You are on page 1of 2

Ang Binibining Tumalo sa Mahal na Hari (Kuwento ni Lola Basyang, Muling Isinalaysay ni Christine Belen) Tagapagsalita: Noon sa isang

kaharian sa Tundo ay may isang dalagang maganda at matalino. Siya ay si Sharay, anak ng isang utusan ng hari. Maraming lalaking nanliligaw sa kanya, at isa rito ang prinsipeng anak ni Datu Abdul. Bawal mag-asawa ang prinsipe at ang anak ng utusan. Ngunit hindi mapigilan ng datu ang prinsipe. Prinsipe: Si Sharay ay hindi lamang maganda. Matalino pa siya at may mabuting ugali. Tagapagsalita: Nagplano ang datu. Bibigyan niya ng pagsubok si Sharay. Inutusan niya si Lamukot, isang utusan na kaibigan ni Sharay. Datu: Hindi ito dapat malaman ninuman. Tagapagsalita: Malungkot na pumunta si Lamukot kay Sharay. Lamukot : Nag-utos ang datu na lutuin mo ang pipit na ito ng labindalawang putahe. Kung hindi mo sinunod, kamatayan ang parusa. Sharay: (magtanggal ng payneta): Pakisabi sa mahal na datu na gawin muna niyang labindalawang pinggan at sandok ang aking payneta upang mapaglagyan ng labindalawang putahe ng pipit. Tagapagsalita : Sa kinabukasan, bumalik si Lamukot kay Sharay. Lamukot: Nag-utos ang datu na ipagpalit mo ng ginto ang tupang ito, ngunit ibalik sa kanya ng buhay pagkatapos. Tagapagsalita: Tinanggal ni Sharay ang balahibo ng tupa. Nagbenta siya ng balahito kapalit ng ginto. Pagkatpos, pumunta siya sa datu upang isauli ang tupa at ibigay ang ginto. Ngunit hindi pa tapos ang pagsubok. Lamukot: May sakit ang datu. Kailangan niya ang gatas ng lalaking kalabaw. Hanapin mo ito. Tagapagsalita : Samantala, sinabi ng datu sa buong kaharian na walang taong maliligo o maglalaba sa ilog sa kinabukasan dahil maliligo siya roon. Nang gabing iyon, pinatay ni Sharay ang alagang baboy sa banig ng kanyang tatay. Kinabukasan, pumunta siya sa ilog at naglaba siya ng banig na puno ng dugo. Galit na galit ang datu dahil nakita niya ang dugo sa ilog. Datu : Bakit ka naglalaba ng banig? Hindi mo ba alam na ipinagbawal ko ito ngayon?

Sharay: Paumanhin po, mahal na datu. Ngunit nanganak ang aking tatay sa banig at kailangan kong ilaba ito. Datu: Hindi maaaring manganak ang lalaki! Sharay: Hindi rin maaaaring magkaroon ng gatas ang lalaking kalabaw. Tagapagsalita: Hindi nakaimik ang datu. Pumalakpak si Lamukot. Pagkatapos, pinayagan na ng datu na magkasal ang prinsipe at si Sharay. Alam niyang matalino si Sharay at marunong mamuno ng bayan.

You might also like