You are on page 1of 16

10

Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul 2
(Linggo 2)
Tauhan, Tunggalian at Tagpuan
ng El Filibusterismo

0
[Type here]

Panimula
Ang mga karanasang inihanay sa isang akda ay hango sa mga nilubid na
karanasan ng tao. Buhay ng tao ang ipinapakita sa akda kaya buhay ang akda.

Sa pagbubuo ng tauhan, kinikilala ng manunulat kung ang mga ito ay isang


tauhang bilog o isang tauhang lapad. Bilog ang tauhan kung ito ay kumikilos nang
buhay na buhay at kakikitaan ng isang transpormasyon. May malaking pagbabago
mula sa simula ng kwento tungo sa wakas nito. Ang ganitong uri ng tauhan ay nakikita
sa mga kwentong realidad o makatotohanan.

Samantala, ang tauhang lapad ay hindi kakikitaan ng pagbabago mula sa


simula hanggang wakas. Lapad din ang tauhan kung ito ay kakikitaan ng
kamartiran. Lutang na lutang ang ganitong uri ng tauhan sa mga kwentong
romantiko.

Dalawang uri ang paraan ng pagla larawang pantauhan. Ito ang direkta o
hayagan at ang makulay o masining na paglalarawan.

Hayagan ang paglalarawan kung ang manunulat mismo ang siyang


naglalahad ng mga katangian, kilos at galaw, o paniniwala ng tauhan. Samantala,
masining ang paglalarawang pantauhan kung sa proseso ng kwento ay unti-unting
lumalabas ang katangian ng tauhan. Nakikilala rin ang tauhan sa tulong ng
kanyang mga pilosopiya, pananalita at gawi.

Sa tulong ng mga kaalaman tungkol sa tauhan ay t unghayan natin ang mga


tauhan sa nobelang El Filibusterismo.

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


1. |F10PB-IVb-c-87| Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng:
- pagtunton sa mga pangyayari
- pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan
- pagtukoy sa wakas
Bago ka dumako sa tatalakayin tungkol sa araling ito, nararapat na sagutin mo muna
ang mga sumusunod na katanungan upang masubok ang iyong kaalaman sa paksang
tatalakayin. Handa ka na ba? Paghusayan mo!

1
[Type here]

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa isang
buong papel.
1. Isang ulila na namasukan bilang katulong kina Kapitan Tiago kapalit ng libreng pag-
aaral.
A. Basilio C. Isagani
B. Crispin D. Simoun
2. Bumalik ng bansa pagkatapos ng labintatlong taon upang maghiganti at maghasik ng
rebolusyon sa mapaniil at tiwaling pamahalaan. Siya ang sumisimbolo ng pagbangon
ng mga Pilipino mula sa hikahos na kalagayan tungo sa kaunlaran.
A. Basilio C. Isagani
B. Crispin D. Simoun
3. Ang kasintahan ni Basilio na kilala bilang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak
ni Kabesang Tales. Siya ay larawan ng isang Pilipinang madasalin, matiisin,
masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya.
A. Juliana/Juli C. Maria Clara
B. Paulita Gomez D. Sinang
4. Isang makata na nagtapos sa Ateneo at isa rin sa nagnais magkaroon ng Akademya
ng Wikang Kastila.
A. Isagani C. Sandoval
B. Quiroga D. Tadeo
5. Siya ang kasangkapan sa pagbabago ni Basilio at tumulong din upang makapagtapos
ng pag-aaral ang binata.
A. Don Tiburcio C. Kapitan Tiago
B. Kapitan Heneral D. Tata Selo

Para sa bilang 6-8 Basahin at suriin ang pahayag sa ibaba.


“Kapag may mga uban na ako na tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at
makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi ginhawa at ang nararapat
gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang
tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang
bawat uban at sa halip na ikaluwalhati ko’y dapat kong ikahiya”, ‘ani Isagani.
6. Ano ang sinisimbolo ng uban ayon sa binasang pahayag?
A. ang puting buhok ni Ginoong Pasta
B. gawi ni Ginoong Pasta bilang mamamayan
C. pamamahala ni Ginoong Pasta bilang isang pinuno
D. tungkulin ni Ginoong Pasta bilang mamamayan sa bansa
7. Batay sa pahayag, bakit kaya ito nasabi ni Isagani kay Ginoong Pasta?
A. dahil hindi sila tinulungan sa kanilang kahilingan
B. dahil sa ipinakitang pagiging makasarili ni Ginoong Pasta
C. dahil takot si Ginoong Pasta para sa kanyang sarili at mga ari-arian
D. lahat ng nabanggit
8. Paano ginamit ng nagsasalita ang uban upang ipahayag ang kanyang saloobin?
A. ipahiya si Ginoong Pasta
B. paghahambing nito sa tinik
C. pagkatakot na magkaroon ng puting buhok
D. paggamit upang imulat ang kausap sa katotohanan

2
[Type here]

9. Bumalik sa Pilipinas si Simoun matapos ang labintatlong taon sa pinakalayuning


__________.
A. bumuo ng samahan para sa bayan
B. iligtas si Maria Clara sa kamay ni Padre Salvi
C. itutuloy ang hangarin upang makapaghiganti
D. tutulong sa pagpapalaya ng bayan mula sa kamay ng mga Kastila
10. Anong kasawian ang naranasan ni Basilio sa nobela?
A. kawalan ng hanapbuhay C. naulila sa kasintahan
B. kawalan ng tahanan D. naulila sa pamilya
11. Paano natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun?
A. lihim siyang nag-imbestiga
B. nalaman niya sa kanyang malapit na kaibigan
C. narinig niya sa bulong-bulongan o usap-usapan sa bayan
D. mangyaring dinalaw niya ang puntod ng kanyang ina at narinig ang kaluskos o
ingay na likha ng paghuhukay ni Simoun
12. Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila, malinaw na ipinakita ni Rizal ang
kalagayan ng mga Pilipino na mahirap at walang pamilyang kinabibilangan sa
katauhan ni Basilio maging sa paaralan. Ano ang naging pakikitungo kay Basilio ng
kanyang mga kaklase at guro sa paaralan?
A. kasundo ng lahat si Basilio
B. palagi siyang nilalait at minamaliit
C. tinutulungan siya sa klase
D. walang pakialam sa kanya
13. Paano natulungan ni Kapitan Tiago si Basilio na makapagsimula ng bagong buhay?
A. inampon ni Kapitan Tiago si Basilio
B. kinupkop at tinuring na totoong anak ni Kapitan Tiago si Basilio
C. naging alila na walang bayad si Basilio kapalit ng pagpapaaral sa kanya ni Kapitan
Tiago
D. samantalang pinatuloy ni Kapitan Tiago si Basilio hanggang sa ito ay makahanap
ng trabaho
14. Ang nag-udyok kay Juli na magsadya at tumungo sa kumbento maliban sa isa.
A. Babarilin si Kabesang Tales kung hindi siya pupunta sa kumbento.
B. Binangungot si Juli na binaril umano si Basilio.
C. Hindi nangyari ang kanyang inaasahang himala mula sa Mahal na Birhen kaugnay
sa panalangin na madagdagan ang perang pantubos sa kanyang ama.
D. Ipatatapon si Basilio sa Carolinas dahil ito na lang ang naiwan sa kulungan.
15. Dahilan kung bakit walang nakatulong kay Basilio mula sa kanyang pagkakakulong
maliban sa isa.
A. Kasintahan niya si Juli na anak ng tulisang si Kabesang Tales.
B. Patay na si Kapitan Tiago na kanyang kinikilalang amain.
C. Pinuno siya ng mga kabataang nagpaskil sa paaralan.
D. Wala siyang pantubos sa sarili.

Napakahusay ng iyong ipinakitang kakayahan. Binabati kita! Ngayon, paghusayan mo


pang lalo ang susunod na gawain.

3
[Type here]

Aralin
“Tauhan, Tunggalian at Tagpuan ng
2 Akdang El Filibusterismo”
Linggo 2

ALAMIN

Ang araling ito ay nagpapakita ng mga pangyayari sa lipunan o bayan sa pamamagitan


ng pagkakasulat ng nobela.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakatutukoy sa papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng
pagtunton sa mga pangyayari;
2. naiisa-isa ang mga tunggaliang naganap kaugnay sa papel na ginampanan ng tauhan;
3. nakapaglalarawan sa tagpuan ng tauhang kasangkot; at
4. nakapaglalahad sa wakas na kinahantungan ng tauhan.

BALIKAN/ PAGGANYAK

Bago mo umpisahan ang pagbabasa at pagsusuri sa mga kabanata ng nobelang ito,


mainam na magbalik-tanaw ka muna sa mahahalagang pangyayaring naganap sa kaligirang
pangkasaysayan ng El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal.
GAWAIN 2.1: NAKARAAN, BALIKAN MO
Panuto: Magbigay ng limang mahahalagang pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo sa pamamagitan ng timeline. Kopyahin ang talahanayan sa iyong sagutang
papel at sagutin ito.

Mahahalagang Pangyayari sa Kaligirang Pangkasaysayan ng


“El Filibusterismo” ni Dr. Jose Rizal

4
[Type here]

TUKLASIN
MAHAHALAGANG TAUHAN NG EL FILIBUSTERISMO

Isa sa mga kalakasan ng nobela ay ang pagkakaroon ng mga tauhang nagbibigay-


buhay sa bawat bahagi at kabanata ng akda. Napakahusay ng pagkakahabi sa mga tauhan
kaya’t naging labis na makatotohanan at halos nararamdaman ang bawat paghinga, galaw,
damdamin, at presensiya ng bawat isa. Halina’t kilalanin mo ang mga tauhang nagbibigay-
bisa at buhay sa kabuoan ng nobela.

(Ang mga larawang ginamit ng mga tauhan ay mula sa Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2)

Isang Espanyol at
Napakayamang Hinirang siya ng mataas na kawani
mag-aalahas at Espanya bilang ng pamahalaan
kaibigang matalik pinakamataas na kagalang-
at tagapayo ng na pinuno ng galang;
Kapitan-Heneral. pamahalaan. tumutupad sa
tungkulin; may
paninindigan; at
may kapanagutan.
KAPITAN MATAAS NA
SIMOUN HENERAL KAWANI

Paring Matikas at
Mabuti at Pransiskano na matalinong paring
kagalang-galang pinakikinggan at Dominiko. Siya
na paring Pilipino. iginagalang ng ang Rector ng
iba pa niyang Unibersidad ng
kasamahang Santo Tomas.
prayle.
PADRE PADRE PADRE
FLORENTINO SALVI SIBYLA

Paring Isang batang


Paring Kanonigo Dominiko na paring
na minamaliit at di bukas ang isip Pransiskano na
gaanong sa pagbabago mahilig makipag-
iginagalang ni lalo na sa tungayaw kay Ben
Padre Camorra. edukasyon ng Zayb sa kung
mga mag-aaral. ano-anong bagay
na maibigan. Siya
PADRE PADRE PADRE ang kura ng Tiani.
IRENE FERNANDEZ CAMORRA

Paring Dominiko Ang


na propesor sa pinakamagandang
pisika at kemika. Kilala rin bilang dalaga sa Tiani na
Mabuting pilosopo si Kabesang anak ni kabesang
at bantog sa Tales, ang Tales. Larawan
husay sa napakasipag na siya ng Pilipinang
pakikipagtalo magsasaka na madasalin,
subalit hindi dating kasama matiisin,
lubusang sa masunurin, at
maiparanas o mayayamang madiskarte sa
maituro nang may lupain. buhay para
mahusay ang makatulong sa
PADRE
MILLON
aralin sa mga TELESFORO JULIANA/JULI
pamilya.
mag-aaral. JUAN DE DIOS

5
[Type here]

Anak ni Nalampasan niya


Kabesang Tales ang mga hilahil ng
Ang kumalinga sa na tahimik at buhay dahil
batang si Basilio kusang-loob na nagpaalipin kay
sa gubat ng sumunod sa Kapitan Tiago.
tumakas siya mula kagustuhan ng Nagpunyagi sa
sa mga guwardiya amang siya’y pag-aaral at
sibil sa Noli Me magsundalo. nakapanggamot
Tangere. Siya ang Nawala ng agad kahit hindi
maunawaing tatay matagal na pa natatanggap
ni Kabesang panahon. ang diploma ng
Tales. pagtatapos.
TATA SELO TANO/CAROLINO BASILIO

Mahinahon at
Malalim na Mag-aaral sa mapagtimpi ang
makata at abogasya na kahulugan ng
mahusay sa nangunguna sa kanyang pangalan
makipagtalo. panawagang na pilit niyang
Matapang sa pagbubukas ng pinaninidigan
pagpapahayag ng akademya sa kahit pa lubhang
kanyang pagtuturo ng kinaiinisan din
pinaniniwalaan Kastila. Siya ay niya ang
kaninuman. napakayaman pangalang ito.
Pamangkin siya at bukas-palad Kapag siya ay
ng butihing si sa kapwa. napuno, parang
Padre Florentino. bulkan siyang
PLACIDO sumasabog at
MAKARAIG PENITENTE walang
ISAGANI
kinatatakutan.

Mayamang Isang tunay na


mag-aaral na Espanyol si
tamad at Sandoval na lubos
Mapanuring mag- lakwatsero. na kaisa sa
aaral at masigasig Laging adhikain ng mga
makipagtalo inaabuso at estudyanteng
upang mailabas tinatakot si Pilipino. Mahilig
ang matalinong Placido. makipagdebate sa
kaisipan at Masugid siyang kahit anong paksa
kasagutan sa iba’t manliligaw ni upang siya ay
ibang usapin. Paulita Gomez mahangaan. Nais
na pinaburan ng niyang mailabas
tiyahin niyang si ang katotohanan
JUANITO
Donya sa isang usapin.
PECSON PELAEZ SANDOVAL
Victorina.

Isang
masayahin at
napakagandang
Isang mag-aaral dalagang Larawan si Donya
na lubhang tamad hinangaan ng Victorina ng isang
at laging karamihan sa Pilipinang walang
nagsasakit-sakitan mga lalaki. pagpapahalaga sa
tuwing makikita ng Pamangkin siya kanyang lahi.
propesor. Hangad ni Donya Inaalimura,
niyang laging Victorina at tinutuligsa, at
walang pasok sa kasintahan ni itinatakwil ang
paaralan upang Isagani. mga Indiong
makapaglakwatsa. Larawan siya ng kanyang kalipi.
dalagang laging
TADEO PAULITA GOMEZ maayos at DONYA
maalaga sa VICTORINA
sarili.

6
[Type here]

Dating kaibigan
Isang Espanyol na ng mga prayle Ang tanging
asawa ni Donya subalit babaeng inibig ni
Victorina na sumama ang Ibarra sa kanyang
nagtago at loob sa mga ito. buhay. Isa siya sa
nagpasiyang di na Nawalan ng mga dahilan ng
muling pakita sa kahulugan ang pagbabalik ni
asawa dahil sa kanyang buhay Ibarra sa
kapritso nito. Siya nang pumasok katauhan ni
ang larawan ng si Maria Clara Simoun sa
mga lalaking sa monasteryo. Pilipinas. Nais
walang buto, Siya ang siyang itakas ni
sunod-sunuran, at kasangkapan sa Simoun mula sa
takot sa asawa. pagbabago ni monasteryo.
DON TIBURCIO KAPITAN Basilio. MARIA
TIYAGO CLARA

Isang mayamang-
mamamayan na Nakapag-asawa Ang mamahayag
taga-San Diego. ng maganda at na malayang
Siya ang ama ni mayamang mag-isip, at
Sinang at asawa mestisa. minsan ay
ni kapitan Tika. Umangat ang kakatwa ang
Galante sa mga kanyang paksang nais
pinuno at kawani posisyon niyang isulat
sa pamahalaan at hanggang magkaroon
sa mga prayle naging opisyal lamang ng
upang maiwasan na tagapayo ng ilalathala. Mababa
ang problema o Kapitan Heneral ang pagtingin niya
kagipitan sa mga dahil sa likas kay Padre
pabor na kanyang niyang talino. Cammora.
KAPITAN DON CUSTODIO BEN ZAYB
BASILIO kakailanganin.

Isang batikang
Naging alila ng Isang kaakit-akit panggingera at
mga prayle na mananayaw. nangunguna sa
habang nag-aaral Maputi at pagbibigay-payo
bago siya naging kakaiba ang sa mga suliranin
pinakatanyag na kulay sa sa kanilang baryo.
abogadong karaniwang Siya ang nagpayo
Pilipino. Mapanuri Pilipina. Mahilig kay Juli na
at namimili siya ng siyang humingi magpaalipin nang
kausap. Takot ng pabor kay kapusin sa
siyang mamagitan Don Custodio pananalapi ang
para sa kaunlaran na nahihibang amang si Tales.
ng mga mag-aaral sa kanyang Siya rin ang
at tila walang alindog. nagbalita kay Juli
malasakit sa Kaibigan din tungkol sa
GINOONG kanilang iniisip at PEPAY niya si Juanito HERMANA pagkakulong ni
PASTA kabutihan. Pelaez. BALI Basilio.

Masimbahing Asawa ni Ang isa sa matalik


manang at naging Kapitan Basilio na kaibigan ni
amo ni Juli. at ina ni Sinang. Maria Clara sa
Mapanghusga Ayaw niyang Noli Me Tangere.
siya sa mga taong magpahalatang Siya ay nakapag-
sawimpalad. nagugustuhan asawa na sa
Takot sa mga nilang mag-ina nobelang ito. Siya
prayle kaya ayaw ang magaganda ay anak ng
tumulong sa at mamahaling mayamang si
inaakala niyang alahas. Kapitan Basilio at
HERMANA kalaban ng mga ni Kapitana Tika.
PENCHANG ito. KAPITANA TIKA SINANG

7
[Type here]

Mayamang
mangangalakal
na Intsik. Halos
Butihing ina ni kontrolado niya Ang ama ni
Placido Penitente. ang takbo ng Juanito Pelaez.
Kahit balo na kalakalan. Larawan siya ng
matiyaga niyang Iniaangkop niya mapandustang
pinag-aral ang ang ugali mangangalakal.
anak. Siya ay depende sa Siya ang nakabili
larawan ng ulirang kanyang ng tahanan ni
magulang dahil kaharap. Kapitan Tiago sa
sinisiguro niyang Isinusulong rin murang halaga.
matutugunan ang niya ang Naging kasosyo
mga pagkakaroon ng siya sa negosyo ni
pangangailangan konsulado ng Simoun.
KABESANG QUIROGA DON
ng mga anak. mga Intsik sa TIMOTEO
ANDANG
bansa. PELAEZ

Isang Ang kutserong


beteranong dalawang ulit na
Mahusay sa marinero ang nahuli ng guardiya
mahika. kapitan ng sibil bago mag
Napaniwala niya barko. Siya ay noche buena dahil
ang mga may malawak wala siyang
manonood at na karanasan sedula at wala
nakapag-usig sa sa paglalakbay ring ilaw ang
budhi ni Padre sa ibat-ibang kanyang kalesa.
Salvi sa kanyang panig ng mundo Naging kutsero
palabas. lulan ng siya ni Simoun sa
matutulin at huli at naging
malalaking kasapi sa lihim
MR. LEEDS KAPITAN NG barko noong SINONG niyang kilusan.
BARKO kabataan.

Isang
Ang tanging matandang
nilalang sa pandak na
siyudad na buhay na buhay
walang pakialam ang mga mata.
sa Nabubuhay sa
pinagkakaguluhan pagbabalita ng
ng lahat sa mga palabas at
siyudad na pagpapaskil ng
opereta mula sa mga anunsiyo.
Pransiya. Kaibigan siya ni
CAMARONCOCIDO TIYO KIKO Camaroncocido.

Isa-isa nang nailantad o naipakilala ang mga tauhang gaganap ng mahahalagang


papel sa nobela. Ngayon ay subukin ang iyong kakayahan sa pagsagot sa susunod na
gawain sa ibaba.

GAWAIN 2.2: PAG-ISIPAN AT SAGUTIN MO


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong ukol sa mga nakilala mong
mahahalagang tauhan sa nobelang El Filibusterismo. Ilagay ito sa isang buong
papel.

1. Sino sa mga tauhan sa nobela ang nais mong makilala pa nang mabuti? Bakit?
2. Sino naman sa mga tauhan ang agad mong hinangaan ang taglay niyang katangian?
3. Sino sa kanila ang nakikita mong misteryoso? Bakit?
4. Sino ang nais mong payuhan agad sa mga tauhan upang maiba ang kanyang
kapalaran sa nobela?
5. Sino sa kanila ang nais mong maging matalik na kaibigan? Bakit?

8
[Type here]

SURIIN/TALAKAYIN

Bilang bahagi ng paghahanda sa pag-aaral ng araling ito, basahin mo ang buod ng


mga kabanata upang magkaroon ka ng kaalaman sa mahahalagang pangyayari hinggil sa
nilalaman ng mga ito. Pagkatapos ay sagutin ang tiyak na mga tanong sa ibaba nito.

BUOD
SI BASILIO
(Kabanata VI)

Mauunawaan sa kabanatang ito na kapag nagsumikap at nagtiyaga ang isang


bata kahit walang makakapitang pamilya at ibang kamag-anak ay magtatagumpay.
Ulila, walang kapatid, at takot sa maykapangyarihan, si Basilio ay lumuwas ng
Maynila nang siya ay makatanggap ng salapi sa taong hindi niya kilala pagkatapos siyang
matulungan nitong mailibing ang inang si Sisa sa lupaing hindi niya alam kung sino ang
nagmamay-ari. Nagpalaboy-laboy siya sa lansangan. Kinaawaan siya dahil sa kaniyang
kahabag-habag na anyo. Nakaisip siyang magpatiwakal upang matapos na ang
paghihirap subalit sa di inaasahang pangyayari ay nakakita ng masasandigan.
Nabuhayan siya ng loob. Ginawang alilang walang bayad si Basilio kapalit ng
pagpapaaral sa kanya ng nangungulila sa anak ng mayamang si Kapitan Tiago.
Nakaranas siya ng panlalait mula sa mga kaklase at ilang propesor dahil sa kanyang
anyo at kilos na kakaiba sa mga mag-aaral sa lungsod. Dumaan siya sa matinding
paghihirap at pangungutya subalit pilit niyang pinaghusay ang pagsusunog ng kilay.
Naiangat niya ang sarili sa pag-aaral at siya ay natanggap ng mga kamag-aral. Hindi siya
nabigo dahil magtatapos siyang may pinakamataas na karangalan sa medisina.

Gabay na tanong:
1. Ano-anong kasawian ang naranasan ni Basilio nang maulila? Paano niya naharap ang
mga ito?
2. Ano ang naging pakikitungo kay Basilio ng kanyang mga kaklase at guro sa paaralan sa
simula ng taon hanggang sa ikatlong taon ng kanyang pag-aaral? Bakit hindi siya
sumuko sa kabila ng kalagayan na tila walang patutunguhan?
3. Kung ikaw ay isang mag-aaral na may natatago palang talento at galing subalit hindi mo
nailalabas dahil sa iba’t ibang kadahilanan, ano ang gagawin mo upang tulad ni Basilio
ay maipakita mo ito at magtagumpay ka rin?

BUOD
SI SIMOUN
(Kabanata VII)
Makapangyarihan ang mayamang mag-aalahas na si Simoun. Ilang taguri sa
kanya ay Indiong Ingles, Portuges, Kardinal Moreno, at maitim na tagapayo ng Kapitan
Heneral. Matapang at wala siyang kinatatakutan sino man sa mga opisyal ng simbahan
o ng pamahalaan. Matalim siyang magsalita at laging naghahamon ng kakayahan sa
mga nakakausap. Bumalik siya ng bansa pagkatapos ng labintatlong taon upang
maghiganti at maghasik ng rebolusyon sa mapaniil at tiwaling pamahalaan.
Natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun nang hindi sinasadyang makita siya
nito na naghuhukay sa madilim na kagubatan. Upang hindi mabunyag ang pagbabalat
kayo ni Simoun ay inisip niyang wakasan ang buhay ni Basilio subalit nagbago ang
kanyang isip nang mabatid niyang hindi siya ipahahamak o ipagkakanulo ng binata sa
kapangyarihan. Bagkus ay hinimok siya ni Simoun na siya’y tulungan subalit tumanggi
ang binata dahil hindi siya mahilig sa politika at iba ang kanyang layunin.

9
[Type here]

Nais ng binata ng payapa at tahimik na buhay subalit masigasig at hindi siya tinigilan ni
Simoun na imulat ang kanyang mga mata sa mga totoong pangyayari at ang magiging
kinabukasan ng kanyang bayan kung silang mga kabataang may mahuhusay na
kaisipan ay malilihis ng adhikain. Patuloy niyang hinamon ang binata sa paggising sa
kanyang diwa sa kasawian ng kanyang pamilya na nakapagpaalab ng kalooban ng
nakababatang ginoo. Bukas pa rin ang usapan at hiling ni Simoun sa binata kaya
sinabihan siyang makipagkita sa kanya pagbalik nito ng Maynila.

Gabay na tanong:
1. Paano natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun?
2. Paano kinumbinsi ni Simoun si Basilio na sumama sa kaniyang ipinaglalaban?
3. Paano naipasok ni Simoun sa diwa ni Basilio na makapaningil para sa mga kaapihang
dinanas mula sa pamahalaang walang malasakit para sa kaniyang mga mamamayan?

BUOD
SI PILATO
(Kabanata IX)

Natalo sa usapin si Kabesang Tales, nagpaalipin si Juli, at napipi sa matinding


pighagti si Tata Selo. Walang maiturong may kasalanan sa matinding kasawiang
nangyari sa buhay ng mag-anak ni Tata Selo. Ang tenyente ng guwardiya sibil at ang
tagapangasiwa ng mga Prayle ay naghugas-kamay sa mga kasawian ng mag-anak.
Maging ang panginoon ni Juli na si Hermana Penchang ay hinusgahan silang pinatikim
ng parusa ng Diyos sa kanilang mga kasalanan na tila sinasabing, “Nararapat lamang
ang kasawiang iyan sa inyong buhay!” Subalit nakatanaw ng pag-asa ang dalaga sa
kasintahang nangakong tutubusin siya sa mapanghusgang amo.

Gabay na tanong:
1. Sino o sino-sino sa mga tauhan ang nag-ala Pilato?
2. Paano tinanggap ng mga nasa pamahalaan at ng kanyang mga kabarangay ang
kasawian ng pamilya ni Kabesang Tales?
3. Kung ikaw si Kabesang Tales na natubos mula sa mga tulisan at nagbalik sa isang
tahanang ibang-iba na kaysa sa iyong iniwan, ano ang mararamdaman at gagawin mo sa
labis na kasawiang dumatal sa inyong buhay?

BUOD
SI PLACIDO PENITENTE
(Kabanata XII)

Palaisipan sa mga kababayan ni Placido Penitente ang kanyang paghahangad


na tumigil na sa pag-aaral. Hindi basta-bastang estudyante si Placido. Matalino at bantog
siya sa paaralan ni Padre Valerio. Wala siyang bisyo at kasintahan na maaaring
magyakag sa kanya ng kasal. Pinakulay ni Juanito Pelaez ang buhay ni Placido bilang
mag-aaral. Tinanong niya si Placido tungkol sa leksiyon at humingi ng kontribusyon para
sa bantayog ng isang paring Dominiko.

Gabay na tanong:
1. Bakit ganoon na lamang ang pag-ayaw ni Placido sa pag-aaral?
2. Ano-ano ang mga katangian ni Placido bilang mag-aaral. Isa-isahin ito.

10
[Type here]

BUOD
SI GINOONG PASTA
(Kabanata XV)

Naging bantog na manananggol si Ginoong Pasta mula sa kanyang pagsisikap


sa kamay ng pinagsilbihang mga Prayle. Siya ang sinangguni ng malalaking tao tungkol
sa mahahalagang pasiya kaya lumapit si Isagani sa kanya upang magpatulong. Siya ay
mamamagitan para sa mga kabataan sa opisyal na tagapayo sakaling humingi ito ng
payo sa kanya. Naisip niyang pahahalagahan siya nito dahil naging kaklase ng
kanyang tiyo si Ginoong Pasta subalit buo ang pasiya ng ginoong huwag makialam sa
usapin upang makaiwas sa suliranin.

Gabay na tanong:
1. Paano mo ilalarawan si Ginong Pasta? Anong uri siyang abogado?
2. Ano ang pakay ni Isagani kay Ginoong Pasta?
3. Kung ikaw si Isagani, isusulong mo pa ba ang pinaglalaban ninyo bagama’t ayaw kayong
tulungan ng ibang tao? Pangatuwiran ang iyong sagot.

BUOD
SI JULI
(Kabanata XXX)

Napakasaklap na balita ang dumating kay Juli patungkol sa pagkakakulong kay


Basilio. Iisa lamang ang iniisip ng lahat na maaaring maging padrino at makatulong kay
Basilio, ang kura parokong si Padre Camorra. Noong una’y hindi maatim ni Juli na
lumapit dito dahil alam niyang ang hinihinging kapalit nito ay ang kanyang puri subalit
nang malaman niyang si Basilio na lang ang naiwan sa kulungan at ayon sa usap-
usapan ay maaari pa itong mapatay o madala sa Carolinas ay wala nang nagawa ang
dalaga. Sinamahan siya ni Hermana Bali sa kumbento at nang hapong iyon, isang
nakapanghihilakbot na balita ang kumalat sa buong bayan kaugnay ng pagbisitang ito.

Gabay na tanong:
1. Paano hinarap ni Juli ang pagkabilanggo ni Basilio at ang mga bulong-bulungan sa
masamang pangyayari sa katipan?
2. Isa-isahin ang mga ginawa ni Juli na paraan upang matulungan ang kasintahan.
3. Anong damdamin ang naghari sa iyo sa nangyari sa buhay ni Juli at ng kanyang pamilya?

ISAISIP

Mahalagang matuon at makuha ang mga pangyayaring nakapaloob sa akda


upang mas malinaw ang paglalahad nito. Sa pagkuha ng makatotohanan na pangyayari
sa buhay ng bawat tauhan sa nobelang El Filibusterismo ay dapat na tignan din ang mga
kaugalian na kanilang ipinapakita.
Sa pagwawakas naman ng isinulat sa bawat kabanata ay mahalagang aspeto rin
ito na tingnan kung tama at may katumpakan ba ang mga pangyayari sa kabanata.
Mahalaga rin na matiyak ang bawat tunggalian na nangyayari sa bawat kabanata na
nabasa dahil ito ay nakapagbibigay ng pagkamalikhain sa iyong akda na binasa.

11
[Type here]

ISAGAWA

Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari at tunggaliang naganap sa mga tagpuan ng buod sa
bawat kabanata. Tukuyin rin ang mga tauhang sangkot sa bawat tunggalian at ang kanilang
papel na ginagampanan sa akda.

KABANATA KATANGIAN NG PAPEL NA TAGPUAN TUNGGALIAN


TAUHAN GINAGAMPANAN NA
NAGANAP
“SI BASILIO”
Kabanta VI

“SI SIMOUN”
Kabanata VII

“SI PILATO”
Kabanata IX

“SI PLACIDO
PENITENTE”
Kabanata XII

“SI GINOONG
PASTA”
Kabanata XV

“SI JULI”
Kabanata XXX

PAGYAMANIN/ KARAGDAGANG
GAWAIN
Base sa iyong pagkakakilala sa mga tauhan sa bawat kabanata na inilahad. Magbigay ng
iyong sariling wakas na maaring kahinatnan ng bawat tauhan sa kabanata.

MGA TAUHAN SARILING WAKAS

1. BASILIO

2. SIMOUN

3. PILATO

4.PLACIDO PENITENTE

12
[Type here]

5. GINOONG PASTA

6. JULI

TAYAHIN

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa isang
buong papel.

1. Siya ang kasangkapan sa pagbabago ni Basilio at tumulong din upang makapagtapos ng


pag-aaral ang binata.

A. Don Tiburcio C. Kapitan Tiago


B. Kapitan Heneral D. Tata Selo
2. Ang kasintahan ni Basilio na kilala bilang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni
Kabesang Tales. Siya ay larawan ng isang Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at
madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya.

A. Juliana/Juli C. Maria Clara


B. Paulita Gomez D. Sinang
3. Bumalik ng bansa pagkatapos ng labintatlong taon upang maghiganti at maghasik ng
rebolusyon sa mapaniil at tiwaling pamahalaan. Siya ang sumisimbolo ng pagbangon ng
mga Pilipino mula sa hikahos na kalagayan tungo sa kaunlaran.

A. Basilio C. Isagani
B. Crispin D. Simoun
4. Isang ulila na namasukan bilang katulong kina Kapitan Tiago kapalit ng libreng pag-aaral.
A. Basilio C. Isagani
B. Crispin D. Simoun
5. Isang makata na nagtapos sa Ateneo at isa rin sa nagnais magkaroon ng Akademya ng
Wikang Kastila.
A. Isagani C. Sandoval
B. Quiroga D. Tadeo
6. Anong kasawian ang naranasan ni Basilio sa nobela?

A. kawalan ng hanap-buhay C. naulila sa kasintahan


B. kawalan ng tahanan D. naulila sa pamilya
7. Dahilan kung bakit walang nakatulong kay Basilio mula sa kanyang pagkakakulong maliban
sa isa.

A. Kasintahan niya si Juli anak ng tulisang si Kabesang Tales.


B. Patay na si Kapitan Tiago na kanyang amain.

13
[Type here]

C. Pinuno siya ng mga kabataang nagpaskil sa paaralan.


D. Wala siyang pantubos sa sarili at pawang taganayon.
8. Ang nag-udyok kay Juli na magsadya at tumungo sa kumbento maliban sa isa.
A. Babarilin si Kabesang Tales kung hindi siya pupunta sa kumbento.
B. Binangungot si Juli na binarily uman si Basilio.
C. Hindi nangyari ang kanyang inaasahang himala mula sa Mahal na Birhen kaugnay sa
panalangin na madagdagan ang perang pantubos sa kanyang ama.
D. Ipatatapon si Basilionsa Carolinas dahil ito na lang ang naiwan sa kulungan.
9. Paano natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun?
A. lihim siyang nag-imbestiga
B. nalaman niya sa kanyang malapit na kaibigan
C. narinig niya sa bulong-bulongan o usap-usapan sa bayan
D. mangyaring dinalaw niya ang puntod ng kanyang ina at narinig ang kaluskos o ingay
na likha ng paghuhukay ni Simoun
10. Paano natulungan ni Kapitan Tiago si Basilio ng makapagsimula ng bagong buhay?
A. inampon ni Kapitan Tiago si Basilio
B. kinupkop at tinuring na totoong anak ni Kapitan Tiago si Basilio
C. naging alila na walang bayad si Basilio kapalit ng pagpapaaral sa kanya ni Kapitan
Tiago
D. samantalang pinatuloy ni Kapitan Tiago si Basilio hanggang sa ito ay makahanap ng
trabao
11. Ano ang naging pakikitungo kay Basilio ng kanyang mga kaklase at guro sa paaralan?
A. kasundo ng lahat si Basilio
B. palagi siyang nilalait at minamaliit
C. tinutulungan siya sa klase
D. walang pakialam sa kanya
Para sa bilang 12-14 Basahin at suriin ang pahayag sa ibaba.

“Kapag may mga uban na ako na tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at
makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi ginhawa at ang nararapat
gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang
tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang
bawat uban at sa halip na ikaluwalhati ko’y dapat kong ikahiya”, ‘ani Isagani.

12. Ano ang sinisimbolo ng uban ayon sa binasang pahayag?


A. ang puting buhok ni Ginoong Pasta
B. gawi ni Ginoong Pasta bilang mamamayan
C. pamamahala ni Ginoong Pasta bilang isang pinuno
D. tungkulin ni Ginoong Pasta bilang mamamayan sa bansa
13. Batay sa pahayag, bakit kaya ito nasabi ni Isagani kay Ginoong Pasta?
A. dahil hindi sila tinulungan sa kanilang kahilingan
B. dahil sa ipinakitang pagiging makasarili ni Ginoong Pasta
C. dahil takot si Ginoong Pasta para sa kanyang sarili at mga ari-arian
D. lahat ng nabanggit
14. Paano ginamit ng nagsasalita ang uban upang ipahayag ang kanyang saloobin?
A. ipahiya si Ginoong Pasta

14
[Type here]

B. paghahambing nito sa tinik


C. pagkatakot na magkaroon ng puting buhok
D. paggamit upang imulat ang kausap sa katotohanan
15. Bumalik sa Pilipinas si Simoun matapos ang labintatlong taon sa pinakalayuning
__________.

A. bumuo ng samahan para sa bayan


B. iligtas si Maria Clara sa kamay ni Padre Salvi
C. itutuloy ang hangarin upang makapaghiganti
D. tutulong sa pagpapalaya ng bayan mula sa kamay ng mga Kastila

Sanggunian:

Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2


Awtor: Emily V. Marasigan
Koordineytor: Alma M. Dayag

ElFilibusterismo ni Dr. Jose Rizal


Pampanitikang Talakay
ni Arturo Sebastian Cabuhat

15

You might also like