You are on page 1of 3

Kasabihan: Filipino Sayings

The difference between a saying and a proverb? Not much. According to definitions in the dictionary:
A saying is an often repeated and familiar expression. Example of usage in sentence: That's an old
saying we have here in the Philippines.
A proverb is an old and popular saying that illustrates something such as a basic truth or a practical
precept. Example of an English proverb: “Slow and steady wins the race.”
Simply put, a proverb is a saying that is older and has more history!
Recognize this saying?
Wala nang hihigit pang kadakilaan sa pag-alay ng buhay sa bayan.
There is no greater nobility than offering one's life to the nation.

EXAMPLES OF FILIPINO SAYINGS


Huwag kang magtiwala sa 'di mo kakilala.
Never trust someone you don't know. / Never trust a stranger.
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
If you don't know how to look back to where you came from, you will not reach your destination.
Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga.
Nothing's hard to do if you pursue it through perseverance.
Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
Well-being is in happiness and not in prosperity.
Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
A person who does not love his own language is worse than beast and foul-smelling fish. (This is a quote
attributed to José Rizal.)
Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.
Genuine patriotism is in the sweat of action.
(This quote is attributed to Filipino educator Onofre Pagsanghan.)

20 Kasabihan
Mga classic na kasabihan ng matatanda.
Wag mong gagawin sa iba, kung ayaw mong gawin sayo.
Kapag may isinuksok, may madudukot.
Kung ano ang itinanim, sya ring aanihin.
Ang taong gipit, sa patalim man ay kakapit.
Ikaw ang nagsaing, iba ang kumain.
Sa hinaba-haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Kung sinong pumutak, yun ang nanganak.
Walang mahirap sa taong masikap.
Ang maglakad ng matulit, pag natinik ay malalim.
Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magalit.
Kung walang tuyaga, walang nilaga.
Hili man basta magaling, makakahabol din.
May pakpak ang balita, may tenga ang lupa.
Kung maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?
Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, may dahilan.
Ang magtanim ng galit, galit din ang aanihin.
Kung hindi ukol, hindi bubukol.
Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Mga Kasabihan at Salawikain (Tagalog Proverbs)


Mga Kasabihang Pilipino at Salawikaing Tagalog
Filipino Proverbs

Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo


at patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Ang mga
kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga
maiiksing pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan
at makabuluhan. Eto ay kadalasang tumatalakay din sa mga karanasan
ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating
pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Heto ang ilan sa ating mga kasabihan at salawikain, kasama ang


maiksing pagpapaliwanag sa ibig sabihin ng mga eto:

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.


Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas
na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang
magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa
pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging
dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas.


Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.


Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa
mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.


Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang.
Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-
uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-
uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay
karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi
talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.


Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang
makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.
Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali.
At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.


Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga
bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga
magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga
pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo
nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa
ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.


Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin
ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.


Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng
maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay
hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang
nakalaan para sa isa't-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.


Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat
magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan.
Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.

You might also like