You are on page 1of 22

10

Learning Activity Sheet in


FILIPINO 10
Kuwarter 4 – MELC 1-5
WEEK-1
Pagsusuri sa Pagkakaugnay ng mga Pangyayaring
Napakinggan tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

1
Weekly Home Learning Plan in Filipino
Kuwarter 4- Unang Linggo- MELC’s 1-5
Markahan: Ikaapat Integrating Competency Mga Petsang
F10PN-IIIa-b-83 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napaking- Itinakda sa
gan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo Pagtatapos ng
F10PB-Iva-b-86 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamama- Modyul:
gitan ng pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinusulat ang akda,
pagpapatunay ng pag-iiral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi April 11-16, 2022
ng akda at pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
F10PT-Iva-b-86 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang
pangkasaysayan nito
F10PS-IVa-b-85 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa
pagkakasulat ng El Filibusrerisno
F10PS-IVa-b-85 Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo batay sa ginawang timeline
Bahagi ng Mga Inaasahang Maipakita na Patunay ng Pagganap Inaasahang Araw
Pagkatuturo- o Petsa ng
Pagkatuto Pagganap
I. Pagkuha ng Pagkuha ng mga magulang/tagapag-alaga ng modyul sa paaralan para sa Unang (Lunes)
modyul sa paaralan Linggo ng Ikaapat na Markahan. April 11, 2022
II. Mga Gawain MELC 1
1. Pagbabalik–aral sa nobelang Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pagsagot (Lunes)
sa Gawain 1-A April 11, 2022
2. Pagsagot sa mga tanong sa Gawain 1-B
3. Pagbabasa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo sa Gawain 1-C
4. Pagsagot sa mga Batayang Tanong sa Gawain 2
5. Paglalahad ng napiling pangyayari sa panahong isinusulat ang nobela sa Gawain 3
III. LTE Pagkakataon na makapagtanong sa guro kung may bahaging nais maliwanagan o (Martes)
hindi lubusang naunawaan sa Ikalawang Linggo, MELC’s 1-5 April 12, 2022
IV. Mga Gawain MELC 2
1. Pagtukoy sa layunin at kondisyon sa panahon na isinusulat ang nobela sa Gawain 1
2. Pagbibigay patunay na umiiral ang mga kondisyon sa panahon na isinusulat ni (Miyerkules- Biyernes)
Rizal ang nobela sa Gawain 2
3. Pagsasagot sa tanong sa Gawain 3 April 13-15, 2022
4. Pagsusulat ng isang paglalarawan ng sitwasyong naranasan ng mga Pilipino sa
panahon na isinusulat ang nobela sa Gawain 4
MELC 3
1. Pagbibigay ng mga kasingkahulugan ng mga salita batay sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo sa Gawain 1
2. Pagkikilala sa mga salitang magkasingkahulugan sa pangungusap sa Gawain 2
3. Pag-uugnay ng mga salita na magkakasingkahulugan sa Gawain 3.
MELC 4
1. Pagbasa sa Susing Konsepto tungkol sa mga karanasan ng pamilya ni Rizal
na naging inspirasyon niya sa pagsulat ng akda.
2. Pagbibigay ng mga suliraning kinakaharap ni Rizal habang isinusulat ang
nobela sa Gawain 1
3. Pagtukoy sa mga pangyayari na buhay ni Rizal na kaugnay sa ilang bahagi ng
nobela sa Gawain 2
4. Pagsagot sa Gawain 3
5. Paglalahad ng mga magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng nobela
sa Gawain 4
MELC 5
1. Pagbibigay ng mahahalagang pangyayari ayon sa mga mahahalagang petsa
sa panahong isinusulat ang nobela sa Gawain 1
2. Pagsulat nang patalata sa mga pangyayari batay sa mga petsa at lugar na
nabanggit sa Gawain 2
3. Pagsusulat ng buod ng kaligirang pangkasaysayan batay sa inilahad na
Timeline sa Gawain 3
4. Repleksiyon
Lagumang Pagsusulit 1 Pagsagot sa Lagumang Pagsusulit 1 (Sabado) April 16,
2022
Awtput 1 Pagsagawa ng Awtput 1 (Sabado) April 16,
2022
Pagpasa ng modyul at Pagpasa ng modyul at sagutang papel, Lagumang pagsusulit 1 at Awtput 1 (Lunes)
mga sagutang papel MDL-Digital na mag-aaral April 18, 2022
MDL-Print na mag-aaral April 25, 2022

2
FILIPINO 10
Learning Activity Sheet (LAS) Week 1
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaang naghanda ng gawain kung ito’y
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng mga
Paaralan sa Dibisyon ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma nang walang
pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Occidental, Rehiyon 6- Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet - Filipino 10

Mga Manunulat: Reena B. Desamparado


Hydie V. Esponilla
Gregoria T. Jarangue
Mercy Grace G. Lo
Rosenie O. Ong
Renilen C. Tingson

Tagasuri: Analita T. Batisla-on

Division of NEGROS OCCIDENTAL Management Team:

Marsette D. Sabbaluca, CESO VI


Schools Division Superintendent

Juliet P. Alavaren, Ph.D.


Education Program Supervisor I, Filipino

3
MABUHAY!

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheets (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng sama-
samang pagtutulungan ng Sangay ng Negros Occidental sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon 6 - Kanlurang Visayas at sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning
Management Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na
matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan
ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan nilang masagot
ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay
naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na
literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center
sa kanilang komunidad.

Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga gawaing
iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng mga
mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 10 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang
iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan.

Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain.


Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain

4
Kuwarter 4, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.1


Pangalan:
Grado at Pangkat: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10

Pagsusuri sa pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa


kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
F10PN-IIIa-b-83 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.

II. Panimula
Ang El Filibusterismo ni Dr Jose Rizal ay isang akdang pampanitikan na bunga ng
kanyang pagpupunyaging gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
panulat. Nauukol ang mga kabanata sa kalagayang politikal at panlipunang pangyayari na
maiuugnay sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Nakatutulong ang nobelang ito upang
malinaw na maunawaan ang ating kasaysayan maging kung paano harapin ang mga suliraning
panlipunan at bigyang solusyon.
Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang
nobelang isinulat at buong pusong iniaalay ng may-akda sa tatlong paring martir na lalong kilala sa
bansag na Gomburza o Gomez, Burgos at Zamora. Ito ang karugtong o sequel ng Noli Me Tangere
at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang isinusulat niya ito at tulad din nito, nakasulat din
sa Kastila.

III. Mga Sanggunian


El Filibusterismo (Sa Bagong Pananaw), Corazon G. Magbaleta at Cid A.Alcaraz,Jo-es P.H. Inc.

IV. Mga Gawain


Gawain 1-A
Panuto: Ang nobelang El Filibusterusmo ni Jose Rizal ay karugtong ng kanyang Noli Me Tangere.
Bago mo umpisahan ang pagbabasa at pagsusuri sa nobelang ito ay mainam na magbalik –tanaw
ka muna sa mahahalagang pangyayari at aral na iyong nakuha sa Noli Me tangere.Makatutulong
kung isusulat mo pa ng dalawang pangunahing tauhang naging daan upang mapalabas ang mga
gintong aral na taglay ng nobela.

Gawain 1-B
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Paano nakatulong sa paglinang ng iyong diwang makabayan ang pag-aaral ng Noli Me
Tangere?______________________________________________________________________

2. Irerekomenda mo ba itong pag-aralan, basahin at suriing mabuti ng mga mag-aaral sa ikasiyam


5
na antas?
Bakit?_____________________________________________________________________.

3. Ano-ano naman ang inaasahan mong matutuhan sa nobelang El Filibusterismo? Bakit?


_____________________________________________________________________________

Gawain 1-C

Panuto: Basahin ang Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO


Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang bayaning si Dr
Jose Rizal. Ito ay karugtong ng Noli Me Tangere na una niyang isinulat. Ipinaliwanag ni Rizal sa
kanyang kaibigang si Dr Ferdinand Blumentritt ang kahulugan nito noong una hanggang
masaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir. Malinaw pa sa
kanyang alaala ang matinding takot na hatid ng kahulugan ng salitang Filibusterismo dahil mahigpit
na ipinagbabawal sa kanilang tahanan ang pagsambit man lamang ng salitang Filibustero. Sa
murang edad ay naging saksi siya sa mapapait, masasakit at madilim na bahagi ng buhay ng ating
mga ninuno kaya tumino sa kanyang puso ang pagnanais na mailantad ang kabuktutan ng mga
mananakop. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkamit ng minimithing pagbabago at
kalayaan ng mga Pilipino – ang kanyang panulat.
Gaya ng nabanggit ang unang obra maestra ni Rizal ay ang Noli Me Tange na matagumpay
na lumabas noong Marso 1887. Maraming makabayan ang nagalak at humanga sa katapangan ni
Rizal sa pagsulat sa mga kabuktutan at pagmamalabis ng mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan,
nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol matapos mabasa ang nilalaman
nito. Bitbit ang kaba sa puso ay nagpasiya siyang bumalik sa Pilipinas kahit batid niyang ito ay
mapanganib. Noong Agosto 1887, muli niyang nasilayan ang kanyang pamilya. Isinagawa niya ang
kanyang mga layunin sa kanyang pagbabalik. Ginamot niya ang mata ng kanyang ina;
nakipag-usap kay Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng mga Pilipino sa kanyang isinulat na
nobela.
Nang ipagbawal ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas ang pag-aangkat, pagpapalimbag,
at pagpapakalat ng nobela ay nakaramdam ng higit na panganib si Rizal. Hinimok si Rizal ni
Gobernador Heneral Emilio Terrerong lisanin ang bansa upang maiiwas siya at ang kaniyang
pamilya sa lalo pang kapahamakan at sa pagmamalupit ng mga makapangyarihang prayle sa
kanyang pamilya. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral at palihim na tumalilis ng
Pilipinas noong Pebrero 1888. Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika at sa
Europa. Napakarami niyang natutuhan sa mga paglalakbay na iyon.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusrerismo sa London noong 1890. Ayon kay Mario
Odulio De Guzman,binabalangkas ni Rizal ang pagkatha ng El Fili noong mga huling buwan ng
1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinulat pa niya ang Noli.habang isinusulat ni Rizal ang El
Fili, naisasabay rin niya ang pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar sa
Europa. Lubhang nasiyahan nang matutukang mabuti at mapag-isipan nang lubusan ang pagsulat
ng nobela kasama ang kaibigang si Jose Alejandrino ay nanirahan sila roon. Naggamot din siya
upang matugunan ang mga pangangailangan niya roon
Patong-patong na suliranin ang kanyang naranasan habang isinusulat niya ang El Fili. Kung
kinulang siya sa pananalapi nang isulat niya ang Noli ay higit siyang kinapos nang isinulat niya ang
El Fili kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon. Halos lumiban siya sa pagkain makatipid lamang.
Nakapagsanla rin siya ng kanyang mga alahas upang matustusan ang pagsusulat. Matindi ang
pagnanais niyang tapusin na agad ang nobela dahil maging sa kanyang pagtulog ay
napapanaginipan niya may namamatay sa kanyang mga mahal sa buhay. Iniwasan niyang kapusin
ang panahon sa pagsusulat. Batid niyang walang ibang makatatapos ng kanyang obra kung hindi
siya lamang.
Hindi lamang kawalan ng pondo ang kanyang suliranin upang matapos ang El Fili. Naging
balakid din ang suliranin niya sa puso,sa pamilya at sa mga kaibigan. Nakarating sa kanyang

6
kaalaman na ang kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng mga magulang nito sa
ibang lalaki. Ipinagpalagay na mababakas ang pighati niya sa pangyayaring ito sa nobela sa
bahaging nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din
niyang ang kanyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang
Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang. Labis siyang nag-alala sa mga mahal niya
sa buhay sa Calamba, Laguna. Maiuugnay ito sa kuwento ni Kabesang Tales na may
ipinaglalabang usapin hinggil sa pangangamkam ng lupa ng mga prayle kahit wala silang katibayan
ng pag-aari at nakuha pang maningil ng buwis sa nasabing kabesa na siyang may –ari ng lupa. Sa
pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain. Ganito
rin ang pangyayri sa buhay ni Simoun nang nag-uurong –sulong siyang isagawa ang katuparan ng
kanyang plano. Nakita niya ang nagdusang ama at Elias sa kanyang pangitain. Lumayo rin kay
Rizal ang mga kasama niya sa La Solidaridad. Ikinalungkot din niya ang nakitang kawalan ng
pagkakaisa ng mga Pilipino Ilustrado sa Espanya na sila sanang pag-asa ng nakalugmok na
mamamayan ng Pilipinas. Dahil sa samo’t saring suliraning naranasan, naisip ni Rizal na sunugin
na lamang ang kanyang mga isinulat. Sinasabing may bahagi sa nobela ang hindi niya napigilang
ihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyang mga alalahanin.
Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino
laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol ay pinagtibay niya ang kanyang
kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya. Nang
matapos ito noong Marso 29,1891 at makahanap ng murang palimbagan, ang palimbagang
F.Meyer-van Loo sa Ghent,Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose
Alejandrino. Sa kasamaang palad hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang
pahina pa lamang ito nang maipahinto na dahil naubos na ang kanyang pambayad mula sa salaping
kanyang natipid at nang hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya sa
Pilipinas. Nilimot din ng ilang mayayamang kaibigang Pilipino ang kanilang pangakong tulong sa
paglilimbag ng nobela.
Sa oras ng pangangailangang ito ay himalang dumating ang saklolo ng mayamang kaibigan
si Valentin Ventura. Siya ang gumastos upang maituloy ang nahintong paglilimbag ng nobela
noong Setyembre 1891. Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay inalay niya ang isang panulat at ang
orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat
at pagtanaw ng malaking utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura. Ipinadala ni Rizal sa
Hongkong ang karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta
pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juan Luna, Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez Jaena at Dr Ferdinand Blumentritt.Sa kasamaang palad,nasamsam sa Hongkong
ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas.
Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay
ng malaking inspirasyon sa mga naghihimagsik. Patuloy nitong naantig at nagising ang damdamin
ng mga Pilipino. Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng mga Pilipino
ukol sa mga karapatan, nakatulong naman nang malaki ang El Fili kay Andres Bonifacio at sa
katipunan upang iwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghihimagsik noong 1896.
Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa
bagumbayan noong Pebrero1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre
Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol. Bilang paggalang at pag-aalala sa
kanilang sakit at hinagpis, inihandog niya ang nobela. Wika niya:
“ Sa di pagsang-ayon ng relihiyon na alisan kayo ng karangalan sa pagkapari ay inilagay sa
alinlangan ang kasalanang ibinibintang sa inyo; sa pagbabalot ng pagkakamaling nagawa sa isang
masamang sandal at ang buong Pilipinas ,sa paggalang sa inyong alaala at pagtawag na kayo’y
mga pinagpala, ay hindi lubos nakilala ang inyong pagkakasala.
Samantala ngang hindi maliwanag na naipakilalang ang inyong pagkakasangkot sa
pagkakagulo sa Kabite,maging bayani man o hindi ng hilig sa kalayaan ay may karapatan akong
ihandog sa inyo,bilang ginahis ng kasamaang ibig kong bakahin, ang aking akda. At habang
hinhintay namin na kilalanin ng Espanya balang araw ang inyong kabutihan at hindi makipanagot sa
pagkakapatay sa inyo, ay maging putong na dahong tuyo man lamang ang inyong liblib na libingan
ang mga dahon ng aklat, at lahat nang walang katunayang maliwanag na umapasala sa inyong
alaala ay mabahiran nawa ang kanilang kamay ng inyong dugo.”

7
Ayon sa pag-aaral, hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring martir sa
pag-alsa sa Cavite. Hindi rin pinayagan muli ng mga Espanyol na mabuksan ang kanilang kaso
upang hindi lumabas pa ang katotohanan.Inihambing naman ni ginoong Ambeth Ocampo ang Noli
sa El Fili. May halos apatnapu’t pitong (47) pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura at
binago.Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang kabanata lamang tungkol kina Elias at Salome ang
hindi niya naisama sa pag-imprenta subalit buo ito at maaaring isalin at pag-aralan din. Ayon din sa
kanya noong 1925 binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela mula kay Valentin Ventura.
Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang adhikain
subalit siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang
El Filibusterismo na nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at
maging sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nawa’y isapuso nating lahat ang
mensaheng taglay nito.

Gawain 2- Mga Batayang Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong upang maipahayag mo ang iyong pagkaunawa sa ilang
bahagi ng kasaysayan sa pagkakasulat nito.
1. Ano-anong pangyayari ang nagtulak kay Rizal upang isulat ang El Fili?
2. Saan at kailan niya sinulat ang ikalawang nobela?
3.Ano-anong suliranin ang kanyang naranasan habang isinusulat niya ang nobela? Paano niya
nalalampasan ang mga suliraning ito?

4.Bakit nagmuntik-muntikan nang hindi malimbag ang nobela? Ano ang naging papel ni Valentin
Ventura sa pagkakalimbag nito?
5.Ano-ano kaya ang damdaming naghari kay Rizal nang dumating ang kaibigang si Valentin
Ventura sa panahong napakatindi ng kanyang pangangailangan? Kung hindi sa kanyang
napapanahong pagdating ano kaya ang nangyari sa obra maestro ni Rizal? Maghinuha.

Gawain 3: Batayan sa pagbibigay ng iskor (Rubrik)

Panuto:Pumili ng isa sa mga namamayaning pangyayari sa panahong isinusulat ni Rizal ang


nobelang El Filibusterismo at ilahad ang epekto nito sa kanya.

Rubrik sa Paglalahad ng Pangyayari

Kabuoan (10
puntos)

Iskala Deskripsyon
8-10 Napakagaling
5-7 Magaling
2-4 Nangangailangan ng pagpapaunlad
8
VI. Susi sa Pagwawasto

9
10
Learning Activity Sheet in
FILIPINO 10
Kuwarter 4 – MELC 2
Pagtitiyak sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda
sa Pamamagitan ng:
Pagtukoy sa mga Kondisyon sa Panahong Isinulat
ang Akda, Pagpapatunay ng Pag-iiral ng mga
Kondisyong ito sa Kabuuan o ilang bahagi ng Akda, at
Pagtukoy sa Layunin ng May-akda sa Pagsulat ng Akda

10
Kuwarter 4, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.2


Pangalan:
Grado at Pangkat: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10

I. sa kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kondisyon sa


Pagtitiyak
panahong isinulat akda, pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi
ng akda at pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat ng akda.

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


F10PB-IVa-b-86– Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:

- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda


- pagpapatunay ng pag-iiral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng
akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda

II. Panimula
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre,1887, marami nang
kasawiang dinanas ang kanyang kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng kanyang nobela.
Dumaan sa maraming pagsubok at paghihirap si Rizal para lang matapos at mailimbag ang nobela subalit
hindi siya sumuko dahil sa matinding layunin niya sa pagsusulat na ito.

III. Mga Sanggunian


El Filibusterismo (Sa Bagong Pananaw), Corazon G. Magbaleta at Cid A.Alcaraz,Jo-es P.H. Inc.

IV. Mga Gawain


Gawain 1- Panuto : Basahing muli ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo, Lagyan ng tsek(/) kung
ang pahayag ay tumutukoy sa layunin at kondisyon sa panahon na isinulat ang El Fili at ekis (X) naman
kapag hindi.
___ 1. Nabatid din niyang ang kanyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng
pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang
___2. Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa
pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol

Gawain 2- Panuto: Bigyang patunay na umiiral ang mga sumusunod na kondisyong ito sa panahon na
isinusulat ni Rizal ang akda sa kabuuan o ilang bahagi ng akda.

1. Kinulang siya sa pananalapi nang isulat niya ang Noli at higit siyang kinapos nang isinulat niya ang El Fili.
2. Nabatid din niyang ang kanyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng

11
pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang.
3. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso.

Gawain 3 - Panuto Sagutin ang sumusunod:


1. Paano hinarap ni Jose Rizal ang mga balakid sa kanyang pagsusulat ng nobela?
2. Makatarungan ba ang ginawang pagpapahirap ng pamahalaang Espanyol sa kanyang pamilya?

Gawain 4: Pagbatayan sa Pagbibigay ng Iskor


Panuto: Sumulat ng paglalarawan ng sitwasyong naranasan ng mga Pilipino sa panahon na
isinusulat ang nobelang El Filibusterismo.

Rubrik sa Pagsusulat ng Kaisipang nais ilahad

VI.Susi sa Pagwawasto

12
10
Learning Activity Sheet in
FILIPINO 10
Kuwarter 4 – MELC 3
Pag-uugnay ng Kahulugan ng Salita
batay sa Kaligirang Pangkasaysayan
nito

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

13
Kuwarter 4, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.3


Pangalan:
Grado at Pangkat: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10

Pag-uugnay sa kahulugan ng salita batay sa kaligirang kasaysayan nito.

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


F10PT-Iva-b-86 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito.

II. Panimula
May ilang salitang ginagamit sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela na mababasa mo rin sa
ibang bahagi ng nobela. Ang mga salitang ito ay nagtataglay ng kasingkahulugang madaling maunawaan ng
mga mambabasa. Maari ding maunawaan ang kahulugan ng mga salitang ginamit sa kaligirang
pangkasaysayan ng nobela sa mga diksyonaryo o halawin ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap kung saan ito ginamit.

III. Mga Sanggunian


El Filibusterismo (Sa Bagong Pananaw), Corazon G. Magbaleta at Cid A. Alcaraz, Jo-es P.H. Inc.

IV.Mga Gawain
Gawain 1-
Panuto : Basahing muli ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo at magbigay ng mga salitang sa
palagay mo mahirap unawain at ibigay ang kahulugan nito.
Halimbawa
1. obra-maestra ng may-akda 4. lumiban sa pagkain
2. mga kabuktutan ng mga Espanyol 5. pagkakasangkot sa pagkakagulo
3. palihim na tumalilis

Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang mga salitang magkasingkahulugan sa pangungusap. Isulat ang mga ito sa sagutang
papel.
3. Hindi lamang kawalan ng pondo ang naging suliran ni Rizal kulang din ang perang pambayad sa
paglilimbag ng nobela.
4. Naging usapin din ang pangangamkam ng mga Espanyol sa lupain ng mga magulang ni Rizal, pilit na
inangkin ang lupang kanilang sinasaka.
5. Dahil sa adhikain ni Rizal na imulat ang kaisipan ng mga Pilipino naging layunin din niya sa pagsulat ang
gisingin ang damdamin ng mga Pilipino.

14
Gawain 3: Pagbatayan sa Pagbibigay ng Iskor
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa Hanay
A.Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Nasamsam na mga kopya A. kopya
2. Balakid sa pagsusulat B. mawala,maalis
3. Sipi ng nobela C. sagabal ,hadlang
4. Hinimok na umalis D. kinausap upang mapapayag
5. Maiwaksi sa isip E. nakuha

V. Susi sa pagwawasto

15
10
Learning Activity Sheet in
FILIPINO 10
Kuwarter 4 – MELC 4
Pagsasalaysay ng Magkakaunay na
mga Pangyayari sa Pagkakasulat ng El
Filibusterismo

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

16
Kuwarter 4, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.4


Pangalan:
Grado at Pangkat: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10

Pagsasalaysay ng magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng


El Filibusterismo
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
F10PS Iva-b-85 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng
El Filibusterismo

II. Panimula
Maging si Jose Rizal at ang kanyang mga pamilya ay naging biktima ng pang-aapi at pagmamalupit
ng mga Kastila. Ito ang mga dahilan kung bakit naging paksa na rin ng kanyang obra-maestra ang ganoong
mga karanasan niya na naging inspirasyon niya sa pagsusulat ng akda. Sa pamamagitan ng paglalarawan
niya at pagbibigay buhay ng mga tauhan sa akda naging matagumpay si Rizal sa kanyang layunin sa
pagsulat ng nobela na gumising sa puso at isipan ng mga Pilipino sa pang-aapi ng mga Kastila.

III. Mga Sanggunian


El Filibusterismo (Sa Bagong Pananaw), Corazon G. Magbaleta at Cid A. Alcaraz, Jo-es P.H. Inc.

IV. Mga Gawain


Gawain 1-
Panuto : Basahing muli ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo,ibigay ang mga suliraning kinaharap
ni Rizal habang isinusulat niya ang kanyang nobela.
1.
2.
3.

Gawain 2-
Panuto:Tukuyin ang mga kaugnay na pangyayari sa mga naging suliranin ni Rizal sa ilang bahagi ng
kanyang nobela.
1.
2.
3.

Gawain 3 –
Panuto: Ano-ano ang naisipang gawin ni Rizal sa kanyang nobelang isinusulat?
1
2.

17
Gawain 4: Pagbatayan sa Pagbibigay ng Iskor
Panuto: Isulat o ilahad ang magkakaugnay na pangyayari sa pagkakasulat ng El Filibusterismo batay sa
sumusunod na mga sitwasyon:
A.
Mga Balakid na Naranasan ni Rizal sa Pagsulat ng El Filibusterismo

1._____________________________________________________________________.
2._____________________________________________________________________.
B.
Mga Naging Pangyayari Upang Matagumpay na Matapos ang Nobela

1.______________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________

C.
Mga Hakbang na ginawa ng mga Espanyol Upang Mapigilan ang
Pagsulat,Paglathala at Pagdating ng Nobela sa Kamay ng mga Pilipino.

1._______________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________

VI.Susi sa pagwawasto

18
10
Learning Activity Sheet in
FILIPINO 10
Kuwarter 4 – MELC 5
Pagsusulat ng Buod ng Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Batay sa Ginawang Timeline

DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

19
Kuwarter 4, Linggo 1

Learning Activity Sheets (LAS) Blg.5


Pangalan:
Grado at Pangkat: Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 10

Pagsusulat ng Buod ng Kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo


Batay sa Ginawang Timeline

I.Kasanayang Pampagkatuto at Koda


F10PS Iva-b-85 Naisusulat ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
batay sa ginawang timeline

II.Panimula
Totoong binagtas ni Dr Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang adhikain subalit
siya’y nagtagumpay. Nakarating sa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang El
Filibusterismonna nagsilbi at patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng lahat ng Pilipino sa bansa at
maging sa mga Pilipinong nasa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nawa’y isapuso nating lahat ang
mensaheng taglay nito. Mahalaga ang mga petsa at lugar na kung saan may malaking ambag sa
katuparan ng mga pangarap ni Rizal na maisulat at malimbag ang kanyang nobela na nagsilbing
ilaw nating mga Pilipino upang maunawaan ang kanyang pinagdadaanan.

III. Mga Sanggunian


El Filibusterismo (Sa Bagong Pananaw),Corazon G. Magbaleta at Cid A.Alcaraz,Jo-es P.H. Inc.

IV.Mga Gawain
Gawain 1-
Panuto : Basahing muli ang kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo at ibigay ang mga pangyayari sa
sumusunod na petsa at lugar.
1. Marso 1887 –
2. Agosto 1887
3. Pebrero 1888

Gawain 2-
Panuto:Batay sa nabasang kasaysayan ng El Filibusterismo, isulat nang patalata ang mga pangyayari sa
lugar at petsa na nabanggit sa kaligirang pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo.
1. Europa-huling buwan 1884 at unang buwan ng 1885
2. London noong 1890
3. Ghent ,Belgium Marso 1891-Setyembre 1891

20
Gawain 3: Pagbatayan sa Pagbibigay ng Iskor
Panuto: Pagkatapos mong mapag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo, gawan mo
ito ng buod batay sa timeline na makikita mo sa ibaba. Isulat ito nang patalata.

1885-nang Marso 1891-Hongkong,ipina


118
binalangkas ni dala at nasamsam ang
1891-Brussels,
18ssssss
Rizal ang El Belgium
El
Filibusterismo.Pilipin
18
Filibusterismo natapos ang as,ipinuslit at
sulat –kamay na naipasira ng
pamahalaan ang mga
nobelang El nakompiskang nobela
Filibusterismo

_______________________________________________________________

1890-London, Setyembre
England,sinimu 1891-Ghent ,Be
lan ang lgium,nailimba
pagsulat ng El g ang
Filibusterismo sulat-kamay na
nobelang El
Filibusterismo

Pamantayan sa Pagsulat ng Talata batay sa Timeline


Pamantayan 5 4 3 2
Nilalaman Kompleto at wasto Wasto ang mga May ilang detalye na Maraming
ang lahat ng detalyeng detalyeng nakasaad hindi dapat isama sa kakulangan sa
nakasaad sa talata, sa talata. talata. nilalaman ng talata.
Organisasyon Organisado at Maayos ang Hindi gaanong Hindi gaanong
sinuring mabuti ang paglalahad ng mga maayos ang nailahad maunawaan ang
pagkakasunod-sunod detalye na talata nilalaman
ng mga ideya o
kaisipan.
Wika Tama ang gamit ng Tama ang mga bantas Tama ang mga Hindi wasto ang
mga ngunit may ilang bantas ngunit may baybay at gamit ng
bantas,pagbabaybay hindi nagamit nang ilang kamalian sa mga bantas
at iba pa, wasto ang mga baybay
bantas
Kabuuan

V. Repleksiyon

21
Kung ikaw sa katayuan ni Rizal at naranasan mo ang ganoong mga suliranin, ipagpapatuloy mo pa ba ang
pagsusulat ng nobela? Bakit? Anong aral ang natutunan mo sa katapangan ni Rizal sa pagsusulat ng nobela?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

VI.Susi sa pagwawasto

Gawain 1
1.Iba-iba ang sagot
Gawain 2
Iba-iba ang sagot
Gawain 3
Iba-iba ang sagot
Gawain 4
Iba-iba ang sagot

22

You might also like