Professional Documents
Culture Documents
● Ito ay isang pormal o intelektuwalisadong kapamaraanang sumasa-ilalim sa estruktura ng wika. Tuntunin nito na
maipahayag ang mensahe o kaalamang nais iparating sa anyong pasulat o pasalita.
Berbal: Ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga letrang sumisimbolo sa kahulugan ng mga mensahe.
Di-Berbal: Gumagamit ng Kilos o Galaw ng Katawan” • Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay
ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita o titik.
Ang di – verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.
1. Kinesika (Kinesics) Pag – aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba’t ibang bahagi ng
ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang
mensaheng gusto nating iparating sa iba.
a. Ekspresyon ng Mukha “Nagpapakita ng Emosyon” Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti,
malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas
ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag.
b. Galaw ng Mata Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag – iiba ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal,
direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
c. Kumpas “Galaw ng Kamay” Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa
katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o
makikipag-alitan,mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng
isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe.
d. Tindig o Postura Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong kalseng tao ang iyong
kaharap o kausap.
2. Proksemika (Proxemics) pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall
(1963), isang antropologo. Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang
nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang pag-uusap sa pagitan ng dalawang
magkaibigan.
3. Pandama o Paghawak (Haptics): Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay
nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang-loob. Halimbawa: - Pagyakap - Paghaplos
4. Paralanguage - Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita - Tumutukoy ito sa tono ng tinig
(pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-
hininga, ungol at paghinto. - Ang anumang sinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa
pagbigkas ng mga salita o pangungusap.
5. Katahimikan/Hindi Pag-imik: Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita
na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-imik, inihahanda ng
tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita. May mga taong ginagamit ding sandata ang
katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba. Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang
damdamin ng isang tao sa ibang tao.
6. Kapaligiran: Nagsisilbing komunikasyong di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang maganap ang interaktibo at
komunikatibong gawain sa buhay. Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at
iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran. Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang
magaganap na pulong, kumperensya o seminar.
Ang kaanyuang pisikal ng tagapagsalita ay maaaring makatulong sa mensaheng nais niyang iparating. Ang mga Pilipino
ay may sariling pakahulugan sa mga pisikal na kaanyuan ng tagapagsalita at makikita ito sa mga pananaliksik nina Covar,
Peralta at Racelis, Hernandez at Agcaoili, at Medina.
Ilang Pisikal na Kaanyuan:
Mga Pananda
Ang mga pananda ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit ng isang salita sa loob
ng pangungusap. Ang mga sumusunod sa ibaba ang mga panandang madalas na
ginagamit sa mga pangungusap.
B. Sa / Para sa
Ang panandang sa ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung saan naganap ang
kilos ng pandiwa. Ito ay nagiging panandang kalaanan kung sinasamahan ng salitang para.
Halimbawa:
1. Pauwi na sa kanilang tirahan ang mag-anak.
2. Sa KFC kumain sina Tricia at Marie.
3. Ang paligsaan ay gaganapin sa plaza.
4. Para sa kanilang kasal ang mga biniling bulaklak.
5. Naghahanap ng masusuot na bestida si Alice para sa paligsahan.
6. Ginagawa ko ito para sa aking mga pangarap.
C. Si / Sina
Ang panandang si at sina ay ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao sa pangungusap.
Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina ay para sa dalawahan o maramihan.
Halimbawa:
1. Magkasama sina Charles at Princess sa simbahan.
2. Sina nanay at tatay ang nagdisenyo ng aming bahay.
3. Kukuha ng pagsusulit sa pagkaguro sina Alyssa at Nicole.
4. Si Andrei ang may kasalanan.
5. Huli nanaman sa klase si Rohanne.
6. Umiyak si Marou dahil naiwan siya ng bus.
D. Ng / Ng mga
Ang mga panandang ng at ng mga ay ginagamit bilang pananda sa pangngalan na
ginagamit na layon ng pandiwa, panuring na paari o tatanggap ng pandiwa.
Halimbawa:
1. Tatanggap ng perang papremyo ang mananalo.
2. Bumili ka ng gulay sa palengke.
3. Sa siyudad ng Iloilo makikita ang bahay na baton g pamilya Camiña.
4. Masasagot ng mga guro mo ang iyong tanong tungkol sa iyong grado.
5. Sumunod ka sa mga payo ng mga magulang mo.
6. Iginuhit ng mga mag-aaral ang larawan sa pisara.
E. Kay / Kina
Ang mga panandang kay at kina ay isang pananda ng pangngalan na ginagamit na layon
ng pandiwa o panuring. Kay ang ginagamit kung ang pangngalan ay isa o pang-isahan
at kina kung ito naman ay pang-maramihan.
Halimbawa:
1. Kay Jamir ang sombrero sa lamesa.
2. Galing kay Lee ang mga bulaklak.
3. Ang sulat at para kay nanay.
4. Kina Chi at Jeff ang mga nakaparadang motorsiklo.
5. Papunta kina Luis at Kyle ang pulang sasakyan.
6. Kina Elsa at Joy ang mga makukulay na papel sa lamesa.
F. Ay
Ang panandang ay ay isang pang-angkop o panandang pagbabaliktad. Kadalasang
ginagamit sa mga pangungusap na di-tuwiran o baliktad na ayos.
Halimbawa:
1. Sina Romeo at Cristina ay ikakasal na.
2. Ang mga magkakapit-bahay ay nagpupulong.
3. Si Ma’am Diane ay nakatira sa looban.
4. Ang batay ay bumili sa tindahan.
5. Ang mga tinuhog na karne ay iihawin na.
6. Sina Amber at Rose ay magkaibigan.
KABANATA VIII – MALIGAYANG PASKO (Tama o Mali)
1. M Hindi na lubhang malungkot si Juli nang magising noong Pasko.
2. M Nochebuena” pa ay inayos na ni Juli ang kanyang tampiping dadalhin.
3. T Nagluto pa siya ng agahan bago umalis ng bahay.
4. M Alam ni Juling pipi na ang kanyang ingkong nang kanyang iwan.
5. M Paglipat niya sa bahay ng kanyang titirhan ay hindi na siya makadadalaw sa kanila.
6. T .Ipinakikisabi ni Juli sa kanyang ama na siya’y napasok na sa kolehiyong maliit lamang ang bayad.
7. M Ipinagbili rin ni Juli ang “locket” na bigay sa kanya ni Basilio. T Ang Araw ng Pasko sa Pilipinas, ayon sa
matatanda, ay siyang araw ng mga bata.
8. M Mga kakanin lamang ang ibinibigay na aginaldo noon sa mga bata.
9. T Mga matatanda man ay nagsasaya rin kung Pasko. M Lahat ng tao ay nagbibihis ng magandang damit kung
Pasko.
10. T Kung minsan ay nasisira ang tiyan ng mga bata kung Pasko dahil sa kakakain ng sari-saring kakanin.
11. M Sa lahat ng bahay ay may handa kung Pasko.
12. T Nagkagulo ang mga babae nang mapipi si Tandang Selo.
13. M Bago umalis si Juli ay lumapit kay Tandang Selo at binindisyunan siya nito.
KABANATA IX – SI PILAT0
1. Sa kasawiang sinapit ni Tandang Selo _____. a. lahat ay naawa b. lahat ay sumisisi kay Tandang Tales c. walang
masisising sinuman
2. Ang sumamsam ng mga sandata ay _____.
a. ang tenyente ng Guardia Civil b. ang uldog ng pari c. ang kapitan ng Guardia Civil
3.Si _____ ang natakot kay Kabesang Tales. a. Pari Camora b. Pari Salvi c. Pari Clemente
4.Si _____ ang pinaglilingkuran ni Juli. a. Hermana Bali b. Hermana Penchang c. Hermana Tale
5.Si Juli ay _____ ayon kay Hermana Penchang. a. hindi marunong magdasal b. mali-mali kung magdasal c. marunong na
marunong magdasal
6. _____ nakadalaw si Juli sa kanyang nuno. a. Tuwing makalawa b. Minsan isang linggo c. Kailan ma’y hindi
7.Nang malaman ni Basilio na si Juli ay nakapaalila, lumuwas sa Maynila _____. a. upang kunin ang kaayang natipon at
matubos ang kanyang kasuyo b. upang limutin na si Juli c. upang mag-aral na uli
8.Ang paniwala ni Hermana Penchang ay _____. a. hindi dapat mag-aral ang binata sa Maynila b. dapat mag-aral sa
Maynila c. dapat magsaka na lamang
9.Nang bumalik si Kabesang Tales sa bahay niya ay _____. a. iba na ang nag-aari ng lupa niya b. siya rin ang may-ari c.
ang pari na ang namamahala sa kanyang lupain
10.Tumanggap si Kabesang Tales ng utos na iwan niya ang bahay sa loob ng a. tatlong araw b. apat na araw c. limang
araw