You are on page 1of 4

Sawikain...

Bukas ang Palad = Matulungin

Kabiyak ng Dibdib = Asawa

Butas ang bulsa = Walang pera

Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral

Kilos Pagong = Mabagal

Basag-ulo= pala Away

Bilang na ang araw= Malapit ng mamatay

Di makabasag-pinggan=Mahinhin

Salawikain

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


Ang hindi lumingon sa pinanggalingan hindi makakarating sa paruruonan

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.


Paliwanag: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin
ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pag kahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.


Paliwanag: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng
maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong din
sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.

Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.


Paliwanag: Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat
magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. Huwag
nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.

Magandang pamintana, masamang pang kusina.


Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na “magandang idispley
na siyota, pero tamad sa kitchen!” O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang
kasintahan o asawa, ngunit seksi o makisig pumorma.

Kadalasan, ang karikta'y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli Noong ibig
ipahamak.
Paliwanag: Totoo hangga ngayon, at ginagamit pa ring padron kahit sa telenobela, gaya
ng Marimar. Ang pisikal na ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama
ang isang tao.

Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.


Paliwanag: Ang “dangal” at “puri” ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa
“honor” sa Ingles. Kaugnay ng “puri” ang “chastity,” “virginity,” at “respect” ngunit hindi
limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang dalisay na loob ang isa pang katangian ng
kagandahan, at gagamitin kahit ng Katipunan.

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.


Paliwanag: Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na
hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang
taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng
patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalo pang
maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayroong ahas.


Paliwanag: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.


Paliwanag: Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka
rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.


Paliwanag: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat
ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang
nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o
masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Paliwanag: Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang
nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.


Paliwanag: Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang
makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.


Paliwanag: Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At
kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.
Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.
Paliwanag: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong
mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit
na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


Paliwanag: Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo
nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa
ibang tao.

Kasabihan
 Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
 Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
 Ang batang iyakin, nagiging mutain.
 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
 Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
 Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
 Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.
 Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
 Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.

 Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
 Ang buhay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsa sa ilalim
 Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
 Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating pagtanda.
 Ang batang malinis ang katawan, ay malayo sa karamdaman.
 Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
 Ang malinis at maayos, malapit sa Diyos.
 Ang kalinisan ng kapaligiran, ay magandang pagmasdan.
 Ang masamang ugali ay isusuka ng lipunan.
 Ang mabuting ugali ay patunay, ang maraming kaibigan
 Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
 Sundin mo ang sinasabi ko, hindi ang ginagawa ko.
 Ang batas ay hindi na kailangan, sa mga taong hindi gumagawa ng kasalanan.
 Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
 Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
 Ang mayaman ay lalong yayaman, kung sakim at walang pakialam.
 Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
 Kung may tiyaga, may nilaga.
 Kung gusto mong buhay na sagana, laging isaisip ang salitang tiyaga.
 Ang sipag at tiyaga kapag nagsama-sama, asahan mong bukas ay sagana.
 Walang lihin na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
 Ang katotohanan ang magpapalaya sa kasalanan.
 Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan, walang tayong maaasahan.
 Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.
 Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
 Ang tunay na karangalan, ay nag-uumpisa sa paggalang sa magulang.
 Para igalang ang magulang, anak ay turuan.
 Ang totoong kaibigan ay hindi ka uutangan.
 Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.

You might also like