You are on page 1of 3

Batas Rizal 0 Mga Layunin

1. Maipahayag at mapalitaw ang mga naging motibo ng mga mambabatas sa pagpapatupad ng Batas
Rizal

2. Ilahad ang mga pangyayari noong ipinasa at ipinagdebatihan upang tunay na maunawaan ang
kahalagahan ng pagpapasa ng Batas Rizal

3. Tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng batas.

4. Patunayan na makatwiran ang pagpapatupad ng Batas Rizal

i. Ano ang Batas Rizal?


Higit na limampung taon na ang nakalipas mula nang ipinatupad and Republic Act. 1425 o mas kilala
bilang Rizal Law o Batas Rizal na pinangunahan ni Jose P. Laurel. Inaprubahan ito noong ika-12 ng Hunyo
1956 noong ito’y tinatawag pang House Bill No. 5561 na pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate
Bill No. 438 na pinangungunahan ni Sen. Claro M. Recto. Ilang henerasyon na ang naapektuhan sa
pagpapatupad ng mga lider ng gobyerno ng Batas Rizal na kanilang isinulong. Ang pagpapatupad nito ay
hindi naging madali para sa mga mambabatas. Mahabang proseso ang pinagdaanan ng panukalang
batas na ito bago ito naging isang batas. Mainit na debate ang naganap kung saan iba’t-ibang opinyon at
motibo ang lumabas galing sa mga lider ng gobyerno sa kanilang adhikain na maitupad ang Batas Rizal.

Nakasaad sa Batas Rizal na kailangan isama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad,
pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal,
partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Bukod pa dito,
nakasaad din batas na ito na obligado ang bawat kolehiyo at unibersidad na magkaroon at magtago sa
kanilang mga silid-aklatan ng sapat na orihinal na sipi at makabagong bersyon ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo, pati na rin ang mga ibang isinulat ni Rizal, kabilang na rito ang kanyang talambuhay.
Isinusulong din ang pagsalin ng mga ito sa Ingles, Tagalog o iba pang diyalekto at ang pagimprinta sa
mababang halaga at pamamahagi ng libre sa mga mamamayang nais magbasa nito sa pamamagitan ng
Purok organizations at Barrio Councils.

ii. Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal

Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng paglilikha ng Batas Rizal.
Isa dito ay dahil kailangan na muling buhayin ang kalayaan at nasyonalismo kung para saan ang ating
mga bayani’y nabuhay at nag-alay ng kanilang mga buhay. Sa tulong ng batas na ito, mapapaalala sa
bawat mamamayang Pilipino ang mga dugo’t pawis na inialay ng ating mga bayani na maaaring maging
ispirasyon sa bawat isa sa pagtulong sa pagpapatayo ng isang bansang matagumpay. Pangalawa, ito ay
upang bigyang parangal ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal at ipaalala sa mga
mamamayang Pilipino ang kanyang mga nagawa at naipaglaban para sa kalayaan ng sariling bayan. Ito
ang magsisilbing paalala narin ng ating mga responsibilidad bilang isang Pilipino, lalong lalo na sa mga
kabataan. Pangatlo, ito ay upang magsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino kung saan sila’y nasa lebel
pa lamang ng paglilinang ng kanilang mga isipan at ayon sa ating bayani, ang pag-asa ng bayan.
Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas

* Enemies that threaten the very foundations of our freedom” ang tawag ni Mayor Arsenio H. Lacson sa
sinumang sumalungat sa Rizal Bill.

* Ipinaalala ni Hen. Emilio Aguinaldo kung paano pinigilan ang mga Pilipino basahin ang mga isinulat ni
Rizal. Aniya, “ang impluwensiya ng mga Espanyol ay nabubuhay pa rin sa mga pari ngayon. “

* ang pagkabayani ni Rizal ay nakikita sa dalawang nobelang isinulat ni Rizal. Kung kaya, ang sinumang
sumalungat sa Batas Rizal ay para naring inaalis si Rizal sa kanilang isipan.

Panig ng Sumasalungat sa Pagpapatupad ng Batas

* ang mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay naglalaman ng mga pahayag na
subersibo o laban sa simbahan. Ayon sa simbahan, ang sinumang makabasa nito ay maaaring mag-iba
ang paniniwala o sumalungat sa mga itinuturo ng simbahan.

* mistulang may monopoly ng patriyotismo ang grupo ni Recto, gayung noong panahon ng digmaan, ang
ilang mga nagsulong ng Batas Rizal ay nagsilbing collaborator ng Hapon.

* “Our objection then to the Bill proposed is not an objection against our national hero nor against the
imparting of patriotic education to our Children… We believe that to compel Catholic students to read a
book which contain passages contradicting their faith constitutes a violation of a Philippine
constitutional provision.” (The Statement of the Philippine Heirarchy)

Mga rebisyon sa Pagpapatupad ng Batas

* gumawa ng bagong panukalang batas Si Sen. Laurel na naglalaman ng mga bagong probisyon na hindi
lalabag sa konstitusyon.

* pinayagan ang pagbabasa ng mga nobela sa makabagong bersyon at hindi na ginawang “compulsory ”
ang pagbabasa ng dalawang nobela sa kanilang orihinal na kopya.

* isama ang buhay, mga ginawa at isinulat ni Rizal sa kurikulum ng mga paaralan sa kolehiyo at
unibersidad at ang orihinal na sipi ang kailangan gamitin upang basehan ng pagbabasa.

* ito ay magiging bahagi ng kurikulum ng paaralan kung saan ito’y itinuturo ng isang gurong higit na may
nakakaalam sa kurso. Ang mga mag-aaral ay mamarkahan sa pag-aaral nito at anumang pagbagsak dito
ang siyang magiging hadlang sa kanyang pagtatapos ng anumang kurso.
Ang Batas Rizal at ang Importansya nito

Batas Rizal (Batas Republika 1425)

Upang mapanatiling buhay ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, isinabatas ng pamahalaang
Ramon Magsaysay noong Hunyo 12, 1956 ang pinanukalang batas ni Claro M. Recto na gawing sapilitang
aralin sa kolehiyo ang buhay ni Jose Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga akda.

Pagnilayan ang naging saysay ng Batas Rizal makaraan ang mahigit limampung taon na ito’y
ipinatutupad.

Nagampanan kaya nito ang tinakda nitong layon? Papaano kaya ito mabisang ipatupad ngayong parang
hindi na uso ang kabayanihan?

Republic Act No 1425 (June 12, 1956) An Act To Include In The Curricula Of All Public And Private
Schools, Colleges And Universities Courses On The Life, Works And Writings Of Jose Rizal, Particularly His
Novels Noli Me Tangere And El Filibusterismo

Section 1. Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novel Noli Me Tangere
and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools, colleges and universities, public or
private: Provided, That in the collegiate courses, the original or unexpurgated editions of the Noli Me
Tangere and El Filibusterismo or their English translation shall be used as basic texts.

Sec. 2. It shall be obligatory on all schools, colleges and universities to keep in their libraries an adequate
number of copies of the original and unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El
Filibusterismo, as well as of Rizal’s other works and biography. The said unexpurgated editions of the
Noli Me Tangere and El Filibusterismo or their translations in English as well as other writings of Rizal
shall be included in the list of approved books for required reading in all public or private schools,
colleges and universities.

Sec. 3. The Board of National Education shall cause the translation of the Noli Me Tangere and El
Filibusterismo, as well as other writings of Jose Rizal into English, Tagalog and the principal Philippine
dialects; cause them to be printed in cheap, popular editions; and cause them to be distributed, free of
charge, to persons desiring to read them, through the Purok organizations and Barrio Councils
throughout the country.

You might also like