You are on page 1of 3

I.

PAMAGAT
SI BINIBINING PHATUPATS
Ang maikling kwento ay nakapokus sa dalagang si Binibining Yeyeng na
nakalimutan ang sariling wika dahil naging mahasa siya sa wikang Ingles.
Angkop ang pamagat “Binibining Phatupats” sa akda dahil ibinigay ito ng mga
tao na palayaw kay Binibining Yeyeng. Pangalang hango sa malapad niyang
balakang na pinipilit niyang iniipit sa Pahang mahigpit na balot. Nakalimutan na
ang malambing palayaw na Yeyeng gaya ng paglimot ni Yeyeng sa kanyang
pinagmulan. Nakita ng mga tao ang pagbabago ng dalaga. Isa rito ang anyo nito
kung saan nilagyan ni Binibining Phatupats nga makapal na kolorete ang mukha
upang maitago ang totoong kulay at ang pagiging Kapampangan niya.

II. MAY-AKDA
Si Juan Crisostomo Soto ay isang mamamahayag, makata, manunulat ng
dula at kilala bilang Ama ng Panitikang Pampanga. Si Soto, sa ilalim ng panulat
na Crissot, ay sumulat ng maraming mga lirikal na tula, drama sa kasaysayan,
nakakatawang dula at pilosopikal na sanaysay, at "sarsuwelas," ang
pinakatanyag dito ay ang "Alang Dios" o Walang Diyos (1901). Isinalin niya ang
ilang panitikan sa Espanya sa Pampango, kabilang ang Lovers of Teruel Faust at
Nero at ang Gladiators. Naging kontribyutor din siya sa rebolusyonaryong papel
na La Independencia. Mula 1906 hanggang 1917, pinamatnugutan naman niyá
ang ilang publikasyong Kapampangan tulad ng Ing Balen na siyá ang nagtatag,
at Ing Alipatpat na nagtampok ng kaniyang salin ng Noli me tangere ni Rizal sa
wikang Kapampangan. Bilang isang makata, nagwagi ang kaniyang “Lira, Dalit at
Sinta” ng unang gantimpala sa pagdiriwang ng araw ni Rizal sa San Fernando
noong 1917. Ang nagiisa niyáng nobela, ang Lidia (1907), ay unang nalimbag na
serye sa pahayagang Ing Imangabiran na kaniya ring pinamatnugutan.
Sumali si Soto sa Katipunan noong Rebolusyong 1896 at nakipagtulungan
kay Maximo Hizon sa pagtataguyod ng mga ideyal na Pampango. Nakilahok siya
sa maraming laban kontra sa tropang Amerikano noong 1898 sa ilalim ng
puwersa ni Heneral Tomas Mascardo. Bilang parangal, ipinangalan sa kaniya
noong 1926 ang Crissótan, ang bersiyon ng balagtásan sa Kapampangan, na
unang itinanghal sa isang bahay sa Santa Cruz, Maynila at nilahukan nina Lino
Dizon at Nicasio Dungo, at ni Amado Yuzon bilang lakandiwa.

III. BUOD

Ang maikling kwento ay umiikot sa isang dalagang nagngangalang binibining


Yeyeng na sobra maglagay ng kolorete sa mukha. Dahil sa nakatira ang
magulang ni Yeyeng sa sulok ng Pampanga, si binibining Yeyeng ay totoong
lahing Filipina, isang Kapampangan.

Namumuhay siya sa pamamagitan ng pagbebenta ng pagkain. Pagkatapos


ng rebolusyon, ang gobyerno ng Amerikanong military ay nagpatayo ng mga
eskwelahan kung saan kakaunti sa kanila na nagtuturo. May isang gurong
sundalo na nagkumbinsi kay binibing yeyeng na mag-aral upang
magkaintindihan silang dalawa. Siya ay naging desididong pumasok at nahasa
sa pagsalita ng wikang Ingles.

Pinadala si binibining Yeyeng sa ibang bayan upang magturo. Hinangaan


siya sapagkat napakagaling niya magsalita ng wikang Ingles. Hindi na halos
nagsasalita si binibining Yeyeng ng Kapampangan dahil ayon sa kanya,
nakalimutan na niya ang wikang Kapampangan. Mahirap na sa kanya ang
pagbigkas at nababaluktoto ang kanyang dila.

Dahil dito, pinagkatuwaan siya ng mga tao sa puntong binigyan nila si


binibing Yeyeng ng bagong palayaw, isang nanunuya na pangalan, Binibing
Phatupats. Ito na ang tawag sa kanya at nakalimutan na ang malambing na
palayaw na Yeyeng.

May pahayagan ang lumabas at gusto itong mabasa ni binibining Phatupats


pero noong nakita niya na wikang Kapampangan ang nasa pahayagan, umiling
siya at napalabi sapagkat hindi niya maintindihan. Nadinig naman siya ng pilyong
kapwa at nagsimulang pagkatuwaan at gayahin ang kanyang boses. Nagsimula
ang kanilang bangayang dalawa na ikinagalit ng binibini dahil sa mga sinasabi ng
kanyang kaaway. Nagpatuloy itong nanuya sa binibini na mas ikinagalit ni
binibining Phatupats, kung kaya ay maraming mga nanonood na pinagtatawanan
na siya. Napaiyak si binibining Phatupats na naging dahilan ng pagkatanggal ng
makapal niyang kolorete sa mukha na nagpakita ng totoo niyang kulay ng balat.
Pinagtulungan ulit ng mga tao na kutyain ang binibini sa pagkakita ng totoong
kulay niya. Kaya umalis si binibining Phatupats dahil sa kahihiyan.

IV. PAGSUSURI

Ang akda ay kwentong nagpapakita ng katangian ng mga mamamayang


kinalimutan ang sariling wika at nabago ang katangiang Pilipino matapos
masakop.

Si binibining Phatupats ay sumisimbolo sa mga mga mamamayang Pilipino


na nakalimutan ang pinanggalingan at iniba ang pananalita, pananamit, at
tinatago ang totoong kulay.
Patunay na inihayag sa akda:

“Pinalitan tuloy ang kanyang pangalan at pinangalanan siya ang matunog at


umaalingasaw na “Binibining Pathupats”, pangalang hango sa malapad niyang
balakang na pilit na iniipit sa Pahang mahigpit ang ballot.

“Dito sa iilang salitang binigkas niya, naghalo ang lahat ng iba’t- ibang
wika ng talasalitaang itinitinda, o ang ibig kong sabihin, ang mababang Ingles,
Kastila, at Tagalog.”

“Lumitaw ang likas niyang kulay, maitim pa siya sa duhat.”

Dahil sa pananakop ng mga Amerikano, maraming mga Pilipino ang


nakapag-aral at nakumbinsing kapag marunong ng wikang Ingles ay
makakapagtrabaho ng maganda lalo na makakapangibang bansa pa. May ilang
Pilipino na hindi nalilimutan ang wikang kinagisnan at marunong pang magsalita
ng sariling wika. May ilan ding na pinili ibang wika ang gamitin dahil sosyal at
kaya naman sila ay nakukutya o di kaya’y nasasabihan ng hindi maganda dahil
na rin sa nagbago ang kanilang ugali at asal.

SANGGUNIAN
Pinagkuhanan ng akda
https://www.scribd.com/document/373337221/Si-Binibining-Pathupats

Webliyograpi

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/900/today-in-philippine-history-
january-27-1867-juan-crisostomo-soto-was-born-in-santa-ines-bacolor-
pampanga

https://philippineculturaleducation.com.ph/soto-juan-crisostomo/

You might also like