You are on page 1of 16

Paglubog sa mga Impormasyon:

Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa

Layunin
Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. maisa isa ang iba’t ibang paraan ng pagkalap ng impormasyon;
2. maisagawa ang ilan sa mga pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon gamit
ang mga tradisyunal at modernong midya

Lunsaran
Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng
paksa.
• https://www.youtube.com/watch?v=d3XCfnsAQL4
• • https://www.youtube.com/results?search_query=interbyu+sa+pananaliksik
• • https://www.youtube.com/watch?v=F_h_LUv2VF8
• • https://www.youtube.com/watch?v=PCC1xFZFyXE
• • https://www.youtube.com/watch?v=Hj1ZLgvsOPk

Nilalaman
Kung nakapili na ng mayaman at angkop na batis ng imporamsyon, kailangang
paghandaan ng mananaliksik ang pangangalap at pagbabasa ng mga katunayan at
datos. Ang pamamaraan ng pagkalap ng datos ay bahagi ng disenyo ng saliksik
kung kaya inaasahang natukoy na uito ng mananaliksik bago pa man siya pumili
ng batis ng impormasyon. Kwantitatibong disenyo, palasak ang pamamaraang
survey na ginagamitan ng talatanungan at eksperimento na may pretest at post test.
Sa kwalitatibong disenyo, malawak ang pagkakaiba iba ng mga pamamaraan pero
mas palasak ang panayam at pangkatang talakayan.

Tambalan ng pangangalap at pagbabasa ng impormasyon. Maraming disenyo ng


pagsasaliksik (halimbawa. Sarbey, eksperimento, sosyomatrikong analisis) kung
saan kailangan munang malikom ang bago ang pagbabasa at pagsusuri nito. Subalit
mayroon ding mga disenyo kung saan pinagtatambal ang dalawang magkahiwalay
na mga gawaing ito. Halimbawa sa kaso ng mga midya bilang batis ng
impormasyon (halimbawa mga publikasyon, tesis, disertasyn, aklat, ulat ),
kailanagn ng panimulang pagbabasa habang nangangalap ng impormasyon kung
hindi pa natutukoy ang espesipikong sanggunian mula sa isang uri ng batis na
napili ( halimbawa. Aling partikular na artikulo sa anong journal). Maaaring
tingnan muna ang abstrak (artikulo sa journal), ang pamatnubay (balita sa diyaryo),
at buod (aklat, ulat) para malaman kung mahalaga o kaugnay ba ito ng paksa.

Pangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao. Ang ating mga kapuwa tao
ay mayamang batis ng impormasyon dahil marami silang maaaring masabi batay
sa kanilang karanasan; maari nilang linawin agad o dagdagan pa ang kanilang mga
sinasabi sa manananaliksik at may kapasidad din silang mag imbak at magproseso
ng impormasyon. Sa panahon nagayon na palasak at kalat na ang teknolohiyang
pangkomunikasyon, maaari silang makausap ng online bukod pa sa posibilidad na
silay makasama sa isang harapang interaksyon. Importanteng ipaalam agad sa
tagapagbatid na sila ay napili para sa isang pananaliksik, hingin ang kanilang
permiso na lumahok, at isangguni sa kanila ang takdang lugar, araw at oras ng
harapan o mediadong interaksyon para sa pangangalap ng datos.

1. Eksperimento
Sa teksto ng agham panglipuanan, ang eksperemto ay isang kuwantitatibong
disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na
tinatalaban ng interbensiyon. Halimbawa, ano ang epekto ng paggamit ng
bernakular sa pagtuturo sa klase (independent variable) sa antas ng kaaalaman ng
mag aaaral hinggil sa isang paksa sa agham (dependent variable). Madaas na
gumagamit ng kontrol at eksperimental na mga pangkat ng kalahok para
mapagkumpara ang resulta sa pagitan ng pangkat na hindi finagamitanng
interbensiyon (kontrol) at sa pangkat na gimagamitan ng (eksperimental). Limitado
ang gamit ng eksperomento sa agham panlipuanan at nahaharap ito sa maraming
banta sa katumpakan (baxter & babbie 2004).

2. Interbyu
Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagian ng mananaliksik bilang
tagapagtanong, at tagapoakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng
impormasyon (baxter & babbie 2004). Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang
mananaliksik ng gabayna tanong, na ang pgkakasuynod ay mahalaga upang
matiyak ang konsistensi sa lahat ng tragapagbatid. Sa semi-estrukturadong
interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang mananaliksik, subalit maari
niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu at maaari din
niyang dagdagan kung mayroon siyang followup na tanong. Sa di estrukturadong
interbyu ay hindi kahingian ang mga gabay na tanong upang mas maging natural
ang daloy ng usapan, subalit makabubuti na kahit paanoy lagging tinatandaan ang
manananaliksik sa layon at paksa na kaniyang sinisiyasat habangnagiinterbyu para
magabayan siya ng dapat itanong at malaman. Mainam ang interbyu sa pagkalap
ng mga datos na hini direktang naoobserbahan, sa pagunawa sa ibat ibang
kahulugan sa karanasan o penomeno batay sap unto de bista ng tagapagbatid, sa
pag aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa ibat ibang
aspekto ng isang paksa (baxter & babbie 2004).

3. Focus group Discussion


Ang Focus group Discussion (FGD) naman ay semi estrukturadong talakayan na
binubuo ng tagapagpadaloy na kadalasay ginagampanan ng manananaliksik na, at
anim hanggang sampung kalahok. Gamit ang mga gabay na mga tanong ang
tagapagpadaloy ay nagbabato ng mga tanong at nangangasiwa sa usapan ng mga
kalahok. Sinisiguro niyang lahat ng mga kalahok ay may pagkakataong makapag
bahagi ng ideya o impormasyon. Ilan sa mga bentahe ng FGD ang mga
sumusunod:

1. naitatama, napapasubalian, o nabeberika ng mga kalahok ang impormasyong


ibinabahagi;
2. may naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag silay
magkakasamang nag uusap (na maaaring di lumabas sa indibidwal na interbyu); at
3. maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag usapa sa
isang pagtitipon.

Kahinaan naman ng FGD kapag:

1. may dimonante sa grupo


2. may nag aagam –agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong
ibinibigay ng iba;
3. may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok; at
4. may ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali, mapuna, o
matsismis. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang magaling at maparaan ang
tagapagpadaloyt upang maging organisado, mahinahon, masigla, at kawili-wili ang
talakayan.
4. Pakikisangkot habang pakapa-kapa
Sa hanay ng mga pamamaraan maka Pilipino, maraming mapagpipilian ang isang
mananaliksik, depende sa ng mananaliksik, depende sa layon ng pananaliksik, at
dulog ng pangangalap ng datos. Sa kanyang panananaliksik hinggil sa pagkalalake,
halimbawa, ginamit ni Santiago (1977) ang pakikisangkot sa buhay ng
tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang komunidad sa loob ng
maraming araw sa tatlong buwan. Nakilahok siya sa pang araw araw na Gawain
habang isinisingit ang pakikipanayam. Dahil pakapa kappa ang dulog ng
pangangalap ng datos, hindi siya agbasa ng mga sanggunian hinggil sa paksa bago
ang fieldwork para hindi makulayan ang kaniyang pananaw. Bilang dulog, ang
pakapa kappa ay isang eksplorasyon hingil sa isang paksa sa konteksto ng
pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang mga katutubong
pamamaraan ng pagkuha ng datos kagay ng pagmamasid, pagtatanong tanong,
pagsubok, pagdalaw, pakikilahok, at pakikisangkot (Tores. 1982, p. 171).

5. Pagtatanong-tanong
Marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa pagkalap
ng katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay mainam sa sumusunod na
pagkakataon:
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag
batid:
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa
paksang sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa: at
4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid
(Gonzales, 1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya
masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat.
Impormal at bernakular na wika ang ginagamit para medaling magkaintindihan ang
nagtatanong at ang tinatanong (gonzales, 1982). Sa ganitong pamamaraan, may
mga dapat isa alang alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag
siyasat, pook nbg pagtatanong tanong, at panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales,
1982).

6. Pakikipag kwentuhan

Pakikipag kwuwentuhan naman ang ginagamitr ni de vera na (1982) upang pag


aralan ang pakiki apid sa isang baryo sa camarines norte . itoay isang di-
estrukturadong at impormal na usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na
hingil sa isa o higit pang mga paksa kung saan ang mananliksik ay walang
ginagami na tiyak na mga tanong at hindiniya pinipilit at igiya ang daloy sa isang
direksyon. Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan, kundi ang
pagiging “Malaya” ng mga kalahok na “magapahayg ng anumang opinion o
karanasan” at magbigay ng verbal at di verbal na ekspresyon ng “walang takot” o
pag aalinlangan na ang binitiwan nyang salita aymagagamit laban sa kanya sa pag
hihirap (de vera 1982, p. 189). Wala rin sa kahingian ng pakikipagkwentuhan na
ganapain ito sa isang tiyak na lufgar at oras. Madalas na nangyayari na lamang ito
ng walang ka aabog abog habang ang mananaliksik ay nasa fieldwork

7. Pagdalaw-dalaw

Sa pag aaral ng kaiharapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa


malabon, rizal ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina
Gepigon at Francisco (1982) ay pagdalaw dalaw ayon sa kanya ang pagdalaw
dalaw ay ang pagpunta punta at pakikipag usap ng mananaliksik sa tagapagbatid
upang sila ay makakilala; matapos magpakilala at makuha ang loob ng iat isa,mas
maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang mga nais niyang
sabihin bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194).ito ay maaroing
kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag
kuwentuhan at pakikilao. Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago
itopalalamin at palawigin ang mga imporamsyon kinakalap mula sa mga
tagapagbatid.

8. Pakikipanuluyan

Ginagamit naman ni nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag aaral ng


konsepto ng panahon ngf mga tsiaong, guiguinto bulacan. Para makakuha ng datos
sa pamamaraang ito dumadalaw muna sila nbsa barangay habng sa naninirahan na
siya ng talong buwan ditto para sa kanyang pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya ay
nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa kanyang mga aktibidad kagaya
ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo sa ibat ibang
pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong
hingil sa paksang sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang
pang matagalan at masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng
maraming araw sa kaakibat ng iba pang mga espesipikng amamaraan ng pagkuha
ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg nakikitira sa isang bahay at
nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag mamasid nag
tatanong tanon, nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain.
Pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim at komprehensibo ang mga
impormasyong malilikom ngmananaliksik. Hindi to kataka taka dahil ang
pakikipanuluyan “ ay isa sa pinakamabisang pamamaraan upanfg mapaunlad ang
pakikipag kapuwang isang tao” (san juan & soriaga, 1985,p.433).

9. Pagbabahay bahay
May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta
sa bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at
nakikipag kuwentuhan at nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang
ito sa pagsasasaggawa ng survey, pero ituturing ding etnograpikong pamamaraan
kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik, kompleks, at malallalim na
impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.

10. Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos
mula kapuwa tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang
penomeno. Sa medaling salita, ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at
pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran. Kung kaakibat ng pakikiramdam ang
pagmamasid ay maaaring matantiya ng mananaliksik kung “maari siyang
magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa pananaliksik ( Gonzales 1982
p.175) Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may pamamaraan ng pagkuha
ng datos kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay, at
pakikipanulyan.

May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958):


 complete observer (ganap na tagamasid ),
 complete participant (ganap na kalahok),
 observer as participant (tagamasid bilang kalahok),
 at participant observer (kalahok bilang taga masid)
(salin sa Filipino ni Agcaoili 2016, p. 60).

Ipinapakita sa pigura 1 ang buod ng topolohiya ni gold. Sa pagpili ng angkop ng


akopna papel sa pagmamasid, dapat pag aralang mabuti ang kalakasan at kahinaan
ng bawat isa at isaalang alang ang layon at disenyo ng pananaliksik. Halimbawa,
ang mismong ng mananaliksik at/o ang pagkaalam ng tagapagbatid na may
ginagawang pasasaiksik hinggil s kanila ay maaaring makaapekto sa kanilang kilos
habang sila ay inoobserbahan; sa gayon, itoy makapagdulot ng kuwestiyon sa
pagiging katiwatiwala na datos na makakaya. May etikal naisyunaman ang papel
ng ganap na kalahok kaya kailangang timnbanging mabuti kung ang paglilihim sa
mga tagapag batid ay mabibigyang katuwaran ng mabuting intesnyon ng
pananaliksik at kungito ay hindio magdudulot sa kanila ng kapahamakan ( baxter
& babbie, 2004, p. 307 – 309 )
Instrumento sa pagkalap ng datos mula sa kapuwa tao. Kaparehoong harapan at
mediado na nangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao, dapat ihanda ng
mananaliksik ang angkop na instrument. Ang ilan sa mga instrument na
karaniwang ginagamit ay ang sumusunod:

1. Talatanungan at gabay na katanungan


2. Pagsusulit o eksaminasyon
3. Talaan sa fieldwork
4. Rekorder

Pangangalap ng impormasyon mula sa mga aklatan. May mga katunayan at


datos na hindi sa kapwa-tao direkta at tahasang maapuhap, kundi mula sa mga
midya at iba pang mga materyal na maaaring matagpuan sa mga aklatan.
Magandang linawin na midya ay kahit anong teknolohiya – pisikal o birtuwal, na
gingamit sa pagbabahagi ng impormasyon mula sa tagapagbatid o sa prodyuser
tungo sa mambabasa, tagapakini, o manonood.

Bigyang-pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyonsa


aklatan.
1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na
natukoy para sa isang pananaliksik.
2. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protokol at
patakaran na pinaiiral sa aklatang natukoy.
3. Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok
at makagamit ng mga pasilidad. (http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/1444).
4. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa
dalawang ito ang madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang
karunungan. (Hinampas, 2016, pp.51-54)
5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis,
disertasyon, at ilan pang mga printed na materyal kaya kailangan ang matiyaga at
mabilis na pagbabsa kung maraming sangunian ang bubulatlatin.
6. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga
sangunian bago pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o
dibisiyon ng aklatan.
7. Huwag kalilimutang halughugin ang pinagkunanna online ng aklatan gaya ng
subkripsiyon sa journal, e-books, e-databases, at iba pang batis ng impormasyonsa
Internet.
Pangangalap ng impormasyon mula sa mga online na materyal. Sa kaslukuyang
panahon ng Internet at digital na teknolohiya, maaakses ang maraming primaryang
batis ng impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na laptop at desktop kundi
pati sa mas maliit na gadyet na cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa
mga batis na ito ang mga artikulos sa journal, balita sa online news site, at account
ng karanasan sa blog.
Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad ang
online news sites na:

1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng


mga artikulong may iba’t ibang panig;
2. pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at
errata; at
3. hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao,
grupo, o institusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.

Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may
kaugnayan sa isyung pambansa.

• Website ng pamahalaan
• Website ng ahensiya ng pamahalaan
• Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
• Website na gumagawa ng fact check
Mga Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magtala ng tigtatatlong pananaliksik na may
kaugnayan sa anim na paksang binigay sa gawain 1 at 2 ng unang paksa sa Yunit 2.
Mula sa mga pananaliksik na iyon ay isa-isahin ang mga pamamaraan ng pagkalap
ng impormasyon na ginamit. Maging ispesipik sa paglalagay ng pamamaraan lalo
na pangangalap ng impormasyon mula sa kapwa tao. Maglagay ng patunay para sa
inyong sagot. Gamitin ang matrix bilang gabay sa pagsasagot. Ang awtput ng mga
mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase.
Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data,
maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat
gamit ang messenger.

Paks Paraan ng Pangangalap Patunay


a ng Impormasyon
1.

2.

3.

4.

5.
6.

Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magtala ng paraan ng pangangalap ng
impormasyon na dapat gamitin sa anim na paksang binigay sa gawain 1 at 2 ng
ikalawang paksa sa Yunit 2. Maging ispesipik sa paglalagay ng pamamaraan lalo
na pangangalap ng impormasyon mula sa kapwa tao.. Gamitin ang matrix bilang
gabay sa pagsasagot. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang
Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang
internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at
isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.

Suliranin Paraan ng Pangangalap ng


Impormasyon

1.

2.

3.

4.

5.

6.
Pagsusuri ng Datos:
Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon
Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman

Layunin
Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. matukoy ang mga hakbang sa pagsusuri ng datos;
2. makabuo ng pahayag ng kaalaman mula sa mga datos na nakalap mula sa mga
naunang gawain; at
3. maisaalang-alang ang kultura at iba pang mga aspektong panlipunan sa
pagpapahayag ng makabuluhang kaisapan gamit ang tradisyunal at modernong
midya.

Lunsaran
Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng
paksa.
• • http://www.dlsu.edu.ph/conferences/arts_congress/2018/_pdf/it-01.pdf
Nilalaman

Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, hinahanapan ng mananaliksik ng


kaugnayan sa isa’t isa ang mga datos at bumubuo siya ng buod hinggil dito. Gabay
niya ang mga layon ng pananaliksik sa paguugnay-ugnay at pagbubuod ng mga
datos. Ang mga kaugnayan at buod na ito ang gagamitin niya sa pagtukoy ng mga
pangunahing tema ng naprosesong impormasyon at sa pagbuo ng pahayag ng
kaalaman.

Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon. May iba’t ibang dulog sa pag-uugnay-


ugnay ng impormasyon.

1. Maaring palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon


kagaya ng pagkakatulad at pagkakaiba, bentahe at disbentahe, ibat ibang anggulo
at anyo/mukha, pgatatguyod o pagsalungat/pagttol, pagbatikos, paglilinaw,
pagpapalalim, mga hakbang sa isang proseso, at elborasyon.
2. Paggamit ng semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon ni
Spradley (1979) o
Istriktong paglalakip (strict inclusion)
Espasyal (spatial)
Pagbibigay-katuwiran (rationale)
Sanhi – bunga/kinalabasan (cause – effect)
Lugar ng isang kilos (place of action)
Gamit (function)
Paraan – kinayarian (means – end)
Pagkakasunod – sunod (sequence)
Atribusyon (attribution)

3. Maaaring gumamit ng pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng


pananaliksik.

Pagbubuod ng Impormasyon. May ilang gabay na dapat antabayanan sa


pagbubuod ng impormasyon.
1. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago
tukuyin ang mga susing salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema. Bago
sulatin ang buod, palitawin muna ang koneksiyon ng mga susing salita, ang
paksang pangungusap, at/o ang mga tema upang malaman ang sintesis o
pinakapunto ng teksto. (Constantino et al., 2016)

2. Kahingian sa ilang uri ng materyal ang ankop na elemento at estruktura ng buod.

3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong


pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil
ang hinahantungan ng huling sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto.

4. Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o
tinanong. (Jimenez, 1982, p.27)

Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman. Ikonsidera ang mga sumusunod:

1. Pumili ng mga angkop na salita na sumasalamin sa mga katunayan at datos


ng ginawang pananaliksik, naiintindihan ng mga kalahok o audience ng
sitwasyong komunikasyon, at makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino.

2. Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon

3. Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi


magdulot ng kalituhan

4. Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok o audience.

5. Gumamit ng angkop na panauhang pananaw: una (ako, ko, akin, tayo, natin,
kami); pangalwa (ikaw, kayo, ka, mo, inyo, ninyo); at pangatlo (siya, sila,
niya, kaniya, nila, kanila)
Mas pormal at neutral ang pangatlong panauhan dahil “inilalayo nito
ang manunulat sa tuksong makialam “at “pinababayaang ang mga datos at
impormasyon ang kumubinsi sa mambabasa” (Alamario 2016b, p. 32).
Subalit hindi naman ito nanfgangahulugan na hindi makatothanan ang
anumang pahayag na ginagamitang una at pangalwang panauhan, lalo na
kung kailangan, kung mas inilalapit sa karanasan ng audience at nagtatangka
ng mas malikhaing estilo ng pagsulat. Ang paggamit ng pantayong pananaw
o “pag uulat sa sarili” (Navaro et al. 1997, p.2) sa komunikasyon sa
pangkalahatan ay mahalaga rin para bigyang diin na ang mga kababayang
Pilipino ankinakausap at ang kapakinabangan ng lipunang Pilipino ang
minimithi ng pahayag ng kaalaman.

6. Iwasan ang paglalahad ng impormasyon makapapahamak sa mga


tagapagbatid (Creswell 2014 p. 99-100). Kailngang respetuhin ang kanilang
karapatan sa privacy. Gumamit ng alyas sa pangalan at lugar kung nararapat
(Creswell 2014).

7. Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto para


patotohanan at palakasin ang mga punto, argument, o pahayag.

8. Gumamit ng isang estilong pansanggunian, lalo na kung kahingian


(halimbawa sa journal article). May tatlong kilalang estilong
pangsanggunian na ginagamit sa mga journal, term paper, aklat, manwal at
iba pang publikasyon: modern languages association (MLA) American
psychological association (APA), at Chicago manual of styles (CMS). Ang
pahayagan naman tulad ng Philippine Daily Inquirer ay naglabas ng sarli
nitong stylebook. Sa telibisyon at bidyo, ang mga batis ng impormasyon ay
maaaring banggitin sa iskrip o ipakita sa screen.

Pinakaimportante sa lahat ng konsiderasyon sa pagsususlat ang mga katunayan at


datos na magpapatibay sa pahayag at kaalaman. Higit sa gramatika, dulog at estilo,
mas importante ang kapanssi paniwalang paglalahad. ang kapani paniwaola ay
“nakasalig sa mga katayuan” (Almario, 2016, p.27)

Mga Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang lumikha ng informercial na maghihikayat sa mga
awdiyens na gumawa ng mga pananaliksik. Ang infomercial maaaring aktwal na
video o pinagsunod-sunod na larawan. Ito ay tatagal lamang ng 1 hanggang 2
minuto. Ipakita ang magagandang dulot ng pananaliksik sa buhay ng bawat
indibidwal upang tunay na makahikayat ng madla. Ang awtput ng mga mag-aaral
ay muling isusumite sa Facebook Private Group ng klase. Para sa mga mag-aaral
na walang internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga
linyang gagamitin sana sa aktibidad sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text
messaging o chat gamit ang messenger. Mainam din kung matatawagan ng guro
ang mga mag-aaral para sa aktibidad na ito. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting
batayan ng guro sa pagmamarka.

Gawain 2
Batay sa mga magkakaugnay na gawain, suriin ang mga datos upang makabuo ng
buod ng impormasyon at pahayag ng kaalaman. Dahil sa kakulangan ng datos, ang
buod at pahayag ay magmumula lamang sa impormasyong nakalap sa mga aktidad
at gawain. Kasama sa konsidersyon ng pagbuo at pagmamarka ang lawak at lalim
ng saklaw ng mga gawain. Ang awtput ng mga mag-aaral ay muling isusumite sa
Facebook Private Group ng klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet
connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type ang mga aktibidad sa
cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa pagmamarka.

Kategorya Napakahusay Mahusay Kulang sa kahusayan Iskor


(5) (3) (1)
Nilalaman Komprehensibo ang Malinaw ang Naging malamlam ang
ginawang infomercial at ang punto at nakakaingganyo
infomercial at panghihikayat, ang infomercial at hindi
panghihikayat, nagtataglay ng mga kakikitaan ng mga
malinaw na nailahad importanteng mahahalagang
ang mga detalye subalit impormasyon na
impormasyon, hindi nito napatibay magpapatibay sa
kompleto ang mga ang ang mga infomercial
detalye at kakikitaan impormasyong
na dumaan sa nakalagay sa
masusing pag-iisip infomercial
ang infomercial.

Mekaniks Lubhang mahusay at Mahusay at lohikal Nagtataglay ng kompletong


lohikal ang ang pagkakahanay impormasyon subalit hindi
pagkakahanay ng ng impormasyon, naihanay ng lohikal ang
mga impormasyon, naiorganisa ang mga detalye na
naiorganisa ang mga mga detalye subalit magpapatibay sa ideyang
detalye. Sumunod sa kinakulangan ng tinatalakayLumabis o
tinalagang anyo at mga salitang kumulang sa tinalagang
nilalaman ang magpapaigting ng anyo at nilalaman ang
infomercial. pagkaunawa sa infomercial.
infomercial

Pagkamalikhain Malikhain at Malikhain ngunit Hindi mlikhain at


mapanghikayat ang hindi mapanghikayat ang
presentasyon ng mapanghikayat ang presentasyon ng
impormasyon sa presentasyon ng impormasyon na ginamit sa
ginamit sa impormasyon na infomercial.
infomercial. ginamit sa
infomercial

Orihinalidad Ang infomercial ay Ang infomercial ay hindi


orihinal orihinal.

You might also like