Professional Documents
Culture Documents
José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda [1] (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre
1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa
Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang
pinakamagaling na bayani at itinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon
ng mga Pambansang Bayani.[2]
Ipinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at ikapito siya sa labing-
isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales
Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng
diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo
Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng
karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng
Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina ay mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at
pag-ukit. Siya ay makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay
ang nobela na Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo.[note 1][3] Poliglota din si
Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang wika.[note 2][note 3][4][5]
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, na samahan na naging daan sa pagkabuo
ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio,[note 4] na isang lihim na samahan na
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika
ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas
ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, na
susuportahan lamang ang karahasan bilang huling opsyon.[7] Naniniwala si Rizal na ang tanging
katuwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang
pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan,[note 5] at winika niya "Bakit kalayaan, kung ang
mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8] Ang pangkahalatang napagsang-
ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay sa kanya ang nagtulak upang
magsimula ang Himagsikang Pilipino.
Pag-aaral
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na pinasukan niya noong
ikadalawampu ng Enero 1872. Sa pananatili niya sa paaralang ito ay natanggap niya ang lahat ng
mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya
natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang
kursong panggagamot sa Santo Tomas pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng
katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at
mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya
sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang
taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang
sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at
nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo
siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan nakatamo pa siya ng isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Dalubwika si Rizal na
nakaaalam
ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Por
tuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
MGA BABAE NI RIZAL
1)Si Julia
Nakilala ni Rizal ang labing-apat na taong gulang na si Julia sa isang ilog sa Los Baños
noong siya’y labinlimang taong gulang pa lamang. Sabay silang nanguha noon ng paru-paro sa
tabing-ilog at doo’y pinagsaluhan nila ang kaunting panahon ng saya at tuwa. Ang pakiramdam
na ito’y naging panandalian lamang; isa lamang matamis na pagtatangi ng isang binatilyo sa
isang dalagita ang naganap sa kanilang pagsasama. Ayon sa tala, hindi pa tuluyang nahulog ang
puso ni Pepe kay Julia nang mga panahong ito. Sa wikang Ingles, maaaring ito’y infatuation pa
lamang.
2)Segunda Katigbak
3)Binibining L.
4)Leonor Valenzuela
Nakilala naman ni Rizal itong si Leonor o Orang Valenzuela noong siya’y nag-aaral pa sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Katabi ng tinutuluyan ni Rizal ang bahay ng mga Valenzuela at
palagi silang namamalagi ng kanyang mga kaibigan doon. Unti-unting nahulog ang loob ni
Orang kay Rizal dahil sa angking talino ni Jose. Binibigyan ni Rizal si Orang noon ng mga liham
na nakasulat sa tintang maaaninag lamang kung itatapat sa lampara. Ngunit para kay Rizal, higit
na mainam kung ituring niya lamang na kaibigan si Orang kaysa ituring niya itong kasintahan.
Ang desisyong ito ay bunsod na rin ng espesiyal na pagtangi ni Rizal sa isa pang Leonor, si
Leonor Rivera.
6)Leonor Rivera
May mga nagsasabing kababata ni Rizal itong si Leonor. May mga nagsasabi ring sila ay
malayong magpinsan. Magkagayunman, noong mga bata pa sila ay hindi gaanong napapansin ni
Rizal si Leonor. Ngunit nang magdalaga ang dilag, napansin ni Rizal na unti-unti nang
bumubulaklak ang dati’y tila kampupot lamang na si Leonor. Nang nagkakamabutihan na ang
dalawa, napagpasiyahan nila na Taimis ang itawag kay Leonor Rivera upang makatakas sa mga
matang maaaring kumondena sa kanilang dalawa. Nang mga panahong ito, unti-unting
umusbong si Rizal bilang manunulat at nasyonalista. At noong 1882, inilihim ni Rizal kay
Leonor ang kanyang pag-alis patungong Europa, na lubha namang ikinasakit ng damdamin ng
dalaga. Kung noong una’y suportado ng mga magulang ni Leonor ang pag-iibigan ng dalawa,
bigla nila itong tinutulan dahil sa pagiging kilalang pilibustero ng binata ng mga panahong iyon.
Marami pa ang naganap na nagbunsod sa masakit na paghihiwalay ng dalawa. Dahil sa
pagharang ng mga magulang ni Leonor sa mga sulat ni Rizal para sa dalaga, ipinagpalagay ni
Leonor na kinalimutan na siya ni Rizal – na siyang nagtulak kay Leonor upang magpakasal sa
isang Ingles na pinili ng kanyang mga magulang, si Henry Kipping. Tumagal ang relasyon nina
Rizal at Leonor Rivera nang 11 taon.
Anak si Consuelo ni Don Pablo Ortiga y Rey, alkalde ng Maynila noon. Nagkita sila ni
Rizal sa Madrid kung saan balot pa rin si Rizal ng pagdadalamhati dahil sa pagpapakasal ni
Leonor Rivera sa ibang lalaki. Sa Madrid, hindi lamang si Rizal ang humanga kay Consuelo.
Maging sina Eduardo de Lete, Antonio at Maximino Paterno ay nahulog din sa kanya.
Nagkaroon ng kasunduan sina Rizal at Lete upang malaman kung sino ang pipiliin ni Consuelo
sa kanilang dalawa. Sa pagtatapos ng kanilang kasunduan, si Lete ang nakabihag ng puso ni
Consuelo. Inihandog ni Rizal kay Consuelo ang tulang A la Señorita C. O. y R., isa sa mga
magagandang tulang naisulat ni Rizal. Sa kabila ng panibagong pagkabigong ito, si Leonor pa rin
ang nasa isip ni Rizal.
8)Usui Seiko
Sa pagdaan ni Rizal sa bansang Hapon patungong Europa noong 1888, kanyang nakilala
si Usui Seiko, 23 taong gulang. O-Sei-San ang tawag ni Rizal sa kanya. Mula si O-Sei-San sa
pamilya ng mga samurai. Muntik nang pakasalan ni Rizal si O-Sei-San dahil sa magandang
trabahong inilaan sa kanya roon. Ngunit nanaig ang damdaming makabayan ni Rizal kaya’t hindi
na ito naisakatuparan.
9)Gertrude Beckett
Tulad ng kanyang mga naunang dilag mula sa Europa, hindi rin nagtagal ang relasyon ni
Rizal kay Nelly Boustead, isang Pranses. Hindi pumayag si Rizal sa pakiusap ni Nelly na maging
isang Protestante. Hindi rin nais ng ina ni Nelly na magkaroon ng manugang na doktor na hindi
binabayaran ng sapat ng kanyang mga kliyente. Naghiwalay ang dalawa ngunit nanatili pa rin
ang kanilang pagkakaibigan.
11)Suzanne Jacoby
12)Josephine Bracken
Nagkakilala sina Josephine at Rizal nang dalhin ng una ang kinilalang ama kay Rizal
upang ipagamot noong Pebrero 1895. Dito na nagsimula ang kanilang malalim na pagtitinginan.
Bagaman tutol ang kinilalang ama, hindi nagawang pigilan ng tadhana ang pag-iibigan nina
Josephine at Rizal. Marami ang nagduda sa katapatan ni Josephine kay Rizal. May mga
nagsasabing kasabwat siya ng mga prayleng noon ay kalaban ni Rizal. Hindi rin naging maluwat
para sa ibang kapatid ni Rizal ang kanilang relasyon dahil hindi raw kapantay ni Josephine ang
katalinuhan ni Rizal. Isang hindi magandang pangyayari ang naganap noong katapusan ng 1895 -
nalaglag ang dinadalang anak ni Josephine. Bunsod nito, nagpasya na lamang sina Rizal at
Josephine na mag-ampon ng batang babaeng nagngangalang Maria Luisa, na kaagad naman
nilang ibinalik sa mga tunay nitong magulang. Si Josephine ang naging kahuli-hulihang babae sa
buhay ni Rizal bago ang kanyang pagkamatay sa Bagumbayan.