You are on page 1of 2

RIHAWANI

I. TAUHAN
a. Rihawani- Ang pangunahing tauhan sa akda.Batay sa kuwento, Siya ay pinaniniwalaang
isang diyosa o diwata ng puting usa. Isang napakagandang dalaga na may kapangyarihang
mangpalit-anyo.
b. Naninirahan/Nakakatanda sa lugar malapit sa kagubatan ni Rihawani- Sila ang nagsalaysay sa
kasaysayan ng pinanahanan ni Rihawani. Sila ang nagbigay payo sa mga dayuhan na mag-ingat
at huwag kailangan mang ibiging puntahan ang lugar na iyon at huwag kalian man galawin ang
mga hayop at mga nilalang dito.
c. Dayuhan- Ang pakay nila ay ang mangaso at mamaril ng mga hayop sa gubat kung saan
naninirahan si Rihawani. Sila ang mga sumuway sa tagubilin ng mga nakakatanda sa lugar.

Ipinakita sa mitolohiyang Rihawani ang pagkahilig ng mga Viking sa mga kuwento


patungkol sa mga diyos at diyosa. Ang mitolohiyang Rihawani ay may tauhang mga diyos at
diyosa na may kakayahang hindi tinataglay ng isang pangkaraniwang tao, isa na dito ang
pagpapalit ng anyo. Ang mga Vikings ay kilala bilang manlalakbay, mananakop at mangangaso.

II. TAGPUAN
Sa isang lugar ng Marugbu, isang liblib na pook. Ang mga pinaniniwalaang nakatira dito ay
isang diwata ng mga puting usa. May mga dayuhang nais dumating doon na ang pakay ay
mangaso at mamaril ng mga hayop sa gubat pero sila’y binalaan ng mga taong nakatira doon na
huwag tangkahing pumunta at galawin ang mga hayop doon. Dito naipakita ang katangian ng
mga Vikings na manlalakbay, mananakop at mangangaso. Naipahatid din sa mitolohiya ang
pagiging palaban ng mga Vikings na sila’y walang inuurungan.

III. BANGHAY
Malinaw ang pagkakasasalaysay ng akda dahil ang mga pangyayari ay nagkakasunod ng
maayos.Sinuway ng mga dayuhan ang habilin ng mga tao na naninirahan doon. Kahit na
binalaan na sila ay tinuloy parin nila ang kanilang pakay. Dahil sa kanilang hindi pagsunod sa
payo, sila ay napahamak. Talagang naipakita ng mitolohiya ang katangian ng mga Vikings na
sila ay palaban at walang inuurungan. Malinaw na nailahad ang problema dahil sa tulong ng
maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
IV. TEMA
Nailahad sa mitolohiya ang ugaling hindi dapat at iwasang taglayin ng isang tao na
maaaring magdulot sa kanya ng kapahamakan. Una ay hindi dapat suwayin ang mga tagubilin o
payo para sa iyong kapakanan. Pangalawa ay dapat pagkatiwalaan ang kapwa. Ipinakita sa
katauhan ni Rihawani na ang lahat ng ating mga ginagawa ay sinusubaybayan ng panginoon.
Nais tayong bigyang linaw ng akda na dapat tayo ay sumunod sa ano mang payo o tagubilin sa
atin para tayo ay mailayo sa ano mang masamang dulot nito o kapahamakan. Dapat din tayong
magtiwala sa ating kapwa dahil walang ibang tutulong sa iyo maliban na ang iyong sarili at
kapwa. Sabi nga nila “NO MAN IS AN ISLAND”.

V. KONKLUSYON
Sa kabuuan ng akda, napakahalagang ipagpatuloy ang pagpapalaganap ng mitolohiya
hanggang sa kasalukuyan dahil ito ay nagbibigay ng ginintuang aral sa mga tao.Nagbibigay
linaw at humuhubog sa katangian ng isang indibidwal sa lipunan. Hindi na uso sa panahon
ngayon ang mga diyos, diyosa at mga diwata pero malaki ang naiaambag ng pagbabasa lalo na sa
ating mga kabataan. Ang mga aral na naibibigay nito ay puwedeng maiugnay sa totoong buhay.
Kaya dapat lang na ipagpatuloy na pag-aralan ang mito dahil marami itong naiaambag sa
pagpapaganda ng buhay.

GLAIZA LOURDES G.
DACQUEL
GRADE-10
FORTITUDE

You might also like