Professional Documents
Culture Documents
Nalaman ni Rizal sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol ukol sa
Oktubre 6, 1896 - iniwan ni rizal ang barcelona pabalik sa pilipinas , upang humarap
sa paglilitis . sinabing iyon na marahil ang pinaka malungkot na sandali sa kanyang
buhay dahil nakikini-kinita na niya ang ulap ng katapusan ay nakakulob na sa kanyang
ulo.
Nobyembre 3, 1896 - dumaong sa Maynila ang Bapor Colon siyang dating ni rizal.
Fort Santiago - dinala si Rizal at nag hanap ng ebidensiya ang mga kastila laban kay
rizal.
Don Nicolas dela Peña - Hukom ng Hukbo ipinasya ang mga sumusunod na
rekomendasyon matapos basahin ni Rafael Dominguez ang akusasyon kay Rizal.
Isang talaan na may isang daang una at pangalawang tenyente ang ibinigay kay rizal
upang buhat dito ay makapili siya sa kanyang tagapagtanggol.
Disyembre 10, 1896 – Don Luis Taviel de Andrade Unang Tenyente ng Artilyero
piniling maging tagapagtanggol ni Rizal.
Disyembre 11 - binasa kay Rizal ang mga sakdal laban sa kanya sa harap ng kanyang
tagapagtanggol sa Fort Santiago. Hindi tumanggi si rizal sa korte ngunit hindi rin niya
inako ang paratang ng paghihimagsik .
1. Pag-aalsa o rebulusyon
2. Sedisyon
3. Konspirasyon o pagbuo ng mga samanng illegal
Isinulat niya ito dahil gusto niyang ibahagi sa taumbayan na makakamit lang
natin ang kalayaan sa pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap.
Sinasabi rito na ikininagulat niya na ang ngalan niya ang naging pamansag ng
ilang mga rebolusyon.
Nililinaw din dito na tinutulan na niya ang balak ng rebolusyon dahil hindi pa raw
tayo handa para dito.
Disyembre 25, 1896 – Ang pinakamalungkot na pasko sa buong buhay ni rizal. Mag-
isa siya sa kanyang selda at ang kanyang pasko ay wala nang pag-asa.
Sinulatan ni rizal si Tenyente Luis taviel de Andrade at sinabing hihintayin niya ang
tagapagtanggol ng araw na iyon sapagkat may mahalaga siyang sasabihin bago sana
siya humarap sa korte. Binati din niya ang tenyente ng maligayang pasko.
Disyembre 26, 1896 Ika-8 ng umaga – ang hukumang militar na maglilitis kay rizal ay
magaganap sa gusaling tinatawag na sa “Cuartel de España”.
Simula ng Paglilitis :
Ang akusado ay iginapos mula siko pa-siko, ngunit siya ay nanatiling kalmado.
Si Ten. Alcocer, taga-usig, ang siyang nagbigay ng talumpati ng buod ng kaso ni Rizal
at sinasabing karapat-dapat na siya ay patawan ng kamatayan.
Winakasan niya ang kanyang pagsasalita sa pasasabing “Ang mga hukom ay hindi
na dapat
1) Wala siyang kaugnayan sa rebolusyon dahil siya mismo ang nagpayo kay Dr. Pio
Valenzuela noon sa Dapitan na huwag na silang mag-aklas
3) Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang pangalan nang hindi niya alam. Kung
siya’y maysala, disinsana’y tumakas siya sa Singapore.
4) Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon, disinsana’y tumakas siya sakay ng isang
vintang Moro at di nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumili ng lupain sa Dapitan.
5) Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya kinonsulta ng mga
rebolusyonaryo?
6) Inamin niya na siya ang sumulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina ngunit ito ay
pansibikong asosasyon at hindi isang samahang pangrebolusyon.
8) Kung muling nabuhay ang La Liga pagkaraan ng siyam na buwan, hindi niya alam.
10) Ang dahilang ng mapapait na komentaryo niya ay dahil noong 1890, ang kanyang
pamilya ay inuusig, kinukumpiska ang bahay, bodega, lupain, atbp., at ang kanyang
kapatid na lalaki at mga bayaw ay ipinatapon.
11) Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri kahit itanong pa sa mga komandenteng
naroon at sa mga misyonerong pari.
12) Noong siya ay nagtalumpati sa bahay ni Doroteo Ongjunco, hindi totoong pinukaw
ng kanyang talumpati ang rebolusyon. Alam ng mga kaibigan niya na tutol siya sa
armadong rebolusyon. Kaya bakit nagpadala ang Katipunan ng isang sugo sa Dapitan
na hindi niya kakilala? Dahil ang mga kakilala niya ay alam na hindi siya payag sa
anumang kilusang marahas.
Ang mga pagsamo ni Rizal ay hindi na pinakinggan ng Hukom, dahil may pinapanigan
na silang desisyon.
Pinalabas na ang mga tao sa hukuman at ipinalalagay ni Ten. Kol. Togores Arjona na
tapos na ang paglilitis.
Kaagad nilang pinadala ang desisyon sa korte ni Gob. Hen. Polavieja. At Humingi ang
Gob. Hen. ng payo mula sa Huwes Tagapagtanggol na si Heneral Nicolas de la Peña.
December 28 – nilagdaan ni Gob. Hen. Polavieja ang desisyon na hatol kay Rizal
nakamatayan.
2. Alas 7:00 ng umaga - Tinanggap niyang bisita sina Padre Miguel Saderra Matta
(Rector ng Ateneo) at Padre Luis Viza, isang Jesuitang Guro.
3. Alas 8:00 ng umaga - Pumalit kay Padre Viza si Padre Antonio Rosell, inimbitahan
siya ni Rizal na mag-almusal. Pagkatapos na mag-almusal dumating si Tinyente Luis
Taviel de Andrade at nagpasalamat si Rizal dito sa ginawang pagtatanggol niya.
4. Alas 9:00 ng umaga - Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama
ang sinabi ng pare na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere .
8. Alas 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal sa Fort Santiago. Lumuhod dito si
Rizal at hinalikan ang kanyang ina. Sumunod si Trinidad at dito ay ibinigay niya ang
lutuang alcohol na naglalaman ng Mi Ultimi Adios .
9. Sa pag-alis ng mga magulang at kapatid ni Rizal ay nagbalik pa rin ang mga Jesuita
sa pangungulit kay Rizal na gumawa ng retraksiyon.
10. Alas 6:00 ng gabi - Patuloy pa rin sa pangungulit ang mga Jesuita at mga prayle na
gumawa na si Rizal ng isang retraksiyon.
11. Alas 8:00 ng gabi - nagsagawa si Rizal ng kanyang huling hapunan sinabi niya kay
kapitan Dominguez na pinatatawad na niya ang lahat ng kanyang mga kaaway .
12. Alas 10:00- ipinadala ng Arsobispo Nozaleda ang isang kopya ng retraksiyon na
pipirmahan ni Rizal ngunit ito ay tinaggihan ni Rizal. Dahilan sa hindi napapirma si Rizal
sa retraksiyon, ang paring Jesuita ay hinuwad ang lagda nui Rizal at pagkamatay ni
Rizal ay sinabi nila na si Rizal ay lumagda ng isang retraksiyon.
13. Alas 3:00 ng umaga- sinasabi ng mga paring Jesuita na si Rizal ay nakinig ng misa
at tumaggap ng komunyon. Ngunit ito ay walang basehan.
14. Alas 5:30- kinain ni Rizal ang kanyang huling almusal pagkatapos ay sinulat niya
ang dalawang sulat para sa kanyang kasambahay at sa kapatid na si Paciano.
17. Alas 6:30 - nagsimulang umalis ang martsa mula saa Fort Santiago patungo ng
Bagumbayan. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa
harapan, sa likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel
de Andrade sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ng
maraming mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang
hanay ng mga taong nanonood.
18. Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan mas maraming bilang ng mga tao ang
naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbitay kay Rizal.
19. Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade . Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo
isang manggagamot ng hukbong Espanyol at humanga sa normal na tibok ng pulso
nito.
21. Pagkatapos ng barilin ng firing squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa
kanyang katawan at binaril na malapitan sa puso. Upang tiyakin na patay na ito.
30 December 1896 , 6:30am. Naglakad sila rizal at ng kanyang mga kasama mula sa
Fort Santiago hanggang sa Bagumbayan. Mas pinili ni rizal na maglakad kesa sumakay
sa karwahe. Bakit? Siguro para tumagal pa sya kahit ilang minuto sa mundo. Suot ni
rizal ang pinakamagandang damit, nagkasumbrero pa. Kasama nyang naghatid ang
naging propesor nya sa Ateneo; sina Padre March at Padre Villaclara.
7:03am, sumigaw ang heneral, “Preparado!”, habang itinaas ang kanyang espada.
“Apunten!”, itinutok kay rizal ang mga ripple. Gayun pa din, kalmadong kalmado si rizal.
Kasabay ng pagbagsak ng espada ng heneral ang pagsigaw ng “Fuego!”. Pumutok ang
mga baril.
Ginamit nya ang puwersa ng mga balang tumama sa’kanya para mapaikot at hindi
bumagsak ng nakasubsob sa lupa ang kanyangg mukha. Umikot ang katawan ni rizal at
tumumba ng nakatingala sa kalangitan. Namatay sya ng may dangal.
“Viva España! Muerte de los Traidores!”, sigaw ng mga espanyol. Patay na ang
numero unong kaaway ng Espanya.