You are on page 1of 4

Hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa

buong buhay nila. Dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi
nagbabasa...bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya.
Bob Ong, Stainless Longganisa

Tatlo ang magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, ang nanay, at ang mga patalastas o media.
Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki sa bata.
Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

Hindi ba mas tama na sa halip na maliitin ang kabataan dahil sa binabasa nilang manunulat ay
purihin sila sa pagbabasa, at saka samantalahin ang pagkakataon para hikayatin sila at ipakilala sa
iba pang makabuluhang libro? O masyadong malaking abala 'yon sa inyo?
Bob Ong

ang trahedya ng buhay ko? hindi ako nagkaroon ng kapangyarihang makapagsabi ng tamang bagay
sa tamang tao sa tamang panahon
Bob Ong

Mangarap ka at abutin mo ito. Wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay
mong tuta, o mga lumilipad na ipis...Kung may pagkukulang sayo ang mga magulang mo, pwede
kang manisi at magrebelde... tumigil sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kilikili...
Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?

Pinapakita nyong mga dayuhang libro pa rin at mga dayuhang libro lang ang tinatangkilik ng mga
tao. Bakit magsusugal ang mga publisher sa Pilipinong manunulat kung hindi naman pala mabili ang
mga kwentong isinusulat ng mga Pilipino? At kung walang mga publisher na tatanggap ng mga
trabaho ng mga Pilipinong manunulat, sino pa ang gugustong magsulat? Kung walang magsusulat,
ano ang kahihinatnan ng panitikan sa bansa at sa kakayanan nating bumasa't sumulat?
Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

Matagal nang sinabi sa akin ni Lola na ang kagandahan ay sumpa, dahil tulad ng isang bulaklak ay
nanaisin kang pitasin ng mga tao. gugustuhin ka nila at aariin, nang walang kasiguruhan kung tunay
ka nilang iibigin. Aalagaan ka at pagsisilbihan, ngunit para lamang sa sarili nilang kaligayahan.
Mahihirapan kang hanapin ang totoong nagmamahal sa 'yo sapagkat lagi silang matatakpan ng mga
taong nag-aagawan para sa iyong puso. Ibibigay nila ang lahat ng hilingin mo at ipagkakaloob nila
anuman ang iyong gusto. Dahil alam nilang sa ganitong paraan nila maipapalimot ang totoong
kailangan mo. Ipakikita nila ang hindi nila maipadarama. Ipagmamalaki nila ang hindi naman
nasusukat. Ipapangako nila sa'yo ang wala sa kanila.
Bob Ong, Si
Higit sa pakikinig kung ano ang sinasabi, unawain mo kung ano ang ipinapahayag.
Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?

Nakalimutan na ng tao ang kabanalan niya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa
Transript of Records nya, na mas marami pa syang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume nya at
mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing suweldo.
Bob Ong

Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?
Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?

Hindi dahil sa hindi mo kayang intindihin ang isang bagay ay kasinungalingan na ito at hindi lahat
ng kaya mong intindihin ay katotohanan
Bob Ong, Ang Paboritong Libro ni Hudas

And we don't ask: Anong produkto kaya ang naibenta sa akin ngayong araw nang hindi ko
namalayan? Anong kaisipan? Anong ideya? Anong paniniwala? Anong ugali? Anong bagong
pananaw sa mundo at sa mga kapwa ko? Hindi natin ito naitatanong pero andali-dali nating
maimpluwensyahan.
Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

Ang karamihan nang tao ay walang pakialam, ang karamihan ng politiko ay walang utak, at yung
ibang may utak... walang puso.
Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?

I'm a bad person, like you, in the same way that you are a good person, like me.
Bob Ong, Stainless Longganisa

Mag-inuman tayo tulad sa patalastas sa TV: konting kahig, kontig lagok.


Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin

pwede nga ring yung TV ang may sumpa. dahil ang TV, para ring drugs, pero ligal. isipin mo, bakit
isa ito sa mga unang-unang ipinupundar ng mga Pilipino kahit gaano sila kahirap? kasi malaking
tulong ang telebisyon para lumimot. para tumakas sa realidad. kahit mag-isa ka lang sa bahay,
nababawasan ang lungkot kung may TV. nakakatanggal-buryong kung wala kang trabaho. mas
entertaining kesa sa diyaryo, at mas accessible kesa sa sine. pwede rin itong tagapag-alaga ng mga
anak mo. pwedeng ulam kung sakto lang ang budget pambili ng ng bigas. at pwedeng bintana kung
parang bartolina lang ang tirahang tinutulugan ng mag-anak mo, dahil may magaganda itong lugar
at magagandang tao. kumpleto sa sayawan, kantahan, tawanan, pantasya, at boksing. burado ang
mga suliranin mo. pag sinuswerte ka, pwede ka pang manalo.
Bob Ong

Nalaman kong ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals na
nakikita sa mgaa pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw, ibon, puno, at
mga bulaklak.
Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!

Magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng mga tao.


Bob Ong, Kapitan Sino

Naghahanap ang mga tao ng iba na magliligtas sa kanila. Dahil hindi sila yung iba na yon, wala
silang ginagawa. Walang nagbabago. Walang may gustong magbago. Naghihintay lang ang lahat sa
iba, yung hindi nila katulad.
Bob Ong, Kapitan Sino

Maraming bagay ang mahal kapag wala kang pera.


Bob Ong, Ang Paboritong Libro ni Hudas

Obligasyon ko bang pasanin ang mga problema ng math? Bakit? Bababa ba ng bill ko sa internet
pag nag-factor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ng Laws of Exponents ang problema natin
sa basura? Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication ang mga krimen sa bansa?
Makakabuti ba sa mag-asawa kung malalaman nila ang sum and difference of two cubes? Maganda
ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial at cotangent? Makatwiran bang
pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific calculator!
Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!

Paano kaya kung naging guro mo rin ang naging guro ng labindalawang disipulo sa Bible?
Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!

Bakit mo sinasagot ng tanong ang tanong ko?


Bob Ong

"Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay


kesa magtagumpay sa paggawa ng wala".

"Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan.


In English, FACT you, pare. Totoo ka. In English, FACT you!

You might also like