You are on page 1of 3

HOMEMADE PANCAKE

SUSPENSION

Before

During

After
Mga Salawikain
1. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Paliwanag: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang
ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang
2. Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Paliwanag: Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa
iyo.
3. Kung may isinuksok, may dudukutin.
Paliwanag: Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling
ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.
4. Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Paliwanag: Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang
nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.
5. Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.
Paliwanag: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa
upang mapabuti ang kanilang pagsasama.
6. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
Paliwanag: Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo nalalaman dahil may
mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.
7. Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay. 
Paliwanag: Ang “dangal” at “puri” ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa “honor” sa Ingles.
Kaugnay ng “puri” ang “chastity,” “virginity,” at “respect”.
8. Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.
Paliwanag: Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na
maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit.
9. Kahit saang gubat, ay mayroong ahas.
Paliwanag: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.
10. Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.
Paliwanag: Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.

Mga Sawikain

1. Butas ang bulsa - walang pera


2. Alog na ng baba - tanda na
3. Alimuom – mabaho
4. Bahag ang buntot – duwag
5. Ikurus sa noo – tandaan
6. Bukas ang palad – matulungin
7. Kapilas ng buhay – asawa
8. Nagbibilang ng poste - walang trabaho
9. Basag ang pula - luko-luko
10. Ibaon sa hukay – kalimutan

You might also like