You are on page 1of 2

Mitolohiyang Rihawani

I.TAUHAN

Rihawani - Pangunahing tauhan sa kwento. Siya ang diwata na naninirahan sa kagubatan. Isang diwata
na maaaring magpalit ng anyo bilang isang puting usa.

Mga puting usa - Sila ang mga kasama ni Rihawani sa kagubatan at sila ang alagad ng diwata.

Isang tao na nakatira sa lugar na iyon - Siya ang nakakita kay Rihawani nang siya ay maligaw sa
kagubatan.

Mga dayuhan - Sila ang dumadayo sa lugar na yon upang mangaso at mamaril ng hayop.

Gabay ng mga mangangaso - Siya ang gabay na itinalaga sa mga dayuhan upang hindi maligaw ang mga
ito sa kagubatan at nang sa ganon hindi sila makapunta sa lugar kung saan naninirahan ang diwatang si
Rihawani.

Isang Dayuhan - Siya ang dayuhan na nangahas at humiwalay sa kanyang mga kasamahan upang
mamaril ng hayop sa ibang parte ng kagubatan, siya ang nakabaril sa isang puting usa kaya pinarusahan
siya ng diwatang si Rihawani.

II.TAGPUAN

Sa isang lugar ng marugbu,isang liblib na pook.Ang mga pinaniniwalaang nakatira dito ay isang diwata ng
nga puting usa.May mga dayuhang nais dumating doom na ang pakay ay mangaso at mamaril ng mga
hayop sa gubat pero sila'y binalaan ng mga taong nakatira doon na huwag tangkahing pumunta at
galawin ang mga hayop doom.Dito naipakita ang katangian ng mga manlalakbay,mananakop at
mangangaso.Naipahatid din sa mitolohiya ang pagiging palaban ng mga manlalakbay na sila'y walang
inuurungan.

III.BANGHAY

Inilalarawan nito ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa. Ang banghay ng kwento ay nakabatay sa
kagubatan kung saan naninirahan ang dyosa na kilala bilang si Rihawani. Ang gubat din na ito ay
kinatatakutan ng mga tao sa lugar ng Marugbu.

IV.TEMA

Nailahad sa mitolohiya ang ugaling hindi dapat at iwasang taglayin ng isang tao na maaring magdulot sa
kanya ng kapahamakan.Una ay hindi dapat suwayin ang mga tagubilin o payo para sa iyong
kapakanan.Pangalawa ay dapat pagkatiwalaan ang kapwa.ipinakita sa katauhan ni rihawani na ang lahat
ng ating nga ginagawa ay sinusubaybayan ng panginoon.Nais tayong bigyang linaw ng akda na dapat
tayo ay sumunod sa ano mang payo o tagubilin sa atin para tayo ay mailayo sa ano mang masamang
dulot nito o kapahamakan.Dapat din tayong magtiwala sa ating kapwa dahil walang ibang tutulong sa iyo
maliban na ang iyong sarili at kapwa.

V.KONKLUSYON

Sa kabuuan ng akda,napakahalagang ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng mitolohiya hanggang sa


kasalukuyan dahil ito ay nagbibigay ng ginintuang aral sa mga tao.Nagbibigay linaw at humuhubog sa
katangian ng isang indibidwal sa lipunan.Hindi na uso sa panahon ngayon ang mga diyos,diyosa at mga
diwata pero malaki ang naiaambag ng pagbabasa lalo na sa ating mga kabataan.Ang mga mag aaral na
naibibigay nito ay puwedeng maiugnay sa totoong buhay.Kaya dapat lang na ipagpatuloy na pag-aralan
ang mito dahil marami itong naiaambag sa pagpapaganda ng buhay.

You might also like