You are on page 1of 24

9

10

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 1
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG
EL FILIBUSTERISMO
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Isabel B. Pusalan
Editor: Gelyn I. Inoy, Rico C. Tañesa
Tagasuri: Christopher D. Montecino, Dustin Kieth P. Jagunos, Corazon N. Ras,
Freddie E. Ebañez, Rico C. Tañesa, Gelyn I. Inoy
Tagalapat: Romie G. Benolaria
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Kung iyong mapapansin, sa bawat paglubog ng araw ay sisikat


naman ang bagong umaga. Bagong umaga na magbibigay sa atin ng
bagong pag-asa upang maipagpatuloy ang ating nasimulang gawain. Mga
gawain na magbibigay sa atin ng lakas ng loob upang buong tapang na
haharapin ang hamon ng magulong mundo. Sa pagharap natin sa
magulong mundo, baon natin ang mga sandatang lilipol na dulot ng nag-
aapoy na mga pasakit, kaalipustahan, at kasakiman. Ang sandatang ito ay
walang iba kundi ang “KARUNUNGAN”, na magbubukas sa iyong mga
mata at diwa sa tunay na kalagayan ng mundong iyong ginagalawan
Sa tulong ng modyul na ito, mas makikilala mo kung sino si Dr. Jose
P. Rizal at kung ano ang kanyang mga ginawang kabayanihan gamit ang
kanyang “KARUNGUNGAN”. Karunungan na nag-alis ng piring sa ating
mga mata upang makamit ang Kalayaan. Kalayaan na mapahanggang
ngayon ay ating tinatamasa. Ang nobelang pinamagatang “EL
FILIBUSTERISMO” na ang kahulugan ay “Paghahari ng Kasakiman” ay
ang pangalawang nobela na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Handa ka na bang
tuklasin ang kuwento sa likod ng nobelang ito? Tara na, kapit-kamay tayong
tumuklas at magkasamang sumagot sa mga gawain

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan


tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
F10PN-IVa-b-83
 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan
ng:
- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
- pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o
ilang bahagi ng akda
- pagtukoy sa layunin ng mga may akda sa pagsulat ng akda
F10PB-Iva-b-86
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang
pangkasaysayan nito F10PT-Iva-b-82
 Napapahalagahan ang napanood, pagpapaliwanang sa kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa
pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline
F10PD-Iva-b-81

1
MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Natutukoy ang pagkakaugnay-ugnay ng mga napakinggan tungkol sa


kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo;
2. Nakasusulat ng sanaysay na tumatalakay sa layunin ng may-akda sa
pagkakasulat niya sa akda; at
3. Naisasabalikat ang pananagutan para sa masusi at mapanuring mga
kasagutan sa mga gawaing inihanda.

SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong kuwaderno o sagutang papel.

____1. Sino ang bayani ng bansang Pilipinas na isinilang noong Hunyo 19,1861?
A. Andres Bonifacio C. Antonio Luna
B. Dr. Jose P. Rizal D. Marcelo H. Del Pilar

____2. Saan ipinanganak si Jose Rizal?


A. Calamba, Laguna C. Calamba, Batanggas
B. Calamba, Novaliches D. Calamba, Rizal

____3. Sino-sino ang mga magulang ni Jose Rizal?


A. Francisco Baltazar at Teodora Mercado
B. Francisco Antonio at Teodora Realonda
C. Francisco Mercado at Teodora Alonzo
D. Francisco Luna at Teodora Rial
____4. Ano-ano ang dalawang nobela ni Rizal na naisulat sa panahon ng Kastila?
A. Noli Me Tangere at El Felebusterismo
B. Noli Me Tangere at Doktrina Christiana
C. Noli Me Tangere at El Filibusterismo
D. Noli Me Tangere at Mi Ultimo Adios

2
____5. Sa anong panahon ng pananakop naisulat ang dalawang akda ni Rizal?
A. Pananakop ng mga Amerikano
B. Pananakop ng mga dayuhan
C. Pananakop ng mga China
D. Pananakop ng Kastila

____6. Ano ang sandatang ginamit ni Rizal upang magising ang mga Pilipino sa
pang-aalipin ng mga Kastila?
A. itak B. nobela C. baril D. espada

____7. Ano ang ikalawang nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal?


A. El Filibusterismo C. Sa Aking mga Kababata
B. Noli Me Tangere D. Mi Ultimo Adios

____8. Ano ang kahulugan ng “El Filibusterismo”?


A. Ang Katapangan C. Paghahari ng Kasakiman
B. Huwag Mo Akong Salangin D. Ang Kasakiman

____9. Anong taon sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng nobelang ‘El


Filibusterismo”?
A. 1887 B. 1888 C. 1886 D. 1885

____10. Kanino inihandog ni Rizal ang nobelang “El Filibusterismo”?


A. sa tatlong paring martir C. sa tatlong inang martir
B. sa tatlong dalagang martir D. sa tatlong amang martir

____11. Kailan tinapos ni Rizal ang manuskrito ng nobelang “El Filibusterismo”?


A. Marso 29,1892 C. Marso 29, 1893
B. Marso 29, 1891 D. Marso 29, 1894

____12. Ano ang isinanla ni Rizal bilang paunang bayad sa pagsisimula ng


pagpapalimbag ng kanyang nobelang” El Filibusterismo”?
A. Mga aklat B. mga relos C. mga alahas D. mga kuwintas

____13. Sino ang kaibigan na tumulong kay Rizal para maipagpatuloy ang
paglimbag ng nobelang “El Filibusterismo”?
A. Ferdinand Blumentritt C. Mariano Ponce
B. Valentin Ventura D. Marcelo H. Del Pilar

____14. Kailan nailabas sa palimbagan ang buong aklat na El Filibusterismo?


A. Setyembre 18,1891 C. Setyembre 18, 1893
B. Setyembre 18, 1892 D. Setyembre 18, 1894

____ 15. Sino-sino ang tatlong paring pinaghandugan niya ng nobelang El


Filibusterismo?
A. Don Marcelo Gomez, Don Burgos, Don Juanito amora
B. Don Mario Gomez, Don Jose Burgos, Don Antonio Zamora
C. Don Mariano Gomez, Don Jose Burgos, Don Jacinto Zamora
D. Don Antonio Luna, Don Jacinto Burgos, Don Marcelo Gomez

3
TUKLASIN

Panuto: Hanapin mo ang salita o mga salita na may kaugnayan kay Dr. Jose P.
Rizal. Isulat sa iyong kuwaderno ang nabuong salita/mga salita.

G O M B U R Z A A B C D E F H U N Y O G

H I J K L M R E B O L U S Y O N A R Y O

I B A Y A N I N G B A N S A N O P Q R S

N T U V W N O L I M E T A N G E R E X Y

A Z F R A N C I S C O M E R C A D O C A

P A G H A H A R I N G K A S A K I M A N

I P A G T A N G G O L S A K A S T I L A

B C D B L U M E N T R I T T E F G H A I

E L F I L I B U S T E R I S M O J K M L

M N O P Q R S H I M A G S I K T U V B W

X Y Z T E O D O R A A L O N Z O A B A C

D E V A L I N T I N V E N T U R A F G H

Kumusta ang pagsagot mo sa gawain 1? Gamit ang dalawang simbolo sa ibaba,


ipaalam mo sa akin ang iyong nararamdaman?

Iguhit mo ang iyong tugon sa kahon at magbigay ng iyong paliwanag.

Guhit Paliwanag:

4
1. Bakit ganito ang iyong naging sagot sa ginawa mong paliwanag tungkol sa
gawain 1?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Sa tingin mo ba sapat na ang iyong pagkakakilala kay Dr. Jose P. Rizal base sa
gawain na iyong sinagutan? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

SURIIN

Handa ka na ba? Basahin mo at alamin ang paksa.

Si Dr. Jose P. Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang


sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina
G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang dalawang nobelang” Noli Me Tangere” at El Filibusterismo” ay
naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian
sa pmahalaan ng Kastila.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887,
marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil
sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas
din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit
kay Rizal na humingi naman ng tulong sa naging kaibigan niyang Gobernor Heneral
Emilio Terrero. Nabinbin ng nabinbin ang pagdinig sa kaso ng problema sa lupa,
napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang
“makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at
pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng
maraming panggigiit.

Sinimulan ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang


ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit ng loob na dinanas niya at ng
kanyang pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na may plano na si Rizal para

5
sa ikalawang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa
pagbalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito wala pang anim
na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng
“pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo,
pagliligpit sa mga kaaway, atbp.”

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba


niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakot-takot na liham ng
mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumating at ipinayo ng
Gobernado na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala
niya kay Blumentritt habang naglalakbay:” Lahat ng mga punong panlalawigan at
mga arsobispo ay naparoon sa Gobernado-Heneral araw-araw upang ako’y
ipagsumbong, ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga
alcalde na Nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa
itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na
kasama ang mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga
ngunit laging may kasamang teniente ng guwardiya sibil na marunong managalog…

Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling
niya ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin
sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko
sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-daling
nagpaalam sa aking pamilya. “
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig.
Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang sa katas-taasang
Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig.
May isa pang tinanggihang mapalibing sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-
aalalang ito, giniyagis si Rizal ng mga personal at political na suliranin: nangungulila
siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang inspirasyong dulot ng
paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang
tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at
mababa ang pagkilalang iginagwad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang
Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat
ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na napadala kay Kose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y
nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking
pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin iyon sa
loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako…. Naisanla ko na ang aking mga
alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga karaniwang
restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglaon iyon,
ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyo kung hindi
lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang
aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang mauubos nang lahat ang pag-asa ni Rizal,


dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris.
Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan
ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium.
Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring Gomez, Burgos at Zamora.

6
Ang pagkakahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni
Rizal ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang
politikal. Nalalahad ditto sa isang mala-talaarawang pagsasalaysay ang mga
suliranin ng Sistema ng pamahalaan ata ng mga kaakibat na problema: problema
sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp.
Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay
Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.

Masagisag malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula say Crisostomo


Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa
paraang hindi maipagkakamali--- kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam
sap ag-ibig.

Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya


bilang nobelista.

IDEYA NG PAGSULAT:

Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang


pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal.
Binigyang kahulugan ni Rizal ang salitang “Filibustero” sa kanyang kaibigang si
Ferdinand Blumentritt na nakabasa nito sa Noli ngunit hindi lubusang nakaunawa
sa kahulugan ng salita. Ganito ang paliwanag ni Rizal sa sulat: “Ang salitang
filibuster ay hindi pa gaanong alam dito sa Pilipinas… Una ko itong narinig noong
1872 nang maganap ang parusang kamatayan sa tatlong paring martir. Naaalala ko
pa ang takot na dulot ng salitang ito. Maging ang aming ama ay pinagbawalan
kaming banggitin man lamang angsalitang ito. Kinapit ng mga pahayagan sa
Maynila at ng mga Kastila ang salitang ito sa sinumang pinaghihinalaang
rebolusyonaryo… Ito ay nangangahulugan na isang mapanganib na taong
makabayan na maaaring hindi maglaon ay mabitay…”

Ang nobelang ito ay inihandog niya sa tatlong paring martir, na siyang naging
pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Isinulat
niya ito apat na taon pagkatapos isulat ang una niyang nobela na Noli Me Tangere.
Tulad ng Noli, nakasulat ito sa wikang Kastila. Dahil sa naunang nobela., binatikos
ng mga prayle at binigyan pa si Rizal ng sulat na nagsasaad ng layuning patayin
siya.

Naging kasalanan ang pagbasa nito tulad ng sinabi ng mga prayle sa


kanilang mga simbahan. Ipinagbawal itong mapunta sa sirkulasyon dahil ito ay
umaatake sa simbahan at mga Kastila. Sa ilalim ng mga pangyayaring ito
nanghinayang si Rizal na pinatay niya si Elias at hindi si Ibarra, pahiwatig na wala
ng kasunod ang Noli kung sakali. Nang panahong iyon ay masama din ang lagay
ng kanyang kalusugan kaya’t hindi na tiyak kung maitutuloy pa ang pagsulat tungkol
sa rebolusyon.
Sa kabila ng mga pinagdadaanang ito makikita sa sulat ni Rizal kay Marcelo H. Del
Pilar ang dahilan kung bakit nais niyang ituloy ang pagsulat. Binanggit ni Rizal ang
mga nakahihilakbot na mga kaisipan na palaging sumasagi sa kaniyang isipan lakip

7
pa rito ang nararanasan niyang madakas na pananaginip o bangungot pa na may
kinalaman sa mga namatay na kamag-anak at kaibigan, kaya di katakatakang
ganun na lamang ang pagnanasa niyang matapos ang pagsulat at mailathala ang
ikalawang yugto ng Noli Me Tangere, ang El Filibusterismo. Makikita sa El
Filibusterismo na ang pag-iisip ni Rizal ay napunta na sa pagiging rebolusyunaryo
mula sa pagiging repormista. Sa unang bahagi pa lamang ng nobela ay madarama
na ng bumabasa ang tumutupok na damdamin ng pagbabangon. Ito ay kinakatawan
ng mayamang mag-aalahas na si Simoun na nilalason ang puso ng layuning gisingin
ang bayan upang makapagbangon laban sa pamahalaan.

Bagaman puno ng galit si Rizal nung mga panahong iyon ay isinulat pa din
niya ang nobela ng hindi para sa pagganti ngunit para sa kapakanan ng lahi niya.
Ito ay makikita sa sulat ni Rizal sa kanyang malapit na kaibigang si Ferdinand
Blumentritt noong March 29, 1891, ang liham ay kababasahan ng ganito: “Natapos
ko na ang aking aklat ito ay hindi ko isinulat hango sa ideya ng aking paghihiganti
sa mga kaaway, ito ay para sa ikabubuti ng mga taong labis na pinahirapan, bagay
na nararapat sa lahing tagalog, kayumanggi ang kulay.

ANG PAGSULAT:

Sinimulan ni Rizal ang pagsususlat ng El Filibusterismo noong 1887 habang


nagsasanay ng medisina sa Calamba. Si Rizal ay dumating sa London noong Mayo
25, 1888 at ditto niya ginawa ang ilang pagbabago sa balangkas at ilang kabanata
nito. Noong 1889 naman ay nilisan niya ang London at tumungo sa Paris. Ditto
naman niya isinulat ang mga karagdagang kabanata. Dahil sa masayang
kapaligiran ng Paris na umaagaw sa kanyang atensiyon sa mga gawaing
pampanitikan, iniwan niya ito at tumungo sa Brussels, ang kabisera ng Belgium.
Noong Agosto 1890 naman ay dumating si Rizal sa Madrid. Dito naman niya tinapos
ang mga karagdagang kabanata. Dumanas si Rizal ng maraming kabiguan habang
nasa Madrid. Kasama rito ang kawalang -katarungang dinadanas ng kanyang
pamilya at kababayan sa Calamba gayundin ang pagpapaksal ni Leonor Rivera sa
isang inhinyerong Ingles na si Henry Kipping. Umalis si Rizal sa Madrid at nagtungo
sa Biarritz. Tinapos niya ang manuskrito sa Biarritz noong Marso 29, 1891.

ANG PAGPAPALIMBAG AT SI VALENTIN VENTURA:

Sa dahilang mas mura ang halaga ng pagpapalimbag, lumipat sa Ghent,


Belgium si Rizal noong Hulyo 5, 1891.
Dito ay naghanap siya ng pinakamurang bahay palimbagan para sa kanyang
nobelang El Filibusterismo at kanyang natagpuan ang palimbagan ng F. MEYER-
VAN LOO PRESS, sa daang Viaanderen na handang maglathala ng nobela sa
pamamagitan ng pagbabayad ng hulugan.

Isinanla ni Rizal ang kanyang mga alahas upang maging paunang bayad sa
palimbagan. Nakatanggap din si Rizal ng pera mula kay Jose Ma. Basa at P200
mula kay Rodriguez Arias mula sa mga sipi ng Sucesos ni Morgan a nabenta sa
Maynila. Ngunit naubos din ang lahat ng ito at kailangan pa niya ng Malaki pang
pondo para sa aklat.

8
Noong Agosto 6, 1891 itinigil ang paglilimbag ng aklat at kalahati lamang ng
aklat ang natapos. Naulit ang kalbaryo ni Rizal noong ipinalimbag niya ang Noli Me
Tangere. Naubos ang pondo niya sa Ghent tulad noong nasa Berlin siya at
pinalilimbag ang Noli Me Tangere. Sa ganitong kagipitan ay halos kanyang itapon
ang manuskrito ng El Filibusterismo sa apoy. Nang malaman ni Valentin Ventura
ang kagipitan ni Rizal, mula sa Paris ay kanyang pinadalhan si Rizal ng salapi na
may halagang P150 at nangakong magdadagdag pa upang maituloy ang
pagpapalimbag. Nagkakilala sina Valentin Ventura at Rizal sa Paris nang makituloy
sa kanilang tahanan ang huli.

Ang kanilang pagkakaibigan ang nagbigay ng pagkakataon na kaniyang


mapakinggan ang mga ideya ni Rizal. Dahil sa tulong na ito, naituloy ang
pagpapalimbag ng El Filibusterismo.

NATAPOS ANG PAGLIMBAG:

Nailabas na ang El Filibusterismo sa imprentahan Setyembre 18, 1891.


Nailabas ang El Filibusterismo sa imprentahan. Masayang masaya si Rizal noong
araw na iyon. Nagpadala agad siya ng dalawang kopya sa Hong Kong: isa kay Basa
at isa para kay Sixto Lopez. Ipinadala ni Rizal ang orihinal na manuskrito at isang
kopyang nilagdaan niya sa Paris kay Valentin Ventura na nagbigay ng kailangang
pondo para matapos ang pag-iimprenta.

Ipinadala ni Rizal ang mga komplimentaryong kopya kina Ferdinand


Blumentritt, Mariano Ponce, Graciano Lopez Jeana, T.H. Pardo de Tavera, Antonio
at Juan Luna. Pinadala niya din ang iba pang kopya sa kanyang mga kaibigan. Abot
langit ang papering tinanggap ng aklat mula sa Pilipinas at ibang bansa. Isang
papuri ang nailathala sa La Publicidad, isang pahayagan sa Barcelona na
nagsasasbing ang aklat ay maitutulad lamang kay Alexander Dumas at maaring
maging modelo at mahalagang yaman sa kasalukuyang literature ng Espanya.
Oktubre 1891 isinerye ng El Nuevo Regimen, isang pahayagan sa Madrid ang
nobela sa mga isyu nito. Halos lahat ng unang edisyon (edisyong Ghent) ay inilulan
sa malalaking kahon papuntang Hong Kong. Ngunit halos lahat ng mga iyon ay
nakompiska. Naging limitado ng kopya ng mga ito kaya naman tumaas ng husto
ang presyo nito na umabot sa 400 pesetas.

ANG PAGHAHANDOG SA TATLONG PARI:

Inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo sa tatlong paring pinaslang ng mga


Kastila sa mga sa parating ng pagpapatalsik sa pamahalaan na nagdulot ng pag-
aalsa sa Cavite noong 1872.

Nag-iwan ang kanilang pagkabitay ng mapait na damdamin sa maraming


mga Pilipino, lalo na kay Jose Rizal. Kapansin-pansin na may ilang dapat ituwid sa
mga datos ni Rizal. Si P. Gomez ay 73, si P. Burgos ay 35 at si P. Zamora naman
ay 37 taon.

9
Dedikasyon sa aklat:

Sa alaala ng mga paring sina Don Mariano Gomez (85 taong gulang) Don
Jose Burgos (35 taong gulang) at Don Jacinto Zamora (35 taong gulang). Binitay sa
Bagumbayan noong ika-28 ng Pebrero, 1872 Ang Relihiyon, sa pagtanggi na
paknitan kayo ng dangal, ay nagbigay alinlangan sa krimen na ibinibintang sa inyo;
Ang Gobyerno, sa pagbabalot ng misteryo at anino sa inyong isapin, upang
paniwalaan na ito ay nagkaroon ng mga pagkakamali, na nagawa sa mga
nakamamamatay na sandal, at ang buong Pilipinas., sa pagpipitagan sa inyong
alaala at pagtawag na kayong mga martir, ay hindi kinikilala sa anumang paraan
ang inyong pagkakasala. Samantalang hindi naipapakitang maliwanag ang inyong
partisipasyon sa pagkakagulong Kabitenyo, naging patriota man kayo o hindi,
nagkaroon man kayo o ang hilig sa pagtatanggol sa katarungan, nagkaroon ng hilig
sa Kalayaan, ay may karapatan akong ihandog sa inyo ang aking gawa bilang mga
biktima ng kasamaang aking kinakalaban.

At samantalang hinihintay naming na kilalanin ng Espanya balang araw ang


inyong kabutihan at hindi kapanagot sa inyong kamatayan, ang mga pahina nito ang
magsilbing nabalam na korona sa inyong mga hindi kilalang libingan at sila na
walang malinaw na edidensiya na uukupa sa inyong alaala, ang inyong dugo sana
ay mag mantsa sa kanilang mga kamay.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-anong paghihirap ang pinagdaanan ni Dr. Jose P. Rizal sa kanyang


buhay para sa inang bayan?
2. Paano ipinaglaban ni Rizal ang mga mamamayang Pilipino at ang bansang
Pilipinas laban sa mga kastilang nais sumakop nito?

PAGYAMANIN

Panuto: Gamit ang timeline, isulat ang mga importanteng kaganapan mula sa El
Filibusterismo.

1887__________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

10
1889__________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Agosto1890_____________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Marso29,1891___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Agosto6,1891___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Setyembre18,1891_______________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

ISAISIP

Ang araling ito ay nagsasaad kung ano ang mga


paghihirap ni Dr. Jose Rizal maipahayag lang niya
gamit ang kanyang akda sa mga paghihirap ng mga
Pilipino sa kamay ng mga mapang- alipustang
Kastila.
Mga hirap na dinaanan para lamang maging
matagumpay ang nobelang ito. Mapapansin din dito
ang pagtutulungan ng mga Pilipino kahit ano mang
mangyari.

11
ISAGAWA

Naging malinaw ba sa iyo ang pagsisid ng kaalaman tungkol sa naging buhay ni


Rizal at ang kuwento sa likod ng pagkasulat ng El Filibusterismo?
Wow, mahusay! Kung gayon, handa ka na para sa paggawa ng gawain.

Panuto: Sumulat ng sanaysay na may 10-15 pangungusap (kasama na dito ang


panimula, katawan, wakas) na tumatalakay sa mga layunin ni Rizal kung bakit niya
isinulat ang nobelang El Filibusterismo.

RUBRIK SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN

Napakahusay Mahusay Nangangailangan


Kategorya
pa ng Kasanayan Puntos
8-10 puntos 5-7 puntos 1-4 puntos
Kompleto ang Kulang ang Hindi nakitaan ng
Nilalaman mga mga mga
impormasyong impormasyong impormasyong
inilahad. inilahad. inilahad.
Napakahusay Mahusay Hindi malinaw ang
ng pagkakasunod- pagkakasunod-
pagkakasunod- sunod ng mga sunod ng mga
Organisasyon
sunod ng mga detalyeng detalyeng
detalyeng inilahad. inilahad.
inilahad.
Walang mali sa May ilang mali Halos lahat ng
pagkagamit ng sa pagkagamit salita ay mali sa
mga salita at ng mga salita paggamit at
sa pagbaybay at sa pagbaybay. Hindi
nito. Gumamit pagbaybay nakitaan ng
Wastong ng mga pang- nito. Hindi paggamit ng mga
gamit ng mga
ugnay sa masyado pang-ugnay sa
salita at
pagbaybay pagbuo ng gumamit ng pagbuo ng mga
mga mga pang- pangungusap.
pangungusap. ugnay sa
pagbuo ng
mga
pangungusap.

Kabuuan

12
TAYAHIN

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

____1. Ano ang ibig sabihin ng “El Filibusterismo”?


A. Ang Katapangan
B. “Huwag Mo Akong Salangin”
C. Paghahari ng Kasakiman
D. Paghahari ng Kamangmangan

____2. Sinong kaibigan ni Rizal na nilapitan nila tungkol sa problema sa kanilang


lupain sa Calamba?
A. Gobernador Heneral Emilio Terrero
B. Gobernador Heneral Emilio Terelbo
C. Gobernador Heneral Emilio Toribio
D. Gobernador Heneral Emilio Terio

____3. Ito ang dalawang nobela ni Rizal na naglalahad ng mga pang-aabuso ng


mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaang Kastila.
A. Nole Mi Tangeri at El Filibusterismo
B. Noli Mi Tangere at El Filibusterismo
C. Noli Me Tangere at El Filibusterismo
D. Noli Me Tangire at El Felebusterismo

____4. Bakit maraming kasawiaan ang naranasan ng mga kamag-anak at


kaibigan ni Jose Rizal bago pa man siya bumalik sa Pilipinas?
A. dahil sa maraming mga Pilipino ang galit kay Rizal
B. dahil sa pagkakasulat niya sa nobelang “Noli Me Tangere”
C. dahil maraming naging kaaway si Rizal at ang kanyang mga kamag-
anak at mga kaibigan ang pinagbuntunan
D. dahil sa maraming nainggit ni Rizal

____5. Bakit naisanla ni Rizal ang kanyang mga alahas?


A. dahil gusto niyang bumili ng bagong mga gamit
B. dahil ito ay magiging paunang bayad sa pagpapalimbag ng kanyang
nobela
C. dahil magpapadala siya ng pera para sa kanyang mga magulang sa
Pilipinas
D. dahil gagamitin niya sa pagpapatayo ng kanilang bahay

13
____6. Anong mga bagay ang napansin ni Rizal na nakaapekto sa ikalawang
nobela na sinulat niya?
A. Ang pagpapayaman ng mga prayle sa kanilang asyenda, pang-aakit sa
mga babae, panggugulo, pagliligpit sa mga kaaway, atbp.
B. Ang pagpapayaman ng mga prayle sa kanilang asyenda, pang-aakit sa
mga babae, panggugulo, pagsasaayos sa ng mga gusot ng kaaway,
atbp.
C. Ang pamamahagi ng mga prayle sa kanilang asyenda, paggalang sa
mga babae, katahimikan, pagliligpit sa mga kaaway, atbp.
D. Ang pamamahagi ng kanilang kayamanan at katalinuhan

____7. Bakit nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888?


A. dahil sa pangambang hindi niya matatapos ang nobelang kanyang
isusulat
B. dahil sa pangangambang malagay sa panganib ang buhay ng mga
mahal sa buhay
C. dahil sa pangambang baka siya ay ikulong at patayin
D. dahil sa pangambang walang tutulong sa kanya sa pagpapalimbag ng
kanyang isinulat

____8. Bakit malungkot pa rin si Rizal gayong nakahanap siya ng bagong


nagpatibok ng kanyang puso?
A. dahil nagungulila pa rin siya kay Leonora Rivera
B. dahil hindi niya matanggap ang pagpapakasal ni Leonora Rivera
C. dahil nangungulila pa rin siya sa kanyang mga magulang
D. dahil nangungulila sa kanyang mga kaibigan

____9. Ano ang ginawa ni Valentin Ventura matapos malamang nangangailangan


si Rizal ng salapi sa pagpapalimbag ng nobela?
A. sumulat siya kay Rizal
B. tumungo siya sa Paris upang tulungan si Rizal
C. nagpadala siya ng pera para sa pagpapalimbag ng aklat
D. siya mismo ang nagpapalimbag sa nobelang sinulat ni Rizal

____10. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit itinuring na nobelang political
ang El Filibusterismo?
A. dahil sa paghahandog niya rito sa mga Pilipinong nasawi
B. dahil sa paghahandog niya rito sa mga dalagang Pilipina
C. dahil sa paghahandog niya rito sa tatlong paring martir
D. dahil sa paghahandog niya rito sa kanyang pamilya at kaibigan

____11. Bakit kaya nagpursige si Rizal na tapusin ang kanyang aklat kahit sa
magulong sitwasyon sa panahon na kanyang isinulat ito?
A. dahil nais niyang ipaalam sa lahat ng mga Pilipino ang mga
magagandang katangian ng mga Kastila
B. dahil nais niyang gisingin ang bayan upang makapagbangon laban sa
maling pamahalaan
C. dahil nais niyang ipaalam sa bunong mundo ang katalinuhang taglay ng
mga Pilipino
D. dahil nais niyang magkaroon ng maraming akda

14
____12. Kung buhay si Rizal sa kasalukuyan, masisiyahan kaya siya sa kalagayan
ng Pilipinas ngayon?
A. Oo, dahil makikita niya na masaya na at malaya na ang mga Pilipino.
B. Hindi, dahil kung makikita niya ng kalagayan ng bansang binuwisan niya
ng buhay na walang pakundangan sa mga maling pamamalakad ng
ilang mga ahensiya ng pamahalaan. Makikitang walang pinagkaiba noon
at ngayon.
C. Oo, dahil makakagawa na ng mga bagay-bagay ang mga Pilipino.
D. Hindi dahil walang pagbabagong nangyari sa bansa.

____13. Bakit naiba ang tema ng El Filibusterismo sa naunang nobelang Noli Me


Tangere?
A. dahil nais niya lang na ibahin ang tema nito
B. dahil ito sa mga pangyayaring nararanasan ng kanyang pamilya, ng
kanyang sarili at maging ang bansa
C. dahil nais niyang baguhin ang layunin niya sa pagsusulat
D. dahil nais niyang mamulat ang mga Pilipino sa pagiging mapagmahal ng
mga dayuhan

____14. Kung ikaw si Rizal, isusulat mo rin ba ang iyong aklat sa wikang Kastila?
A. Oo, dahil alam ko naman na mababasa ito ng mga Kastila at
maiintindihan nila na naging masama ang kanilang pamamalakad sa
pamahalaan
B. Oo, dahil nais kong makarating ito sa bansang Espanya at mabasa nila
ang kaalipustahan ng kanilang mga kababayan at pangangamkam ng
pamahalaang hindi kanila
C. Oo, dahil madali para sa kanilang maunawaan ang kahayupang ginawa
nila sa bansang Pilipinas
D. Lahat ng nabanggit

____15. Sa iyong sariling palagay, nakaaapekto ba ang karanasan ng isang tao


sa pagsasagawa o pagsusulat ng kanyang aklat?
A. Hindi, dahil hindi naman ito ang paksa ng iyong akdang susulatin.
B. Oo, dahil mabisa mong maipahayag ang iyong mga nararamdaman
C. Hindi, dahil hindi ito ang magdidikta sa iyo sa pagsasagawa ng akda.
D. Oo, dahil ito ang magsisilbing inspirasyon mo upang maipahayag sa
makulay na paraan ang iyong saloobin o damdamin.

15
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Ngayon ay gusto kong ibahagi mo naman sa akin ang naging damdamin at
pananaw mo hinggil sa paksang iyong pinag-aralan.

Ano ang naging epekto ng paksa sa iyo bilang:


 isang anak:
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
____________________________________________
 isang mag-aaral:
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
____________________________________________
 isang mamamayan:
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
___________________________________________

16
17
TUKLASIN: HANAPIN MO!
 GOMBURZA * TEODORA ALONZO
 HUNYO * VALENTIN VENTURA
 NOLI ME TANGERE * CALAMBA
 FRANCISCO MERCADO * BAYANI NG BANSA
 PAGHAHARI NG KASAKIMAN * INAPI
 EL FILIBUSTERISMO * IPAGTANGGOL SA KASTILA
 BLUMENTRITT * REBOLUSYUNARYO
 HIMAGSIK
SUBUKIN
1. B 6. B 11. B
2. A 7. A 12. C
3. C 8. C 13. B
4. C 9. A 14. A
5. C 10. A 15. C
TAYAHIN
1. C 6. A 11. B
2. A 7. B 12. B
3. C 8. A 13. B
4. B 9. C 14. D
5. B 10.C 15. D
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Adriatico, Valerie May V, Inoy, Gelyn I., Selarta, Senen Joy T., David, Crispina P, Ege,
Yolanda A, Lumagas, Champberlyn F., Tañesa, Rico C., Ras, Corazon N.
Pinadaling Paraan sa Pagtuturo ng Filipino: Sanayang Aklat. Dumaguete City:
DepEd Negros Oriental Division. 2017.

Ambat, Vilma C., Barcelo, Ma. Teresa B., Cariño, Eric O., Dasig, Mary Jane R., Enrijo,
Willita A., Molina, Shiela C., Rivera, Julieta U., Salum, Rosalyn T., Sayson,
Joselyn C., Tabora, Mary Grace A., at Urgelles, Roderic P. Filipino 10 Modyul
para sa Mag-aaral. Vibal Group Inc. 2015

Angkop na Pang-Ugnay sa Pagpapaliwanag ng Panunuring Pampelikula (Accessed


August 10, 2020)
https://link.quipper.com/en/organizations/5468ba5a2294ee085c00014a/curric
ulum#curriculum
Covid Editoryal (Accessed August 13, 2020)
https://www.google.com.ph/search?q=covid%20editoryal&tbm=isch&tbs=rimg
%3ACRMq_1E4EbspxYUN78lHui69_1&prmd=isvn&hl=fil&sa=X&ved=0CBIQ
uIIBahcKEwiY1YyF5pfrAhUAAAAAHQAAAAAQSw&biw=360&bih=560#imgrc
=rAZ-Eoi-KnJx2M

Africa (Accessed July 11, 2020), https://www.britannica.com/place/Africa

Iran (Accessed July 11, 2020), https://www.britannica.com/place/Iran

San Juan, David Michael M., Diwa at Panitikan 7. Diwa Learning Systems Inc. 2013

Pangatnig Worksheets (Accessed August 11, 2020),


https://samutsamot.com/2013/03/07/pangatnig-worksheets-part-1/

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

19

You might also like