You are on page 1of 16

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

College Of Engineering
Mechanical Engineering Department
Rm 217 2nd Flr. College of Engineering and Architecture Bldg.
NDC Compound Pureza St., Sta. Mesa, Manila

MGA GAWAIN (CHAPTER 1 to 3)


PROYEKTO SA PAKSANG RIZAL

SUBMITTED TO:

PROF. SHERRENNE ROBERTO DE AMBOY

SUBMITTED BY:

BALINGIT, JEFFREY S.

BSME 5-3

2nd Semester
Chapter 1: Mga Gawain

1. Magsaliksik kung naging mabisa o hindi ang pagkakaroon ng Batas Rizal sa pagpapayabong ng
nasyonalismo ng mga Pilipino.

Sagot:
- Limang dekada na ang nakalipas mula ng maipatupad ang Batas Rizal. Ngunit
nakatulong nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal upang makamit
ang mga adhikain ng mga nagtaguyod sa batas na ito? Sa mababaw na pagtingin, masasabi
nating naging matagumpay ito, dahil sa halos lahat ng plaza sa ating bansa ay may bantayog si
Rizal. Kilala siya ng lahat ng mga Pilipino bilang ating pambansang bayani. Madalas din nating
gamitin ang mga salitang iniwan niya, katulad ng walang-kamatayang “ang kabataan ang pag-
asa ng bayan.”

- Ngunit sa mas malalim na pagtasa, masasabi nating naging matagumpay lamang ang
batas na ito na gawing pambansang simbolo si Rizal, na halos walang pinagkaiba sa kalabaw at
sampaguita. Ngunit sa puso ng maraming Pilipino, diwang busabos pa rin ang naghahari. Sa
katunayan wikang banyaga pa nga ang karaniwang gamit natin sa pagkuha ng kursong ito dahil
ito ang nakasaad sa batas.

2. Ano ang naging damdamin ninyo makaraang mabasa ang talumpati ni Kinatawan Arturo
Tolentino sa paghahain niya ng inamyendahang Panukalang Batas?

Sagot:
- Ang talumpati ni Arturo Tolentino ay nagpapakita ng malawakang pakikibaka upang
maibangon ang nasyonalismo ng bansa. Higit na nakatulong ang kanyang talumpati upang
mapalaganap ang kaisipang nasyonalismo sa ating bansa. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng
mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa, pinili pa rin niyang tumulong at makiisa sa mas
nakararaming kababayan na maamyendahan ang batas na ito. Napaka-matakinahaga ng
kanyang talumpati. Puro at malinis ang intensyon. Sa madaling salita, tinutumbok niya na ang
isang bansa na walang pagkakaisa ay di malabong madaig ng maliliit na bansa.

3. Magsagawa ng pananaliksik sa buhay nina Kinatawan Titong Roces at Senador Francisco


Rodrigo.

Sagot:

* Joaquin "Titong" Reyes Roces

- ipinanganak noong ika-28 ng Setyembre, 1919, kasalukuyang 99 taong gulang (as of


2001)
- ikinasal kay Lita Bautista
- nagtapos ng elementarya at sekondarya sa Ateneo de Manila
- pumasok sa law school sa University of Manila
- propesor ng Ingles at Law sa Far Eastern University (FEU)
- nag-ambag sa Sports magasin ng kanyang kapatid na si Rafael "Liling" R. Roces
- naging tagasulat sa kanyang paaralan noong siya ay nasa sekundarya tungkol sa
basketball team ng paaralan
- "My Daily Bread", isa sa kanyang mga ginawa noong 1950’s sa Manila Times
(pangunahing tauhan na si "Maneng the Barber")
- na nasundan ng "Mameng the Manicurist" para sa magasin na pambabae
- naging isang adviser din sa FEU
- naging tagapagsalita din siya para sa "LABAN" kung saan ang kapatid nito na si
Alejandro "Anding" R. Roces ay isang kandidato
- naging inspirasyon niya ang kanyang kapatid na si Liling sa pagsusulat
- nahalal din ng dating president na si Corazon Aquino bilang ambassador ng Taipe
- noong 1995, siya ay nahalal bilang isang tagapaglimbag sa Manila Bulletin sa dalawang
tanyag na pahayagan na Liwayway and Balita, na ating nasususbaybayan hanggang sa
modernong panahon.

* Francisco Soc Rodrigo

- ipinanganak noong Enero 29, 1914 sa bayan ng Bulacan


- nag-aral ng elementarya sa Bulacan Elementary School at sa Unibersidad ng Pilipinas
naman sa sekundarya
- nag-aral sa pamantasang Ateneo de Manila, University of Sto. Tomas, at Unibersidad
ng Pilipinas
- namatay noong Enero 4, 1998 dahil sa kanser
- nanalo bilang senador ng dalawang termino sa magkaibang administrasyon
- naging kolumnista sa mga pahayagang Malaya at Philippine Star
- naging mamamahayag sa telebisyon ng ABS-CBN para sa “Mga kuro-kuro ni Soc
Rodrigo”
- kilala na isang kritiko ng politika at isyu ng sosyo-ekonomikal
- napabilang sa 10 outstanding senators
- naparangalan din siya ng Estados Unidos sa ilalim ng Public Law 402
- may mga aktibidad siya na kontra sa mga ginagawa ng mga Hapon
- ang may-akda sa “Sa Pula, Sa Puti” na pumatok sa panlasa ng masang Pilipino
CHAPTER 2: Mga Gawain

1. Magsaliksik kaugnay ng mga kasalanang ipinataw kay Rizal at tungkol sa mga taong sumaksi
laban sa kanya.

Sagot:

Paglilitis kay Dr. Jose Rizal:

- Nobyembre 21 - 25, 1896 - nagkaroon ng Paunang Pagsisiyasat. Si Rizal ay sumailalim


sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon upang matiyak na may matibay na
ebidensya laban sa kanya.

Miguel Perez
- eskribyente ng hukuman. Siya ang tumulong sa Imbestigador na opisyal ng Hukumang
Militar ng Kwartel Heneral sa pagsisiyasat.

Koronel Francisco Olive


- Imbestigador na opisyal ng Hukumang Militar.

- Nobyembre 26, 1896 - Matapos ang Paunang Paglilitis, ipinadala ni Gobernador


Heneral Ramon Blanco ang mga naging resulta ng pagsisiyasat kay Kapitan Domingo.

Kapitan Rafael Domingo


– hinirang espesyal na Hukom Tagapagtanggol upang lutasin ang kaso batay sa mga
katibayang inilahad upang paratangan si Rizal.

- Dumating si Rizal sa Pilipinas sakay ng bapor na “Colon”. Dumaong ito sa Maynila


noong Nobyembre 3, 1896.

- Ninais patunayan ni Rizal na siya ay inosente sa pamamagitan ng 12 puntos:

1. Wala siyang kaugnayan sa rebolusyon dahil siya mismo ang nagpayo kay Dr. Pio
Valenzuela noon sa Dapitan na huwag na silang mag-aklas

2. Hindi siya sumulat sa kahit kanino na may elementong radikal at rebolusyonaryo.

3. Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang pangalan nang hindi niya alam. Kung
siya’y maysala, disinsana’y tumakas siya sa Singapore.

4. Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon, disinsana’y tumakas siya sakay ng isang
vintang Moro at di nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumiling lupain sa Dapitan.

5. Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya kinonsulta ng mga
rebolusyonaryo?

6. Inamin niya na siya ang sumulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina ngunit ito ay
pansibikong asosasyon at hindi isang samahang pangrebolusyon.

7. Hindi nagtagal ang La Liga Filipina sapagkat pagkatapos ng unang pulong ay pinatapon
na siya sa Dapitan.

8. Kung binuhay ang La Liga Filipina matapos ang siyam na buwan, wala siyang
kinalaman dito.

- Disyembre 26, 1896, ika-8 ng umaga, ang hukumang militar na maglilitis kay Rizal ay
magaganap sa gusaling tinatawag na “Cuartel de España”.Nangalap ng ebidensya
ang mga Kastila laban kay Rizal.

- Si Paciano ay dinakip, pinarusahan at pilit na pinalagda sa isang kasulatan na


nagpapatunay na si Rizal ay may kinalaman sa mga naghihimagsik.

- Disyembre 11, 1896, ang tatlong sakdal kay Rizal ay:

1. Pag-aalsa o Rebelyon

2. Sedisyon

3. Konspirasyon o Pagbuo ng mga samahang iligal

- Ang mga paratang ni Kapitan Rafael Dominguez batay sa testimonia at dokumento, na


si Rizal:

1. Ang bumuo at nagtatag ng samahan.


2. Ang kaluluwa ng himagsik.
3. Sumulat ng mga babasahin at mga aklat na may ideyang mang-akit sa mga tao upang
maghimasik.
4. Supremo ng pambansang kilusan ng mga manghihimagsik.

- Ipinadala naman ni Gobernador Heneral Blanco ang mga paratang kasama ang mga
katibayan kay Don Nicolas dela Peña, isang Hukom Tagapagtanggol Heneral upang
hingan ng opinion. Nalaman ni Rizal sa isang opisyal na siya ang sinisisi ng mga Espanyol
ukol sa nagaganap na madugong himagsikan sa Pilipinas. Nadawit siya bilang kapangkat
at kapanalig ng grupong nag-aalsa – Kataastaasang Kagalanggalangan Katipunan (KKK).

- Iniwan ni Jose Rizal ang Barcelona pabalik sa Pilipinas noong Oktubre 6, 1896 upang
humarap sa paglilitis. Sinasabing iyon na marahil ang pinakamalungkot na sandali sa
kanyang buhay dahil nakikini-kinita na niya ang ulap ng katapusan ay nakakulob na sa
kanyang ulo.

- Ang mga rekomendasyon ng ibinigay ni Don Nicolas dela Peña hingil sa kaso ni Rizal:

Don Luis Taviel de Andrade - unang Tenyente ng Artilyero na siyang pinili ni Rizal na
maging tagapagtanggol noong Disyembre 10, 1896.

- Di nagtagal, naunawaan ni Rizal kung bakit pamilyar ang pangalang ng tagapagtanggol.


Siya ay kapatid ni Tenyente Jose Taviel de Andrade, na isa sa mga badigard niya sa
Calamba noong 1887.

- Binasa na kay Rizal ang mga sakdal laban sa kanya. Ang mga pahayag na ito ay
iginawad sa harap ng kanyang tagapagtanggol. Hindi tumanggi si Rizal sa korte ngunit
hindi rin niya inako ang mga paratang ng paghihimagsik. Dala ng pagkakataon, si
Gobernador Heneral Ramon Blanco na naniniwalang si Rizal ay walang kasalanan ay
pinalitan ni Gobernador Polavieja.

Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieja - gobernador heneral na sinasabing may


kamay na bakal at siya rin ang lumagda sa order ng kamatayan ni kay Rizal.

- Disyembre 15, 1896, Sumulat si Rizal ng manipesto sa mga Pilipino na humihiling na


itigil na ang walang saysay na pagdanak ng dugo at sa halip ay kamtin ang kalayaan sa
pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap.

“Subalit hangad ko muna ang edukasyon ng mga mamayan upang sa


pamamagitan ng karunungan at paggawa ay maging karapat-dapat sila sa
nilulunggating kalayaan. Ang edukasyon at budhing sibiko ang kailangang-
kailangan sangkap na ikatutubos ng bayan. Isinulat ko at ang mga pananalita ko’y
paulit-ulit upang makapagbunga ng pagbabago ay kailangang magmula sa itaas
sapagkat ang mga pagbabagong maggagaling sa ibaba ay hindi matatag at
pansamantala lamang.”

- Ang manipesto ay hindi ipinaalam sa mga mamamaya ni Gobernador Polavieja sa payo


ng Hukom Tagapagtanggol Heneral Nicolas dela Peña upang hindi lumabas na taliwas sa
mga katibayan laban kay Rizal.

- Disyembre 25, 1896, ang pinakamalungkot na Pasko sa buong buhay ni Rizal. Mag-isa
siya sa kanyang selda at ang kanyang kaso ay wala nang pag-asa.

- Sinulatan ni Rizal si Tenyente Luis Taviel de Andrade at sinabing hihintayin niya ang
Tagapagtanggol ng araw na iyon sapagkat may mahalaga siyang sasabihin bago sana siya
humarap sa korte. Binati din niya ang Tenyente ng Maligayang Pasko. Ang paglilitis kay
Rizal ay isang maliwanag na patunay ng kawalang katarungan at di mahusay na
pamamahala ng mga Kastila dahil:
1. Ang kanyang kaso ay hinuhusgahan ng korteng militar samanatalang siya ay isang
sibilyan

2. Ang lahat ng mga paratang ay tinanggap ngunit hindi siya binigayan ng karapatang
magtanggol ng kanyang sarili

3. Hindi siya hinayaang humarap sa mga saksing laban sa kanya

Ang Pitong (7) Miyembro ng Hukumang Militar:

1. Koronel Jose Togores Arjona (pangulo ng lupon)


2. Kapitan Ricardo M. Arias
3. Kapitan Santiago L. Osorio
4. Kapitan Braulio R. Nunez
5. Kapitan Manuel Reguera
6. Kapitan Fernando P. Rodriguez
7. Kapitan Manuel D. Escribano

Nanonood sa paglilitis:

1. Tenyente Luis Taviel de Andrade - Tagapagtanggol ni Rizal


2. Kapitan Rafael Dominguez - Hukom ng hukbo
3. Tenyente Enrique de Alcocer - Piskal at Taga-usig
4. Josephine Bracken
5. Mga mamahayag
6. Mga kastila
7. Mga mamamayan

Simula ng Paglilitis, Larawan ni Rizal habang nililitis:

1. Napapagitnaan ng dalawang sundalo.

2. Iginapos siya ng abot-siko

3. Itim na itim ang kanyang suot, puti ang kurbata at puti rin ang tsaleko.

4. Payapa at kagalang-galang ang kanyang kaanyuan

5. Mapapansin ang kagitingan ng kanyang loob

- Ang Huwes Tagapagtanggol na si Kapt. Dominguez ang siyang nagpaliwanag sa


hukuman ng kaso laban kay Rizal.
- Si Ten. Alcocer, taga-usig, ang siyang nagbigay ng talumpati ng buod ng kaso ni Rizal at
sinasabing karapat-dapat na siya ay patawan ng kamatayan.

- Mga parusa batay sa batas ng mga Kastila:

1. Pag-aalsa o rebelyon at sedisyon ay mula sa pagkabilanggo habambuhay hanggang


kamatayan.

2. Konspirasyon naman o pagbuo ng illegal na samahan ay pagkabilanggong koreksyonal


at pagmumulta ng mula 325 peseta hanggang 3,250 peseta.

- Si Ten. Taviel de Andrade, tagapagtanggol ni Rizal, ay nagbahagi ng madamdaming


talumpati upang ipagtanggol si Rizal. Ngunit, pasok-labas lang sa tenga ang hukom dahil
sa sila ay may napagdesisyunan ng hatol bago pa man magsimula ang paglilitis.

Winakasan niya ang kanyang pagsasalita sa pasasabing …


“Ang mga hukom ay hindi na dapat maging mapaghiganti manapa’y dapat maging
makatarungan.”

9. Hindi itinataguyod ng La Liga Filipina ang mga simulain ng mga rebolusyonaryo. Kung
hindi, sana’y di na itinatag ang Katipunan.

10. Ang dahilang ng mapapait na komentaryo niya ay dahil noong 1890, ang kanyang
pamilya ay inuusig, kinukumpiska ang bahay, bodega, lupain, atbp., at ang kanyang
kapatid na lalaki at mga bayaw ay ipinatapon.

11. Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri kahit itanong pa sa mga komandenteng
naroon at sa mga misyonerong pari.

12. Noong siya ay nagtalumpati sa bahay ni Doroteo Ongjunco, hindi totoong pinukaw
ng kanyang talumpati ang rebolusyon. Alam ng mga kaibigan niya na tutol siya sa
armadong rebolusyon.Kaya bakit nagpadala ang Katipunan ng isang sugo sa Dapitan na
hindi niya kakilala? Dahil ang mga kakilala niya ay alam na hindi siya payag sa anumang
kilusang marahas.

- Ang mga pagsamo ni Rizal ay hindi na pinakinggan ng Hukom, dahil may pinapanigan
na silang desisyon.

- Pinalabas na ang mga tao sa hukuman at ipinalalagay ni Ten. Kol. Togores Arjona na
tapos na ang paglilitis.

- Disyembre 26, 1896, ipinataw ang sentensiyang kamatayan kay Rizal.

- Kaagad nilang pinadala ang desisyon sa korte ni Gob. Hen. Polavieja. Humingi ang Gob.
Hen. ng payo mula sa Huwes Tagapagtanggol na si Heneral Nicolas de la Peña.

- December 28, 1896, nilagdaan ni Gob. Hen. Polavieja ang desisyon na hatol kay Rizal
na kamatayan.

“Sang-ayon sa sumunod na opinyon. Inaprubahan ko ang sentensiya ng


Hukumang-Militar sa kasalukuyang kaso, dahilan nito parusang kamatayan ang
ipinataw sa akusadong si Jose Rizal Mercado, na isasagawa sa pamamagitan ng
pagbaril sa kanya sa ganap na alas-7 ng umaga ng ika-30 araw ng Disyembre sa
Bagumbayan.”

1. Litisin na agad
2. Ikulong
3. Samsamin ang kanyang mga ari-arian katumbas ng isang milyong multa
4. Litisin sa hukuman ng isang opisyal ng hukbo

2. Magtungo sa Fort Santiago at bisitahin ang mga gamit na inilagak doon ng pamilya Rizal.
Anong damdamin ang pinukaw sa inyo ng kanyang mga gamit?

Sagot:
- Nakakatuwang isipin na ako mismo ay nakasaksi sa kanyang mga naiwang gamit.
Siyempre, nakakalungkot mang isipin na ang may-ari ng mga bagay na iyon ay pumanaw na at
hinding hindi makakalimutan ng bansang Pilipinas. Sa kabilang dako, masaya din ako dahil sa
pamamagitan ng pagsulyap sa mga kagamitan ni Rizal, lumawak ang aking imahinasyon na para
bang nakikita ko kung paano lumaban si Rizal para sa ating bansa. Ang sarap lang isipin na ang
mga kagamitan ni Rizal ay patuloy na nakatago at patuloy na masasaksihan din ng mga susunod
na henerasyon. Sa pamamagitan nito, patuloy nating sasariwain ang mga mabubuting naiambag
ni Rizal sa buhay ng mga Pilipino.

3. Ano ang inyong masasabi sa itinatayong edipisyo sa likod ng monument ni Rizal sa Luneta?

Sagot:
- Siyempre, nakakainis at nakakalungkot ang pangyayaring ito. Pinapakita lang nito ang
kagaspangan at kasuwapangan ng ibang mga Pilipino. Para bang wala silang respeto sa ating
pambansang bayani na siyang nagbuwis ng buhay upang makamit ang inaasam na kalayaan ng
sambayanang Pilipino. Nakakainis isipin na may mga tao talaga na para bang walang utang na
loob sa mga taong madaming naiambag sa kasarinlan ng Pilipinas.
4. Bisitahin ang Luneta Park at tingnan ang ginagawang gusali. Ibigay ang inyong reaksyon
tungkol dito.

Sagot:
- Ang sagot ko rito ay walang pinagkaiba sa no. 3. Nakakainis isipin ang mga ganitong
bagay na patuloy lamang na sumisira sa imahe ng ating bansa at ng ating pambansang bayani.
Kawalang galang ang ipinapakita ng gusaling iyon at kasuwapangan ang tanging iniisip.
CHAPTER 3: Mga Gawain

1. Ipaliwanag ang mga sumusunod na konsepto:


1.1 nasyon
1.2 bayan
1.3 bayani
1.4 heroe
1.5 separatista
1.6 repormista

Sagot:

1.1 NASYON - Ang kolektibong diwa ng isang pangkat ng tao tungkol sa kanilang iisang kultura,
karanasan at kasaysayan

1.2 BAYAN – ay maaaring tumutukoy sa bansa or probinsya, depende sa pagkakagamit.

1.3 BAYANI – mga taong nagbuwis ng kanilang buhay para sa ikabubuti ng kanilang kapwa o
bayan.

1.4 HEROE – salitang German na ang ibigsabihin ay bayani sa tagalog.

1.5 SEPARATISTA – isang tao na sumusuporta sa paghihiwalay ng isang partikular na grupo ng


mga tao mula sa isang mas malaking katawan batay sa lahi, relihiyon, o kasarian.

1.6 REPORMISTA - Ang repormista ay ang pagnanais ng pagbabago sa pamamagitan ng malinis


at payapang paraan samantala ang rebolusyonaryo naman ay ang pagnanais ng pagbabago sa
marahas na paraan. Ang tanong at isa sa mga kontrobersiya ay kung si Rizal ba ay isang
repormista o rebolusyonaryo dahil sa dalawang tauhan na ipinakita niya sa kanyang nobela na
si Crisostomo Ibarra at si Simoun.

2. Magsagawa ng pagsasaliksik sa buhay ng mga sumusunod na personahe:


2.1 Benedict Anderson
2.2 Floro Quibuyen
2.3 Zeus Salazar
2.4 Teodoro Agoncillo
2.5 Renato Constantino
Sagot:

2.1 BENEDICT ANDERSON - Benedict Richard O'Gorman Anderson (August 26, 1936 – December
13, 2015) Si Cornell Professor Emeritus na si Benedict Anderson ay pinakamahusay na kilala sa
kanyang aklat, Imagined Communities, na batay sa kanyang teorya ng parehong pangalan.

- Si Anderson ay isinilang sa Kunming, China, sa isang Anglo-Irish na ama, si James O'Gorman


Anderson, at isang Inang Ingles na si Veronica Anderson. Ang kanyang ama ay kasangkot sa mga
pambansang aktibidad ng Ireland. Lumipat ang pamilya sa California sa Estados Unidos noong
1941, nang si Anderson ay limang taong gulang. Ginugol niya ang karamihan sa kanyang
pagkabata at kabataan doon, ngunit sa kalaunan ay lumipat sa Ireland, at pagkatapos ay sa
England, kung saan siya nag-aral sa University of Cambridge. Nakumpleto niya ang nagtapos na
trabaho sa agham pampolitika.

- Ang kanyang natapos na trabaho sa ika-20 siglong pulitika ng Indonesia ay napakahusay at


kritikal na pagkatapos ng kanyang pananaliksik sa doktrina doon ay pinagbawalan siya sa
pagbisita sa bansang iyon. Nang ang isang komunista ay magtagumpay sa isang kudeta sa
Indonesia, inilathala ni Anderson ang tatlong mga pag-aaral, na arguing na "ang mga hindi
nasisiyahan na opisyal ng hukbo, sa halip na mga Komunista, ang may pananagutan sa [coup]."

- Pagkaalis niya sa Indonesia, naglakbay siya patungong Taylandiya, kung saan siya gumugol ng
ilang taon. Sa kanyang pagbabalik ay nagsimula siyang magturo sa Cornell University.
Kasalukuyang siya ang direktor ng Programang Modern Indonesia at ang propesor ng
International Studies na si Aaron L. Binekorb. Ang kanyang kilalang gawain, Mga Imagined na
Komunidad: Ang mga Reflection on the Origin and Spread of Nationalism ay nagpapaliwanag ng
kanyang teorya na batay sa Marxist na ang nasyonalismo ay sanhi ng paglikha ng isang imagined
komunidad, na kung saan ay tungkol sa pamamagitan ng paggalaw laban sa ganap na tuntunin
at monarkiya, ang pagpapatupad ng isang kapitalistang sistema, na kung saan ay spurred sa
pamamagitan ng print kultura.

- Sinabi ni Anderson na ang kanyang layunin sa pagsulat ng libro ay upang magbigay ng isang
makasaysayang background para sa paglitaw ng nasyonalismo, kung paano ito binuo at
nagbago, at kung paano ito natanggap sa pamamagitan ng iba't ibang grupo ng mga tao. Ang
teorya ni Anderson ay nagpapahayag na ang paggamit ng kultura sa pag-print at kapitalismo ay
nakatulong upang ipaalam sa isang bansang pinagmulan kung paano tiningnan ito ng mga
miyembro nito. Ang malawak na availability ng iba't ibang uri ng kultura sa pag-print ay lumikha
ng isang web ng komunikasyon, na nagpapahintulot sa kahit na magkakaibang mga miyembro
ng isang lipunan na matuto na malaman ang isa't isa. Nagbibigay din ang aklat ng mga talakayan
sa teritoryalisasyon ng relihiyon at ang pagtanggi ng mga bono ng pagkakamag-anak.

2.2 FLORO QUIBUYEN - May apat na akademikong degree: Ph.D. sa Political Science at M.A. sa
Anthropology mula sa University of Hawaii sa Manoa; B.A. sa Philosophy mula sa Unibersidad
ng Pilipinas-Diliman, at isang Diploma sa Mga Serbisyo sa Serbisyong Pangkomunidad mula sa
BCA National Training Group, Sydney, Australia. Sa pagtatapos mula sa University of the
Philippines, si Quibuyen ay inihalal sa Phi Kappa Phi international Honor Society. Ang mataas na
mapagkumpitensya na pinondohan ng Kongreso na pinondohan ng Kongreso ng East-West
Center ay nagpapagana ng Quibuyen na ipagpatuloy ang mga pag-aaral sa pagtatapos sa
University of Hawaii sa Manoa. Bilang isang mag-aaral na nagtapos, tinanggap ni Quibuyen ang
Luce Research Award mula sa School of Asia and Pacific Studies, University of Hawaii sa Manoa.

Ang Quibuyen ay nagturo ng 29 undergraduate at graduate na kurso sa buong disciplines, tulad


ng pilosopiya, matematika logic, debating, art appreciation, drama at cinema, filmmaking at
photography, antropolohiya, sikolohiya, agham pampolitika, at kasaysayan (sa University of the
Philipines, University ng Santo Tomas, at ng University of Hawaii sa Manoa), at nagtrabaho nang
propesyonal sa paggawa ng pelikula at telebisyon sa komunidad, pati na rin sa komersyal na TV.

2.3 DR. ZEUS ATAYZA SALAZAR - ay itinuturing “Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino”.
Ipinanganak siya na panganay mula sa pitong magkakapatid sa Tiwi, Albay noong Abril 29, 1934
mula kayla Ireneo Salazar at Luz Salazar. Mula sa kanyang pag-aaral, at samakatuwid na
pagtuturo sa Europa siya ay natuto na makapagsalita ang 10 na wika, at nakakapgsulat sa
wikang Filipino, Bicolano, Ingles, Espanol, Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, at Malayo.
Itinatag niya ang ADHIKA, Inc. at ang Sangguni ng BAKAS, Inc. Mas kilala siya sa kanyang pag-
aaral ukol sa Pantayong Pananaw.
Si Salazar ay nagtapos ng kolehiyo bilang summa cum laude sa Unibersidad ng Pilipinas sa ilalim
ng B.A. Kasaysayan. Nakamit niya ang kanyang Ph.D. sa Etnolohiya o Antropolohiyang Kultural
sa Sorboone Unibersidad ng Paris at nakatanggap ng pinakamataas na karangalan (Tres Bien) sa
panahon ng kanyang pag-aaral.

Siya rin ay naging tagapangulo sa Departamento ng Kasaysayan (U.P. Diliman, 1989-1991) at


naging dekano rin sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (U.P. Diliman, 1991-1994).

Nagsilbi rin siya bilang panauhing propesor (guest professor) sa mga sumusunod na Kolehiyo:

 Ecole des Hautes Etudes en Sciences Sociales (Paris, France)


 Universität de Bremen (Germany)
 Universität Köln (Germany)
 Instituto Universitario di Studi Orientale (Napoli, Italy)
 Australian National University (Canberra)
 Dubdrovnik, Yugoslavia
 University of the Philippines, Clark (Pampanga)
 University of Sto. Tomas (Manila)
 De la Salle University (Manila)
2.4 TEODORO AGONCILLO - (November 9, 1912 – January 14, 1985) ay isa sa mga bantog na
historian ng Pilipinas noong ika-20 siglo. Siya at ang kanyang kontemporaryo na si Renato
Constantino ay kabilang sa mga unang Pilipinong istoryador na nakakuha ng katanyagan sa
pagtataguyod ng isang makabuluhang makabayang pananaw sa kasaysayan ng Pilipinas
(pambansang historiography). Siya rin ay isang sanaysay at isang makata.

- Ipinanganak sa Lemery, Batangas, si Agoncillio ay nakuha ng isang bachelor's degree sa


pilosopiya mula sa University of the Philippines noong 1934 at isang master's degree sa sining
mula sa parehong unibersidad sa susunod na taon. Nakuha niya ang kanyang pamumuhay
bilang isang linguistic assistant sa Institute of National Language at bilang isang magtuturo sa
Far Eastern University at sa Manuel L. Quezon University. Noong 1956, inilathala niya ang
kanyang trabaho, Pag-aalsa ng Misa: Ang Kwento ni Bonifacio at Katipunan, isang kasaysayan ng
1896 Katipunan na humantong sa pag-aalsa laban sa Espanyol panuntunan at ang pinuno nito,
Andres Bonifacio. Siya ay nagtagumpay para sa aklat na ito, pati na rin ang mga kritisismo mula
sa higit pang mga konserbatibong mananalaysay na hindi nasisiyahan sa nasyonalista ng
trabaho, marahil kahit na Marxista. Noong 1958, si Agoncillo ay inanyayahang sumali sa mga
guro ng Kagawaran ng Kasaysayan ng kanyang alma mater, ang Unibersidad ng Pilipinas.
Nanatili siya sa unibersidad hanggang sa kanyang pagreretiro noong 1977, na pinuno ang
Kagawaran ng Kasaysayan mula 1963 hanggang 1969. Pinangalan ng Pangulo ng Pilipinas na si
Agoncillo bilang isang miyembro ng National Historical Institute noong 1963. Naglingkod siya sa
kakayahan hanggang sa kanyang kamatayan noong 1985. Ang Agoncillo's History of the Filipino
People, na unang inilathala noong 1960, ay nananatiling isang popular na pamantayang aklat sa
maraming unibersidad sa Pilipinas, tulad ng marami sa iba pang mga gawa ni Agoncillo. Ito ay sa
kabila ng kontrobersyal na tono ni Agoncillo at para sa kanyang pinaghihinalaang hilig sa kaliwa.

- Si Gregorio Zaide, Teodoro Agoncillo, Reynaldo Ileto at Renato Constantino ay tumayo bilang
pinaka-kilalang ika-20 siglo na Filipino na mga mananalaysay na lumabas sa panahon ng post-
digmaan. Gayunman, dapat itong pansinin, na ang mga gawa ni Agoncillo ay nagdurusa sa hindi
pantay na scholarship sa kabuuan, lalo na sa paggamit niya (o lalo na, hindi paggamit) ng
maaasahang mga pinagmumulan ng kasaysayan.

Mga nailimbag niya ay ang mga:


The Revolt of the Masses - (a biography of Andres Bonifacio)
Malolos Crisis of the Republic - (sequel to Revolt of the Masses which discusses the events from
Biak-na-Bato to the end of the Philippine-American War)
The Fateful Years - (Philippine history during World War II)
The History of the Filipino People

2.5 RENATO CONSTANTINO - Ang mga isinulat ni Renato Constantino ay isang malaking
impluwensya sa intelektwal na pagbuo ng di-mabilang na mga kabataang Pilipino na nanindigan
sa kanilang buhay at hinaharap laban sa diktadurang Marcos.
- Sa panahong ang dominant, elitist na pananaw ng relasyon sa Pilipinas at Amerikano ay isa sa
benevolence at kapwa benepisyo, itinuturo ni Constantino na sa kabaligtaran, ang aming
pagpapaubaya sa mga interes ng Estados Unidos ay naging sanhi ng paglago.

- Ang misyon ng kolonyal ay responsable para sa kakulangan ng kritikal na pag-iisip, sinabi niya,
at hinimok ang isang muling pagsusuri at muling pagtutukoy ng pagkakakilanlang Pilipino na
magpapatunay sa ating kalayaan, natatanging at demokratikong mga halaga. Bukod pa rito,
sinabi niya, ang kakulangan sa pag-unlad ng bansa ay maaaring masubaybayan sa kasaysayan ng
ating kolonyal: "Ang kundisyong ito ay hindi binuwag sa kalayaan; ito ay nagbago lamang.
Nakikita natin ang istrukturang pang-ekonomiya bilang saligan para sa di-makatarungang
sistemang pampulitika kung saan ang pribilehiyong pang-ekonomiya ay nagiging haligi ng
kapangyarihang pampulitika - isang kapangyarihang nagpapalakas ng kolonyal na kontrol at
pinalalakas ang pagpigil ng lokal na piling tao sa mga tao. "

- Noong mga 1950, si Constantino ay nabibilang na "panganib sa seguridad" ng mga ahensya ng


paniktik ng estado. Gayunman, ang kanyang patuloy na produktibong output ng mga aklat at
artikulo na nag-aral ay natagpuang mayabong na lugar sa kilusang kabataan at estudyante
noong dekada 1960, sa gitna ng buong mundo na pagtatanong ng dominasyong Amerikano.
Ang mga ideyang ito ay kinuha sa mga aktibistang kurso sa pag-aaral at mga grupo ng talakayan
- kung saan sinabi ng mga mapaghimagsik na mag-aaral na higit silang natututo kaysa kapag sila
ay tapat na naglalagay ng mga tala sa loob ng silid-aralan.

- Noong 1972, inilathala ni Constantino ang The Marcos Watch, isang koleksyon ng mga kritikal
na haligi ng pahayagan. Nang ideklara ang batas militar, inilagay siya sa ilalim ng pag-aresto sa
bahay sa loob ng pitong buwan, at hindi pinahintulutang maglakbay sa ibang bansa sa loob ng
maraming taon. Gayunpaman, patuloy siyang nagsaliksik at sumulat, sa pakikipagtulungan sa
kanyang asawa na Letizia. Noong 1976 itinatag ng mag-asawa ang Foundation for Nationalist
Studies, Inc. (ngayon ang Constantino Foundation) upang simulan, isponsor o tustusan ang mga
programa at proyekto para sa pagsulong ng nasyunalismo ng Pilipinas.

- Kabilang sa mga kilalang aklat ni Renato Constantino ay ang Past Revisited at The Continuing
Past (isang dalawang-dami ng kasaysayan ng Pilipinas), Ang Paggawa ng isang Filipino (isang
talambuhay ni Claro M. Recto), Neocolonial Identity at Counter-Consciousness, at Ang
Pambansang Alternatibo. Ang kanyang pinaka-malawak na basahin ang sanaysay, Ang
Miseducation of the Filipino, ay kailangang maghintay ng limang taon bago ito makita ang pag-
print.

- Namatay siya noong 1999 sa edad na 80.


3. Magbigay pa ng ilang patunay na si Rizal ay may diwang separatista.

Sagot:
- Mababakas mo rin sa mga gawa ni Rizal ang kanyang transpormasyon, ang kanyang
pag-nanais na ibahin ang sistema. Nakaranas kasi siya n kabiguan sa sistema. Kaya mula sa
pagiging repormista, siya ay naging separatista. Subalit, ang kanyang mga gawa ay nakatago ang
mga mensahe. Para sa akin gusto kasi ni Rizal, na matuto tayong mag-isip kung ano ba ang
dapat nating gawin. Matuto tayong magkaroon ng sariling desisyon sa ating buhay. Sa aking
Palagay, ayaw ni Rizal na matulad siya sa mga taong nagmamanipula upang ilagay tayo sa isang
daan na ating pagsisishan.

- Siguro nga ay tama si Rizal, dapat tayo ang humabi ng ating sariling daan upang tayo ay
hindi magsisi sa bandang huli. Dapat nating pag-isipan kung ito nga ba ang daan na ating
tatahakin patungo sa pag-babago. Marami sa atin na sinusunod ang iba dahil akala natin ito ay
kaiga-igaya, ngunit hindi itinutuloy kapag ito ay ating pinagsawaan na. Iskolar ng Bayan Para sa
Bayan, tahakin natin ang sariling piniling landas sa ating upang upang ito ay hindi natin
pagsisihan. Tahakin natin an landas kung saan tayo ay makakatulong sa ating bayan sa
pamamagitan ng ating sariling linilok na landas.

You might also like