Narrator: Sa panahon ng sultan,may isang lugar na matatagpuan malapit sa Java Indonesia, at ito ay tinatawag na Kembayat. At sa lugar na iyon ay may namumunong Sultan, at mayroon siyang Kabiyak na nagdadalang-tao. At nang nalaman ito ng sultan ay labis niya itong ikinatuwa. Sultan: Aking mahal na esposa, natutuwa ako dahil natupad na ang matagal na nating hiniling. Sultana: Mahal kong sultan, siguro panahon na upang malaman ito ng ating mga nasasakupan. Sultan: Panahon na siguro mahal. Narrator: Pinatawag ng hari ang isa sa mga batyaw upang alalayan ang sultana. Sultan: Mga mamamayan ng Kembayat, nais kong ibahagi sa inyo ang magandang balita. Ang Kembayat ay mayroon ng tagapagmana, sapagkat ang ating mahal na Sultana ay ilang buwan nang nagdadalang-tao. Mamamayan: *palakpakan *hiyawan Narrator: Ang lahat ng mamamayan ay masaya, nang…. Pinunong batyaw: Nandiyan na ang ibong Garuda! Magsitago kayong lahat! Mga batyaw magsi-handa! Batyaw: Masusunod Pinuno! Garuda: Kakaw! Kakaw! HAHAHAHA! Kay sarap tingnan na ako’y inyong kinakatakutan! Narrator: Ang buong kaharian ay napilitang umalis at magtago sa namumuksang ibon. Habang napahiwalay sa kanila ang Sultan at Sultana. Sa kanilang paglalakad, ay naabutan ng panganganak ang sultana sa tabing ilog. Sultana: AHH! Lalabas na siya! AHH Mahal! Sultana: Ire aking mahal! Kaunting tiis nalang at lalabas na ang ating supling! Sultana! AAHH! Sanggol: Uwa! Uwa! Sultan: Napakaganda ng ating anak mahal, ngunit kailangan natin siyang itago upang hindi siya makuha ng Garuda. Sultana: Ano ang gusto mong ipahiwatig mahal? Sultan: Kailangan natin siyang iwan dito, upang siya ay maligtas. At upang hindi na tayo mahirapan sa pagtatago. Sultana: Aking anak, iiwan ka naming dito para sa ngayon. At pangako babalikan ka namin pagkatapos ng trahedyang ito. Mahal na mahal ka namin ng iyong ama, Paalam. Garuda: Kakaw! Kakaw! Sultan: Bilisan mona at paparating na ang ibong Garuda. Narrator: Bagamat halos madurog na ang puso ng Sultana. Napilitan parin silang iwan ang sanggol sa bangkang nasa tabing ilog, dahil sa takot nila sa Garuda. At saka sila nagpatuloy sa pagtatago. Narrator: Nang araw na iyon, ay namamasyal sa tabing ilog ang pinakamayamang mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura kasama ang kaniyang asawa. Nang sila ay nakarinig ng iyak ng sanggol at ito ay agad nilang hinanap. Sanggol: Uwa!! Uwa!! Uwa!! Diyuhara: Naririnig mo ba iyon? Asawa ni Diyuhara: Oo, mukhang may naiwang sanggol. Diyuhara: Halika at hanapin natin ang sanggol. Sanggol: Uwa! Uwa! Diyuhara: Natagpuan ko na ang sanggol! napakagandang sanggol. Pagkaganda- ganda naman ng sanggol na ito, sino kaya ang iyong mga magulang? At bakit nila iniwan ang isang anghel na tulad mo dito? Asawa ni Diyuhara: Mabuti pang dalhin muna natin siya sa bahay upang alagaan. Narrator: Dinala nila agad ang sanggol sa kanilang bahay at binigyan siya ng tagapag-alaga at higaang may kalupkop na tunay na ginto. Dyuhara: Mga katulong! Katulong: Ano ho iyon? Diyuhara: Nais kong alagaan niyo ang sanggol na ito at simula ngayon ay siya na ang magiging anak namin. Katulong: Masusunod ho. Asawa ni Diyuhara: Ngunit hindi natin alam ang pangalan nitong sanggol, bakit hindi nalang tayo ang mag bigay ng pangalan niya? Diyuhara: Oo nga, bigyan natin siya ng magandang pangalan na mag babagay sa kaniyang maganda at mala-anghel na mukha. Asawa ni Diyuhara: Mayroon kabang naisip na pangalan? Diyuhara: Bidasari! Siya ay tawagin nating Bidasari. Asawa ni Diyuhara: Napakagandang pangalan, ito ay talagang nababagay sa kaniya. Narrator: Habang lumalaki, si Bidasari ay lalong gumaganda. Maligayang maligaya siya sa piling ng nakagisnang mga magulang. Bago siya matulog ay kinakantahan siya ng kaniyang tagapag-alaga ng isang Oyayi. (Ugoy ng Duyan) Katulong: Bidasari, Kailangan mo nang matulog at baka mapagalitan pa tayo ng iyong ama’t ina. Bidasari: Ngunit ako’y hindi pa inaantok. Katulong: Halika rito at kakantahan ka namin. Katulong: Ipikit mo na ang iyong mga mata at matulog. (Kinantahan ng Oyayi) Narrator: Sa bayan ng Indrapura ay mayroong sultan na nagngangalang Mogindra, siya ay dalawang taon ng kasal sa kanyang asawa na si Lila Sari, ngunit sa tagal ng kanilang pagsasama ay natatakot pa rin si Lila Sari na baka makahanap ng mas maganda sa kanya ang kaniyang asawa at siya ay iwanan nito. Lila Sari: Kung may makita kang lalong maganda kaysa sa akin, malimutan mo kaya ako? Mogindra: Kung may lalong mas maganda kaysa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat! Narrator: Sapagkat hindi sang-ayon ang sultana sa sinabi ng asawa, kinabukasan siya ay nagpadala ng mga batyaw sa bawat dako ng kanilang bayan upang malaman kung mayroon pang mas maganda sa kaniya. At narating ng mga batyaw ang bahay nila nina Diyuhara. Batyaw: Tao po! Tao po! Diyuhara: Ano po iyon? Batyaw: Magandang umaga po sa inyo, kami po ay mga batyaw mula sa palasyo. Batyaw: Maari po ba naming makita o makilala ang mga kababaihang parte ng inyong pamilya sapagkat kami ay inatasan ng sultana na maghanap ng kaniyang gagawing dama.
Diyuhara: Sa malamang aking ipagmamalaki ang aking anak na napakaganda.
Bidasari, Bidasari maaari ka bang lumabas dito at ipakita ang iyong mala-diyosang ganda. Bidasari: Aking mahal na ina, narito na po, lalabas na sa malaking pintuan ng mala- mansyon nating bahay. Batyaw: Tunay nga na nakakabighani ang taglay niyang ganda. Batyaw: Mala-anghel ang mukha na mayroon siya. Paniguradong maiingit ang sultana dahil sa kaniyang kagandahan. Diyuhara: Aking ipinapakilala sa inyo ang aking anak na si Bidasari. Batyaw: Magandang binibini maaari ka ba naming imbitahan at dalhin sa palasyo? Bidasari: Bago ako sumama sa inyo, nais ko munang malaman kung ano ang dahilan ng inyong pag-imbita sa akin. Batyaw: Ikaw ay aming iimbitahan sa kadahilanang kami ay inatasan ng sultana na maghanap ng magandang dalaga upang gawin niyang dama. Bidasari: Kung sa ganon rin lang, ako ay sasama sa inyo ng walang pag- aalinlangan. Narrator: Sa paniniwalang siya ay gagawing dama ng sultana, si Bidasari ay dinala sa palasyo at doon ay nakilala niya si Lila Sari. Lila Sari: Kay gandang pagmasdan na Makita ko sa aking harapan ang babaeng maaring maging dahilan ng pagkasira ng relasyon na mayroon kami ng aking esposo. Bidasari:Ano ba ang aking kasalanan at ako ay inyong sinasaktan? Lila Sari: HAHAHAHAHA! Gusto mong malaman kung bakit kita sinasaktan? Kung bakit nandito ka ngayon at nakaluhod sa aking harapan? Kung baki gustong- gusto kitang parusahan? Wari’y hindi ko nga rin maintindihan kung bakit kita kinakatakutan, ang alam ko lamang ay maaari mo akong palitan sa taglay mong kagandahan na hindi mapapantayan ng kahit sino man! Bidasari: Patawad kung ganon, ngunit hinding-hindi ko naman ginusto na magkaroon ng mukhang mas maganda kaysa sa’yo. Lila Sari: Napaka-kapal naman ng iyong mukha para pagsalitaan ako ng ganyan! Anong Karapatan ang mayroon ka para insultuhin at maliitin ang isang tulad ko?! Mga batyaw! Ikulong niyo siya at siguraduhin niyong hindi ito malalaman ng sultan, maliwanag? Batyaw: Masusunod mahal na sultana. Narrator: Ipinakulong ni Lila Sari si Bidasari, at sa tuwing umaalis ang sultan ay pinapasok niya ito upang saktan at pagsabihan ng masasakit na salita. Narrator: Dumating ang araw na hindi na nakatiis si Bidasari kayat kaniyang kinausap si Lila Sari. Bidasari: Kung ibig ninyo akong mamatay, kunin ninyo ang isdang ginto sa hardin ng aking ama. Lila Sari: Inuutusan mo ba ako?! Bidasari: Hindi, ngunit kung nais mo nga akong mawala ay susundin mo ang lahat ng sasabihin ko. Lila Sari: At bakit naman ako maniniwala sa isang katulad mo, kung sa tingin mo na ako ay iyong malilinlang, pwes nagkakamali ka sapagkat ako ay hindi uto-uto. Bidasari: Kung sa tingin mo ay niloloko kita, sana ay mapag-isipan mo rin na mas gugustohin ko pang mamatay kesa paulit-ulit mo akong saktan kaya sana ay paniwalaan niyo ang lahat ng sasabihin ko. Kung ibig ninyo akong mamatay kunin niyo ang isdang ginto sa hardin ng aking ama, kapag araw ito ay ikuwintas ninyo at sa gabi ay ibalik niyo sa tubig, sa gayon, hindi malalaon at ako ay mamamatay. Lila Sari: Gagawin ko ang lahat ng iyong sinabi, ngunit kapag nalaman ko na ako ay niloloko mo lamang, asahan mo na hindi lang ikaw ang magdudusa, ngunit pati na rina ng iyong pamilya. Bidasari: Nakasisigurado naman ako na hindi na madadamay pa ang pamilya ko rito. Narrator: Agad na ipinatawag ni Lila Sari ang mga batyaw para kunin ang kuwintas na tinutukoy ni Bidasari, agad namang sumunod ang mga batyaw sa utos ng sultana. At nagtagumpay sila sa pagkuha ng isdang ginto. Lila Sari: HAHAHAHAHAHA, nasa akin na ang kuwintas mo, subukan ko nga baka niloloko mo lang ako. HAHAHHAHA nangyari na nga ang pinakahihintay ko, ako na ang pinakamagandang babae na nabubuhay sa balat ng lupa. Batyaw: Gumana nga mahal na sultana. Narrator: Ibinalik na ng sultana si Bidasari sa kanilang pamilya, sa araw si Bidasari ay nakaburol at sa gabi naman siya ay nabubuhay. Sa sobrang takot ni Diyuhara na baka patayin ng sultana si Bidasari, itinago niya si Bidasari sa ipinatayong palasyo na nakatago sa kagubatang malayo sa Indrapura. Lila Sari: Tiyak na tiyak na wala na sa buhay namin si Bidasari, wala nang makakaagaw pa sa aking mahal na esposo. Narrator: Isang araw, sa sobrang pagkabagot ng sultan, siya ay nagpasiyang pumunta sa kagubatan para mangaso. Sultan: Usa! Wag kang tumakas! Usa! Bumalik ka rito! Hmmmm, nakakapagtaka bakit may palasyo sa gitna ng gubat? Babalikan ko na lang ito bukas. Narrator: Dahil hindi alam ng sultan kung ano ang nasa loob ng palasyo kaya’t gustong-gusto niya itong pasukin. Isa-isa niyang pinasok ang mga silid, at sa isang silid ay may nakita siyang isang babaeng may mala-anghel na katangian, subalit ito ay tulog pa. Hinintay ng sultan na gumising ang babae. Bidasari: Sino kaba at bakit ka nandito? Sultan: Magandang binibini wala akong masamang balak, ako ang sultan ng Indrapura. Bidasari: Paumanhin po mahal na sultan sapagkat ako ay antok pa. Ako po si Bidasari anak ng mangangalakal na nagngangalang Diyuhara. Sultan: Binibini, maaari ko bang malaman kung ano ang ginagawa mo rito sa gitna ng gubat? Bakit ka ba nag-iisa sa palasyong ito? Bidasari: Mahal na sultan ako po ay naparito dahil ako ay natatakot na baka ako ay patayin ng inyong asawa na si Lila Sari. Sultan: At bakit ka naman niya papatayin? May nagawa ka bang masama? Bidasari: Wala po akong may nagawang masama, ni hindi ko nga po alam kung bakit niya ako sinaktan. Narrator: Sinabi ni Bidasari ang lahat ng nangyari sa kaniya. Sultan: Ano?! Labis niya talaga itong pasisisihan. Sultan: Binibini, maaari ba kitang pakasalan? At tayo’y magsasama na habang buhay. Narrator: Dahil pumayag si Bidasari, nag desisyon kaagad sila na magpakasal. At si Bidasari ang pinaupo sa trono, habang si Lila Sari naman ay napilitang magpaiwan sa kaniyang palasyo. Narrator: Pagdaan ng maraming taon, ngayo’y bumalik na sa Kembayat ang mga naninirahan noon. At nagkaroon pa nang isang anak ang mga tunay na mga magulang ni Bidasari, na nagngangalang Sinapati. Narrator: At isang araw, ang isa pang anak ni Diyuhara, habang naglalakad ay may nakita siyang babae. Napansin niyang magkapareho sila nang mukha ng itinuturing niyang ate na si Bidasari. Anak ni Diyuhara: Hala! Sino ba ‘yan? Parang si ate Bidasari. Narrator: Nilapitan niya ito at nagtanong. Anak ni Diyuhara: Binibini, maari po bang malaman ang iyong pangalan at magtatanong po sana ako kung kayo’y magkakilala ni ate Bidasari? Sinapati: Ako ng apala si Sinapati, pero wala akong kilalang Bidasari. Bakit mo naitanong? Narrator: Ipinaliwanag niya ang lahat kay Sinapati ang tungkol kay Bidasari, at sinabi niya na nakuha lang si Bidasari tabing ilog. At sila’y naging matalik na magkaibigan. Narrator: At naitanong ni Sinapati sa kaniyang mga magulang ang tungkol kay Bidasari. At nalaman niyang may kapatid pala siyang nawawala. At napag-isipan niyang pumunta silang mag-papamilya sa Indrapura, kasama ang pamilya ng mga mangangalakal. Sinapati: Inay, Itay, pwede po ba tayong dumayo sa kaharian ng Indrapura? Upang mapatunayan natin na si Bidasari talaga ang nawawala kong kapatid. Sultan: Sige anak, pagsapit ng umaga ay tutungo agad tayo sa Indrapura. Narrator: Kinabukasan ay naglakabay agad ang pamilya ni Sinapati papuntang Indrapura kasama ang Pamilya ng mangangalakal. At agad nilang sinalubong ang mga batyaw na nagbabantay sa kaharian. Sultan: Nandito na tayo! Sultana: Mawalang galang po, pwede po ba naming Makita ang Sultanang Bidasari? Pinunong Batyaw: Mukhang baguhan lang kayo rito. Sinu-sino ba kayo? At bakit nais niyong makita ang Sultanang Bidasari? Sultan: Ako po ang Sultan ng Kembayat, kaharian malapit sa Java. Sila’y aking pamilya. Nais sana naming siyang makausap. Pinunong Batyaw: Mga batyaw, sila ay nanggaling sa Kaharian ng Kembayat. Batiin natin. Mga Batyaw: Mahal na sultan at pamilya ng Kembayat, maligayang pagdating sa kaharian. Pinunong Batyaw: Maari na po kayong pumasok. Narrator: At biglang dumating si Bidasari kasama si Mogindra. Agad itong sinalubong ng pinunong batyaw. Batyaw: Sultana Bidasari, may gusto pong makipag-usap sa inyo. Bidasari: Sinu-sino? Batyaw: Ang pamilya ng kahariang Kembayat at pamilya ng iyong ina na si Diyuhara. Narrator: Nang papasok na si Bidasari, nagulat ang pamilya sa kanilang nakita dahil totoong magkamukhang-kamukha sina Sinapati at Bidasari. Narrator: At agad itong sinalubong ni Sinapati. Sinapati: Mahal na Sultana, ako ito si Sinapati. Ikaw nga siguro ang aking nawawalang kaptid. Bidasari: Kapatid? Diyuhara: Oo, Siya ang iyong kapatid. Nais ko sanang ipagtapat sa’yo na ika’y nakuha lang naming ng iyong ama nang ika’y sanggol pa lamang. Asawa ni Diyuhara: Naawa kami sa iyo dahil iniwan ka nang totoo mong magulang sa kadahilanang, hindi ka nila gustong mapahamak sa ibong Garuda. Kaya napag- isipan naming ika’y kupkopin at alagaan nang Mabuti. Diyuhara: Bidasari, anak sila nga pala ang totoo mong mga magulang. Sultan: Anak! Nagagalak kaming Makita ka, patawad dahil iniwan ka namin ng iyong Ina. Sultana: Napakagandang babae nang ating anak, anak ko sana maintindihan mo ang ating kalagayan noon kaya ka naming iniwan. Salamat na rin Mogindra at minahal mo at inalagaan si Bidasari. Mogindra: Walang-ano man po. Bidasari: Sa tagal ng panahon, ngayon ko lang nalaman na kinupkop lang pala ako. Pero naiintindihan ko po ang inyong ginawa, sapagkat ang inyong iniisip ay ang aking kaligtasan at kapakanan. Pero kahit kailan hinding-hindi ako magtatanim ng kahit konting sama ng loob sa inyo. At sa inyo naman aking ama at inang Diyuhara, maraming Salamat po sa pagkupkop ninyo sa akin. Hinding hindi ko po ito pagsisisihan. Narrator: At sa sobrang kasabikan ay mahigpit nilang niyakap ang isa’t-isa. Narrator: At sa araw na iyon, ay ipinakilala si Bidasari bilang isang tunay na prinsesa ng Kembayat. Narrator: Ang lahat ng nangyari ay inanunsyo nang pamilya, at lahat nang mamamayan ay nagsihiyawan dahil sa sobrang galak. At mula sa araw na iyon sila ay namuhay ng masaya at kampante.