Narrator:Si ubal at si Baw ay magkaibigan. Isang araw, nagkayayaan silang manligaw
sa mga anak ni Lagia Sulayman. Ubal: Baw, manligaw nga tayo sa mga anak ng Datu! Baw: ‘tumungo’ sige Ubal: sa panganay ako at ikaw naman doon sa bunso Narrator: gaanoon ang nangyari. Niligawan ni Ubal ang panganay na anak ng Datu samantalang si Baw naman ay sa bunso. Nagkatuluyan sila. Sabay pang ikasal ang dalawang. Nang silay makasal na sinabi ng datu na, Datu: magtrabaho kayo sa bukid! Magsaka kayo! Narrator: at binigyan sila ng datu ng mga gamit sa pabubungkal ng lupa. Maliit na itak lamang ang ibinigay kay Baw, sap ag-aakala ng Datu na hindi rin naman niya kayang gamitin ang maliit na itak. Binigyan si Ubal ng malaking itak dahil matangkad daw siya. Narrator: nang silay nasa bukid na, matiyagang nilinis ni Baw ang bahaging ibinigay sa kanya ng Datu upang sakahin. Si Ubal naman ay walang inatupag kundi magpalipat- lipat sa mga puno at masayang magtatalon sa mga sanga nito. Lumipas ang pitong araw ng kanilang paglilinis, handa ng sunugin ang mga damong tuyo. Tinipon lamang sa isang tabi ni Ubal ang mga damong tuyo ngunit ang kay Baw na naipon ay sinunog niyang talaga upang malinis ang bukid. Natanaw mula sa palasyo ng Datu ang usok ng sinunog na mga damo. Datu: tiningnan Ninyo si Ubal, masipag talaga, ang kapal ng usok ng kanyang siga. Datu: siguro’y malawak na ang nahawan niyang pinitak para sa pagtatanim. Narrator: nang sila’y dumating mula sa pagsisiga ng damong tuyo, tinanong si Ubal ng Datu Datu: gaano kalawak ang hinawan mong bukid Ubal? Ubal: ‘nagsinungaling’ napakalawak Datu Ubal: Kay Baw ay makitid lamang dahil mabagal siya at bansot pa. Narrator: hindi nakapagsalita si Baw dahil pinigilan siya ni Ubal. Ang tangi lamang niyang sinabi sa asawa ay, Baw: okey lang Potli, pabayaan na lamamg natin siyang magsalita. Hayaan mo at bubukod tayo ng sariling bahay. Narrator: nagtayo nga si Ubal ng sariling bahay at bumukod silang mag-asawa. Ilang araw pa ang lumipas, binigyan sila ng datu ng mga binhi ng palay. Kaunti lamang ang ibinigay kay Baw samantalang marami ang kay Baw. Lumipas uli ang pitong araw, pinuntahan ng datu ang kani-kanilang bukid. Tinanong si Ubal Datu: kaninong tanim ang mga palay na ito, sabay turo sa tanim ni Baw. Ubal: akin ho ang mga iyan, Datu. Ang kay Baw ay iyong maliit pa. Narrator: nang dumating na ang panahon ng anihan, iniutos ng Datu na dalhin ng palasyo ang tubali nina Ubal at Baw. Gusto niyang makita kung sino sa dalawa niyang manugang ang mas maraming ani. Nagulumihanan si Ubal dahil wala siyang madadala sa palasyo. Samantala, si Baw ay abalang-abala sa paghahakot ng mga palay ng kanyang inani. Ang binhing palay na ibinigay ng Datu kay Ubal ay inubos lamang nito sa halip na tinanim sa bukid. Kaya ang nangyari’y umuwing walang hawak-hawak na tubali si Ubal. Nang malaman ng Datu ang katotohanan, pinatawan niya ng parusang kamatayan si Ubal. Galit nag alit siya dahil matagal na pala siyang niloloko ng manugang. Ubal:hindi ko naman talaga niloloko ang Datu eh. Ano ako, alipin niya? Magpapakamatay ako sa pagtatrabaho para sa kanya? Hindi ako ganon kagago. Kung papatayin niya ako, mabibiyuda ang kanyang anak. Narrator: at pinarusahan nga ng kamatayan si Ubal. Naging biyuda nang maaga ang anak na panganay ng datu. Bumango ang pangalan ni Baw sa datu. Hangang-hanga na siya ngayon sa maliit na si Baw. Isang araw, niyaya ni Baw ang kanyang asawa na maligo sa ilog. Nang nasa tabing ilog na sila, sinabihan ni Baw ang kanyang asawa Baw: maligo ka sa bandang timog ng ilog at ako nama’y lalangoy sa bandang kanluran. Potli: *tumanggi* Ayoko, dito ka lang sa tabi ko, maka malunod ka. Baw: basta’t diyan ka lang, hindi ka maano. Narrator: nang matiyak niyang hindi na siya nakikita ng kanyang asawa, inalis ni Baw ang kanyang damit. Sa iglap ay naging napakasimpatiko niyang prinsipe. Isang larawan ng matikas, matipuno at matapang na lalaki. Nagbabalatkayo lamang pala si Baw sapagkat ang tunay niyang pangalan ay Sumedsing-sa- Alongan. Sinadya niyang ipaanod ang kanyang maliit na damit. Maya-maya pa’y biglang lumitaw naman ang puting kabayo na napakaganda ang tikas. Sumakay siya rito. Sa kabilang dako, sumunod sa agos ng tubig ang ipinaanod na damit ni Baw. Nahawakan iyon ni Potli at nagsimulang umiyak sa buong pag-aakalang namatay na ang bana. Potli: sabi ko sa iyo’y huwag kang aalis sa aking paningin. Tingnan mo tuloy ang nangyari, nalunod kang hindi ko nakita. Humagolgol siya habang hawak nang mahigpit ang damit ng bana. Maya-maya pa ay may tumawag sa kanya. Sumedsing-sa-Alongan: halika na potli, umuwi na tayo Potli: *hindi nakilala ang bana* Sino ka at bakit mo ako tinatawag, hindi kita kilala Sumedsing-sa-Alongan: sige na, halika na at umuwi na tayo. Potli: huwag mo akong binabastos lalaki, may asawa ako Hindi parin tumitinag si Potli sa pampang ng ilog at yakap-takap ang kamiseta ni Baw. Ilang oras pa ang lumipas, sa kapipilit ni sumedsing-sa-alongan na umuwi na ng bahay si potli ay nahimok din niya ito. Nagpahatid si Potli sa kanilang bahay. Nang malapit na roon, bumulong si Sumedsing-sa-Alongan at sa isang iglap ay napalitan ang dampa ng isang magarang palasyo na pawang salamin ang mga ding-ding. Lumaon ay natuklasan din ni Potli ang bumabalot na hiwaga sa kanyang bana na si Baw na ngayo’y isang napakakisig na prinsipe. Kinabukasan, ang bagong palasyo ang paksa ng mga usap-usapan sa bayan. Bawat bibig ay humahanga sa napakalaking palasyo. Ang mainit na balitang ito ay nakarating sa pandinig ng Datu. Inutusan kaagad ng Datu na pukpukin ang agong. Ipinatawag niya ang kanyang mga tauhan upang ipagawa ang isang maselang bagay. Nang dumating na ang lahat, nag-umpisa siyang magsalita. Datu: nais kong malaman sa inyo kung sino ang tusong tao na naglakas-loob magpatayo ng palasyo sa aking nasasakupang lupain nang wala man lamang pasabi o pahintulot mula sa akin. Kung sino man siya, makikita niya ang kanyang hinahanap. Mamatay siya. Patayin ninyo! Wala pang lumapastangan sa aking malatabat dito. Noon din ay tinungo ng mga tauhan ng Datu ang palasyo ni Sumedsing-sa-Alongan. Malayo pa sila ay nakikita na nila ang kanilang itsura mula sa mga salamin nitong dingding. Bumalik sila sa palasyo at sinabi sa Datu Datu: mahira pasukin ang palasyo dahil ang ating sarili ang nakikita natin sa mga dingding na salamin. Datu: bumalik kaayo roon *utos niya sa mga tauhan* Bumalik nga sa palasyomg salamin ang mga tauhan ng Datu. Sa pagkakataong ito ay nakita sila ni Potli kaya’t pinapasok sila sa magarang mansyon. Potli: pasok kayo Bumaba ng mula sa kani-kanilang kabayo ang mga tauhan ng datu at pumasok sa pambihirang palasyo. Tinanong ni potli ang tauhan Potli: ano ang inyung pakay? Pinuno ng tauhan: nais po lamang malaman ng Datu kung sino ang naglakas-loob na magpatayo ng palasyong ito na walang pahintulot sa kanya. Potli: sabihin ninyo kay ama na ang may-ari ng palasyong ito ay ang dating hinahamak- hamak niyang si Baw. Sabihin n’yo rin sa kanya na ang tunay na pangalan ni Batil Baw ay prinsipe Sumedsing-sa-Alongan. Narrator: Agad nagpaalam ang mga tauhan ng datu at sinabi nila sa knya ang lahat ng sinabi ni potli. Mabilis na nagbihis ang datu at dumalaw sa anak. Humingi siya ng patawag sa maagang paghuhusga sa pagkatao ni Baw. Mula noon ay hinangaan na ng Datu si Baw at siya ang piniling tagapagmana ng kanyang trono.