You are on page 1of 3

Aralin 1: Mitolohiyang Pilipino

Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil
sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga
panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Hanggang ngayong ang
paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang
Pilipino lalo na sa mga probinsiya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang ang
makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng mga
etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan.
Ang salitang mito ay hinango sa salitang mitolohiya mula sa salitang griyegong mythos na unang
nangangahulugang “Talumpati” subalit sa katagalan ay nangangahulugang “Pabula” o “Alamat”.
Sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at nagtataglay ng tauhang
karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang hindi taglay ng pangkaraniwang mortal.
Mga Diyos At Diyosa
BATHALA - Ang pinakamakapangyarihang diyos sa lahat ng mga diyos, at hari ng buong daigdig. Kilala rin
siya bilang Maykapal. Iniuugnay din ito sa Diyos ng Kristiyanismo. Si Bathala ay may pagkakatulad sa diyos
ng mga Indones na si Batara Guru at ng mga Indiyano na si Shiva, habang ang Indiyanong Epiko na
Ramayana at Mahabharata ay isinalin sa katutubong wika ng Pilipino at maraming salin ito sa iba't ibang
relihiyon ng mga katutubong Pilipino. Ang mga impluwensiya na ito ay idinala ng mga nangangalakal mula sa
karatig na mga bansa noong nabuhay pa ang Indiyanong kaharian sa Thailand, Malaysia at Indonesia. Ang
mga diyos sa mitolohiyang Pilipino ay bahagyang dahan-dahan na nawala sa pagdating ng mga Espanyol at
ipinakilala ang Kristyanismo. Ang mga Espanyol ay naging agresibo sa kanilang kampanya laban sa mga
katutubong relihiyon na naging resulta sa diskriminasyon sa mga hindi Kristyano. Inutos ng Simbahang
Katoliko na isunog at itapon ang mga anito ng mga Pilipino at lahat ang mahuhuli na sumasamba sa mga anito
ay susunugin o kaya paparusahan. Sa modernong panahon ngayon marami pa rin ang naniniwala.
AMAN SINAYA - Diyosa ng karagatan, pangingisda at paglalayag. Kilala rin bilang Diyosa ng Daluyong.
Imortal na kalaban ni Bathala.
AMANIKABLE - Si Amanikable ay ang masungit na diyos ng karagatan. Siya ang gumagawa ng mga sigwa
sa karagatan matapos siyang nabigo sa pag-ibig para kay Maganda.
SITAN - Siya ang tagabantay ng Kasamaan at ang mga kaluluwa roon. Pinuno ng kasamaan at sinaunang
Impyerno. May apat (4) na kinatawan. Kilala rin siya bilang kapilas ni Satanas.
MGA KINATAWAN NI SITAN
1. MANGGAGAWAY - Nagdudulot ng mga sakit. Kadalasang naghuhugis tao at magpanggap na huwad
na manggagamot.
2. MANISILAT - Pangalawang kintawan ni Sitan, siya ang naghihiwalay sa mga masasayang at buong
pamilya.
3. MANGKUKULAM - Ang kaisa-isang lalaking kinatawan ni Sitan, siya ang sumisiklab ng apoy at
gumagawa ng masamang panahon.
4. HUKLUBAN - May abilidad na pagpapalit ng kahit anong anyo na nais niya. Sa isang taas ng
kanyang kamay ay kayang niyang patayin kahit sino; at pagalingin ang sarili.
MGA ANAK NI BATHALA
MAYARI - Siya ang diyosa ng buwan. Ayon sa iba, siya raw ay may isang mata lang.
TALA - Siya ang diyosa ng mga bituin. Ayon sa iba, siya raw ay kapatid ni Apolaki at Mayari.
HANAN - Siya ang diyosa ng umaga.
APOLAKI - Diyos ng araw at digmaan. Patron ng mga mandirigma. Siya ang kaisa-isang lalaking anak ni
Bathala. Kilala rin siya bilang si Adlaw.

IBA PANG MGA DIYOS AT DIYOSA


DIMANGAN - Diyos ng magandang ani. Asawa ni Idionale.

Page 1 of 3
IDIONALE - Diyosa ng mabuting gawain at pagsasaka. Asawa ni Dimangan.
ANITUN TABU - Diyosa ng hangin at ulan. Laging pabagu-bago ang isip. Anak nina Dimangan at Idionale.
DUMAKULEM - Tagabantay ng mga bundok. Anak nina Dimangan at Idionale. Asawa ni Anagolay
ANAGOLAY - Diyosa ng mga nawawalang bagay. Asawa ni Dumakulem. Ina ni Apolaki at Diyan Masalanta.
DIYAN MASALANTA - Diyosa ng pag-ibig, paglilihi, at pagsilang. Tagapagtanggol ng mga mangingibig.
Nang naging Kristiyano ang mga katutubo, ikinilala siya bilang Maria Makiling. Kung ihahambing sa
mitolohiyang griyego siya’y si Aphrodite.
LIBULAN - Diyos ng buwan. Patron ng homosekswalidad. Ayon sa mga kwento siya’y nahumaling kay Sidapa
(diyos ng kamatayan). Naninirahan sa Mt. Madjaas sa Panay.
LAKAPATI - Diyosa ng pagkamayabong at ang pinakamabuting diyosa. Kilala rin bilang Ikapati. Asawa ni
Mapulon at Ina ni Anagolay
MAPULON - Diyos ng panahon at magandag kalusugan. Asawa ni Lakapati.
AGAWE - Diyos ng Tubig
DAL’LANG - Diyosa ng Kagandahan.
LAKAMBINI - Diyosa ng pagkain
LALAHON - Diyos ng Apoy
PUGHE - Diyos ng mga Duwende
KIDUL - Diyos ng Lindol
KALINGA - Diyos ng Kulog
PASIPO - Diyosa Musika
DELTISE - Diyosa ng Mambabarang
SODOP - Diyos ng Ginto
SIRENA - Diyosa ng mga Isda
BAYOA - Diyos ng sanduguan o pagkakasundo
LAKAMBAKOD - Kilala ng mga tagalog bilang diyos ng proteksyon mula sa mga sakit at sakuna. Ang
kanyang pangalan ay literal na nangangahulugang bakod. Siya’y nagsisilbi ring protector ng mga bahay-
bahay.
MGA MABUBUTING ISPIRITU
PATIANAK – taga-tanod ng lupa
MAMANJIG – nangingiliti ng mga bata
LIMBANG – taga-tanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa
MGA MASASAMANG ISPIRITU
TANGGAL – matandang babae sumisipsip ng dugo ng sanggol.
TAMA-TAMA – maliliit na tao na kumukurot sa sanggol.
SALOT – nagsasabog ng sakit.
MGA MAHIWAGANG NILALANG
ASWANG - Isang halimaw na pinaniniwalaang kumakain o nananakit ng tao. Kung minsan ang mga ito ay
pinapaniwalaan na may mga pakpak at sila raw ay gising kung gabi para maghanap na mabibiktima, lalo na
mga sanggol at mga buntis.
TIKTIK - Mala-ibong halimaw na may mahabang dila, karaniwang kasama ng Aswang.
DUWENDE - Pinapaniwalaan bilang isang maliit na tao na may mga mahiwagang kapangyarihan. Nahahati
sa dalawa – puti o itim.

Page 2 of 3
KAPRE - Maitim na higante at mahilig sa tabako.
TIKBALANG - Ito ay isang nilalang na may mala-kabayong hitsura, mayroon itong katawan ng
isang tao subalit may mga paa ng isang kabayo. Batay sa paniniwala, nakasasanhi ang tikbalang ng
pagkaligaw ng landas ng mga tao, partikular na habang nasa kagubatan at mga bundok.
TIANAK / TIYANAKA - Isang sanggol na nagiging halimaw tuwing sasapit ang gabi at lalong mabangis
tuwing kabilugan ng buwan.
BUNGISNGIS - ay higanteng may iisang mata. Sa paniniwalang Pilipino ang mga ito’y naninirahan sa mga
kagubatan. Sila mga masayahin at mapaglaro. Kilala sila bilang “Mahentoy” sa hilagang bahagi ng Davao.
DIWATA - Diwata o engkantada mula ito sa wikang Espanyol na encantada. Sila ay mga nilalang na
pinaniniwalaang nakabantay sa kalikasan. Ang mga Diwata ay pinaniniwalaang nakatira sa mga malalaking
puno tulad ng akasya at balete.
EK EK - Isang nilalang na mala ibon ang itsura ngunit hulma ng tao ang pangangatawan. Sila’y lumalabas
lamang sa gabi upang maghanap ng mabibiktima. Silay nahuhumaling sa halimuyak ng preskong dugo at
laman ng tao. Maihahambing sila sa mga mananaggal ngunit ang kaibahan nito’y hindi nahahati ang kanilang
mga katawan.
MAMBABARANG - Ang “BARANG” ay isang uri ng mahika na sinasabing higit-dobleng mas mabagsik
kaysa kulam. Ang isang mangkukulam ay walang kapangyarihan laban sa isang mambabarang. Maaari
lamang makapaminsala ang isang mangkukulam kung kilala niya ang kanyang biktima ngunit ang
mambabarang ay maaaring magdala ng panganib sa kahit na kanino sa pamamagitan lamang nang paghipo
o paghawak nito sa mga bagay na may kinalaman sa taong nais niyang saktan o wasakin.
MANANANGGAL - Ang manananggal ay isang nilalang na may kakayahang magbago ng anyo tuwing
kabilugan ng buwan. Ito ay sinasabing nagpapalit ng anyo kapag sumapit na ang hatinggabi. Ang mga
manananggal ay may kakayahang hatiin ang katawan at tinutubuan din ito ng pakpak na parang sa paniki.
Paborito daw kainin ng mga manananggal ang sanggol sa sinapupunan ng isang babaeng nagdadalang-tao
gamit ang kanilang dila na kasing nipis ng karayom at kayang humigop ng dugo.
SIRENA - Ang sirena ay isang mitolohikong nilalang sa dagat na mula sa kalinangang Pilipino. Sa ilang mga
rehiyon sa Pilipinas, partikular sa Bikol at Kabisayaan, kilala ang mga sirena bilang MAGINDARA at
naisasalarawan bilang masamang sirena. Hindi tulad ng mga sirena ng mitolohiyang Griyego, na
sinasalarawan bilang mga nilalang babae/ibon, kadalasang sinasalarawan ang mga sirena bilang mga nilalang
na namumuhay sa ilalim ng dagat. Sa mitolohiyang Pilipino, ang sirena ay isang mitolohikong nilalang pantubig
na may ulo at katawan ng babaeng tao at buntot ng isang isda. Isang engkanto ang sirena – ang Pilipinong
katumbas ng mga mermaid sa Ingles. Inuuri ang mga engkanto bilang isa sa mga bantay tubig o
tagapagbantay ng mga anyong tubig. Karagadagan sa sirena, ang ibang halimbawa ng bantay tubig ay
ang siyokoy, kataw at ugkoy. Sireno ang lalaking bersyon ng sirena. Pinapares minsan ang sirena sa siyokoy.
Isa sa mga sikat na kathang-isip na karakter sa Pilipinas na sirena ay si Dyesebel.
SYOKOY - Ang Siyokoy (Syokoy) ay nilalang sa mitolohiyang Pilipino, kung saan ay mga kasapi ng Bantay
Tubig. Sila ay karaniwang mailalalrawang na may berdeng balat may mga kalisiki ang buong katawan.
BERBEROKA - Halimaw tubig na kilala sa Abra, Apayao at Ilocos Norte. Naninirahan ang mga tusong
halimaw na ito sa ilalim ng tubig at ang kanilang biktima ay mga mangingisda.
BANGUNGOT - Isang nilalang mula sa mitolohiyang Ilokano kung saan nagdudulot ng kamatayan sa mga
biktima nitong natutulog na tila pinapalabas ang natural na pagkamatay ng isang tao. Sila’y mga nilalang na
nakatira sa isang puno.
BAKUNAWA - Higanteng serpente sa dagat. Siyang kumakain ng buwan.
SANTELMO - Ito ay pinaniniwalaan na ang santelmo ay isang nawawalang espiritu sa isang anyo ng isang
bola ng apoy. Ang ganitong uri ng mga kuwento ay sikat sa mga rural na lugar sa mga lalawigan ng Pilipinas.
Dahil naniniwala ang Pilipino sa kapangyarihan ng hindi alam, ito ay isa lamang sa mga ito. May mga kuwento
na kung ang isang tao ay namatay sa tubig, sabihin sa isang ilog, dagat o habang umulan, ang kanyang
kaluluwa ay mananatili sa lugar kung saan siya namatay. Ito ay isang maliit na maliliwanag na liwanag at unti-
unti na lumalaki, tulad ng basketball.
Inihanda ni:
G. Romuel M. Alcantaradas, LPT, M.A.ED.

Page 3 of 3

You might also like