You are on page 1of 6

REVIEWER SA FILIPINO 10

1. Ginising si Juli ng nagtitilaukang manok. Iginala niya ang paningin at nakita


niyang madilim pa ang paligid. Una niyang naisip na baka nga nagmilagro ang
Mahal na Birhen. Naupo siya, sumandal sa dingding at nagdasal. Tumindig siya
at dali-daling nagpunta sa batalan. Luminga-linga ang dalaga, unti-unti nang
lumalaganap ang sikat ng araw sa umaga. Wala na siyang pag-asa. Bigo siya sa
hinihiling niya bagama’t may isa pa siyang hinihingi; ang perang inaasahan
niyang makikita kaya dali-dali siyang pumunta sa may altar subalit wala siyang
nakitang anomang salapi na bigay ng Birhen sa kaniya.
2. Para siyang basang-sisiw na nagpakulo ng tubig at naghanda ng salabat. Inayos
niya ang mga damit sa tampipi. Titindig na siya nang biglang may naalala siya.
May kinapa siya sa aparador. Nangislap ang kaniyang mga mata nang masalat
ang isang laket. Itinaas niya ang alahas at pinaikot-ikot sa harap ng namimilog
niyang mga mata.
3. Nagbihis siya at nagpaalam sa kaniyang lolo. Siya’y nagmano. Nagbilin din siya na
sabihin sa kaniyang ama kapag dumating ito na matutupad na ang kaniyang
pangarap na siya’y makapagtapos at sa magandang eskwela.
4. Nang sumikat na ang araw, kapansin-pansin ang maraming taong naglalakad
patungo sa simbahan. Maiingay, masasaya at bihis na bihis ang kaniyang mga
kababayan nang mamasid ni Tata Selo ang mga iyon mula sa durungawan ng
kanilang dampa.
5. Isang kinagisnang paniniwala na ang araw ng Pasko sa Pilipinas ay isang katangi-
tanging araw para sa kabataan. Subalit kung uuriratin mo sila, ang araw ng
Pasko ay kanilang kinatatakutan dahil sa iba’t ibang dahilan.
-Bahagi ng Kabanata 8, El Filibusterismo.
1. Batay sa tekstong binasa, anong kaisipan ang ipinahahayag ng TALATA 1?
A. Ang buhay ay simple lamang. C. Maka-Diyos at madasalin ang tao.
B. Milagro ang magising pa sa umaga. D. Abala ang tao sa maliliit na bagay.
2. Sa Talata 3, anong kulturang Pilipino ang malinaw na ipinahahayag?
A. Pag-aayos sa sarili C. Pagpapaalam at pagmamano
B. Pagtupad sa pangako D. Pag-aaral nang mabuti para sa magulang
3. Sa talata 2, anong kaisipan ang masasalamin batay sa ikinilos ng tauhan?
A. Walang pag-asa ang tao sa buhay.
B. Nakababagot ang buhay ng tao kapag paulit-ulit ang gawain.
C. Ang tao ay may suliranin na pinagdaraanan kaya nakadarama ng kawalang
pag-asa.
D. Minsa’y pinanghihinaan ng loob ang tao subalit nagkakaroon ito ng lakas ng loob
na harapin ang problema.
4. Sa kabuoan ng binasang bahagi ng kabanata, alin ang HINDI nabanggit bilang
kaisipan?
A. Paniniwala sa Diyos C. Paggalang sa nakatatanda
B. Pagdiriwang ng Araw ng Pasko D. Pangingibang bansa upang magtrabaho
5. Aling bahagi ng kabanata ang nagpapakita ng kulturang Pilipino na “Bahala na”?
A. talata 1 at 2 C. talata 2 at 3
B. talata 3 at 4 D. talata 4 at 5

MELC: Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari, at damdamin (F10WG-IVg-h-82 )

II. Basahin ang teksto (para sa aytem 6-10)

1. Isang umaga ng Disyembre noon. Kapansin-pansin ang isang bilugang barkong


mukhang hirap sa pag-usad sa Ilog Pasig. Sakay nito ang maraming pasahero
patungong Laguna. Kilala ang barkong ito na BAPOR TABO. Sinasabing
mapagbalat-kayo daw ang nasabing sasakyang dagat sapagkat bagama’t
napipinturahan ng puti ang katawan nito ay mapapansing marumi ang kabuoan
nito kung susuriing mabuti.
2. Kahit ano pa ang ipintas, kinalulugdan ng mga pobreng mamamayan ang BAPOR
TABO. Pabuga-buga rin ito ng itim na usok. Malakas ding sumipol. Sa kaniyang
pagdaan nawawasak pati mga salambaw na hawak-hawak ng mga mangingisda sa
mga ilog at dagat-dagatan. Kapag sumasadsad ang barko sa putikan, ang lahat ay
magkakadagan-dagan.
6. Anong angkop na paglalarawan sa panahon ang ginamit sa teksto?
A. Isang umaga C. Isang bilugan
B. Mukhang hirap D. May itaas at ibaba
7. Ang sumusunod ay mga paglalarawan sa BAPOR TABO MALIBAN SA?
A. isang bilugang barkong hirap sa pag-usad
B. napipinturahan ng puti ang katawan nito
C. may ibaba at itaas na kubyerta ang barko
D. may watawat ng Pilipinas at Espanya na nakawagayway sa bapor
8. Anong damdamin ng awtor ang inilalarawan sa bahaging ito ng Nobela?
A. pagkatuwa C. pagkagalit
B. pagkalungkot D. pag-aalala
9. Sa kabila ng kapintasan ng Bapor Tabo, ano ang damdamin ng mga mamamayan
ukol dito?
A. Naiinis ang mga tao C. Nagtitiis ang mga tao
B. Nagagalit ang mga tao D. Nasisiyahan pa rin ang mga tao
10. Kapansin-pansin; kapuna-puna,
Mapagbalat-kayo; ____________
A. matiisin C. magaslaw
B. malupit D. mapagpanggap
MELC:Natutukoy ang kahulugan ng matatalinghagang salita. (F10PT-IVb-c-83)
III. Panuto: Tukuyin kung ano kahulugan ng matatalinghagang salita na
nakasalungguhit sa loob ng pangungusap. Piliin sa kahon at isulat
sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
A. buhay at pagpapakasakit F. nawala sa sarili
B. makiuso G. paggalang
C. mamamatay H. pananakit
D. mapanghikayat I. maging alipin
E. nasisinagan J. walang kalaban-laban

11.Kapag nagnanais ang barkong sumunod sa agos ng makabagong panahon,


nasisiyahan na ito sa pagkukulapol ng bagong pintura. (B)
12.Ang bapor ay umuusad habang naliligo sa sikat ng araw na nagpapakinang sa mga
alon sa ilog at nagsasayaw sa mga kawayang nasa may pampang. (E)
13.Si Don Tiburcio de Espadaña ay nasindak sa ginawa niyang pagbubuhat ng kamay
sa asawa na parang pagpatay sa magulang ang nagawa niya. (H)
14.Napag-isip-isip ni Kabesang Tales na siya’y isang palayok na umuumpog sa
kawaling bakal. (J)
15.Ang kawawang si Tales ay namutla, umugong ang tainga, at pinagdiliman ng
paningin. (F)
16.Nagmatigas si Tales at sinabing ipagkakaloob lamang niya ang kaniyang lupain sa
unang lalaking magdidilig dito ng sarili niyang dugo. (C)
17.Ang kailangan ay magpanalo ng mga kaso at para magkagayon ay kailangan ang
mga kaibigan, impluwensiya, at dulas ng dila. (D)
18.Nagbalik si Simoun upang bigyan ng huling pitagan ang isang dakilang kaluluwang
sadyang namatay para sa kanya. (G)
19.Sukdulang ako’y gumamit ng luha at dugo upang kunin ko ang sadyang para sa
akin. (A)
20.Nagbubuklod kayo sa pag-aakalang mapag-iisa ninyo ang Pilipinas at Espanya sa
kuwintas na rosas, ngunit ang katotohanan, kayo’y nakadenahan ng matigas pa sa
bakal. (I)
MELC: Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at damdamin (F10WG-IVg-h-82)
IV. Panuto: Suriin ang tono o damdaming ipinahihiwatig ng mga pahayag.
Isulat ang letra ng tamang sagot.

21.“Ito’y higit pa sa nitro-glicerina. Ito ang mga luhang naipon, mga sinisikil na poot,
kawalang-katarungan, at mga pang-aapi. Ito ang huling matuwid ng mga mahihina,
lakas laban sa lakas, dahas laban sa dahas”
A. Napopoot C. Nagtatampo
B. Nang-uuyam D. Nagpapaliwanag
22. “Isagani, Isagani, makinig ka sa akin. Huwag tayong mag-aksaya ng panahon.
Ang bahay na iyon ay may mina. Maaari itong sumabog kahit anumang saglit
dahil sa kapangahasan, sa isang kalikutan. Isagani, ang lahat ay mamamatay
sa ilalim ng kanyang durog na labi”
A. Nagpapaalala C. Nayayamot
B. Nang-uuyam D. Nagpapaliwanag
23. “Sa akin ay wala, ngunit hindi ko gusto ang ginawa mo. Sila’y mga tao rin”,
ang sagot ni Carolino.
A. Naiinip C. Nasasabik
B. Natatakot D. Nagmamalasakit
24. “Ano, ikaw, Carolino, nasaan ang husay mo sa pagtudla?”, ang sigaw ng kabo.
A. Naiinip C. Natutuwa
B. Nasasabik D. Nagtatampo
25. “Magtiis at gumawa! Madaling sabihin iyan kung ang mga tao ay hindi naghihirap,
kung ang gawain ay nagagantimpalaan”, ang sabi ni Simon.
A. Naiinip C. Nagtatampo
B. Natatakot D. Nang-uuyam

MELC: Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan (F10PT-IVi-j-86)
V. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga mahahalagang pahayag sa akda.
Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.

26. Biglang huminto, huminga nang malalim, at nag-urong-sulong nang bahagya


si Simoun papunta sa piging na dala ang “lampara ng kamatayan.”
A. Natakot siya sa mga prayle at sa kapangyarihan ng heneral na naroroon.
B. Kinakabahan siya na baka malaman ng mga tao roon ang kanyang binabalak.
C. Nag-aalinlangan siyang ituloy ang plano subalit nanaig pa rin ang paghihiganti
sa kaniyang puso.
D. Nakaramdam siya ng pagod kaya nagpahinga siya nang bahagya bago
makisalamuha sa mataas na panauhin sa lipunan.

27. Nagpumilit na pumasok si Basilio sa pagtitipon ng dalawang ulit dahil nakikita


niyang madadamay ang mga taong walang kinalaman sa paghihiganti ni Simoun.
A. Gustong makita ni Basilio ang mga bisita sa pagtitipon.
B. Nangibabaw pa rin ang likas na kabutihan sa puso ng binata.
C. Walang isang salita si Basilio sa pinag-usapan nila ni Simoun.
D. Matigas ang ulo ni Basilio at damdamin lamang nito ang mahalaga.
28. Taas-noo si Isagani habang nakatitig sa bahay kung saan nagkaroon ng piging para
sa bagong kasal. Hindi niya gaanong naririnig at nauunawaan si Basilio.
A. Ayaw niyang pansinin si Basilio dahil masama ang loob niya.
B. Nabaliw na si Isagani dahil nagpakasal sa iba ang kasintahan.
C. Nagagalit si Isagani sa kasintahan dahil sa pag-iwan nito sa kaniya.
D. Labis na naapektuhan si Isagani dahil sa matinding kasawian sa pag-ibig.
29. Nakita ni Isaganing takot na takot ang dating payapang kaibigang si Basilio nang
mabilis itong lumayo sa kaniya pagkatapos siyang payuhang iwan ang lugar na
malapit sa piging.
A. Natakot siya sa ikinilos ni Basilio.
B. Naguguluhan sya sa kinikilos ni Basilio.
C. Nabahala siya na baka totoo ang sinasabi ni Basilio sa kaniya.
D. Nagtaka siya nang lubos kung bakit nagmamadali si Basilio.
30. Si Padre Salvi ang nagpapatunay na sulat-kamay nga ni Juan Crisostomo Ibarra
ang nakalagda sa makinis na papel.
A. Nagkukunwari lamang si Padre Salvi na kilala niya ang lagda ni
Juan Crisostomo Ibarra.
B. Tahimik subalit matalino si Padre Salvi kaya naman alam niya kung paano
bigyan ng kahulugan ang mga lagda nito.
C. Eksperto talaga si Padre Salvi sa pagsusuri ng mga lagda ng mga tao kaya noon
pa man ay pinagkakatiwalaan na siya ni Padre Damaso sa mahahalagang bagay
sa nobelang Noli Me Tangere.
D. Alam na alam ni Padre Salvi ang sulat-kamay ni Ibarra dahil nakialam siya sa
mga sulat nito kay Maria Clara noon para maidawit siya sa himagsikang
kagagawan nila ni Lucas sa Nobelang Noli Me Tangere.

MELC: Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito(F10PT-Iva-b-82)


VI. Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa
pangyayaring tinalakay sa kaligirang pangkasaysayan ng akda.

31. Maraming makabayan ang nagalak at humanga sa katapangan ni Rizal sa pagsulat


sa mga kabuktutan at pagmamalabis ng mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan,
nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol matapos mabasa
ang nilalaman nito.
A. kabutihan C. kalupitan
B. kahusayan D. kamalayan
32. Hindi lamang kawalan ng pondo ang kaniyang naging suliranin upang matapos ang
El Filibusterismo. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya at sa
mga kaibigan.
A. hadlang C. hasang
B. hagkan D. haring
33. Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay
sa Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose
Burgos, at Padre Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol.
A. pagbibigay-galang C. pagbibigay-husay
B. pagbibigay-galing D. pagbibigay-hatid
34. Hinimok si Rizal ni Gobernador-Heneral Emilio Terrerong lisanin ang bansa upang
maiiwas siya at ang kaniyang pamilya sa lalo pang kapahamakan at sa
pagmamalupit ng mga makapangyarihang prayle sa kaniyang pamilya.
A. pananakbo C. panunudyo
B. pananakit D. panunuyo
35. Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kaniyang
adhikain subalit siya’y nagtagumpay.
A. tinahak C. tinulak
B. tinabla D. tinumba

MELC: Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring umaakit sa
Imahinasyon at pandama (F10PB-IV-j-83)
VII. Panuto: Basahin at unawain ang akda. Piliin ang letra ng tamang sagot.

(Para sa aytem 36-38)

Akala ni Kabesang Tales ay nagbibiro ang prayle subalit hindi pala, katunayan ay
bumanggit siya ng isa sa mga utusan na hahalili kung sakali. Ang kaawa-awang si Tales ay
namutla, umugong ang tainga, at pinagdimlan ng paningin. Para niyang nakita ang kanIyang
asawa’t anak na maputla, yayat, at naghihingalo sa lagnat. Nakita niya ang dating madawag
na gubat na kanyang hinawan, naalala niya ang pagtulo ng kanyang pawis na siyang dumilig
sa mga pinitak; Nakita niya ang sariling nagsasaka sa kainitan ng araw,sugatan ang paang
nakatapak sa mga bato at ugat ng mga punungkahoy habang ang prayle ay nakasakay sa
karwaheng sinusundang parang alipin ng kaniyang kapalit.
36. Ang kaawa-awang si Tales ay namutla, umugong ang tainga, at pinagdimlan ng
paningin. Ano ang naramdaman ni Tales na may bagong magmamay-ari ng lupang
kaniyang sinasaka?
A. nagalit C. nagtaka
B. natuwa D. natakot
37. “Para niyang nakita ang kaniyang asawa’t anak na maputla, yayat, at naghihingalo
sa lagnat.” Ano ang kahulugan nito?
A. naalala niya ang nangyari sa kaniyang mag-ina.
B. nagalit siya sa nangyari sa kaniyang mag-ina.
C. natakot siya sa nangyari sa kaniyang mag-ina.
D. natawa siya sa nangyari sa kaniyang mag-ina.
38.“…naalala niya ang pagtulo ng kaniyang pawis na siyang dumilig sa mga pinitak;”
Ano ang pinahihiwatig ng pahayagna ito?
A. Hindi niya isosoli ang lupa sa nagmamay-ari.
B. Hindi niya pababayaan ang lupa sa ibang tao.
C. Hindi niya kukunin ang lupa sa ibang gustong umangkin nito
D. Hindi niya ibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang magdidilig muna rito
ng kaniyang dugo.
(Para sa aytem 39-40)

Nagngingitngit, at walang pag-asang tulad ng isang magpapakamatay, nagpasiyang pumasok


sa kumbento si Juli. Isang buntunghinga na wari’y isang panginginig ang namulas sa kanyang labi.
Sinundan siya ni Hermana Bali at binigyan ng paalala.
Nang gabing iyon, maraming bulong-bulungan tungkol sa mga pangyayaring naganap nang
hapong iyon. Isang dalaga ang tumalon mula sa bintana ng kumbento. Bumagsak ito sa bato at
namatay. Halos kasabay noon, isang babae ang lumabas sa lansangan na nagsisigaw at nagtitili na
parang isang baliw.
-Mula sa Kabanata XXX—(Juli)

39. Isang dalaga ang tumalon mula sa bintana ng kumbento kasunod ang isang
babaeng
nagtitiling tila isang baliw. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pangyayaring
ito?
A. pag-aalala C. pagkapagod
B. pagkagalak D. pagkapoot
40. Isang buntunghininga na wari’y isang panginginig ang namulas sa kaniyang labi.
Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. pagkaasar C. pagkatuwa
B. pagkabagot D. pagkatakot

Nasusuri ang nobela batay sa pananaw/ teoryang: • romantisismo • humanismo • naturalistiko


at iba pa (F10WG-IVg-h-81)
Panuto: Suriin ang inilalarawang pangyayari na hango sa nobela. Isulat kung
pananaw humanismo, realismo, romantisismo, naturalismo, o eksistensiyalismo
ang nakalarawan sa bawat bilang.

41. Walang kamatayan ang pag-ibig ni Simoun sa kaniyang kasintahang si Maria Clara.
Labintatlong taon siyang nagtiis at nagpunyagi upang makabalik at mailigtas ang
dalaga sa kaawa-awang kalagayan niya.
A. realismo C. romantisismo
B. naturalismo D. eksistensiyalismo

42. Si Simoun ang makapangyarihang tagapayo ng kataas-taasan. Nagawa niyang


paikutin sa kaniyang mga palad ang lahat ng tao. Malaya niyang naipahahayag ang
kaniyang mga iniisip nang walang kinatatakutan.
A. realismo C. naturalismo,
B. humanismo D. eksistensiyalismo
43. Naipakita ni Simoun ang totoong buhay at kalagayan ng lipunan noon—walang
Kalayaan; mailap ang katarungan sa mga api; sadlak sa kahirapan ang karamihang
Indio; ipinagkait ang wastong paraan ng pagtuturo; marahas ang mga nasa
pamunuan; laganap ang bisyo; at tiwali ang mga namumuno.
A. realismo C. naturalismo,
B. humanismo D. eksistensiyalismo
44. Maitim na anino ng kapitan heneral ang paglalarawan kay Simoun ng lahat.
A. realismo C. naturalismo
B. humanismo D. eksistensiyalismo
45. Ulila si Basilio—walang ama; walang ina; at walang kapatid subalit sa huli ay
naipakita niyang kayang mabuhay at makamit ang pinakamimithing pangarap
sa pagtitiis, pagtitiyaga, at pagsisikap.
A. realismo C. naturalismo,
B. humanismo D. eksistensiyalismo

MELC: Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin ng mga tauhan na may
kaugnayan sa: mga hilig/interes, kawilihan; pagkainip/pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot;
pagkaaliw/pagkalibang; at iba pa (F10PN-IVi-j-87)
IX. Panuto: Balikan at suriin ang mga pahayag na isinasaad sa bawat bilang.
Piliin ang damdaming isinasaad nito.

46. Alam ng mga mamamayan na matuwid at marangal na tao si Basilio kaya sigurado
silang naparatangan lamang ang binata.
A. pagkampi C. pagkatakot
B. pagiging patas D. pagpaparatang
47. Taliwas sa inisip o ginawa ni Hermana Pechang ang kaniyang mga sinasabi
A. pagkaawa C. pagkukunwari
B. pagkalibang D. pagmamayabang
48. Labag na labag sa kalooban ni Juli ang pagpapatulong sa kanilang kura dahil alam
niyang may hangad itong iba sa kaniya.
A. pagkaawa C. pagkainis
B. pagkatakot D. pagkamuhi
49. Masasamang panaginip ang salit-salitang dumadalaw kay Juli sa kaniyang
pagtulog na lubha niyang ikinababahala.
A. pagkapoot C. pagkapagal
B. pag-aalala D. pagkamapaniwalain
50. Isang dalaga ang tumalon sa kaniyang kamatayan mula sa bintana ng kumbento
kasunod ang isang babaeng nagtitiling tila isang baliw. Kinagabiha’y isang
matandang pipi ang tumuktok sa kumbento subalit sinaktan at ipinagtabuyan ng
Sacristan Mayor.
A. pagkapoot C. pag-aalala
B. pagkapagod D. pagkamaka-Diyos

You might also like