You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Commission on Higher Education


Polytechnic University of the Philippines
Santa Rosa, Laguna

MIDTERM SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Pangalan: ARAMBULO, John Rafael B. Iskor: ___________________________


Kurso/Seksyon: BSA 1-1 Guro: Prof. Marion Laguerta

Midterm sa Buhay, Mga Gawain at Sinulat ni Rizal


Pangkalahatang Panuto: Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya o pandaraya sa
pasulit na ito. Ang pagsusulit na ito ay sasagutan lamang sa loob ng 2 hrs magsisimula ng 9:30 at matatapos
ng 11:30 ng umaga sa bawat tugon dapat nagtataglay ito ng basehan o basis na magpapatunay ng
kawastuhan at bigat ng kasagutan na batay sa inilahad na patunay. 10pts bawat isa. Bibigyan lang kau ng ng
10 minutong dagdag sa itinakdang oras ng pagpapasa. Ang inyong guro ay nakamonitor sa oras ng
pagpapasa.

1. Talakayin ang Batas Republika 1425. Ilahad ang mahahalagang puntos

Lingid sa kaalaman ng lahat na kaya may mga naipapasang batas ay dahil may mga suliraning kailangang lutasin
at ito’y talamak noong ika-19 na dantaon. Nariyan ang parity rights na nagpapakita ng pantay na karapatan sa mga
Amerikano at Pilipino, ang pagbatikos ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) dahil sa panghimasok ng simbahang Katoliko sa
kanilang edukasyon, at marami pang iba. At dahil nga rito’y naisulong ang SB 438 noong Abril 17, 1956 ni Sen. Claro M.
Recto o pinamagatang “An Act to Make Noli Me Tangere and El Filibusterismo Compulsory Reading Matter In All Public
and Private Colleges and Universities and For Other Purposes.”

Sa una’y layunin lamang nitong maging mahalagang sangkap ang dalawang nobela ni Rizal na babasahin sa mga
paaralan sa kadahilang may tema ito ng pagiging makabayan. Natanaw na ni Sen. Recto noon pa lang na kailangan
maibalik ang sariling kulay ng ating bansa. Noong una’y marami itong naging balakid dahil sa takot na maaari itong
pagmulan ng mga leftist o komunista at magtagumpay na ang HUKBALAHAP sa kanilang layunin. Matatandaan ding
sinabi ng isa mga tumatanggi rito na hindi pa handa ang mga estudyante sa ganitong mga nobela ngunit agaran itong
sinumabatan ni Sen. Recto na “[b]ut when do you think the Filipino student will be able to understand Rizal’s writings?”
Dagdag pa rito, naglahad ang mga Katolikong organisasyon na 25 pahina mula sa 333 pahina ng Noli at 41 pahina mula
sa 293 ng Fili ang nagpapakita ng makabayan samantalang 120 pahina sa Noli at 80 pahina sa Fili ang anti-Katoliko.
Hanggang sa huli ay nakiisa na rito ang mga publiko at sinabing ang pagtutol sa panukalang batas na ito ay tila
nangyayari “muli ang pagpaslang kay Rizal.”

Iisa lamang ang tunay na mithiin ng panukalang batas na ito – ang pagliliyab ng pagiging makabayan ng bawat
Pilipino rito sa bansa. Matatandaang tatlo ang nagiging mananakop sa ating bansa na kung saan ang mga Espanyol ay
namalagi ng higit 300 taon, ang Amerikano na nanakop ng 48 na taon at tatlong taon naman para sa Japan. Sa ilang taon
na nahaluan tayo ng sari-saring kultura, medyo nahirapang umahon ang ating bansa at ibalik ang ating tunay na
pagkakakilanlan. At iyon ang nais resolbahin ng panukalang batas na ito. Bagama’t maraming mga tumutol na
organisasyon ng mga relihiyon, ito’y naaprubahan pa rin sa huling pagkakataon ngunit may mga iilang amyenda na dapat
tandaan dito. Una na rito and pagtatanggal ng salitang “compulsary” sa pagbasa ng dalawang nobela ni Rizal, sumunod
dito na hindi lahat ng paaralan ay kukunin ang kurikulum na ito sa takot na mapanganib ito sa hirarkiyang Katoliko,
pangatlo naman ang paggamit bilang basic text o basehan lamang ang hindi kinaltasang (unexpurgated version) ng mga
nobela ni Rizal, at panghuli rito ang kalayaan ng mga estudyanteng Katoliko na hindi basahin ang hindi kinaltasang
bersyon ng mga nobela nito.

Pagkatapos ng halos dalawang buwan ng deliberasyon at debate sa kontrobersyal na panukalang batas na ito,
ito’y naaprubahan na ni Pangulong Ramon Magsaysay at naging RA 1425 o pinamagatang “An Act to Include in the
Curricula of All Public and Private Schools, Colleges and Universities Courses on the Life, Works, and Writings of Jose
Rizal, Particularly his Novel Noli Me Tangere and El Filibusterismo, Authorizing the Printing and Distribution Thereof, and
for Other Purposes” noong Hunyo 12, 1956.

Dito na nga nagsimula ang pagbabalik ng tunay na kulay ng mga Pilipino noon at magbunga ng magandang
resulta sa pag-iisip ng pulitikal, sosyal, at kultural na aspeto pagdating sa larangan ng ating bansa at nagsimula na ang
laban ng mga kabataan na ipakitang sila nga ay pag-asa ng bayan.
2. Ibigay ang tatlong (3) teknikal na katuturan ng Bayani. Magbigay ng halimbawa sa buhay ni Rizal na aayon sa bawat
katuturan.

“Ang mga sumusunod na katangian ay mula sa Technical Committee of the National Heroes Committee noong Hunyo 3,
1993 sa Maynila. Ang mga miyembro ng komite ay sila Drs. Onofre D. Corpuz, Samuel K. Tan, Marcelino Foronda, Alfredo
Lagmay, Bernardita R. Churchill, Serafin D. Quiason, Ambeth Ocampo, Dom Ignacio Maria, Prof. Minerva Gonzales at
Mrs. Carmen Guerrero-Nakpi

1. Ang mga bayani ay ang mga may konsepto ng bansa, at nagnanais at nakikipagpunyagi para sa kalayaan ng bansa.

2. Tinutukoy at umaambag ang mga bayani sa isang sistema o buhay ng kalayaan at kaayusan para sa isang bansa.

3. Ang mga bayani ay nakakatulong sa kalidad ng buhay at tadhana ng isang bansa.”

Pagdating sa unang katuturan ng bayani na ayon sa komiteng ito, ang pagsulat pa lamang ng dalawang nobela ni
Rizal ang masasabi ko nang paraan niya na nais niyang palayain ang ating bansa. Hindi nyia kaya pang sikmurain ang mga
pang-aabuso at pagpapanipula ng mga Kastila upang tuluyan lamang magdusa ang mga kababayan niya. Nang dumaan
ang panahon, nalaman niyang hindi pa handa ang kanilang bansa sa himagsikan kung kaya naman ay humingi na lamang
muna ng reporma si Rizal at saka nila ito unti-unting gagawing himagsikan kapag handa na sila ngunit hindi ito natupad
dahil sa agarang aksyon ni Andres Bonifacio.

Sa susunod na aspeto naman, masasabi kong napakalaki na ng ambag niya dahil hindi biro ang paglimbag noon
ng dalawang nobela kahit na alam niyang maaari siyang paslangin dahil anti-Kastila ito noon. Ngunit isinantabi nito ni
Rizal at nagpatuloy lamang sa kaniyang layunin hanggang sa ang naging huling ambag na lamang niya ay ang pagtatag ng
samahan ng mga Propagandista na naglalayon ng mga reporma mula sa Espanya.

At sa pinakahuling aspeto naman ay napakalaking tulong ang ibinigay niya dahil siya ang puno’t dulo kung bakit
may ganito na tayong kalidad ng buhay na tinatamasa sa kasalukuyang panahon. Nakamit na natin ang kalayaan dahil
siya ang kauna-unahang Pilipino na nagturo sa ating lahat na mamulat sa nangyayari sa ating bansa at dapat ay
manumbalik sa atin ang tunay na kulay ng pagiging isang Pilipino.

3. Talakayin ang mga kaganapan sa mundo at Pilipinas sa ika-19th daantaon.

Kawalan ng pagkakaisa at kakulangan ng oryentasyon sa mga politikal na idelohiya ang ilan sa mga naranasan ng
mga tao noong ika-19 na dantaon. Hindi pa para sa lahat noon ang edukasyon kaya naman may mga nauuna at may mga
naiiwan sa laylayan at isa na sa mga naiiwan sa laylayan noon ay ang Pilipinas. Ito ang nagbunga upang sakupin tayo ng
mga Espanyol sa loob ng 333 taon.

Nang dumating ang mga Kastila noon dito, nalaman nilang mayaman ang ating bansa sa agrikultural na aspeto at
dahil nga dito, doon sila nagtuon ng pansin. Matatandaan na binuksan ang daungan sa Maynila taong 1855 hanggang
1873 at Kanal ng Suez taong 1869. Nagbunga ito ng magandang resulta sa ekonomiya ng ating bansa dahil pinabilis ng
Suez Kanal ang paglalakbay mula Europa tungo sa ating bansa at tumaas ang demanda sa tinatawag na cash crops. Ilan
sa halimbawa nito ay ang mga bulak, asukal, tabako, abaka, at kape. Dahil nga rito ay nauso ang monocropping na kung
saan hindi na isasama sa tanim nila ang pangunahing pagkain ng mga mamamayan noon. Ito ay nagbunga ng negatibong
epekto sa kanila dahil ang mga esensyal na pangangailan nila ay mabibili lamang sa tindahan ng pamahalaan o sa
estancos. Dagdag pa rito, dito na rin naudyok ang La Algarada De Cavite o ang Cavite Mutiny na naglalayong umalsa sa
biglang pagbawi ni Gobernador-Heneral Rafael Izquierdo y Gutierrez na hindi na kailangang sumali sa polo y servicio at
magbayad ng buwis ang mga sundalong nagsisilbi sa pamahalaan

Sa aspeto naman ng mga mamamayan dito, nagkaroon ang Pilipinas noon ng halo-halong mga lahi tulad ng
mestizo dahil dito na naghanap ng mapapangasawa ang mga dayuhang dumarayo dito at dito’y mamamalagi. Nagkaroon
din ng dibisyon sa socio-economic pyramid dahil hindi lahat ay kumikita ng sapat na kung saan mas marami ang mga
clase media o ang mga middle class kung tawagin sa panahon natin ngayon. Sa larangan ng kanilang edukasyon,
matatandaang naaprubahan noon ang Educational Decree of 1863 na naglalayong buksan ang mga publiko at pribadong
paaralan para sa lahat katulad na lamang ng Unibersidad Sto. Tomas (UST). Ngunit ang tunay na kalidad na eduaksyon ay
matatagpuan lamang sa Manila at Europa. At maswerte si Rizal dahil naranasan niyang mag-aral sa Manila at Europa.

Nagsimula ang pag-aalsa ni Rizal nang siya ay namulat sa nangyaring kamatayan nila Padre Mariano Gomez, Jose
Burgos, at Jacinto Zamora o kilala bilang GomBurZa. Isa lamang si Rizal noong ika-19 dantaon na naglalayong umaklas sa
mga mapagsamantalang Kastila noon. Matatandaan na naitatag noon ang mga Propagandista na kung saan ang mga
pinuno ay sila Rizal, Graciano Lopez-Jaena at Marcelo H. Del Pilar. Nilayon nilang humingi ng mga reporma sa Kastila
katulad ng gawing probinsya ng Espanya ang Pilipinas, malayang pagpupulong at pagsusulat, sekularisasyon ng bawat
parokya, at pagbalik ng kinatawan sa kortes ng Espanya. Ngunit lahat ng ito’y ipinagkait at dito’y nagalit si Andres
Bonifacio kung kaya naman nabuo na ang KKK o kilala lamang bilang Katipunan na naglalayon naman ng himagsikan
upang tuluyan nang umaklas sa kamay ng Espanya. Hindi naglaon ay namatay si Rizal dahil natagpuan nila sa silid ng KKK
ang mga litrato ni Rizal kaya inakala siyang pinuno ng Katipunan. Nang siya na nga ay binaril sa Dapitan noong Disyembre
30, 1896, nagliyab na ang himagsikan at saka pumasok sa eksena si Emilio Aguinaldo na nagtatag ng Biak na Bato pact na
siyang nagbenta sa ating bansa noon.

4. Ipaliwanag ang konsepto ng bayani at heroe. Magbigay ng halimbawa.

Kung ating isasalin sa wikang Ingles ang bayani, ito’y katumbas na rin ng hero. Ngunit sila’y magkaiba talaga sa
ibang pagpapakahulugan dahil ang mga hero ay tumutukoy sa mga may supernatural na kapangyarihan at sila’y mga
kathang-isip lamang katulad na lamang ng mga tanyag sa Marvel at DC Comics, ilan sa kanila ay sila Iron Man, Captain
America, Spiderman, Superman, Batman, at marami pang iba. Dahil nga sa mga supernatural na kapangyarihan, limitado
lamang ang mga maaaring makonsiderang hero.

Pagdating naman sa konsepto ng bayani, ito ay tumutukoy sa mga nagkakaroon ng lakas ng loob upang
ipagtanggol ang kaniyang bayan. Hindi ito katulad ng konsepto ng hero na kung saan kapag ikaw ang napiling magkaroon
ng ganoong kapangyarihan, ay pwede mo na ikonsidera ang sarili mo bilang hero. Pagdating sa konsepto ng bayani, mas
mahirap para sa isang tao na sabihin na isa siyang bayani. Kailangan niyang matukoy nang maayos kung ano nga ba ang
layunin niya at handa ba siyang ibuwis ang buhay niya sakaling ituloy niya ang pagiging boses ng kaniyang bayan. Kung
babasahin, mas may tsansa ang lahat na maging bayani ngunit iilan lamang ang tinutuloy na landas na ito. Marami sa
atin ngayon ang makokonsiderang bayani tulad nila Jose Rizal, Andres Bonifacio, Marcelo del Pilar, at marami pang iba.
Sa kasalukuyang panahon naman, maituturing bayani na rin ang mga tumitindig at nagsisilbing boses ng mga takot at
hindi makapagsalita laban sa mga nang-aapi sa kanila.

Sa paghahambing ng dalawang ito, mas bukas sa lahat ang pagiging bayani ngunit katulad na lamang ng aking
sinabi, hindi lahat ay naitutuloy ang landas bilang isang bayani dahil wala silang paninindigan. At ito para sa akin ang
pinakamahalagang katangian ng isang bayani – ang paninindigan hanggang sa huling hininga niya.

5. Sa iyong palagay si Rizal ba ay separista o isang repormista. Magbigay ng patunay

Matatandaang nagtatag si Gat. Jose Rizal noon ng isang samahan ng mga ilustrado na naglalalayon ng mga
reporma tulad ng gawing probinsya ng Espanya ang Pilipinas, malayang pagpupulong at pagsusulat, sekularisasyon ng
bawat parokya, at pagbalik ng kinatawan sa kortes ng Espanya. Tinawag niya ang kanilang samahan na mga
Propagandistas na itinatag sa ibang bansa na kung saan kasama niya sila Jaena at del Pilar. Bagama’t sa bahagi ng buhay
niyang ito’y masasabi kong repormista siya, para sa akin dapat pa rin siyang tawaging separista. Matatandaan na
naglimbag si Rizal noon ng dalawang nobela na talaga namang naging simula ng pagbabago ng ating bansa. Nilayon niya
ritong buksan ang isipan at kamalayan ng bawat Pilipino noon. Bagama’t sinabi niyang hindi pa handa noon ang Pilipinas
sa rebolusyon kaya sinabi niyang gawin munang probinsya ng Espanya ang Pilipinas, naging turning point pa rin ng
nangyaring himagsikan ang dalawang nobela ni Rizal. May patunay rin sa isang artikulong isinulat niya sa La Solidaridad
na may pamagat na “Philippines A Century Hence” na pagdating ng panahon ay aaklas din ang Pilipinas mula sa Espanya
sakali mang matupad na maging probinsya tayo ng Espanya.

Sa huli’t huli, ninais pa rin ni Rizal na tumayo ang mga Pilipino sa sarili nilang paa dahil may temang makabayan
ang dalawang nobela ni Rizal, ninais niyang ipamulat na hindi totoong may mga magmamagandang-loob na taga-ibang
bansa upang tulungan tayo dahil mamanipulahin lamang nila ang ating mamamayan hanggang sa makuha nila ang gusto
nila. Kaya naman masasabi ko na isang separista si Rizal una pa lamang dahil may mga masama na rin siyang karanasan
sa kamay ng mga Kastila.

6. Batay sa mga sulatin ni Rizal, talakayin at ipaliwanag ang pananaw ng mga bayani sa mga sumusunod na konsepto:
(20pts.)

a. bansa –

Nang iniluwal na si Gat. Jose Rizal dito sa Pilipinas, Kastila na ang namumuno at namamalakad dito kung kaya
naman ay hindi siya nagkaroon ng tsansang masilayan ang bayan niya nang malaya. Sa murang edad niya ay namulat na
siya kung gaano naging mapang-api ang mga Kastilang ito dahil nga sa pagkitil ng buhay ng malapit na pari sa kanila na si
Padre Jose Burgos kasama sila Padre Mariano Gomez at Jacinto Zamora.

Dito pa lamang ay nalaman niyang bulag ang mamamayan nito dahil walang ginawa ang mga kababayan niya
upang panindigan at sabihing mali ang nangyaring pagpaslang. Dahil dito ay naisulat nga niya ang dalawang nobela at
nagsimula na siya sa paggawa ng hakbang upang magising na at mamulat na sa kamalayan ang kaniyang mga kababayan.

b. relihiyon –

Matatandaan na pinalaki nila Don Francisco Mercado at Donya Teodora Alonzo ang kanilang anak na si Rizal
nang may takot sa Diyos. At dahil nga rito’y nadala niya ito hanggang sa paglaki kung kaya naman ay sinisiguro niya na
magdasal lagi. Ngunit nang magkaroon ng praylokrasya, dito nakita ni Rizal na tila ginawang utang na loob pa ng mga
Pilipino ang pagdadala ng Kristiyanismo sa ating bansa kaya karapat-dapat lamang sa mga prayleng ito na
pagsamantalahan at manipulahin tayo.

Dito hindi naging makatwiran para kay Rizal ang nangyayari sa kaniyang bayan. Hindi magandang ehemplo ang
mga prayle noon sa mga Pilipino at hindi sila tunay na nagmamahal sa aral ng Diyos. Sa katunayan nga, oras na ipinakita
na ng mga prayle ang kanilang tunay na kulay, dito na nagsimula ang paglakad papalayo ng mga prayle sa mga aral na
tinuturo nila dahil hindi sila ang tama at magandang depiksyon ng mga taga-sunod ni Kristo.

c. edukasyon –

Maswerte si Rizal noon dahil nakapag-aral siya sa Biñan, Ateneo at UST. Ngunit nang siya ay nasa Ateneo na, dito
niya nakita ang tunay na kahalagahan ng edukasyon at dapat ay makuha ito ng mga kaniyang kababayan na oportunidad.
Alam naman natin na Heswito ang namamalakad ng pag-aaral sa Ateneo kung kaya naman ay naging maganda rin ang
karanasan ni Rizal noon dahil sila ang may pinakamagandang estilo ng pagtuturo.

Dahil nga rito ay nagsulat siya ng tula na pinamagatang “Education gives luster to Motherland” at dito’y isinaad
niya na isang pinakamahalagang instrumento ang edukasyon at isang kayamanan nga na hindi mananakaw nino man. Ito
na rin ang magiging tsansa na mamulat ang mga kababayan niya at mahasa ang kanilang pag-iisip pagdating sa iba’t
ibang aspeto ng kanilang buhay.

d. pamahalaan –

Matatandaan na ang mga uri ng pamamalakad noong unang panahon na iisa ang prayle sa mga namamalakad ng
pamahalaan at ito’y tinatawag na praylokrasya. Naranasan na rin ni Rizal ang mga pang-aapi at pananamantala ng mga
prayleng ito katulad ng maling pagkulong sa kaniyang ina, ang pang-abuso sa kaniya ng isang guardia sibil, pagpaslang sa
paring GOMBURZA, at ang pang-momolestiya ng prayle noon sa mga babae.

Ninais niya itong matuldukan dahil hindi tama na nasa iisang kamay ang prayle at pamahalaan dahil hindi
napaparusahan nang wasto ang mga prayleng ito dahil hawak din nila ang batas. Bunga nito ay nagtayo nga si Rizal ng
isang samahan na tinawag na mga Propagandista na may layuning humingi ng reporma at isa na rito ay ang pagbalik ng
kinatawan sa kortes ng Espanya upang maiwasan na ang mga prayleng may hawak sa batas at malinis ang kanilang
pangalan at magkaroon ng representasyon ang mga Pilipino sa batas noon.

e. hustisyang panlipunan –

Dahil nga praylokrasya ang pamamalakad noon sa pamahalaan, hindi naging sapat at tapat ang hustisya na
nabibigay sa lipunan nila. Katulad na lamang ng pagkakakulong kay Donya Teodora Alonzo nang siya ay pagbintangan na
lasunin ang asawa ng kaniyang kapatid, ang pagpaslang sa pareng GOMBURZA, at ang paglampaso ng isang guardia sibil
kay Rizal noong siya ay nasa Calamba.

Hindi naging maganda ang turing ng hustisya sa kaniya at sa mga kababayan niya noon dahil nakakalusot ang
mga nang-aapi dahil sila nga ang may hawak ng batas. Nang hindi na ito kayang sikmurain ni Rizal ay nagsimula na siyang
itatag ang Propagandista na naglalayo ng reporma at isa na rito ang pagbalik ng kinatawan sa kortes ng Espanya upang
magkaroon na ng tunay na Pilipino ang magtatanggol sa kanila ngunit ito’y hindi tinanggap ng mga Kastila.

You might also like