You are on page 1of 5

Ang Kinaligpitan Ko

ni Dr. Jos Rizal


(Tagalog version of Mi Retiro)
Sa may kalawakan ng pampang ng tanak, lambuting buhangin,
Sa paa ng bundok na balot ng kulay na lunti sa tingin,
Ang hamak kong kuboy doon itinayo, sa maayang lilim
Niyong kakahuyan upang sa gubat ngang payapay hanapin
Ang pamahinga niyaring isipan, tighaw sa panimdim.

Ang atip ng bubong ay hamak na pawid, sahig ay kawayan,


Magaspang na kahoy ang mga haligi, pingga at tahilan,
Sa kubo kong ito ay walang bahaging may kahalagahan,
Lalong mabuti pa ang doon humilig sa lunting damuhan
Na abot ng bulong at awit ng dagat sa dalampasigan.
Doon ay may batis na umaawit pa habang naglalagos
Sa may batuhan magmula sa gubat sa may dakong likod;
Batis ay nagsanga sa tulong ng isang magaspang na tungkod,
Kung gabing tahimik ay may bulong siyang nakapag-aantok,
At kung araw naman ang langit ay parang ibig na maabot.

Kung ang kalangitay payapang-payapa, agos ay banayad,


Panay ang taginting ng kanyang sitarang hindi namamalas,
Pagbagsak ng ulan, ang tulin ng agos ay walang katulad,
Humahagunot pa sa nangaghambalang na batong malapad,
Sa di mapipigil na kanyang pagtakbong patungo sa dagat.

Palahaw ng aso at awit ng ibon, at sigaw ng kalaw,


Ang ingay na tanging siyang bumabasag sa katahimikan;
Dooy di kilala ang tinig ng taong palalot mayabang
Na susunud-sunod sa nasang guluhin ang aking isipan;
Akoy naliligid ng katabing dagat at ng gubat lamang.

Ang dagat, ah, ito ay siya nang lahat kung para sa akin,
Kung dumadaluhong magmula sa mga malayong pampangin;
Sa akin, ang kanyang ngiti kung umagay anyayang magiliw,
At kung dapit-hapong ang pananalig koy parang nagmamaliw,
Siya ay may bulong na inihahatid sa akin ng hangin.

Pagdating ng gabi: dakilang palabas ng kahiwagaan,


Malaking liwanag ng mumunting kislap na hindi mabilang
Ang doon sa langit ay nakalaganap sa kaitaasan;
Ikinukuwento ng along may hapis sa hanging malumay
Kasaysayang sadyang nawawalat sukat sa gabing karimlan.
Isinasalaysay ang ayos ng mundo nang unang sumikat
Ang araw sa langit, at silay laruin ng kanyang liwanag;
Nang mula sa walay dami ng kinapal ang biglang kumalat
Sa kailaliman, at sa kapatagan, magpahanggang gubat,
Sa lahat ng dako na abot ng halik ng mayamang sinag.
Ngunit kung sa gabiy magising ang hanging malikot, mailap,
At ang mga alon, sa galit na dalay susugod, lulundag,
Mayrong mga sigaw na sa aking pusoy nagbibigay-sindak,
Mga tinig waring nagsisipagdasal o nagsisiiyak,
Nagsisipanaghoy sa kailalimang kadilimay ganap.

At saka ugong ang marahang taghoy na mula sa bundok,


Mga punungkahoy at ang mga damoy nagsisipangatog,
Pati mga pastol at nababalisat pawang mga takot,
Sapagkat anila, ang mga kalulway noon sumisipot,
At nag-aanyayang sa kanilang handa ay dumulog.

Gabiy bumubulong sa gitna ng sindak at pagkaligalig,


At sa dagat namay bughawt lunting apoy ang pasilip-silip;
Pagngiti ng arawy payapa na naman ang buong paligid,
At mula sa laot, yaong mangingisda ay napagigilid,
Sugod na ang lunday at ang mga alon ay nananahimik.

Ganyan ang buhay ko sa aking payapat ligpit na tahanan;


Sa mundong nang dati ay kilala ako, akoy pinapanaw,
Nasapit kong palad, sa ngayon ay aking binubulay-bulay;
Bahaging limot na ay sa lumot namang papawiin lamang
Upang maikubli ang mundong akin na, sa sangkatauhan.

Dahil sa naiwang mga minamahal, akoy nangangamba,


Mga ngalan nilay di ko nalilimot sa laot ng sigwa;
May nangagsilayo, at mayroon namang nangagsipanaw na;
Ngunit sa lumipas kung akoy magbalik, lahat ay iisa,
Iyang lumipas kong hindi mapapaknit kahit agawin pa.

Kaibigan iyang sa lahat ng oras ay aking kapiling,


Sa gitna ng lumbay ay nagpapasigla sa diwat damdamin;
Sa gabing tahimik, siyay nagtatanod at nananalangin,
Kasama-sama ko sa pagkakatapong malungkot isipin,
Upang kung manlamig ang pananalig ko ay papag-alabin.
Yaong pananalig na ibig ko sanang makitang kumislap
Sa dakilang araw ng pangingibabaw ng Isip sa lakas;
Kung makalipas na itong kamatayat labanang marahas,
Ay may ibang tinig, na lalong masigla at puspos ng galak,
Na siyang aawit ng pananagumpay ng matwid, sa lahat.

Aking natatanaw na kulay-rosas na ang magandang langit,


Gaya noong aking bukuin sa hagap ang una kong nais;
May halik sa noo ang dampi ng dating simoy na may awit,
Nararamdaman ko ang dati ring apoy na nagpapainit
Sa tinataglay kong dugong kabataang magulo ang isip.

Ang nilalanghap kong mga simoy ditoy nagdaan marahil


Sa mga ilugan at sa mga bukid niyong bayan namin;
Sa pagbalik nila ay kanila sanang ihatid sa akin
Ang buntong-hininga ng minamahal kong malayo sa piling,
Pahatid na mula sa pinagsanglaan ng unang paggiliw.

Kung aking mamasdan sa abuhing langit ang buwang marilag,


Nararamdaman kong ang sugat ng pusoy muling nagnanaknak;
Naaalalaa ang sumpaan naming kamiy magtatapat,
Ang dalampasigan, ang bukid at saka arkong may bulaklak,
Ang buntong-hininga, ang pananahimik at ang piping galak.
Isang paru-parong hanap ay bulaklak at saka liwanag,
Malalayong bayan ang lagi nang laman ng kanyang pangarap;
Musmos na musmos pa, tahanay nilisat ako ay lumayag,
Upang maglimayon, na ang diway laya at walang bagabag
Ganyan ko ginugol ang mga pili kong panahon at oras.

At nang mapilitang ako ay bumalik sa dating tahanan,


Kagaya ng isang ibong nanghina na sa kapanahunan,
May nagbangong sigwang malakas, mabangis na parang halimaw,
Ang mga pakpak koy nagkabali-balit tahanay pumanaw,
Ang aking tiwalay ipinagkanulot lahat nay nagunaw.

Sa pagkakatapong malayo sa bayang pinakaiibig,


Ang hinaharap koy madilim na lubhat walang tatangkilik,
Pamuli na namang susungaw ang aking mga panaginip,
Tanging kayamanan ng kabuhayan kong sagana sa hapis;
Mga pananalig niyong kabataang matapat, malinis.
Dapwat kung ikaw may umaasa ngayong iyong makakamtan
Yaong gantimpalang hindi magmamaliw magpakailan man,
Hindi ka na paris ng dating magilas at buhay na buhay;
Sa hapis mong mukhay may bakas na hindi mapagkakamalan:
Yaong pananalig na dapat mahalin at ipagsanggalang.

At upang aliwin, handog mo sa akiy mga panaginip,


Nagdaang panahon ng kabataan koy ipinasisilip;
Kaya nga, salamat, O sigwang biyaya sa akin ng langit,
Alam mo ang oras na takdang pagpigil sa gala kong isip,
Upang ibalik mo sa pinanggalingang lupang iniibig.

Sa may kalawakan ng pampang ng tanak, lambuting buhangin,


Sa paa ng bundok na balot ng kulay na lunti sa tingin,
Ang natagpuan ko sa lupang sariliy ampunan sa lilim
Niyong kakahuyan, at sa mga gubat katahimikan din,
Ang pamamahinga niyaring, tighaw sa panimdim.

You might also like