You are on page 1of 2

Mayuga, Desiree M.

BSBA 2202

1. Magbigay ng mga salita sa Pilipino na walang katumbas sa ibang wika sa daigdig.

1. Gigil

Nakakatuwa? Nakaka-aliw? Ang “gigil” ay madalas nating ginagamit kapag nakakakita tayo ng
mga cute na tao (o bagay!), na masarap yakapin o pisilin.

2. Kilig

Kinilig ka sa crush mo, kinilig ka nung binigyan ka ng bulaklak. Pero ano ba talaga ang “kilig” sa
Ingles? Hindi eto infatuation, o butterflies in your stomach, o kaya love. Basta, kinilig ka.

3. Tampo

Nakalimutan ni sweetheart ang monthsary niyo … hindi ka galit, pero hindi ka rin masaya, gusto
mo lang ng lambing eh kasi nagtatampo ka.

4. Alimpungatan

Kapag palalim na ang tulog mo at bigla kang nagising, aba, na-alimpungatan ka. Hindi ito nap,
hindi rin ito snooze, pero siguradong alam mo kapag nangyari ito sa’yo.

5. Lambing

Kung tulad namin na akala mo ay affectionate ang Ingles ng lambing, eh nagkakamali ka. Isang
matamis na salita na nagsasabing naghahanap ka ng pansin na may halong pagmamahal, iyon
ang lambing.

6. Basta

Ano ba kasi talaga ang ingles ng basta? Basta! Lagi natin etong sinasabi kapag hindi tayo
sigurado at gusto nalang nating mag-go with the flow para matapos na.

7. Bitin

“Ang sarap ng ulam kaya lang bitin ‘yung kanin eh!”Kapag gusto mo pa pero wala ka nang
makuha, siguradong bitin ka. Madalas natin itong ginagamit sa pagkain, sa haba ng tulog, o kaya
kapag nanunuod ng soap opera.

2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pahayag na, "mahal kita dahil kailangan kita" at "kailangan kita
dahil mahal kita".

Kapag sinabi ang katagang "mahal kita dahil kailangan kita", ibig sabihin lamang nito ay mahal ka
ng isang tao dahil mayroon kang bagay na kailangan nya. Bagay na katulad ng pera, magandang
estado sa buhay at ilang mga bagay na maaaring nasilaw siya at nag udyok sa kanya para
mahalin ka. Sa ganitong pagkakataon hindi mo makikita ang tunay na pagmamahal sapagkat ang
minahal sayo ay ang bagay na meron ka at hindi yung mismong ikaw ang kanyang minahal.

Sa kabilang banda, ang ibig sabihin naman ng "kailangan kita dahil mahal kita" ang
nagpapatunay na ano mang estado mo sa buhay, mayaman ka man o mahirap, maganda ka man
o hindi kagandahan, basta't mahal ka ng isang tao ang lahat ng ito ay hinding hindi magiging
basehan sapagkat ikaw lang mismo ang kailangan nya sa buhay nya. Ito ang nagpapakita ng
tunay na pagmamahal sapagkat minahql kq ng isang tao dahil sa kung ano ka at hindi dahil lang
sa anong bagay ang meron ka.

3. Ilista ang mga salitang may kaugnayan sa niyog.

Buko, Gata, Coconut oil, Makapuno, Bunot, Bao, Gata, Uyo, Palapa, Paklang, Walis tingting.

You might also like