You are on page 1of 33

Republic of the Philippines

Department of Education
N a t i o n a l C a pi t a l Re g i o n
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

10
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Panitikan: Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
0C
10
Gramatika: Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo
ng ibang kahulugan (collocation)
Teksto: Nagsasalaysay

Masusing nakapaloob sa modyul na ito ang paglalahad ng mga pangunahing


paksa at ideya batay sa usapan ng mga tauhan. Ang paksa o ideya ng usapan ay
masusing ipinaloob sa bawat bahagi ng akda upang lalo itong maging mas makabuluhan.
Makatutulong nang malaki sa iyong pag-unawa ang tekstong iyong babasahin.

Layunin:
 Naipapahayag ang mahalagang kaisipan sa napakinggan. ( F10PN-la-b-62 )
 Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(collocation)F10PT-lla-b-71
 Pagbuo ng Sistematikong Panunuri sa Mitolohiyang Nabasa(F10PD-lla-b-69)
 Paghahambing ng Mitolohiya mula sa Bansang Kanluranin sa Mitolohiyang
Pilipino
(F10PU-lla-b-73)
 Paglalahad ng kultura ng lugar na pinagmulan ng kwentong bayan sa
napakinggang usapan ng mga tauhan(F10PN-IIa-b-72)
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salita sa hanay A. Isulat ang sagot
sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

____1. Mitolohiya a. Sila ang mga guamaganap sa kwento.


____ 2. Tauhan b. Ito ay tumatalakay sa pagkakasundsunod ng mga
pangyayari.
____ 3. Tema c. Ang panahon o kung saan naganap ang tagpo sa kwento.
____ 4. Banghay d. Karaniwang naglalaman ng mga aral sa buhay
____ 5. Tagpuan e. Isang natatanging kwento na kadalasang tumatakay sa
kultura, sa mga diyos o bathala at natatanging karanasan nila
kasama ang tao.
f. Salitang kilos sa kwento.

Aralin
1 Mitolohiya Mula sa Iceland

Magandang araw!

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng pagsusuri sa


mga elemento ng mitolohiya ng alinmang bansa. Inaasahan din na masagot mo ang
ilang mahahalagang katanungan batay sa araling tatalakayin.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

Panuto: Suriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat
pahayag. Isulat sa patlang kung anong damdamin mayroon ito. Pumili ng sagot sa
loob ng kahon sa ibaba.

1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at


mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga
ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit
maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong
nakakahiya ang pagkamatay.
2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng
kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo

2
ang nangyari sa akin.”
3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong
karunungan? Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang
nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?”
4. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang
aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa
pamamagitan ng panaginip.”
5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako
kahit na ano.”

A.Pagkadismaya B. Pagkamuhi C. Masaya D. Pagsisi E. Pagkabalisa

Basahin ang mitolohiyang Sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante ng may
malalim na pag-unawa upang maisagawa nang maayos ang mga gawain.

Basahin at unawain

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


ni Snorri Sturluson

Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng


mga higante, ang kalaban ng mga diyos sa Norse. Kinaumagahan, sila ay naglakbay
sakay ng karwahe na hinihila ng dalawang kambing. Naglakbay sila hanggang sa makita
nilang ang natutulog na si Skrymir isang uri ng higante na naninirahan sa kakahuyan.
Sa tuwing umiinit ang ulo ni Thor at habang si Skrymir ay natutulog, pinupukpok
niya ng kanyang maso ang ulo nito upang ito ay magising. Dinala ni Skrymir sina Thor kay
Utgaro Loki ang hari ng mga higante.
Nakipag paligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor, ngunit
sa kasamaang palad ay natalo sina Thor sa lahat ng paligsahan na kanilang sinalihan.
Ngunit ang totoo nito ay nilinlang lang sila ni Utgaro Loki dahil walang kapantay ang
kanyang lakas at ayaw ni Utgaro na may makatalo sa kanya. Nang matapos na ang mga
paligsahan, si Thor ay muling lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay
hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.

Gawain 1
Panuto: Ibigay ang pangungahing paksa at ideya ng mga sumusunod na usapan ng mga
tauhan sa kwento. Ipaliwanag ito.

3
Mga Tagpo sa Kwento Paksa/ Ideya Paliwanag
“Tayo na at magtungo sa Utgaro, ipakita
natin ang ating lakas”, wika ni Thor kay
Loki.
“Tinatanggap ko ang hamon mo Utgaro”,
wika ni Thor. “Kung gayon, simulan na
natin ang paligsahan, lakas sa lakas”,
tugon ni Utgaro.
Panlilinlang na ginawa ni Utgaro Loki kila
Thor sa naging resulta ng paligsahan.
“Paano mo kami nagawang matalo sa
lahat ng paligsahan?” buong pagtataka ni
Thor. “Walang makapapantay sa lakas na
aking taglay”, pagmamalaki ni Utgaro.

Ang pagsama ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan ay
tinatawag na kolokasyon. Nagkakaroon ng ibang kahulugan ang salita kapag ito ay
isinama sa iba pang salita.
Halimbawa ay ang salitang ginintuang karosa na binubuo ng mga salitang ginto
at karosa. Ang ginto ay isang uri ng yamang mineral at ang karosa naman ay isang
sasakyang hila ng mga kabayo.
Kapag pinagsama ang dalawang salita (ginto + karosa = ginintuang karosa) ito
ay nangangahulugang karosa na gawa sa maraming ginto.
Iba pang halimbawa:
Puso- parte ng katawan na nagpapadaloy ng dugo. Ngunit kung ito ay daragdagan ng iba
pang salita, mag-iiba ang kahulugan nito.
 Pusong-mamon = mabait
 Atake sa puso = sakit
 Puso ng saging = bunga ng saging na ginugulay
 Nagdurugong puso = nagdaramdam

Hampas (malakas na palo) + lupa. Kapag ito ay pinagsama, ito ay magiging hampas
lupa. Ang ibig sabihin ng isang hampas lupa ay isang mahirap na tao o kaya ay maralita.

Gawain 2
Panuto: Buuin ang mga sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng pagsasama ng
mga salita sa loob ng mga panaklong.

1. Madalas na tampulan ng tukso si Pandora dahil siya ay may _________________


(puso, mamon)
2. Nananatiling_________________ (atake, puso) ang pangunahing dahilan ng
pagkamatay ng mga tao.

4
3. Sinasalamin ng mga malawak na lupain at mala-palasyong bahay ang kanyang
_________________ (buhay, marangya).
4. Labis ang pagnanasa ng babae sa _________________(damit, magara) na suot ng
mga diyosa.
5. Sinalubong ng hari ang kanyang anak ng isang_____________( piging,marangya).

Gawain 3
Panuto: Pumili sa kahon ng dalawang salita na maaring pagsamahin. Ibigay ang
nabuong salita at ang kahulugan nito.

bantay isip Kisap puso salakay takaw


bato tingin mahulugan mata katha karayom

Halimbawa: bato + puso = pusong bato kahulugan: hindi nakakaramdam ng awa.

1. _________ + __________= ____________ kahulugan: ______________________


2. _________ + __________= ____________ kahulugan: ______________________
3. _________ + __________= ____________ kahulugan: ______________________
4. _________ + __________= ____________ kahulugan: ______________________
5. _________ + __________= ____________ kahulugan: ______________________

Ang mitolohiya ay isang sinaunang kwentong may kaugnayan sa paniniwala o


pananampalataya at nagtataglay ng tauhang karaniwang diyos o diyosa na may
kapangyarihang hindi taglay ng pangkaraniwang mortal. Ang salitang “mito” ay galing sa
salitang latin na “mythos” at mula sa salitang griyego na “muthos” na ang kahulugan ay
kwento. isang uri ng literatura na kung saan ang madalas na tinatalakay ng mga kwento
ay mga diyos at diyosa at iba pang makapangyarihang nilalang.

MITOLOHIYANG PILIPINO
Ang mitolohiyang Pilipino ay mga paniniwala na mula sa panahon bago pa
dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Kinabibilangan ng mga
kwento tungkol sa mga diyos at diyosa, mga mahihiwaga at masalamangkang nilalang at
mga Diwata.

MITOLOHIYANG KANLURANIN
Kilala ang mitolohiyang Griyego sa buong daigdig dahil popular itong ginagamit na
basehan ng mga pelikulang tumutukoy sa mga diyos at iba pang makapangyarihang
nilalang. Ang bawat makapangyarihang nilalang na ito ay may kanya-kanyang karakter na
bumabagay sa kung ano ang kanilang kapangyarihan.

5
Gawain 5
Panuto: Paghahambing ng Mitolohiya mula sa Kanluraning Bansa sa Mitolohiyang Pilipino
sa pamamagitan ng grapikong pantulong.

Paghambingin ang
Mitolohiyang Pilipino at
Mitolohiyang Kanluranin

Pagkakapareho Pagkakaiba

Ngayon ay atin pang palawakin ang iyong natutunan sa pamamagitan ng mga


gawain na iyong sasagutin. Tiyak na malilinang ang iyong kakayahan.

Gawain 6
Panuto: Punan mga patlang upang mabuo ang iyong natutunan at nalaman sa modyul na
ito.

Nalaman ko na ang kolokasyon ay___________________________________________


_______________________________________________________________________
_______________________________Lalong mas lumawak ang aking bokabularyo
dahil___________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________kaya naman sa susunod ay ____________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 5
Panuto: Basahin ang mitolohiyang Rihawani at Sina Thor at Loki sa Lupain ng Higante
at pagkatapos suriin ang taglay nitong elemento sa tulong ng talahayanan.

Tauhan Tagpuan Banghay Tema

Rihawani

6
Sina Thor at
Loki sa
Lupain ng
Higante

Gawain 7
Panuto: Lagyan ng KM ang mga pahayag na naglalarawan ng mitolohiyang kanluranin, at PM
naman kung mitolohiyang Pilipino.

___1. Nagdaraos ng ritwal bilang pagpapakita ng paggalang sa mga diyos at diyosa na namumuno
sa kanilang nasyon.
___2. Paniniwala na mayroong diyos sa lahat ng natural na elemento at panahon.
___3. Si Bathala ang kinikilalang supremong diyos, katas-taasan, at hari ng mga diwata.
___4. Masasalamin ang likas na paniniwala patungkol sa mga maligno o mga hindi maipaliwanag
na elemento.
___5. Ang tema rin ng kanilang mitolohiya ay paglalakbay
___6. Popular itong ginagamit na basehan ng mga pelikulang tumutukoy sa mga diyos at iba
pang makapangyarihang nilalang
__7. May malalim na tema tungkol sa pulitika, ritwal at moralidad
___8 Naaayon din ang mga mitolohiyang nila batay sa kanilang paniniwala, tradisyon at ang
kanilang lahing tribo.
__ 9. Naglalaman ng mga pakikidigma upang mapalawak ang mga tiretoryo.
__10. Ang diyos ang nagpaparusa kung ikaw ay nakagawa ng masama
sa kapwa.

Panuto: Manood ng isang mitolohiya sa kanluran at suriin ang taglay nitong elemento.
Gamitin ang pamantayan sa ibaba.

PAMANTAYAN
Puntos
Naipakikilala nang mahusay ang tauhan sa mitolohiya. 15
Nailalarawan ng mabuti ang tagpuan. 10
Naisasalaysay ng maayos ang mga pangyayari 15
Nailalahad nang wasto ang tema ng motolohiya 10
Kabuuang puntos 50

7
Filipino
10
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Panitikan: Sintahang Romeo at Juliet Dula mula sa England
C
Gramatika: Kahulugan ng salita batay sa pinagmulan (etimolohiya)
Teksto: Nagsasalaysay

Sa modyul na ito ay malalaman mo ang kultura ng lugar na pinagmulan ng isang


kwentong-bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan batay sa pangyayari sa loob ng
akda. Nakapaloob din dito ang paghahambing na nagbibigay-linaw sa isang paksa, Sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba. Ang kahulugan ng
pinagmulan o pinanggalingan ng salita. Masasalamin din ang katangian ng mga tao sa
kanilang bansang pinagmulan at ang hindi matatawarang pakikipaglaban ng
pagmamahalan na ipinakita ng dalawang magkasintahan na sina Romeo at Juliet.
Mapalalalim ang iyong kaalaman sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin mula sa
kulturang iyong nakagisnan na maihahambing mo sa kultura ng ibang bansa sa
pamamagitan ng pagsulat.

Layunin
 Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kwentong bayan sa
napakinggang usapan ng mga tauhan (F10PN-IIa-b-72)
 Naihahambing ang kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang
bansa sa daigdig. (F10PB-IIa-b-75 )
 Naipapaliwanag ang kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito
(etimolohiya) (F10PT-IIa-b-72)
 Naipaliliwanag ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulang dula batay
sa napanood na bahagi nito.(F10PD-IIa-b-70)
 Pagsulat ng sariling damdamin at saloobin tungkol sa sariling kultura sa
paghahambing sa kultura ng ibang bansa.(F10PU-IIa-b-74)

8
Panuto: Isulat sa patlang ang K kung ang pangungusap ay nagsasaad na kultura at H
kung hindi.

_____1. Nag-aalay ng mga dasal, pagkain at ritwal ang mga Igorot para biyayaan sila ng
masaganang ani.
_____2. Ang pag-aayuno ng mga Muslim ay ginagawa tuwing buwan ng Ramadan.
Ginagawa ito upang tupdin ang turo ng Qur’an.
_____3. Ang paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng lugar ng isang bansa ay isang
masayang gawaing pang-indibidwal.
_____4. Naghandog ng isang malaking piging ang tribu para magpasalamat sa kanilang
bathalang si Kabunian.
_____5. Masayang nagdiriwang ng Monthsary ang magkasintahang Romeo at Julia.

Aralin DULA: Sintahang Romeo at Juliet


Hango sa Romeo at Juliet
2 Na Isinalin ni Gregorio C. Borlaza

Isang Mapagpalang araw!


Ang modyul na ito ay tungkol sa paglalahad ng kultura ng lugar na
pinagmulan ng isang kwentong-bayan sa napakinggang usapan ng mga tauhan,
Paghahambing ng kultura ng bansang pinagmulan ng akda sa alinmang bansa
sa daigdig, Pagpapaliwanag ng kahulugan ng salita batay sa pinagmulan nito at
malalaman din dito ang katangian ng mga tao sa bansang pinagmulan ng dula
batay sa napanood na bahagi nito.

Handa ka na ba? Halina’t alamin natin!

9
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag sa bawat bilang ay makatotohanan at MALI
kung hindi.

_____1. Ang mga tao sa Pilipinas ay karaniwang may malalim na koneksyon sa


pamilya.
_____2. Ang mga lolo at lola sa England ay karaniwang inaalagaan sa bahay ng
kanilang mga pamilya.
_____3. Marami at mas strikto ang pagpapatupad ng mga batas sa Pilipinas
kaysa England.
_____4. Mababa ang bilang ng mga taong dumadalo sa simbahan sa England.
_____5. Sa England, mas malaya ang mga artista na sabihin kung ano ang
kanilang gustong sabihin - mabuti man o masamang mga pananalita.

Basahin at Unawain.

Ang kultura, relihiyon at pamumuhay ay ang mga aspektong nailahad sa akdang


Romeo at Juliet. Sa dulang ito, madalas na pumupunta sila Juliet at Romeo sa simbahan
dahil ito ay ang kanilang tagpuan. Sila rin ay kilala ng pari na nagngangalang Padre
Laurence. Si Padre Laurence ay isa sa mga taong pumoprotekta sa kanilang pag-iibigan.
Nagbibigay lagi si Padre Laurence ng payo sa magkasintahang Romeo at Juliet. Ang
marangyang pamumuhay naman ni Juliet at ng kanyang pamilya ay naipakita sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng marangyang tahahan, mga kagamitan, taong
nakakasalamuha, at paniniwala. Ang Romeo at Juliet (Ingles: Romeo and Juliet) ay isang
dulang isinulat ni William Shakespeare na nagmula sa bansang England. Malalaman natin
ang kanilang mayamanag kultura na maari nating ihambing sa ating bansa at sa iba pang
karatig Lugar.

Buod ng akda: Sintahang Romeo at Juliet

Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay


nakikipagsayaw ay nakita siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag sa
angking kagandahan ni Juliet ang puso ni Romeo. Si Romeo naman ay hindi napigilan
ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang kamay nito at mula noon ay palihim na
nagpupunta na si Romeo sa tahanan ng mga Capulet para makita ang sinisintang dalaga
na nabighani at napaibig na rin si Juliet sa taglay na katangian ng binata. Nagpasya ang
magkasintahan na magpakasal sa kabila ng pagkakaalitan ng kani-kanilang pamilya.

10
Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet na magpakasal at makapangasawa ng ibang
lalaki. Dahil sa ganitong kadahilanan naisipan ni Juliet na magkunwaring patay para
makatakas sa kanyang pamilya subalit ito ay hindi nakarating sa kaalaman ni Romeo.
Dahil sa labis na kalungkutan sa inaakalang kamatayan ng kanyang minamahal ay
kinausap niya ang isang butikaryo para sa isang lason na kikitil din sa kanyang buhay.
Kaya naman sa muling pagmulat ng mata ni Juliet, nakita niya ang walang buhay na si
Romeo at kinuha ang isang balaraw, tinarak sa kanyang dibdib at tuluyan na ring binawian
ng buhay.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Saang bansa nagmula ang dulang Sintahang Romeo at Juliet?


A. America B. England CJapan D. Hongkong
2. Bakit madalas na pumupunta si Juliet at Romeo sa Simbahan?
A. para bumisita C. para mamasyal
B. para magkita D. para mangumpisal
3. Sa dulang Sintahang Romeo at Juliet ipinakikita ang halaga ng relihiyon at pagkapit sa
______________ sa panahon ng suliranin.
A. Kasintahan B. pamahalaan C. pamayanan D. simbahan
4. Bakit hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet?
A. magkaaway ang kanilang mga angkan
B. pakakasal na si Juliet kay Paris
C. labag sa kultura ng mga Capulet na mapakasal sa isang Montague.
D. wala sa nabanggit
5. Paano nagwakas ang dulang Sintahang Romeo at Juliet?
A. Masaya B. Malungkot C. Melodrama D. Trahedya

Ang paghahambing ay paraan ng paglalahad na kung saan nakatutulong sa


pagbibigay-linaw sa isang paksa. Ang kultura naman ng isang bansa ay binubuo ng
kanyang mga katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas. Basahin
ang buod ng akdang Moses, Moses.

Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at ang


pagbabago ng kahulugan at anyo nito. Ito rin ay maaaring gamitin upang lubos na
maunawaan ang diwa ng mga salitang ginagamit ngayon. Hango ang etimolohiya sa
salitang Griyego na "etymon" o etumologia na ang ibig sabihin ay "tunay na kahulugan" o
may kahulugan o ibig-sabihin

Buod ng Moses, Moses

Sa tindi ng pinagdaanan ng magkakapatid sa pangyayaring naranasan ng


kanilang nakababatang kapatid sa kamay ng isang makapangyarihang tao. Higit silang
nanalig na sana makamit nila ang hustisya lalo na si Regina at Tony. Si Aida na isang
batang babae na nakaranas ng panggagahasa mula sa anak ng isang Alkalde. Sa

11
kanilang bahay nag-usap si Regina at anak hinggil sa nangyari kay Aida. Sa hindi
inaasahan ay dumating ang alkalde at humuhingi ng dispensa sa nangyari kay Aida at
nagsabing iurong na nila ang kaso para sa kaniyang anak na lalaki. Hindi pumayag si
Regina at nangakong itutuloy nila ang kaso laban sa anak ng Alkalde. Sa kabila naman
nito ang panganay na anak na si Tony ay handang kitlin ang buhay ng anak ng alkalde
para magkaroon ng hustisya ang kanyang nakakabatang kapatid. Nang gabing iyon
nagising si Aida at sinumpong sa kanya sakit. Pinabili ni Regina ng gamot si Tony. Ngunit
may masama na palang balak si Tony ayon kay Ben. Umiiyak si Aida dahil sa kanyang
panaginip tungkol sa kaniyang kapatid. Pinainom daw ng lason ang kapatid na si Tony.
Nagmamadaling pumasok si Tony sa kanilang sala ng makita ni Regina na duguan ang
kamay ng kaniyang anak. Napatay na pala ni Tony ang anak ng alkalde. Sa bilis ng
pangyayari nakapasok ang alkalde at itinutok nito ang baril kay Tony. Ngunit inagaw ito ni
Regina sa hindi inaasahang pangyayari nabaril ni Regina si Tony at hinuli si Regina dahil
sa pangyayari.

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang pangunahing suliranin sa akda?


2. Ano ang layunin ng alkalde sa pakikipagkita kay Regina? Ano ang mahihinuha mong
katangian niya batay sa kaniyang pananalita at paraan ng pagkilos?
3. Anong sakit ng lipunan ang nais nitong ilantad? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Paano pinatunayan sa teksto ang katotohanan ng kasabihang “Higit na malapot ang
dugo kaysa sa tubig.”
5. May pagkakatulad ba sa wakas ang Sintahang Romeo at Juliet at Moses Moses?
Ipaliwanag.

Gawain 2
Panuto: Sa pamamagitan ng T-CHART Diagram paghambingin ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng Sintahang Romeo at Juliet sa Akdang Moses Moses

PAGHAHAMBING SA DALAWANG AKDA


Sintahang Romeo at Juliet at Buod ng Moses Moses

Pagkakapareho Pagkakaiba

Gawain 3
Panuto: Ibigay ang salitang-ugat ng mga salitang may salungguhit. Pagkatapos, ibigay
ang kahulugan nito.

Hal: Umiyak Salitang-ugat + Panlapi = Salita


Iyak + Um = Umiyak

1. Inalayan ng tapat na pag-ibig si Juliet ng isang binatang hindi niya kaangkan


2. Ipinang-akit ni Romeo ang matatamis na pananalitang binitiwan niya kay Juliet.
3-4. Ang prinsesa’y tumanggap ng kapatawaran at ang prinsipe’y ginawaran ng
kaparusahan.
5. Ipinantakot ni Tybalt kay Romeo ang bantang kamatayan ang kapalit ng pag-ibig sa
prinsesa.

12
Ating palalimin pa ang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapahayag ng
damdamin at saloobin mula sa kulturang iyong nakagisnan na iyong ihahambing sa
kultura ng ibang bansa sa pamamagitan ng pagsulat.

Gawain 4
Panuto: Paghambingin ang kulturang masasalamin sa akdang Moses, Moses at
Sintahang Romeo at Juliet. Ibigay ang iyong sariling damdamin o opinyon.

AKDA KULTURA DAMDAMIN O OPINYON


Moses, Moses
Sintahang Romeo at Juliet

Panuto: Punan ang bawat patlang sa loo ng oblong batay sa iyong nalaman.

Nalaman ko po sa araling ito na __________________ kaya


babaguhin ko po sa sarili ko ang __________________ sa
pamamagitan ng _____________. Ikinatuwa ko po ang
___________ Nalungkot naman po ako dahil
___________________. Ang ikinagulat ko ay ang
__________________________________.

Gawain5
Panuto: Paghambingin ang isang napanood o nabasang akda na mula sa kulturang
iyong kinagisnan at ihalintulad ito sa Sintahang Romeo at Juliet sa pamamagitan
ng venn diagram.

13
AKDA MULA AKDA MULA
SA PILIPINAS SA ENGLAND

A. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Saang bansa nagmula ang dulang Sintahang Romeo at Juliet?


A. America B. England C. Japan D. Hongkong
2. Ano ang Kulturang masasalamin sa dulang Sintahang Romeo at Juliet?
A. pagkakaroon ng kababaang loob ng magulang
B. pagkakaroon ng marangyang pamumuhay
C.pagkakaroon ng paggalang ng pangunahing tauhan
D. lahat ng nabanggit
3. Ang pagpapahalaga ng pangunahing tauhan sa kanilang relihiyon ay nagpapakita
ng___________?
A. pagiging madasalin C. pagiging masunurin
B. pagiging mabait D. pagiging maunawain
4. Anong Mahalagang kaisipan ang nais iparating ng dulang Romeo at Juliet?
A. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan
B. Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag-ibig.
C. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo.
D. Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag- ibig.
5. Naglarawan sa walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
A. Samson at Delilah C. Romeo at Juliet
B. Florante at Laura D. Thor at Loki

A. Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng sinasaad ng bawat bilang. Piliin ang
titik ng tamang sagot.

1. Panay ang tawag ni tatay sa kanyang anak na si Paulo kung nasaan na ito.
A. Mainggitin B. Masayahin C. Maramot D. Maaalalahanin
2. "Hindi na ako sasama sa inyo dahil ayaw ninyo naman talaga akong kasama."?
A. Masunurin B. Matampuhin C. Matatakutin D. Mahiyain
3. Handang kitlin ni Tony ang buhay ng anak ng Alkalde para magkaroon ng hustisya
ang kanyang nakakabatang kapatid.
A. Mapaghiganti B. Mapagmahal C. Matapang D. Mainitin ang ulo

14
4. Hindi sumuko si Julio sa hamon at pagsubok sa bahay hangga’t hindi niya naabot
ang pangarap.
A. Matiisin B. Matiyaga C. Matatag D. Determinado
5. Si Angel ay madalas makikitang tumutulong sa mga taong nangangailangan ng
tulong lalo na kapag may mga sakuna, bukod pa dito ay ipagdarasal din niya ang
mga ito.
A. Madasalin at Matulungin
B. Mapagkalinga at madasalin
C. Mapagmahal sa kapwa at madasalin
D. Mapagmahal sa kapwa at matulungin

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naghahambing sa kultura ng bansang Pilipinas at


England na nakapaloob sa akdang Sintahang Romeo at Juliet. Gawin ito sa isang
malinis na papel.

Pamatayan Puntos
Maaayos ang pagkakabuo ng talata (kaisahan, kaayusan, 10
kaangkupan at kalinawan ng mga salita o ideya)
Naihambing ng may kaugnay na saloobin ang sanaysay 5
Angkop ang bantas, salita at pangungusap. 5
Kabuuan 20

15
10
Filipino
Unang Markahan – Modyul 3
Panitikan: Ang Aking Pag-ibig Tulang Pandamdamin mula sa England
Gramatika: Mabisang Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita
Teksto: Naglalarawan

Ang modyul na ito ay tungkol sa tulang pandamdamin mula sa England


bilang bahagi ng akdang pampanitikan. Susuungin mo rito ang iba’t ibang estilo ng
tula at mga elemento nito. Malilinang mo rin ang iyong kasanayan sa pagbibigay
ng puna sa mga napakinggan o nabasang tula, pagsusuri ng iba’t ibang elemento
ng tula. Kaagapay ng aralin na ito ang mga matatalinhangang salita na kung saan
maaring magamit upang mas maging masining ang mga obra. Sa pagmamagitan
ng mga matatalinhagang pahayag, malilinang ang ating gramatika at retorikal na
kasanayan.

Layunin:
 Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang/ nabasang tula (F10PN-IIc-d-70)
 Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72)
 Naibibigay ang kahulugan ng matatalinhagang pananalita na ginagamit sa tula
(F10PT-IIc-d-70)
 Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksang tinalakay (F10PU-IIc-d-72)
 Nagagamit ang matatalinhagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-d-65)

16
Bago natin simulan ang talakayan sa bagong aralin, subukin muna natin kung
ano ang iyong nalalaman.

A. Piliin ang titk ng tamang sagot.

1. Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkatunggaling makata.


a. Tulang Patnigan b. Tulang Dula c. Tulang Liriko
2. Ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng taludtod.
a. Tulang Pasalaysay b. Tulang Dula c. Tula
3. Ito ay tulang isanasadula sa entablado o iba pang pantanghalan
a. Tulang Liriko b. Tulang Dula c. Tulang Patnigan
4. Ang tulang ito ay itinatampok ng magnunulat ang kanyang damdamin
a. Tulang Dula b. Tulang Likriko c. . Tulang Patnigan
5. Ito ay uri ng panitikan na lubos na kinalulugdan ng maraming manunulat.
a. Tulang Pasalaysay b. Tula c. Tulang Liriko

B. Panuto: Basahing mabuti ang mga sipi sa saknong ng tula at


tukuyin ang matatalinhangang pahayag sa kahon. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.

balot ng kalungkutan di malirip pakikipahamok sa kinaparoonan

aninaw ng dilim lantay na pagmamahal

Kay Inay
Tula ni Emelita Perez Baes

Sa aking kamusmusang 1.) __________________iniwanan ni Itay,


Sa mulat kong paningi’y naiwanan ang latay na naumang kay Inay;
Labing-anim na matang ipinauunawa’y 2.) ____________________,
Ang kanyang kinapiling sa 3.) ______________________________!

May 4.) ________________ ang wisik ng siphayong sa puso ay pangwindang,


Na kanyang katuusan upang ang mga bunso sa aral ay tustusan;
Ito’y mga gawing 5.) ________ ng diwa’t di mabata ng laman ngunit
magpapayabong
Ng walong pintig buhay at walong kaisipan.

17
Aralin
3
Tula Mula sa England

Magandang araw!

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpupuna ng estilo ng


tula, mapagsusuri ng elemento ng tula. Matutunan mo ring maibibigay ang
kahulugan ng matatalinhagang pananalita at magagamit ito sa iyong pagbuo ng
tula.

Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap kung ito ay may kaugnayan sa tula
ekis (x) naman kung hindi.

1. Ang tula ay naglalahad ng damdamin.


2. Ito ay mayroong sukat at tugma.
3. Hindi maaring malaya ang paglikha ng isang tula.
4. Maaring sumasalamin sa katauhan ng manunulat ang kanyang akda.
5. Mahigpit na alituntunin ay ang paggamit ng matatalinhagang
pahayag.

Tunghayan ang mga sumusunod na tulang liriko ng tanyag na manunulat na si


Elizabeth Barrett Browning ng Inglatera( hango sa Sonnet 43) at isagawa ang hinihingi ng
kasunod na mga gawain.

Ang Aking Pag-ibig


(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


Kung paano kita pinakamamahal?

18
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Gawain 1:
Panuto: Basahin at suriin ang ikalawang saknong ng tula batay sa elemento ng
nito.

Sukat
Tugma
Talinhaga
Kariktan
Tono

19
Sa pagbuo ng isang tula kailangang isaalang-alang ang elemento nito. Gumamit
ng mga tayutay upang mas maging maganda ang kalabasan ng pagsulat o paglika ng
tula. Basahin ang impormasyon sa loob ng kahon makatutulong ito sa iyong
pagsasagot sa bawat gawain.

Ano nga ba ang tula?


Ayon sa mga kahulugan ng ng mga batikang makata, ginagawang di pamilyar ng tula ang
pamilyar sa pamamagitan ng talinghaga. Ayon pa sa Pambansang Alagad ng Sining para sa
Panitikan ng talinghaga na si Edith Tiempo, “Kung walang talinghaga, walang tula.” Sapagkat
maikli lamang ang tula, kinakailangang maging kongreto at espisipiko ang imahen nito upang
maging malinaw ang tema. Dagdag pa rito, sumasandig din ito sa ritmo at tono.
Elemento ng Tula
1. Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay karaniwang may 8,12 at
16 na pantig o sukat.
2. Tugma – Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod.
Maaaring ganito ang tugma ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b, o kaya ay a-b-d-a. May dalawang uri ito;
ang tugma sa patinig at katinig
3. Talinghaga – Kailangang may naitatagong kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan
ang paggamit ng tayutay o matalinghagang mga pahayag.
4.Kariktan – Ito’y ang paggamit ng maririkit na salita upang mapukaw ang damdamin at kawilihan
ng mga mambabasa
Tono- Tumutukoy sa diwa ng tula
Ano nga ba ang talinghaga?
Ayon sa mga kuwento-kuwento, mula raw ito sa pinagsamang salitang: “tali” at “hiwaga” o
sa madaling salita ay nakataling hiwaga. Nakatali dahil hindi inilalantad nang tuwiran ang
kahulugan ng pahayag. Bagkus, binabalutan ito ng mabulaklak na mga salita at imahen. Upang
mas maging epektibo, maaaring langkapan ng aspektong kultural ang mga pahayag. Bahagi ng
matalinghagang pahayag ang tayutay at idyoma.
Ayon kay Inigo Ed. Regalado, hinahango ng mga sinaunang Pilipino sa kaniyang kpaligiran ang
mga matatalinghagang pahayag na kanilang nililikha. Madalas na ginagamit ang pisikal na anyo
ng mga hayop, insekto, halaman, at iba pa upang ihambing o itulad sa ugali o gawi ng mga tao o
hindi kaya ginagamit ang isang bagay ng katawan bilang salamin ng ugali o asal. Halimbawa,
taingang kawali o nagbibingi-bingihan.

Halimbawa ng tayutay;
1. Pagtutulad- layon nitong maghambing ng dalawang magkaibang tao, bagay , lugar, at/o
pangyayari. Ang pahayag na ito ay ginagamitan ng mga pariralang : katulad ng, kapara,
kawangis, animo’y at gaya ng.
2.Pagwawangis- tahasan o tuwiran ang poaghahambing na ginagawa. Hindi gumagamit ng mga
pariralang: katulad ng , kapara at iba pa.
3.Pagbibigay-katauhan- layon nitong pakilusin na katulad ng mga tao ang mga bagay na walang
buhay.
4.Pagmamalabis- layong nitong maging eksahirado ang mga pahayag

Mula sa Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan 10


ni Crizel Sicat- De Laza

20
Gawain 2 Sagutin natin!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Marahil tinubos ka ni Bathala


Upang sa isipa’y hindi ka tumanda
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling maganda at bata

Sa paraang ito, kung nagkaedad na


Ang puting buhok ko’y di mo makikita
At ang larawan kong tandang-tanda mo pa
Yaong kabataan taglay na tuwina.
Mula sa tulang Babang-Luksa
salin mula sa Kapampangan ni Olivia P. Dante
sa isang “Pabanud” ni Diosdado Macapagal

1. Ang sukat ng Ikatlong taludtod sa ikalawang saknong ay_____________.


2. “at ang larawan mo sa puso ko’t diwa ay manatiling maganda at bata ”, ang
talinghagang ginamit sa taludtod ay__________
3. Anong uri ng tugmaan ang ginamit sa dalawang piling saknong?
4. Anong salita ang ginamit sa ikalawang saknong ang tumutukoy sa pagtanda, na
nagpapakita ng paggamit ng elementong kariktan sa tula?
5. Ano ang tono o damdaming nangibabaw sa bahagi ng tula?

Gawain 3 Salungguhitan natin!


A. Panuto: Salungguhitan ang mga matatalinghagang pahayag na ginamit sa
taludtod ng tula at bigyang kahulugan.

1. Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin


Kahulugan:_______________________________
2. Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.
Kahulugan:__________________________________
3. Ang puting buhok ko’y di mo makikita
Kahulugan:__________________________________
4. Hindi mamamatay, walang katapusan
Kahulugan:__________________________________
5. Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling.
Kahulugan:__________________________________

21
B. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa bawat pangungusap.

___________ 1. Paris ng malamig na kape ang pakikitungo niya sa akin.


___________ 2. Si Mang Sipong ay kawangis ng aming ama ng tahanan.
___________ 3. Binigyan mo ng kulay ang mundo kong matamlay.
___________ 4. Niyakap ako ng malamig na hangin.
___________ 5. Namuti na ang mga mata ni Jayson kahihintay kay Fedra.

Tandaan na sa pagsulat ng tula dapat mong maunawaan ang kahulugan,


kahalagahan at maging ang elemento nito sa pagsulat.

Panuto: Ibigay ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagsasagot sa tanong sa ibaba.

1. Naunawaan ko na ang tula__________________________________________


2. Nalaman ko na mahalagang isaalang-alang ang paggamit ng matatalinhagang
salita sa pagsulat___________________________________________________
3. Mahalagang maunawaan ang mga simbolismong ginamit sa pagsulat ng
tula_______________________________________________________________

Gawain 6 Buuin natin!


Panuto: Bumuo ng isang tula na may temang pagmamahal sa ina na binubuo ng
dalawang saknong at may sukat na labindalawang pantig. Baybayin ang bawat
taludtod gamit ang guhit na ito (/). Isulat sa isang buong papel.

Hal.
I/big/ mong/ ma/ba/tid/, i/big/ mong/ ma/la/man/ = 12 sukat/pantig
Kung/ pa/a/no/ ki/ta/ pi/na/ka/ma/ma/hal/? = 12 sukat/ pantig

A. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay may kaugnayan sa tula at W


naman kung ang pahayag ay walang kaugnayan sa tula.

__________ 1. Sukat ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

22
__________ 2. Talinghaga ang tawag sa paggamit ng tayutay sa bawat
saknong
__________ 3. Kariktan ang tawag sa paggamit ng maririkit na salita upang
mapukaw ang mambabasa.
__________ 4. Tinatawag na tugma ang magkasintunog sa dulo ng
taludtod.
__________ 5. Hindi kailangan ang tuloy-tuloy na pahayag sa pagbuo ng
akda.

B. Panuto: Gamitin at tukuyin sa pangungusap ang mga tayutay sa ibaba.


Isulat sa patlang kung anong uri ng tayutay.

________________1. tulad ng isang anghel :


________________ 2. damo ay sumasayaw :
________________ 3. singlayo ng buwan :
________________ 4. kagaya ng ibong lumilipad :
________________ 5. nabiyak ang aking ulo:

Panuto: Bumuo ng isang tula na may kaugnayan sa pasasalamat para sa isang ina gamit
ang matatalinhagang pananalita.

PAMANTAYAN Puntos
5 4 3 2 1
Nilalaman at daloy ng tula
Magkakaugnay at maayos ang pagkakalahad ng bawat
taludtod
Nakagagamit ng angkop na mga matatalinhagang
pananalita
Gumamit ng sukat at tugma
Tama ang balarila/gramatika sa pagsulat
Kabuuang puntos
5-napakahusay 2- di mahusay
4-mahusay 3-
Katamtaman 1-nangangailangan pa
ng pag-unlad

23
Filipino
10
Ikalawang Markahan – Modyul 4
0
Panitikan: Aginaldo ng mga Mago Maikling kwento mula sa United States
of America Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro ng “Gift of the
Magi” ni O. Henry ( WIlliam Sydney Porter)

C
Gramatika: Mga Salitang Magkakatulad at Magkakaugnay na kahulugan
Teksto: Naglalahad

Sa araling ito’y matutuhan mong magsuri ng kasiningan ng akda ayon sa diyalogo


ng tauhan na matatangpuan sa binasa. Makapagtatala ka ng mga salitang magkakatulad
at magkakaugnay ang kahulugan. Mahihinuha mo ang bahagi ng iyong panaood na may
kaugnayang-pandaigdigan. Sa bahaging ito makagagawa ka ng isang masining na
pagsasalaysay sa akdang ating tatalakayin. Lilinangin nito ang iyong kasanayan sa
pagsulat at pag-unawa sa akda.

Layunin:

 Maikling Kuwento: Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda.


(F10PN-IIe-73)
 Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan.
(F10PT-IIe-73)
 Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig.
(F10PD-IIe-71)
 Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento.
(F10PS-IIe-75)

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot na tumutukoy sa bawat pahayag. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. Tumutukoy sa pook na pinangyarihan ng kuwento, panahon, oras at kapaligiran.


a. banghay c. tagpuan
b. tauhan d. tunggalian

24
2. Ano ang tawag sa bahagi ng maikling kuwento na sumasaklaw sa tagpuan ng
pinagyarihan?
a. panimula c. saglit na kasiglahan
b. tunggalian d. kakalasan
3. Bahagi ng kuwento na nagbibigay ng pinakamasidhing kapanabikan.
a. kakalasan c. simula
b. kasukdulan d. wakas
4. Ipinahihiwatig ang suliraning kakaharapin ng pangunahing tauhan.
a. simula c. saglit na kasiglahan
b. wakas d. kasukdulan
5. Kawing-kawing na mga pangyayari sa isang akda.
a. simula c. saglit na kasiglahan
b. wakas d. kasukdulan

Aralin Aginaldo ng mga Mago


Maikling kwento mula sa United States of America

8
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro ng
“Gift of the Magi” ni O. Henry (WIlliam Sydney Porter)

Magandang araw!

Sa pagtatapos ng araling ito, matutuhan mo ang wastong pamamaraan sa


pagsasalaysay ng maikling kuwento, pagsusuri ng kasiningan ng akda sa
pamamagitan ng diyalogo at mga salitang magkakatulad at magkakaiba ang
kahulugan.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.

Panuto: Lagyang ng tsek (/) kung ang pangungusap ay tinataglay ng pagsulat ng


tula at ekis (X) kung hindi.

____1. Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng tula ang mga paggamit ng mga matatayog
na diwang nagpapahiwatig ng damdamin ng makata.
____2. Dapat may tamang bilang ng pantig ang bawat talutod.
____3. Sa pagsulat ng tula dapat gumagamit ng mga salitang napapanahon o angkop sa
babasa.
____4. Naglalaman ang tula ng mga simbolismong maglalarawan sa paksa.
____5. Pumupukaw ng damdamin at kawilihan ng mga mambabasa.

25
Ang masining na pagpapahayag sa isang akda ay napagagalaw nito ang guniguni
at imahinasyon ng mambabasa na ang bunga’y pagbuo ng kaugnay na ideyang
magpapalalim sa pagkaunawa niya sa binasang akda.
Sa anumang napukaw na damdamin mula sa diyalogo ng tauhan, unti-unting
lumilinaw ang tunggalian sa akda sapagkat kung walang tunggalian, walang kuwento.

Apat na Uri ng Tunggalian:

1. Tao laban sa kaniyang sarili


Ang tunggalian ng tao laban sa kaniyang sarili bunga ng magkasalungat na
hangarin o kalagayan na nais niyang matamo lalo na sa punto ng alin ang dapat
mangibabaw o alin ang dapat piliin.
2. Tao laban sa kaniyang kapwa
Ang tunggalian ng tao laban sa kaniyang kapwa, sa punto ng pananaig ng lakas,
disposisyon, kalagayan ng buhay o anumang sitwasyong may salungatan ng ideya.
3. Tao laban sa lipunan
Tunggalian ito ng tao laban sa kinabibilangang lipunan, bunga ng kalagayan sa
buhay, diskriminasyon o lahing pinagmulan.
4. Tao laban sa kalikasan
Pakikipagtungggali ng tao laban sa puwersa ng kalikasan tulad ng ulan, hangin,
init, bagyo, baha, panganib o anumang pangyayari na dulot ng kalikasan.

Ang Aginaldo ng mga Mago ay may kaugnayan sa salaysay sa Bibliya hinggil sa


tatlong haring mago na matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo ( Mateo 2: 1_12) ang mga
mago ang nag-alay ng handog sa batang si Hesus noong natagpuan nila ito sa isang
sabsaban sa belen ng Judea sa Jerusalem. Sila ang sinasabing nagpasimula sa
pagbibigayan ng mga regalo.

Basahin at unawain ang buod ng akda.

Aginaldo ng mga Mago


ni O. Henry

Hindi malaman ni Delia ang ireregalo sa kaniyang asawang si Jim. Hindi rin niya
alam kung anong mabibili niya sa kaniyang perang piso at walumpu’t pitong sentimos.
Kaya naman naisipan niyang ipagupit ang kaniyang napakagandang buhok. Maganda at
alon-alon ang kaniyang buhok kaya naman kapag ipinagbili niya ito ay siguradong
maraming tatangkilik.
Napaiyak si Delia sa ginawang pagputol sa kaniyang buhok ngunit napalitan
naman ito ng ligaya nang matanggap na niya ang bente pesos na kabayaran.
Ngayon ay maaari na siyang makabili ng regalo para sa asawa. Bumili siya ng kadenang
platino para sa paboritong relo ng asawa. Matagal na kasi niya itong inaasam.
Pagkauwi ni Delia, naroon na ang kaniyang asawa na nakaabang na rin upang ibigay ang
kaniyang regalo. Gayunman, laking pagtataka ni Jim sa bagong hitsura ng asawa. Wala
na ang mahabang buhok nito.

26
Magagandang suklay pa naman ang regalo niya sa asawa na matagal na ring
hiling nito. Ipinagbili pa ni Jim ang kaniyang paboritong relo para mabili ang mga suklay.
Nagulat din si Delia nang malamang wala na ang relo ng asawa. Hindi na nila magagamit
ang regalo nila para sa isa’t isa. Dito nila napagtanto na ang Pasko ay araw ng
pagbibigayan, hindi lamang ng mga materyal na bagay kung hindi pagpapalitan ng
pagmamahalan.

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga diyalogo. Tukuyin kung anong nais ipahiwatig nito at bigyan ng
paliwanag.

1. “O Poong Diyos, marapat Mo po sanang sabihin niyang maganda pa din ako.”


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. “Jim mahal ko huwag mo sana akong pagmasdan ng ganyan. Ipinaputol ko ang aking
buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makakatagal pa hanggang sa isa pang pasko
kung hindi kita mabibigyan pa ng isang aginaldo. Ito nama’y hahaba uli—huwag ka
sanang magagalit ha, ha?”
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. “Sa palagay ko’y walang makakabawas sa pagkagusto ko sa aking giliw dahil sa buhok
o pabango o ano pa man..”
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Hindi ba maganda Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para makita ko yan pihong
makikita mo ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akin na ang
relos mo. Tingnan ko lang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena”
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
5. “Dell, itabi muna natin ang ating pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang na
gamitin agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng suklay
para sa iyo…”
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Ang isang mambabasa ay maaaring umugat ng pag-unawa sa akda batay sa mga


salitang pamilyar sa kaniya. Ayon sa mga pag-aaral, mas nagiging matagumpay ang pag-
unawa sa mga akda o tekstong kung nasusulat ito sa katutubong wika. Magkagayunman,
may mga hakbangin din tungo sa pag-unawa ng akda o teksto batay sa umiiral na wika at
daloy ng pahayag sa kuwento.
Ang “salitang magkasingkahulugan” ay tumutukoy sa mga salitang may parehas
na kahulugan, depinisyon, o itinutukoy. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “synonyms“.
Kadalasan sa mga salitang may parehas na kahulugan ay mga pang-uri.

27
Narito ang ilan sa mga halimbawa nito:
Nagliliyab - nag-aapoy

Iba pang kaugnay na mga salita o kasingkahulugan: Nagniningas, nag-aalab,


nagliliyab, naglalagablab at nakasisilaw

Pagmasid
paunawa (isang bagay) at irehistro ito bilang makabuluhan

Iba pang kaugnay na mga salita o kasingkahulugan: Pagpuna, Pagmanman,


Pagsusuri at Pagsubaybay

Mahirap
Kakulangan o kakapusan sa isang mapagkukunan tulad ng pera;nangangailangan
ng maraming pagsisikap o kakayahan upang ganapin, pakikitungo sa, o maunawaan.

Iba pang kaugnay na mga salita o kasingkahulugan: Dukha, Salat, Pobre at Maralita

Gawain 2
Panuto A: Lagyan ng tsek (/) kung magkaugnay o magkatulad ang mga salita at ekis (X)
kung hindi.

________ 1. Paslit – musmos


________ 2. Binalibag – inihagis
________ 3. Sinandomeng – denorado
________4. Unos – hamon
________5. Patnubay – gabay

Panuto B: Itala ang salitang magkakatulad at magkakaugnay ang kahulugan sa loob ng


pangungusap.

1. Makikita sa kanyang mga mata ang nagliliyab na pagkahumaling niya sa dalaga.


_______________________________________________________________________
2. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagkalumbay nang mawala ang kanyang
ama.
_______________________________________________________________________
3. Ang wastong pag-iisip ay kadalasang sinasabing may kaugnayan sa antas ng
intelektwal ng tao.
_______________________________________________________________________
4. Marami ang nahihirati na lamang sa kanilang mahirap na kalagayan kung kaya't hindi
na nila inisip ang umunlad pa.
_______________________________________________________________________
5. Ang mahalimuyak na bulaklak ng sampaguita ay mabango.
_______________________________________________________________________

28
Nabibigyan ng puna ang iba’t ibang isyung pandaigdigan na may kinalaman sa
mga kinahaharap sa realidad ng buhay. Sa mga pagtalakay na ito mas lalong magiging
mulat tayo sa mga nagyayari sa ating lipunan.
Naihahanda ang ating mga isipan at mentalidad upang maging handa sa lipunang
ating ginagalawan, upang mapagtagumpayan ang mga suliranin.

Gawain 3
Panuto: Pumili ng isang palabas sa telebisyon na tumatalakay sa isyung pandaidigan.
Magbigay ng 5 paghihinuha sa bahaging napanood.

Paghihinuha sa
Napanood na Programa/Palabas
1.
2.
3
4.
5.

Punan ang patlang upang mabuo ang iyong natutunan at nalaman sa araw na ito

Nalaman ko na Ang “salitang magkasingkahulugan” ay tumutukoy


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Mapapalawak ko ang aking bokabularyo


dahil____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

29
Ang paghasa sa ating kasanayan na sumulat ay mabisang paraan ng
pagpapahayag ng ating mga ideya, saloobin at iba pa.
Sa mga gawain katulad nito ay mas nasusukat ang hangganan ng pag-unawa sa
isang akda nabasa at paglikha ng sariling pagsasabuhay sa isang panitikan.

Gawain4
Panuto: Sumulat ng sariling pagsasalaysay maikling kwento “Ang Aginaldo ng mga Mago”

Pamantayan Punto
Masining at may damdaming naisalaysay ang kwento. 15
Maayos ang pgkakabuo ng mga salita sa loob ng pangungusap (may kaisahan 10
at kaugnayan)
Nasunod ang banghay ng maikling kwento 5
Kabuuan 25

A: Tukuyin ang salitang katulad o kaugnay na kahulugan. Piliin ang tamang sagot.

1. SUMALAGMAK
A.malakas na iyak B.napaupo C. simbuyo D. hagulhol
2. HUMAGIBIS
A.lagablab B.silakbo C.tangis D. tumulin
3. HALUKAYIN
A.halungkatin B. silakbo C. lumuklok D. kunin
4. TANGIS
A.malakas na iyak B. simbuyo C. hilam D. panlalabo
5. BUSABOS
A.mahirap B. api C. mapera D. madatung

Panuto B: Suriin ang Diyalogo. Tukuyin kung anong tunggalian ito. Piliin ang tamang
sagot.

____________1. “Hindi ko magawang magsaya ngayong kaarawan ko.”


____________2. “Dahil sa pandemyang ito, hindi ako makapunta ng ibang bansa.”
____________3. “Gumising ka sa katotohanang hindi na babalik ang lahat sa dati! .”
____________4. “Ayaw nila ako tanggapin sa trabaho dahil sa kulay ng balat ko.”
____________5. “Huwag kang lalapit sa akin!”

30
Panuto: Mula sa tinalakay na akda “Aginaldo ng mga Mago” suriin ang dayalogo ng
tauhan sa kasiningan ng akda.

“Huwag mo sana akong masdan nang papaganyan. Ipinaputol ko ang aking buhok at
ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita
mabibigyan ng isang aginaldo.” Ani ni Della.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

31
AKLAT
Filipino Grade 10 Learner's Module. (2021). Retrieved 5 June 2021, from
https://www.slideshare.net/daniholic/filipino-grade-10-learners-module Filipino10
Panitikang Pandaigdig Modyul para sa mag-aaral
Laurino, Ma. Lorena S. Guro sa Filipino et al. Modyul Filipino 10. Dibisyon ng Lungsod
Las Pinas, 2020

WEBSITES

Filipino10 Panitikang Pandaigdig Modyul para sa mag-aaral


Learning Module And Teachers Guide Grade 10 https://brainly.ph/question/502571
https://brainly.ph/question/510541#readmore
https://brainly.ph/question/1909382#readmore
https://www.google.com/search?q=rubrics+sa+pags ulat+ng+sanaysay&
https://brainly.ph/question/1977804#readmore
https://brainly.ph/question/502571 https://images.app.goo.gl/Y4nhcBm7AhrHTNCA6
https://images.app.goo.gl/3Ha5aDgHY16psosh8
https://images.app.goo.gl/3XnqhgEPE5tSNVwN8
https://images.app.goo.gl/ypa8qkkyJZFhYwvw7
https://images.app.goo.gl/vzAYQnu6F88BFR1S9
https://pinoycollection.com/tula-tungkol-sa-ina/
https://philnews.ph/2019/06/27/tayutay-uri-at-halimbawa/
https://noypi.com.ph/tayutay/

Mga Manunulat:

Riza F. Cuasay
Las Pinas City Technical-Vocational High School
Marilyn B. Peren
Master Teacher I
CAA National High School-Annex
JL D. Flores
Equitable Village National High School
Jay Alvin C. Abrina
Gatchalian National High School

Mary Jean T. Hortilano


Medelyn F. Obando
Balideytor ng Nilalaman at Wika

32

You might also like