalaki.
D. Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi
nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
15.Alin sa sumusunod na pangungusap ang higit na nagpapaliwanag sa
pagkakaiba ng sex at gender?

21
A. Ang sex ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samanatalang ang
gender ay inaasahang role o gampanin ng babae at lalaki sa lipunan.
B. Ang gender ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samanatalang ang
sex ay role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa inaasahan ng lipunan.
C. Ang gender ay biyolohikal na katangian ng lalaki at babae, samantalang ang
sex ay ang inaasahang role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa itinakda
ng lipunan.
D. Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng babae
at lalaki, ang gender naman ay ang inaasahang role o gampanin ng babae at
lalaki ayon sa kultural at panlipunang alituntunin.

Karagdagang Gawain

Kapag May Katuwiran, Ipaglaban Mo!


Panuto: Sa isang papel, sumulat ng isang sanaysay tungkol sa sitwasyong ito:
Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang paggalang sa bawat indibiduwal
anuman ang kasarian at seksuwaldidad?

Kahanga-hanga Mahusay Pagbutihin pa Nakuhang


Pamantayan
5 3 1 Puntos
Nilalaman Napakahusay at Hindi Walang
makabuluhan gaanong kabuluhan
ang paglalahad makabuluha ang sanaysay.

22
ng mga n ang
kaisipan. sanaysay.
Tema Ang kabuuan Ang ilan sa Walang
ng sanaysay ay nilalaman ay kaisahan at
may kaisahan walang kaugnayan sa
at kaugnayan kaugnayan tema.
sa tema. sa tema.
Pagkamalikhain Ang kabuuan Ang ilang Walang
ng sanaysay ay bahagi ng nakitang
natatangi, sanaysay ay pagkamalikha
makulay at masining at in sa
masining. natatangi. sanaysay.

Kabuuan
Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay

Susi sa Pagwawasto D. Subukin


Inaasahang sagot
1.D
Sex- ay tumutukoy
2.C sa kasarian kung lalaki o babae.
Gender- ang inaasahang
3.C gampanin ng lipunan para
sa lalaki at babae.
4.D
5.A
B. 6.C
1. D 7.C
2. C 8.D
3. A 9. D
4. E 10. A
5. F 11. D
12. B
C. 13. D
1. Fact 14. C
2. Fact 15. D
3. Bluff
4. Fact Pagyamanin
5. Fact
A.
1. Queer
2. Gender
3. Gay
4. Transgender

23
E.
Maasai-ay isang lipunang patriyarkal na ang mga Tayahin
kalalakihan ay maaaring mag-asawa ng higit sa isa at 1.B
kadalasan ay mas bata ang kanilang napapangasawa. Ang 2.D
mga kababaihan naman ay nagsasalo sa isang lalaki. 3.A
Mosuo- isang lipunang matriyarkal na kung saan ang 4.A
apelyido ng mga anak ay isusunod sa kanilang ina at ang 5.D
ari-arian ay isasalin sa pamilya ng mga babae. 6.B
7.C
F. 8.D
Sa panahon ngayon, mas higit na ang bilang ng mga babae 9.D
na nagtatrabaho at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay. 10.D
Kung kaya nagkaroon ng tinatawag na house husband. 11.C
Ang mga lalaki na ang gumagawa ng gawaing bahay at ang 12.A
mga babae ang nasa labas ng tahanan o ibang bansa 13.D
upang maghanap-buhay. 14.D
15.D
Isaisip
Inaasahang sagot: Maipaliwanag ng mag-aaral ang
kahulugan ng sex at gender. Mailarawan ang iba’t ibang
gampanin ng lalaki at babae sa iba’t ibang yugto ng
kasaysayan ng ating bansa at lipunan sa ibang panig ng
mundo

Sanggunian

24
ARALIPUNAN Writers. 2019. “Iba’t ibang Sexual Orientation at Gender Identity.”
Accessed November 13. https://aralipunan.com/ibat-ibang-sexual-
orientation-at-gender-identity/?fbclid

Department of Education. Araling Panlipunan - Grade 10 Learner’s Material. pp.


257-283.
https://aralingpanlipunan9santolanhs.wordpress.com/curriculum/grade-
10/

Department of Education – Commons. K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. p. 57.
https://commons.deped.gov.ph/melc

INSURE AND GO. 2019. “Women's roles in different parts of the world.” Accessed
March 8. https://www.insureandgo.com.au/travel-hub/women-roles-
different-parts-world.jsp?fbclid

Learning Resource Portal. 2013. “Kababaihan sa Panahon ng Espanyol.” Published


February 6. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/1050?fbclid

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

26
27

You might also like