Professional Documents
Culture Documents
O sa Tagalog ay:
Nuno sa punso
Sa mitolohiyang Pilipino, ang nuno o nuno sa punso ay ang nilalang na mukhang
duwende na kadalasang pinaniniwalaang naninirahan sa punso. Tinatawag itong
nuno (mula sa salitang ninuno) dahil ang itsura ng nilalang na ito ay isang maliit na
matanda.
Pinaniniwalaan nagbibigay suwerte o kamalasan ang munting nilalang na ito.
Kadalasan sa mga dumadaan sa harap o malapit man sa punso ay nagsasabi ng
"tabi-tabi po" upang makaiwas sa malas na maaaring maidudulot nito. Ang nuno ay
sinasabing mayroong kapangyarihan o mahika na nagbibigay suwerte sa mabait sa
kalikasan at malas sa masama sa kanila.
Sa mitolohiya ng Pilipinas, ang kapre ay isang higanteng mabalahibo at mahilig sa
tabako at kadalasan nagpapakita mula sa puno ng balete. Kilalang hindi agresibo at
tahimik.
sigbin, ekek, bakunawa
Tiyanak
Ang tiyanak (binabaybay ding tianak o tianac) ay isang nilalang na, sa mitolohiya ng
Pilipinas, gumagaya sa anyo ng isang bata. Karaniwang nitong hinuhubog ang sarili
bilang isang bagong silang na sanggol at umiiyak katulad nito upang mahikayat ang
mga walang kamalay-malay na mga manlalakbay. Kapag dinampot ng isang
biktima, nagbabalik ito sa tunay na kaanyuhan at aatakihin ang biktima.[1] Bukod
sa paglaslas sa mga biktima, natutuwa rin ang tiyanak sa pagliligaw ng landas ng
mga naglalakbay,[2] o pagdukot sa mga bata.[3]
Tikbalang
Ang tikbalang o tigbalang (binabaybay ding tigbalan o tikbalan) ay isang nilalang na
may mala-kabayong hitsura. Kabilang ito sa mga nilalang ng mitolohiya at
kuwentong-bayan ng Pilipinas. Mayroon itong katawan ng isang tao subalit may
mga paa ng isang kabayo. Batay sa paniniwala, nakasasanhi ang tikbalang ng
pagkaligaw ng landas ng mga tao, partikular na habang nasa kagubatan at mga
bundok. Tumutukoy ang salitang tikbalangin sa pangkukulam sa tao sa
pamamagitan ng pagsasaanyo ng isang nilalang upang maligaw ito ng daan.[1]
Bagaman tinatawag o maituturing na isa itong uri ng sentauro, naiiba ito sa tunay
na sentauro.[2]