You are on page 1of 26

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PANITIKANG FILIPINO
GEED 10133

Isinumite ni:
VERBO, ABIGAIL G.
BACHELOR OF SCIENCE IN RAILWAY ENGINEERING 2-3

Isinumite kay:
DR. VIDAL MENDOZA JR.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
KABANATA 1
SAMU’T SARING KABATIRAN SA PANITIKANG FILIPINO

Panuto: May mga pahayag bang pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon
ng malaking impluwensiya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay kung
paano ka kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong pinaniniwalaan
mo na iyong sinusunod? Isulat ang iyong kuwento.

“Hindi mo kailangang pilitin ang bagay na para sa’yo”


May nakapagsabi sa akin na malapit kong kaibigan na swerte raw ang mga
kaibigan ko at tao sa paligid sapagkat pinapahalagahan ko sila nang sobra at hindi ko
sila tinatake for granted ika nga niya. Kaya lang, minsan ay hindi ko maiwasang pilitin
ang isang bagay katulad ng pagiging magkaibigan o kaya naman ay piliting ayusin ang
isang bagay na alam kong sakit lang ang maidudulot sa akin. Ito ay dahil masyado ko
silang pinapahalagahan at takot akong mawala sila. Ngunit kalauna’y napagtanto kong
hindi dapat pinipilit ang mga bagay na hindi para sa’yo. Hindi dapat pinipilit ang
pagkakaibigan kung ayaw na nila akong maging kaibigan at kung puro hindi
magagandang bagay nalang ang naidudulot nito sa akin. Dahil kung sila ay aking tunay
na kaibigan o kung dapat bang panatilihin ko sila sa buhay ko, ay hindi ko dapat sila pilitin.
Hindi dapat ako magmakaawang manatili sila sa buhay dahil kung gusto nilang manatili,
kusa silang mananatili. Mawalan man ako ng mga taong tinuring kong importante, hinding
hindi naman ako iiwan ng mga taong mahalaga rin ako sa buhay nila. Dahil kung sa tingin
nila ay karapat-dapat akong tawaging kaibigan nila ay mananatili sila kahit hindi ko sila
pilitin, kahit hindi ako magmakaawa. Sapagkat ang para sa akin, ay para sa akin, walang
kailangang pilitin.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Panuto: Pagyamanin natin ang Panitikang Pilipino. Mayroon bang kuwento na maaaring
naisalin-salin mula sa iyong mga ninuno, kalahi, kababayan (sa probinsiya) na hindi pa
nailathala na iyong napakinggan? Magtanong-tanong sa mga kamag-anak o kaya’y
kakilala. Ikuwento ito dito bilang bahagi ng Yaman ng Panitikang Pilipino.

Kapre Sa Malaking Puno ng Mangga


Pamagat

Isang hapon ng taong 2010 habang kami’y nagpapahinga at kumakain ng aming


merienda sa bakuran sa harap ng bahay namin sa probinsya ng Cagayan, napag-usapan
naming ang malaking puno ng mangga sa harap ng bakuran. Nakwento ng aming lola na
ilang taon na ang nakakalipas noong may nangyari madugo at nakakapanghina na
aksidente sa harap mismo ng aming bakuran. Pinaniniwalaan nilang ang may kagagawan
nito ay ang kapre sa puno ng mangga. Maulan noong araw na iyon, nang nawalan ng
control ang dalawang punong jeep at nagkasalpukan sa harap mismo ng aming bakuran.
Ayon sa kwento ng aming lola, tumilapon sa iba’t ibang direksyon ang mga katawan at
parte ng katawan ng mga sakay nitong pasahero. Ang ilan ay nakahandusay sa kalsada,
ang iba’y nakahiwalay na ang ibang parte ng katawan nila, at ang iba’y nakasabit sa
bakod ng bahay namin. Hinding hindi nila ito malimutan sapagka’t tuwing umuulan nang
sobrang lakas ay maalinsangan na parang amoy dugo ang kalsada at ang iba’y naririnig
pa rin ang hagulgol ng mga namatay na pasahero sa aksidente.

Panuto: Tunghayan ang pahayag ni Kim Chu sa youtube hinggil sa isyu ng ABS CBN
https://www.youtube.com/watch?v=o3OlCxCmSwc

“Sa classroom, may batas. Bawal lumabas. O, bawal lumabas, pero pag sinabi, pag
nagcomply ka na bawal lumabas. Pero may ginawa ka sa pinagbabawal nila inayos mo
yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Ipaliwanag kung paanong umabot ang pahayag niyang ito na mula sa anyong tuluyan ay
naging isang awit o anyong patula. Ikuwento ang naging pag-unlad ng simpleng pahayag
na ito at nagkaroon ng sampung milyong views sa youtube. Talakayin.

Sa panahon na walang ibang ginagawa ang mga tao kundi tumambay sa


sakanilang mga cellphone, kompyuter, mas mabilis ang pagviral o pagsikat ng mga bagay
lalo na’t kung nakukuha nito ang atensyon ng karamihan. Ang linyang mga nabaggit ay
nagmula sa isang pahayag ng aktres sa ABS-CBN ukol sa isyu na kinahaharap noon ng
kanilang network. Nagkaroon ng pagkalito ang actress sa mensaheng kaniyang gustong
ihayag na naging sanhi na pagkalito din ng mga nanood nito. Dahil dito’y naging usapan
usapan ito sa social media nang mga sumunod na araw, naging katatawanan ito at
ginawan ng mga memes. Sinamantala niya ang kasikatan at init ng isyu na ito sa mga
tao kaya’t kinuha niya ang pagkakataon na gawan ito ng kanta at pagkakitaan total ito’y
nagviral. Imbis na magalit siya o kaya naman ay mainis dahil ginagawang memes ang
kaniyang pahaya na “ay puwede na pala ikaw lumabas”, kinuha niya ang oportunidad
para ito’y gawin ng kanta.

Panuto: Mula sa mga tinalakay hinggil sa dispensasyon ng Panitikang Pilipino ay


mapapansing nagbabago ang paksa at anyo ng mga panitikan depende sa
pangangailangan ng sambayanan. Halimbawang ikaw ay nabuhay sa isa sa mga
panahong ito (maliban sa kasalukuyan), sumulat ng isang akda (maaring nasa anyong
patula o tuluyan) na aakma sa pangangailangan ng panahong iyon.

Nang dumating ang mga Kastila


Tila’y tuluyan na nating nakalimutan
Ang kulturang kinagisnan
Paano nga ba ito tuluyang nawala
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Kinulong at walang Kalayaan


‘Yan ang ginawa sa atin ng mga dahuyan
Dayuhan ninakaw at binura
Ating pamumuhay na kinagisan noong una

Ngayo’y walang magawa


Hihingi ba ng tulong at aalsa
O magbubulagan-bulagan at ipipikit nalang ang mata
Inang bayan, paano ka ba ipaglalaban
Binubura na ng mga dayuhan
Ang sarili nating pagkakakilanlan
Pinapalitan ng sarili nilang paniniwala
Nilalason ang ating isipan
Kailangan natin magalsa
Para sa bayan, na ating Ina

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Paano naiimpluwensiyahan ng mga akdang pampanitikan ang bawat tao?
Ang akdang pampanitikan ay bunga ng malawak na pag-iisip, pag-unawa at
pakiramdam ng isang tao. Tayo mismo ang lumilikha ng mga iba’t-ibang uri ng akdang
pampanitikan at sa pamamagitan ng tuluyang paglikha nito ay nahuhubong at
nagkakaroon tayo ng kakayahang maimpluwensyahan ang pag-iisip ng kahit isang tao.
Ang nilikha ng isip at damdamin ay isang patunay na may malawak na kakayahan ang
panitikan na maimpluwensyahan ang paraan ng pag-iisip, paghusga, pag-gawa at
maraming pang iba, sa bawat taong makakabasa nito at ang bawat akdang
pampanitikang likha ng tao ay sumasalamin kung sino at anong uri ng tao ito. Ito ay dahil
madalas ng ating sinusulat ay galling sa ating pang-sariling karanasan sa buhay na nais
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

nating ibahagi at sa tingin nati’y karapat-dapat Mabasa ng ibang tao. Pinauunlad nito
kasanayan ng taong mag-isip nang kiritika at maipayag ang sariling kaisipan at mawalak
nitong damdamin.

2. Paano mo mailalarawan ang panitikan bilang instrumento sa pagbabagong bihis


ng mga pamahalaan o pananampalataya?
Malawak ang sakop ng panitikan, maaaring nagsisilbing instrumento ito sa
pagbabagong bihis ng mga pamahalaan o pananampalatay sa pamamagitan ng
pagsasabuhay ng mga akdang pampanitikang lubhang nakaimpluwensiya sa pananaw
ng isang tao o indibidwal ukol sa pamahalaan o pananampalataya. Ang mga salitang
naririnig, mga artikulong nakalathala sa dyaryo, journal at maski sa internet ay sobrang
maimpluwensya sa mga taong makakarinig o makakabasa nito, may kakayahan itong
maapektuhan, kuwestiyunin at mabago kung pano makita ng isang tao ang isang bagay
o ideya.
Isa sa magandang halimbawa kung paano ang panitikan ay naging instrumento sa
pagbabagong bihis ng pamahalaan o pananampalataya ay ang ginawa sa atin ng mga
Kastila. Kung saan sinamsam ng mga kastila ang yaman natin nang sila’y nakapamuno

sa bansa. Pinasunog at pinasira din nila ang mga panitikan noong panahon ng Katutubo
sa paniniwalang ito ay gawa ng demonyo. Upang magtagal sila sa pamumuno, pinilit
nilang burahin at lasunin ang kaisipan ng mga Katutubo noong unang panahon, ang
kanilang pinanggalingan. Pinalitan nila ito ng mga panitikang may paksang
pananampalatay, ilan sa mga instrumento na ginamit nila ay dulang senakulo, santa
cruzan at iba pa. Kung titignan nang maigi ay sobra ang impluwensya ng mga ito sa ating
bansa sapagkat hanggang ngayon ay nakikita pa rin natin itong mga gawain na ito kahit
na ba matagal na panahon na ang lumipas, na para bang nakaimprinta na sa ating kultura
ang mga gawaing ito. Hindi man nating tuluyang maisasabuhay lahat ng ating
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

pamamaraan noong unang panahon ay sigurado akong maganda rin makita natin kung
saan ating pinagmulan.

3. Magtala ng mga bansang may mga akdang pampanitikan na hindi


pinahihintulutan makapasok o makarating sa kanilang lugar. Ano-ano ang mga
kaparusahang ipinapataw dito?
Ang mga bansang North Korea, Somalia, at Afghanistan ay ilan lamang sa mga
bansang taliwas sa pagsasabuhay ng Kristiyanismo sa kanilang bansa. Ayon sa aritukulo
ni Gavin (2000), naitalang ang North Korea ang isa sa mga mapanganib na bansa para
sa mga Kristiyano. Halos limampung bansa ang hindi pinahihintulutan makapasok ang
Bibliya. Para sa bansang North Korea, ang pamilya nila Kim Jong-un ang tinuturing nilang
“diyos” at kung magkakaroon man ng ibang mungkahi ng “higher being” ito’y agad nilang
inaaksyunan para hindi na maging problema pa sakanila sa mga susunod na panahon.
Libo-libong Kristiyano ang nakulong, nagmulta at naparusahan dahil lamang sakanilang
pananampalataya. Napanood ko rin ang isa sa mga vlogs ni Nas Daily nung siya’y
pumunta ng North Korea. Nasa biyahe pa lamang sila’y ininspeksyon na ng mga
guwardya ang kanilang kagamitan para matiyak na wala silang dalang Bibliya o kahit ano
pang hindi maaring dalhin sa pagpunta ng North Korea.

4. Kung ihahambing mo sa mga kasaysayan ng Korea, China at mga bansa sa


Europe ang preserbasyon ng kanilang kultura at pananampalataya batay sa mga
panitikan ng kanilang bayan, masasabi mo bang mahalagang balikan at halukayin
ang ating mga sinaunang panitikan bilang tunay na pagkakakilanlan ng lahing
Pilipino? Ipaliwanag.
Oo, masasabi kong mahalaga na balikan at halukayin natin ang ating mga
sinaunang panatikan sapagka’t doon natin malalaman kung saan tayo nagmula. Doon
natin kailangan magsimula upang mahanap natin ang ating sariling pagkakakilanlan.
Kung ihahambing lamang sa ating napapanood na mga K-Drama, na hanggang ngayon
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

ay pinagyayaman , iniingatan at pinahahalagahan nila ang kanilang pinagmulan at ang


kultura nila. Mayroon pa rin silang mga K-Drama na patungkol sa mga kaharian nila
noong unang panahon, dito nila pinapakita ang yaman ng kanilang kultura. Kung iisipin
ay sobrang nakaiingit sapagkat mayaman rin naman ang ating kultura noond unang
panahon, bago pa tayo sakupin ng mga Kastila. Kung sana lang ay naipreserba natin ang
ating kultura at pananampalataya noong panahon ng Katutubo, ay katulad din natin sila
na hanggang ngayon ay naipapakita, naipapakilala at napagyayabong pa nila lalo ang
kanilang kultura.
5. Sumulat ng iyong refleksiyong sanaysay hinggil sa kahalagahan ng
Preserbasyon ng Panitikang Pilipino para sa sambayanang Pilipino.
Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan. Ang ating panitikan ay salamin ng ating
pagkakakilanlan. Hindi lamang ito sumasalamin sa ating bansa, kundi pati sa ating
pagkatao. Ang mga bagay na nangyari sa nakaraan ang magbibigay gabay sa atin sa
kung bakit ganito ang kasalukuyan at upang malaman natin ang mga bagay na ating
dapat ipaglaban, bigyan ng pansin, o kaya nama’y dapat maging aral sa atin. Ang
pagtatanaw sa nakaraan ay isa ring paraan para mamulat ang atin isipan kung bakit tayo
ganito ngayon at maihambing natin ang nakaraan sa kasalukuyan upang hindi na natin
maulit ang mga maling nangyari sa kasaysayan. Mahalaga rin ang preserbasyon ng
Panitikang Filipino sapagka’t mas magyayabong at mas maipapakilala pa natin ang ating
kultura at kung ano talaga tayo bilang isang malayang bansa. Maaring hindi ganoon
karami ang ating kaalaman sa ating kultura at pamumuhay nating mga Filipino bago tayo
sakupin ng Kastila at tuluyang burahin at tanggalin sa atin ang ating pagkakakilanlan,
may mga akda naman na sinulat ang ating mga bayani katulad ni Dr. Jose Rizal na may
paksa tungkol sa pagalsa at pagtuligsa sa mga nanakop sa ating bansa na naging
malaking bahagi para makamit natin ang ating kalayaan sa mga mananakop. Kailangan
natin maging mulat at bigyang halaga ang Panitikang Filipino dahil para rin naman ito sa
atin – upang mabalikan ang ating pinagmulan, maalagaan ito, maikalat pa lalo at
mapagyaman pang lubos.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

PANGKABANATANG PAGSUSULIT I

Pangalan: Abigail G. Verbo Seksyon BSRE 2-3 .


Propesor: Dr. Vidal Mendoza Jr. Iskor: ______

I. Punan ang patlang sa loob ng sumusunod na pahayag ng mga angkop na kataga


upang mabuo ang wastong diwa ng mga ito.

1. Ang anyo ng panitikan na Tuluyan ay nasusulat sa karaniwang takbo ng


pangungusap at patalatang paraan.
2. Ang panitikang Patula ay nasusulat sa taludturan at saknungan
3. Ang Balita ay paglalahad nf mga pang-araw-araw na pangyayari sa iba’t ibang
aspeto n gating lipunan.
4. Ang parabola ay mga kwentong hinango sa Banal na Kasulatan .
5. Ang Anekdota ay maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay-aral sa
mga mambabasa.
6. Ang editoryal ay isang mahusay na halimbawa ng Sanaysay .
7. Ang Alamat ay isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagaybagay.
8. Ang Elehiya ay tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang
minamahal.
9. Ang talambuhay na sinulat ng isang may-akda at tumatalakay sa kanyang sariling
buhay at tinatawag na Talambuhay na Pansarili .
10. Ang Koran mula sa Arabia ang pinakabibliya ng mga Muslim.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

II. Piliin sa hanay B ang mga tinutukoy sa hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot
sa patlang.

Hanay A Hanay B
L 11. Nagsasalaysay ng gintong a. Bibliya
panahon ng Kristiyanismo b. Koran
sa Pransya c. Illiad at Oddysey
A 12. Batayan ng pananampalatayang d. Mahabharata
Kristiyanismo sa buong daigdig e. Canterburry Tales
K 13. Tumatalakay sa mitolohiya f. Uncle Tom’s Cabin
at teolohiya ng Ehipto g. El Cid Compeador
C 14. Kinatutuhanan ng mga mitolohiya h. La Divina Comedia
at alamat sa Gresya i. Isang Libo at Isang Gabi
J 15. Batayan ng Confucianismo j. Analects
sa Tsina k. Aklat ng mga Patay
D 16. Tumatalakay sa kasaysayan ng l. Awit ni Rolando
pananampalataya sa Indiya
I 17. Naglalarawan ng pamahalaan,
kabuhayan at lipunan ng Arabo
at Persyano
E 18. Naglalarawan ng pananampalataya,
at pag-uugali ng mga Ingles
H 19. Nagpapahayag ng moralidad,
pananampalataya at pag-uugali ng
mga Italyano
F 20. Nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kapihan ng lahing
Itim
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
KABANATA II
PAGPAPAHALAGA SA AKDANG PAMPANITIKAN SA TULA AT AWITIN
Motibasyon: Auto Writing

1. Bakit napili ang imahe?


Napili ko ang imaheng ito sapagka’t ang nakasulat na text ay ang nararamdaman
ko ngayon. Na may mga bagay na sana’y hindi ko nalang nalaman. Na sana’y
hanggang ngayo’y bulag pa rin ako at walang malay.
2. Ano ang pagkakatulad ng imahe sa sarili?
Ang pagkakatulad ng imahe sa aking sarili ay pareho isinansalita nito ang aking
nararamdaman. Pakiramdam ko’y hindi ako nag-iisa at may mga taong ganito rin
ang nararamdaman.
3. Ano ang ‘di pagkakatulad ng imahe sa sarili?
Sa ngayo’y wala akong makitang pagkakaiba sa imahe at sa nararamdaman ko,
ngunit maaring paglipas ng taon ay magbago ang aking nararamdaman. Na sana’y
alam ko ang mga bagay na dapat kong malaman.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

1. Ano ang naramdaman bago magsulat, habang nagsusulat, at pagkatapos


magsulat?
Bago magsulat ay inisip ko muna kung ano ang aking mga ilalagay at isasagot sa
mga tanong. Habang nagsusulat nama’y iniisip ko kung may kabuluhan o
naiintindihan ba ang gusto kong maiparating. Nang matapos magsulat ay
naginhawaan ako sapagka’t natapos ko ang Gawain kahit papano’y may
napagtanto sa aking sarili.
2. Ano ang positibo sa karanasan? Ano ang negatibo sa karanasan?
Ang positibo sa karanasan ko habang nagsusulat ay nailalagay ko sa salita ang
aking nararamdaman, kung ano nga ba ang pagkakatulad ko sa imaheng aking
napili. Ang negatibo naman sa karanasan ay hindi ko tuluyang masasabing
negatibo na hindi ako makaisip kung ano ba ang pagkakaiba ko sa napili kong
imahe.

Gawain 1: Bugtungan Challenge


Lumikha ng bugtong gamit ang mga sumusunod na salita. Isulat sa papel at sabay na
ipapasa sa iba pang naatas na gawain.

1. Covid19
Hindi natin ito nakikita sa ating mata, kaya’t mas mahirap itong kalabanin kahit
magsama sama pa.
2. Ayuda
Ang iba’y dito lang umaasa, para malamnan ang tiyan nila.
3. Online classes
Hindi mo kailangang magbihis at maligo para pumasok sa klase.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Gawain 2: Tula
Sumulat ng maikling tula na may dalawang saknong at may sinusundaang tugmaan.
Pumili ng isa mula sa apat na larawan bilang batayan sa pagsulat. Lagyan ng pamagat.
Ipasa sa itinakdang araw ng pasahan.

DUGO’T PAWIS, PARA MAKAKAIN KA LANG


Dugo’t pawis para makakain ka lang
Pero bakit sila’y pinapaslang?
Tinatratong parang wala lang
Eh kung kaya tayo kumakain ay dahil sila ang gumagapang

Bilang apo at anak ng magsasaka, alam ko


Alam ko kung gaano kahuwaran ang kanilang trabaho
Hindi ito ang nararapat na trato
Para sa mga taong dahilan kung bakit may kanin sa hapag niyo

Talakayan: Panunuri at Palihan


Matapos ang pagsulat, suriin ang sariling tula. Sagutin ang mga ss. na gabay na
tanong:
1. Alin sa mga linya ang matingkad? Bakit?
“Bilang apo at anak ng magsasaka, alam ko” Para sa akin ay ayan ang linyang
pinakamatingkad sapagka’t dito ko naipakita na totoo at nasapuso ang lahat ng
aking sinabi. Na para sa akin ay importante ang isyu na ito sapagka’t hindi
nararapat ang ganitong trato sakanila dahil unang una sila ang “backbone” ng ating
bansa, at kung wala sila ay wala tayong kakainin na kanin sa hapag kainan natin
ng tatlong beses sa isang araw. Malaki ang utang na loob natin sakanila.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

2. Alin sa mga linya ang mahina? Hindi kinakailangan? Pwede na ba alisin? O


anong puwedeng ipalit?
Sa aking palagay ay ang liny ana mahina ay ang “Tinatrato na parang wala lang”.
Siguro ay mag mas magandang paraan para sabihin itong pahayag na ito. Sa
ngayo’y hindi ako makaisip kung ano ang pupuwedeng ipalit dito.

3. Ano ang mensahe ng akda? Para kanino?


Ang mensahe ng akda ay para sa mga taong pinapatay at inaabuso ang ating
magsasaka. Hindi sila marunong tumawan ng utang na loob. Hindi sila makatao
at wala silang awa sa ginagawa nilang pagpapahirap sa mga taong dahilan kung
bakit sila may kinakain sa hapag nila. Ang mensahe ng akda ay pagmulat at
kailangang aksyon para tulungan ang ating mga magsasakang kinakawawa at
inaabuso ng kapangyarihan. Hindi karapat-dapat ang ganitong trato sakanila.

Pagtatasa:
Bilang sintesis: sasagutin natin ang sumusunod na katanungan:

1. May kakayahan ba ang tula sa pagbabago ng lipunan?


Oo, may kakayahan ang tula na baguhin ang lipunan, lalo na’t kung ang nilalaman
nito ay may kakayahang imulat ang mata ng mga taong walang alam sa totoong
nangyayari patungkol sa isang isyu. May kakayahan itong hikayatin ang mga tao na
pilitinng baguhin ang baluktot na sistema. Ang pagbabago ng lipunan ay base sa kilos ng
mga mamamayan nito. Ang mga pahayag o sulat ay maaring magmulat para sa mga tao
na hangarin ang pagbabago lalo na’t kung nakikita nilang may mali, may naabuso at may
kailangang baguhin para sa kapananan ng mamamayan.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Gawain: Pakinggan ang awiting Un Potok na likha ni Fr. Oliver Castor. Maaaring
puntahan ang link https://www.youtube.com/watch?v=dajOvBL9ZPQ na ginawan ng
rendisyon ng Talahib People’s Music.
Matapos pakinggan ang awitin, basahin ang susunod na artikulo. In the Philippines, A
Dam Struggle Spans Generations, Inspires Songs of Unity For the Environment

Katanungan:
Sumagot sa wikang pinaka-komportable ka (Filipino man o English, o halo).

1. Mula sa mga serye ng mga pananakop, paano ginamit ang mga awitin upang
mahulma ang kaisipang kolonyal? Ipaliwanag. (10 points)
Malaki ang naging kontribusyon ng kanta para mapalawig lalo ang impluwensya
ng mga dayuhan sa ating bansa. Nung panahon ng pananakop ng mga dayuhan,
ginamit nila ang kanta upang maitatak sa atin ang kaisipang kolonyal. Isang
halimbawa ay ang pagpalaganap ng mga Kastila ng kanilang pananampalataya
sa ating bansa. Ipinilit nilang tanggapin natin ang kanilang kultura at kalimutan ang
ang mga gawi natin, at kung ano tayo bago nila sakupin. Hindi lamang nila pinilit
sa atin ang kanilang kultura bagkus binura rin nila ito at halos wala nang naiwan
para manlang malaman natin kung ano ba talaga ang pagkakakilanlan natin bago
tayo masakop ng mga dayuhan. Kung ikukumpara ang mga orihinal na awitin sa
makadayuhang awitin, magkaiba ang mensaheng gusto ipayag ng dalawang
awitin.

2. Paano nakatutulong ang awitin sa paglalahad ng danas ng isang tao o kabuuang


komunidad? (10 points)
Ang bawat linya ng mga awitin ay may kahulugan at may nais ipabatid na mensahe
para sa mga taong maaring makabasa nito. Nakakatulong ang awitin sa
paglalahad ng mga naranasan ng isang tao sapagka’t nailalabas o nasasabi
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

niya ito, kumbaga’y ipinapaalam niya sa ibang tao kung ano ang mga naranasan
niya o kung ano man ang naranasana ng isang buong kumonidad. Ang bawat linya
ay may istorya, ang bawat linya’y maaring mamulat ang mata ng taong
makakabasa. Nagsisilbi rin itong paghingi ng tulong para sa isang bagay na hindi
binibigyang pansin ng karamihan. Kaya nitong buhayin ang paghangad ng tao
baguhin ang isang baluktot na sistema, na tulungan ang mga walang kakayahang
tulungan ang sarili nila.

3. Ibigay ang dalawang gahum ng nagtatalaban sa awitin. Ipaliwanag. (10 points)


Ang dalawang gahum o may kapangyarihan ay ang mga Dumagat at ang mga
administrasyon na nagpapagawa ng Kaliwa Dam. Pinoprotektahan at
ipinaglalaban ng mga Dumagat ang kabundukan ng Sierra Madre kaya tinutuligsa
nila ang paggawa ng dam. Ipinapakita ng mga taong responsible sa pagpapatayo
ng dam ang magagawa nitong Mabuti sa katabing lalawigan ngunit hindi dapat
natin kalimutan ang magagawa nito sa Sierra Madre, ang natural na proteksyon
ng ating bansa laban sa mga malalakas na bagyo.

4. Ipaliwanag ang kontekstuwal na kahulugan ng linya sa awitin; (10 points)


sa pusod ng Sierra Madre tahimik ang aming daigdig
nang dumating ang mga gahaman dala ay ligalig
Ang mga katutubong nakatira na noon pa sa Sierra Madre ay namumuhay ng
payapa dito. Pinangangalagaan nila ang Sierra Madre sapagka’t dito
nanggagaling ang bumubuhay sa kanila. Ang mahabang kabundukan ng Sierra
Madre ang nagsisilbing proteksyon ng mga nakatira mula sa Southern Quezon
hanggang sa Cagayan laban sa malalakas na bagyo. Malakas man ang bagyo,
kahit papano’y nababawasan ang lakas nito dahil sa Sierra Madre. Ngunit nang
dumating ang mga taong walang ibang inisip kundi ang sarili nilang interes at
binalak nilang tayuan ito ng Dam, ang kanilang tahimik na buhay ay nagbago.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

5. Ipaliwanag ang kontekstuwal na kahulugan ng linya sa awitin; (10 points)


Un potok ng lupa libingan ng aming ninuno,
lalamunin na ng tubig ng dam na itatayo
Hindi lamang kabundukan at tirahan ng mgatao ang maapektuhan sa gagawin
nilang pagpapatayo ng dam dito, kundi pati ang kanilang kultura. Hindi nila
nirerespeto ang libingan ng mga indigenous ancestors ng mga katutubo.
Binaliwala at isinantabi nila ang kultura ng mga katutubo, ipinapakita dito kung
gaano makasarili ang mga mga taong nagbabalak magtayo ng dam dito.

6. Sa awiting Un Potok, anong isyu o penomenong panlipunan ang tinatalakay?


May kinalaman ba ang Cultural genocide sa isyu o penomenong tinatalakay sa
awitin? Ipaliwanag. (10 points)
Tinatalakad sa awiting Un Potok ang pagtutol ng mga katutubo na patayuan ng
Dam ang kanilang tahanan. Nkalahad sa awitin ang nararamdaman ng mga
Dumagot sa pagpapatayo ng dam sakanilang lugar. Para sa akin, maaring may
kinalaman ito sa cultura genocide sapagkat kapag natuloy ang pagpapatayo ng
dam sakanilang tahanan ay mapipilitan silang umalis at lumayo sa kanilang
pinagkukuhaan ng pang araw-araw. Nakasalalay dito ang kahihinatnan ng
kanilang kultura, dahil kapag sila’y naghiwa hiwalay, mawawala at mamamatay
ang kulturang mayroon sila.

7. May halaga ba ang modernisasyon sa mga katutubo kung banta ito sa kanilang
kultural at ekonomikong seguridad? Ikatuwiran ang iyong sagot. (10 points)
Hindi kailanman mabibigyang katwiran ng modernisasyon ang pagkawala ng
kanilang kultura at ekonomikong seguridad sapagka’t hindi iyon ang kailangan ng
mga katutubo, hindi katulad ng mga nakatira sa syudad na mahihirapana kung
sila’y mapagiiwanan ng modernisasyon. Walang halaga ang modernisasyon sa
mga katutubo kung ang magiging dulot naman nito ay panganig sakanilang
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

kultura at ekonomikong seguridad. Mas mahalaga sakanila ang kanilang kultura


nang sa ganoon ay maipasa at mapagyaman pa nila ito lalo para sa mga susunod
na henerasyon nila. Hindi yaman ang hinahangad ng lahat. Maaring kahit papano’y
kailangan rin iconsider ang modernisasyon katulad nang pagkakaroon ng
eskwelahan upang matuto ang mga bata, pagkakaroon ng kalakalan upang
magkaron ng pangkabuhayan ngunit ibang usapan na kapag ang kanilang kultura
ang kinalakihang buhay ay maapektuhan dahil sa modernisasyong ito.

8. Ipaliwanag ang kahalagahan ng lupa sa mga katutubo. Bakit banta ang Dam na
proyekto ng gobyerno kasapakat ng dayuhan at malalaking korporasyon? (10
points)
Mahalaga ang lupang pinaglalaban ng mga katutubo laban sa planong
pagpapatayo ng dam ng mga dayuhan at malalaking korporasyon sapagka’t malaki itong
bahagi ng kanilang kultura at buhay. Minana nila ang lupang ito mula sakanilang mga
ninuno kaya’t ganoon na lamang ang halaga nito sakanila. Dito sila isinilang, inalagaan
nila ito at nagbibigay buhay sakanila. Kapag kinuha ang lupang ito sakanila ay para na
ring binura ang kanilang kultura at pagkakakilanlan at higit sa lahat awawalan sila ng
tirahan at pangkabuhayan. Gaano kasalimuot ang mawalan ng tirahan, kinukuhaan ng
pangkabuhayan at kasabay nito ang inyong sariling pagkakakilanlan para lamang sa
sariling interes ng mga taong may kapangyarihan.

9. Isipin na ikaw si Makijapat. Gumawa ng sariling tula na ang persona ay si


Makijapat at kinakausap niya si Pangulong Rodrigo Duterte. (10 points)
Ang lupang ito’y matagal ko nang inaalagaan
Mga katutubo ay binigyan ko ng tirahan at pangkabuhayan
Pakinggan mo ang kanilang iyak at pagmamakaawa
Para mapanatili ang kanilang lupa at kultura
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

H’wag mo hayaang kanilang makuha


Lupang iniingatan at pamana
Kapakanan ng iyong nasasakupan ang iyong isipin
H’wag ang sa dayuhan na sariling interes lang ang hiling

10. Isipin na ikaw ang Sierra Madre. Gumawa ng sariling tula na ang persona ay
ang Sierra Madre at kinakausap niya ang mga Malalaking Korporasyon. (10 points)

Hindi pa ba kayo kuntento sa lawak ng nasakop ninyo


Pati ang mga liblib at tirahan ng kanilang ninuno
Kailangan pa ninyo pagkainteresan at galuhin
Maawa naman kayo sa amin

Aking iniingatan sa bawat bagyo mga nakatira sa paanan


Pangalagaan ang buhay at kanilang kaligtasan
Walang ibang hangad kundi ang bantayan
Alam kong akoý puno ng kayamanan
Ngunit ako’y humihiling na ako’y pabayaan
Hayaan niyo naman may matira sa kalikasan
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
KABANATA III
PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN SA MAIKLING KUWENTO

Basahin at unawain ang maikling kuwentong “Kapayaan sa madaling araw” ni Rogelio


Ordoñez. Mga gabay na tanong para sa pag-unawa sa pagbabasa:

1. Sa anong sector nabibilang pangunahing tauhan o mga pangunahing tauhan.

Ang pangunahing tauhan sa “Kapayaan sa madaling araw”ni Rogelio Ordonez ay


si Andong at Totong na nabibilang sa pinakamababang sector ng lipunan. Sila ang
mga taong ang tanging iniisip ay paano nila mairaraos ang bawat araw.

2. Ano ang mga nagtutulak sa pangunahing tauhan sa kaniyang mga desisyon at


aksyon?

Ang kanilang kahirapan at hirap mairaos ang buhay ang nagtulak sa pangunahing
tauhan para kitilin ang kaniyang buhay para matapos na ang kanilang paghihirap.
Sa tingin niya’y solusyon ang pagkitil sa kaniyang buhay para matapos na ang
kaniyang paghihirap. Nawalan siya ng pag-asa na aahon pa sila sa hirap ng buhay.

3. Anong bahagi ng realidad ng lipunan ang sinasalamin ng akda?

Sinasalamin nito ang dinaranas ng mga nasa pinakamababang sector ng lipunan.


Pinapakita dito na hindi man natin alam ang karanasan ng mga taong hirap sa
buhay, ngunit alam nating may mga taong tulad ng mga pangunahing tauhan sa
akda. Hindi man tayo ang nakakaranas ng mga masalimuot na ito, ngunit mayroon.
May mga pamilyang hindi sigurado kung mairaraos ba nila ang araw na ‘to o kung
mairaos man nila ang ngayon, paano naman ang bukas o ang mga sumusunod
na araw.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

4. Ano ang kahalagahan sa lipunan ng akda?

Ipinakita kung gaano kahalag ang akda para sa lipunan para magsilbing boses sa
mga walang boses, ipaglaban ang mga hindi kayang ipaglaban ang kanilang sarili.
Nagsisilbing itong boses, paghingi ng tulong para sa mga taong nangangailangan
nito. Nagsisilbi itong pangmulat sa mga taong bulag o walang ideya sa isyu na
gusto nitong solusyon at bigyan ng pansin. Ipinakita rin sa akda ang realidad para
sa ibang tao, na hindi lahat ay kasing swerte ko na may nakakain araw-araw at
hindi ko kailangan problemahin kung may makakain ba ko kahit sa mga susunod
na ilang buwan. Hindi lahat ay may kaya. Ipinapakita nito sa atin ang mga bagay
na hindi natin nakikita araw-araw na kailangang bigyan pansin at aksyunan.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

KABANATA IV
PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN SA SANAYSAY

GAWAIN 1:

Batay sa tekstong Ang Sanaysay: Introduksiyon ni Bienvenido Lumbera

1. Ano ang kasaysayan sa pagakaroon ng sanaysay sa Pilipinas?

Masasabing nagsimula ang pagkabuo ng mga sanaysay noong panahon ng


pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa. Ginamit ito ng mga prayle upang
mas lalong maipalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas. Malaki ang ginampanan
ng sanaysay sa paghubog at pagkalat ng kultura ng Espanyol sa ating bansa. Ito
ang nagging daan para maipahayag ng mga mananakop ang ideya ng
Kristiyanismo. Ang katagang sanaysay nag nagmula sa “sanay” at “salaysay”.
Sinabi rin na ang sanaysay ay nagmula sa akda nina Andres Bonifacio, Emilio
Jacinto, Marcelo Del Pilar noong panahon ng rebolusyon.

2. Paano masasabing mahusay ang isang sanaysay?

Masasabing mahusay ang isang sanaysan kung matino at matatag ang paggamit
ng wika at malinaw na naipararating ang mensahe nito sa mga mambabasa. Ang
isa pa ay kung maingat na naiisaayos ang kaisipan, obserbasyon, o damdamin
ayon sa layunin nito. Mahalaga rin pansinin ang mga salitang gagamitin upang
makarating ang mensaheng gusto mong makuha ng iyong mga tagabasa.
Importante ring makabuluhan ang gusting iparating ng sanaysay at kung may
kaakyahan itong ibahin ang pagiisip o ang isang tao sa simpleng paraan.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

3. Paano magiging kapaki-pakinabang pang pagbasa ng sanaysay?

Nagiging kapaki-pakinabang ang pagbasa ng sanaysay kung mabibigyan ka nito


ng bagong impormasyon o mga impormasyon na mas lalong makakatulong at
bibigay klaro sa isang bagay. Kailangan rin ay maipaintindi mo ang bawat ideya
na gusto mong makuha ng iyong mga mambabasa at dapat rin ay hindi maiilang
ang mga mambabasa.

4. Ano ang mga katangian at kahalagahan ng Sanaysay?

May boses ang sanaysay. Hindi lamang ito pinagsama samang mga salita upang
makabuo ng mga pahayag, sa likod ng mga salita ay may manunulat na may nais
iparating sa ating mga nagbabasa ng kaniyang akda. Maaring may damdamin
itong nais ipakita sa atin sa kanyang akda. May tono ang sanaysay. Hindi lahat ay
pare-pareho ng tono. May galit, may nagmamakaawa o may nag-uutos. Mahalaga
ang pagpili ng mga appropriate na salita na tutugma sa gusto mong iparating na
mensahe. May ugnay ang sanaysay. May kuro-kuro sa sanaysay. Ito ay tumutukoy
sa estilo ng pagkakasulat ng akda sa sanaysay.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

GAWAIN 2:
Basahin ang “Tungkol kay Angel Locsin” p. 101-107, at “Pangmomolestiya sa Pabrika” p.
113-116 mula sa Peryodismo sa Bingit: Mga Naratibong Ulat sa Panahon ng Digmaan at
Krisis ni Kennenth Roland A. Guda, at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Suriin ang mga tekstong binasa sa pamamagitan ng mga katangian nito. (Boses,
Tono, Ugnay, at Kuro-kuro)

Ipinakita sa tekstong nabasa na hanggang ngayon ay hindi pa rin pantay ang


pagtingin sa mga babae, mayroon paring diskriminisayon sa sektor ng mga
kababaihan. Hanggang sa ngayon ay mababa pa rin ang tingin ng lipunan para sa
mga babae.

2. Ano ang impak ng mga teksto sa iyo bilang mambabasa?

Bilang babae, malaki ang impak ng tekstong nabasa para sa akin. Dahil alam ko,
bilang babae, kung ano ang mga diskriminasyon na aming nararanasan. Hindi
madali maging babae. Sasabihan kang, “hindi mo kaya yan, babae ka lang”. Sa
totoo lang ay nakakalungkot lalo na alam kong may mga babaeng inaabuso at
nahihirapang humingi ng tulong. Masakit mang isipin ngunit hanggang ngayon ay
marami pa rin ang nakakaranas ng pang-aabuso at pangmomolestya, na para
bang hindi karapat-dapat respetuhin ang mga kababaihan. Mahalaga at isang
malaking step na mapagusapan ang isyu ng kababaihan upang mamulat ang mga
taong bulag pa rin. Mahalaga ang karapatan ng kababaihan sa ating lipunan.
Malayo na ang naiunlod ng ating bayan, ngunit hanggang ngayo’y hindi pa rin
pantay ang tingin nito sa mga kababaihan.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
GAWAIN 3:
Gumawa ng sanaysay sa kung ano sariling danas sa mga sumusunod:

1. Kalagayan ng pamilya sa ilalim ng ECQ.


Ipinatupad sa buong bansa ang Enhanced Community Quarantine noong March
17 upang mapigilan ang paglaganap ng Corona Virus. Maswerte ang aming
pamilya dahil araw-araw kaming nakakain nang maayos at hindi naming
kailanman pinroblema kung saan kami kukuha ng aming pangkain at pagkain kahit
pa sa mga susunod na buwan. Ito’y aking pinagpapasalamat dahil alam kong hindi
lahat ay katulad namin na may kaya at hindi kailangang isipin kung makakain pa
ba kami sa susunod na linggo, o mawawala ba ng trabaho ang aking mga
magulang dahil maraming establishment at business. Hindi rin namin kailangang
problemahin ang aming mga gagamitin nang magsisimula na ang online classes.
Dahil nga tayo’y naka lockdown, mas nagkaroon kami ng oras para makasama
naming ang isa’t-isa.

2. Obserbasyon sa Freedom of Expression sa panahon ng pandemya.


Ang Freedom of Expression ay ang kakayahan nating maihayag nang mapayapa
ang ating saloobin at kritika sa isang bagay. Sa mga nakalipas na buwan habang
may pandemya ay nasubok ang ating Freedom of Speech. Isa sa halimbawa ng
pagpagpractice ng Freedom of Speech ay ang pagrrally o ang sama-samang
pagpprotesta, dahil nga ngayon may pandemya ay nilimitahan ang paglabas ng
mga tao. Tanging ang mga frontliners ang maaring lumabas dahil nga limitado ang
interaksyon ng tao sa bawat isa. Ngunit kahit ganoon ay ginamit ng mga tao ang
socia media para maisatinig pa rin nila ang kaninang gustong sabihin. Dito nila
ibinihagi ang kanilang mga opinion sa bawat isyu na sa tingin nila’y importanteng
bigyan ng pansin katulad ng kung paano aksyunan ng gobyerno ang bawat krisis.
Dahil nga tayo’y nasa loob lamang ng ating bahay, nagagawa pa rin nating
malpractice ang ating Freedom of Speech.
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

3. Kalagayan ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng Online Class.


Dahil nga nilimitahan ang interaksyon ngayong panahon ng pandemya, sinimulan
ang online classes para sa lahat ng paaralan. Nung una itong mabalita, sa totoo lang ay
hindi ko maisip kung papano ito mangyayari. Hindi man kami nagkaroon ng problema ng
aking mga kapatid sa mga kagamitan na kailangan para sa online classes ay alam ko na
hindi lahat ay may kaya o privilege. Hindi lahat ay may stable na internet. Hindi lahat may
laptop o cellphone na magagamit para sa online classes. Inisip ko kung pano
makakapagaral ang mga bata sa pamilyang isang kahig, isang tuka, na sa pang araw-
araw lang ay hirap ng kumayod. Paano pa ang pagipunan ang matinong laptop at internet
para sa online classes? Sabihin nating may mga Correspondence naman, pero paano
kung hindi nila naiintindihan ang nasa module, at hindi rin ito maituturo ng kanilang mga
magulang sapagka’t hindi nakapagtapos ng pagaaral ang kaniyang nanay at tatay. Hindi
lahat ay privilege. Isa ring mahalagang pagtuonan ng pansin ay ang kapaligiran mo
habang nagaaral ka. Hindi lahat ay may sariling kwarto, tahimik at naayon na lugar para
sila’y magaral. Lahat ay nahirapang sumabay sa pagbabago sa new normal na ito. Base
sa aking sariling karanasan, nahirapan akong magkaroon ng motibasyon para mag-aral
ng Mabuti. Na para bang hindi ko maramdaman na natututo ako, bagkus nagpapasa na
lamang ng gawain para hindi bumagsak. Mahirap ding na ang tanging iisipin ko lang ay
ang “pagaaral” ko dahil sa ilang buwan ng pagkakulong sa loob ng bahay ay naapektuhan
nito ang ang mental health, at hindi lang siguro ako ang nakaranas nito ngunit pati ang
iba kong mga kaklase at kaibigan. Alam ko rin na hindi lang kaming mga estudyante ang
nahihirapan, kundi pati ang mga guro. Nahihirapan din ang ibang mga guro lalo na’t ang
iba’y hindi naman maalam sa paggamit ng gaget. Ang sistemang ito ay hindi madali para
sa mga estudyante at guro ngunit kung ititigil ang pag-aaral ay maraming guro ang
mawawalan ng trabaho. Kahit papano’y malaking ginhawa ang magkaroon ng mga
gurong may konsiderasyon sakanilang mga estudyante.

You might also like